Sa loob ng anim na taong relationship ni Athena at Josh, hindi pa rin mawala sa isip ni Athena ang nakaraan na mayroon sila ni Daniel. Maayos ba sa isang reunion ang lahat? Ang mga katanungang naiwan, masasagot ba ng taong nang iwan? Ang mga pusong nasugatan, naghilom nga ba sa haba ng panahong nagdaan? Hindi alam ni Athena, na ang closure na hinahanap niya, ang siyang mag bubukas ng daan tungo sa landas na hinihiling ng puso niya. Ano ba ang naghihintay sa kanila?
View MoreKabanata 13Pumunta ako agad kay Dr. Ballon para sabihin ang lagay ng kondisyon ni Daniel, alam ko wala ako sa posisyon pero tingin ko 'eto ang dapat gawin, ang maoperahan agad si Daniel sa lalong mabilis na panahon."Doc, stable po yung vitals ng patient sa room 108, 'yung patient po na may tricuspid atresia," mahinahong saad ko kay Dr. Ballon na busy naman sa pag babasa ng chart na hawak niya. "Okay, then. Good." Tiniklop niya ang hawak-hawak niyang folder at nag akmang aalis na nang pigilan ko siya. "Don't you think doc na dapat na po siyang maoperahan agad habang stable pa siya? Baka po mamaya or bukas, biglang bumagsak ang katawan niya," pag papaliwanag ko kay doc. Umiling naman siya. "It's best if we monitor him first." Wala naman akong nagawa kung hindi ang tumango na lang sa tugon niya sa akin.Naiwan akong nakatayo sa corridor ng hospital habang pinapanuod na tuluyang mawala si Dr. Ballon sa paningin ko. Okay, w
Kabanata 12Nagising ako sa tunog ng aking telepono, may tumatawag. Dali-dali ko naman itong kinuha at sinagot. "Hello?" malumanay na saad ko, inaantok pa talaga ako. "Love, gising na. Alas sais ang duty mo 'di ba?" Napamulat ako nang marinig ko ang sinabi ni Josh sa kabilang linya. Shoot, oo nga pala. Ngayon ang simula ng duty namin sa ospital. "Hala, oo nga pala love. Thank you ginising mo ako, mag preprepare lang ako ha. Tatawagan kita ulit, i love you!" Dali-dali naman akong bumangon at nag simulang mag ayos.'Eto na ang bagong routine namin ni Josh, sa tuwing kailangan kong gumising ng maaga, lagi niya akong tinatawagan. Sakto naman dahil kapag umaga dito, hapon naman sa kanila doon kaya malamang sa malamang ay gising pa siya.Napatingin ako sa orasan, mag aalas singko na, alas sais ang duty ko sa ospital at kailangan bago ako pumasok ay naka kain na ako ng almusal dahil mahihirapan
Kabanata 11Dalawang araw na ang lumipas mula ng pumunta si Josh sa America. So far, mabuti naman ang takbo ng relasyon naming dalawa. Naalala ko, pagkarating na pagkarating niya sa airport ay tinawagan niya agad ako para ipaalam na nakarating siya ng maayos at ligtas. Sakto naman noong araw na 'yon, kakatapos lang ng klase ko kaya nakapag usap pa kaming dalawa pero hindi rin nag tagal dahil alam ko na kailangan niya rin mag pahinga.Sa totoo lang, nahihirapan pa rin ako sa set-up naming dalawa lalo na magkaiba kami ng oras. Kapag umaga dito, gabi naman doon at kabaliktaran pero sabi ni Josh, hindi rin mag tatagal, makakapag adjust din kaming dalawa. Sa loob ng dalawang araw na magkalayo kaming dalawa, pinaparamdam talaga sa akin ni Josh na walang nag bago. Hangga't kaya niya, siya ang nag aadjust para sa aming dalawa lalo na alam niya na busy talaga ako sa school at sa duty sa ospital. Pero siyempre, hindi ko naman hinahayaan 'yon.&
Kabanata 10Naiwan akong nakatayo at nakatanaw habang naglalakad si Josh palayo sa akin. Hindi ko namalayan may tumulo na pa lang luha sa mga mata ko na dali-dali ko namang pinunasan. Nang mawala na siya ng tuluyan sa paningin ko, huminga ako ng malalim. Oras na para umalis na rin ako.Habang naglalakad ako palayo, tila ba parang binabalot ng kalungkutan ang buong pagkatao ko, bawat hakbang ay sobrang bigat sa dibdib. Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Josh habang naglalakad siya palayo sa akin? Hindi ko rin alam pero sana nga.Hindi rin nagtagal nakarating na ako sa parking lot. Nanatili akong nakatayo sa gitna habang ang mga tao ay naglalakad sa paligid ko. Tumingala ako at pag tingin ko sa itaas, nag aabang sakin ang milyon milyong mga bituin na kumikislap at ang bilog na buwan na para bang sinasabihan ako na ayos lang ang lahat. Napangiti ako, tama. Magiging ayos lang ang lahat, kailangan ko lang maniw
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Napatingin ako sa oras, alas sais na ng umaga. Tinignan ko naman si Josh na mahimbing na natutulog sa tabi ko at napabuntong hininga ako. Totoo na talaga, 'eto na. 'Eto na 'yong araw na aalis na talaga siya.Hindi ko na muna siya ginising, tinitigan ko lang ang maamo niyang mukha na mahimbing na mahimbing na natutulog. "Mamimiss kita ng sobra," bulong ko sa kaniya ngunit hindi pa rin siya nagising.Sampo pang mga minuto, gigisingin ko na siya at babangon na rin ako. Ngayon pa lang nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko, paano na lang mamaya pag paalis na talaga siya? Alas nueve pa naman ng gabi ang flight niya pero kailangan namin mag asikaso ng maaga para hindi siya ma-late. Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Josh, "Ang aga mo naman magising," wika niya sa mahinang boses. Natawa naman ako, sa katunayan halos kakatulog ko lang din. Magdamag ako halos hindi nakatulog dahi
Kabanata 8"HELLO, Nicole? Ready na ba lahat?"Aligagang aligaga ako ngayon dahil mayroon akong hinandang surprise para kay Josh. Malungkot man at mabigat man sa loob, wala na akong ibang magagawa kung hindi ang tanggapin na bukas aalis na talaga siya. Simula noong napagpasyahan namin na pupunta siya sa America, sinulit namin lahat ng pagkakataon. Lahat ng pwede namin gawin ng magkasama ay talagang ginagawa namin. Sinimulan na rin namin ang pagplaplano sa kasal kahit na sa isang taon pa naman iyon. At ngayon nga, nagpatulong naman ako kay Nicole para masurprise si Josh. Gusto ko sana sulitin namin ang huling araw na magiging magkasama kami dahil sa susunod na anim na buwan, wala na kami sa piling ng isa't isa."Oo naman. Ready na lahat, basta pag umalis ako dito, ikaw na bahala okay?""Thank you so much!" Agad-agad ko namang binaba ang tawag. Grabe, sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil kinakabahan
Kabanata 7Mabilis lumipas ang mga araw.Napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa dingding ng ospital, July 23. Ilang araw na lang at aalis na si Josh. Napabuntong hininga ako."Athena, Room 208." Napatingin ako kay Dr. Cruz at napatango. Inabot niya naman sa akin ang isang folder na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa pasyente ko. Binuksan ko ito at nabasa na ang pasyente ko ay isang babaeng kakapanganak lamang. Okay, sa tingin ko ay medyo magaan gaan ang magiging araw ko. Noong mga nakaraan kasi sobrang toxic, lalo na at sa emergency ward ako nailagay."Girl, sino patient mo?" Nabigla ako nang biglang umupo sa tabi ko si Andrea. Kaklase ko rin siya at kasama ngayon dito sa duty. Tinignan ko naman sya agad at inabot ang folder na hawak-hawak ko na dali-dali niya namang kinuha at binuksan."Hala, 'eto patient mo? Kawawa ka naman!" natatawang saad niya sa akin. Awto
Kabanata 6 "Aalis ka?" Sa pagkakatingin sa sulat ay lumipat ang tingin ng mga mata ko sa kaniya. Bakas naman sa mukha niya ang pag aalinlangan. Hinawakan ni Josh ang mga kamay ko. "Love, ikaw ang gusto kong magdesisyon," malumanay na saad niya sa akin. "Ha? Bakit ako? Ikaw ang inoofferan ng trabaho." Napabuga ako ng hangin dahil ramdam na ramdam ko ang bigat ng aming kapaligiran. Umiling naman si Josh. "Magandang opportunity kasi love, para sa kasal natin." Nakayuko lang si Josh. Naisip ko na ito nga ang sasabihin niya, magandang opportunity. Para sa future, para sa kasal, para sa ikabubuti ng buhay namin. "Pero paano ako dito?" Naramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko. Kakapropose niya lang sa akin, halos kakatapos palang namin iengage tapos aalis na siya agad? Hindi ko alam kung kaya ko ba to. Pinigilan ko ang pagbuhos ng luha mula sa mga
Kabanata 5 "Huy Athena! Lutang ka na naman!" Bigla kong nabitawan ang hawak-hawak kong lapis sa sobrang gulat kay Michelle. Napabalik tuloy ako sa aking katinuan at napatingin sa kanya. "Ha? Ano nga ulit ang sinasabi mo?" nakakunot noo na tanong ko sa kanya. Marahan niya naman akong pinitik sa aking noo. "Ang sabi ko, congrats sa engagement mo! Bakit ka ba nawawala sa katinuan ha?" at dahil dalawa lang kaming naiwan dito, napuno ang silid ng halakhak niya. Napaisip tuloy ako, hanggang ngayon kasi ay talaga naman na hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraan. Sino ba naman ang maniniwala? Noong isang buwan ay isa lang akong simpleng babae na nag aaral ng mabuti upang maging isang doktor ngunit ngayon, engaged na ako! 'Di ba? Sa tuwing maalala ko ang gabing 'yon, napapangiti pa rin ako. "Wala,
Kabanata 1“ATHENA, alam ko matagal na natin ‘tong gustong mangyare. Itong pagkakataon na ‘to, matagal na natin hinihintay.” Naramdaman ko ang biglang pag bilis ng tibok ng puso ko. Napatingin ako sa lalaking nakaluhod sa harapan ko at nakita kong nakatingin din siya sa mga mata ko habang nakangiti.“Josh.” Natulala ako. Hindi ko alam kung bakit pero walang ibang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Tila ba nag uunahan sa pagbuo ng mga salitang bibigkasin ngunit sa dulo ay namumutawi ang gulat at kabog ng dibdib. Kung kaya naman wala, walang lumalabas na salita.“Alam ko nagulat ka, pero hindi na ako makapaghintay. Kaya naman, Athena, will you---”Napabalikwas ako sa biglaang pag tunog ng aking telepono. Sa sobrang inis, dali-dali ko itong inabot habang nakapikit pa ang aking mga mata.Sino ba ‘t
Comments