Share

Chapter Seven

Author: S. Austin
last update Last Updated: 2021-07-20 18:02:13

CHAPTER SEVEN

“Ayan ang ganda mo, Coraline!” Narinig kong sabi ni ma’am Jojie matapos akong lumabas galing sa changing room ng dorm. “Bagay na bagay sa’yo ang suot mo.”

Ngayong araw na ang contest. Later at nine o’clock in the morning is the schedule for impromptu speech at suot ko ngayon ang binigay ni Damien na corporate attire kapalit ng naisuot niya dati nang una kaming magkita. Katulad nga ng sabi niya, it’s the same size and it fits me well. Hapit sa buong katawan ko at higit pa roon ay mukha itong mamahalin. Sinuot ko na rin ang isang 4-inch pump heels ko.

“Mukha kang news anchor sa suot mo!” Sabi naman ni ma’am Fay.

“Thank you po.” I replied to the teachers who are now wearing the same polo shirt with our school name and logo.

“Ayos na ba tayo rito? Baba na tayo nang makapagpractice pa tayo, maaga pa naman.” Said ma’am Jojie. It’s true dahil 7 AM palang and I’ve heard that their contest will start at eleven.

I messaged Damien on his messenger dahil nakita kong naka online.

Coraline Marie:

Nasaan na kayo?

Damien Alexus:

Hi. Already at the lobby.

Nag-angat ako ng tingin sa dalawang teacher na inaayos ang mga gamit na dadalhin nila sa pagbaba.

“Nasa lobby na raw pos sila.” Anunsyo ko bago pinatay ang data ng phone ko at binulsa ito.

“Kung ganoon ay kailangan na rin nating bumaba.” Wika ni ma’am Jojie.

I only brought a small sling bag with my essentials. We locked the door and walked downstairs. Nakita na nga namin doon ang apat na lalaking naghihintay. Pero bukod sa kanila ay puno na rin ang paligid ng mga mentors at contestants. Karamihan ay nag-aayos o kaya nagbibriefing. My eyes sparkled, knowing that these youth are some of the greatest in the nation through their chosen category.

“Short training muna tayo sir after breakfast?” Tanong ni ma’am Fay kay sir Ricardo.

“Sure sure.”

Nagdesisyon kaming sa isang shade na may bench nalang kumain dahil puno rin ang canteen ng mga tao. May isa na lamang sa aming bumili ng mga makakain.

Naupo ako sa tabi ni Damien na kakabulsa lang ang kanyang cellphone.

“Kinakabahan ka ba?” Tanong ni Damien habang nakasandal sa inuupuang bench, arms widespread and legs are crossed in a manly style.

“Sobra.” Timid kong sabi. Hindi pa man nagsisimula ay nararamdaman ko na ang panlalamig ng mga kamay ko.

“’Don’t be. Kami-kami lang naman makikinig sa’yo mamaya.” Pag-alo niya sa akin na hindi naman gumana.

Marahas ko siyang nilingon. “Kami-kami lang? Ang dami niyo kaya tapos puro bigatin pa!” Protesta ko. “Hindi ka talaga marunong mag-comfort ano?”

Umalis siya sa pagkakasandal at sinangga ang kamay mula sa akin na para bang aatakihin ko siya anong oras. “Teka tinatry ko lang naman pagaanin ang loob mo, okay? Tandaan mo ang mga itinuro ko sa’yo.”

“Pwes hindi gumaan ang loob ko!” Sumimangot ako at muling dumiin ang tingin sa kawalan.

He sighed and pinched the bridge of his nose like I am one of his stressors. “Okay, normal lang naman na bigatin ang judges sa nationals pero--”

“Oh tingnan mo na!” I cut him off by giving him my violent sigh.

“Pero--”

“Ayan na kinakabahan na talaga ako--” I maybe looked anxious right now. Pinagkiskis ko ang mga palad ko na nanlalamig na bago ito bugahan ng hininga, inaasahan na ito ay makababawas sa panlalamig nito.

“Coraline.” Napatigil ako nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko at harapin ako. Oh my, why do his surprises makes me breathless?

“Makinig ka muna. Yeah, they’re one of the greatest in this field but you’re also great. Nagawa mo ngang makaapak sa nationals, hindi ba?” My eyes shimmered upon hearing his words. I guess he’s not that bad at comforting. “Nandito ka na. Show them what you got, prove us that you’re not just one of the best but the best among the greatest, hmm?”

Tumango ako sa kanya. I saw him smiled after that.

We were cut offed when our foods arrived. I ordered egg sandwich, pancakes, and hot chocolate drink dahil hindi ako sure kung makakakain pa ba ako mamayang before contest.

An hour before the contest starts, Damien and me were brainstorming about the possible topics and its main points. We’re still at the same bench habang ang ibang kasama namin ay lumipat sa ibang area para mas makapagfocus.

“Ilang beses ka na bang nakasali sa nationals?” Tanong ko dahil tila alam na niya ang pasikot-sikot at estilo nito.

“Four or five times… I guess?” Hindi niya siguradong sagot. Napakamot pa siya sa sintido niya na tila kinalkal pa niya ito sa dulong bahagi ng kanyang utak.

“Gano'n na karami?” I asked with wide eyes.

“Yeah? Pero mas marami kasi sa international.” Pagmamalaki niya. Nalaglag ang panga ko sa narinig.

“Grabe ka naman senpai! Pahingi naman ng talent ser!” Kunwari ay pabiro kong sabi sa kanya pero sa totoo lang ay namamangha talaga ako.

He laughed gently at what I said. “Pero dati pa ‘yon at saka si mama talaga ang nagpupumilit na sumali ako but college made me busy so…”

“Busy raw pero tinanggap ang offer na turuan ako.” I made face at him.

Ginulo niya ang nakaayos kong buhok dahil doon na pinabalik ang inis ko sa kanya. How dare he! Gumising ako ng maaga para ayusin ang mahaba kong buhok tapos guguluhin lang niya? Kinapa ko ito at nakahinga ako nang maluwag nang mapansing hindi ito gaano nagulo.

“Enough with my business. Let’s proceed to the next topic.” Out of the blue, his mood from being playful instantly parkoured to a serious one. 

"Calling the attention of all impromptu speech participants, please proceed to the Makabayan Hall now." Umalingaw-ngaw ang tunog ng speakers sa paligid. Nang marinig ang category na sinalihan ko ay bigla nanamang nanlamig ang mga kamay ko.

"Ikaw na 'yon." Anunsyo ni Damien. "Let's go?" He offered his hand and I gladly accepted it.

"Kinakabahan ka nanaman." Sabi niya nang maramdaman ang kamay ko.

"Syempre natural lang 'yon! Malapit na ako." Sabi ko nalang habang nakasunod sa kanyang maglakad. "Alam mo na kung saan yung Makabayan Hall?" Tanong ko nang mapansing kabisado na niya ang dinadaanan.

"Yes. Na-orient na kami beforehand." Sagot niya at napatango-tango naman ako.

Pagpasok namin ay marami na ang mga kalahok na nandoon. The Makabayan Hall is like a theater type room with a mini stage at the front. We were assisted by a staff on where should we seat.

"Sa likod lang ako ah? Galingan mo. Good luck!" Paalam ni Damien bago humiwalay sa akin.

"Thank you." I replied with a sincere smile.

Sa pinaka likod ng hall ay may nakareserba na mga upuan ay para sa mga mentors at iba pang gustong manuod. In my case, I have Damien watching for me. Habang kaming mga contestant naman ay maghihintay sa loob ng isang waiting room until our turn comes. Medyo matagal pa naman ako because I'm the thirteenth to perform among sixteen participants.

The waiting room was soundproof kaya hindi talaga namin maririnig kung anuman ang sinasabi o nangyayari sa kabilang kwarto. I took a seat at the back beside a man-- that I think is also a contestant-- who's sitting comortably with his eyes closed. Ano ba 'to? Natutulog? Sa gitna ng contest, really?

Mukhang hindi naman niya alintana ang presensya ko kaya naupo nalang ako roon. I fished my phone from the pocket of my blazer and started reviewing the things Damien have mentioned.

"Looks like you have a professional mentor." Napa-igtad ako nang biglang may magsalita sa tabi ko. Nang tingan ko ito ay nakita ko na ang kaninang nakapikit kong katabi ay nakadungaw na ngayon sa notes na nasa aking phone.

"Ah oo hehe... pero college palang siya." Pagtukoy ko kay Damien.

Nang lumayo siya, I saw his sharp features clearly. His hair was brushed up. He have a sharp jaw and thick downward eyebrows that gives hin a serious aura, opposite to Damien.

"What's his name?" Tanong niyang naiintriga.

"Damien Merced."

Nakita kong tumaas ang kilay niya nang banggitin ko ang pangalan.

"Oh. It does ring a bell." Damien is really famous huh? Hanggang nationals may nakakakilala sa kanya. "Anyway, you're from NCR?"

"Yes. You?" I asked back.

"Region 1." He replied shortly.

"Ah." Wala akong ibang masabi. "Anong pangalan mo?"

Sumandal siyang muli sa inuupuan at inilagay ang kaliwang kamay sa pagitan ng kanyang ulo at ng pader. He looked at me through his peripheral vision.

"August."

"August...?" Ano ba 'to bakit ang tipid niya magsalita? Sayang ang laway ano ba 'yan.

"...Clyde Dela Riva." My lips formed an 'O' shaped upon hearing his full name. Mukhang sosyalin. "You, what's your name?"

Akala ko ay hindi na niya tatanungin ang pangalan ko dahil mukhang hindi naman siya interesado pero at least tinanong 'di ba?

"Coraline Pestano." I muttered. Hindi na siya nagsalita pa, sa halip ay tumango lang habang nakapikit ang mga mata. Tiningnan ko sita nang maigi.

"Hindi ka ba kinakabahan?" Dahil parang wala manlang siyang pake kahit siya na ang tawagin na susunod. He look relaxed.

"A little. Impromptu speech is boring, kung debate ito ay kakabahan siguro ako dahil mas may thrill." Wow, akala ko ay englishero lang siya but wait, did he just call the impromptu speech boring?

Hindi na ako sumagot pa at ganoon din siya. That became my queue as the end of the conversation, so I came back in reviewing my notes habang siya ay nakapikit ang mata ngunit alam kong hindi naman tulog dahil gumagalaw ang isa niyang kamay at bahagyang tumatambol sa lamesa ng upuan.

Nang magsimulang tawagin ang unang participant na sasalang ay naging mas alerto na ang isipan ko. Naging mabilis ang pagtawag dahil three minutes lang ang binibigay na oras sa amin para makapaghanda at another three minutes para magperform sa stage.

August is the twelfth participant kaya nang tawagin siya sa labas ay natulala na lamang ako.

"Number thirteen please proceed to the Makabayan Hall now." Napaigtad ako nang may tumawag mula sa speaker sa loob.

Number thirteen. Ako 'yon? Weh? Final na ba talaga? Wala nang atrasan?

I was stiff while walking at the hallway. May isang staff na nag-orient sa akin pahapyaw at nagbigay ng topic.

Does justice proceedings should be televised?

That's the topic that was given. I hurriedly wrote down the things I want to point out. Yes. That's my answer to the question because it gives the public the knowledge about the processing of the decisions under the rule of justice. It also adds integrity to the justice proceedings.

Nang tawagin ako para pumasok ay nanlalamig pa rin ang mga kamay ko. Several people are inside the hall, sa harap ay naroon ang mga judges at may nakita pa akong isang kilalang personalidad na nakikita ko lagi sa TV.

So this is the nationals...

Tumayo ako sa harap nilang lahat, ang mga mata ko ay may hinahanap na partikular na tao at nang mamataan ko siya sa may likod na nakahawak sa kanyang cellphone at nakatutok sa akin ay napangiti ako. Daig pa niya ang mommy ko.

I gave him my most heartwarming smile before I became serious to start my speech.

Related chapters

  • Echoing the Laments (Filipino)   Chapter Eight

    CHAPTER EIGHT "Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko kay Damien. Pagkatapos ng speech ko ay basta na lamang akong hinila ni Damien palabas ng camp. I'm still wearing my corporate clothes kaya maraming napapatingin sa gawi namin. "We'll grab a lunch. I'll treat you because you did a great job." He said. Hindi ko kita ang mukha niya dahil mas nauuna siya sa akin at hawak ng isang kamay niya ang kamay ko na hinihila. "I did?" Sabi kong nasosorpresa. I'm not really that confident on my speech. Hindi naman ako nautal o ano, naprove ko rin naman yung points ko but I'm not really confident about it. "Yes!" I gently smiled upon hearing his compliment. At least alam ko na may isang naniniwala sa kakayahan ko at sa speech ko. Huminto kami sa loob ng isang samgyupsal restaurant na hindi naman kalayuan sa camp. The place was filled with people-- mostly partic

    Last Updated : 2021-08-05
  • Echoing the Laments (Filipino)   Chapter Eight

    CHAPTER EIGHT"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko kay Damien.Pagkatapos ng speech ko ay basta na lamang akong hinila ni Damien palabas ng camp. I'm still wearing my corporate clothes kaya maraming napapatingin sa gawi namin."We'll grab a lunch. I'll treat you because you did a great job." He said. Hindi ko kita ang mukha niya dahil mas nauuna siya sa akin at hawak ng isang kamay niya ang kamay ko na hinihila."I did?" Sabi kong nasosorpresa. I'm not really that confident on my speech. Hindi naman ako nautal o ano, naprove ko rin naman yung points ko but I'm not really confident about it."Yes!" I gently smiled upon hearing his compliment. At least alam ko na may isang naniniwala sa kakayahan ko at sa speech ko.Huminto kami sa loob ng isang samgyupsal restaurant na hindi naman kalayuan sa camp. The place was filled with people-- mostly participants and c

    Last Updated : 2021-08-11

    Last Updated : 2021-08-15
  • Echoing the Laments (Filipino)   Chapter Nine

    CHAPTER NINEPagpasok ko pa lang sa room ay binati na ako ng mga kaklase ko dahil sa pagkapanalo ko sa nationals. The pictures were posted on our school’s page kaya naman ay paniguradong marami ang nakakita. I even saw Raya posting on twitter an edited image poster that was used in funeral with the word “Congratulations for Winning Nationals”” and my face.“Congrats!”“Paturo naman mag-speech, master.”Inulan ako ng bati hanggang sa makaupo ako sa aking upuan. Agad namang tumabi sa akin sina Jen at Raya na sa tingin ko ay makikichismis nanaman. I rolled my eyes.“Kumusta Baguio? May nakilala ka bang fafi?”“Wala, Jen.”“Tss, eh kayo ni Damien?”“Anong meron sa amin?”“Ano nga ba?” Tano

    Last Updated : 2021-08-16
  • Echoing the Laments (Filipino)   Chapter Ten

    CHAPTER TEN That talk with Damien marked on my mind. I should go explore their world to make a good scope and story. I need to be one with them. Kaya naman ay ni-chat ko si Andrew sa messenger tungkol sa sinabi ni Damien. Inaya ko siya na puntahan sila Junjun bukas after class, and he agreed luckily. Iyon ang dahilan kung bakit good mood ako pagpasok kinabukasan because I was so excited! "Coral, saan nga pala yung sinasabi mo kahapon?" Sabi ni Andrew nang mamataan ako. "Sa may public market sila laging nag-i-stay kaya siguro doon tayo mamaya." Paliwanag ko. "Okay..." Nang umalis si Andrew ay binalik ko na ang atensyon ko kay Raya at Jen. "Ano yun mag-sh-shoot na kayo mamaya?" Tanong ni Raya. "Hindi pa naman. Ichecheck palang namin kung pwede." "Nice. Sana all. Kami ni Czarina wala pa eh." Jen laughed.

    Last Updated : 2021-08-19
  • Echoing the Laments (Filipino)   Chapter Eleven

    CHAPTER ELEVEN Matapos ang nasaksihan naming iyon ay pinauna na naming umuwi si Andrew. Damien and I went to the nearest cafe as he said that he has something important to tell me. “Ano ang sa’yo?” He looked down at me. His face is serious but gentle. His one hand is in his pocket. I am beside him in front of the counter. Tumingala ako para sa mga pagpipilian. “I’m fine with frappe or coffee jelly.” Ibinalik ko sa kanya ang tingin at naabutan kong nasa akin pa rin ang mga mata niya. “Uh, I’ll go first.” I awkwardly said, pointing the tables. Siya naman ay tumango bago umabante palapit sa counter. I chose the spot near the window where we can watch the vehicles passing by. Nilapag ko ang bag ko sa likod ng pabilog na upuan. I clasped my hands on the table as I watch the view from my side, thinking what will happened on our interview tomorrow with Junjun. I sighed then bo

    Last Updated : 2021-08-22
  • Echoing the Laments (Filipino)   Prologue

    PROLOGUEInfluence is the new power. If you are known by many, you have the influence to control their minds and make them as your disciples. Mainam sana kung lahat ay gagamitin ito para sa nakabubuti but there are too many nonsensical and monsterous clouts who are willing to trade their everything for I-don’t-know-things. Is it just for fame? Money? Power? I don’t know. And I can’t understand.I appliedthe cherry bombred lipstick around my lips as I look myself upon the mirror. May pa-ilan-ilang babae ang tumitingin na sa gawi ko, dahil siguro sa magulo kong gamit na nakakalat sa may sink sa harap ko dito sa loob ng CR but I’m too focused on my goal today to care for them.I wore the black coat paired with my pencil cut skirt. Oh, I really look like an adult today.I said to myself. There’s no trace of the highschooler Coroline Pestano on my face because of the mak

    Last Updated : 2021-07-11
  • Echoing the Laments (Filipino)   Chapter One

    CHAPTER ONEHalos takpan ko na ang tenga ko mula sa paulit-ulit na sermong aking naririnig galing kay mommy Gwen, ang tumatayong nanay ko simula nang mawala ang pareho kong magulang. She’s not even related to me nor my parents but she wholeheartedly adopted me when she heard my story from the orphanage. She and her husband, daddy Miguel did not got the chance to have a child of their own that’s why they adopted kids. Tatlo kaming lahat na ampon nila ngunit sa aming lahat ay ako ang pinaka sakit ng ulo. I wonder if they are regretting that they adopted me.“Are you really out of your mind? Huh, Coraline?” Palakad-lakad siya sa harap ko habang ako naman ay parang kawawang tutang nakaupo sa gitna ng kama ko. Kararating ko lang at balak sanang matulog nang puntahan niya ako rito nang marinig niyang umalis ako kanina sa kalagitnaan ng field trip at marinig mula sa akin ang ginawa ko.“Look at you

    Last Updated : 2021-07-11

Latest chapter

  • Echoing the Laments (Filipino)   Chapter Eleven

    CHAPTER ELEVEN Matapos ang nasaksihan naming iyon ay pinauna na naming umuwi si Andrew. Damien and I went to the nearest cafe as he said that he has something important to tell me. “Ano ang sa’yo?” He looked down at me. His face is serious but gentle. His one hand is in his pocket. I am beside him in front of the counter. Tumingala ako para sa mga pagpipilian. “I’m fine with frappe or coffee jelly.” Ibinalik ko sa kanya ang tingin at naabutan kong nasa akin pa rin ang mga mata niya. “Uh, I’ll go first.” I awkwardly said, pointing the tables. Siya naman ay tumango bago umabante palapit sa counter. I chose the spot near the window where we can watch the vehicles passing by. Nilapag ko ang bag ko sa likod ng pabilog na upuan. I clasped my hands on the table as I watch the view from my side, thinking what will happened on our interview tomorrow with Junjun. I sighed then bo

  • Echoing the Laments (Filipino)   Chapter Ten

    CHAPTER TEN That talk with Damien marked on my mind. I should go explore their world to make a good scope and story. I need to be one with them. Kaya naman ay ni-chat ko si Andrew sa messenger tungkol sa sinabi ni Damien. Inaya ko siya na puntahan sila Junjun bukas after class, and he agreed luckily. Iyon ang dahilan kung bakit good mood ako pagpasok kinabukasan because I was so excited! "Coral, saan nga pala yung sinasabi mo kahapon?" Sabi ni Andrew nang mamataan ako. "Sa may public market sila laging nag-i-stay kaya siguro doon tayo mamaya." Paliwanag ko. "Okay..." Nang umalis si Andrew ay binalik ko na ang atensyon ko kay Raya at Jen. "Ano yun mag-sh-shoot na kayo mamaya?" Tanong ni Raya. "Hindi pa naman. Ichecheck palang namin kung pwede." "Nice. Sana all. Kami ni Czarina wala pa eh." Jen laughed.

  • Echoing the Laments (Filipino)   Chapter Nine

    CHAPTER NINEPagpasok ko pa lang sa room ay binati na ako ng mga kaklase ko dahil sa pagkapanalo ko sa nationals. The pictures were posted on our school’s page kaya naman ay paniguradong marami ang nakakita. I even saw Raya posting on twitter an edited image poster that was used in funeral with the word “Congratulations for Winning Nationals”” and my face.“Congrats!”“Paturo naman mag-speech, master.”Inulan ako ng bati hanggang sa makaupo ako sa aking upuan. Agad namang tumabi sa akin sina Jen at Raya na sa tingin ko ay makikichismis nanaman. I rolled my eyes.“Kumusta Baguio? May nakilala ka bang fafi?”“Wala, Jen.”“Tss, eh kayo ni Damien?”“Anong meron sa amin?”“Ano nga ba?” Tano

  • Echoing the Laments (Filipino)   Chapter Eight

    CHAPTER EIGHT"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko kay Damien.Pagkatapos ng speech ko ay basta na lamang akong hinila ni Damien palabas ng camp. I'm still wearing my corporate clothes kaya maraming napapatingin sa gawi namin."We'll grab a lunch. I'll treat you because you did a great job." He said. Hindi ko kita ang mukha niya dahil mas nauuna siya sa akin at hawak ng isang kamay niya ang kamay ko na hinihila."I did?" Sabi kong nasosorpresa. I'm not really that confident on my speech. Hindi naman ako nautal o ano, naprove ko rin naman yung points ko but I'm not really confident about it."Yes!" I gently smiled upon hearing his compliment. At least alam ko na may isang naniniwala sa kakayahan ko at sa speech ko.Huminto kami sa loob ng isang samgyupsal restaurant na hindi naman kalayuan sa camp. The place was filled with people-- mostly participants and c

  • Echoing the Laments (Filipino)   Chapter Eight

    CHAPTER EIGHT"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko kay Damien.Pagkatapos ng speech ko ay basta na lamang akong hinila ni Damien palabas ng camp. I'm still wearing my corporate clothes kaya maraming napapatingin sa gawi namin."We'll grab a lunch. I'll treat you because you did a great job." He said. Hindi ko kita ang mukha niya dahil mas nauuna siya sa akin at hawak ng isang kamay niya ang kamay ko na hinihila."I did?" Sabi kong nasosorpresa. I'm not really that confident on my speech. Hindi naman ako nautal o ano, naprove ko rin naman yung points ko but I'm not really confident about it."Yes!" I gently smiled upon hearing his compliment. At least alam ko na may isang naniniwala sa kakayahan ko at sa speech ko.Huminto kami sa loob ng isang samgyupsal restaurant na hindi naman kalayuan sa camp. The place was filled with people-- mostly participants and c

  • Echoing the Laments (Filipino)   Chapter Eight

    CHAPTER EIGHT "Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko kay Damien. Pagkatapos ng speech ko ay basta na lamang akong hinila ni Damien palabas ng camp. I'm still wearing my corporate clothes kaya maraming napapatingin sa gawi namin. "We'll grab a lunch. I'll treat you because you did a great job." He said. Hindi ko kita ang mukha niya dahil mas nauuna siya sa akin at hawak ng isang kamay niya ang kamay ko na hinihila. "I did?" Sabi kong nasosorpresa. I'm not really that confident on my speech. Hindi naman ako nautal o ano, naprove ko rin naman yung points ko but I'm not really confident about it. "Yes!" I gently smiled upon hearing his compliment. At least alam ko na may isang naniniwala sa kakayahan ko at sa speech ko. Huminto kami sa loob ng isang samgyupsal restaurant na hindi naman kalayuan sa camp. The place was filled with people-- mostly partic

  • Echoing the Laments (Filipino)   Chapter Seven

    CHAPTER SEVEN “Ayan ang ganda mo, Coraline!” Narinig kong sabi ni ma’am Jojie matapos akong lumabas galing sa changing room ng dorm. “Bagay na bagay sa’yo ang suot mo.” Ngayong araw na ang contest. Later at nine o’clock in the morning is the schedule for impromptu speech at suot ko ngayon ang binigay ni Damien na corporate attire kapalit ng naisuot niya dati nang una kaming magkita. Katulad nga ng sabi niya, it’s the same size and it fits me well. Hapit sa buong katawan ko at higit pa roon ay mukha itong mamahalin. Sinuot ko na rin ang isang 4-inch pump heels ko. “Mukha kang news anchor sa suot mo!” Sabi naman ni ma’am Fay. “Thank you po.” I replied to the teachers who are now wearing the same polo shirt with our school name and logo. “Ayos na ba tayo rito? Baba na tayo nang makapagpractice pa tayo, maaga pa naman.” Said ma’am Jojie. It’s true dahil 7 AM palang and I’ve

  • Echoing the Laments (Filipino)   Chapter Six

    CHAPTER SIX Thusday afternoon came. Kami ay nasa school na upang sabay-sabay bumiyahe papuntang Baguio kung saan gaganapin ang kumpetisyon. From our school, we have three contestants-- including me. May isa akong dalang malaking backpack na naglalaman ng mga essential kit at damit ko dahil overnight kami roon. Nakatayo kami sa tapat ng isang van ng school at hinihintay ang huling panauhing kasama namin bago umalis. Syempre 'yon ay si Damien. As far as I could remember, he have classes today. Sabi nga ni ma'am Lea ay kahit hindi na siya magpunta at ibang teacher nalang ang pupunta para sa akin but he insisted. "Heto na ata siya!" Narinig kong sambit ng isang babaeng teacher na coach din para sa essay writing. Tumingin ako sa gawi na iminwestra niya at nakita ko nga roon si Damien na tumatakbo at may dalang isang backpack. Halatang kagagaling lang niya sa eskwela dahil ma

  • Echoing the Laments (Filipino)   Chapter Five

    CHAPTER FIVE "Ilan pa ba ang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad sa kahabaan ng palengke. "Dalawa pa." Pagkatapos naming kumain ay sumama ako sa kanya sa pag-iinterview ng mga informants nila at dito kami napadpad sa pamilihang bayan na hindi rin naman malayo mula sa park. Karamihan sa mga namamalagi ngayon dito ay mga pauwi na galing sa trabaho o kaya ay mga kabataan pero marami rin ang nagtitinda pa rin kahit hapon na. "Hindi ba pwedeng yung mga vendor sa loob ng palengke?" After I witnessed the segment at the TV and the possible involvement of Damien to it, I never asked about it earlier. Nagkunwari lang akong walang alam at hindi kilala ang napanood sa TV. Umiling siya. "Hindi. Kailangan ay yung mga walang permit o pwesto." Sabi niya habang nakamatyag sa paligid habang hawak ang kanyang camera. "Pwede ba siya?" Itinuro ko ang i

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status