CHAPTER FOUR “Jowa mo ba ‘yon?” Pang-iintriga ni Emilie, isa sa mga kaklase ko. “Huh? Wala akong jowa.” Depensa ko habang nag-i-stretch. It’s Friday today at nasa labas ang buong klase namin ngayong umaga para sa Physical Education class namin. Nakasuot kami ng PE uniform namin ngayon. Ang aking buhok ay nakatali ng mataas dahil mainit. “Eh sino 'yong kasama mo nung mga nakaraan, 'yong mukhang college?” Tanong niya pa ahabang naka-squat. “Future jowa palang niya.” Sumulpot bigla si Jen sa tabi ko. Kanina ay nakita ko lang siya sa may kabilang dulo ng court, ang bilis naman niyang napunta rito. Sumighal ako. “Nye nye, coach ko lang 'yonpara sa impromptu.” I denied Jen’s false accusations. “Ganun pala pag coach, kailangan laging kasabay kumain sa canteen.” The two girls laughed for teasing me.
Huling Na-update : 2021-07-12 Magbasa pa