Share

Chapter 2

Author: Marilyn Torrevilas
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Napatingin ako sa mukha niya matapos n'yang tumayo at umuna pa sa paglalakad. Akala ko pa nga'y tuluyan na talaga 'tong aalis, pero nang makita ang paghinto nito ay kumunot ang noo ko sa pagtataka.

Tumingin ako sa ceiling, pero nang walang makitang sagot doon ay bumalik na lamang ang tingin ko sa kaniya na parang inaabangan ako o ano. Wala kasi siyang kaiimik-imik, basta ay nakatayo lang talaga 'to at paminsan-minsa'y inaayos ang jacket.

"Ahmm," bulong ko at hinarap nalang sina mama at lola. "Mukhang kanina pa po ako hinahanap ni papa, kailangan ko na po talagang umalis." Hindi naman sila nakasagot, pero 'di makakatakas sa paningin ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nila na para bang gusto pa nila akong makasama.

"Ganoon ba?" si mama, halata ang lungkot sa boses, sandali 'tong nagbaba ng tingin at nang magkatinginan kami ay may maliit nang ngiti sa labi. "Sige. Basta bumisita ka lang dito bukas, a'."

"Titingnan ko po," sagot ko sa mababang boses. 'Di ko maatim na sabihing baka 'di na 'ko makabalik dito bukas, marami na kasi akong labahan sa bahay. 'Di naman pwedeng patambakin lang ang mga 'yun dahil paniguradong lalangawin ang basket kapag pinatagal pa. "Sige na po, alis na 'ko."

Nakangiti nalang akong tumalikod at 'di na nakarinig ng salita mula sa kanila, basta ang huli ko nalang naramdaman ay ang dahan-dahan nilang pag-upo sa sofa.

Hindi pa nga 'ko tuluyang nakakalabas ng gate nang may isang aninong humarang sa 'kin. Wala akong ideya kung anong trip niya. O baka'y 'di lang talaga siya nakakain kaninang tanghali.

Tahimik na naman kaming nagkatinginan, at ako na ang unang humakbang papaalis dahil labis na ang pag-aalala ko kay papa. Sigurado kasing nagsumbong na ang Ytang na 'yun tungkol sa pagpunta ko rito, 'tapos si papa ay halatang 'di pa nakaka-move on kay mama kahit may panibago na 'tong kasama.

'Di ko rin naman siya mahusgahan kaagad, naaawa nalang talaga ako kay auntie kasi tiyak na nasasaktan siya knowing na hindi siya mahal ni papa. Well, 'di naman 'yung tipong nagbabasagan na ng mukha, ang problema lang ay medyo malamig si papa sa kaniya. 'Yung tipong nagngingitian lang kapag nagkikita. Himala pa nga't pumayag si papa na sa isa silang kwarto matulog.

"Do you have a plan of coming back here?" sa mababang boses na tanong ng lalaki.

Lito ko siyang binalingan at nagpalinga-linga para makita kung may iba pa bang tao bukod sa 'ming dalawa, at nang mapansing wala ay humalukipkip ako at napapatitig sa daan patungo sa bahay namin. Ang layo pa, kailangan ko 'atang sumakay ng tricycle.

"Ewan ko po," ang naisagot ko nalang at sandali siyang binalingan, 'di ko na tuloy maiwasang 'di mapabuntong-hininga habang iniisip kung papaano ako makakasakay ng tricycle kasi wala naman akong nakikitang maski isang sasakyan.

"Po?" balik niyang tanong sa 'kin. "Bakit po?"

Tinaasan ko nalang siya ng kilay na parang nagpagulat sa kaniya, binalewala ko nalang 'to at tiningnan siya mula ulo hanggang paa, at ngayon na mas malapit kami sa isa't isa, napagtanto kong 'di lang siya matangkad kundi napakatangkad.

Bumuntong-hininga nalang muna ako at kinuha ang cellphone nang mag-vibrate 'to. Text ni Ytang na nagsasabing pinapasundo na ako ni papa ang bumungad sa akin. Napangiti nalang tuloy ako at nagtipa pa ng mensahe.

"Depende po," walang kabuhay-buhay kong sagot, nagpatuloy pa 'ko sa paglalakad habang siya ay tumabi na rin sa 'kin. "Marami pa akong trabaho sa bahay kaya bawal po muna ang gala."

Hindi na 'ko nakaramdam ng sagot mula sa kaniya, pero sigurado naman akong narinig niya ang sinabi kong 'yun. Saktong pagbaling ko sa kalsada ang pagtigil ng isang tricycle sa harap ko. Mas lalo akong napangiti nang makita ang paglabas ni Ytang.

"Omoo!" reak niya kaagad at inobserbahan ako. "Wala bang masakit sa 'yo? Ano'ng pinakain nila sa 'yo? Pinahugas ka ba ng plato? Ano'ng ginawa ng Isbelle na 'yun sa 'yo? Pinahiya ka ba? Ano, a', balikan natin?

"Wala naman," natatawa kong sagot at binalingan ang lalaki, pero mukhang kanina pa 'to nakaalis. Sayang, ipapakilala ko pa naman sana siya kay Ytang. Gwapo rin kasi 'yun, at alam kong siya ang tipo ni Ytang. Sayang talaga. Pero 'di bale na nga, mukhang taga-rito lang naman ang lalaki na 'yun, e'.

Pinagmasdan nalang ako ni Ytang ng ilang minuto 'tapos ay nagkibit ng balikat. Mayamaya pa'y inakbayan niya nalang ako, at sabay nga kaming sumakay sa tricycle na kanina pa kami hinihintay. Habang nasa biyahe pa nga, panay talaga ang tanong niya sa 'kin.

Sinagot ko nalang lahat ng mga tanong niya dahil siguradong mamimilit lang ang babae na 'to. Nang tumigil na ang sasakyan, nasa tapat na kami ng munti naming bahay. Inakala ko pa ngang makikita ko si papa na hinihintay ako pero wala naman pala when in fact ay napakatahimik nga ng paligid.

Matapos bayaran ni Ytang ang driver ay nagbilang 'to ng pera sa wallet niya.

"Kaunti nalang pera ko, lagot ako kay pader nito," nakangiwi niyang usal, pero sa huli ay humalakhak lang siya at hinila ako papasok sa bahay namin. Binigay ko nalang sa kaniya ang munting susi -- may kalawang na nga 'to pero pinagtitiisan pa rin. Siya na ang nagbukas ng pinto at kaagad umupo sa bangko na gawa sa kawayan.

"Nasaan si papa?" blangko kong tanong at umupo na rin sa gasgas na carpet. "Inaasahan ko pa namang papagalitan na naman ako no'n dahil hindi ako nagpaalam sa kaniya."

"Don't worry," pakampanteng sabi ni Ytang at nagdekuwatro. "'Di ko naman sinabi sa kaniyang pwersahan kang kinuha ng Isbelle na 'yun." Sumimangot pa nga 'to na para bang may inaalala. "Sarap sapakin ng babae na 'yun."

"'Di pa rin siya nagbabago, Ytang," parang bata kong sumbong. Siya lang kasi ang pwede kong mapagsabihan sa problema ko, dahil 'di naman makakabuti kung aamin ako kay papa kasi tiyak na magagalit 'yun. "Alam mo 'yung feeling na dina-down ka."

"Kaya nga 'wag mo na 'yung lapitan pa," pangangaral niya sa 'kin at diskompyadong umiling. "Kasalanan mo naman kasi, alam mo na ngang ganoon nga ang mangyayari, sumama ka pa rin, papaano nalang kung higit pa sa pangmamaliit ang matanggap mo?"

"Kaya nga sorry na," nakanguso kong tugon at hinubad ang sandals na malapit na 'atang mamatay kakapanay ang gamit. Mas lalo tuloy akong napanguso. Oh, aking kawawang sandal, mukhang kailangan na 'ata kitang palitan.

"Basta kapag mangyari ulit ang ganoon na pipilitin ka niyang sumama, humindi ka, karapatan mo naman 'yun," parang nanay niya namang sabi sa 'kin. Masama n'ya kong tiningnan, at kagaya ng inaasahan ay parang loka-loka lang 'tong tumawa at pinakita ang cellphone niya sa 'kin.

'Di man alam kung ano ang gusto niyang gawin ko ay kinuha ko nalang ang phone at nakita ang picture ng isang lalaki.

"'Yan ang future ko, Prens," kinikilig niyang bulong at naging kiti-kiti na sa kinauupuan. Nilapit ko nalang lalo ang picture sa mukha ko. Hindi ako maaaring magkamali. Ito 'yung lalaki na nakikilala ko kanina. "Siya ang future hubby ko."

"Mas matanda 'yan sa 'yo, a'?" kaswal kong tanong at binalik sa kaniya ang phone. Natigilan naman 'to saglit para makapag-isip-isip. Nginitian niya nalang ako, saka tuluyan na talagang tumayo at nagtalun-talon sa sobrang kilig. Umawang nalang ang labi ko sa pagtataka at nagkamot nalang ng ulo.

"Mas matanda, mas ideal!" nakikiliting sigaw niya. "Mas mature, mas magandang mag-handle ng relationship!"

Pinagtatapik-tapik niya ko nang pagkalakas-lakas, at nag-swipe pa sa phone. Pinakita niya na naman sa 'kin ang panibagong litrato, at naroon ang lalaki. Ngayon ay mas lalo kong nakompirma kung sino 'to dahil nakasuot na ito ng jacket.

"Mukhang college student na siya, 'no?" komento ko nalang at tumayo para makapunta na sa kwarto at maayos ang mga damit na 'di ko pa natutupi. "Matangkad din siya, 'no? At mukhang matalino."

"Hindi lang parang dahil talagang matalino siya," si Ytang at yinakap ang sarili habang sini-sway ang katawan. Sumunod siya sa 'kin patungong kwarto at napahinto lang nang makita kung gaano 'to kagulo.

"Sorry. Ang kalat. Tinamad kasi akong maglinis," nakangiwing ani ko at kaagad sinampay ang towel na natapakan ko. Umupo naman si Ytang sa sahig at walang imik na nagpatuloy sa pag-i-scroll sa cellphone.

"Ubos na load ko," maiyak-iyak niyang sabi at tinaas ang phone para siguro makahanap ng mas maayos na signal. Wala kasing signal dito sa bahay namin, meroon nga pero pahirapan pa para makasagap. "By the way, 'wag mo nang uulitin 'yun, a'!"

"Uulitin ang ano?" lutang kong tanong. "Ay, oo. Hindi na talaga ako sasama sa Isbelle na 'yun kahit ipakuha niya pa 'ko sa mga bodyguards niya. Kusa nalang akong bibisita roon para makita paminsan-minsan si lola."

"Miss ko na rin lola mo," nakanguso niyang sabi. Minsan na rin kasi silang nagkita dalawa, kaya kilala na nila ang isa't isa. "Naaalala niya pa kaya ako? Ano sa tingin mo? Siguradong magugulat 'yun kapag nakita ang diyosa kong mukha."

"Mukhang hindi 'ata," lutang kong komento, pero nang makita ang parang tigre niyang mukha ay kaagad akong kumuha ng isang unan para depensa sa sarili. "I mean, mukhang hindi ka naman 'ata nakalimutan ni lola, alam mo naman kung gaano kayo ka-close noon."

"Aww," nakanguso niyang sabi at biglang hinalikan ang screen ng phone. Nagtawanan nalang kaming dalawa. Panay pa rin kasi ang pag-i-scroll nito, at panay rin ang explain. "Alam mo bang mahilig mag-piano si Spencer?" tanong niya na nagpakurap sa 'kin.

So Spencer ang pangalan niya? Pero imbes na isipin pa ang mga inaakto ni Ytang ay inatupag ko nalang ang basket na punong-puno ng mga labahan, mukhang 'di ko 'ata 'to matatapos sa isang araw lamang -- mukhang marami 'ata akong sabon na magagamit nito.

"Kilala mo ba si Jake, a'?" dagdag niya na namang tanong sa 'kin at kinikilig na binangga ang siko ko. "'Wag mo sabihing 'di mo rin kilala si Jake?"

"Hindi nga," natatawa kong sagot at pinaamoy sa kaniya ang isang labahan. Nang dahil doon, muntik niya na sana akong hahampasin nang kaagad ko na namang hinagisan ang mukha niya ng isang pantalon, mas mabaho 'to kasi 'yun ang nasa pinakailalim. "Wala akong pake sa Jake o kung sino pa man. As if sila ang maglalaba ng lahat ng 'to."

"'Wag kang maglaba bukas," parang boss niyang sabi. "Kailangan mo nang makipag-socialize, ilang linggo na tayong 'di nakakagala."

"E', kailangan ko na 'tong labhan!" angal ko at tinuro ang basket. "Pero puwede rin, basta tulungan mo nalang ako next day." Saglit pa 'tong napaisip. Gusto ko na tuloy umiyak sa sobrang saya nang walang angal siyang tumango.

"'Di ba mahilig ka ring mag-piano, Frens?" tanong niya na 'di ko talaga inaasahan. "Pwede mo ba akong turuan? Para same na kami ni Spencer. Para may masabi akong topic kapag nagkita na kami, yiee!"

"Shh, Ytang! 'Wag mo 'yang ipaparinig kay papa, a'!"

Napatango naman 'to sa inutos ko. Alam na alam niya ang dahilan kung bakit ayaw ko, kaya humalukipkip nalang 'to at ziniper ang bibig gamit ang sariling daliri. "Alam mo namang ayaw na akong makita ni papa na nagpa-piano."

"Pero napakagaling mo kasi talaga," bulong niya sa 'kin. Mas okay na 'tong ganito dahil baka bigla nalang sumulpot si papa. Mahirap na. Tiyak na magagalit 'yun. "Sa tingin ko nga, kapag sasali ka isang piano contest, ikaw na ang panalo automatically."

"Malabo na 'atang mangyari 'yan," ani ko sa mababang boses. "Kase matagal ko nang kinalimutan ang talento kong 'yan, pero nga dahil sa talento ko na, ang hirap iwasan, pero ano ngang magagawa ko? Masasaktan si papa."

Nasa bahay si Ytang hanggang hapon. Wala pa rin si papa kaya malaya kaming nakakapag-ingay. Ngayon na sana ako maglalaba pero nang makita ang makulimlim na ulap ay nag-ayos nalang ako ng mga gamit sa sala.

Kinabit ko ang charger sa phone dahil kanina pa 'to low battery, pag-on ko naman sa phone, nabasa ko ang message ni lola sa 'kin na nagsasabing gusto niya na naman akong makita. Tila may humaplos naman sa puso ko kasi napakaraming please sa message niya. Binalikan ko nalang tuloy si Ytang sa sala.

"Balik muna ako sa mansyon, Ytang," paunang sabi ko. Napaayos naman siya ng tayo at hinintay pa ang susunod kong sasabihin. "Nakakaawa si lola, gusto niya na akong makita."

"A-ha?" Napatayo rin siya sa gulat. "Papaano na 'yan? Gumagabi na? Ganito nalang -- makinig ka -- ako nalang ang bahalang mag-isip ng palusot sa papa mo, basta umuwi ka lang kaagad."

"Sige," pagsang-ayun ko at kinuha ang lumang sling bag. Muli ko na namang sinuot ang sandal na malapit nang sumuko.

Kumaway nalang kami sa isa't isa, at siya na nga lang ang naiwan sa bahay. Sanay na rin naman kasi 'yan sa 'min. Dito pa nga 'yan madalas natutulog lalo na kapag weekends.

Nagpasalamat nalang ako nang may makitang isang tricycle. Bahala na talaga. Inaamin ko rin namang miss ko na sila, at 'di ata ako makakatulog nang maayos kapag 'di ko sila mabibisita. Ilang minuto lang naman ang naging biyahe. Nang marating ko ang mansyon, kaagad akong natahimik nang makita ang isang lalaki na may kausap na isang babae.

Spencer...

Mukhang magkasing-edad lang sila, at parang may relasyon din silang dalawa ngayong nagngingitian ang mga 'to. Para tuloy silang mga character na napanood ko sa isang pelikula na nagtatagpo lang kapag gabi dahil hindi aprobado ang pamilya nila sa isa't isa.

Naalala ko naman si Ytang, mabuti nalang talaga at hindi siya sumama sa 'kin kasi tiyak na masasaktan siya sa makikita.

"Why did you drop your literature subject?" dinig ko pang tanong ng babae.

"It's because--"

Nagtaka ako nang huminto sa pagsasalita ang lalaki. Mukhang nahalata na 'ata n'ya ang presinsya ko, pero bago niya ko mabalingan ay kaagad kong tinago ang sarili sa punong malapit lang sa pwesto ko.

Related chapters

  • Hopelessly Smitten   Chapter 3

    Napabuntong-hininga nalang ako at umalis na sa pwesto. Mabuti nalang talaga at hindi ko sinama si Ytang. Siguradong magtatampo 'yun o worse magagalit. Pumasok nalang ako sa loob ng mansyon habang nililibot ang tingin sa paligid.Ganoon pa rin naman ang itsura: May mga naglalakihang glass drawers at mga nakasabit na painting. Doon lang naman ako napaayos ng tayo nang makarinig ng mga yapak. Noong una, akala ko si lola na 'to, pero nang makitang hindi naman pala ay malungkot nalang akong nagbaba ng tingin."So, you're here?" blangkong tanong ni Isbelle. Ewan ko kung bakit kailangan niya pa 'yung sabihin kahit halata namang nasa harapan naman talaga niya 'ko. "I actually wasn't expecting you to come back here again.""Nag-text si lola sa 'kin, 'te."Mukha pa siyang nagulat sa sinabi ko. Samantala, natigilan naman ako nang ma-realize kung ano ang tinawag ko sa kaniya. "Sabi niya gusto niya raw akong makita." H

  • Hopelessly Smitten   Chapter 4

    "Okay ka na ba?" muli ko na namang tanong sa kaniya. Matapos ang nangyari kanina, nawalan na 'ko ng gana na mag-jogging, at siyempre ganoon din naman siya. Ewan ko nalang talaga kung bakit niya pa ako kailangang tanguan sa tanong kong 'yun, kasi halatang malungkot pa rin ang mga mata niya.Kaya talaga minsan ay ayaw ko sa mga lalaki, kasi kung 'di naman arogante, masyado namang paasa. Though sa sitwasyon kanina, wala namang kasalanan ang lalaki na 'yun dahil natural lang naman na gawin niya 'yun sa girlfriend niya, pero para sa 'kin, mali niya pa rin."Jogging tayo ulit bukas, a'?" pag-iiba ko ng usapan, kinuha ko 'yung towel na nasa balikat niya at ako na rin ang nagpahid ng pawis sa noo niya. Para na kasing nawalan na 'to ng lakas para gumalaw. "Kapag nandito si Joyce, papagalitan ka n'on."Sinubukan ko siyang takutin gamit ang pangalan ng kaibigan kong 'yun. Magaling kasi 'yung mag-advise, at talagang papagalitan ka kapag may mali nang nangyayari. Gusto ko ri

  • Hopelessly Smitten   Chapter 5

    "Totoo nga," pangungumbinsi ko sa kanila. "Umiyak pa nga. Alam mo 'yung reaksyon na para kang binagsakan ng mundo? Nakita ko 'yan sa kaniya kanina.""Alam mo namang ang hirap paniwalaan niyan," blangkong sabi ni Lowelyn at nagkamot ng ulo. Kung sabagay, 'di ko rin naman sila masisisi. Saksi kaming lahat kung gaano kawalanghiya si Ytang, kaya ang hirap paniwalaan na umiyak siya dahil sa isang lalaki. "Saksi ka, Prens, na kahit kailan 'di natin siya nakitang umiyak kahit noong nabagsakan ang ulo niya ng timbang may tubig -- tumawa pa nga."Napaayos ako ng tayo. Minsan lang kung mag-seryoso si Lowelyn sa isang usapan, madalas kasi'y ginagawa niyang katuwa-tuwa ang mga bagay-bagay. Marahil ay pareho lang kami ng nararamdaman, na dahil sa nakasanayan naming parating malakas si Ytang ay imposible na para sa 'min ang umiyak siya. Pero, nakita ko talaga kanina ang reaksyon ni Ytang, at big deal talaga 'yun sa 'kin."Umalis nalang

  • Hopelessly Smitten   Chapter 6

    Mariin niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinaplos ang buhok ko. Nanghihina nalang akong napahakbang papaatras at humiling na sana ay may makakita sa 'kin, kahit si Ytang man lang o si Lowelyn."'Di ko alam kung bakit mo 'yan tinatago," sabi niya sa nagtatakang boses, habang ako naman ay nag-iwas nalang ng tingin. "Kasi maganda naman, atmarami ang humihiling na ganiyan ang buhok, pero itatago mo lang, bakit?"Salamat nalang at hindi niya na 'ko tinanong pa. Nakahinga na rin ako nang maluwag nang tumalikod na 'to at iniwan akong may kaunti pa ring kaba sa dibdib. Napahawak ako sa buhok ko. Bakit niya nalaman?'Patuloy lang ako sa pagsusuri sa sariling buhok nang mapansin ko ang dulo na nawawala na ang peke na kulay. Ito pala... Kaya pala nalaman niya. Bumuntong-hininga nalang ako at napatingala sa langit at balik na naman sa buhok. At least, siya lang ang nakapansin nito.

  • Hopelessly Smitten   Chapter 7

    Pagpunta ko sa bahay namin ay tahimik naman ang paligid. Mukhang nasa trabaho pa rin sina auntie at papa. Malapit lang naman ang workplace nila rito. Kargador si papa roon sa poultry farm sa bukid, at si auntie naman ay tagapaglinis.Mabuti na nga lang talaga kasi sabay silang aalis at uuwi. May mga araw naman na wala sila rito, lalo na kapag weekends. Day-off kumbaga.Nagpahinga na nga lang muna ako ng ilang oras dahil masyado 'ata akong napagod sa nangyari kanina. Bagaman marami pa ring katanungan sa isipan ay pinili ko na lamang na kalimutan ang mga 'yun.Hinintay ko sina papa at auntie para makapagpaalam na 'ko. Roon lang ako pumunta sa kusina nang makita si papa na magluluto na. Chance ko rin kasi nasa sala pa si Auntie na nagtatanggal ng medyas at gloves."Kumusta na ang ate mo?" tanong niya. Hindi ako nagkamali. Maririnig pa rin talaga ang kalungkutan sa boses niya. Anak niya rin kasi 'yun, ka

  • Hopelessly Smitten   Chapter 8

    Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang tanaw-tanaw si lola na tumatawa nang pagkalakas-lakas. Awtomatiko naman akong napatingin kina mama at ate at nakitang pareho silang walang alam.Lito rin silang nakatingin kay lola. Ilang minuto naman akong nag-isip, batid nang nagjo-joke lang si lola, ang 'di ko lang maintindihan ay kung bakit.Bakit ang saya-saya niya? Well, palagi naman siyang tumatawa, pero iba na kasi ngayon. Pakiramdam ko ay may iba pang dahilan. At kung ano man ang dahilan na 'yan ay 'di ko talaga alam."Lola, nainom niyo na po ba ang gamot niyo?" tanong ni ate kay lola habang 'di naman inaalis ang tingin sa 'kin. Talagang kuryuso siya kasi panay ang taas ng kilay niya ngayon. Si mama naman, samantala, bumalik na sa pagiging cool, pero halata namang clueless pa rin sa nangyaya

  • Hopelessly Smitten   Chapter 9

    ***Wala pa rin si Isbelle hanggang ngayon. Gusto ko na tuloy tawagin ang pangalan niya at sabihin na i-enroll niya na 'ko. Kahit kasi nasaloob na ako mismo ng sasakyan ay pakiramdam ko ay nasa labas pa rin ako. Nakaka-awkward ang lugar na 'to.Masyadong high-class. Kahit saan ka tumigin ay wala kang makikitang naka-tsinelas. Lahat sila ay nakasuot ng heels o sapatos. 'Yung about naman sa grupo kanina na kaharap ko, ayun at nasa malayo na. Thank, God talaga at hindi ako nakita ni Spencer!'Di ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Marahil ay talagang kakaiba siya sa paningin ko kanina habang kasama niya 'yung mga tao na 'yun. Feeling ko hindi siya 'yung Spencer na nakilala ko. Feeling ko iba siya kanina.Doon lang ako napaayos ng upo nang bumukas ang pinto ng sasakyan. Sinenyasan ako ni Isbelle na lumabas na, pero may '

  • Hopelessly Smitten   Chapter 10

    "Hindi naman ako naligaw," mahina kong sagot sabay titig sa drink na nasa harapan ko. "Ikaw rin naman, puwede ka ring maligaw rito."Napatitig siya sa 'kin ng ilang minuto, at muli na naman akong nagbaba ng tingin. Sana naman ay tumupad ng usapan si Isbelle. Sana ay balikan niya ako rito. Kahit na galit siya sa 'kin ay 'di niya naman 'ata hahayaang umuwi ako nang mag-isa,'di ba?Kahit papaano ay nangako siya, kaya sana naman ay tuparin niya.Napatingin ako sa lalaki na nasa harap ko at nakita ang muli niyang pagbaling sa libro na nakalapag. Tuloy ay 'di ko maiwasang 'di isipin na ako ang dahilan kaya naudlot ang pagbabasa niya kanina. "Nagrereview ka? Ituloy mo na 'yan," imik ko at tuluyan na ngang ginalaw ang drink. Namalayan ko naman siyang nag-oorder na rin."Nagrereview? Sin

Latest chapter

  • Hopelessly Smitten   Chapter 50

    Hindi pa nga ako nakakakurap nang maayos noong biglang sumali sa eksena ang pakealamera kong ate. Ang mas kinaiinisan ko sa lahat ay 'yung ngiti sa labi niya na para bang gusto niya talaga akong inisin. Pilit mang ipagsawalang bahala ang nakakairita niyang mukha ay wala akong ibang nagawa kundi ang tumahimik na lamang."You're here, Spencer," ang paunang sabi ni ate, sa 'kin pa rin nakatingin at wala sa bisita. "My sister has been waiting for you. I am thankful you come here. Hahaha."Mas lalo kong pinikit ang mga mata ko. Sa tingin ko ay mas maganda kung kami lang dalawa ni Spencer ang magkausap, kasi kahit papaano ay nakakahinga pa ako. Hindi tulad ng ganito na kahit saan ako bumaling ay kinakapos pa rin ako ng hininga.Shems, walang ibang dapat na sisihin dito kundi si Ytang. Kung hindi niya ako pinagtripan kanina, 'di sana mangyayari sa 'kin 'to.Napasandal na lang ako sa back

  • Hopelessly Smitten   Chapter 49

    Hours after that encounter, I beckoned him to just leave since he had a lot of things to do. S'yempre, ang tigas-tigas pa ng ulo nang una, pero 'di nagtagal ay napapayag ko rin siya. 'Yun nga lang, I needed to be ready for he was coming soon again. Sabi niya sa ayaw at sa gusto ko ay babalik siya.Bilang isang tao na nasa kapangyarihan ng lagnat, panay lang ang tango ko sa kaniya. Kaya 'di na 'ko nakapagsalita ng kung anong palusot.Gayunpaman, 'di ko rin naman maitanggi na nagustuhan ko ang mga pangako niya sa 'king aalagaan niya ako. Sa tingin ko ay wala na akong lagnat. Parang ang init sa katawan ko ay pambihirang naglaho na parang bula.Hindi rin pala ako matiis ni Isbelle. Kasi kahit na nasa Pilipinas sana siya ngayon kasama ang mga kaibigan niya, ay pinili niya pa ring bumalik."'Bat 'di mo sinabi sa 'kin na may lagnat ka pala ngayon?" istrikta niyang tanong sa 'kin.&n

  • Hopelessly Smitten   Chapter 47

    If my pillows could talk, I was sure they would voice out their rants about me hugging them so tightly. Kung nakakagalaw lang talaga sila, marahil ay kanina pa nila ako sinapak.Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili. Papaano na 'to ngayon? Ano na ba ang dapat kong gawin? Should I force myself to act like I was totally fine? Or should I rest as what Ytang kept reminding me.Pero kasi... Ang hirap-hirap ng ganito, 'yung tipong para akong nakalutang sa malamig na sabaw. 'Yung pakiramdam na gusto mong gumalaw pero ayaw ng katawan mo. Ganoon—ganoon ang eksakto kong nararamdaman ngayon.I palmed my face using my free hand, my mind overthinking again. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Was he waiting again? Was he mad? Shems, the latter gave me undescribable feelings.Hindi na rin kataka-taka pa na kung hindi ko siya masisipot ay magagalit siya sa 'kin. I promised to be there, not t

  • Hopelessly Smitten   Chapter 46

    Muntikan pa akong mapaubo, mayamaya. Nang maramdaman na babaling na siya sa 'kin ay kaagad akong nag-iwas ng tingin. Lumunok ako nang sunod-sunod, paulit-ulit na kinukuwestyon ang sarili kung 'bat ako pumayag na makasama siya sa ganito kasikip na lugar."Frency," he called me in a breathy tone. Sa ginagawa niyang pagtatawag sa pangalan ko, bumabalik na naman ang pagkairita ko sa kaniya. Kitang-kita ko na nag-eenjoy siya sa sariling ginagawa. "Good day.""Magandang araw," pagsasagot ko sa wikang tagalog. Napatingala siya at tumawa nang malakas. Nanghihina kong binalik ang phone ko sa lalagyan nito. Makalipas ang ilang minuto ay may naisip akong kay ganda. Ramdam na ramdam ko ang pagkislap ng mga mata ko sa saya at pagkasabik."I have a favor," bulong ko sa lalaki at pinaglaruan ang sariling dila sa sarili kong bibig. Wala na akong pake kung magmukha man akong ewan sa harapan niya o ano. "I need your help, Spencer."

  • Hopelessly Smitten   Chapter 45

    Today was another day to be conquered. Si Ytang ay kasalukuyan pang natutulog sa guest room, siguro ay masyadong napagod kaka-advise sa 'kin kagabi. Kung anu-anong suggestions na ang binigay niya sa 'kin, pero dahil nga sa wala akong maisip na matino ay 'di ko rin makuha-kuha ang gusto niyang ipahiwatig.I never expected I would meet someone today. Kagabi, I texted someone. I texted Richard and beckoned him to come here for us to have a proper conversation. Alam kong ako dapat ang umalis at pumunta sa kaniya since ako ang may kailangan, pero natatakot ako.I was afraid to go outside of this house. Palala na nang palala ang threats na binigay ng maraming addict fans sa 'kin, kaya ni pagtingin lang sa gate namin ay nagsisitaasan na ang mga balahibo ko.I was facing Richard right now. As what as I expected, he looked simple yet refreshing. Siya lang 'ata ang modelo na 'di masyadong palaayos sa katawan. Madalas kasi sa

  • Hopelessly Smitten   Chapter 44

    Rough days had passed, and rumors related to me had increased more than I could imagine. Kagaya na lamang ng inaasahan, marami ang nagalit sa kin nang todo, at mostly ay fans nina Liam at Brooks.I really found that two immature and uneducated. Kung makaakto ay tila ba para silang mga bata. Well, what was I expecting for? Their massive fandoms spoiled them to the core, causing them to become arrogant.My photoshoots also ended roughly and uneasy. Some of my sponsors felt totally disappointed—some even backouted and some told me that they would just find someone who was more deserving to represent their product. Hindi naman ako naapektuhan ng grabe sa kanila, pero sa mga nababasa ko online, 'yun 'yung talagang nagpapadepress sa 'kin.Isbelle always confiscated my phone for me not to open my accounts, but just as stubborn as I was, I always found a way to connect with internet. Kaya ang ending, walang araw na 'di ako

  • Hopelessly Smitten   Chapter 43

    "Seriously? Last week, si LiamLast day, si Brooks, 'tapos ngayon si Richard na naman? Seriously?" tawang-tawa si Isbelle habang nakaturo ang mga daliri niya sa noo ko. Sumimangot ako at nagpagulong-gulong sa kama.Kakagising ko pa nga lang tapos 'eto lang ang bubungad sa 'kin? Pagod na ang buo kong katawan at isipan sa kaganapang nangyari sa 'kin noong mga nagdaang linggo. To be featured in different magazines pressured me to the core. 'Tapos ang mas nakakairita pa, iba-iba ang mga lalaking na-fefeature sa 'kin."So, sino mas type mo sa tatlo?" nakangising tanong ni Isbelle. Sinampal niya ang pwet ko, kaya lutang na lutang akong napabangon. Muli niya akong tinanong habang may inis at tawa sa mukha. "Si Liam? Si Richard? O baka none of the above? Baka 'yung ka-date mo the last month?"Humalakhak siya, nag-echo ang boses niya sa bawat sulok ng silid ko. Ako na tuloy ang napapangiwi sa itsura niya. Parang sa sobrang

  • Hopelessly Smitten   Chapter 42

    Kaagad kong inilingan ang sarili.'Bat ganito ako... karupok? Ilang buwan ko siyang tiniis. I had been suppressing my feelings for him, but what was gotten into me to feel like this just because of the unhappy smile he was giving to me? Ilang buwan akong nagtiis. Ilang buwan akong 'di nagsalita.Ilang buwan ko siyang hindi inimikan, dahil 'yun lang ang nakikita kong paraan pareho kaming 'di masanay sa isa't isa, at para na rin hindi ako maging sagabal sa kaniya.Sa totoo lang, siya lang ang unang tao, unang lalaki na nagparamdam sa 'kin ng grabeng sakit. My own father once hurt me. Pero ang ginagawa ni Spencer sa 'kin ngayon? Napakasakit. He was the only man who made me question myself and compete with my own self. Nang dahil sa kaniya, parati kong tinatanong kung ano at nasaan ang mali."Na-miss kita," he plead, his eyes twinkling in impending tears. Akma na sana niyang hahawakan ang kaliwa ko

  • Hopelessly Smitten   Chapter 41

    Tumunganga ako sa harap ng aming pisara, binabalewala ang mga kaklase kong kung anu-ano ang ginagawa sa buhay. Some were watching dramas on their mobile phones; Some were dancing k-pop songs; While some were just silent like me.Napaupo ako nang maayos nang isang grupo ang lumapit sa 'kin. They smiled at me, their hands holding bunches of school papers. Nginitian ko rin sila pabalik at hinila ang isang bangko para makaupo ang isa kong kagrupo sa tabi ko.I fixed the things in my table while my free hand was slowly getting my books out of my bag. Nang makuha ang librong gusto kong makuha ay hinarap ko ang mga kagrupo ko."So, since we already talked last day, Sheena, Remar, Jessica, Jason, and Frency, kayo na ang bahala sa pag-i-interview," pagpapaalala ni Richard sa 'min. Tumango lang ako at kinagat ang pang-ibabang labi. I could still not believe how fast the time came.Noon, grade 7 pa lang a

DMCA.com Protection Status