Share

Chapter 5

Author: Marilyn Torrevilas
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Totoo nga," pangungumbinsi ko sa kanila. "Umiyak pa nga. Alam mo 'yung reaksyon na para kang binagsakan ng mundo? Nakita ko 'yan sa kaniya kanina."

"Alam mo namang ang hirap paniwalaan niyan," blangkong sabi ni Lowelyn at nagkamot ng ulo. Kung sabagay, 'di ko rin naman sila masisisi. Saksi kaming lahat kung gaano kawalanghiya si Ytang, kaya ang hirap paniwalaan na umiyak siya dahil sa isang lalaki. "Saksi ka, Prens, na kahit kailan 'di natin siya nakitang umiyak kahit noong nabagsakan ang ulo niya ng timbang may tubig -- tumawa pa nga."

Napaayos ako ng tayo. Minsan lang kung mag-seryoso si Lowelyn sa isang usapan, madalas kasi'y ginagawa niyang katuwa-tuwa ang mga bagay-bagay. Marahil ay pareho lang kami ng nararamdaman, na dahil sa nakasanayan naming parating malakas si Ytang ay imposible na para sa 'min ang umiyak siya. Pero, nakita ko talaga kanina ang reaksyon ni Ytang, at big deal talaga 'yun sa 'kin.

"Umalis nalang tayo," walang kangiti-ngiting sabad ni Joyce at humakbang ng dalawang beses, nagkikibit ng balikat. "Kailangan niya ng oras para makapag-isip-isip."

"'Di ba mas maganda kung nasa tabi niya tayo?" mahinang tanong ni Lowelyn, halata ang lungkot sa boses. Walang gana niya na ngang nilagay ang phone pabalik sa bulsa niya. "Para ma-feel niyang may karamay siya."

Kung normal lang 'ata ang araw na 'to ay baka asarin ko sila sa pagiging seryoso, pero hindi, e'. Pati nga ako'y nawalan na rin ng gana na maglakad pa. Parang gusto ko nalang humiga sa kinatatayuan kong 'to at mag-isip ng paraan para mapagaan namin ang loob ni Ytang. 'Di ako expert sa ganitong bagay, pero sigurado namang kahit kaunti ay may maitutulong din ako.

"Punta nalang muna ako sa P*******t," walang gana kong sabi, hawak-hawak ang phone. "Maghahanap ako ng pictures ng mga lalaki, kasi baka mapangiti si Ytang kapag pinakita natin sa kaniya."

"Mas maganda kung puntahan na natin siya ngayon!" nagpapadyak-padyak na sigaw ni Lowelyn at akma na sanang tatalikod para tuluyang buksan ang pintuan nang hilain siya ni Joyce pabalik sa dati nitong puwesto. "Mas maganda kung may katabi siya!" malungkot niyang sabi kay Joyce.

"Let's just give her more space," ani ni Joyce, kagaya namin ay nasa mga mata rin ang lungkot. "She needs that, for being alone is the best thing to realize something. Mamaya nalang natin siya kausapin."

"Pero papaano kung hanggang mamaya, e', 'di pa rin siya okay? Ano na ang gagawin natin?" litong tanong ni Lowelyn at panay pa ang baling sa 'kin na para bang humihingi ng tulong. "What if umiiyak pa rin siya hanggang ngayon?"

"Trust me, papasalamatan niya tayo mamaya," simpleng sabi ni Joyce at akma na sanang tatalikod pero napahinto lang nang maramdaman na 'di pa rin kami umiimik ni Lowelyn. Tumingin 'to sa 'kin saka malalim na buntong-hininga. Wala akong mapili kung ano ba dapat ang gawin. May point din naman kasi si Joyce, na kailangan na may ma-realize si Ytang, at mangyayari lang 'yan kapag hahayaan namin siyang mag-isa, pero ginagambala kasi ako ni Lowelyn. Gusto ko na rin tuloy na yakapin si Ytang ngayon din.

Ganoon na nga lang ang pag-ayos ko ng tayo nang bumukas ang pinto, at bumungad sa 'min ang blangkong mukha ni Ytang, pero nang makita niya kami'y kaagad na lumiwanag ang mukha niya. Nagtatalun-talon pa nga 'to na para bang nanalo sa lotto.

"Wait, wait, wait!" kinikilig pa 'tong napasigaw. "Balak niyo kong i-house raid 'no? Hoy, Lowelyn, balak mo, 'no?"

"Ha?" garalgal na sagot ni Lowelyn, para 'tong nahuli sa isang kasalanan. "Pinagsasabi mo riyan? Mag-tooth brush ka nga, baho ng bunganga!" Nag-asaran na nga ang dalawa, at nagkatinginan nalang kami ni Joyce saka parehong napailing. Nakakalito si Ytang, ang galing niyang umakto na okay ang lahat kahit na hindi. Hayst, nakakalito.

"Tara!" sigaw ni Ytang at humakbang. May kinuha 'tong lock sa bulsa at sinarado ang pinto ng bahay. 'Di nagtagal ay nakangisi na 'tong humarap at isa-isa kaming tiningnan. Naghanap naman ako ng lungkot sa mga mata niya, pero wala naman akong nakitang kakaiba. Napabuntong-hininga nalang ako. "Gala tayo!"

"Saan?" excited na tanong ni Lowelyn at umuna pa sa paglalakad kaya napatakbo tuloy kami para maabutan siya. "Dapat nice place, a'!"

"Oo naman," kampanteng sagot ni Ytang. "Sa isang lugar na mahaba."

"Great Wall of China?" sagot ko kaagad kahit 'di pa masyadong sure. "Ang layo no'n! Napaka-imaginative mo talaga, Ytang! Sa China 'yun, e'"

"Next century pa tayo makakapunta roon--" Napatigil sa pagsasalita si Lowelyn nang may grupo ng mga babae ang humarang sa daan. Actually, malaki naman ang pwesto, may right side pa nga pero sinadya lang na banggain kami, at siyempre, kailan pa magpapatalo ang mga katabi ko?

"Hey, baby Hershly," pang-aasar ni Ytang, at nag-stretch pa ng mga braso. Kinakabahan akong napaatras, at si Joyce rin ay nalilito na rin kung ano ang unang gagawin. Kaharap na namin ang grupo ni Hershly. Bagaman apat din sila ay mas mataas sila kaysa sa 'min! Pero mukhang wala dapat akong ikatakot kasi mga aswang 'tong mga kaibigan ko.

Sa tuwing nagtatagpo ang mga landas namin, isa lang ang nangyayari -- away. Kahit kailan kasi ay ayaw talaga magpakumbaba nina Lowelyn at Ytang, at ang kabila ring grupo ay mataas din ang ihi kaya giyera na talaga.

Magandang-maganda si Hershly, lalo na ang pink niyang buhok na natural na sumasayaw kapag gumagalaw siya, ang 'di ko lang talaga gusto ay ang ugali niya. Parati kasi 'tong naghahanap ng away. Sila ang parating unang bumabangga.

"Long time no war, guys," nakangising sabi ni Hershly. Hayst, kahit ganiyan siya ay siyempre nagagandahan pa rin ako sa kaniya. Nasa kaniya na kasi ang lahat: Matangkad 'to, matalino, at talented. Hayst, nang dahil sa pagmamaldita niya'y maraming may galit sa kaniya. "Are you perhaps ready?"

"Opps!" reak ni Lowelyn kaya napatingin ako sa kaniya, mukhang may balak 'tong mapang-asar kasi palihim 'tong ngumingisi. "Nasaan ang dalawang body guards mo? Opps, bakit may eye bags diyan sa mukha mo. Opps, 'bat mas pretty kami kaysa sa inyo?"!" Bumelat pa 'to at kumembot-kembot.

Dahil sa ginawa niya'y mas lalong nainis ang kabilang grupo.

"Frency, tabi ka lang diyan-" nakangiting ani ni Ytang sa 'kin, pero kaagad lang natigilan nang may humablot sa buhok niya. Napasigaw tuloy ako sa sobrang gulat. Gusto kong tumulong, pero alam ko namang wala lang patutunguhan kung makikisali pa 'ko sa kanila.

"Hindi pa rin nagbabago," bulong ni Joyce at umupo sa bakanteng bato sa tabi ko lang. "Kailan kaya sila magma-mature, 'no?"

"Baka next day," kibit-balikat kong tugon, patuloy pa rin ang panlalaki ng mata sa nakikita. Gustong-gusto ko na talagang tumayo at umawat, kasi nakakahiya na lalo na ngayong pinagtitinginan na kaming lahat. "Awatin na natin sila?" alok ko sa kaniya, at tumango naman siya.

Nalilito akong nagkamot ng ulo nang mapansin na wala na 'ata akong ibang maitutulong kundi tingnan na lamang sila. Sina Ytang at Lowelyn kasi ay mukhang tigre na. Ganoon na nga lang ang pagtakip ko sa mga mata ko nang makitang sumuntok si Ytang. 'Di ko na talaga napigilan kaya umawat na 'ko sa gitna.

"Frency!" rinig ko pang tawag ni Joyce. 'Di ko na siya malingon pa dahil pinagigitnaan na talaga 'ko nilang lahat -- 'di na 'ko makagalaw pa.

"Ytang!" tawag ko sa pangalan niya para mapigilan 'to, at napabuntong-hininga na naman nang 'di na 'to nakatugon dahil busy 'to sa pakikipag-away. Kay Lowelyn na naman ako lumingon. "Hoy, Lowelyn, tama na 'yan!"

Napaaray na lamang ako nang may humablot sa buhok ko, una'y natawa pa 'ko kasi akala ko si Joyce ang gumawa no'n, pero nang makita ang isang babae na ka-grupo ni Hershly ay napangiwi ako sa gulat. Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak lang naman nang napakahigpit sa buhok ko para makawala sa kaniya, pero parang ako talaga ang target niya.

"Ang sama mo, a'!" Biglang dumating si Joyce kaya kaagad akong nakawala roon sa babae. Natatawa akong napatakip sa bibig nang ma-realize na nasali tuloy si Joyce sa away dahil sa 'kin. "Sa dinami-rami ng tatargetin mo, ang inosente pa talaga!" Mas lalo tuloy akong natawa sa sinabi niya. Para sa 'kin ay nagjojoke siya, pero base sa mukha niya'y seryoso pa siya sa seryoso.

"Hoy, umuulan na, magsialisan na kayo!" muli ko na namang pigil sa kanila at sinubukang pumagitna, pero paulit-ulit lang na napapaatras dahil ang babayolente talaga nila: Wala kang makikitang pinakamahina at pinakamalakas. "Ytang at Lowelyn, tama na 'yan!"

Sa tingin ko 'y mawawalan na 'ata ako ng boses. E', wala na akong ibang maisip na tulong kundi ang sumigaw lang.

"Pabayaan mo na nga lang sila." Pawisan na si Joyce nang muli 'tong tumabi sa 'kin. Lutang ko siyang binigyan ng tubig, at walang sabi-sabi niya lang 'tong tinanggap -- bad trip na. "Nakakainis lang -- alam mo na -- sila ang umuna tapos sila pa ang mas galit?"

Kusa tuloy akong napatingin sa nakaaway ni Joyce kanina, at nakita ko nga ang babaeng 'di na maitsura ang mukha. Kawawa naman, sa isip-isip ko. Para siyang literal na binagsakan ng langit at lupa. Kawawa talaga. Mas okay pa tingnan si Joyce dahil nasa ayos pa ang buhok niya, pero parang nagka-hair cancer 'ata ang babae na 'yun.

"Okay ka lang?" walang lingun-lingon niyang tanong sa 'kin. "Wait, 'wag mo muna akong sagutin at may gagawin pa pala ako." Tumayo ito at, walang kibo nalang akong napatango. Bumalik 'to sa away at tinulungan sina Ytang at Lowelyn. Nakakapanibago lang kasi minsan lang siya maging ganito, marahil ay nagalit talaga siya nang labis sa babae na 'yun kanina.

'Di nagtagal ay may isang taong umawat sa kanila, habang ako naman ay tinanaw nalang silang nag-aasaran pa rin kahit may umaawat na sa kanila. Iritadong lumapit si Ytang sa 'kin, si Lowelyn naman ay nagpapadyak-padyak na sa iritasyon.

"Ano'ng nangyari sa 'yo, Joyce?" mayamaya'y tanong ni Ytang. "Bakit ka sumali kanina? Nasaktan ka ba?"

"Malamang, nasaktan, obvious ba?" sarkastikong sagot ni Joyce. Hala, bad trip talaga silang tatlo ngayon, ayaw ko na 'atang magsalita pa at baka ako pa ang mahiritan. "Nakita kong inaway si Frency kanina, tapos ang bruha ay 'di man lang lumaban pabalik!"

Pinanlakihan nila ako ng mata na para bang isang malaking kasalanan ang nagawa ko. "Hala kayo!" reak ko kaagad. "Nagulat lang ako, at isa pa, ayaw ko siyang masaktan!" pagtatanggol ko sa sarili. Nakakaawa pa naman din ang babae na 'yun, na kahit bayolente ay nakakaawa pa rin.

"Ayaw mo siyang masaktan?" 'di makapaniwalang tanong ni Lowelyn at humalakhak. Naku, mukhang malapit na 'atang mabaliw ang isang 'to. "Dapat sinapak mo!"

"Ano'ng pangalan n'on?" iritadong tanong ni Ytang, base sa mukha mukha niya ay may plano 'tong masama. "Charot lang naman!"

Sandali lang kaming nag-usap-usap, at habang ginagawa 'yun ay inaayos na rin nila ang mga sarili kasi tiyak na mapapalayas sila 'pag umuwi silang sabog na sabog ang buhok.

Ngayon ay mag-isa ko nalang nilalakad ang daan patungo sa bahay namin. Mukhang walang tao roon kasi nasa trabaho sina papa at auntie 'pag ganitong oras.

"Frency!" pamilyar na boses ang tumawag sa 'kin. "Wait muna!"

Paglingon ko ay nakita ko si Hershly. Kinakabahan tuloy akong napaatras; nagpalinga-linga para makita kung may makakatulong ba sa 'kin sa oras na saktan ako ng babae na 'to. Mayamaya'y nginitian niya lang ako na para bang 'di kami nag-away kanina. Nilagay pa nga niya ang kulay pink na buhok sa kaliwang balikat nang magkaharap na kaming dalawa.

"Kilala mo ba 'ko?" muling tanong nito, at nalilito naman akong napatango. Mukhang 'di pa niya 'ata ako tuluyang nakikilala, sina Lowelyn at Ytang kasi ang madalas niyang nakakalaban. "I am Marla Jane, but just call me Hershly, 'yan ang third name ko."

Bigla 'ata 'tong naging mabait, pero wala naman akong nakikitang pagpapanggap sa mukha niya. Ayaw ko naman na maging rude ngayong mabait naman ang pakikitungo niya sa 'kin. Sadyang may ganito lang 'ata na tao: Minsan maldita at minsan din mabait.

"Ang ganda ng buhok mo," sabi pa niya.

Kung 'di ako nagkakamali ay nakarinig ako ng hinala at inggit sa boses niya. 'Di ko alam kung papaano 'yun nangyari. "You are a blonde, aren't you?"

Mas lalo pa niyang tinitigan ang buhok ko, habang ako naman ay muli na namang napaatras. Bakit niya..? Bakit niya nalaman? Papaano? Ilang taon ko na 'yang tinago, pero sa isang tingin niya lang sa buhok ko ay nalaman niya na... Papaano?

"Papaano mo nalaman?" sa mababang boses na tanong ko. "Iwanan mo na 'ko." Matapos kong magsalita ay akma na sana akong tatalikod, pero napabalik lang sa dating puwesto nang hilain niya ang kanan kong braso.

"Why do you keep hiding that?" may something na sa tanong nito, para na 'tong nanghihinala, na dahilan para mas lalo akong mamanhid sa kinatatayuan. "You are not a brunette because you're a blonde."

Please, 'wag ka nang magsalita pa!

Related chapters

  • Hopelessly Smitten   Chapter 6

    Mariin niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinaplos ang buhok ko. Nanghihina nalang akong napahakbang papaatras at humiling na sana ay may makakita sa 'kin, kahit si Ytang man lang o si Lowelyn."'Di ko alam kung bakit mo 'yan tinatago," sabi niya sa nagtatakang boses, habang ako naman ay nag-iwas nalang ng tingin. "Kasi maganda naman, atmarami ang humihiling na ganiyan ang buhok, pero itatago mo lang, bakit?"Salamat nalang at hindi niya na 'ko tinanong pa. Nakahinga na rin ako nang maluwag nang tumalikod na 'to at iniwan akong may kaunti pa ring kaba sa dibdib. Napahawak ako sa buhok ko. Bakit niya nalaman?'Patuloy lang ako sa pagsusuri sa sariling buhok nang mapansin ko ang dulo na nawawala na ang peke na kulay. Ito pala... Kaya pala nalaman niya. Bumuntong-hininga nalang ako at napatingala sa langit at balik na naman sa buhok. At least, siya lang ang nakapansin nito.

  • Hopelessly Smitten   Chapter 7

    Pagpunta ko sa bahay namin ay tahimik naman ang paligid. Mukhang nasa trabaho pa rin sina auntie at papa. Malapit lang naman ang workplace nila rito. Kargador si papa roon sa poultry farm sa bukid, at si auntie naman ay tagapaglinis.Mabuti na nga lang talaga kasi sabay silang aalis at uuwi. May mga araw naman na wala sila rito, lalo na kapag weekends. Day-off kumbaga.Nagpahinga na nga lang muna ako ng ilang oras dahil masyado 'ata akong napagod sa nangyari kanina. Bagaman marami pa ring katanungan sa isipan ay pinili ko na lamang na kalimutan ang mga 'yun.Hinintay ko sina papa at auntie para makapagpaalam na 'ko. Roon lang ako pumunta sa kusina nang makita si papa na magluluto na. Chance ko rin kasi nasa sala pa si Auntie na nagtatanggal ng medyas at gloves."Kumusta na ang ate mo?" tanong niya. Hindi ako nagkamali. Maririnig pa rin talaga ang kalungkutan sa boses niya. Anak niya rin kasi 'yun, ka

  • Hopelessly Smitten   Chapter 8

    Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang tanaw-tanaw si lola na tumatawa nang pagkalakas-lakas. Awtomatiko naman akong napatingin kina mama at ate at nakitang pareho silang walang alam.Lito rin silang nakatingin kay lola. Ilang minuto naman akong nag-isip, batid nang nagjo-joke lang si lola, ang 'di ko lang maintindihan ay kung bakit.Bakit ang saya-saya niya? Well, palagi naman siyang tumatawa, pero iba na kasi ngayon. Pakiramdam ko ay may iba pang dahilan. At kung ano man ang dahilan na 'yan ay 'di ko talaga alam."Lola, nainom niyo na po ba ang gamot niyo?" tanong ni ate kay lola habang 'di naman inaalis ang tingin sa 'kin. Talagang kuryuso siya kasi panay ang taas ng kilay niya ngayon. Si mama naman, samantala, bumalik na sa pagiging cool, pero halata namang clueless pa rin sa nangyaya

  • Hopelessly Smitten   Chapter 9

    ***Wala pa rin si Isbelle hanggang ngayon. Gusto ko na tuloy tawagin ang pangalan niya at sabihin na i-enroll niya na 'ko. Kahit kasi nasaloob na ako mismo ng sasakyan ay pakiramdam ko ay nasa labas pa rin ako. Nakaka-awkward ang lugar na 'to.Masyadong high-class. Kahit saan ka tumigin ay wala kang makikitang naka-tsinelas. Lahat sila ay nakasuot ng heels o sapatos. 'Yung about naman sa grupo kanina na kaharap ko, ayun at nasa malayo na. Thank, God talaga at hindi ako nakita ni Spencer!'Di ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Marahil ay talagang kakaiba siya sa paningin ko kanina habang kasama niya 'yung mga tao na 'yun. Feeling ko hindi siya 'yung Spencer na nakilala ko. Feeling ko iba siya kanina.Doon lang ako napaayos ng upo nang bumukas ang pinto ng sasakyan. Sinenyasan ako ni Isbelle na lumabas na, pero may '

  • Hopelessly Smitten   Chapter 10

    "Hindi naman ako naligaw," mahina kong sagot sabay titig sa drink na nasa harapan ko. "Ikaw rin naman, puwede ka ring maligaw rito."Napatitig siya sa 'kin ng ilang minuto, at muli na naman akong nagbaba ng tingin. Sana naman ay tumupad ng usapan si Isbelle. Sana ay balikan niya ako rito. Kahit na galit siya sa 'kin ay 'di niya naman 'ata hahayaang umuwi ako nang mag-isa,'di ba?Kahit papaano ay nangako siya, kaya sana naman ay tuparin niya.Napatingin ako sa lalaki na nasa harap ko at nakita ang muli niyang pagbaling sa libro na nakalapag. Tuloy ay 'di ko maiwasang 'di isipin na ako ang dahilan kaya naudlot ang pagbabasa niya kanina. "Nagrereview ka? Ituloy mo na 'yan," imik ko at tuluyan na ngang ginalaw ang drink. Namalayan ko naman siyang nag-oorder na rin."Nagrereview? Sin

  • Hopelessly Smitten   Chapter 11

    ***Isang tango lang ang sinukli niya at tinalikuran na 'ko. Kahit na hindi ko naman siya kaharap ay nakikita ko naman ang reflection niya sa salamin ng makeup kit ko. Kahit na medyo nadidistract sa presinsiya niya ay nagpatuloy pa rin ako sa ginagawa.Pagkaraa'y natigilan ako sa sariling kinauupuan nang marinig na siyang tumugtog. Nilingon ko siya sandali at nang makita na naka-focus 'to sa pagpapiano ay napariin ang hawak ko sa isang eyeliner. Sa pagkakatanda ko, ito ang pinakaunang pagkakataon na narinig ko siyang mag-play ng piano. At inaamin kong nakakamangha siya."Siguro ay magaling ang mentor niya kaya ganiyan," sabi ko, medyo naging bulong na, natatakot na marinig niya ang sinabi ko kahit na malabo namang mangyari 'yun kasi ilang metro ang layo namin sa isa't isa. "Para siyang classic pianist. Parang wala na akong hihilingin pa kundi marinig siya

  • Hopelessly Smitten   Chapter 12

    "Buong angkan?" nalilito kong naitanong at napahawak sa sariling baba. "Kasya ba silang lahat dito? I mean, malawak naman ang lugar, pero isang clan talaga?" Masyado naman 'tong komplikado. I am sure maraming Rejez sa mundo, lalo na mula sa ibang bansa."Yung mga close relative lang naman," sagot ni Ytang, naglilibot-libot 'to ng tingin sa paligid, tuloy ay nadamay na rin ako. Kaya ay napansin ko kung gaano ka-engrande ang lugar. May mga purple-colored pots na naka-hang sa bawat daan. Kahit 'di pa gabi ay nagsasayawan na rin ang mga disco light. Hindi pa siya klaro, pero mamaya ay siguradong mas lalo na 'tong mahaha-highlight.Hinayaan nalang namin si Ytang na pumili ng table tutal ay mukhang matagal niya na 'tong pinag-isipan."Papaano si Hershly?" tanong ni Lowelyn. Napatingin kaming lah

  • Hopelessly Smitten   Chapter 13

    Nang dahil sa tinanong niya ay kaagad akong nagbaba ng tingin at saka tinitigan nalang ang makapal na libro na nakaipit sa kili-kili niya. Ilang minuto akong tahimik -- natahimik -- at ganoon din naman siya.'Di nga lang ako sure kung ano ang nasa isipan niya ngayon. Siguro ay may alam na siya na pumunta lang kami rito para makikain. Si Lowelyn kasi... Bigla-bigla nalang yumaya na umuwi, porque nalaman niya lang na may dalawang kapatid na lalaki si Hershly ay natakot na. At isa pa, hindi naman 'ata namin binubully si Hershly, 'no. Ang babae lang na 'yun ang unang nagmamaldita."Ano'ng ginagawa mo rito?" basag ni Spencer sa katahimikan, at automatic akong napahakbang paatras habang tinitingala siya. Salamat naman at hindi niya napansin ang defense mechanism kung 'yon. Wala naman talaga siyang ginagawa. Nakatayo lang 'to, pero nakangisi nga lang."Galing ako sa loob," nahihiya kong sagot habang tinuturo 'yung pinanggalingan namin, at saka nilingon niya rin 'to. "M

Latest chapter

  • Hopelessly Smitten   Chapter 50

    Hindi pa nga ako nakakakurap nang maayos noong biglang sumali sa eksena ang pakealamera kong ate. Ang mas kinaiinisan ko sa lahat ay 'yung ngiti sa labi niya na para bang gusto niya talaga akong inisin. Pilit mang ipagsawalang bahala ang nakakairita niyang mukha ay wala akong ibang nagawa kundi ang tumahimik na lamang."You're here, Spencer," ang paunang sabi ni ate, sa 'kin pa rin nakatingin at wala sa bisita. "My sister has been waiting for you. I am thankful you come here. Hahaha."Mas lalo kong pinikit ang mga mata ko. Sa tingin ko ay mas maganda kung kami lang dalawa ni Spencer ang magkausap, kasi kahit papaano ay nakakahinga pa ako. Hindi tulad ng ganito na kahit saan ako bumaling ay kinakapos pa rin ako ng hininga.Shems, walang ibang dapat na sisihin dito kundi si Ytang. Kung hindi niya ako pinagtripan kanina, 'di sana mangyayari sa 'kin 'to.Napasandal na lang ako sa back

  • Hopelessly Smitten   Chapter 49

    Hours after that encounter, I beckoned him to just leave since he had a lot of things to do. S'yempre, ang tigas-tigas pa ng ulo nang una, pero 'di nagtagal ay napapayag ko rin siya. 'Yun nga lang, I needed to be ready for he was coming soon again. Sabi niya sa ayaw at sa gusto ko ay babalik siya.Bilang isang tao na nasa kapangyarihan ng lagnat, panay lang ang tango ko sa kaniya. Kaya 'di na 'ko nakapagsalita ng kung anong palusot.Gayunpaman, 'di ko rin naman maitanggi na nagustuhan ko ang mga pangako niya sa 'king aalagaan niya ako. Sa tingin ko ay wala na akong lagnat. Parang ang init sa katawan ko ay pambihirang naglaho na parang bula.Hindi rin pala ako matiis ni Isbelle. Kasi kahit na nasa Pilipinas sana siya ngayon kasama ang mga kaibigan niya, ay pinili niya pa ring bumalik."'Bat 'di mo sinabi sa 'kin na may lagnat ka pala ngayon?" istrikta niyang tanong sa 'kin.&n

  • Hopelessly Smitten   Chapter 47

    If my pillows could talk, I was sure they would voice out their rants about me hugging them so tightly. Kung nakakagalaw lang talaga sila, marahil ay kanina pa nila ako sinapak.Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili. Papaano na 'to ngayon? Ano na ba ang dapat kong gawin? Should I force myself to act like I was totally fine? Or should I rest as what Ytang kept reminding me.Pero kasi... Ang hirap-hirap ng ganito, 'yung tipong para akong nakalutang sa malamig na sabaw. 'Yung pakiramdam na gusto mong gumalaw pero ayaw ng katawan mo. Ganoon—ganoon ang eksakto kong nararamdaman ngayon.I palmed my face using my free hand, my mind overthinking again. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Was he waiting again? Was he mad? Shems, the latter gave me undescribable feelings.Hindi na rin kataka-taka pa na kung hindi ko siya masisipot ay magagalit siya sa 'kin. I promised to be there, not t

  • Hopelessly Smitten   Chapter 46

    Muntikan pa akong mapaubo, mayamaya. Nang maramdaman na babaling na siya sa 'kin ay kaagad akong nag-iwas ng tingin. Lumunok ako nang sunod-sunod, paulit-ulit na kinukuwestyon ang sarili kung 'bat ako pumayag na makasama siya sa ganito kasikip na lugar."Frency," he called me in a breathy tone. Sa ginagawa niyang pagtatawag sa pangalan ko, bumabalik na naman ang pagkairita ko sa kaniya. Kitang-kita ko na nag-eenjoy siya sa sariling ginagawa. "Good day.""Magandang araw," pagsasagot ko sa wikang tagalog. Napatingala siya at tumawa nang malakas. Nanghihina kong binalik ang phone ko sa lalagyan nito. Makalipas ang ilang minuto ay may naisip akong kay ganda. Ramdam na ramdam ko ang pagkislap ng mga mata ko sa saya at pagkasabik."I have a favor," bulong ko sa lalaki at pinaglaruan ang sariling dila sa sarili kong bibig. Wala na akong pake kung magmukha man akong ewan sa harapan niya o ano. "I need your help, Spencer."

  • Hopelessly Smitten   Chapter 45

    Today was another day to be conquered. Si Ytang ay kasalukuyan pang natutulog sa guest room, siguro ay masyadong napagod kaka-advise sa 'kin kagabi. Kung anu-anong suggestions na ang binigay niya sa 'kin, pero dahil nga sa wala akong maisip na matino ay 'di ko rin makuha-kuha ang gusto niyang ipahiwatig.I never expected I would meet someone today. Kagabi, I texted someone. I texted Richard and beckoned him to come here for us to have a proper conversation. Alam kong ako dapat ang umalis at pumunta sa kaniya since ako ang may kailangan, pero natatakot ako.I was afraid to go outside of this house. Palala na nang palala ang threats na binigay ng maraming addict fans sa 'kin, kaya ni pagtingin lang sa gate namin ay nagsisitaasan na ang mga balahibo ko.I was facing Richard right now. As what as I expected, he looked simple yet refreshing. Siya lang 'ata ang modelo na 'di masyadong palaayos sa katawan. Madalas kasi sa

  • Hopelessly Smitten   Chapter 44

    Rough days had passed, and rumors related to me had increased more than I could imagine. Kagaya na lamang ng inaasahan, marami ang nagalit sa kin nang todo, at mostly ay fans nina Liam at Brooks.I really found that two immature and uneducated. Kung makaakto ay tila ba para silang mga bata. Well, what was I expecting for? Their massive fandoms spoiled them to the core, causing them to become arrogant.My photoshoots also ended roughly and uneasy. Some of my sponsors felt totally disappointed—some even backouted and some told me that they would just find someone who was more deserving to represent their product. Hindi naman ako naapektuhan ng grabe sa kanila, pero sa mga nababasa ko online, 'yun 'yung talagang nagpapadepress sa 'kin.Isbelle always confiscated my phone for me not to open my accounts, but just as stubborn as I was, I always found a way to connect with internet. Kaya ang ending, walang araw na 'di ako

  • Hopelessly Smitten   Chapter 43

    "Seriously? Last week, si LiamLast day, si Brooks, 'tapos ngayon si Richard na naman? Seriously?" tawang-tawa si Isbelle habang nakaturo ang mga daliri niya sa noo ko. Sumimangot ako at nagpagulong-gulong sa kama.Kakagising ko pa nga lang tapos 'eto lang ang bubungad sa 'kin? Pagod na ang buo kong katawan at isipan sa kaganapang nangyari sa 'kin noong mga nagdaang linggo. To be featured in different magazines pressured me to the core. 'Tapos ang mas nakakairita pa, iba-iba ang mga lalaking na-fefeature sa 'kin."So, sino mas type mo sa tatlo?" nakangising tanong ni Isbelle. Sinampal niya ang pwet ko, kaya lutang na lutang akong napabangon. Muli niya akong tinanong habang may inis at tawa sa mukha. "Si Liam? Si Richard? O baka none of the above? Baka 'yung ka-date mo the last month?"Humalakhak siya, nag-echo ang boses niya sa bawat sulok ng silid ko. Ako na tuloy ang napapangiwi sa itsura niya. Parang sa sobrang

  • Hopelessly Smitten   Chapter 42

    Kaagad kong inilingan ang sarili.'Bat ganito ako... karupok? Ilang buwan ko siyang tiniis. I had been suppressing my feelings for him, but what was gotten into me to feel like this just because of the unhappy smile he was giving to me? Ilang buwan akong nagtiis. Ilang buwan akong 'di nagsalita.Ilang buwan ko siyang hindi inimikan, dahil 'yun lang ang nakikita kong paraan pareho kaming 'di masanay sa isa't isa, at para na rin hindi ako maging sagabal sa kaniya.Sa totoo lang, siya lang ang unang tao, unang lalaki na nagparamdam sa 'kin ng grabeng sakit. My own father once hurt me. Pero ang ginagawa ni Spencer sa 'kin ngayon? Napakasakit. He was the only man who made me question myself and compete with my own self. Nang dahil sa kaniya, parati kong tinatanong kung ano at nasaan ang mali."Na-miss kita," he plead, his eyes twinkling in impending tears. Akma na sana niyang hahawakan ang kaliwa ko

  • Hopelessly Smitten   Chapter 41

    Tumunganga ako sa harap ng aming pisara, binabalewala ang mga kaklase kong kung anu-ano ang ginagawa sa buhay. Some were watching dramas on their mobile phones; Some were dancing k-pop songs; While some were just silent like me.Napaupo ako nang maayos nang isang grupo ang lumapit sa 'kin. They smiled at me, their hands holding bunches of school papers. Nginitian ko rin sila pabalik at hinila ang isang bangko para makaupo ang isa kong kagrupo sa tabi ko.I fixed the things in my table while my free hand was slowly getting my books out of my bag. Nang makuha ang librong gusto kong makuha ay hinarap ko ang mga kagrupo ko."So, since we already talked last day, Sheena, Remar, Jessica, Jason, and Frency, kayo na ang bahala sa pag-i-interview," pagpapaalala ni Richard sa 'min. Tumango lang ako at kinagat ang pang-ibabang labi. I could still not believe how fast the time came.Noon, grade 7 pa lang a

DMCA.com Protection Status