Home / Romance / Epiphany / Kabanata 6

Share

Kabanata 6

last update Last Updated: 2021-07-18 20:05:50

Kabanata 6

"Aalis ka?"

Sa pagkakatingin sa sulat ay lumipat ang tingin ng mga mata ko sa kaniya. Bakas naman sa mukha niya ang pag aalinlangan. Hinawakan ni Josh ang mga kamay ko.

"Love, ikaw ang gusto kong magdesisyon," malumanay na saad niya sa akin. "Ha? Bakit ako? Ikaw ang inoofferan ng trabaho." Napabuga ako ng hangin dahil ramdam na ramdam ko ang bigat ng aming kapaligiran. Umiling naman si Josh. "Magandang opportunity kasi love, para sa kasal natin." Nakayuko lang si Josh. Naisip ko na ito nga ang sasabihin niya, magandang opportunity. Para sa future, para sa kasal, para sa ikabubuti ng buhay namin. 

"Pero paano ako dito?" Naramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko. Kakapropose niya lang sa akin, halos kakatapos palang namin iengage tapos aalis na siya agad? Hindi ko alam kung kaya ko ba to. Pinigilan ko ang pagbuhos ng luha mula sa mga mata ko.

"Kung hindi okay sa 'yo love, hindi na. Okay? 'Wag ka nang mag isip pa." Hinalikan ako ni Josh sa noo. Napapikit naman ako. Ngayon pa ba ako hahadlang sa mga pangarap niya?

"Kaya ba natin?" tanong ko sa kaniya. Tinignan niya ulit ako sa mga mata at hinawakan ang mukha ko. "Kakayanin siyempre. Anim na buwan lang."

"Buo naman na ata ang desisyon mo, bakit mo pa ako tinatanong?" Sa tono ng pananalita ni Josh parang desidido na siya. Ano pang magagawa ko? Hindi ko alam kung kaya ko, hindi ko alam kung paano ba 'to dahil noong huling beses na pumunta ng ibang bansa yung taong nagmamahal sa akin, naiwan na akong mag isa. Hindi lang physically, kung hindi pati na rin emotionally at mentally. Nakakatrauma.

Hindi ko alam kung kakayanin kong matulog na maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko. Hindi sa wala akong tiwala pero paano kung mauulit uli ang mga nangyari sa nakaraan ko? Kaya ko ba ulit masaktan sa parehong dahilan? Hindi ko alam.

"Iniisip ko kasi para sa future natin, magandang opportunity para makapagipon tayo ng para sa kasal. Pero love, kung ano ang sa tingin mong dapat natin na gawin, doon tayo." Hindi ko na napigilan, tuloy-tuloy ng tumulo ang mga luha mula sa mata ko. Bigla naman akong niyakap ni Josh ng mahigpit. "Tahan na, love. Hindi na ako aalis." Naramdaman ko ang sinseridad sa boses niya. Nakaramdam tuloy ako ng kirot sa puso ko.

"Hindi ko kayang maging hadlang sa mga pangarap mo, love. Alam ko matagal mo nang inaantay 'tong opportunity na 'to pero hindi ko kasi alam kung kaya ko." Bumitiw si Josh sa pagkakayakap at tinignan ulit ako. "Love, wala tayong hindi kayang lampasan. 'Di ba? Dream team tayong dalawa, 'wag kang mag alala." Mas lalo akong napaiyak sa mga sinabi niya sa akin.

"Hindi, natatakot ako kasi paano kapag kailangan kita tapos hindi kita mahanap? Paano kapag kailangan mo ako, pero busy ako? Paano pag nawalan tayong dalawa ng oras sa isa't isa? Ayaw kong pati ikaw mawala sa akin." Tuloy tuloy na ang pagbuhos ng mga luha sa mata ko. Para akong isang batang inagawan ng kendi na nagsusumbong sa magulang. Todo naman ang pagpapatahan ni Josh sa akin.

"Hindi mangyayari 'yon," mariin niyang saad sa akin. Hindi ko pa rin talaga mapigilan ang pag iyak. "Hindi ko yata kaya, love. Natatakot ako," utal-utal na saad ko dahil hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil sa pag iyak ko. "'Wag kang matakot, love. Engage na tayo. Magpapakasal na tayo soon, 'di ba? Tsaka ito, pansamantala lang. Dito, masusubok kung gaano tayo katatag, kung gaano katibay yung relationship natin. Ayaw mo ba 'non love?" Napatingin ako sa kaniya, may point naman siya pero hindi ko alam.

Tumayo ako at nagpaalam na mag ccr. Hindi ko na makontrol ang sarili ko. Tumango naman siya bilang pagpayag na umalis ako sandali. Iniwan ko si Josh sa kwarto na nakaupo at naramdaman ko ang kalungkutan na nararamdaman niya. Kinagat ko naman ang kamay ko habang naglalakad patungo sa banyo dahil ayaw ko na marinig niya pa akong humihikbi. Paglabas sa kwarto ay dali-dali akong tumakbo papuntang cr at nilock ang pinto nito. Dito na ako umiyak ng sobra. Halos hindi na ako makahinga, parang ang buong pagkatao ko ay nababalutan ng kalungkutan, ng pag iisip kung ano ba ang dapat gawin.

Humarap ako sa salamin at ipinatanong ang mga palad ko sa lababo upang magsilbing suporta sa pagtayo ko. Kitang kita ko ang refelction ko sa salamin, namumulang mga mata, nag uunahang mga luha, ang pisngi ko namumula na rin at ang buong mukha at katawan ko ay pawis na pawis. Huminga ako ng ilang beses upang pakalmahin ang sarili ko. Nang maramdaman kong medyo umayos na ang emosyon ko, naghilamos ako upang kahit papaano ay maging presentable naman ako.

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko, buti na lang ay dala-dala ko ang telepono ko. Tinawagan ko agad si Nicole dahil alam kong kayang kaya niyang paliwanagan ako sa mga nangyayari at sa kung ano ang dapat na desisyong sundin ko. 

Wala pang isang minuto ay sinagot niya na agad ang tawag.

"Hello?" saad niya sa kabilang linya. Hindi ko alam kung paano sisimulan kaya naman bumuntong hininga muna ako. "I need your wisdom. Bilisan natin kasi kailangan ko ng gumawa ng desisyon," malungkot na sagot ko sa kaniya. Sinarado ko naman ang cover ng inidoro at umupo muna ako doon habang nakikipagusap kay Nicole. Kailangan naming bilisan ang pag uusap dahil hindi naman pwedeng iwanan ko ng matagal si Josh sa kwarto at paghintayin siya sa kung ano ang magiging desisyon ko.

"Okay, nakikinig ako." Napakagat naman ako sa kuko ko, lagi ko 'tong ginagawa kapag pakiramdam ko ay naiipit ako sa mga bagay-bagay, kapag kinakabahan ako at kapag hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. "Inofferan si Josh ng company niya. Ipapadala siya sa ibang bansa. Ako yung tinatanong niya, hindi ko alam." Bumuhos ulit ang mga luha na kanina ay tumigil na. Nagkaroon naman ng panandaliang katahimikan sa kabilang linya at narinig ko ang pagbuntong hininga ni Nicole.

"Ayaw mo, tama ba?" Iilang salita lamang ang tugon niya pero napaiyak ako lalo. Tama siya, ayaw ko talaga. Kilalang kilala talaga ako ni Nicole. "Oo, ayaw ko. Hindi ko alam kung kaya ko, Natatakot ako maulit uli 'yong mga nangyari dati," dire diretso kong tugon sa kaniya. Ito talaga ang totoo, ayaw ko talaga. Selfish na kung selfish pero hindi ko gustong umalis si Josh.

"Girl, ito lang sasabihin ko sayo. Si Josh at si Daniel, magkaiba silang tao. Okay? 'Yong pagkakamali ni Daniel, hindi mo pwedeng ibintang na gagawin din ni Josh sa 'yo at vice versa. Hindi porket nangyari sa 'yo dati, mangyayari ulit sa 'yo ngayon. Tsaka wala ka bang tiwala sa fiance mo? For God's sake, Athena, hindi na tayo mga bata. Alam na natin kung ano ang tama at mali." Natahimik ako sa mga sinabi ni Nicole, tama siya. "Magtiwala ka lang. Hindi mo siya pwedeng ikulong lang sa tabi mo. Pero na sa 'yo pa rin ang desisyon. Ikaw ang mas nakakakilala sa sarili mo at ikaw ang nakakaalam kung alin ang mas better para sa inyo." Napatango ako sa mga sinabi niya, napabuntong hininga ako. "Paano kung makahanap siya ng iba doon?" Ang petty pero ito talaga ang isa sa mga tumatakbo sa isip ko. Paano pag narealize niya bigla na hindi niya pala ako mahal kapag nasa malayo na siya? Paano kung iwan niya ako bigla? Paano na ako? Naiyak ulit ako sa mga naisip ko.

"Girl, edi good for you! At least nalaman natin na hindi pala siya ang para sa 'yo, 'di ba? Hayaan mo siya mag explore kasi kapag pumunta siya doon at bumalik siya sa 'yo ng buo, isa lang ang ibig sabihin mahal ka niya. Pero knowing Josh, alam ko hindi niya magagawa kung ano man 'yang mga iniisip mo. At kung ako si Josh, mahuhurt ako ng sobra dahil pinagiisipan mo siya ng ganiyan. Magtiwala ka lang." Nagpintig ang mga tenga ko sa sinabi ni Nicole, tama siya. Hindi ko dapat pinagdududahan si Josh. "Salamat, Nicole." Hindi man niya nakikita pero napangiti ako at alam ko nakangiti rin siya sa kabilang linya. 

Pagkatapos ng pag uusap naming dalawa, bumalik ulit ako sa lababo at naghilamos. Bago ako lumabas ay tumingin muna ulit ako sa salamin. Tinignan ko ang reflection ko at halatang namumugto na talaga ang mga mata ko. Hindi ko na 'yon pinansin at bumalik na sa kwarto kung saan naroon si Josh.

Pagdating ko, nakita ko siyang nakaupo at nakayuko. Nang marinig niyang bumukas ang pinto, dali-dali naman siyang tumingin sa direksyon ko at bakas na bakas sa mukha niya ang kaba at pag aalala. May labing-limang minuto rin pala akong nawala. Ngumiti naman agad ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Love, okay na. Tanggapin mo na 'yong offer sa 'yo." Bakas naman ang gulat sa mukha niya ng marinig niya ang mga katagang 'yon mula sa bibig ko. "Ayos lang sa 'yo love?" saad niya at hindi ko maipaliwanang ang ekspresyon ng mukha niya. "Oo. Sorry, nadala lang ako ng gulat at ng emosyon ko kanina," pagpapaliwanag ko sa kaniya. "Sure ka ba love?" Nanlaki ang mga singkit niyang mata at natawa naman ako. 

"Oo nga love, sige ka kakatanong mo baka magbago pa ang isip ko." Sumilay ang mga ngiti sa labi ko at ganoon din naman siya. Bigla niya akong niyakap. "Thank you, love. Para sa ating dalawa 'tong gagawin ko. Para mapakasalan na kita agad, kahit 'wag ka na magipon." Nahampas ko naman agad siya. "Sira!" 

Ang kaninang malungkot na atmosphere dito sa kwarto ay napalitan ng halakhak at kasiyahan. "Love, pili kana ng panunuorin natin! 'Wag Grey's Anatomy, please," pagbibiro niya sa akin kaya naman awtomatikong umirap ang mga mata ko. Paborito ko kasi ang palabas na 'yon.

"Okay, edi tapusin na lang natin yung The Breaking Bad!" suggestion ko sa kaniya at tumango naman siya agad at hinanap na ang the breaking bad sa movie lists. Kumuha na rin ako ng pagkain at sinimulan ng kumain.

"Nagutom ka sa pag iyak 'no?" natatawang tanong niya sa akin. Hinampas ko naman siya ng unan at kumain na lang ng pizza habang inaantay ang panunuorin namin.

Hindi rin agad pumwesto si Josh at sa halip ay pinaghimay ako ng chicken. Lagi niya 'tong ginagawa kaya naman natutuwa ako dahil pakiramdam ko ay isa akong prinsesa na pinagsisilbihan. "Love, alam ko iniisip mo baka ipagpalit kita kapag umalis ako pero hindi. Never 'yon mangyayari, okay? Nakatali na kaya ang puso ko sa 'yo," nakangiting sabi niya sa akin out of nowhere. Naramdaman ko naman na kumirot ng konti ang puso ko. Hay, nandito pa si Josh pero malungkot na ang pakiramdam ko. Ngumiti na lang ako at tumango sa sinabi niya kahit na deep inside ay nararamdaman ko na ulit ang pagbabadya ng pagtulo ng mga luha sa mata ko.

Nang magsimula ang episode na panunuorin namin ay umayos na kami ng puwesto. Kumakain pa rin ako habang nanunuod kaya naman tinatawanan ako ni Josh. Siya ay focus na focus na pinapanuod namin pero ako, hindi ko alam. Hindi ako makapag focus, ang siyang tumatakbo lang sa isip ko ay ang katotohanan na aalis na siya. Sa isang buwan, aalis na siya. Sa isang buwan, wala na siya dito sa tabi ko at anim na buwan ulit bago ko siya makasama.

Alam ko nagdesisyon na ako, at ang desisyon na 'yon ay para sa mas makakabuti pero ang puso ko, parang dinudurog. Alam ko sa sarili ko hindi pa ako handa na umalis si Josh sa piling ko pero ito yung tamang gawin. Tama si Nicole, dito masusubok kung gaano ba katibay ang relationship namin ni Josh. Anim na buwan, napapikit ako.

Sinulyapan ko si Josh sa tabi ko at nakita ko na mahimbing na siyang nakakatulog. Napakaantukin talaga, isang oras pa lang nang magsimula kaming manuod at heto, nakatulog na siya agad. 

Tinignan ko siya ng masinsinan. "Kaya ko ba?" mahinang sambit ko sa kawalan. 

"Kakayanin."

Sumiksik ako kay Josh at ipinikit na rin ang mga mata ko. Natapos ang gabing iyon ng may pag aalinlangan at kirot ang puso ko.

Related chapters

  • Epiphany   Kabanata 7

    Kabanata 7Mabilis lumipas ang mga araw.Napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa dingding ng ospital, July 23. Ilang araw na lang at aalis na si Josh. Napabuntong hininga ako."Athena, Room 208." Napatingin ako kay Dr. Cruz at napatango. Inabot niya naman sa akin ang isang folder na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa pasyente ko. Binuksan ko ito at nabasa na ang pasyente ko ay isang babaeng kakapanganak lamang. Okay, sa tingin ko ay medyo magaan gaan ang magiging araw ko. Noong mga nakaraan kasi sobrang toxic, lalo na at sa emergency ward ako nailagay."Girl, sino patient mo?" Nabigla ako nang biglang umupo sa tabi ko si Andrea. Kaklase ko rin siya at kasama ngayon dito sa duty. Tinignan ko naman sya agad at inabot ang folder na hawak-hawak ko na dali-dali niya namang kinuha at binuksan."Hala, 'eto patient mo? Kawawa ka naman!" natatawang saad niya sa akin. Awto

    Last Updated : 2021-07-23
  • Epiphany   Kabanata 8

    Kabanata 8"HELLO, Nicole? Ready na ba lahat?"Aligagang aligaga ako ngayon dahil mayroon akong hinandang surprise para kay Josh. Malungkot man at mabigat man sa loob, wala na akong ibang magagawa kung hindi ang tanggapin na bukas aalis na talaga siya. Simula noong napagpasyahan namin na pupunta siya sa America, sinulit namin lahat ng pagkakataon. Lahat ng pwede namin gawin ng magkasama ay talagang ginagawa namin. Sinimulan na rin namin ang pagplaplano sa kasal kahit na sa isang taon pa naman iyon. At ngayon nga, nagpatulong naman ako kay Nicole para masurprise si Josh. Gusto ko sana sulitin namin ang huling araw na magiging magkasama kami dahil sa susunod na anim na buwan, wala na kami sa piling ng isa't isa."Oo naman. Ready na lahat, basta pag umalis ako dito, ikaw na bahala okay?""Thank you so much!" Agad-agad ko namang binaba ang tawag. Grabe, sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil kinakabahan

    Last Updated : 2021-07-25
  • Epiphany   Kabanata 9

    Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Napatingin ako sa oras, alas sais na ng umaga. Tinignan ko naman si Josh na mahimbing na natutulog sa tabi ko at napabuntong hininga ako. Totoo na talaga, 'eto na. 'Eto na 'yong araw na aalis na talaga siya.Hindi ko na muna siya ginising, tinitigan ko lang ang maamo niyang mukha na mahimbing na mahimbing na natutulog. "Mamimiss kita ng sobra," bulong ko sa kaniya ngunit hindi pa rin siya nagising.Sampo pang mga minuto, gigisingin ko na siya at babangon na rin ako. Ngayon pa lang nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko, paano na lang mamaya pag paalis na talaga siya? Alas nueve pa naman ng gabi ang flight niya pero kailangan namin mag asikaso ng maaga para hindi siya ma-late. Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Josh, "Ang aga mo naman magising," wika niya sa mahinang boses. Natawa naman ako, sa katunayan halos kakatulog ko lang din. Magdamag ako halos hindi nakatulog dahi

    Last Updated : 2021-07-30
  • Epiphany   Kabanata 10

    Kabanata 10Naiwan akong nakatayo at nakatanaw habang naglalakad si Josh palayo sa akin. Hindi ko namalayan may tumulo na pa lang luha sa mga mata ko na dali-dali ko namang pinunasan. Nang mawala na siya ng tuluyan sa paningin ko, huminga ako ng malalim. Oras na para umalis na rin ako.Habang naglalakad ako palayo, tila ba parang binabalot ng kalungkutan ang buong pagkatao ko, bawat hakbang ay sobrang bigat sa dibdib. Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Josh habang naglalakad siya palayo sa akin? Hindi ko rin alam pero sana nga.Hindi rin nagtagal nakarating na ako sa parking lot. Nanatili akong nakatayo sa gitna habang ang mga tao ay naglalakad sa paligid ko. Tumingala ako at pag tingin ko sa itaas, nag aabang sakin ang milyon milyong mga bituin na kumikislap at ang bilog na buwan na para bang sinasabihan ako na ayos lang ang lahat. Napangiti ako, tama. Magiging ayos lang ang lahat, kailangan ko lang maniw

    Last Updated : 2021-08-06
  • Epiphany   Kabanata 11

    Kabanata 11Dalawang araw na ang lumipas mula ng pumunta si Josh sa America. So far, mabuti naman ang takbo ng relasyon naming dalawa. Naalala ko, pagkarating na pagkarating niya sa airport ay tinawagan niya agad ako para ipaalam na nakarating siya ng maayos at ligtas. Sakto naman noong araw na 'yon, kakatapos lang ng klase ko kaya nakapag usap pa kaming dalawa pero hindi rin nag tagal dahil alam ko na kailangan niya rin mag pahinga.Sa totoo lang, nahihirapan pa rin ako sa set-up naming dalawa lalo na magkaiba kami ng oras. Kapag umaga dito, gabi naman doon at kabaliktaran pero sabi ni Josh, hindi rin mag tatagal, makakapag adjust din kaming dalawa. Sa loob ng dalawang araw na magkalayo kaming dalawa, pinaparamdam talaga sa akin ni Josh na walang nag bago. Hangga't kaya niya, siya ang nag aadjust para sa aming dalawa lalo na alam niya na busy talaga ako sa school at sa duty sa ospital. Pero siyempre, hindi ko naman hinahayaan 'yon.&

    Last Updated : 2021-08-08
  • Epiphany   Kabanata 12

    Kabanata 12Nagising ako sa tunog ng aking telepono, may tumatawag. Dali-dali ko naman itong kinuha at sinagot. "Hello?" malumanay na saad ko, inaantok pa talaga ako. "Love, gising na. Alas sais ang duty mo 'di ba?" Napamulat ako nang marinig ko ang sinabi ni Josh sa kabilang linya. Shoot, oo nga pala. Ngayon ang simula ng duty namin sa ospital. "Hala, oo nga pala love. Thank you ginising mo ako, mag preprepare lang ako ha. Tatawagan kita ulit, i love you!" Dali-dali naman akong bumangon at nag simulang mag ayos.'Eto na ang bagong routine namin ni Josh, sa tuwing kailangan kong gumising ng maaga, lagi niya akong tinatawagan. Sakto naman dahil kapag umaga dito, hapon naman sa kanila doon kaya malamang sa malamang ay gising pa siya.Napatingin ako sa orasan, mag aalas singko na, alas sais ang duty ko sa ospital at kailangan bago ako pumasok ay naka kain na ako ng almusal dahil mahihirapan

    Last Updated : 2021-08-13
  • Epiphany   Kabanata 13

    Kabanata 13Pumunta ako agad kay Dr. Ballon para sabihin ang lagay ng kondisyon ni Daniel, alam ko wala ako sa posisyon pero tingin ko 'eto ang dapat gawin, ang maoperahan agad si Daniel sa lalong mabilis na panahon."Doc, stable po yung vitals ng patient sa room 108, 'yung patient po na may tricuspid atresia," mahinahong saad ko kay Dr. Ballon na busy naman sa pag babasa ng chart na hawak niya. "Okay, then. Good." Tiniklop niya ang hawak-hawak niyang folder at nag akmang aalis na nang pigilan ko siya. "Don't you think doc na dapat na po siyang maoperahan agad habang stable pa siya? Baka po mamaya or bukas, biglang bumagsak ang katawan niya," pag papaliwanag ko kay doc. Umiling naman siya. "It's best if we monitor him first." Wala naman akong nagawa kung hindi ang tumango na lang sa tugon niya sa akin.Naiwan akong nakatayo sa corridor ng hospital habang pinapanuod na tuluyang mawala si Dr. Ballon sa paningin ko. Okay, w

    Last Updated : 2021-08-15
  • Epiphany   Kabanata 1

    Kabanata 1“ATHENA, alam ko matagal na natin ‘tong gustong mangyare. Itong pagkakataon na ‘to, matagal na natin hinihintay.” Naramdaman ko ang biglang pag bilis ng tibok ng puso ko. Napatingin ako sa lalaking nakaluhod sa harapan ko at nakita kong nakatingin din siya sa mga mata ko habang nakangiti.“Josh.” Natulala ako. Hindi ko alam kung bakit pero walang ibang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Tila ba nag uunahan sa pagbuo ng mga salitang bibigkasin ngunit sa dulo ay namumutawi ang gulat at kabog ng dibdib. Kung kaya naman wala, walang lumalabas na salita.“Alam ko nagulat ka, pero hindi na ako makapaghintay. Kaya naman, Athena, will you---”Napabalikwas ako sa biglaang pag tunog ng aking telepono. Sa sobrang inis, dali-dali ko itong inabot habang nakapikit pa ang aking mga mata.Sino ba ‘t

    Last Updated : 2021-06-13

Latest chapter

  • Epiphany   Kabanata 13

    Kabanata 13Pumunta ako agad kay Dr. Ballon para sabihin ang lagay ng kondisyon ni Daniel, alam ko wala ako sa posisyon pero tingin ko 'eto ang dapat gawin, ang maoperahan agad si Daniel sa lalong mabilis na panahon."Doc, stable po yung vitals ng patient sa room 108, 'yung patient po na may tricuspid atresia," mahinahong saad ko kay Dr. Ballon na busy naman sa pag babasa ng chart na hawak niya. "Okay, then. Good." Tiniklop niya ang hawak-hawak niyang folder at nag akmang aalis na nang pigilan ko siya. "Don't you think doc na dapat na po siyang maoperahan agad habang stable pa siya? Baka po mamaya or bukas, biglang bumagsak ang katawan niya," pag papaliwanag ko kay doc. Umiling naman siya. "It's best if we monitor him first." Wala naman akong nagawa kung hindi ang tumango na lang sa tugon niya sa akin.Naiwan akong nakatayo sa corridor ng hospital habang pinapanuod na tuluyang mawala si Dr. Ballon sa paningin ko. Okay, w

  • Epiphany   Kabanata 12

    Kabanata 12Nagising ako sa tunog ng aking telepono, may tumatawag. Dali-dali ko naman itong kinuha at sinagot. "Hello?" malumanay na saad ko, inaantok pa talaga ako. "Love, gising na. Alas sais ang duty mo 'di ba?" Napamulat ako nang marinig ko ang sinabi ni Josh sa kabilang linya. Shoot, oo nga pala. Ngayon ang simula ng duty namin sa ospital. "Hala, oo nga pala love. Thank you ginising mo ako, mag preprepare lang ako ha. Tatawagan kita ulit, i love you!" Dali-dali naman akong bumangon at nag simulang mag ayos.'Eto na ang bagong routine namin ni Josh, sa tuwing kailangan kong gumising ng maaga, lagi niya akong tinatawagan. Sakto naman dahil kapag umaga dito, hapon naman sa kanila doon kaya malamang sa malamang ay gising pa siya.Napatingin ako sa orasan, mag aalas singko na, alas sais ang duty ko sa ospital at kailangan bago ako pumasok ay naka kain na ako ng almusal dahil mahihirapan

  • Epiphany   Kabanata 11

    Kabanata 11Dalawang araw na ang lumipas mula ng pumunta si Josh sa America. So far, mabuti naman ang takbo ng relasyon naming dalawa. Naalala ko, pagkarating na pagkarating niya sa airport ay tinawagan niya agad ako para ipaalam na nakarating siya ng maayos at ligtas. Sakto naman noong araw na 'yon, kakatapos lang ng klase ko kaya nakapag usap pa kaming dalawa pero hindi rin nag tagal dahil alam ko na kailangan niya rin mag pahinga.Sa totoo lang, nahihirapan pa rin ako sa set-up naming dalawa lalo na magkaiba kami ng oras. Kapag umaga dito, gabi naman doon at kabaliktaran pero sabi ni Josh, hindi rin mag tatagal, makakapag adjust din kaming dalawa. Sa loob ng dalawang araw na magkalayo kaming dalawa, pinaparamdam talaga sa akin ni Josh na walang nag bago. Hangga't kaya niya, siya ang nag aadjust para sa aming dalawa lalo na alam niya na busy talaga ako sa school at sa duty sa ospital. Pero siyempre, hindi ko naman hinahayaan 'yon.&

  • Epiphany   Kabanata 10

    Kabanata 10Naiwan akong nakatayo at nakatanaw habang naglalakad si Josh palayo sa akin. Hindi ko namalayan may tumulo na pa lang luha sa mga mata ko na dali-dali ko namang pinunasan. Nang mawala na siya ng tuluyan sa paningin ko, huminga ako ng malalim. Oras na para umalis na rin ako.Habang naglalakad ako palayo, tila ba parang binabalot ng kalungkutan ang buong pagkatao ko, bawat hakbang ay sobrang bigat sa dibdib. Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Josh habang naglalakad siya palayo sa akin? Hindi ko rin alam pero sana nga.Hindi rin nagtagal nakarating na ako sa parking lot. Nanatili akong nakatayo sa gitna habang ang mga tao ay naglalakad sa paligid ko. Tumingala ako at pag tingin ko sa itaas, nag aabang sakin ang milyon milyong mga bituin na kumikislap at ang bilog na buwan na para bang sinasabihan ako na ayos lang ang lahat. Napangiti ako, tama. Magiging ayos lang ang lahat, kailangan ko lang maniw

  • Epiphany   Kabanata 9

    Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Napatingin ako sa oras, alas sais na ng umaga. Tinignan ko naman si Josh na mahimbing na natutulog sa tabi ko at napabuntong hininga ako. Totoo na talaga, 'eto na. 'Eto na 'yong araw na aalis na talaga siya.Hindi ko na muna siya ginising, tinitigan ko lang ang maamo niyang mukha na mahimbing na mahimbing na natutulog. "Mamimiss kita ng sobra," bulong ko sa kaniya ngunit hindi pa rin siya nagising.Sampo pang mga minuto, gigisingin ko na siya at babangon na rin ako. Ngayon pa lang nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko, paano na lang mamaya pag paalis na talaga siya? Alas nueve pa naman ng gabi ang flight niya pero kailangan namin mag asikaso ng maaga para hindi siya ma-late. Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Josh, "Ang aga mo naman magising," wika niya sa mahinang boses. Natawa naman ako, sa katunayan halos kakatulog ko lang din. Magdamag ako halos hindi nakatulog dahi

  • Epiphany   Kabanata 8

    Kabanata 8"HELLO, Nicole? Ready na ba lahat?"Aligagang aligaga ako ngayon dahil mayroon akong hinandang surprise para kay Josh. Malungkot man at mabigat man sa loob, wala na akong ibang magagawa kung hindi ang tanggapin na bukas aalis na talaga siya. Simula noong napagpasyahan namin na pupunta siya sa America, sinulit namin lahat ng pagkakataon. Lahat ng pwede namin gawin ng magkasama ay talagang ginagawa namin. Sinimulan na rin namin ang pagplaplano sa kasal kahit na sa isang taon pa naman iyon. At ngayon nga, nagpatulong naman ako kay Nicole para masurprise si Josh. Gusto ko sana sulitin namin ang huling araw na magiging magkasama kami dahil sa susunod na anim na buwan, wala na kami sa piling ng isa't isa."Oo naman. Ready na lahat, basta pag umalis ako dito, ikaw na bahala okay?""Thank you so much!" Agad-agad ko namang binaba ang tawag. Grabe, sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil kinakabahan

  • Epiphany   Kabanata 7

    Kabanata 7Mabilis lumipas ang mga araw.Napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa dingding ng ospital, July 23. Ilang araw na lang at aalis na si Josh. Napabuntong hininga ako."Athena, Room 208." Napatingin ako kay Dr. Cruz at napatango. Inabot niya naman sa akin ang isang folder na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa pasyente ko. Binuksan ko ito at nabasa na ang pasyente ko ay isang babaeng kakapanganak lamang. Okay, sa tingin ko ay medyo magaan gaan ang magiging araw ko. Noong mga nakaraan kasi sobrang toxic, lalo na at sa emergency ward ako nailagay."Girl, sino patient mo?" Nabigla ako nang biglang umupo sa tabi ko si Andrea. Kaklase ko rin siya at kasama ngayon dito sa duty. Tinignan ko naman sya agad at inabot ang folder na hawak-hawak ko na dali-dali niya namang kinuha at binuksan."Hala, 'eto patient mo? Kawawa ka naman!" natatawang saad niya sa akin. Awto

  • Epiphany   Kabanata 6

    Kabanata 6 "Aalis ka?" Sa pagkakatingin sa sulat ay lumipat ang tingin ng mga mata ko sa kaniya. Bakas naman sa mukha niya ang pag aalinlangan. Hinawakan ni Josh ang mga kamay ko. "Love, ikaw ang gusto kong magdesisyon," malumanay na saad niya sa akin. "Ha? Bakit ako? Ikaw ang inoofferan ng trabaho." Napabuga ako ng hangin dahil ramdam na ramdam ko ang bigat ng aming kapaligiran. Umiling naman si Josh. "Magandang opportunity kasi love, para sa kasal natin." Nakayuko lang si Josh. Naisip ko na ito nga ang sasabihin niya, magandang opportunity. Para sa future, para sa kasal, para sa ikabubuti ng buhay namin. "Pero paano ako dito?" Naramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko. Kakapropose niya lang sa akin, halos kakatapos palang namin iengage tapos aalis na siya agad? Hindi ko alam kung kaya ko ba to. Pinigilan ko ang pagbuhos ng luha mula sa mga

  • Epiphany   Kabanata 5

    Kabanata 5 "Huy Athena! Lutang ka na naman!" Bigla kong nabitawan ang hawak-hawak kong lapis sa sobrang gulat kay Michelle. Napabalik tuloy ako sa aking katinuan at napatingin sa kanya. "Ha? Ano nga ulit ang sinasabi mo?" nakakunot noo na tanong ko sa kanya. Marahan niya naman akong pinitik sa aking noo. "Ang sabi ko, congrats sa engagement mo! Bakit ka ba nawawala sa katinuan ha?" at dahil dalawa lang kaming naiwan dito, napuno ang silid ng halakhak niya. Napaisip tuloy ako, hanggang ngayon kasi ay talaga naman na hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraan. Sino ba naman ang maniniwala? Noong isang buwan ay isa lang akong simpleng babae na nag aaral ng mabuti upang maging isang doktor ngunit ngayon, engaged na ako! 'Di ba? Sa tuwing maalala ko ang gabing 'yon, napapangiti pa rin ako. "Wala,

DMCA.com Protection Status