Home / YA/TEEN / Hopelessly Smitten / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Hopelessly Smitten: Chapter 11 - Chapter 20

49 Chapters

Chapter 11

*** Isang tango lang ang sinukli niya at tinalikuran na 'ko. Kahit na hindi ko naman siya kaharap ay nakikita ko naman ang reflection niya sa salamin ng makeup kit ko. Kahit na medyo nadidistract sa presinsiya niya ay nagpatuloy pa rin ako sa ginagawa.Pagkaraa'y natigilan ako sa sariling kinauupuan nang marinig na siyang tumugtog. Nilingon ko siya sandali at nang makita na naka-focus 'to sa pagpapiano ay napariin ang hawak ko sa isang eyeliner. Sa pagkakatanda ko, ito ang pinakaunang pagkakataon na narinig ko siyang mag-play ng piano. At inaamin kong nakakamangha siya."Siguro ay magaling ang mentor niya kaya ganiyan," sabi ko, medyo naging bulong na, natatakot na marinig niya ang sinabi ko kahit na malabo namang mangyari 'yun kasi ilang metro ang layo namin sa isa't isa. "Para siyang classic pianist. Parang wala na akong hihilingin pa kundi marinig siya
Read more

Chapter 12

  "Buong angkan?" nalilito kong naitanong at napahawak sa sariling baba. "Kasya ba silang lahat dito? I mean, malawak naman ang lugar, pero isang clan talaga?" Masyado naman 'tong komplikado. I am sure maraming Rejez sa mundo, lalo na mula sa ibang bansa."Yung mga close relative lang naman," sagot ni Ytang, naglilibot-libot 'to ng tingin sa paligid, tuloy ay nadamay na rin ako. Kaya ay napansin ko kung gaano ka-engrande ang lugar. May mga purple-colored pots na naka-hang sa bawat daan. Kahit 'di pa gabi ay nagsasayawan na rin ang mga disco light. Hindi pa siya klaro, pero mamaya ay siguradong mas lalo na 'tong mahaha-highlight.Hinayaan nalang namin si Ytang na pumili ng table tutal ay mukhang matagal niya na 'tong pinag-isipan."Papaano si Hershly?" tanong ni Lowelyn. Napatingin kaming lah
Read more

Chapter 13

Nang dahil sa tinanong niya ay kaagad akong nagbaba ng tingin at saka tinitigan nalang ang makapal na libro na nakaipit sa kili-kili niya. Ilang minuto akong tahimik -- natahimik -- at ganoon din naman siya.'Di nga lang ako sure kung ano ang nasa isipan niya ngayon. Siguro ay may alam na siya na pumunta lang kami rito para makikain. Si Lowelyn kasi... Bigla-bigla nalang yumaya na umuwi, porque nalaman niya lang na may dalawang kapatid na lalaki si Hershly ay natakot na. At isa pa, hindi naman 'ata namin binubully si Hershly, 'no. Ang babae lang na 'yun ang unang nagmamaldita."Ano'ng ginagawa mo rito?" basag ni Spencer sa katahimikan, at automatic akong napahakbang paatras habang tinitingala siya. Salamat naman at hindi niya napansin ang defense mechanism kung 'yon. Wala naman talaga siyang ginagawa. Nakatayo lang 'to, pero nakangisi nga lang."Galing ako sa loob," nahihiya kong sagot habang tinuturo 'yung pinanggalingan namin, at saka nilingon niya rin 'to. "M
Read more

Chapter 14

Napako ang paningin ko sa lalaki, habang siya nama'y walang kibo lang na tumingin sa 'kin. Pagkaraa'y nakita ko si Hershly na nasa likod ng lalaki. Napansin din kaagad 'to ng lalaki, at nakita ko nga 'tong nilalapitan si Hershly gamit ang malalaking hakbang.Napatakip nalang ako sa sariling bibig nang muling naalala ang reyalidad... Nasa likuran ko pa si ate. Ibig sabihin ay panibagong pagsubok pa ang dapat kong malagpasan."What are you doing here?"dinig kong tanong ng lalaki na nakabunggo ko kanina, si Hershly ang kaharap niya kaya obvious na ang babae rin ang kinakausap niya. Balak ko pa sanang tumakbo, pero pinili ko nalang na dahan-dahan na maglakad para marinig pa ang pag-uusapan nila. Bahala na kung mahuli ako ni Isbelle."I already told you about this, Vaughn," sabi naman ni Hershly. Maririnig sa boses nito ang galit at pagtatampo. Sa sandali naman na 'to ay nakikita ko ang sarili kay Hershly. "Why are you here anyway? Did dad tell you to follow me here?
Read more

Chapter 15

"Puwede ba kung 'wag ka nalang munang magsalita?" naiiyak kong pakiusap sa kaniya. Akma na sana niyang hahawakan ang buhok ko nang siya rin naman ang mismong pumigil sa sarili para magawa 'yun. Naiwan sa ere ang kamay niya, habang ako nama'y binalik na ang tingin sa harapan, pinaglalaruan ang sariling mga paa. Kahit na medyo kakaiba ang lalaki na nasa tabi ko ngayon.. Ayaw ko naman siyang awayin para lamang mapaalis ko siya. Muli ko nalang inalala 'yung sinabi ni papa sa 'kin kanina. Kaya ko bang sundin 'yun? Muli akong napa-facepalm, at 'sa di sinasadya ay nasulyapan ko si Spencer na walang kibong pinapanuod ang pagdaan ng mga sasakyan sa harap. Nang maramdaman ko na napansin niya na 'ko ay kaagad akong nag-iwas ng tingin at pinaglaruan ang sariling dila. "Nginingiti-ngiti mo riyan?" pansin niya naman sa 'kin at natatawang napatingala sa langit saka balik na naman ang tingin sa mukha ko. "Here." Nagbigay siya ng isang c
Read more

Chapter 16

Kaagad nalang akong napailing sa kawalan ng maisasagot. Tinaasan niya lang ako ng kilay sa naging tugon ko, habang ako nama'y mas lalong nalito. Pagkaraa'y napansin ko si papa at auntie na papalapit na. Mukhang napaaga ang pag-uwi nilang dalawa."I am off now, then," sabi ni Spencer, kaya kaagad din akong napatingin sa kaniya saka binigyan siya ng malambing na tingin. Natanguan nalang kaming dalawa, at tuluyan na ngang nakalapit sina auntie at papa.Napansin nilang dalawa si Spencer kanina, pero masaya ako kasi hindi na nila ako tinanong pa tungkol sa lalaki na 'yun."Pa, kumusta ang trabaho?" tanong ko kay papa na kasalukuyang nagpupunas ng pawis. "Pasok na po tayo." Kinuha ko ang plastic bag na dala-dala niya saka yinaya silang dalawa na pumasok na sa loob ng bahay.Pareho silang tahimik, halatang pagod na pagod na. Automatic naman akong napahakbang paatras para mabigyan sila ng tubig. Tinanggap din nama
Read more

Chapter 17

Kaya siguro medyo nag-aalinlangan ang lalaki na 'to kasi wala sa vocabulary niya ang salitang tumulong. Halata naman. Bumuntong-hininga nalang ako at sinuklay ang sariling buhok. Binitawan ko nalang din ang kamay niya kasi mukha siyang naiilang. Siguro ay magaspang ang kamay ko, makinis kasi ang kamay niya kaysa sa 'kin. Mas gusto niya siguro makahawak-kamay 'yung may malambot na kamay. Bahala na nga siya.Hindi na siya nakatutol nang ituro ko ang isang daan. Kailangan kasi naming maghiwa-hiwalay para mas madali naming makita ang nawawalang aso. Siyempre ay sinigurado namin na wala sa 'min ang malalayo, sinigurado namin na matatanaw din namin ang isa't isa. Roon na ako pumunta sa isang drum na may lamang tubig."Cutie," pagtatawag ko sa aso at nang walang marinig na tahol ng isang aso ay napanguso ako sa kapaguran at sa lungkot na rin. Samantala, alam ko namang 'di dapat ako panghinaan ng loob kasi marami naman kaming naghahanap. Sana nga
Read more

Chapter 18

Muli akong pumasok sa loob ng bahay namin matapos kong makapag-isip-isip. Walang mangyayari kung patuloy ko lang panonoorin ang pagdaan ng mga sasakyan sa harapan ko. Sa sala naman, nakaupo pa rin si auntie. Habang tanaw-tanaw naman siya, mas lalo akong nakaramdam ng lungkot. Gayunpaman, 'di ko pa rin alam kung sino ba ang dapat kong kaawaan sa pagitan nilang dalawa ni mama. "Okay ka lang?" concern niyang tanong nang masyado 'atang tumagal ang pagkakatulala ko sa harapan niya. "Ano'ng ginawa mo sa labas?" "Nagpahangin po," sagot ko sa mahinang boses, sapat na para marinig naming dalawa. Wala pa rin si papa, nasa kusina pa rin 'to. At ngayon naman... Baka ay malalim na rin ang iniisip niya dahil sa tanong ko sa kaniya kanina. Ayaw kong i-pressure si papa, kaya para makabawi sa pagiging matanong ko kanina ay tatahimik nalang muna ako at 'di na siya kukulitin. Siguro ay may tamang oras para marinig ko ang mga sagot sa tanon
Read more

Chapter 19

"Ano'ng problema, Spencer?" nag-aalala kong tanong, sumusunod sa likod niya, at siya naman ay paminsan-minsan na nililingon ako.Pero hanggang doon nalang ang ginawa niya, 'di pa rin niya 'ko pinapansin. Tumahimik nalang din ako nang mapansin na wala na talagang pag-asa. Basta ay sunod ako nang sunod sa kaniya."Ano'ng ginagawa mo?" sa wakas ay tanong niya sa 'kin, nakataas ang kanan na kilay. "'Bat ka sumusunod sa 'kin?""Akala ko kasi..." pagdadahilan ko, "akala ko gusto mo 'kong sundan kita kanina." Bumuntong-hininga ako nang napakalalim. "'Di ka kasi nagsasalita. 'Tapos sinabi mo sa 'kin na ako nalang muna ang mag-aalaga sa tuta na 'yan, 'tapos bigla mo namang binawi. Ano 'yun?" Inosente ko siyang binigyan ng alanganing ngiti."Let's destroy this personal bubble," mahina niyang tugon sa 'kin. Mas lalo akong nalito kasi wala namang connect 'yung speech ko kanina sa sagot niya ngayon. Tapos 'bat parang m
Read more

Chapter 20

Napatakip ako sa bibig ko. Parang defense mechanism ko na 'ata ang galaw na 'yun. Narinig ko ang mahina niyang halakhak na mas lalong nagpakunot sa noo ko.Automatic akong napasuklay sa sariling buhok nang ma-realize na nakikita niya ang mukha ko ngayon!Mahina na naman akong napatikhim. Sa totoo lang, 'di ko na alam kung ano'ng gagawin ko, kasi mukhang wala rin naman siyang balak na magsalita. Basta ay nakatitig lang siya sa screen kagaya ko, 'di umiimik.Nakakahiya kayang magtanong. Pakiramdam ko ay nasa danger zone ako ngayon. Mas better pa 'ata na makita ang nang-aasar niyang mukha kaysa sa ganiyan siya -- seryoso."Okay?" basag niya sa katahimikan. At inaamin kong mas lalo naman akong kinabahan. Ewan ko ba, kapag 'di siya nagsasalita, kinakabahan ako, 'tapos ganoon din naman ang effect kapag nagsasalita siya. "How's your day? Hinatid ka ba ni Vaughn nang maayos?"Bilang sagot ay
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status