Hopelessly Smitten

Hopelessly Smitten

last updateLast Updated : 2021-07-26
By:  Marilyn Torrevilas  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
49Chapters
1.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Synopsis

Sweet

At first, I thought life was so easy but as the years had passed, I realized that life is obnoxious, specially for those poor who pray every day to win in a lottery. Since I was a kid, I already had carried a big responsibility in my arms, sometimes making me question myself whether I was born to live happily or the other way around. My mom and father had a divorce when I was a kid, and unluckily, she made me choose between her and papa. And now, too bad but I regretted nothing. On that day, I chose my dad, and never in million of years would I become jealous to my sister (who had chosen mom) just because she is rich and can buy anything she wants. I was used at buying my only basic needs, securing the rest of my money for future because I know I will still be the only one who can benefit at the end. I was just living peacefully, without having any regrets and doubts, but there is a man named Spencer whose arrogance could reach the planet Jupiter. And I can't deny he got the looks that made everyone to flicker after him. But never in million years would I become fluttered just because of silly and corny jokes from him. But I became tongue-tied for predicting everything. Because I was wrong for judging him like that.

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Nagkatingnan kaming tatlo nina mama at lola. 'Di pa sumasapit ang isang minuto nang lumabas mula sa isang kwarto si ate. Kahit pa nga nakapambahay na 'to ay makikita mo pa rin na libu-libo ang halaga ng mga suot niya.'Di ko naman maiwasang 'di mailang, dahil si mama ay seryosong nakatingin sa 'kin, si lola naman ay pangiti-ngiti na parang galak na galak talaga siyang nakikita niya ako ngayon, pero si ate ay kakaiba ang tingin, parang may hinihintay siya mula sa 'kin, parang gusto niyang magsalita ako."Kumain ka na ba, 'nak?" tanong naman ni mama, at nagtagal naman ang tingin ko sa kaniya, biglang nanibago dahil tinawag niya 'kong anak niya. "Nagpadeliver na kami ng mga pagkain.""A-ha?" nautal pa 'ko. Hindi naman ako kinakabahan o ano. Sadyang masyadong hindi kapani-paniwala ang nangyayari ngayon, idagdag pa ang mga tinginan nila na para bang inoobserbahan talaga nila 'ko. Maliban nalang kay lola, sanay na kasi ako

Interesting books of the same period

Comments

No Comments
49 Chapters

Chapter 1

Nagkatingnan kaming tatlo nina mama at lola. 'Di pa sumasapit ang isang minuto nang lumabas mula sa isang kwarto si ate. Kahit pa nga nakapambahay na 'to ay makikita mo pa rin na libu-libo ang halaga ng mga suot niya.'Di ko naman maiwasang 'di mailang, dahil si mama ay seryosong nakatingin sa 'kin, si lola naman ay pangiti-ngiti na parang galak na galak talaga siyang nakikita niya ako ngayon, pero si ate ay kakaiba ang tingin, parang may hinihintay siya mula sa 'kin, parang gusto niyang magsalita ako."Kumain ka na ba, 'nak?" tanong naman ni mama, at nagtagal naman ang tingin ko sa kaniya, biglang nanibago dahil tinawag niya 'kong anak niya. "Nagpadeliver na kami ng mga pagkain.""A-ha?" nautal pa 'ko. Hindi naman ako kinakabahan o ano. Sadyang masyadong hindi kapani-paniwala ang nangyayari ngayon, idagdag pa ang mga tinginan nila na para bang inoobserbahan talaga nila 'ko. Maliban nalang kay lola, sanay na kasi ako
Read more

Chapter 2

Napatingin ako sa mukha niya matapos n'yang tumayo at umuna pa sa paglalakad. Akala ko pa nga'y tuluyan na talaga 'tong aalis, pero nang makita ang paghinto nito ay kumunot ang noo ko sa pagtataka.Tumingin ako sa ceiling, pero nang walang makitang sagot doon ay bumalik na lamang ang tingin ko sa kaniya na parang inaabangan ako o ano. Wala kasi siyang kaiimik-imik, basta ay nakatayo lang talaga 'to at paminsan-minsa'y inaayos ang jacket."Ahmm," bulong ko at hinarap nalang sina mama at lola. "Mukhang kanina pa po ako hinahanap ni papa, kailangan ko na po talagang umalis." Hindi naman sila nakasagot, pero 'di makakatakas sa paningin ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nila na para bang gusto pa nila akong makasama."Ganoon ba?" si mama, halata ang lungkot sa boses, sandali 'tong nagbaba ng tingin at nang magkatinginan kami ay may maliit nang ngiti sa labi. "Sige. Basta bumisita ka lang dito bukas, a'.""T
Read more

Chapter 3

Napabuntong-hininga nalang ako at umalis na sa pwesto. Mabuti nalang talaga at hindi ko sinama si Ytang. Siguradong magtatampo 'yun o worse magagalit. Pumasok nalang ako sa loob ng mansyon habang nililibot ang tingin sa paligid.Ganoon pa rin naman ang itsura: May mga naglalakihang glass drawers at mga nakasabit na painting. Doon lang naman ako napaayos ng tayo nang makarinig ng mga yapak. Noong una, akala ko si lola na 'to, pero nang makitang hindi naman pala ay malungkot nalang akong nagbaba ng tingin."So, you're here?" blangkong tanong ni Isbelle. Ewan ko kung bakit kailangan niya pa 'yung sabihin kahit halata namang nasa harapan naman talaga niya 'ko. "I actually wasn't expecting you to come back here again.""Nag-text si lola sa 'kin, 'te."Mukha pa siyang nagulat sa sinabi ko. Samantala, natigilan naman ako nang ma-realize kung ano ang tinawag ko sa kaniya. "Sabi niya gusto niya raw akong makita." H
Read more

Chapter 4

"Okay ka na ba?" muli ko na namang tanong sa kaniya. Matapos ang nangyari kanina, nawalan na 'ko ng gana na mag-jogging, at siyempre ganoon din naman siya. Ewan ko nalang talaga kung bakit niya pa ako kailangang tanguan sa tanong kong 'yun, kasi halatang malungkot pa rin ang mga mata niya.Kaya talaga minsan ay ayaw ko sa mga lalaki, kasi kung 'di naman arogante, masyado namang paasa. Though sa sitwasyon kanina, wala namang kasalanan ang lalaki na 'yun dahil natural lang naman na gawin niya 'yun sa girlfriend niya, pero para sa 'kin, mali niya pa rin."Jogging tayo ulit bukas, a'?" pag-iiba ko ng usapan, kinuha ko 'yung towel na nasa balikat niya at ako na rin ang nagpahid ng pawis sa noo niya. Para na kasing nawalan na 'to ng lakas para gumalaw. "Kapag nandito si Joyce, papagalitan ka n'on."Sinubukan ko siyang takutin gamit ang pangalan ng kaibigan kong 'yun. Magaling kasi 'yung mag-advise, at talagang papagalitan ka kapag may mali nang nangyayari. Gusto ko ri
Read more

Chapter 5

"Totoo nga," pangungumbinsi ko sa kanila. "Umiyak pa nga. Alam mo 'yung reaksyon na para kang binagsakan ng mundo? Nakita ko 'yan sa kaniya kanina.""Alam mo namang ang hirap paniwalaan niyan," blangkong sabi ni Lowelyn at nagkamot ng ulo. Kung sabagay, 'di ko rin naman sila masisisi. Saksi kaming lahat kung gaano kawalanghiya si Ytang, kaya ang hirap paniwalaan na umiyak siya dahil sa isang lalaki. "Saksi ka, Prens, na kahit kailan 'di natin siya nakitang umiyak kahit noong nabagsakan ang ulo niya ng timbang may tubig -- tumawa pa nga."Napaayos ako ng tayo. Minsan lang kung mag-seryoso si Lowelyn sa isang usapan, madalas kasi'y ginagawa niyang katuwa-tuwa ang mga bagay-bagay. Marahil ay pareho lang kami ng nararamdaman, na dahil sa nakasanayan naming parating malakas si Ytang ay imposible na para sa 'min ang umiyak siya. Pero, nakita ko talaga kanina ang reaksyon ni Ytang, at big deal talaga 'yun sa 'kin."Umalis nalang
Read more

Chapter 6

Mariin niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinaplos ang buhok ko. Nanghihina nalang akong napahakbang papaatras at humiling na sana ay may makakita sa 'kin, kahit si Ytang man lang o si Lowelyn."'Di ko alam kung bakit mo 'yan tinatago," sabi niya sa nagtatakang boses, habang ako naman ay nag-iwas nalang ng tingin. "Kasi maganda naman, at marami ang humihiling na ganiyan ang buhok, pero itatago mo lang, bakit?"Salamat nalang at hindi niya na 'ko tinanong pa. Nakahinga na rin ako nang maluwag nang tumalikod na 'to at iniwan akong may kaunti pa ring kaba sa dibdib. Napahawak ako sa buhok ko. Bakit niya nalaman?'Patuloy lang ako sa pagsusuri sa sariling buhok nang mapansin ko ang dulo na nawawala na ang peke na kulay. Ito pala... Kaya pala nalaman niya. Bumuntong-hininga nalang ako at napatingala sa langit at balik na naman sa buhok. At least, siya lang ang nakapansin nito.
Read more

Chapter 7

Pagpunta ko sa bahay namin ay tahimik naman ang paligid. Mukhang nasa trabaho pa rin sina auntie at papa. Malapit lang naman ang workplace nila rito. Kargador si papa roon sa poultry farm sa bukid, at si auntie naman ay tagapaglinis. Mabuti na nga lang talaga kasi sabay silang aalis at uuwi. May mga araw naman na wala sila rito, lalo na kapag weekends. Day-off kumbaga. Nagpahinga na nga lang muna ako ng ilang oras dahil masyado 'ata akong napagod sa nangyari kanina. Bagaman marami pa ring katanungan sa isipan ay pinili ko na lamang na kalimutan ang mga 'yun. Hinintay ko sina papa at auntie para makapagpaalam na 'ko. Roon lang ako pumunta sa kusina nang makita si papa na magluluto na. Chance ko rin kasi nasa sala pa si Auntie na nagtatanggal ng medyas at gloves. "Kumusta na ang ate mo?" tanong niya. Hindi ako nagkamali. Maririnig pa rin talaga ang kalungkutan sa boses niya. Anak niya rin kasi 'yun, ka
Read more

Chapter 8

  Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang tanaw-tanaw si lola na tumatawa nang pagkalakas-lakas. Awtomatiko naman akong napatingin kina mama at ate at nakitang pareho silang walang alam.Lito rin silang nakatingin kay lola. Ilang minuto naman akong nag-isip, batid nang nagjo-joke lang si lola, ang 'di ko lang maintindihan ay kung bakit.Bakit ang saya-saya niya? Well, palagi naman siyang tumatawa, pero iba na kasi ngayon. Pakiramdam ko ay may iba pang dahilan. At kung ano man ang dahilan na 'yan ay 'di ko talaga alam."Lola, nainom niyo na po ba ang gamot niyo?" tanong ni ate kay lola habang 'di naman inaalis ang tingin sa 'kin. Talagang kuryuso siya kasi panay ang taas ng kilay niya ngayon. Si mama naman, samantala, bumalik na sa pagiging cool, pero halata namang clueless pa rin sa nangyaya
Read more

Chapter 9

 ***Wala pa rin si Isbelle hanggang ngayon. Gusto ko na tuloy tawagin ang pangalan niya at sabihin na i-enroll niya na 'ko. Kahit kasi nasa loob na ako mismo ng sasakyan ay pakiramdam ko ay nasa labas pa rin ako. Nakaka-awkward ang lugar na 'to.Masyadong high-class. Kahit saan ka tumigin ay wala kang makikitang naka-tsinelas. Lahat sila ay nakasuot ng heels o sapatos. 'Yung about naman sa grupo kanina na kaharap ko, ayun at nasa malayo na. Thank, God talaga at hindi ako nakita ni Spencer!'Di ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Marahil ay talagang kakaiba siya sa paningin ko kanina habang kasama niya 'yung mga tao na 'yun. Feeling ko hindi siya 'yung Spencer na nakilala ko. Feeling ko iba siya kanina.Doon lang ako napaayos ng upo nang bumukas ang pinto ng sasakyan. Sinenyasan ako ni Isbelle na lumabas na, pero may '
Read more

Chapter 10

  "Hindi naman ako naligaw," mahina kong sagot sabay titig sa drink na nasa harapan ko. "Ikaw rin naman, puwede ka ring maligaw rito."Napatitig siya sa 'kin ng ilang minuto, at muli na naman akong nagbaba ng tingin. Sana naman ay tumupad ng usapan si Isbelle. Sana ay balikan niya ako rito. Kahit na galit siya sa 'kin ay 'di niya naman 'ata hahayaang umuwi ako nang mag-isa, 'di ba? Kahit papaano ay nangako siya, kaya sana naman ay tuparin niya.Napatingin ako sa lalaki na nasa harap ko at nakita ang muli niyang pagbaling sa libro na nakalapag. Tuloy ay 'di ko maiwasang 'di isipin na ako ang dahilan kaya naudlot ang pagbabasa niya kanina. "Nagrereview ka? Ituloy mo na 'yan," imik ko at tuluyan na ngang ginalaw ang drink. Namalayan ko naman siyang nag-oorder na rin."Nagrereview? Sin
Read more
DMCA.com Protection Status