HISTORIA’S POINT OF VIEW,
Napunta ako sa grupo nila Levi, nagpapasalamat ako at kasama ko si Persia. Umiingay na ang paligid, mayroong nag-co-complain sa napuntahan nilang grupo at mayroon din namang excited. Excited na lumapit sa akin si Persia at nagtitili. Sobrang ingay ng babaeng ‘to.
“Ahh! Magkagrupo tayo Historia! Tutulongan mo naman ako sa training ‘di ba? Hmm?” natutuwa n’yang tanong sa akin. Tumango na lang ako para hindi na humaba pa ang usapan namin about sa training.
“Great!” saad n’ya at may pagpalakpak pa.
“Listen!” Kinalampag ni sir ang lamesa para agawin ang attention namin. Tumahimik ang paligid, umupo naman si Persia sa tabi ko.
“Pakihanda ng mga coat n’yo, lalabas kayo ng Academia upang bumili ng espada. Mayroon lang kayong 30 minutes para lumabas ng Academia.” Binalingan naman ni sir ang mga trainer namin.
“Kayo ang in charge, inaasahan ko na walang magiging problema. Mauna na ako.” Tumango lang sila kay sir.
Umalis na si sir kaya nagpuntahan na kami sa grupo namin. Sinuot ko ang coat ko na dirty green ang kulay at may logo ng eskwelahan sa harap.
Binuksan na ni Levi ang portal at pumasok na s’ya sumunod si Xylem. Sunod-sunod na ring pumasok ang mga mga kasama namin. Nauna na rin sa akin si Persia. Kinalma ko ang sarili ko at pumasok na rin sa portal.
Dinala kami ng portal sa harap ng bayan. Napakapit ako ng bahagya sa braso ng katabi ko nang makaramdam ako ng hilo.
“Be careful.” Agad rin akong napabitaw nang boses ng lalaki ang nahimigan ko. Nilingon ko ito at seryoso lang itong nakatingin sa akin. Nagseryoso ako ng tingin sa kaniya at nag-bow sa harapan n’ya, humihingi ng paumanhin.
“Lets go.” Nauna na sila ni Xylem sa paglalakad kaya sumunod na lang kami. Habang naglalakad ay todo daldal sa akin si Persia, tahimik lang akong nakikinig sa kaniya kahit na wala akong naiintindihan sa mga sinasabi n’ya.
Nakarating kami sa shop na pinuntahan namin ni Howard. Pumasok kami roon at sinalubong agad kami ni Manong Pio. Tumango lang si Levi sa kaniya at halatang nagkaintindihan sila. Siguro ay alam na ni manong na may pupuntang mga estudyante rito.
Nabaling ang tingin sa akin ni manong at halata ang pagkagulat sa mga mata n’ya na nakapagtataka. Kalaunan din ay napalitan ito ng ngiti, nginitian ko rin ito bahagya. Marahil ay ngayon n’ya pa lang naalala ang hitsura ko.
Damang dama ko ang pares ng mata na seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko ito nilingon at pinagsawalang bahala na lang.
“Tara na Persia,” seryoso kong saad kay Persia at hinigit na s’ya patungo sa mga nakahelerang espada. Pansin kong nandirito na rin ang iba pa naming mga kaklase na nasa ibang grupo.
Tinulungan ko s’yang hanapin ang espada n’ya. Tila dinaanan ng bagyo ang loob ng shop dahil sa pagsubok sa mga espada, pero agad rin namang bumabalik sa ayos ang mga gamit. Ang espadang nakatalaga kay Persia ay kulay green na may pakpak ng dragon. Maganda ito at may kakaibang kapangyarihan. Nakatutuwa lang na hindi naging malala ang pinsala na natamo n’ya, hindi katulad ng sa akin na nawalan pa ng malay ayon kay Howard.
“Times up! Let's go.” Nauna nang lumabas si Levi at sumunod na rin ang mga kasama namin kaya hinigit ko na si Persia.
Nakabalik kami ng Academia ng matiwasay, kahit na nakararamdam pa rin ako ng hilo sa t’wing papasok at lalabas ng portal. Nasa classroom na kami ngayon, hinuhubad ‘yong coat namin.
“We still have 30 minutes. Proceed to the training hall 1,” seryosong saad ni Levi at umalis na nang makitang papalapit sa kaniya si Celestine.
“Tara na,” nakangiting saad ni Xylem at sumunod na rin kay Levi. Sumunod na lang kami sa kaniya. Nakarating na kami sa training hall, pumasok kami at bumungad sa amin ang mga espada na gawa sa kahoy. Seriously?!
Umupo kami sa bench na nadirito sa loob ng training hall.
“Don’t laugh, ‘kay? Kahoy ang mga ‘yan— yes, pero hindi ‘yan simpleng kahoy lang. Mag kapangyarihan ang mga espada na ‘yan, once na hawakan n’yo sila ay mag-a-activate ang kapangyarihan nila na a-absorbe nila sa katawan n’yo. It means, kapangyarihan n’yo ang dadaloy sa kanila. Pareho lang ang espadang kahoy na ‘yan sa tunay ninyong espada. Ang pinagkaiba lang ay ang kanilang mga bigat.” Maraming napasinghap sa tinuran ni Xylem. Hinawakan s’ya ni Levi sa balikat at sinenyasan na tumigil.
“Kahit hindi n’yo sabihin, alam kong may alam kayo sa paggamit ng espada dahil tinuruan kayo ng mga magulang n’yo. Now pick your swords!” sigaw ni Levi at nagposisyon.
Naging alerto ako at agad kumuha ng espada sa katabing table ng bench na kinauupuan ko. Nagposisyon din ako dahil nararamdaman ko na may balak gawin si Levi. Nakaposisyon na rin si Xylem na nasa gilid lang ni Levi. Halatang planado ang training na ‘to. Nakahelera kaming walo habang nasa harapan namin sila. Nasa dulo ako at katabi ko si Persia.
“Hindi ako handa,” kinakabahan na turan ni Persia.
Mabilis tumakbo si Levi patungo sa gitna, agad rin namang gumalaw ang mga kasama namin na nasa gitna upang salubungin s’ya. Nanlaki ang mga mata ko nang lumihis ng direksyon si Levi, patungo ito sa direksyon ko. Agad kong nilagay sa likod ang kanang paa ko at tumakbo upang salubungin s’ya. Nagtama ang mga espada namin, sobrang bilis ng mga kamay n’ya kaya wala akong nagawa kun’di salagin ang mga atake n’ya.
Tunog lang ng mga espadang kahoy at d***g ng mga kaklase ko ang maririnig sa buong training hall.
“Don't always focus on your defense, you need to consider your attack also. You need more practice, mahina ka pa,” sigaw ni Levi habang sinasalag ko ang mga atake niya.
“You don't know what I'm capable with, you don't know me.” Pakiramdam ko ay nakakainsulto ang mga sinabi niya.
“Hindi ka mananalo sa akin. In my eyes, you're just one of a weaklings I've known.” Ngumisi ito sa akin na nakapagpainit ng ulo ko.
“I don't need to impress you, jerk!” sigaw ko.
Kitang kita ko sa peripheral vision ko ang mga kasama namin na nakaupo na sa sahig, sugatan sila at hindi na makatayo. Si Persia ay lumalaban pa kay Xylem.
Nakahanap ako ng paraan para makatakbo patungo sa pwesto nila Persia. Agad kong inatake si Xylem pero alerto ito kaya naharang n’ya ang atake ko. Magkadikit ang mga espada namin at wala niisa ang gustong magpatalo. Lumilikha na ng liwanag at hangin ang mga espada namin. Sandali akong napamaang ng makita kong hindi na rin makatayo si Persia. Sumugod na si Levi patungo sa amin at tinulungan si Xylem. Ngayon dalawa na silang nasa harapan ko at pinipigilan ang espada ko. Dahan-dahan nang umuurong ang mga paa ko.
Hindi ko na nakayanan at napasigaw na ako,“ ahh!” Buong pwersa kong inangat ang espada ko at kinumpas ito pababa. Lumikha ito ng malakas na liwanag, usok at malakas na pwersa, tumalsik ako at tumama sa pader. Hilong hilo ako sa nangyari at ramdam ko pa ang pag-agos ng likido galing sa ulo ko. Humupa na ang usok at kitang kita ko na nakatayo pa rin doon sina Levi at Xylem.
‘Damn, sword monsters.’
“Historia!” Huling narinig ko bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.
XYLEM SHUN’S POINT OF VIEW, Lumikha ng malakas na pwersa ang kapangyarihan na pinalabas ni Historia. Hindi na ako magtataka kung bakit malakas s’ya. No doubt, magkapatid nga sila ni Angelo. Humupa na ang usok at nanlaki ang mga mata ko nang makita s’yang nakasandal sa pader at duguan ang ulo. Hahakbang na sana ako patungo sa kaniya ng biglang may sumigaw. “Historia!” Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at bumungad sa akin ang humahangos na si Howard. ‘Si Howard? Anong ginagawa n’ya rito?’ tanong ko sa sarili ko. Lumapit ito kay Historia at inangat ang mukha nito. Tinapik-tapik n’ya ang pisnge nito na tila ginigising. Hindi namin magagawa ang healing spell dahil limitado ang kapangyarihan na pwede naming palabasin. Sa lagay n’ya ay medyo malaki ang pinsalang natamo n’ya. Lumapit na ako pero naunang lumakad si Levi patungo sa kanila. “Don’t,” pigil ni Levi kay Howard nang makita na bubuhatin ni Howard si Historia. “Kami ang may responsibilidad sa kan’ya kaya kami na ang bahala
HISTORIA’S POINT OF VIEW,Tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase at lunch break na. Pakiramdam ko ay para lamang akong nag-aaral sa ordinaryong paaralan. Pantay ang trato nila sa dalawang mundo. Kahit gaano ka-warm ang pakiramdam ko rito sa eskwelahan na ito ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko na may nagtatagong kalaban dito.“Earth to Historia!” Napamaang ako nang biglang may sumulpot na kamay sa harap ng mukha ko.“E-Eh?” gulat kong tanong.“You’re spacing out, ang sabi ko tara na. Lunch na gurl, nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan.” Sabay haplos ni Persia sa tiyan niya.“Oh, yeah right. Tara na.” Kinuha ko na ang bag ko at sinukbit.Habang patungo kami sa Cafeteria ay nagtitinginan sa amin ang bawat estudyante na madaraanan namin. Hindi ako makapag-react dahil hindi ko alam kung ako ba o si Persia ang pinagtitinginan at pinag-uusapan nila.Siguro ay sobrang popular ni Persia rito, since kilalang kilala ang mga magulang at angkan nila na mga magagaling sa paggamit ng
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Isang linggo na ang nakalilipas simula nang inanunsyo ni Sir ang acquittance na gaganapin sa makalawa. Sobrang busy ang mga officers at teachers, minsan pa ay walang klase dahil sa paghahanda na ginagawa nila. Lahat ng estudyante ay excited, liban lang sa akin. I really hate parties and whatsoever na mga events. Nothing especial, argh. Well, kahit naman busy ang mga officers ay ‘yong iba ay may oras pa rin para mag-trained sa amin. Nandirito lang ako sa classroom, nakaupo at nakatitig sa labas ng bintana. Wala si Persia dahil kailangan siya sa clinic, inaasikaso rin nila ang formation ng mga healer in case may mangyari. Sa sobrang pagkabagot ay napagdesisyunan ko na lang na lumabas ng classroom. Walang klase ngayon kaya iilan lang ang tao sa loob, ang iba pa ay nagdala ng kani-kanilang espada para ipagmayabang. Habang naglalakad ako ay nadaraanan ko ang mga kapwa ko estudyante na gumagamit ng espada at mahika. Freedom Day nga pala namin ngayon, malayan
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Nasa loob ako ng kwarto ko at twalya lang ang suot ko sa katawan ko. Nakaupo ako sa upuan at nakaharap sa salamin ko. Ngayong gabi gaganapin ang Acquittance Party kaya nandirito sa kwarto ko ang mga naka-assigned na ayusan ako. Kaninang tanghali ay pinadala na rito sa kwarto ang gown at sandals ko. Color black ito at sobrang elegante. Magkano kaya ang ginastos nila kung lahat kami ay libre ang mga attire na susuotin? Apat ang taong kasama ko rito sa loob. Si Lori ay sa buhok ko, si Rita ay sa kuko, si Mike naman ay sa mukha ko at si Fenny ay sa gown na susuotin ko. Pinadala sila ng Head Mistress para ayusan ako. By the way, bakla si Mike at iyong tatlo ay babae. Pagkatapos nila akong asikasuhin ay nagbihis na ako ng gown ko at nagsuot ng sandals. Gusto sana nilang ipasuot sa akin ang jewelry na dala nila pero umayaw ako. Mas prepare ko ang mga jewelry ko. Sinuot ko ang silver earrings na binigay ng Lola ko, mahaba ito na malapit ng umabot sa balikat ko.
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Tumayo ako at hindi ininda ang sakit ng katawan ko dahil sa pagtalsik ko. Agad kong pinalaho ang espada ko at ika-ikang lumakad papalapit sa lalaki. “Historia! Ayos ka lang?” tanong ni Persia pagkalapit niya sa akin. “Ayos lang.” Napangiwi ako at napahawak sa balikat ko ng bigla itong kumirot. “Mukhang hindi ka ayos, umalis na tayo rito. Gagamutin ko ang mga sugat mo,” nag-aalala niyang saad. “No need Persia. Ang pakielamera ay hindi dapat inaasikaso. Hayaan mo siyang mag-suffer sa katangahan niya, mag-enjoy ka sa bago mong kwarto dear. Pasikat!” nakangisi na turan ni Haria sabay irap sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. “Kung wala ka namang magandang sasabihin, manahimik ka na lang. I don't need your opinion, so better shut up your mouth kung ayaw mong palamon ko sa iyo ang espada ko!” gigil kong banta sa kaniya. Sinamaan niya rin ako ng tingin at padabog na umalis sa
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Nakarating agad kami sa office ng Shin Dungeon at hindi ko nagustuhan ang pag-uusap namin ng Head Mistress. Paulit-ulit akong nagbuntong-hininga at kinakalma ang sarili ko. “Don’t stress yourself too much,” saad ni Howard. “Let’s start the meeting, We're having our first Expedition for this school year. Gaya ng mga nagdaang expedition ay ipatutupad pa rin natin ang mga nakasanayan na rules,” saad ni Head Mistress habang magkahawak ang dalawa niyang kamay. Kasama namin rito sa loob ang mga administrator, teachers and SSG officers. Ako lang yata ang walang katungkulan rito. Nakikinig lang ako dahil hindi ko naman alam ang pinag-uusapan nila at sa tingin ko ay wala akong maitutulong. Mahaba ang mesa rito sa loob ng office ng Shin Dungeon. Lahat ay nakaupo paikot sa mesang ito. Naglalaro sa utak ko ngayon ang ilang mga bagay. Base sa nakikita ko rito sa loob ay maayos naman ang lahat. Hindi naman sa nakikinig ako sa usapan ng iba, sadyang malalakas lang ang
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Nakabusangot ako habang nakikinig sa Professor namin. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang ngisi ni Levi kanina sa Gymnasium. That scumbag! Plano niya ba iyon? Halos matanggal na ang eyeballs ko kaiirap sa hangin. “What’s the matter Ms. Snape?” Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni Ms. Valene. “N-Nothing ma'am,” nahihiya kong saad. Niliitan niya pa ako ng mata bago bumalik sa lesson na tinuturo niya. Sinulyapan pa ako ng iba kong kaklase at sinamaan ng tingin na para bang gusto na nila akong lamunin ng buhay. Who cares? Gusto nila ay sa kanila na si Levi. Naiinggit sila dahil magiging assistant ako ni Levi. Seriously?! Inggitin ko kaya sila lalo? Huwag na pala baka mapatay na talaga nila ako ng tuluyan. Pfft. Pagkatapos ng klase sa umaga ay agad kaming dumiretso ni Persia sa Cafeteria para doon mag-lunch. Busy si Howard this past few days at lalo na ngayon na may nakapasok na outsider dito sa Acade
HISTORA’S POINT OF VIEW,“Ano ba Lev—” nanlaki ang mga ko nang dumampi ang labi ni Levi sa labi ko. Rinig ko rin ang singhap ng mga kasama namin dito sa loob.“First and last rule,” saad niya bago umalis sa harapan namin.“A-Ang... A-Ang kapal ng mukha! Pervert!” bulalas ko.“Argh! You bitch! Nilalalandi mo si Levi, may araw ka rin sa akin!” singhal ni Celestine sa akin at sinamaan ako ng tingin bago siya umalis at sumunod kay Levi.Kailan ko pa nilandi ang manyak na iyon? Argh! Magnanakaw ng halik!“Levi baby wait for me!”“Woah! I didn't see that coming,” hindi makapaniwalang saad ni Lian.“Let’s go,” saad ni Howard, kinuha niya ang bag ko at saka ako hinigit palabas.Tinawag pa kami ng iba naming kasama pero patuloy lang si Howard sa paghila sa akin.“Saglit Howard slow down,” saad ko sa kaniy
HISTORIA'S POINT OF VIEW, "What's wrong with you?" tanong niya sa akin habng sinusundan ako. "No, what's wrong with all of you?" tanong ko pabalik sa kaniya at saka siya hinarap. Kitang kita ko ang pagsusumamo sa mga mata niya pero wala na akong ibang nararamdaman kung hindi galit at sobra na akong naguguluhan sa mga nangyayari."You should listen to me, you need to listen to me. Not everyone here is your friend, you need to teach yourself not to trust someone. Lalong lao na yung transferee na yon!" frustrated niyang sagot sa akin. Napasinghap ako at sarcastic na tumawa. "Wow! Just wow! Coming from you! Coming from someone like you!" sagot ko at sinabayan pa ng pagpalakpak na tila ba natutuwa ako sa sinabi niya. Nagulat siya sa naging sagot ko at halata ang pagkalito sa hitsura niya."Historia I'm sorry I-""Stop! Shut up Levi! Hindi ko kailangan ng sorry mo or kahit na sino sa inyo. Ang gusto ko ay malaman ang nangyari sa kuya ko sa eskwelahan na ito. Anong mayroon sa inyong tatl
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Habang naglalakad kami patungo sa Cafeteria ay napapansin ko ang tingin ng mga kapwa namin estudyante sa kasama kong lalaki. Minsan pa ay nagbubulungan sila pero dinig na rinig ko naman ang mga sinasabi nila. “Bakit kasama ni Historia ang transferee na iyan? Baka may masamang binabalak iyan sa eskwelahan natin,” dinig kong bulong nang naraanan naming babae kasama ang kaibigan niya. Napaisip naman ako dahil sa narinig, kaya pala hindi familiar ang mukha niya dahil transferee lang siya. Kung ganoon, saang eskwelahan siya galing? Kaya ba pinag-uusapan siya ng mga kapwa naming estudyante? Napalingon ako sa kaniya at bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin din siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin at bahagyang namula, kanina pa siya ganiyan kung makatingin sa akin. Napamaang ako nang tumabi siya sa akin, kaya sabay na ang lakad naming dalawa. “Nagdududa ka rin ba sa akin?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya. “Hindi naman, pero nga
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa ni Levi kanina hindi na kami nakapag-usap pa nang maayos dahil tunog ang bell hudyat na simula na ang klase. Dumiretso ako sa classroom ko at gaya ng inaasahan ay mailap ang mga kaklase ko sa akin. Minsan ay nahuhuli ko ang mga tingin sa akin ni Persia pero pinagsawalang bahala ko lang iyon. Hindi pa ako handa na kausapin siya o pakinggan ang paliwanag nila. Pagkatapos ng klase namin nang umaga ay agad akong bumalik sa office ng Head Mistress, kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong malaman ang lahat dahil ayaw ko nang maging tanga. Ayaw ko na pinagmumukha akong tanga. Pagkarating ko sa harap ng pintuan ng office ng Head Mistress ay agad akong kumatok, pero nakakailang katok na ako ay wala pa ring sumasagot. Pinihit ko ang doorknob at nagtaka ako nang bumukas ito palatandaan na hindi naka-lock sa loob. Nagkibit-balikat lang ako at pumasok na sa loob kahit na alam kong wala a
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Napalingon ako sa likuran ko at kitang kita ko si Levi na hingal na hingal habang nakahawak sa mga tuhod niya. Tagaktak ang pawis niya at halatang galing siya sa pagtakbo. Pinunasan ko ang luha ko at nagtatakang nakatingin sa kaniya. Anong ginagawa niya rito? “Levi? Ano namang problema mo, Ijo?” tanong sa kaniya ni Head Mistress na animo’y may pinahihiwatig. “Please accept my apologies for disturbing your conversation, but can I take Historia with me?” seryosong tanong ni Levi na naging dahilan ng paglaki ng mga mata ko. Really?! Ang kapal naman ng pagmumukha niya para hingiin ako, I mean isama ako. Napalingon ako kay Head Mistress at napansin kong tila nakahinga siya ng maluwag pero mabilis din iyong napalitan ng takot nang may marinig kami na kung anong bagay ang nahulog mula sa kwarto na nasa loob lang ng office ng Head Mistress. “Of course, you can. Sa tingin ko ay may mga daga na rito sa office ko, mukhang kailangan ko nang ipalinis ang buong offic
LEVI’S POINT OF VIEW,Napatigil ako at napatitig sa mukha niya, tila bumagal ang buong paligid. Nakatitig lang ako sa kaniya habang nililipad ng hangin ang mahaba niyang buhok na paminsan-minsan pa ay humaharang ang ilang hibla ng buhok niya sa kaniyang mukha.She's gorgeous as fuck!Tumingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang lumipad siya patungo sa direksyon ko. Naging alerto ako at hinanda ang espada ko pero nang aamba ko na ang espada ko ay bigla siyang naglaho sa harapan ko. Napangisi ako, kahit na hindi ko siya nakikita ay nararamdaman ko kung na saan siya.Nagpalinga-linga ako sa paligid, nagkukunwari na hinahanap siya ng mga mata ko. Nang maramdaman ko na ang presensya niya na papalapit sa akin ay mabilis akong lumipad.“I’m summoning the God of Seasons— Mapulon, lend me your strength! Leaves proper sphere, release!” sigaw ko at nag
HISTORIA’S POINT OF VIEW,Napatitig ako sa mga mata niya. Ito ba ang gusto mo, Levi? Ang nakikita akong nasasaktan? Puwes ipakikita ko sa iyo kung paano ako masaktan!“Ahh!” sigaw ko at mabilis na siyang tinulak palayo sa akin at saka humarap sa Fear Black na umatake sa akin sa likuran ko.Sunod-sunod ang pagwasiwas ko sa espada ko habang sunod-sunod silang nahahati dahil sa pagtama ng espada ko sa tagiliran nila. Galit na galit ako, gusto kong ilabas ang lahat ng galit ko.Nawalan ako ng balanse dahil sa biglaang pagtalsik ko nang tamaan ako ng black magic sa balikat.“Historia!” rinig kong sigaw ni Trigger. Lumapit silang dalawa ni Warren sa akin at tinulungan akong tumayo. Hingal na hingal ako habang nakayuko at pilit na pinapatatag ang mga binti ko.Nagpupuyos ako sa galit, hindi ko na makontrol pa ang sarili ko.
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Nakatitig lang ako sa professor na nagsasalita sa harapan pero ang isipan ko ay umiikot sa ibang bagay. Nagkukunwari lamang akong nakikinig pero nasa ibang lugar ang isipan ko. Next week na ang simula ng War of Cities, nabalitaan ko na bago magsimula ang patimpalak ay makababalik na ang Head Mistress dito sa eskwelahan. Hindi na ako makapaghintay na malaman ang tinatago nilang sekreto sa akin. Siguro oras na rin para siya ang tanungin ko tungkol sa nangyari sa Kuya Angelo ko. Natigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng mga sigawan sa labas na nakapagpatigil din sa professor namin sa pagtuturo. Kahit ang mga kaklase ko ay nagtataka at napupuno na ng bulungan ang buong classroom. Napatingin ako sa pintuan at napansin na dumidilim ang buong paligid. “Uulan ba?” mahina kong tanong sa sarili ko. “Saglit lang class, titignan ko ang n
HISTORIA’S POINT OF VIEW,Simula nang araw na ginamit ko ang training ground ng walang paalam ay hindi ko na muling pinansin pa ang magkakaibigan na iyon. Simula rin nang araw na iyon ay ginugol ko na lang ang sarili ko sa pag-eensayo para sa nararating na War of Cities. Alam ko naman na kagrupo ko sila at hindi ko sila maiiwasan lagi pero habang training month pa lang ay nilalayo ko muna ang sarili ko sa kanila.Balita ko ay malapit na ring umuwi ang Head Mistress, marami pa siyang dapat ipaliwanag sa akin. Iniisip ko rin ang Kuya Angelo ko, hindi ko pa nalalaman ang tunay na nangyari sa kaniya. Patong patong na ang problema ko, pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin pa. Pero hindi ako susuko dahil nararamdaman kong malapit na ako sa katotoohanan.Biglang pumasok sa isipan ko ang narinig ko noong araw na dinala ako ni Levi sa clinic. Isa pa iyong gumugulo sa isipan ko pero ang taas ng pride ko, ayaw kong lumapit s
SHILOAH’S POINT OF VIEW,“Dapa!” sigaw ko at saka agad nagtago sa ilalim ng lamesa ng mga computer. Napatakip ako ng tainga at mahigpit na pinikit ang mga mata ko.Nakarinig kami ng malakas na pagsabog at nakaramdam ng malakas na pagyanig ng lupa na nanggaling sa loob ng training ground.Napamulat ako ng mga mata at natagpuang maayos pa rin ang buong system room. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid, nakadapa rin ang mga kasama namin dito sa loob kagaya ko. Nagpapasalamat ako na wala akong nakitang basag na salamin sa sahig, ibig sabihin ay hindi nawasak ni Historia ang buong training ground.Tumigil ang malakas na pagsabog at ang pagyanig ng lupa. Nang masigurado kong tumigil na ang pagyanig ng lupa ay tumayo na ako upang siguruhin ang nangyayari sa loob ng training ground.“A-Anong nangyari?” tanong ni Haria na nasa tabi ko na pala. Dumiret