Home / YA/TEEN / Hopelessly Smitten / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Hopelessly Smitten: Chapter 21 - Chapter 30

49 Chapters

Chapter 21

Mas lalong umawang ang mga labi ko sa huli niyang sinabi. Natuklasan ko ang mahina niyang pagbuga ng hininga, samantalang mas lalo akong 'di naging komportable. Basta ay namalayan ko na lang ang sarili na nakikipag-agree na tapusin na ang tawag. Siyempre ay sinabi ko na muna sa kaniya na okay naman ang tuta. Tumango lang siya kanina matapos kong sabihin na pinaarawan ko ang tuta. Nang lumbas ako ng room, pinagpapawisan na 'ko saka habul-habol pa ang sariling hininga. Kung tutuusin ay 'di naman kami nag-away ng lalaki na 'yun kanina, pero ang bigat-bigat ng dibdib ko. 'Yung tipong 'pag naiisip ko ang pangalan niya, nasasaktan ako. Tuluyan na akong lumabas sa sala. Saglit akong napatigil nang makita ko si Isbelle na naglalaptop habang nakaupo sa couch. Inangatan niya lang ako ng tingin at balik na naman sa screen ng laptop. 'Di na rin ako nagsalita pa kasi obvious na busy siya
Read more

Chapter 22

Pinilit ko na lang ang sarili na kumalma. Sa isip-isip ko, walang masamang nangyari. Sa isip-isip ko, okay lang ang lahat. Masyado 'ata akong na-stress nitong mga nagdaang araw kaya ganito na ako mag-isip ngayon. Sa isip-isip ko, si Spencer 'yun, at hindi basta-basta nasasaktan ang mga kagaya niya. Lutang akong bumalik sa sala, dala-dala pa rin ang cellphone na hanggang ngayon ay nakabukas pa rin ang screen. Nakita ko si auntie na kakarating pa lang. Pinokus ko na lang ang atensyon sa kaniya. Pinasa niya naman sa 'kin ang dala niyang puppy kasi raw may aasikasuhin muna siya.  Sa tingin ko naman, hindi magandang idea na nakakayakap ko ang tuta, kasi mas lalo lang akong kinakabahan. Mali na 'to. Siguradong busy siya ngayon. Siguradong marami lang 'tong pinagkakaabalahan kaya wala na dapat akong ikabahala pa.  Pagkaraa'y napagpasyahan ko na iwanan na lang ang tuta sa sala.
Read more

Chapter 23

Tumahimik ang lugar ng ilang sandali. Inalalayan nina Loweyn at Joyce si Ytang papaupo, habang 'di naman ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. "Hindi ko maintindihan, Ytang," sa mababang boses na sabi ni Lowelyn. "Anong aksidente? Totoo ba 'yan? Alam mo naman ang panahon ngayon... Nagkalat ang mga fake news galing sa mga tsismosa." "Nakita ko sa isang page." Napahilamos ng mukha si Ytang. Hindi naman ako makatingin sa kaniya, kasi alam ko na kapag makikita ko ang mukha niya, mas lalo akong masasaktan. "Two million ang likes ng page na 'yun, malabong fake news lang 'yun. 'Yan din ang sabi ng kasambahay ng Pamilya Rejez." Napakagat na lang ako sa sariling labi para mapigilan ang sarili na 'di makabuga ng kung anumang ingay. Nakita ko naman sina Lowelyn at Joyce na nilalabas na ang phone, para siguro i-confirm ang sinasabi ni Ytang. Pumasok na sa isip ko na baka prank lang 'to ni Ytang, pero mas nangingibab
Read more

Chapter 24

Hindi ikaw ang naaksidente? Okay? Sumagot ka po, pls. Okay. Hindi ako. I got minor injuries, tho. Tapos? Tapos? Ano pa? Anong ano pa? Nasaan ka ngayon? Nsa kwarto? Si Vaughn? Nasa puti Puti? Hospital. Nasa hospital Kuya Vaughn mo Kumusta ka na? Ako talaga? Opo. Nakangiti habang nasasaktan. Puwede ba 'yun? Gusto mo proof? Anong ibig mongsabihin? Pa-send ka ng pic? 'Wag na lang. Bkt? Full storage na phone ko. Kaagad kong ti
Read more

Chapter 25

Ilang minuto akong natulala sa ere, hanggang sa nakayanan ko na ring tingnan sina mama at papa na parehong inaabangan ang sasabihin ko. Kagat-labi akong napahikbi sa harap nilang lahat, at ramdam ko ang pagpipigil ni Isbelle para 'di ako malapitan. They were forcing me to choose, for the second time. Wala silang kaide-ideya kung papaano ako naghirap no'ng mga panahon na 'yun.They didn't have the idea how that particular date burned the whole me. Para sa kanila, parang wala lang. Ang dali-dali lang para sa kanilang saktan ako. "'Wag na kayong mag-away, please," pagmamakaawa ko. Naramdaman ko pa ang labis na panunubig ng mga mata ko. Hindi na rin malinaw ang paningin ko pero gustong-gusto ko talaga silang matingnan. "Pa, tama na. Pagod na akong pumili. Hindi na kaya ng anak niyo. Hindi ko na... Kaya." "See?" maluha-luhang lumapit si mama sa 'kin. Damang-dama ko kung gaano siya kasaya. Kakaiba r
Read more

Chapter 26

Napatango ako at mas lalo pang kinagat ang pang-ibabang labi. Nag-iwas na lang ako ng tingin at sa kabilang direksyon pinukos ang atensyon. Matapos no'n ay hindi na 'ko nakatanggap pa ng kung anumang salita sa kaniya, pero alam ko namang nasa tabi ko pa rin siya. "Suot mo," he broke the groundbreaking silence between us. Mayamaya pa'y napatayo ako nang hinimas niya nang marahan ang ulo ko. Kinakabahan akong tumawa at muling umupo. Nalilito niya 'kong tinaasan ng kilay at ang mga mata ay nasa tuktok pa rin ng ulo ko. "Ito?" I whispered. Tinuro ko ang ribbon na suot-suot ko. Feeling ko ay bagay sa 'kin ang ribbon na 'to. Aside kasi sa attractive ang color nito, which is red, may maliliit ding porcelain na nakapalibot sa bawat side nito. Halatang mamahalin talaga. "Salamat pala rito. Ano... Nakalimutan kong magpasalamat sa 'yo noong una mo 'tong binigay sa 'kin. " "You're welcome," he answered silently. Nakatitig pa rin siy
Read more

Chapter 27

"Kill me, guys!" muling tili ni Ytang. Napalingon naman ako sa kaniya, para na naman makita ang maluha-luha niyang mata dahil sa saya.Sandali akong natigilan at nalunod sa malalim na pag-iisip. We were both happy for different reason. She was so happy, though I couldn't smile back at her anymore.Siguro... Dala lang 'to ng pagod ko ngayon. Kasi hindi naman ako ganito rati, 'pag nakikita ko siyang masaya, nagiging masaya rin ako. Hindi 'yung ganito na para bang... Ayaw ko na siyang makitang masaya pa."Simula ngayon, hindi ko na kayo aawayin!" Ytang announced again, her eyes expressing how glad she was. "Kinikilig ako sa move niya! Iba ang galawan!"Narinig ko ang malakas na tawa ni Lowelyn kaya napatingin ako sa kaniyaKagaya ko, nakamasid din siya kay Ytang. Pero hindi kagaya ko, ang saya-saya niya ngayon habang nakatingin kay Ytang."Feelingerang palaka!" Lowelyn teased Ytang, and
Read more

Chapter 28

Kaagad akong nagbaba ng tingin para mas lalo pang makita ang pagtulo ng mga luha ko patungo sa lupa. Nang mag-angat ng tingin, hindi na klaro sa 'kin ang lahat. Ang mga luha sa mata ko ang naging dahilan para piliin kong tumalikod na lang. Sa 'di kalayuan, nakita ko si Ytang. Joyce and Lowelyn were comforting her. I also needed the comfort too, but it seemed like nobody noticed my unsaid voice. Gusto ko sanang tawagin sina Lowelyn at Joyce kasi... nasaktan din naman ako. Pero alam kong mas kailangan ni Ytang ng mga yakap ngayon. Sa aming dalawa, siya siguro ang mas nasasaktan kasi hinayaan ng Diyos na sa kaniya lumapit sina Lowelyn at Joyce. At isa pa, hindi nila alam ang totoo kong nararamdaman. They never saw my sad tears. They never heard me bursting out my pain. After all, I had chosen to hide my pain. After all, someone was more deserving to receive such comforts. At ako, siguro ay kaya ko naman damhin nang mag-isa
Read more

Chapter 29

"Kailangan ko nang umalis," sabi niya sa nagso-sorrry na boses. Tinanguan ko na lang siya kasi 'di niya naman kailangang mangamba. At isa pa, gusto ko na rin namang magpaalam, naunahan niya lang talaga ako. Tuluyan na siyang tumalikod. Alam ko nang sa lugar na 'to, e', medyo malakas ang net, kaya ay in-on ko ang data ko at nag-send ng messages kina Ytang, Lowelyn at Joyce. Free naman sila ngayon kaya hinintay ko na lang sila. Umupo ako saglit. Hanggang ngayon, nagi-guilty pa rin ako sa pinagsasabi ko kagabi. They deserve an explanation from me.  Minutes had passed, and I could finally notice them walking towards me. Hindi ko pa nga lang nakikita si Joyce kasi nga talagang malayo ang bahay nila. Gustong-gusto ko na talaga silang yakapin ngayon lalo na si Ytang. I felt like I committed a crime. Ytang didn't deserve to receive hurtful words from me. Joyce was right, Ytang needed the comfort. But instead of cheering her
Read more

Chapter 30

I immediately grabbed Ytang's arms and take her out of the crowd. Her forehead clenched even more when I was saying nothing. Habang ako, hindi pa rin kumakalma ang dibdib ko. Damang-dama ko ang bigat sa sariling puso. Mixed emotions kept engulfing my insides.  Naaawa ako sa kaibigan ko. Kung nakita niya si Spencer kanina na kasama na naman 'yung babae na nakita namin kagabi, tiyak kong malulungkot na naman siya. I didn't know but I preferred to hide that scene. 'Yung eksena na nagpapasakit ng puso ko—such kind of an eyesore.  "Saan na tayo nito ngayon?" natatawang tanong ni Ytang, her voice so cheerful. Indeed, she didn't saw that eyesore. "Punta tayo sa Complex! Malapit lang doon ang University kung saan nag-aaral si Spencer." I started to hate hearing his name. Though, I knew, Spencer was clueless— he didn't know that he was hurting me. Pero 'di ko lang mapigilan. Maybe... Parang sanay na rin nama
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status