"Okay ka na ba?" muli ko na namang tanong sa kaniya. Matapos ang nangyari kanina, nawalan na 'ko ng gana na mag-jogging, at siyempre ganoon din naman siya. Ewan ko nalang talaga kung bakit niya pa ako kailangang tanguan sa tanong kong 'yun, kasi halatang malungkot pa rin ang mga mata niya.Kaya talaga minsan ay ayaw ko sa mga lalaki, kasi kung 'di naman arogante, masyado namang paasa. Though sa sitwasyon kanina, wala namang kasalanan ang lalaki na 'yun dahil natural lang naman na gawin niya 'yun sa girlfriend niya, pero para sa 'kin, mali niya pa rin."Jogging tayo ulit bukas, a'?" pag-iiba ko ng usapan, kinuha ko 'yung towel na nasa balikat niya at ako na rin ang nagpahid ng pawis sa noo niya. Para na kasing nawalan na 'to ng lakas para gumalaw. "Kapag nandito si Joyce, papagalitan ka n'on."Sinubukan ko siyang takutin gamit ang pangalan ng kaibigan kong 'yun. Magaling kasi 'yung mag-advise, at talagang papagalitan ka kapag may mali nang nangyayari. Gusto ko ri
Read more