Home / Fantasy / Enchantria Lost of Love / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Enchantria Lost of Love: Chapter 1 - Chapter 10

13 Chapters

Chapter 1: Iligtas ang Prinsesa

     “Inang Reyna, madali at humayo kayo ng mahal na Prinsesa!” Sigaw ng Amang Hari.      “Ngunit hindi kita maaring iwan sa gitna ng digmaan,” wika ng Inang Reyna at lumapit pa ito sa Amang Hari habang kalong-kalong ang sanggol na prinsesa.      “Kailangan mong iligtas ang mahal na Prinsesa. Kayo na lamang ang tanging pag-asa ng buong Enchantria,” sambit ng Amang Hari.      “Kaya’t humayo na kayo!” Pagtataboy pa niyang muli sa Inang Reyna.      Lumingon ang Amang Hari sa kinaroroonan ko at kumumpas ito sa hangin. Lumitaw sa aking harapan ang kanyang gintong espada.      “Nicolo, tanggapin mo ang aking gintong espada at ipagtanggol sila sa abot ng iyong makakaya,” wika niya sa akin.      “Ihatid mo sila sa lagusan patawid sa mundo ng mga mortal,” dagdag na sabi pa niya at yumukod ako bilang tugon sa kaniya.    
last updateLast Updated : 2021-07-08
Read more

Chapter 2: Sa Mundo ng mga Mortal

     Nakarinig ako ng mga papalapit na yabag, ginamit ko ang aking kapangyarihan upang ikubli kaming dalawa ng mahal na prinsesa. Nakita ko ang dalawang nilalang na naglalakad patungo sa aming kinaroroonan. Minatyagan ko ang kanilang mga galaw at pinakinggan ang kanilang usapan.     “Kung nagkaroon lang tayo ng anak Dante, masaya siguro tayong naninirahan sa ngayon dito,” malungkot na wika ng babae.    “Huwag ka nang malungkot Tina, alam naman natin na may dahilan ang Diyos kung bakit hindi tayo maaaring magkaanak.” Inakbayan ng lalaki ang babae.    “Ano kaya kung sa kanila kita ipaalaga habang narito tayo sa mundo ng mga mortal?” wala sa loob na sambit ko sa prinsesa at biglang pumalahaw ito ng iyak.    “Narinig mo ba ‘yon Dante, may umiiyak na sanggol,” sabi ng babae sa kanyang asawa.     “Naliligaw na baboy
last updateLast Updated : 2021-07-08
Read more

Chapter 3: Panaginip

Diana (POV)             Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nakita ko ang mga sanga ng punongkahoy na gumagapang at ang mga dahon nito’y kumakalusot. Ang hangin ay sumisipol sa mga putot na siyang nakakagambala sa mga dahon.  Kumakanta ang mga ibon samantalang ang mga insekto naman ay humuhuni. Ang mga alitaptap ay nagbibigay liwanag sa buong paligid. Ang mga hayop ay nakikipagdaldalan sa kapwa nila hayop. Nakamamangha! Para akong nasa kakaibang mundo.               “D-diana… Diana…” tawag sa’kin ng isang malamyos na tinig.              “Sino ka?” Sigaw ko sa tinig na ‘yon.              “Diana… H-halika… L-luma
last updateLast Updated : 2021-07-08
Read more

Chapter 4: Mga Kakaibang Pangyayari

Habang nasa klase ay 'di mawaglit sa aking isipan ang lalaking nakita ko sa may kakahuyan. "Sana ay muli ko siyang makita roon." Piping hiling ko sa sarili. Narinig kong humuhuni ang mga ibon na nakadapo sa bintana ng aming silid aralan.  Nginitian ko ang mga ito at lalo naman silang humuni pa na parang umaawit lamang. "Kay gandang awitin, mga Kaibigan!" wika ko sa aking isipan upang purihin ang mga ibong masayang humuhuni. "Salamat, Mahal na Prinsesa!" Rinig kong sagot ng isang maliit na boses. Hinanap ko ang nagsalitang iyon at inilinga sa paligid ang aking mga mata ngunit wala kong nakita. Kinalabit ko si Elsa sa aking tabi. "Tinawag mo ba akong Prinsesa?" tanong ko sa kaniya. "Ano ka ba naman Diana, ba't naman kita tatawaging prinsesa eh wala ka namang kaharian," bumubungisngis na tugon naman ni Elsa sa akin. "Ang sama mo talaga!" nakasimangot kong sagot sa kaniya. "Eh
last updateLast Updated : 2021-09-02
Read more

Chapter 5: Mahiwagang Damdamin

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aking silid. Panaginip lang ba ang lahat? Wala sa sariling dinama ko ang tapat ng aking dibdib gamit ang kanan kong palad. Naroon pa rin ang kakaibang kabog ng aking puso na walang pagkakaiba sa nararamdaman ko kani-kanina lang habang naririnig ang boses na iyon. Pero merong kakaiba at bagong damdamin akong nakapa sa aking sarili... Parang may bahagi ng aking pagkatao ang gustong bumalik muli sa lugar na iyon. Kusang tumuon ang aking paningin sa nakabukas na  bintanang nakaharap sa direksiyon ng kakahuyan. Dahan-dahan akong tumayo mula sa higaang papag na aking kinauupuan at dumungaw roon. Mula rito sa aking silid ay isang simpleng kakahuyan lang naman ang natatanaw ko at wala akong napapansing espesyal dito. Naroon ang kakaibang pakiramdam sa aking puso ngunit malabo ang alaala ko. Malinaw ang p
last updateLast Updated : 2021-09-03
Read more

Chapter 6: Nicolo

Pinanood ko sina Nanay at Tatay na kasalukuyang naglalambingan habang nakaupo sa inilatag kong banig."Sana kagaya nila ay matagpuan ko rin ang lalaking magpapasaya sa'kin," ani ko sa isipan.Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin at para bagang niyayakap ako niyon. May kung anong kakaibang pakiramdam akong naramdaman sa aking puso. Tila baga may mga matang nakatitig sa akin mula sa likurang bahagi ng aking katawan.Lumingon ako upang tingnan iyon ngunit wala akong nakitang ibang tao roon liban lamang sa mga maliliit na hayop na kasalukuyang naglalaro. 'Di ko namalayang sinusundan ko na ang mga hayop sa kanilang paghahabulan patungo sa pinakamasukal na bahagi ng kakahuyan. Ito ang bahagi ng kakahuyan na ipinagbabawal nang pasukin dahil sa dami ng mga kumakalat na balitang may Engkantong nakatira roon. "Patutunayan kong hindi iyon totoo!" ani ko sa sarili.Nagpatuloy ako sa pagsunod sa mga hayop na patuloy lama
last updateLast Updated : 2021-09-04
Read more

Chapter 7: Masidhing Damdamin

Hindi ko alam kung bakit kailangan kong tumakbo. Ang tanging alam ko lamang ay kailangan kong makalayo.Ngunit saan nga ba ako tutungo? Bakit ko nga ba kailangang lumayo?Hinihingal na ako pero kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo. Muli akong tumakbo sa madilim na bahagi ng kakahuyan hanggang marating ko ang kasukalang bahagi niyon."Diana..." Rinig kong tawag sa akin ng isang malamyos na tinig."Sino ka?" Malakas kong tanong at luminga-linga sa aking paligid."Tulungan mo ako, Diana..." Humihinging tulong ang malamyos na tinig."Sino ka?" pasigaw ko ulit na tanong sa malamyos na tinig.Hindi ko alam kung pa'no makakatulong. Pero bakit ako mismo sa aking sarili ay parang kailangan ko rin ng tulong?Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Ako man ay litong-l
last updateLast Updated : 2021-09-06
Read more

Chapter 8: Iisang Damdamin

          Nicolo (POV)Magmula nang magkaharap kami ni Diana rito sa kasukalan ng kagubatan ay may kung anong engkantasyon ang bumalot sa aming dalawa. Nakita ko ang liwanag na lumabas mula sa kaniyang katawan nang haplusin niya ang aking pisngi. Liwanag na tanging mga mahaharlikang engkantada lamang ang mayroon at minsan ko na ring nasaksihan mula sa kaniya ng sanggol pa lamang siya.Hindi ko batid kung nakita niya rin ang liwanag na 'yon. Pero, alam kong may kakaibang nangyari mula nang haplusin niya ang aking pisngi.Nararamdaman ko ang kaniyang nadarama. Nakikita ko ang kaniyang mga panaginip. Naririnig ko ang kaniyang naririnig.Hindi ko gustong makitang nalulumbay si Diana, dahil kahit ako ay nalulumbay rin. Ang bawat paghihirap ng kaniyang kalooban ay higit na paghihirap na aking nadarama. Gusto ko lang na lagi siyang masaya sapagkat pati ako ay sumasaya rin."Bakit
last updateLast Updated : 2021-09-07
Read more

Chapter 9: Ika-labing Anim na Kaarawan

          Diana (POV)Namulat ko ang mga mata nang maramdaman sa aking balat ang pagtama ng sinag ng araw na lumulusot mula sa butas ng bintana.Bumangon ako sa higaang papag at naghikab bago tuluyang tumayo. Niligpit ko ang pinaghigaan at sinuklay ang aking buhok.Binuksan ko ang sirado ng bintana at sumilay ang ngiti sa'king labi nang makita si Nicolo na nagsisibak ng mga kahoy sa'ming bakuran.Mula ng maging kasintahan ko 'to ay lagi na niyang pinatutunayan sa'min ang kaniyang sarili.Sa sandaling panahon nang panliligaw nito ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang sagutin ito.Hindi naman na ako naniniwala pa sa makalumang paraan nang panliligaw dahil nasa modernong panahon na ang mundo at hindi na uso sa akin ang Maria Clara style.Si Nicolo lang naman ang mapilit na gawin ang mga makalumang paraan nang panliligaw dahil gusto
last updateLast Updated : 2021-09-09
Read more

Chapter 10: Kakaibang Kaba

"Diana!" Mahinang tinig ni Nicolo ang siyang aking naririnig."Nicolo..." Hinahanap ko ang presensiya niya sa madilim na karimlan."Diana..." Muli'y narinig ko ang malakas niyang tinig na parang kaylapit niya lamang sa'kin."Dumilat ka, Mahal kong Prinsesa!" Naramdaman ko ang masuyong haplos niya sa aking pisngi."Nicolo..." Iminulat ko ang mga mata at aking nasilayan ang nag-aalalang mukha nito."Diana, Mahal kong Prinsesa!" Niyakap ako nito nang mahigpit.Ramdam kong nakahiga ako pero wala sa loob ng aking silid. Inilinga ko ang mga mata sa paligid at nakita kong nasa kakahuyan pa rin ako. Ngunit saan ako nakahiga kung gayon? Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga at inalalayan naman ako ni Nicolo.Namangha ako sa nakitang ganda ng aking higaan. Para akong isang tunay na prinsesang nakahiga sa isang magarang higaan na napalilibutan ng iba't ibang uri ng mga bulaklak. Nap
last updateLast Updated : 2021-09-11
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status