Gusto ko na lumaki ang aking mga anak sa isang bahay kung saan matatawag nilang tunay na tahanan. Kung saan, kahit gaano man kalupit ang mundo sa kanila, gaano man kabigat ang kanilang pinag-dadaanan sa buhay ay sa aming tahanan parin sila uuwi na may kasiguraduhang sila ay tatanggapin ng buo na magbibigay din sa kanila ng tunay na kaligtasan at pagmamahal. Kung may tao mang darating at kung may tao mang mag mamahal sa akin, nawa ay pagpalain siya ng Dyos at basbasan ang kaniyang buong kata-una. Lalo na ang kanyang kaluluwa, puso at isipan. 'Hoy bakla diyan ka lang ha, kuha lang ako ng maiinom natin' pagpa-alam niya sa akin Tumango na lamang ako sa kanya. Sigurado ako ang dadalhin non ay beer at coke lang. Beer kasi siya iinom at sa coke naman ako. Ayoko kasing umiinom kasi may mga masasamang memories ako sa alak na ayoko ng matandaan pa. Sa pag hihintay ko
Last Updated : 2021-07-17 Read more