Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 2191 - Kabanata 2200

3080 Kabanata

Kabanata 2191

Noon, wala pang anak si Bonnie at hindi niya alam ang tungkol kay Harvey, kaya’t hindi niya maintindihan ang sakit at paghihirap ng pagiging isang magulang. Ngunit, ngayon at magkasama na sila ni Harvey, pati na rin ang maliit na sanggol sa tiyan niya, naiintindihan niya na ang pagiging isang magulang. Ang isang halimaw na tulad ni Quentin ay hindi nararapat maging isang tatay! “Ano ba ang pinagsasabi mo?” Hindi mapigilan ni Quentin na sumimangot nang marinig niya ito. Tumingin siya ng malamig sa dalawang babae na hinuli ng mga tauhan ni Jim. Ang isa sa kanila ay nakayuko, habang ang isa naman ay nakatingin sa harap, may bahid ng sama ng loob sa kanyang walang takot na mga mata. Sumingkit ang mga mata ni Quentin. “Kalokohan ito! Paano naman ako magkakaroon ng anak? Wala pa akong asawa, kaya’t saan naman manggagaling ang anak ko?” Si Granny Quinn, na siyang nakahiga pa rin sa kama, ay hindi mapigilan na ngumisi nang marinig niya ito. “Tama; paano naman magkakaroon ng anak si
Magbasa pa

Kabanata 2192

“Bakit mo ito sinasabi, Mr. Simms?” Sumingkit ang mga mata ni Jim. “Idedeklara ko ba ito kung wala pa sa akin ang sagot?” Noong nasa kulungan sila, palihim niyang minarkahan ang dalawang babae para malaman niya ang pagkakaiba nito. Palihim na inutos ni Jim na ‘aksidenteng’ punitin ang damit ng babaeng nagsabi na anak siya ni Quentin habang dinala sila paakyat ng hagdan. Habang iniisip ito, tumayo si Jim at naglakad siya palapit sa katulong na may punit na damit, may malamig na ngiti sa kanyang mga labi. “Maging ako, si Joshua, o si Luke; hindi namin maintindihan kung bakit malapit si Charlotte sa pamilya Quinn, sa punto na inagaw nila si Charlotte mula sa amin kahit na labag ito sa batas.” Sa sandali na sabihin niya ito, tumingin siya ng malamig kay Quentin, na siyang may maputlang mukha. “Dahil sa sinabi ng katulong na ito, naalala ko na…” Tumawa siya at nagpatuloy siya, “Isang ulila si Charlotte, at kung anak mo nga siya, Mr. Simms, tama lang ang lahat ng ito.” Nawala ang
Magbasa pa

Kabanata 2193

Kung kahit na si Jim, ang lalaking kasama ni Charlotte ng maraming buwan, ay hindi kayang maglabas ng ebidensya para malaman ang pinagkaiba nila, walang iba pang mas may alam. Sa sandali na maisip ito ni Quentin, hindi niya mapigilan na tumawa. “Hindi ka na sigurado kung paano ka magsisinungaling, hah, Mr. Landry?” Umupo siya sa isang malapit na sofa, at umupo siya ng komportableng posisyon, pagkatapos ay tumingin siya ng malamig kay Jim. “Mr. Landry, ginulo niyo ni Ms. Craig ang pahinga ng ninang ko, pumunta sa kulungan na ito, at nahanap niyo ang dalawang katulong na hindi niyo naman alam ang pinagkaiba.” “Ngayon, sinasabi niyo pa na ang isa sa mga katulong ay si Charlotte, at sinabi niyo anak ko pa siya… Malakas ang imahinasyon mo. Sayang naman at hindi ka naging isang writer!” Sumingkit ang mga mata ni Jim nang marinig niya ito. Biglang napagtanto ni Jim na wala siyang maisasagot kay Quentin. Lumingon siya para tumitig sa dalawang babae, na hindi lang magkapareho sa tan
Magbasa pa

Kabanata 2194

Tama nga, may pangit na pulang balat sa kaliwang balikat ng katulong. Makalipas ang ilang sandali ng pagkagulat, bumalik sa sarili si Bonnie sa bigla niyang napagtanto. Sa huli, tama nga siya; gumawa ng pekeng balat si Charlotte para magpanggap na siya si Number-9. Gayunpaman… mali ang pagkakaalala ni Charlotte sa posisyon ng balat na ito! Ang balat ni Bonnie ay nasa kanang balikat, ngunit nagkamali si Charlotte na nasa kaliwang balikat ito, kaya’t naglagay siya ng pekeng balat dito! Sumingkit ang mga mata ni Charlotte nang mapagtanto niya na nabunyag na siya, pagkatapos ay mabilis siyang umatras at nagpanggap siyang galit, tinaas niya ang manggas niya para takpan ang balat niya. “Ano ang ginagawa niyo sa akin? Walang hiya kayo para ipahiya ako ng ganito.” “Bakit nagpapanggap ka pa rin, Charlotte?” Ang sabi ni Luna, nakakunot ang kanyang noo. “Nabunyag na ang pagkakakilanlan mo, at wala nang magagawa ang pagpapanggap mo.” “Hindi ako sumasang-ayon.” Ngumisi si Charlotte at
Magbasa pa

Kabanata 2195

Hindi mapigilan na isipin ni Bonnie na ang kutsilyo na ginamit ni Charlotte ay hindi malinis, kaya’t hindi siya tumigil sa pag aalala hanggang sa masuri ng doctor ang sugat ni Jim. Kumunot nag noo ni Jim, ngunit hindi siya sumagot, at sa halip ay hinayaan niya sina Bonnie at Gwen na ilabas siya ng kwarto. Pagkatapos nilang umalis, tumingin ng malamig si Luke sa maputlang mukha ni Quentin at sinabi niya, “Mr. Simms, binigay na nila sayo ang ebidensya na gusto mo.” “Kahit si Charlotte mismo ay umamin sa tunay na pagkakakilanlan niya, at nagtangka pa ulit siyang manakit ng isang tao.” “Ngayon, sang ayon ka na dapat nanalo sa pustahan si Bonnie, hindi ba?” Sumingkit ang mga mata ni Quentin nang marinig niya ito. Napuno ng pagkamuhi ang mga mata niya habang nakatingin siya kay Charlotte, na siyang hinuli ng mga guard. Hindi na dapat niya kinaawaan si Charlotte! Alam niya sa simula pa lang na ang anak niyang ito ay walang kwenta, ngunit naawa pa rin siya dito at tinulungan ni
Magbasa pa

Kabanata 2196

Base sa kung paano tingnan ni Luna si Riley, alam ni Quentin na tama ang desisyon niya na kunin si Riley. Noong una, balak niya gamitin ang sanggol na ito para sa ibang bagay, ngunit dahil kay Charlotte, nasira na ang plano niya. Tumingin siya kay Charlotte, tinawanan niya ang sarili niya dahil walang kwenta ang anak niya. Patuloy sana siya sa paghawak kay Riley para gamitin ito laban kay Joshua, gagamitin niya ang sanggol lalo na kapag may masamang sitwasyon, kung hindi lang dahil sa kagagawan ni Charlotte. May chansa sana para tumakas si Charlotte, ngunit masyado siyang pakialamera at pinilit niya si Quentin na gamitin ang alas niya! Kumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya sa sanggol na yakap ni Quentin. Tumayo siya harap ni Luna at sinabi niya, “Mr. Simms, gagamitin mo ba ang batang ito kapalit ni Charlotte?” Ngumiti si Quentin. “Sa tingin ko ay tama lang na ipagpapalit ko ang anak mo sa anak ko, tama ba?” Ngunit, dahil sa sinabi niya, nabigla si Granny Quinn dito at su
Magbasa pa

Kabanata 2197

Humigpit ang mga kamao ni Quentin. Hindi niya inaakala na mapipilitan siya na patunayan ang relasyon niya kay Charlotte ng isang tao na mas bata sa kanya. Isang tao na tulad ni Joshua. Tumingin siya ng masama kay Joshua, alam niya na sa sandaling ito ay si Riley ay hindi na nila maaasahan bilang isang alas. Kahit na matagal nang nasa kanila si Riley, hindi nagsikap si Joshua na hanapin si Riley. Kahit na alam ni Joshua na hawak ni Quentin si Riley, hindi nagmamadali si Joshua na kunin ang bata mula kay Quentin. Alam siguro ni Joshua na gagamitin ni Quentin si Riley bilang kapalit, ngunit hindi nagpapanic si Joshua. Sa ganitong sitwasyon, ang paggamit kay Riley ay isang mapanganib na desisyon, ngunit nagawa niya lang isugal ito dahil kay Charlotte. Sa mga sandaling ito… Tumahimik ng maraming segundo, hanggang sa huli, sinira ni Charlotte ang katahimikan bago pa makapagsalita si Quentin. “May ebidensya ako!” Pilit na tumakas ni Charlotte at sumigaw siya ng biglaan, “May D
Magbasa pa

Kabanata 2198

Ang lahat, maliban kay Joshua, ay nagulat sa utos ni Granny Quinn. Tumitig si Luna kay Granny Quinn, nagtataka siya kung mali ang mga salitang narinig niya. Inutos ba niya na hulihin sina Quentin at Charlotte? Bakit? Inaanak ni Granny Quinn si Quentin, at si Charlotte ay ang tunay na anak ni Quentin? Bakit sila tinatrato ni Granny Quinn ng ganito? Sinusuportahan ni Granny Quinn si Quentin bago pa makhua ni Luna si Riley, at tumingin pa si Granny Quinn kay Charlotte ng may konting pagmamahal. Hindi lang si Luna ang natulala. Kahit si Butler Barton, na siyang nagsilbi kay Granny Quinn ng maraming taong, ay nabigla sa biglang pagbabago ni Granny Quinn. “Old Madam Quinn, nagkakamali po ba kayo? Bakit po kayo nag utos na hulihin si Mr. Simms at ang anak niya? Kayo ay—” “Wala kang alam!” Ngumisi si Granny Quinn at tumingin siya ng masama sa mga bodyguard, na nakatayo sa malayo, na hindi pa rin gumagalaw, kahit na nagbigay na siya ng utos. “Alam ko na si Quentin na ang sinusunod n
Magbasa pa

Kabanata 2199

Namutla ang mukha ni Charlotte, at natakot siya kay Granny Quinn. “Ako…” Nahihiya at nahirapan magsalita si Charlotte, “Ako po ang tunay na anak niya.” Tumingin siya kay Granny Quinn ng may nakakaawang ekspresyon. “Hindi niyo po ba nakita ang DNA paternity report? Ako—Ako po ang tunay na anak ni Quentin!” “Ganun, ikaw ang tunay na anak ni Quentin, tama ba?” Ngumisi si Granny Quinn at tumingin siya kay Quentin, na siyang nasa tabi. Ngumiti siya ng malamig. “Sabihin mo sa akin. Sino ka? Alam kong hindi ka si Quentin; isa kang lalaki na sumailalim sa plastic surgery para maging kamukha ni Quentin.” Sumingkit ang mga mata niya sa komentong ito, hindi niya inaasahan na sasabihin ng matandang ito ang mga salitang ito ngayon. Walang nakatuklas ng mga bahid niya pagkatapos niya maging Quentin at pagkatapos niyang bumalik. Walang kahit sino—maging si Granny Quinn, o ang mga tao sa paligid niya—ang nakapansin ng kahit ano. Nasa tabi siya ni Granny Quinn ng dalawang buwan, at sa dalawang
Magbasa pa

Kabanata 2200

Pagkatapos itong sabihin, tumingin ng malamig si Granny Quinn kay Quentin. “Sabihin mo sa akin. Bilang si Quentin, paano ka nagkaroon ng anak na galing mismo sayo?” Namutla ang mukha ni Quentin, habang tulala ang lahat. Tumingin si Luna kay Granny Quinn at matagal bago niya naproseso ang kanyang narinig. ‘Ibig sabihin ay ang tunay na Quentin ay hindi magkakaroon ng sekswal na reaksyon sa isang babae, at hindi siya magkakaroon ng anak na babae!’ Ang naisip ni Luna. Kung totoo nga ang sinabi ni Granny Quinn, ang Quentin na tinitingnan nila ngayon ay isang impostor na sumailalim sa plastic surgery para maging kamukha ni Quentin. Sino pala ang lalaking nakatayo sa harap niya, at nasaan ang tunay na Quentin? “Salamat at tinulungan mo ang pamilya Quinn para mahuli ang pekeng ito, Mr. Lynch.” Sa puntong ito, nakatingin si Granny Quinn kay Joshua na tila nagpapasalamat siya, nanginginig sa tuwa ang boses niya. “Kung hindi ka pumunta dito, hindi ko matutuklasan na isa siyang impostor!
Magbasa pa
PREV
1
...
218219220221222
...
308
DMCA.com Protection Status