Home / All / Epiphany / Kabanata 2

Share

Kabanata 2

last update Last Updated: 2021-06-13 01:33:21

Kabanata 2

SIMULA noong araw na nalalaman ko kung kailan siya aalis, takot na ako. Natakot ako sa araw na ‘yon. Tanggap ko na aalis na siya pero hindi nag sink in sa akin agad. Wala na akong nagawa. Dumating nga ang araw na ‘yon, umalis siya. Tandang tanda ko pa, nakatanaw ako sa bintana. Nag aabang ng eroplanong dadaan, nagbabakasali na sakay siya ng mga eroplanong ‘yon. Sobra akong nalungkot pero sabi niya, bigyan ko siya ng 2 years at babalik siya. Uuwi siya dito para sa akin. Dahil bata pa ako noong mga panahon na ‘yon, hindi ako naniwala. Tinanggap ko na lang na umalis na siya at umasa ako na magiging okay pa rin ang lahat, na walang magbabago. Pero alam niyo ba, ilang buwan matapos silang umalis, after niyang umalis, after niyang sabihin sakin na magiging okay rin ang lahat, hindi na niya ako kinontact, hindi na siya nag reply sa messages ko. Nawalan na kami ng komunikasyon sa isa’t isa. Masakit, oo. Pero wala akong nagawa, nandito ako at nandoon siya. We were thousands of miles away from each other. So I tried to move on. At ‘nung first year college na ako, doon ko na nakilala si Josh. Funny thing was right after I started entertaining him, Daniel started messaging me again. Saying how sorry he was, how he never wanted to leave me hanging. He’s basically asking me to take him back again but I don’t know what has gotten into me, it’s obvious, I chose Josh. Pinili ko siya kasi sabi ko sa sarili ko naka move on na ako. Tinanong ko yung sarili ko kung kaya ko ba ulit tanggapin kung gagawin ni Daniel ulit ‘yon sa akin? Paano kung iiwan niya pala ulit ako sa ere? Sasaktan ko lang ulit ang sarili ko. That same year, umuwi ang mga magulang ni Daniel dito sa Pilipinas pero siya? He wasn’t with them. Then it hit me, he was telling the truth when he said he’ll be back for me, mag antay lang ako ng dalawang taon. Hindi ko siya naantay. And that’s it. I’m really happy with Josh right now but of course, there were times before that I asked myself a lot of questions, a lot of what-ifs since wala kami talaga proper closure. But I’m already fine. After 7 years, I guess? Ngayon lang ulit kami magkikita and if ever magka kausap ni Daniel. So you get it, why am I nervous? Hay buhay nga naman.

Nabitawan ko ang hawak ‘kong suklay sa sunod-sunod na businang narinig ko mula sa sasakyan sa labas.

Napasulyap ako agad sa bintana, hindi ko na pala namalayan ang oras. Nandito na si Nicole! Napasarap ang pagkwekwento ko sa inyo.

Hinati ko na lang bangs ko tapos clinip ko sa magkabilang gilid ng buhok ko. One last look in the mirror, and I’m done! Light make up lang naman ang nilagay ko, matagal lang talaga ako maligo. Simple lang lagi ayos ko kasi I have a natural long black wavy hair na bagay raw sa morena complexion ko. Madalas nakatali ang buhok ko pero kapag may lakad akong pupuntahan, nakalugay lang ako.

“Wow! Ang ganda naman ng bff ko.” Lumapit si Nicole sa’kin at niyakap niya ako habang siya ay tumatawa.

“Che! Lagi naman ako maganda kaya tara na!” pabiro kong sabi sa kanya. 9:15 na at si Nicole isa siya sa mga coordinators pero heto si ate girl, late na rin naman kasi kapag coordinator dapat maaga.

“Hindi ka ba kinakabahan sa pwedeng mangyare?” Mariin niya akong sinulyapan. Naramdaman ko ang tensyon na namuo sa pagitan naming dalawa dulot na rin ng tanong niya sa akin. Napasulyap ako sa bintana. Kilala niya talaga ako.

“Kinakabahan siyempre. Kung hindi ka lang malakas sa’kin, hindi naman ako pupunta. Tsaka hoy! Matatanda na tayo, ‘wag niyo naman na kami asarin. Please lang!” pabiro kong pakiusap ko sa kanya. Kung maririnig niyo lang tibok ng puso ko. Kinakabahan talaga ako siyempre. It’s not that I still have feelings for Daniel because God knows I love Josh so much. It’s just that I’ve waited for this to happen ever since he left and now finally. It’s happening.

“Alam mo, kung hindi kayo ni Josh, gusto ko pa rin si Daniel for you. Pero I know how happy you are with Josh but I also know you. You’ve been waiting for this! I think kailangan mo na kausapin si Daniel at ngayon na ang time na ‘yon. Closure na lang kumbaga.” Napatingin ako sa kanya. Tama siya. Para magka peace of mind ako, kailangan ko makausap si Daniel mamaya pero siyempre hindi ako ang mag fifirst move! I actually don’t know what to tell him pero siguro kusa na lang ‘yon lalabas sa bibig ko mamaya.

Hindi na ako sumagot kay Nicole at napatingin na lang ako sa bintana. Medyo makulimlim ngayon kaya maganda ang panahon lalo na sa beach resort ng isa naming kaklase ang gaganapan. Mapuno naman doon at tahimik, lalo na ngayon dahil reserved talaga yung place para sa reunion namin kaya walang ibang guests.

Hindi ko mapigilan isipin kung ano ang mangyayari. Pero sa loob-loob ko isa lang ang gusto ko, makausap si Daniel.

Hindi ko namalayan nandito na pala kami. Sa may entrance pa lang, may iilan ng pamilyar na mukha ang nakita ko. Siyempre hindi ko naman maipagkakaila na may hinahanap ang mga mata ko pero siguro nasa loob na siya. Huminga ako ng malalim at bumaba na.

“Hoy! Athena! Ang tagal nating ‘di nagkita. Grabe ang ganda-ganda mo na!” masiglang bati ng dati kong kaklase na si Gail. Napangiti na lang ako.

“Athena, oo nga! Sa f******k nalang kita nakikita!” Natawa na lang ako sa sinabi ni Eunice.

“Huy oo nga, sorry naging busy na ako. Ikaw rin sa f******k ko nalang nakikita!” pabiro kong sagot sa kanya.

“Mamaya na kayo magchismisan, pumasok na tayo sa loob at kanina pa naghihintay sila Marco.” Inakbayan naman ako ni Nicole na tila ba aakayin na ako paalis sa kinatatayuan ko. Sabagay 9:30 na rin kasi.

Pagpasok namin sa loob, nandito na halos lahat. Konti lang kasi kami, mga nasa 30 lang dahil ang iba ay nasa ibang bansa na. Pag pasok pa lang namin, sinalubong na agad ako ng mga dati kong barkada na hanggang ngayon ay kaibigan pa rin namin ni Nicole. Kaliwa’t-kanan ay iba ibang usapan ang maririnig mo.

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganito. Kung tutuusin nga ay mas gugustuhin ko pa sa bahay na lang at magbasa ng mga libro o di kaya ay mag sulat pero ano pa nga ba, nandito na ako. Nagulat ako ng biglang may umakbay sakin. Si Marco!

“Andito na pala ang future Doctora namin!” masiglang bati niya sa akin. Kasama niya si Rex, barkada ko rin dati. Siniko ko siya agad. Ganoon pa rin ang itsura nila, nagmatured lang pero siyempre, gumwapo rin. Sa sobrang gulat ay halos mapasigaw na ako pero pinigilan ko ito.

“Gusto mo ba ikaw una kong pasyente? Sabihin mo lang! Ikaw nga diyan vocalist na ng sikat na banda. Tapos ito si Rex, malapit ng magpunta sa abroad. Sana all!” natatawa kong saad sa kanilang dalawa. Napangiti naman agad sila. Si Marco kasi, simula noong high school kami mahilig na talaga siyang kumanta at gumamit ng mga instrumento. Sa katunayan, isa siya sa mga campus crush noon sa school kaya naman patay na patay rin si Nicole sa kanya dati. Samatalang si Rex, kukunin na raw siya ng mga kapamilya niya sa ibang bansa. Diba? Sana all.

“Sus! Halika na nga, punta tayo kila Charles. Nandun na rin sila Kim at Nicole,” simpleng sagot naman ni Rex sa sinabi ko sa kanila ni Marco.

Lumabas na kami sa events place at nakita ko na sila sa ‘di masyadong kalayuan. Naroon sila sa parang mini park na may mga swing at slides. Natanaw ko na agad sina Anne, Diane, Nicole at iba ko pang barkadang lalaki. Habang papalapit ng papalapit, bigla lang akong kinabahan sa hindi ko alam na dahilan. Hindi ko pa naman nakikita si Daniel pero para akong nanghina at bumilis ang tibok ng puso ko. Nagpapawis na rin ang mga kamay ko pero pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad na parang wala lang. 

“Wag ka kabahan, normal lang ‘yan. Hindi ka naman namin ibebenta,” nakangising saad ni Marco. Awtomatiko tuloy akong napatingin ng masama sa kanya. Kahit kailan talaga ang taong ‘to walang ibang ginawa ‘kundi asarin ako! Siniko ko na lang ulit siya kaya napaaray tuloy siya ng wala sa oras.

Paglapit namin sa kanila, agad namang napatingin sa’kin sila Kim.

“Sa wakas! Kanina ka pa kaya namin hinihintay. Ang tagal mo sa loob ha,” saad ni Anne. Napangiti naman ako bigla. Noong high school kasi, ako rin ang lagging matagal. Naalala ko tuloy na madalas din nila akong antayin dahil sa dami ng kakilala ko na kinakausap ko sa daan.

“Natraffic ako sa loob, ang daming gustong kumuha ng autograph ko” kalmadong saad ko na tila ba nangaasar. Halos sabay-sabay naman sila ng reaction na para bang ang yabang ko. Natawa tuloy kaming lahat. Ewan ko pero ganito lang talaga kami magbiruan.

Isa lang ang masasabi ko, namiss ko ‘to, namiss ko ang mga kaibigan ko. Ilang taon na rin ang lumipas at nagkaroon na kami ng kani kaniyang buhay ngunit ang sarap lang sa pakiramdam na kahit gaano man katagal ang panahon na nagdaan, ganito pa rin kami. Walang nagbago.

Habang nag uusap usap kami, naramdaman kong may mga dumating pero hindi ko pinansin dahil nakatalikod ako sa kanila at busy ako sa pakikipag usap sa mga kaibigan ko. Kwento lang ako ng kwento sakanila habang tumatawa pero nagulat ako, bigla silang natigilan at tumingin sa likod ko kaya awtomatikong napatingin din ako sa kung sino ang tinitignan nila. Parang nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. Naramdaman ko rin na biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kumurap kurap pa ako kung totoo nga bang nangyayari ‘to pero totoo talaga. Oo! Si Daniel nasa harap ko, nakangiti. Shet. Bigla akong tumalikod at tinignan si Nicole, nagulat rin siya. Pero ewan ko ba!

Pakiramdam ko tumigil ang mundo at siya naman ang naging simula ng pag init ng mga pisngi ko. Nabalot ng katahimikan ang buong paligid at ako, nakatingin lang sa lalaking nasa harapan ko at hindi makapaniwala. Pagkalipas ng mahabang panahon, ang unang taong nagpatibok ng puso ko, ang unang taong nangwasak nito, ay nasa harap ko. Hindi ako makapaniwala. Sa sobrang gulat, walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko.

“Ah, kasi ano may aasikasuhin pa kami nila Marco. ‘Diba? ‘Diba Diane? Kasama kayo?” natatarantang sabi ni Nicole na nag udyat naman sa pagbasag ng katahimikan at nagbalik sa akin sa realidad. Tinignan ko siya na para bang pinapahiwatig ko na ‘wag siyang umalis pero nahuli ako! At pakiramdam ko sinadya nila to! Oo, gusto ko rin ito pero ngayong nandito na sa harap ko, hindi ko nan a alam kung kaya ko pa rin ba.

“Ay oo nga, iwan na muna namin kayo diyan Athena at Daniel ha. Sunod nalang kayo sa loob. Sige, bye.”  Tumayo si Diane at nagmamadaling umalis. Sa isang iglap, dalawa na lang kami ni Daniel dito. Oh shet. Shet talaga. Umupo ako sa swing tapos umupo rin siya ‘don sa katabing swing.

Napayuko ako at napahawak sa kuko ko.

 Ang tagal ko tong hinintay pero paano ba to?

Kaya ko bang harapin ang unang taong minahal ko?

Related chapters

  • Epiphany   Kabanata 3

    Kabanata 3MOMENT of silence.Walang nagsasalita sa amin.Alangan ako ang mauna makipag usap? No way! Manigas siya diyan.“How have you been?” malumanay ang boses na tanong ni Daniel sa akin. Siguro hindi na siya nakatiis. Binasag na niya ang katahimikan. Tumingin naman ako sa kanya. ‘Ganon pa rin ang itsura niya, tumangkad lang siya ng sobra. Oo, gwapo pa rin siya.Yung tibok ng puso ko. Tila ba nag uunahan sila sa pagtalon, yung boses na ‘yon. Pitong taon ko ulit bago narinig. Sa pagkakayuko, bigla akong napatingin sa kanya.Hindi ko alam pero ngayon pa lang gusto ng tumulo ng mga luha ko.Oo, ang tagal ko ‘tong hinintay. Ang makausap siya sa personal, ang makasama siya ngunit anim na taon na siyang huli. Pitong taon na ang nakalipas noong pinagdasal ko na mangyari a

    Last Updated : 2021-06-13
  • Epiphany   Kabanata 4

    Kabanata 4“ARE you happy, love?” Josh asked me while driving.“Yes, thank you for allowing me to go love.” I told him as I placed my head on his shoulders. Finally, I’m with him. I always feel this comfort whenever I’m with him, like my soul, my mind and my heart are all at peace.“Matulog ka na muna at mag pahinga. Pag gising mo nasa restaurant na tayo.” He kissed my forehead habang nakatigil kami sa stoplight at dahan-dahan ko ng ipinikit ang mga mata ko. Napangiti ako dahil sa kasiyahang nararamdaman ng puso ko. Hindi ko na namalayan, nakatulog na pala ako.After I don’t know how many minutes, Josh woke me up at sinabi niyang nandito na kami.“Love, I need you to put this blind fold on. 'Wag mo tong aalisin ha, may kukuha sa'yo dito,” Josh told me and I simply nodde

    Last Updated : 2021-06-13
  • Epiphany   Kabanata 5

    Kabanata 5 "Huy Athena! Lutang ka na naman!" Bigla kong nabitawan ang hawak-hawak kong lapis sa sobrang gulat kay Michelle. Napabalik tuloy ako sa aking katinuan at napatingin sa kanya. "Ha? Ano nga ulit ang sinasabi mo?" nakakunot noo na tanong ko sa kanya. Marahan niya naman akong pinitik sa aking noo. "Ang sabi ko, congrats sa engagement mo! Bakit ka ba nawawala sa katinuan ha?" at dahil dalawa lang kaming naiwan dito, napuno ang silid ng halakhak niya. Napaisip tuloy ako, hanggang ngayon kasi ay talaga naman na hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraan. Sino ba naman ang maniniwala? Noong isang buwan ay isa lang akong simpleng babae na nag aaral ng mabuti upang maging isang doktor ngunit ngayon, engaged na ako! 'Di ba? Sa tuwing maalala ko ang gabing 'yon, napapangiti pa rin ako. "Wala,

    Last Updated : 2021-07-14
  • Epiphany   Kabanata 6

    Kabanata 6 "Aalis ka?" Sa pagkakatingin sa sulat ay lumipat ang tingin ng mga mata ko sa kaniya. Bakas naman sa mukha niya ang pag aalinlangan. Hinawakan ni Josh ang mga kamay ko. "Love, ikaw ang gusto kong magdesisyon," malumanay na saad niya sa akin. "Ha? Bakit ako? Ikaw ang inoofferan ng trabaho." Napabuga ako ng hangin dahil ramdam na ramdam ko ang bigat ng aming kapaligiran. Umiling naman si Josh. "Magandang opportunity kasi love, para sa kasal natin." Nakayuko lang si Josh. Naisip ko na ito nga ang sasabihin niya, magandang opportunity. Para sa future, para sa kasal, para sa ikabubuti ng buhay namin. "Pero paano ako dito?" Naramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko. Kakapropose niya lang sa akin, halos kakatapos palang namin iengage tapos aalis na siya agad? Hindi ko alam kung kaya ko ba to. Pinigilan ko ang pagbuhos ng luha mula sa mga

    Last Updated : 2021-07-18
  • Epiphany   Kabanata 7

    Kabanata 7Mabilis lumipas ang mga araw.Napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa dingding ng ospital, July 23. Ilang araw na lang at aalis na si Josh. Napabuntong hininga ako."Athena, Room 208." Napatingin ako kay Dr. Cruz at napatango. Inabot niya naman sa akin ang isang folder na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa pasyente ko. Binuksan ko ito at nabasa na ang pasyente ko ay isang babaeng kakapanganak lamang. Okay, sa tingin ko ay medyo magaan gaan ang magiging araw ko. Noong mga nakaraan kasi sobrang toxic, lalo na at sa emergency ward ako nailagay."Girl, sino patient mo?" Nabigla ako nang biglang umupo sa tabi ko si Andrea. Kaklase ko rin siya at kasama ngayon dito sa duty. Tinignan ko naman sya agad at inabot ang folder na hawak-hawak ko na dali-dali niya namang kinuha at binuksan."Hala, 'eto patient mo? Kawawa ka naman!" natatawang saad niya sa akin. Awto

    Last Updated : 2021-07-23
  • Epiphany   Kabanata 8

    Kabanata 8"HELLO, Nicole? Ready na ba lahat?"Aligagang aligaga ako ngayon dahil mayroon akong hinandang surprise para kay Josh. Malungkot man at mabigat man sa loob, wala na akong ibang magagawa kung hindi ang tanggapin na bukas aalis na talaga siya. Simula noong napagpasyahan namin na pupunta siya sa America, sinulit namin lahat ng pagkakataon. Lahat ng pwede namin gawin ng magkasama ay talagang ginagawa namin. Sinimulan na rin namin ang pagplaplano sa kasal kahit na sa isang taon pa naman iyon. At ngayon nga, nagpatulong naman ako kay Nicole para masurprise si Josh. Gusto ko sana sulitin namin ang huling araw na magiging magkasama kami dahil sa susunod na anim na buwan, wala na kami sa piling ng isa't isa."Oo naman. Ready na lahat, basta pag umalis ako dito, ikaw na bahala okay?""Thank you so much!" Agad-agad ko namang binaba ang tawag. Grabe, sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil kinakabahan

    Last Updated : 2021-07-25
  • Epiphany   Kabanata 9

    Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Napatingin ako sa oras, alas sais na ng umaga. Tinignan ko naman si Josh na mahimbing na natutulog sa tabi ko at napabuntong hininga ako. Totoo na talaga, 'eto na. 'Eto na 'yong araw na aalis na talaga siya.Hindi ko na muna siya ginising, tinitigan ko lang ang maamo niyang mukha na mahimbing na mahimbing na natutulog. "Mamimiss kita ng sobra," bulong ko sa kaniya ngunit hindi pa rin siya nagising.Sampo pang mga minuto, gigisingin ko na siya at babangon na rin ako. Ngayon pa lang nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko, paano na lang mamaya pag paalis na talaga siya? Alas nueve pa naman ng gabi ang flight niya pero kailangan namin mag asikaso ng maaga para hindi siya ma-late. Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Josh, "Ang aga mo naman magising," wika niya sa mahinang boses. Natawa naman ako, sa katunayan halos kakatulog ko lang din. Magdamag ako halos hindi nakatulog dahi

    Last Updated : 2021-07-30
  • Epiphany   Kabanata 10

    Kabanata 10Naiwan akong nakatayo at nakatanaw habang naglalakad si Josh palayo sa akin. Hindi ko namalayan may tumulo na pa lang luha sa mga mata ko na dali-dali ko namang pinunasan. Nang mawala na siya ng tuluyan sa paningin ko, huminga ako ng malalim. Oras na para umalis na rin ako.Habang naglalakad ako palayo, tila ba parang binabalot ng kalungkutan ang buong pagkatao ko, bawat hakbang ay sobrang bigat sa dibdib. Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Josh habang naglalakad siya palayo sa akin? Hindi ko rin alam pero sana nga.Hindi rin nagtagal nakarating na ako sa parking lot. Nanatili akong nakatayo sa gitna habang ang mga tao ay naglalakad sa paligid ko. Tumingala ako at pag tingin ko sa itaas, nag aabang sakin ang milyon milyong mga bituin na kumikislap at ang bilog na buwan na para bang sinasabihan ako na ayos lang ang lahat. Napangiti ako, tama. Magiging ayos lang ang lahat, kailangan ko lang maniw

    Last Updated : 2021-08-06

Latest chapter

  • Epiphany   Kabanata 13

    Kabanata 13Pumunta ako agad kay Dr. Ballon para sabihin ang lagay ng kondisyon ni Daniel, alam ko wala ako sa posisyon pero tingin ko 'eto ang dapat gawin, ang maoperahan agad si Daniel sa lalong mabilis na panahon."Doc, stable po yung vitals ng patient sa room 108, 'yung patient po na may tricuspid atresia," mahinahong saad ko kay Dr. Ballon na busy naman sa pag babasa ng chart na hawak niya. "Okay, then. Good." Tiniklop niya ang hawak-hawak niyang folder at nag akmang aalis na nang pigilan ko siya. "Don't you think doc na dapat na po siyang maoperahan agad habang stable pa siya? Baka po mamaya or bukas, biglang bumagsak ang katawan niya," pag papaliwanag ko kay doc. Umiling naman siya. "It's best if we monitor him first." Wala naman akong nagawa kung hindi ang tumango na lang sa tugon niya sa akin.Naiwan akong nakatayo sa corridor ng hospital habang pinapanuod na tuluyang mawala si Dr. Ballon sa paningin ko. Okay, w

  • Epiphany   Kabanata 12

    Kabanata 12Nagising ako sa tunog ng aking telepono, may tumatawag. Dali-dali ko naman itong kinuha at sinagot. "Hello?" malumanay na saad ko, inaantok pa talaga ako. "Love, gising na. Alas sais ang duty mo 'di ba?" Napamulat ako nang marinig ko ang sinabi ni Josh sa kabilang linya. Shoot, oo nga pala. Ngayon ang simula ng duty namin sa ospital. "Hala, oo nga pala love. Thank you ginising mo ako, mag preprepare lang ako ha. Tatawagan kita ulit, i love you!" Dali-dali naman akong bumangon at nag simulang mag ayos.'Eto na ang bagong routine namin ni Josh, sa tuwing kailangan kong gumising ng maaga, lagi niya akong tinatawagan. Sakto naman dahil kapag umaga dito, hapon naman sa kanila doon kaya malamang sa malamang ay gising pa siya.Napatingin ako sa orasan, mag aalas singko na, alas sais ang duty ko sa ospital at kailangan bago ako pumasok ay naka kain na ako ng almusal dahil mahihirapan

  • Epiphany   Kabanata 11

    Kabanata 11Dalawang araw na ang lumipas mula ng pumunta si Josh sa America. So far, mabuti naman ang takbo ng relasyon naming dalawa. Naalala ko, pagkarating na pagkarating niya sa airport ay tinawagan niya agad ako para ipaalam na nakarating siya ng maayos at ligtas. Sakto naman noong araw na 'yon, kakatapos lang ng klase ko kaya nakapag usap pa kaming dalawa pero hindi rin nag tagal dahil alam ko na kailangan niya rin mag pahinga.Sa totoo lang, nahihirapan pa rin ako sa set-up naming dalawa lalo na magkaiba kami ng oras. Kapag umaga dito, gabi naman doon at kabaliktaran pero sabi ni Josh, hindi rin mag tatagal, makakapag adjust din kaming dalawa. Sa loob ng dalawang araw na magkalayo kaming dalawa, pinaparamdam talaga sa akin ni Josh na walang nag bago. Hangga't kaya niya, siya ang nag aadjust para sa aming dalawa lalo na alam niya na busy talaga ako sa school at sa duty sa ospital. Pero siyempre, hindi ko naman hinahayaan 'yon.&

  • Epiphany   Kabanata 10

    Kabanata 10Naiwan akong nakatayo at nakatanaw habang naglalakad si Josh palayo sa akin. Hindi ko namalayan may tumulo na pa lang luha sa mga mata ko na dali-dali ko namang pinunasan. Nang mawala na siya ng tuluyan sa paningin ko, huminga ako ng malalim. Oras na para umalis na rin ako.Habang naglalakad ako palayo, tila ba parang binabalot ng kalungkutan ang buong pagkatao ko, bawat hakbang ay sobrang bigat sa dibdib. Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Josh habang naglalakad siya palayo sa akin? Hindi ko rin alam pero sana nga.Hindi rin nagtagal nakarating na ako sa parking lot. Nanatili akong nakatayo sa gitna habang ang mga tao ay naglalakad sa paligid ko. Tumingala ako at pag tingin ko sa itaas, nag aabang sakin ang milyon milyong mga bituin na kumikislap at ang bilog na buwan na para bang sinasabihan ako na ayos lang ang lahat. Napangiti ako, tama. Magiging ayos lang ang lahat, kailangan ko lang maniw

  • Epiphany   Kabanata 9

    Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Napatingin ako sa oras, alas sais na ng umaga. Tinignan ko naman si Josh na mahimbing na natutulog sa tabi ko at napabuntong hininga ako. Totoo na talaga, 'eto na. 'Eto na 'yong araw na aalis na talaga siya.Hindi ko na muna siya ginising, tinitigan ko lang ang maamo niyang mukha na mahimbing na mahimbing na natutulog. "Mamimiss kita ng sobra," bulong ko sa kaniya ngunit hindi pa rin siya nagising.Sampo pang mga minuto, gigisingin ko na siya at babangon na rin ako. Ngayon pa lang nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko, paano na lang mamaya pag paalis na talaga siya? Alas nueve pa naman ng gabi ang flight niya pero kailangan namin mag asikaso ng maaga para hindi siya ma-late. Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Josh, "Ang aga mo naman magising," wika niya sa mahinang boses. Natawa naman ako, sa katunayan halos kakatulog ko lang din. Magdamag ako halos hindi nakatulog dahi

  • Epiphany   Kabanata 8

    Kabanata 8"HELLO, Nicole? Ready na ba lahat?"Aligagang aligaga ako ngayon dahil mayroon akong hinandang surprise para kay Josh. Malungkot man at mabigat man sa loob, wala na akong ibang magagawa kung hindi ang tanggapin na bukas aalis na talaga siya. Simula noong napagpasyahan namin na pupunta siya sa America, sinulit namin lahat ng pagkakataon. Lahat ng pwede namin gawin ng magkasama ay talagang ginagawa namin. Sinimulan na rin namin ang pagplaplano sa kasal kahit na sa isang taon pa naman iyon. At ngayon nga, nagpatulong naman ako kay Nicole para masurprise si Josh. Gusto ko sana sulitin namin ang huling araw na magiging magkasama kami dahil sa susunod na anim na buwan, wala na kami sa piling ng isa't isa."Oo naman. Ready na lahat, basta pag umalis ako dito, ikaw na bahala okay?""Thank you so much!" Agad-agad ko namang binaba ang tawag. Grabe, sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil kinakabahan

  • Epiphany   Kabanata 7

    Kabanata 7Mabilis lumipas ang mga araw.Napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa dingding ng ospital, July 23. Ilang araw na lang at aalis na si Josh. Napabuntong hininga ako."Athena, Room 208." Napatingin ako kay Dr. Cruz at napatango. Inabot niya naman sa akin ang isang folder na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa pasyente ko. Binuksan ko ito at nabasa na ang pasyente ko ay isang babaeng kakapanganak lamang. Okay, sa tingin ko ay medyo magaan gaan ang magiging araw ko. Noong mga nakaraan kasi sobrang toxic, lalo na at sa emergency ward ako nailagay."Girl, sino patient mo?" Nabigla ako nang biglang umupo sa tabi ko si Andrea. Kaklase ko rin siya at kasama ngayon dito sa duty. Tinignan ko naman sya agad at inabot ang folder na hawak-hawak ko na dali-dali niya namang kinuha at binuksan."Hala, 'eto patient mo? Kawawa ka naman!" natatawang saad niya sa akin. Awto

  • Epiphany   Kabanata 6

    Kabanata 6 "Aalis ka?" Sa pagkakatingin sa sulat ay lumipat ang tingin ng mga mata ko sa kaniya. Bakas naman sa mukha niya ang pag aalinlangan. Hinawakan ni Josh ang mga kamay ko. "Love, ikaw ang gusto kong magdesisyon," malumanay na saad niya sa akin. "Ha? Bakit ako? Ikaw ang inoofferan ng trabaho." Napabuga ako ng hangin dahil ramdam na ramdam ko ang bigat ng aming kapaligiran. Umiling naman si Josh. "Magandang opportunity kasi love, para sa kasal natin." Nakayuko lang si Josh. Naisip ko na ito nga ang sasabihin niya, magandang opportunity. Para sa future, para sa kasal, para sa ikabubuti ng buhay namin. "Pero paano ako dito?" Naramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko. Kakapropose niya lang sa akin, halos kakatapos palang namin iengage tapos aalis na siya agad? Hindi ko alam kung kaya ko ba to. Pinigilan ko ang pagbuhos ng luha mula sa mga

  • Epiphany   Kabanata 5

    Kabanata 5 "Huy Athena! Lutang ka na naman!" Bigla kong nabitawan ang hawak-hawak kong lapis sa sobrang gulat kay Michelle. Napabalik tuloy ako sa aking katinuan at napatingin sa kanya. "Ha? Ano nga ulit ang sinasabi mo?" nakakunot noo na tanong ko sa kanya. Marahan niya naman akong pinitik sa aking noo. "Ang sabi ko, congrats sa engagement mo! Bakit ka ba nawawala sa katinuan ha?" at dahil dalawa lang kaming naiwan dito, napuno ang silid ng halakhak niya. Napaisip tuloy ako, hanggang ngayon kasi ay talaga naman na hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraan. Sino ba naman ang maniniwala? Noong isang buwan ay isa lang akong simpleng babae na nag aaral ng mabuti upang maging isang doktor ngunit ngayon, engaged na ako! 'Di ba? Sa tuwing maalala ko ang gabing 'yon, napapangiti pa rin ako. "Wala,

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status