HISTORIA'S POINT OF VIEW, Pagkalipas ng ilang oras ay sa wakas, nakarating din ako sa dulo ng tulay. Nakahawak pa ako sa tuhod ko dahil sa sobrang pagod. Grabe! Hindi nakuwento ni Daddy na ganito pala ang mararanasan ko bago makarating ng Schwert. Huminga ako nang malalim at tumayo nang tuwid. Isang malaking gate ang bumungad sa akin. Sa tingin ko ay dalawang poste ang taas nito. "Nakalulula at nakasusuka," saad ko sabay hilot sa sintido ko dahil sa hilo na nararamdaman ko nang tumingala ako. Hindi ko na napigilan pa ang pagbaliktad ng sikmura ko, napasuka ako sa damuhan- sa gilid ng gate. "Hija, ayos ka lang ba?" Nakaramdam ako ng haplos sa aking likuran, tila pinapakalma ako. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ang bibig ko bago hinarap ang may-ari ng boses. "Uhm! Ayos lang po ako. Maraming salamat po..." nakalimutan ko na hindi ko pa alam ang pangalan ng ginang na nasa aking harapan. "Selya, tawagin mo akong Manang Selya. Heto tubig, uminom ka," nakangiting sagot
Read more