Mabilis na sinuot ng katulong ang mask niya, pagkatapos ay tumingin siya na tila nagmamakaawa siya kila Jim at Bonnie. “Pakiusap, hindi ako isang masamang tao. Pwede bang… Pwede bang magpakita kayo ng awa sa akin?” Kumunot ang noo ni JIm, tumitig siya sa babae, pagkatapos ay tumingin siya kila Bonnie at June. Tinakpan niya ang mga mata ni Bonnie at tumingin siya sa isa pang katulong, na nakatulak sa sahig dahil sa isa sa mga guard. “Tanggalin mo rin ang mask mo.” Tumango ang babae at sinundan niya ang utos ni Jim. Ang mukha ng babaeng ito ay sinira rin hanggang sa hindi na ito makilala. “Anak ka rin ba ni Quentin?” Ang tanong ni Jim, nakakunot ang noo niya. Umiling ang babae. “Hindi, hindi po. Paano naman ako… naging anak ni Mr. Simms? Si Char—ang babaeng nasa tabi niyo lang po ang anak ni Mr. Simms.” Pagkatapos, mabilis niyang sinuot ang kanyang mask, lumapit siya sa tabi ng isa pang katulong, at dahan dahan siyang kumapit sa braso nito. Pagkatapos, tumingin siya kay Jim
Tumingin si Bonnie kay Jim na tila nalilito siya, pagkatapos ay nagbuntong hininga siya at hinawakan niya ng malapit si June habang umaakyat siya ng hagdan, sumunod siya kay Jim. Kahit na hindi nila mahanap si Charlotte, at least ay nahanap nila si June. Hinimas ni Bonnie ang kalbong ulo ni June at tumawa siya. “Dinalhan kita ng maraming sombrero, may ilan sa kanila na may kasamang wig. Hindi ba’t gusto mo na madalas ka magbago ng hairstyle? Kapag umuwi na tayo, pwede mong tuparin ang mga hiling mo at pwede kang magbago ng hairstyle mo araw araw!” Tumigas ang katawan ni June nang marinig niya ang maamong boses ni Bonnie. Makalipas ang ilang sandali, lumingon siya para tumingin kay Bonnie gamit ang malaking mga mata. “Gaano karami?” Lumambot ang puso ni Bonnie nang makita niya ito. Tutal, anim na taong gulang pa lang si June. Kahit na trinato siya ng masama at marami siyang sugat, hindi niya pa rin mapigilan ang intriga niya at tinanong niya kung gaano karaming hairstyle a
Noon, wala pang anak si Bonnie at hindi niya alam ang tungkol kay Harvey, kaya’t hindi niya maintindihan ang sakit at paghihirap ng pagiging isang magulang. Ngunit, ngayon at magkasama na sila ni Harvey, pati na rin ang maliit na sanggol sa tiyan niya, naiintindihan niya na ang pagiging isang magulang. Ang isang halimaw na tulad ni Quentin ay hindi nararapat maging isang tatay! “Ano ba ang pinagsasabi mo?” Hindi mapigilan ni Quentin na sumimangot nang marinig niya ito. Tumingin siya ng malamig sa dalawang babae na hinuli ng mga tauhan ni Jim. Ang isa sa kanila ay nakayuko, habang ang isa naman ay nakatingin sa harap, may bahid ng sama ng loob sa kanyang walang takot na mga mata. Sumingkit ang mga mata ni Quentin. “Kalokohan ito! Paano naman ako magkakaroon ng anak? Wala pa akong asawa, kaya’t saan naman manggagaling ang anak ko?” Si Granny Quinn, na siyang nakahiga pa rin sa kama, ay hindi mapigilan na ngumisi nang marinig niya ito. “Tama; paano naman magkakaroon ng anak si
“Bakit mo ito sinasabi, Mr. Simms?” Sumingkit ang mga mata ni Jim. “Idedeklara ko ba ito kung wala pa sa akin ang sagot?” Noong nasa kulungan sila, palihim niyang minarkahan ang dalawang babae para malaman niya ang pagkakaiba nito. Palihim na inutos ni Jim na ‘aksidenteng’ punitin ang damit ng babaeng nagsabi na anak siya ni Quentin habang dinala sila paakyat ng hagdan. Habang iniisip ito, tumayo si Jim at naglakad siya palapit sa katulong na may punit na damit, may malamig na ngiti sa kanyang mga labi. “Maging ako, si Joshua, o si Luke; hindi namin maintindihan kung bakit malapit si Charlotte sa pamilya Quinn, sa punto na inagaw nila si Charlotte mula sa amin kahit na labag ito sa batas.” Sa sandali na sabihin niya ito, tumingin siya ng malamig kay Quentin, na siyang may maputlang mukha. “Dahil sa sinabi ng katulong na ito, naalala ko na…” Tumawa siya at nagpatuloy siya, “Isang ulila si Charlotte, at kung anak mo nga siya, Mr. Simms, tama lang ang lahat ng ito.” Nawala ang
Kung kahit na si Jim, ang lalaking kasama ni Charlotte ng maraming buwan, ay hindi kayang maglabas ng ebidensya para malaman ang pinagkaiba nila, walang iba pang mas may alam. Sa sandali na maisip ito ni Quentin, hindi niya mapigilan na tumawa. “Hindi ka na sigurado kung paano ka magsisinungaling, hah, Mr. Landry?” Umupo siya sa isang malapit na sofa, at umupo siya ng komportableng posisyon, pagkatapos ay tumingin siya ng malamig kay Jim. “Mr. Landry, ginulo niyo ni Ms. Craig ang pahinga ng ninang ko, pumunta sa kulungan na ito, at nahanap niyo ang dalawang katulong na hindi niyo naman alam ang pinagkaiba.” “Ngayon, sinasabi niyo pa na ang isa sa mga katulong ay si Charlotte, at sinabi niyo anak ko pa siya… Malakas ang imahinasyon mo. Sayang naman at hindi ka naging isang writer!” Sumingkit ang mga mata ni Jim nang marinig niya ito. Biglang napagtanto ni Jim na wala siyang maisasagot kay Quentin. Lumingon siya para tumitig sa dalawang babae, na hindi lang magkapareho sa tan
Tama nga, may pangit na pulang balat sa kaliwang balikat ng katulong. Makalipas ang ilang sandali ng pagkagulat, bumalik sa sarili si Bonnie sa bigla niyang napagtanto. Sa huli, tama nga siya; gumawa ng pekeng balat si Charlotte para magpanggap na siya si Number-9. Gayunpaman… mali ang pagkakaalala ni Charlotte sa posisyon ng balat na ito! Ang balat ni Bonnie ay nasa kanang balikat, ngunit nagkamali si Charlotte na nasa kaliwang balikat ito, kaya’t naglagay siya ng pekeng balat dito! Sumingkit ang mga mata ni Charlotte nang mapagtanto niya na nabunyag na siya, pagkatapos ay mabilis siyang umatras at nagpanggap siyang galit, tinaas niya ang manggas niya para takpan ang balat niya. “Ano ang ginagawa niyo sa akin? Walang hiya kayo para ipahiya ako ng ganito.” “Bakit nagpapanggap ka pa rin, Charlotte?” Ang sabi ni Luna, nakakunot ang kanyang noo. “Nabunyag na ang pagkakakilanlan mo, at wala nang magagawa ang pagpapanggap mo.” “Hindi ako sumasang-ayon.” Ngumisi si Charlotte at
Hindi mapigilan na isipin ni Bonnie na ang kutsilyo na ginamit ni Charlotte ay hindi malinis, kaya’t hindi siya tumigil sa pag aalala hanggang sa masuri ng doctor ang sugat ni Jim. Kumunot nag noo ni Jim, ngunit hindi siya sumagot, at sa halip ay hinayaan niya sina Bonnie at Gwen na ilabas siya ng kwarto. Pagkatapos nilang umalis, tumingin ng malamig si Luke sa maputlang mukha ni Quentin at sinabi niya, “Mr. Simms, binigay na nila sayo ang ebidensya na gusto mo.” “Kahit si Charlotte mismo ay umamin sa tunay na pagkakakilanlan niya, at nagtangka pa ulit siyang manakit ng isang tao.” “Ngayon, sang ayon ka na dapat nanalo sa pustahan si Bonnie, hindi ba?” Sumingkit ang mga mata ni Quentin nang marinig niya ito. Napuno ng pagkamuhi ang mga mata niya habang nakatingin siya kay Charlotte, na siyang hinuli ng mga guard. Hindi na dapat niya kinaawaan si Charlotte! Alam niya sa simula pa lang na ang anak niyang ito ay walang kwenta, ngunit naawa pa rin siya dito at tinulungan ni
Base sa kung paano tingnan ni Luna si Riley, alam ni Quentin na tama ang desisyon niya na kunin si Riley. Noong una, balak niya gamitin ang sanggol na ito para sa ibang bagay, ngunit dahil kay Charlotte, nasira na ang plano niya. Tumingin siya kay Charlotte, tinawanan niya ang sarili niya dahil walang kwenta ang anak niya. Patuloy sana siya sa paghawak kay Riley para gamitin ito laban kay Joshua, gagamitin niya ang sanggol lalo na kapag may masamang sitwasyon, kung hindi lang dahil sa kagagawan ni Charlotte. May chansa sana para tumakas si Charlotte, ngunit masyado siyang pakialamera at pinilit niya si Quentin na gamitin ang alas niya! Kumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya sa sanggol na yakap ni Quentin. Tumayo siya harap ni Luna at sinabi niya, “Mr. Simms, gagamitin mo ba ang batang ito kapalit ni Charlotte?” Ngumiti si Quentin. “Sa tingin ko ay tama lang na ipagpapalit ko ang anak mo sa anak ko, tama ba?” Ngunit, dahil sa sinabi niya, nabigla si Granny Quinn dito at su