Ang pag uugali ni Granny Quinn ay kumpirmasyon para sa paghihinala ni Jim, at sumingkit ang mga mata niya. “Ang gusto ko lang ay tingnan ang kama mo, Granny Quinn. Bakit ka nagagalit?” Tumawa siya at lumapit siya kay Granny Quinn. Mas naging istrikto ang boses niya at sinabi niya, “Ano ang tinatago mo sa ilalim ng kama mo?” Dumilim ang ekspresyon ni Granny Quinn nang marinig niya ito. Umubo siya ng mahina, pagkatapos ay ngumiti siya ng awkward. “Pasensya na—overacting lang ako siguro kanina.” Patuloy siya sa pag ubo sa kamao niya, nagpanggap siya na nanghihina, at sinabi niya, “Nabigla lang ako, ‘yun lang… Ito ang unang beses na pumasok kayo ng girlfriend mo sa kwarto ko, Mr. Landry, at dinemanda mo pa na tingnan ang kama ko!” “Sa totoo lang, isang matandang babae na ako ngayon, at natural… nabigla ako sa hiling mo na ito.” “Tutal, ano pa ang kailangan mong tingnan sa isang madumi at magulong kama ng isang matanda at mahinang babae?” Pagkatapos, tumingin siya na parang nagm
Gayunpaman… Pareho ang iniisip ni Bonnie kay Jim. Ang kadiliman na nasa harap nila ay maaaring ang pinaka mapanganib na bagay na makaharap nila, kaya’t paano niya hahayaan si Jim na harapin ito ng mag isa? Naaalala niya pa rin… Noong nasa bahay ampunan sila, sinabi ni Jim kay Bonnie dati na sikreto niya na takot siya sa dilim. Sa nakalipas na taon na magkasama sila, aasarin minsan ni Bonnie si Jim dahil takot ito sa dilim. Kahit na ang mga damdamin niya ngayon kay Jim ay pagkamuhi kaysa pag ibig, hindi nagbago ang katotohanan na iisang tao dating Jim at ang Jim ngayon, kaya’t pareho ang kinakatakutan nila. Sa sandali na maisip ito ni Bonnie, mas naging determinado siya na sumama kay Jim. “Kapag hindi mo ako sinama, hindi kita hahayaan na pumunta doon.” Napuno ng init ang puso ni Jim nang marinig niya ito. Tumalikod siya para tumitig kay Bonnie, na siyang mga mata ay puno ng determinasyon at pag aalala. Alam niya na hindi nagdadabog si Bonnie at hindi siya sinasadyan
Tumalon ang puso ni Bonnie nang marinig niya ito. Pamilyar siya sa boses na ito. Sa nakalipas na taon na magkasama sila ni Jim, kasama niya rin si Jim, kaya naman, ang bestfriend ni Harvey, si June, ay laging kasama ni Bonnie ng buong araw. Hindi pwedeng hindi makilala ni Bonnie ang boses ni June! “Tulungan niyo ako—” “Tulungan niyo ako, pakiusap—!” Ang mga sigaw ni June ay mas malakas pa kaysa sa huli. Nararamdaman ni Bonnie na humigpit ang mga ugat sa kanyang katawan, at hindi niya mapigilan na manginig sa lugar habang naglalakad siya papunta sa direksyon ng boses. Biglang kumunot ang noo ni Jim at humigpit ang hawak niya sa kamay ni Bonnie. “‘Wag kang kumilos ng basta basta.” Naglakad siya paharap para protektahan ang katawan ni Bonnie sa likod niya, pagkatapos ay nagpatuloy siya na maglakad papunta sa direksyon ng boses. Hindi nagtagal, nakarating sila sa isang kulungan, at ang pinto papunta dito ay bahagyang nakabukas. Habang mas malapit sila, mas lumakas ang
“Ang sakit, Aunt Bonnie… sobrang sakit…” Nabasag ag puso ni Bonnie nang makita niya ito. Hinawakan niya ng malapit si June at tumingin siya sa dalawang katulong, na siyang hinuli ng mga guard. “Sino ang nag utos sa inyo na gumawa nito? Paano niyo nagawa ito sa isang anim na taong gulang na bata?” Ang babaeng nakasandal sa sofa at tumingin ng malamig kay Bonnie, ngunit hindi ito sumagot. Ngunit, ang isa naman ay nataranta, “S—Sumusunod lang kami sa mga utos ni Mr. Simms! Sinabi niya sa amin na hiwain ang balat sa mga braso niya… at pagkatapos… ay ibigay ito sa tatay niya…” “Sa ganun… ang tatay ng bata ay ibibigay ang gusto ni Mr. Simms para maligtas ang anak niya!” Kumunot ang noo ni Jim nang marinig niya ito. “Ano ang meron si Christopher na mahalaga para kay Quentin na gagawin niya ang lahat para makuha niya ito?” Hindi ito naiintindihan ni Jim. Isang doctor lamang si Christopher, kaya’t ano ang meron siya na hindi kayang tanggihan ni Quentin? “Hindi… Hindi ko po alam.
Napuno ng takot ang mga mata ng katulong. Gayunpaman, makalipas ang ilang sandali, bumalik siya sa sarili at lumingon siya para tumitig ng malamig ay Jim. “Hindi ko po alam kung ano ang sinasabi niyo, Sir.” “Tulad po ng katulong sa tabi niyo, inutusan lang po ako ni Mr. Simms para gawin namin ito. Wala po kaming balak na saktan siya, at sana ay kayo ng… ng magandang babaeng ito ay magpakita ng awa sa amin.” Namamaos ang boses ng babaeng ito, parang isang sirang pinto. Hindi mapigilan ni Jim na kumunot ang noo niya nang marinig niya ito. Base sa hula niya, inutusan siguro ni Quentin si Charlotte na magpanggap bilang isa sa mga katulong, at base sa pagiging tahimik ng katulong nito simula nang pumasok sila ng kwarto, medyo kampante siya na ito ay si Charlotte. Gayunpaman… Naaalala niya ang boses ni Charlotte, at kahit na hindi mahimig ang boses ni Charlotte, klaro ito, hindi tulad ng tunog na lumalabas sa lalamunan ng babaeng ito! Ito rin ang nasa isip ni Bonnie. Noong
Mabilis na sinuot ng katulong ang mask niya, pagkatapos ay tumingin siya na tila nagmamakaawa siya kila Jim at Bonnie. “Pakiusap, hindi ako isang masamang tao. Pwede bang… Pwede bang magpakita kayo ng awa sa akin?” Kumunot ang noo ni JIm, tumitig siya sa babae, pagkatapos ay tumingin siya kila Bonnie at June. Tinakpan niya ang mga mata ni Bonnie at tumingin siya sa isa pang katulong, na nakatulak sa sahig dahil sa isa sa mga guard. “Tanggalin mo rin ang mask mo.” Tumango ang babae at sinundan niya ang utos ni Jim. Ang mukha ng babaeng ito ay sinira rin hanggang sa hindi na ito makilala. “Anak ka rin ba ni Quentin?” Ang tanong ni Jim, nakakunot ang noo niya. Umiling ang babae. “Hindi, hindi po. Paano naman ako… naging anak ni Mr. Simms? Si Char—ang babaeng nasa tabi niyo lang po ang anak ni Mr. Simms.” Pagkatapos, mabilis niyang sinuot ang kanyang mask, lumapit siya sa tabi ng isa pang katulong, at dahan dahan siyang kumapit sa braso nito. Pagkatapos, tumingin siya kay Jim
Tumingin si Bonnie kay Jim na tila nalilito siya, pagkatapos ay nagbuntong hininga siya at hinawakan niya ng malapit si June habang umaakyat siya ng hagdan, sumunod siya kay Jim. Kahit na hindi nila mahanap si Charlotte, at least ay nahanap nila si June. Hinimas ni Bonnie ang kalbong ulo ni June at tumawa siya. “Dinalhan kita ng maraming sombrero, may ilan sa kanila na may kasamang wig. Hindi ba’t gusto mo na madalas ka magbago ng hairstyle? Kapag umuwi na tayo, pwede mong tuparin ang mga hiling mo at pwede kang magbago ng hairstyle mo araw araw!” Tumigas ang katawan ni June nang marinig niya ang maamong boses ni Bonnie. Makalipas ang ilang sandali, lumingon siya para tumingin kay Bonnie gamit ang malaking mga mata. “Gaano karami?” Lumambot ang puso ni Bonnie nang makita niya ito. Tutal, anim na taong gulang pa lang si June. Kahit na trinato siya ng masama at marami siyang sugat, hindi niya pa rin mapigilan ang intriga niya at tinanong niya kung gaano karaming hairstyle a
Noon, wala pang anak si Bonnie at hindi niya alam ang tungkol kay Harvey, kaya’t hindi niya maintindihan ang sakit at paghihirap ng pagiging isang magulang. Ngunit, ngayon at magkasama na sila ni Harvey, pati na rin ang maliit na sanggol sa tiyan niya, naiintindihan niya na ang pagiging isang magulang. Ang isang halimaw na tulad ni Quentin ay hindi nararapat maging isang tatay! “Ano ba ang pinagsasabi mo?” Hindi mapigilan ni Quentin na sumimangot nang marinig niya ito. Tumingin siya ng malamig sa dalawang babae na hinuli ng mga tauhan ni Jim. Ang isa sa kanila ay nakayuko, habang ang isa naman ay nakatingin sa harap, may bahid ng sama ng loob sa kanyang walang takot na mga mata. Sumingkit ang mga mata ni Quentin. “Kalokohan ito! Paano naman ako magkakaroon ng anak? Wala pa akong asawa, kaya’t saan naman manggagaling ang anak ko?” Si Granny Quinn, na siyang nakahiga pa rin sa kama, ay hindi mapigilan na ngumisi nang marinig niya ito. “Tama; paano naman magkakaroon ng anak si