Mariin niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinaplos ang buhok ko. Nanghihina nalang akong napahakbang papaatras at humiling na sana ay may makakita sa 'kin, kahit si Ytang man lang o si Lowelyn.
"'Di ko alam kung bakit mo 'yan tinatago," sabi niya sa nagtatakang boses, habang ako naman ay nag-iwas nalang ng tingin. "Kasi maganda naman, at marami ang humihiling na ganiyan ang buhok, pero itatago mo lang, bakit?"
Salamat nalang at hindi niya na 'ko tinanong pa. Nakahinga na rin ako nang maluwag nang tumalikod na 'to at iniwan akong may kaunti pa ring kaba sa dibdib. Napahawak ako sa buhok ko. Bakit niya nalaman?
'Patuloy lang ako sa pagsusuri sa sariling buhok nang mapansin ko ang dulo na nawawala na ang peke na kulay. Ito pala... Kaya pala nalaman niya. Bumuntong-hininga nalang ako at napatingala sa langit at balik na naman sa buhok. At least, siya lang ang nakapansin nito.
Pagkabalik ko sa mansyon, wala na si ate, at sabi ni lola ay pumunta ito sa isang resort. Patakbo kong tinahak ang sariling kwarto at hinanap ang bagay na parati kong dala-dala sa kung saan man ako magpunta.
Hershly. Sa lahat ng tao, siya lang ang 'di ko akalaing makakapansin sa pagkatao ko, na sa ilang taon kong pagtatago ay siya lang talaga. Siguro ay magaling lang talaga siyang kumilatis. Base sa color ng buhok niya, masasabi kong baka nga, na baka expert siya sa mga ganito.
Lutang kong tinitigan ang isang box. Sa bagay na 'to, hindi nila malalaman na isa akong blonde, sa bagay na 'to, matatakpan nito ang tunay kong pagkatao. Inayusan ko ang sarili at naging madali lang naman kasi 'yung dulo lang ng buhok ko ang nilagyan ko. Sinigurado ko rin siyempre na naka-lock talaga ang pinto at baka may biglang pumasok -- nasa sala pa naman si lola.
Hanggang lumipas ang ilang minuto ay kinakabahan pa rin ako. Wala naman akong nagawang masama pero natatakot ako, pakiramdam ko mayamaya'y maaaring malaman na rin ni Ytang ang tungkol sa 'kin. Alam ko namang 'di naman siya magagalit sa 'kin, batid kong tatanggapin niya pa rin ako, sadyang mas nangingibabaw lang ang takot ko. 'Yung ganoong pakiramdam.
Naligo nalang muna ako saglit para kahit papaano'y magkasigla naman ang walang lakas na katawan. Isang dress na hanggang tuhod nalang ang sinuot ko at ang isang flat sandal tutal ay may plano rin akong puntahan mamaya. Wala pa nga lang akong plano kung saan ako pupunta, siguro'y depende nalang kina Ytang, Joyce at Lowelyn. Kung saan sila ay doon nalang din ako.
Paglabas ko ng kwarto, kaagad kong tinahak ang sala. Noong una ay plano kong magpatuloy nalang sa paglalakad, pero nang makita ang piano ay natigilan ako sandali. Gusto kong tumugtog, pero mali, mali kasi 'di ko na dapat binabalikan ang nakaraan. Marami pa naman 'atang ibang bakante na mapagkakaabalahan, 'no? Baka may iba pang para sa 'kin, baka may mas mainam pa kaysa sa pagpa-piano.
Tuluyan na nga akong bumalik sa kwarto at kaagad nag-lock. Napasandal ako sa pinto at napapikit. Papaano ko makakalimutan ang bagay na 'yun kung paulit-ulit ko namang nakikita kapag nasa sala ako? Nakakainis naman.
Humiga nalang ako sa kama at hinintay si Ytang, nag-text kasi 'to at sinabing ngayon na lang siya babalik dito dahil may inasikaso 'to bahay nila kagabi. Niligpit ko na nga lang ang mga gamit na ginamit ko kanina at baka maabutan pa 'to ni Ytang.
"Omoo! Frency, may blessing, isang blessing galing sa langit!" boses ni Ytang ang nagpaupo sa 'kin. Mabuti nalang din at masigla na talaga siya ngayon, hindi kagaya kahapon na medyo matamlay pa. "May tao sa sala, hulaan mo kung sino!'
Inalog niya ko nang pagkalakas-lakas, kaya natawa nalang ako sa inakto niya. Tumango na lang ako at mayamaya'y sinenyasan siyang magpahinga na muna. Mukha kasi siyang sumabak sa marathon. Hinihingal 'to at nakalimutan na 'atang huminga nang malalim para mapakalma ang sarili. Iritado lang 'tong nagkibit ng balikat nang makita na 'di ako interesado.
"Labas tayo, makikita mo siya, tara!" sigaw niya na naman at hinila ang isa kong kamay kaya puwersahan akong napatayo. "Nasa sala si Spencer!"
At doon ako natigilan. Bagaman matagal nang sinabi ni lola na mahilig pumarito ang lalaki na 'yun ay 'di pa rin ako nasasanay. Ang kinalilituhan ko nalang talaga ay kung bakit siya nandito, I mean halata naman sa itsura niya na mayaman sila, at sigurado rin akong afford nila kahit sampung piano pa, kaya bakit siya nandito? Baka ay only child lang siya. Ayst, nakakalungkot ang ganoon.
"Crush mo pa rin siya?" tanong ko sa kaniya at sinuri ang mukha nito. Tumango naman 'to bilang sagot at tumalun-talon. "'Di ka na nasasaktan, sure ka?" Naninigurado lang naman. Baka ay pinipinilit niya lang ang sarili na makalimot. Ang sakit no'n.
"Kahapon lang naman," masaya niyang sagot at uupo pagtapos ay tatayo na naman. Nakakahilo siya. Halata talagang excited na makita muli ang lalaki na 'yun. "Okay na ako ngayon, kaya nga naka-smile na 'ko, o'!"
Ngumiti ito nang todo-todo, kaya pabuntong-hininga akong napatawa. Sabay kaming lumabas sa kwarto at bumaba na sa sala, pero pagdating namin sa pwesto ng piano, wala namang tao. Hindi kaya nag-iimagine lang 'to si Ytang? Kasi sobra na siyang nasaktan kaya kung anu-ano nalang ang naiisip niya?
"Wala naman, a'?" Nagkamot ako ng ulo at sinilip pa nga ang ilalim ng sofa para mas lalong makompirma kung may tao ba talaga o wala. "Baka imagination mo lang, Ytang."
Dumaan ang lungkot sa mga mata niya, pero kita ko pa rin naman 'yung ebidensiya na nagsasabi siya ng totoo.
"O', nasaan na ang bata na 'yun?" tanong ni lola nang magkaharap kami. Kumunot saglit ang noo ko at mayamaya'y naintindihan na rin sa wakas ang nangyayari. "Umalis na? Biglaan 'ata?"
Napabaling naman ako kay Ytang. Mukha 'tong masaya kasi napag-alaman niyang 'di lang basta-basta imagination ang nakita niya kanina, na talagang nandito si Spencer. Ang problema ay umalis nga lang. Pero sa kabilang banda, gusto ko siyang marinig na mag-play, 'yung talagang pipindutin niya na ang keys, 'di 'yung titigan niya lang ang piano.
"Anyway, have you had breakfast?" pag-iiba nalang ng usapan ni lola at tiningnan niya si Ytang, at masaya silang nagtanguan. Close kasi sila. At pareho ring palabiro. "Tara, pinagluto ko kayo!"
Tumalikod na 'to at dahan-dahang naglakad patungong kusina, aalalayan pa nga sana siya ng private nurse niya nang sinenyasan lang niya ito na okay na. "Lola, delikado po ang ganoon! Ikaw lang po ang nagluto?" kaagad kong tanong, habang si Ytang naman ay napatango-tango sa sinabi ko. Hala, delikado talaga 'yun!
Okay lang sana kung may kasama siya sa pagluluto, papaano kung wala? Nakakahiya naman. Feeling ko ay kain lang ang pinunta ko rito.
"May kasama ako kanina, apo. Si Spencer."
Nagkatinginan kami ni Ytang, at napagmasdan ko na naman ang 'di masukat na paghanga sa mga mata niya. Gustong-gusto niya talaga ang lalaki. Sinsero akong napangiti at tinapik siya sa balikat, saka'y parang nandidiri lang niya 'tong inalis at binigyan ako ng sapak.
"Magaling ba siyang magluto, lola?" rinig kong tanong ni Ytang. Nagsimula nalang ako sa pagkain at nalito pa nga kung gagamit pa ba ako ng tinidor, e', 'di naman ako sanay, kaya tanging kutsara nalang ang ginamit ko. Ganoon din naman si Ytang, 'di pareha ni Isbelle na ang dami pang gulo sa buhay. "Magaling po ba siya, lola?"
"Magaling. Magaling. Napakagaling, Arianne," sabi ni lola. Natatawa kaming nagkatinginan. Batid kong alam niya nang may something 'tong si Ytang. Panay kasi ang tanong. Imposibleng walang makakahalata sa mga salita niya. "He has been helping me a lot. Bakit, Arianne, magaling ka rin bang magluto?"
"Opo!" sagot ng kaibigan ko at pumalakpak sa sobrang saya. "Ako po ang cook sa bahay namin!"
Nakakapanibago rin siya, kasi ang galang niya ngayon, madalas kasi ay parati lang 'to barumbado kagaya ni Lowelyn. Well, ayaw kasi ni lola sa mga 'di siya ginagalang, gusto niya 'yung kapag kinakausap siya ay may kasamang 'po' at 'opo'. Ganiyan talaga siguro ang matatanda.
Ang ibang mga kabataan kasi ngayo'y nakakalimutan na 'ata ang mga ganiyang salita. Kahit ako rin naman, 'di rin kasi maiwasan minsan, lalo na nga kapag kasama mo ang makukulit mong kaibigan, talagang makakalimutan mo nang maging magalang.
Matapos kumain ay nagpaalam kami ni Ytang na mamasyal muna. Siyempre ay nag-volunteer muna ako na maghugas ng plato para may maitulong naman kahit papaano -- nagtulungan din naman kami ni Ytang. Mukhang wala rin pala si mama ngayon, 'di ko kasi siya nakita.
Malapit na kami sa bahay namin nang muling nagpaalam si Ytang sa 'kin. Nag-text daw kasi ang tita niya na ipapaalaga muna ang pamangkin niya sa kaniya. Siya na lang kasi ang mapagkakatiwalaan sa bahay nila, kaya siya nalang din ang pinapaalaga sa mga bata.
"Sorry, Frency!" nagmamakaawa niyang sabi. "Hindi na kita masasamahan! Sorry talaga!" Malapit na 'ata 'tong maiyak. Ang OA naman. Hindi niya naman kailangang mag-sorry.
"Hoy, Ytang, 'wag mo na 'yang uulitin!" Sinapak ko siya sa balikat. "Hindi mo naman kasalanan na naging mabait kang pamangkin at pinsan, 'no! Sige na, okay lang ako!"
Tinaas ko pa ang kanang kamay sa ere. Ano ba 'to, 'di naman ako bata para alalahanin pa, at isa pa malapit na ako sa bahay namin. Wala naman 'atang kakain sa 'kin.
"Bukas nalang talaga!" sigaw niya pabalik at nagmamadaling tumalikod. "Babawi nalang ako!"
"Sige. Sige, bahala ka," natatawang nasabi ko. Pinagmasdan ko nalang ang likod niya na papalayo. Masipag kasi si Ytang... 'Di man halata minsan pero napaka-responsable niya. Sa bahay nila'y marami naman sila roon, pero siya lang talaga ang inaasahan. "Ang OA, wala namang kakain sa 'kin dito," muli kong naibulong.
Isang hakbang ay kaagad akong napatigil nang may maramdaman na tao sa likod. Kalmado ko 'tong nilingon at nakita ang babaeng may pink na buhok. Wala naman siyang kasamang iba hindi kagaya kanina kaya 'di na 'ko kinabahan pa. Medyo naiinis na nga lang ako. Ewan ko kung bakit pero naiirita ako sa kaniya. Marahil ay dahil sa siya lang ang lubos na nakakakilala sa 'kin.
"May nagawa ba 'ko?" inosente niyang tanong. Kunot-noo nalang akong umiling at nagkibit ng balikat. "'Wag kang ganiyan, 'di bagay sa 'yo. Dapat ay nakangiti ka lang palagi," nang-aasar niyang sabi at muling binalingan ang buhok ko, kaya muli na naman akong nakaramdam ng kaba. Bakit panay ang lapit niya sa 'kin? Bakit niya 'ko pinapakealaman? E, 'di ko nga inano ang pink niyang buhok.
Sa ikalawang pagkakataon ay muli niya na namang hinawakan ang buhok ko, basta'y 'di ko na napigilan ang sarili at naitulak ko siya, pero 'di ko naman inaasahan na sa kanal siya mahuhulog. Nanlaki na tuloy ang mga mata ko sa gulat at akma na sana siyang tutulungan nang may isang lalaki ang biglang dumating at parang galit at diskompiyado.
"Marla," sabi ng lalaki sa nagpipigil na boses at saka tinulungan si Hershly na makaahon sa kanal. Nang magkaharap kami ng babae ay mas lalong kumalaro ang napakabahong amoy. Gusto ko nang umiyak. 'Di ko naman 'yun sinasadya, siya lang kasi 'tong lapit nang lapit sa 'kin.
Nanatili na nga lang ako na nakatayo sa kanilang dalawa. Ano'ng relasyon nila sa isa't isa? Bakit nandito si Spencer?
"Sorry, 'di ko po 'yun sinasadya," mahina kong bulong habang nakayuko pa rin. Nakaka-guilty, at 'di ko 'ata kayang tingnan silang dalawa nang mata-sa-mata. Ang problema na nga lang ay 'di naman sila umiimik, kaya mas lalo akong nalilito kung galit ba sila o galit na galit na.
Makalipas naman ang ilang sandali ay naramdaman ko silang umalis na. Para naman akong napako sa kinatatayuan. Ano 'yun? Okay lang sa kanila? Galit ba sila? At bakit parang 'di na ako kilala ni Spencer? Nakalimutan niya na ba 'ko?
Pagpunta ko sa bahay namin ay tahimik naman ang paligid. Mukhang nasa trabaho pa rin sina auntie at papa. Malapit lang naman ang workplace nila rito. Kargador si papa roon sa poultry farm sa bukid, at si auntie naman ay tagapaglinis.Mabuti na nga lang talaga kasi sabay silang aalis at uuwi. May mga araw naman na wala sila rito, lalo na kapag weekends. Day-off kumbaga.Nagpahinga na nga lang muna ako ng ilang oras dahil masyado 'ata akong napagod sa nangyari kanina. Bagaman marami pa ring katanungan sa isipan ay pinili ko na lamang na kalimutan ang mga 'yun.Hinintay ko sina papa at auntie para makapagpaalam na 'ko. Roon lang ako pumunta sa kusina nang makita si papa na magluluto na. Chance ko rin kasi nasa sala pa si Auntie na nagtatanggal ng medyas at gloves."Kumusta na ang ate mo?" tanong niya. Hindi ako nagkamali. Maririnig pa rin talaga ang kalungkutan sa boses niya. Anak niya rin kasi 'yun, ka
Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang tanaw-tanaw si lola na tumatawa nang pagkalakas-lakas. Awtomatiko naman akong napatingin kina mama at ate at nakitang pareho silang walang alam.Lito rin silang nakatingin kay lola. Ilang minuto naman akong nag-isip, batid nang nagjo-joke lang si lola, ang 'di ko lang maintindihan ay kung bakit.Bakit ang saya-saya niya? Well, palagi naman siyang tumatawa, pero iba na kasi ngayon. Pakiramdam ko ay may iba pang dahilan. At kung ano man ang dahilan na 'yan ay 'di ko talaga alam."Lola, nainom niyo na po ba ang gamot niyo?" tanong ni ate kay lola habang 'di naman inaalis ang tingin sa 'kin. Talagang kuryuso siya kasi panay ang taas ng kilay niya ngayon. Si mama naman, samantala, bumalik na sa pagiging cool, pero halata namang clueless pa rin sa nangyaya
***Wala pa rin si Isbelle hanggang ngayon. Gusto ko na tuloy tawagin ang pangalan niya at sabihin na i-enroll niya na 'ko. Kahit kasi nasaloob na ako mismo ng sasakyan ay pakiramdam ko ay nasa labas pa rin ako. Nakaka-awkward ang lugar na 'to.Masyadong high-class. Kahit saan ka tumigin ay wala kang makikitang naka-tsinelas. Lahat sila ay nakasuot ng heels o sapatos. 'Yung about naman sa grupo kanina na kaharap ko, ayun at nasa malayo na. Thank, God talaga at hindi ako nakita ni Spencer!'Di ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Marahil ay talagang kakaiba siya sa paningin ko kanina habang kasama niya 'yung mga tao na 'yun. Feeling ko hindi siya 'yung Spencer na nakilala ko. Feeling ko iba siya kanina.Doon lang ako napaayos ng upo nang bumukas ang pinto ng sasakyan. Sinenyasan ako ni Isbelle na lumabas na, pero may '
"Hindi naman ako naligaw," mahina kong sagot sabay titig sa drink na nasa harapan ko. "Ikaw rin naman, puwede ka ring maligaw rito."Napatitig siya sa 'kin ng ilang minuto, at muli na naman akong nagbaba ng tingin. Sana naman ay tumupad ng usapan si Isbelle. Sana ay balikan niya ako rito. Kahit na galit siya sa 'kin ay 'di niya naman 'ata hahayaang umuwi ako nang mag-isa,'di ba?Kahit papaano ay nangako siya, kaya sana naman ay tuparin niya.Napatingin ako sa lalaki na nasa harap ko at nakita ang muli niyang pagbaling sa libro na nakalapag. Tuloy ay 'di ko maiwasang 'di isipin na ako ang dahilan kaya naudlot ang pagbabasa niya kanina. "Nagrereview ka? Ituloy mo na 'yan," imik ko at tuluyan na ngang ginalaw ang drink. Namalayan ko naman siyang nag-oorder na rin."Nagrereview? Sin
***Isang tango lang ang sinukli niya at tinalikuran na 'ko. Kahit na hindi ko naman siya kaharap ay nakikita ko naman ang reflection niya sa salamin ng makeup kit ko. Kahit na medyo nadidistract sa presinsiya niya ay nagpatuloy pa rin ako sa ginagawa.Pagkaraa'y natigilan ako sa sariling kinauupuan nang marinig na siyang tumugtog. Nilingon ko siya sandali at nang makita na naka-focus 'to sa pagpapiano ay napariin ang hawak ko sa isang eyeliner. Sa pagkakatanda ko, ito ang pinakaunang pagkakataon na narinig ko siyang mag-play ng piano. At inaamin kong nakakamangha siya."Siguro ay magaling ang mentor niya kaya ganiyan," sabi ko, medyo naging bulong na, natatakot na marinig niya ang sinabi ko kahit na malabo namang mangyari 'yun kasi ilang metro ang layo namin sa isa't isa. "Para siyang classic pianist. Parang wala na akong hihilingin pa kundi marinig siya
"Buong angkan?" nalilito kong naitanong at napahawak sa sariling baba. "Kasya ba silang lahat dito? I mean, malawak naman ang lugar, pero isang clan talaga?" Masyado naman 'tong komplikado. I am sure maraming Rejez sa mundo, lalo na mula sa ibang bansa."Yung mga close relative lang naman," sagot ni Ytang, naglilibot-libot 'to ng tingin sa paligid, tuloy ay nadamay na rin ako. Kaya ay napansin ko kung gaano ka-engrande ang lugar. May mga purple-colored pots na naka-hang sa bawat daan. Kahit 'di pa gabi ay nagsasayawan na rin ang mga disco light. Hindi pa siya klaro, pero mamaya ay siguradong mas lalo na 'tong mahaha-highlight.Hinayaan nalang namin si Ytang na pumili ng table tutal ay mukhang matagal niya na 'tong pinag-isipan."Papaano si Hershly?" tanong ni Lowelyn. Napatingin kaming lah
Nang dahil sa tinanong niya ay kaagad akong nagbaba ng tingin at saka tinitigan nalang ang makapal na libro na nakaipit sa kili-kili niya. Ilang minuto akong tahimik -- natahimik -- at ganoon din naman siya.'Di nga lang ako sure kung ano ang nasa isipan niya ngayon. Siguro ay may alam na siya na pumunta lang kami rito para makikain. Si Lowelyn kasi... Bigla-bigla nalang yumaya na umuwi, porque nalaman niya lang na may dalawang kapatid na lalaki si Hershly ay natakot na. At isa pa, hindi naman 'ata namin binubully si Hershly, 'no. Ang babae lang na 'yun ang unang nagmamaldita."Ano'ng ginagawa mo rito?" basag ni Spencer sa katahimikan, at automatic akong napahakbang paatras habang tinitingala siya. Salamat naman at hindi niya napansin ang defense mechanism kung 'yon. Wala naman talaga siyang ginagawa. Nakatayo lang 'to, pero nakangisi nga lang."Galing ako sa loob," nahihiya kong sagot habang tinuturo 'yung pinanggalingan namin, at saka nilingon niya rin 'to. "M
Napako ang paningin ko sa lalaki, habang siya nama'y walang kibo lang na tumingin sa 'kin. Pagkaraa'y nakita ko si Hershly na nasa likod ng lalaki. Napansin din kaagad 'to ng lalaki, at nakita ko nga 'tong nilalapitan si Hershly gamit ang malalaking hakbang.Napatakip nalang ako sa sariling bibig nang muling naalala ang reyalidad... Nasa likuran ko pa si ate. Ibig sabihin ay panibagong pagsubok pa ang dapat kong malagpasan."What are you doing here?"dinig kong tanong ng lalaki na nakabunggo ko kanina, si Hershly ang kaharap niya kaya obvious na ang babae rin ang kinakausap niya. Balak ko pa sanang tumakbo, pero pinili ko nalang na dahan-dahan na maglakad para marinig pa ang pag-uusapan nila. Bahala na kung mahuli ako ni Isbelle."I already told you about this, Vaughn," sabi naman ni Hershly. Maririnig sa boses nito ang galit at pagtatampo. Sa sandali naman na 'to ay nakikita ko ang sarili kay Hershly. "Why are you here anyway? Did dad tell you to follow me here?
Hindi pa nga ako nakakakurap nang maayos noong biglang sumali sa eksena ang pakealamera kong ate. Ang mas kinaiinisan ko sa lahat ay 'yung ngiti sa labi niya na para bang gusto niya talaga akong inisin. Pilit mang ipagsawalang bahala ang nakakairita niyang mukha ay wala akong ibang nagawa kundi ang tumahimik na lamang."You're here, Spencer," ang paunang sabi ni ate, sa 'kin pa rin nakatingin at wala sa bisita. "My sister has been waiting for you. I am thankful you come here. Hahaha."Mas lalo kong pinikit ang mga mata ko. Sa tingin ko ay mas maganda kung kami lang dalawa ni Spencer ang magkausap, kasi kahit papaano ay nakakahinga pa ako. Hindi tulad ng ganito na kahit saan ako bumaling ay kinakapos pa rin ako ng hininga.Shems, walang ibang dapat na sisihin dito kundi si Ytang. Kung hindi niya ako pinagtripan kanina, 'di sana mangyayari sa 'kin 'to.Napasandal na lang ako sa back
Hours after that encounter, I beckoned him to just leave since he had a lot of things to do. S'yempre, ang tigas-tigas pa ng ulo nang una, pero 'di nagtagal ay napapayag ko rin siya. 'Yun nga lang, I needed to be ready for he was coming soon again. Sabi niya sa ayaw at sa gusto ko ay babalik siya.Bilang isang tao na nasa kapangyarihan ng lagnat, panay lang ang tango ko sa kaniya. Kaya 'di na 'ko nakapagsalita ng kung anong palusot.Gayunpaman, 'di ko rin naman maitanggi na nagustuhan ko ang mga pangako niya sa 'king aalagaan niya ako. Sa tingin ko ay wala na akong lagnat. Parang ang init sa katawan ko ay pambihirang naglaho na parang bula.Hindi rin pala ako matiis ni Isbelle. Kasi kahit na nasa Pilipinas sana siya ngayon kasama ang mga kaibigan niya, ay pinili niya pa ring bumalik."'Bat 'di mo sinabi sa 'kin na may lagnat ka pala ngayon?" istrikta niyang tanong sa 'kin.&n
If my pillows could talk, I was sure they would voice out their rants about me hugging them so tightly. Kung nakakagalaw lang talaga sila, marahil ay kanina pa nila ako sinapak.Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili. Papaano na 'to ngayon? Ano na ba ang dapat kong gawin? Should I force myself to act like I was totally fine? Or should I rest as what Ytang kept reminding me.Pero kasi... Ang hirap-hirap ng ganito, 'yung tipong para akong nakalutang sa malamig na sabaw. 'Yung pakiramdam na gusto mong gumalaw pero ayaw ng katawan mo. Ganoon—ganoon ang eksakto kong nararamdaman ngayon.I palmed my face using my free hand, my mind overthinking again. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Was he waiting again? Was he mad? Shems, the latter gave me undescribable feelings.Hindi na rin kataka-taka pa na kung hindi ko siya masisipot ay magagalit siya sa 'kin. I promised to be there, not t
Muntikan pa akong mapaubo, mayamaya. Nang maramdaman na babaling na siya sa 'kin ay kaagad akong nag-iwas ng tingin. Lumunok ako nang sunod-sunod, paulit-ulit na kinukuwestyon ang sarili kung 'bat ako pumayag na makasama siya sa ganito kasikip na lugar."Frency," he called me in a breathy tone. Sa ginagawa niyang pagtatawag sa pangalan ko, bumabalik na naman ang pagkairita ko sa kaniya. Kitang-kita ko na nag-eenjoy siya sa sariling ginagawa. "Good day.""Magandang araw," pagsasagot ko sa wikang tagalog. Napatingala siya at tumawa nang malakas. Nanghihina kong binalik ang phone ko sa lalagyan nito. Makalipas ang ilang minuto ay may naisip akong kay ganda. Ramdam na ramdam ko ang pagkislap ng mga mata ko sa saya at pagkasabik."I have a favor," bulong ko sa lalaki at pinaglaruan ang sariling dila sa sarili kong bibig. Wala na akong pake kung magmukha man akong ewan sa harapan niya o ano. "I need your help, Spencer."
Today was another day to be conquered. Si Ytang ay kasalukuyan pang natutulog sa guest room, siguro ay masyadong napagod kaka-advise sa 'kin kagabi. Kung anu-anong suggestions na ang binigay niya sa 'kin, pero dahil nga sa wala akong maisip na matino ay 'di ko rin makuha-kuha ang gusto niyang ipahiwatig.I never expected I would meet someone today. Kagabi, I texted someone. I texted Richard and beckoned him to come here for us to have a proper conversation. Alam kong ako dapat ang umalis at pumunta sa kaniya since ako ang may kailangan, pero natatakot ako.I was afraid to go outside of this house. Palala na nang palala ang threats na binigay ng maraming addict fans sa 'kin, kaya ni pagtingin lang sa gate namin ay nagsisitaasan na ang mga balahibo ko.I was facing Richard right now. As what as I expected, he looked simple yet refreshing. Siya lang 'ata ang modelo na 'di masyadong palaayos sa katawan. Madalas kasi sa
Rough days had passed, and rumors related to me had increased more than I could imagine. Kagaya na lamang ng inaasahan, marami ang nagalit sa kin nang todo, at mostly ay fans nina Liam at Brooks.I really found that two immature and uneducated. Kung makaakto ay tila ba para silang mga bata. Well, what was I expecting for? Their massive fandoms spoiled them to the core, causing them to become arrogant.My photoshoots also ended roughly and uneasy. Some of my sponsors felt totally disappointed—some even backouted and some told me that they would just find someone who was more deserving to represent their product. Hindi naman ako naapektuhan ng grabe sa kanila, pero sa mga nababasa ko online, 'yun 'yung talagang nagpapadepress sa 'kin.Isbelle always confiscated my phone for me not to open my accounts, but just as stubborn as I was, I always found a way to connect with internet. Kaya ang ending, walang araw na 'di ako
"Seriously? Last week, si LiamLast day, si Brooks, 'tapos ngayon si Richard na naman? Seriously?" tawang-tawa si Isbelle habang nakaturo ang mga daliri niya sa noo ko. Sumimangot ako at nagpagulong-gulong sa kama.Kakagising ko pa nga lang tapos 'eto lang ang bubungad sa 'kin? Pagod na ang buo kong katawan at isipan sa kaganapang nangyari sa 'kin noong mga nagdaang linggo. To be featured in different magazines pressured me to the core. 'Tapos ang mas nakakairita pa, iba-iba ang mga lalaking na-fefeature sa 'kin."So, sino mas type mo sa tatlo?" nakangising tanong ni Isbelle. Sinampal niya ang pwet ko, kaya lutang na lutang akong napabangon. Muli niya akong tinanong habang may inis at tawa sa mukha. "Si Liam? Si Richard? O baka none of the above? Baka 'yung ka-date mo the last month?"Humalakhak siya, nag-echo ang boses niya sa bawat sulok ng silid ko. Ako na tuloy ang napapangiwi sa itsura niya. Parang sa sobrang
Kaagad kong inilingan ang sarili.'Bat ganito ako... karupok? Ilang buwan ko siyang tiniis. I had been suppressing my feelings for him, but what was gotten into me to feel like this just because of the unhappy smile he was giving to me? Ilang buwan akong nagtiis. Ilang buwan akong 'di nagsalita.Ilang buwan ko siyang hindi inimikan, dahil 'yun lang ang nakikita kong paraan pareho kaming 'di masanay sa isa't isa, at para na rin hindi ako maging sagabal sa kaniya.Sa totoo lang, siya lang ang unang tao, unang lalaki na nagparamdam sa 'kin ng grabeng sakit. My own father once hurt me. Pero ang ginagawa ni Spencer sa 'kin ngayon? Napakasakit. He was the only man who made me question myself and compete with my own self. Nang dahil sa kaniya, parati kong tinatanong kung ano at nasaan ang mali."Na-miss kita," he plead, his eyes twinkling in impending tears. Akma na sana niyang hahawakan ang kaliwa ko
Tumunganga ako sa harap ng aming pisara, binabalewala ang mga kaklase kong kung anu-ano ang ginagawa sa buhay. Some were watching dramas on their mobile phones; Some were dancing k-pop songs; While some were just silent like me.Napaupo ako nang maayos nang isang grupo ang lumapit sa 'kin. They smiled at me, their hands holding bunches of school papers. Nginitian ko rin sila pabalik at hinila ang isang bangko para makaupo ang isa kong kagrupo sa tabi ko.I fixed the things in my table while my free hand was slowly getting my books out of my bag. Nang makuha ang librong gusto kong makuha ay hinarap ko ang mga kagrupo ko."So, since we already talked last day, Sheena, Remar, Jessica, Jason, and Frency, kayo na ang bahala sa pag-i-interview," pagpapaalala ni Richard sa 'min. Tumango lang ako at kinagat ang pang-ibabang labi. I could still not believe how fast the time came.Noon, grade 7 pa lang a