Kabanata 1
“ATHENA, alam ko matagal na natin ‘tong gustong mangyare. Itong pagkakataon na ‘to, matagal na natin hinihintay.” Naramdaman ko ang biglang pag bilis ng tibok ng puso ko. Napatingin ako sa lalaking nakaluhod sa harapan ko at nakita kong nakatingin din siya sa mga mata ko habang nakangiti.
“Josh.” Natulala ako. Hindi ko alam kung bakit pero walang ibang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Tila ba nag uunahan sa pagbuo ng mga salitang bibigkasin ngunit sa dulo ay namumutawi ang gulat at kabog ng dibdib. Kung kaya naman wala, walang lumalabas na salita.
“Alam ko nagulat ka, pero hindi na ako makapaghintay. Kaya naman, Athena, will you---”
Napabalikwas ako sa biglaang pag tunog ng aking telepono. Sa sobrang inis, dali-dali ko itong inabot habang nakapikit pa ang aking mga mata.
Sino ba ‘tong tumatawag? Ang aga-aga naman! Yung panaginip ko! Magpropropose na si Josh sa panaginip ko, naudlot pa! Lord naman!
“Hello? Ano ba! Natutulog pa yung tao, nananaginip pa ako! Bakit?” naiirita na tanong ko sa nasa kabilang linya. Lagi na lang napuputol ang panaginip ko sa tuwing maganda na ang mangyayari! Magpropropose na si Josh! Tapos hindi pa natuloy? Ano ba naman ‘to, Lord! Ang daya, hay buhay.
“Anong hello?! May reunion tayo ngayon ‘diba? Sabi ko dapat pumunta ka! Oh bakit tulog ka pa?” Nilayo ko ang telepono sa aking tenga sa pasigaw na sagot ni Nicole sa kabilang linya. Oh shoot! Oo nga pala. Sa pagkakahiga, bigla akong napaupo sa sinabi niya. 8:00 am na! Tama siya, may reunion kami ngayon ng mga kaklase ko noong high school. Sa totoo lang, ayaw ko talagang pumunta pero kailangan. My gosh!
“Hay nako! Oo nga pala. Okay, sige teka. Salamat sa pagpapaalala bakla. Tatawagan ko lang si Josh at mag bibihis na ako. Bye!” natatarantang sagot ko sabay patay ng telepono. Shocks, 9:30am yung reunion namin tapos ako, heto, nandito pa, hindi pa nakakaligo!
Dali-dali akong bumangon sa kama at inayos ang hinigaan ko.
Ngayon nga ang high school reunion namin. Pagkalipas ng napakaraming taon, sa wakas! Natupad din ‘tong matagal na plano namin ng mga kaklase ko. Alam niyo ba, sa totoo lang, ayaw ko talagang pumunta. Hindi ako fan ng reunion no! O ng kahit na anong get together, pero saksakan ng kulit yung bestfriend ko, kaya heto napilit akong pumunta dahil kapag hindi, ako lang daw yung kulang sa aming magkakaklase na naiwan dito sa Pilipinas. Hindi ka ba naman makumbinse kung ‘yan ang sasabihin sa’yo? ‘Diba? Nakakainis man pero heto ako, nagbibihis para sa reunion namin.
Hala! Nakalimutan ko palang magpakilala. Ako si Athena Cruz, 23 years old. Kumukuha ako ngayon ng kursong medisina dahil gusto ko maging isang surgeon. Ang pre-med na kinuha ko ay nursing kaya naman habang nagduduty bilang isang nurse, nag aaral din ako para maging isang ganap na doktor. Sa katunayan, wala akong duty sa ospital ngayon kasi rest day ko.
“Dapat ba talaga akong pumunta? Gosh, I don’t think I’m actually prepared enough for this,” mahinang sambit ko sa sarili ko.
Alam ko tanghali na ngunit pinili ko pa ring humiga panandalian sa aking kama. Tumitig lang ako sa puting pintura na kumukulay sa kisame ng apartment na tinutuluyan ko. Napabalikwas ako. Kalahati sa aking pagkatao ay gustong pumunta ngunit ang kalahati naman ay nag aalangan. Siguro nga ay natatakot talaga ako sa mga posibleng mangyare pero hindi na ako bata at dapat ay matuto akong harapin ang nakaraan ko.
Napabuntong hininga ako. Napatingin ako sa orasan, 8:15 na. Kinse minutos na akong nagmumuni muni kaya naman bumango na ako at naisipanan kong tawagan na nga lang si Josh. Si Josh, long-term boyfriend ko. 6 years na kami ngayong taon at sa palagay ko, going strong naman ang relasyon naming dalawa.
Pagkatapos ng dalawang ring ay sinagot niya naman agad ang tawag ko.
“Hello love? Bakit ka napatawag?” tanong ni Josh sa kabilang linya. Siguro papasok na rin siya sa office ngayon. Parehas na kasi kaming nagtatrabaho. Ako nagduduty sa ospital habang nag aaral at siya naman, full time office worker.
“Kasi ‘diba may reunion kami nila Nicole ngayon?” nag aalinlangang saad ko sa kanya.
“Ah oo, nabanggit nga ni Nicole sa‘kin last time. Punta ka love, kinukulit ako ni Nicole tungkol dun.” narinig ko ang mahinang halakhak ni Josh mula sa kabilang linya na siya namang awtomatikong nagpalabas ng ngiti sa aking mga labi. Si Nicole kasi pilit ng pilit nakakaloka! Pati si Josh dinamay niya pa. Nako talaga ang babaeng ‘yun! Kokotongan ko nga ‘yun pag nagkita kami.
“Pero love, alam mo naman sino mga kasama dun ‘diba?” malumanay na tanong ko sa kanya.
“Alam ko nandoon si Daniel pero ayos lang. Okay? ‘Wag ka mag alala. Kaya pumunta ka na love,” ani Josh. Sobrang bait ni Josh kung alam niyo lang. Hay okay fine, may pagdududa pa kong natitira sa puso ko pero sige, pupunta na nga ako. Sa totoo lang, sobrang worried talaga ako kasi hindi ba kadalasan yung iba hindi pinapayagan kapag may kasamang tao mula sa nakaraan nila? Pero masaya at nagpapasalamat ako kasi, heto si Josh, sobrang matured at hinahayaan niya talaga ako sa lahat ng oras.
“Okay love, salamat. Ingat ka ha? Iuupdate update nalang kita. I love you!” Tumayo ako sa aking pagkakaupo ng sabihin ko iyon sa kanya.
“Ikaw rin, ingat ka. I love you too! Sunduin kita mamaya.” At binaba niya na ang tawag. Napabuntong hininga ako. Sobrang lalim! Okay, magsisimula na akong mag ayos. I just chose a simple off shoulder above the knee dress na papartneran ko ng sneakers at ng maliit na sling bag. Simple lang at sa tingin ko naman ay bagay sa event na pupuntahan ko, lalo na sa beach resort naman gaganapin ang reunion namin.
Napatingin ako sa salamin. Handa na ba talaga ako?
Umiling ako. Ang sagot, hindi ko rin alam. Hay, buhay nga naman. Curious na ba kayo kung sino si Daniel? Alam ko gusto niyo na malaman kung sino siya at kung anong parte siya ng buhay ko, kung bakit ako kinakabahan, kung bakit kailangan ko pa ipaalam sa kay Josh na nandoon siya… Mahabang kwento ‘to pero sige, ikwekwento ko sa inyo habang nag ayos ako.
Nalulungkot pa rin ako sa tuwing binabalikan ko ang mga alaala na ‘to pero sadyang ganun talaga ang buhay. May mga masasakit na bagay kang kahit sobrang sakit, hindi mo magawang kalimutan kasi parte ‘yon ng kung sino at ano ka sa kasalukuyan.
Daniel is a huge part of my teenage life. Siguro lahat naman tayo na dumaan sa pagkabata, mayroon tayong isang tao na matuturing natin na pinaka espesyal sa lahat. Yung taong natatangi. Yung taong iba yung level ng kilig na kayang ibigay sayo. Yung tipong walang kayang tumumbas na kahit sino o kahit ano. At sa‘kin, si Daniel yun.
High school sweethearts kami ni Daniel. Sa katunayan, pwede natin sabihin na first love namin ang isa’t-isa. Joke! Hindi ko lang sigurado kung ako ‘yong first love niya ako pero siya, siya ang first love ko. First love na hindi ko makalimutan kahit na sino man ang dumating sa buhay ko. Nagsimula lahat ng ‘yon nung first year high school kami pero hindi naging kami. Siguro bata pa kasi kami noong mga panahon na ‘yon para mag commit sa isang relationship. Bata pa kami para malaman kung ano ‘yong mga dapat na gawin kaya naman MU na lang. Uso pa kasi noon ‘yong Mutual Understanding kaya mas pinili namin na ganoon na lang din kami. Gusto niya ako, gusto ko rin siya, alam namin yun sa isa’t isa pero naging okay na kami sa ganun, walang label kumbaga. Pero niligawan niya ako, actually hindi pa nga ako ang tinanong nya noon. Yung kuya ko agad ang tinanong niya! Hahahaha. Pero dahil bata pa nga, hanggang MU lang muna talaga. Syempre, it wasn’t consistent. There were times na nagkagusto siya sa iba at ako rin nagkagusto sa iba but we always end up talking to each other. Umabot ‘yon hanggang 3rd year kami. Every people from our batch knows that there is something going on between us so it’s as if we’re both off limits to other people, like exclusive lang kami para sa isa’t isa. Kasi for example, sa tuwing may magkakagusto sa’kin, inaaway ng mga kaibigan niya at ‘pag naman may nagkakagusto sa kanya, inaaway ng mga kaibigan ko. Weird no? Ganiyan nila kami kagusto para sa isa’t isa. At noong mga panahaon na nagsisimula ng umayon sa amin ang tadhana, nakarinig ako ng balita. Balita na babago na pala sa buhay naming dalawa. Aalis na raw siya. Pupunta na sila ng pamilya niya sa ibang bansa, sa America. At hindi lang para sa bakasyon. Kasi doon na sila titira, doon na sila for good. At ako, dito sa Pilipinas, maiiwan siyempre. Malungkot lahat, ang mga kaibigan namin, lahat ng malapit sa kanya at siyempre, lalong lalo na ako. Sobra. Pero kinausap niya ako, sinabi niyang walang magbabago at mananatiling okay ang lahat.
Naging okay ba lahat?
Kabanata 2SIMULA noong araw na nalalaman ko kung kailan siya aalis, takot na ako. Natakot ako sa araw na ‘yon. Tanggap ko na aalis na siya pero hindi nag sink in sa akin agad. Wala na akong nagawa. Dumating nga ang araw na ‘yon, umalis siya. Tandang tanda ko pa, nakatanaw ako sa bintana. Nag aabang ng eroplanong dadaan, nagbabakasali na sakay siya ng mga eroplanong ‘yon. Sobra akong nalungkot pero sabi niya, bigyan ko siya ng 2 years at babalik siya. Uuwi siya dito para sa akin. Dahil bata pa ako noong mga panahon na ‘yon, hindi ako naniwala. Tinanggap ko na lang na umalis na siya at umasa ako na magiging okay pa rin ang lahat, na walang magbabago. Pero alam niyo ba, ilang buwan matapos silang umalis, after niyang umalis, after niyang sabihin sa‘kin na magiging okay rin ang lahat, hindi na niya ako kinontact, hindi na siya nag reply sa messages ko. Nawalan na kami ng komunikasyon sa isa&
Kabanata 3MOMENT of silence.Walang nagsasalita sa amin.Alangan ako ang mauna makipag usap? No way! Manigas siya diyan.“How have you been?” malumanay ang boses na tanong ni Daniel sa akin. Siguro hindi na siya nakatiis. Binasag na niya ang katahimikan. Tumingin naman ako sa kanya. ‘Ganon pa rin ang itsura niya, tumangkad lang siya ng sobra. Oo, gwapo pa rin siya.Yung tibok ng puso ko. Tila ba nag uunahan sila sa pagtalon, yung boses na ‘yon. Pitong taon ko ulit bago narinig. Sa pagkakayuko, bigla akong napatingin sa kanya.Hindi ko alam pero ngayon pa lang gusto ng tumulo ng mga luha ko.Oo, ang tagal ko ‘tong hinintay. Ang makausap siya sa personal, ang makasama siya ngunit anim na taon na siyang huli. Pitong taon na ang nakalipas noong pinagdasal ko na mangyari a
Kabanata 4“ARE you happy, love?” Josh asked me while driving.“Yes, thank you for allowing me to go love.” I told him as I placed my head on his shoulders. Finally, I’m with him. I always feel this comfort whenever I’m with him, like my soul, my mind and my heart are all at peace.“Matulog ka na muna at mag pahinga. Pag gising mo nasa restaurant na tayo.” He kissed my forehead habang nakatigil kami sa stoplight at dahan-dahan ko ng ipinikit ang mga mata ko. Napangiti ako dahil sa kasiyahang nararamdaman ng puso ko. Hindi ko na namalayan, nakatulog na pala ako.After I don’t know how many minutes, Josh woke me up at sinabi niyang nandito na kami.“Love, I need you to put this blind fold on. 'Wag mo tong aalisin ha, may kukuha sa'yo dito,” Josh told me and I simply nodde
Kabanata 5 "Huy Athena! Lutang ka na naman!" Bigla kong nabitawan ang hawak-hawak kong lapis sa sobrang gulat kay Michelle. Napabalik tuloy ako sa aking katinuan at napatingin sa kanya. "Ha? Ano nga ulit ang sinasabi mo?" nakakunot noo na tanong ko sa kanya. Marahan niya naman akong pinitik sa aking noo. "Ang sabi ko, congrats sa engagement mo! Bakit ka ba nawawala sa katinuan ha?" at dahil dalawa lang kaming naiwan dito, napuno ang silid ng halakhak niya. Napaisip tuloy ako, hanggang ngayon kasi ay talaga naman na hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraan. Sino ba naman ang maniniwala? Noong isang buwan ay isa lang akong simpleng babae na nag aaral ng mabuti upang maging isang doktor ngunit ngayon, engaged na ako! 'Di ba? Sa tuwing maalala ko ang gabing 'yon, napapangiti pa rin ako. "Wala,
Kabanata 6 "Aalis ka?" Sa pagkakatingin sa sulat ay lumipat ang tingin ng mga mata ko sa kaniya. Bakas naman sa mukha niya ang pag aalinlangan. Hinawakan ni Josh ang mga kamay ko. "Love, ikaw ang gusto kong magdesisyon," malumanay na saad niya sa akin. "Ha? Bakit ako? Ikaw ang inoofferan ng trabaho." Napabuga ako ng hangin dahil ramdam na ramdam ko ang bigat ng aming kapaligiran. Umiling naman si Josh. "Magandang opportunity kasi love, para sa kasal natin." Nakayuko lang si Josh. Naisip ko na ito nga ang sasabihin niya, magandang opportunity. Para sa future, para sa kasal, para sa ikabubuti ng buhay namin. "Pero paano ako dito?" Naramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko. Kakapropose niya lang sa akin, halos kakatapos palang namin iengage tapos aalis na siya agad? Hindi ko alam kung kaya ko ba to. Pinigilan ko ang pagbuhos ng luha mula sa mga
Kabanata 7Mabilis lumipas ang mga araw.Napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa dingding ng ospital, July 23. Ilang araw na lang at aalis na si Josh. Napabuntong hininga ako."Athena, Room 208." Napatingin ako kay Dr. Cruz at napatango. Inabot niya naman sa akin ang isang folder na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa pasyente ko. Binuksan ko ito at nabasa na ang pasyente ko ay isang babaeng kakapanganak lamang. Okay, sa tingin ko ay medyo magaan gaan ang magiging araw ko. Noong mga nakaraan kasi sobrang toxic, lalo na at sa emergency ward ako nailagay."Girl, sino patient mo?" Nabigla ako nang biglang umupo sa tabi ko si Andrea. Kaklase ko rin siya at kasama ngayon dito sa duty. Tinignan ko naman sya agad at inabot ang folder na hawak-hawak ko na dali-dali niya namang kinuha at binuksan."Hala, 'eto patient mo? Kawawa ka naman!" natatawang saad niya sa akin. Awto
Kabanata 8"HELLO, Nicole? Ready na ba lahat?"Aligagang aligaga ako ngayon dahil mayroon akong hinandang surprise para kay Josh. Malungkot man at mabigat man sa loob, wala na akong ibang magagawa kung hindi ang tanggapin na bukas aalis na talaga siya. Simula noong napagpasyahan namin na pupunta siya sa America, sinulit namin lahat ng pagkakataon. Lahat ng pwede namin gawin ng magkasama ay talagang ginagawa namin. Sinimulan na rin namin ang pagplaplano sa kasal kahit na sa isang taon pa naman iyon. At ngayon nga, nagpatulong naman ako kay Nicole para masurprise si Josh. Gusto ko sana sulitin namin ang huling araw na magiging magkasama kami dahil sa susunod na anim na buwan, wala na kami sa piling ng isa't isa."Oo naman. Ready na lahat, basta pag umalis ako dito, ikaw na bahala okay?""Thank you so much!" Agad-agad ko namang binaba ang tawag. Grabe, sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil kinakabahan
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Napatingin ako sa oras, alas sais na ng umaga. Tinignan ko naman si Josh na mahimbing na natutulog sa tabi ko at napabuntong hininga ako. Totoo na talaga, 'eto na. 'Eto na 'yong araw na aalis na talaga siya.Hindi ko na muna siya ginising, tinitigan ko lang ang maamo niyang mukha na mahimbing na mahimbing na natutulog. "Mamimiss kita ng sobra," bulong ko sa kaniya ngunit hindi pa rin siya nagising.Sampo pang mga minuto, gigisingin ko na siya at babangon na rin ako. Ngayon pa lang nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko, paano na lang mamaya pag paalis na talaga siya? Alas nueve pa naman ng gabi ang flight niya pero kailangan namin mag asikaso ng maaga para hindi siya ma-late. Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Josh, "Ang aga mo naman magising," wika niya sa mahinang boses. Natawa naman ako, sa katunayan halos kakatulog ko lang din. Magdamag ako halos hindi nakatulog dahi
Kabanata 13Pumunta ako agad kay Dr. Ballon para sabihin ang lagay ng kondisyon ni Daniel, alam ko wala ako sa posisyon pero tingin ko 'eto ang dapat gawin, ang maoperahan agad si Daniel sa lalong mabilis na panahon."Doc, stable po yung vitals ng patient sa room 108, 'yung patient po na may tricuspid atresia," mahinahong saad ko kay Dr. Ballon na busy naman sa pag babasa ng chart na hawak niya. "Okay, then. Good." Tiniklop niya ang hawak-hawak niyang folder at nag akmang aalis na nang pigilan ko siya. "Don't you think doc na dapat na po siyang maoperahan agad habang stable pa siya? Baka po mamaya or bukas, biglang bumagsak ang katawan niya," pag papaliwanag ko kay doc. Umiling naman siya. "It's best if we monitor him first." Wala naman akong nagawa kung hindi ang tumango na lang sa tugon niya sa akin.Naiwan akong nakatayo sa corridor ng hospital habang pinapanuod na tuluyang mawala si Dr. Ballon sa paningin ko. Okay, w
Kabanata 12Nagising ako sa tunog ng aking telepono, may tumatawag. Dali-dali ko naman itong kinuha at sinagot. "Hello?" malumanay na saad ko, inaantok pa talaga ako. "Love, gising na. Alas sais ang duty mo 'di ba?" Napamulat ako nang marinig ko ang sinabi ni Josh sa kabilang linya. Shoot, oo nga pala. Ngayon ang simula ng duty namin sa ospital. "Hala, oo nga pala love. Thank you ginising mo ako, mag preprepare lang ako ha. Tatawagan kita ulit, i love you!" Dali-dali naman akong bumangon at nag simulang mag ayos.'Eto na ang bagong routine namin ni Josh, sa tuwing kailangan kong gumising ng maaga, lagi niya akong tinatawagan. Sakto naman dahil kapag umaga dito, hapon naman sa kanila doon kaya malamang sa malamang ay gising pa siya.Napatingin ako sa orasan, mag aalas singko na, alas sais ang duty ko sa ospital at kailangan bago ako pumasok ay naka kain na ako ng almusal dahil mahihirapan
Kabanata 11Dalawang araw na ang lumipas mula ng pumunta si Josh sa America. So far, mabuti naman ang takbo ng relasyon naming dalawa. Naalala ko, pagkarating na pagkarating niya sa airport ay tinawagan niya agad ako para ipaalam na nakarating siya ng maayos at ligtas. Sakto naman noong araw na 'yon, kakatapos lang ng klase ko kaya nakapag usap pa kaming dalawa pero hindi rin nag tagal dahil alam ko na kailangan niya rin mag pahinga.Sa totoo lang, nahihirapan pa rin ako sa set-up naming dalawa lalo na magkaiba kami ng oras. Kapag umaga dito, gabi naman doon at kabaliktaran pero sabi ni Josh, hindi rin mag tatagal, makakapag adjust din kaming dalawa. Sa loob ng dalawang araw na magkalayo kaming dalawa, pinaparamdam talaga sa akin ni Josh na walang nag bago. Hangga't kaya niya, siya ang nag aadjust para sa aming dalawa lalo na alam niya na busy talaga ako sa school at sa duty sa ospital. Pero siyempre, hindi ko naman hinahayaan 'yon.&
Kabanata 10Naiwan akong nakatayo at nakatanaw habang naglalakad si Josh palayo sa akin. Hindi ko namalayan may tumulo na pa lang luha sa mga mata ko na dali-dali ko namang pinunasan. Nang mawala na siya ng tuluyan sa paningin ko, huminga ako ng malalim. Oras na para umalis na rin ako.Habang naglalakad ako palayo, tila ba parang binabalot ng kalungkutan ang buong pagkatao ko, bawat hakbang ay sobrang bigat sa dibdib. Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Josh habang naglalakad siya palayo sa akin? Hindi ko rin alam pero sana nga.Hindi rin nagtagal nakarating na ako sa parking lot. Nanatili akong nakatayo sa gitna habang ang mga tao ay naglalakad sa paligid ko. Tumingala ako at pag tingin ko sa itaas, nag aabang sakin ang milyon milyong mga bituin na kumikislap at ang bilog na buwan na para bang sinasabihan ako na ayos lang ang lahat. Napangiti ako, tama. Magiging ayos lang ang lahat, kailangan ko lang maniw