HISTORIA’S POINT OF VIEW, Nakabusangot ako habang nakikinig sa Professor namin. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang ngisi ni Levi kanina sa Gymnasium. That scumbag! Plano niya ba iyon? Halos matanggal na ang eyeballs ko kaiirap sa hangin. “What’s the matter Ms. Snape?” Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni Ms. Valene. “N-Nothing ma'am,” nahihiya kong saad. Niliitan niya pa ako ng mata bago bumalik sa lesson na tinuturo niya. Sinulyapan pa ako ng iba kong kaklase at sinamaan ng tingin na para bang gusto na nila akong lamunin ng buhay. Who cares? Gusto nila ay sa kanila na si Levi. Naiinggit sila dahil magiging assistant ako ni Levi. Seriously?! Inggitin ko kaya sila lalo? Huwag na pala baka mapatay na talaga nila ako ng tuluyan. Pfft. Pagkatapos ng klase sa umaga ay agad kaming dumiretso ni Persia sa Cafeteria para doon mag-lunch. Busy si Howard this past few days at lalo na ngayon na may nakapasok na outsider dito sa Acade
HISTORA’S POINT OF VIEW,“Ano ba Lev—” nanlaki ang mga ko nang dumampi ang labi ni Levi sa labi ko. Rinig ko rin ang singhap ng mga kasama namin dito sa loob.“First and last rule,” saad niya bago umalis sa harapan namin.“A-Ang... A-Ang kapal ng mukha! Pervert!” bulalas ko.“Argh! You bitch! Nilalalandi mo si Levi, may araw ka rin sa akin!” singhal ni Celestine sa akin at sinamaan ako ng tingin bago siya umalis at sumunod kay Levi.Kailan ko pa nilandi ang manyak na iyon? Argh! Magnanakaw ng halik!“Levi baby wait for me!”“Woah! I didn't see that coming,” hindi makapaniwalang saad ni Lian.“Let’s go,” saad ni Howard, kinuha niya ang bag ko at saka ako hinigit palabas.Tinawag pa kami ng iba naming kasama pero patuloy lang si Howard sa paghila sa akin.“Saglit Howard slow down,” saad ko sa kaniy
HISTORIA’S POINT OF VIEW, “Alam kong lahat kayo ay excited na sa resulta ng rankings kaya hindi ko na patatagalin pa. Ang babanggitin ko ay ang mga makasasama sa Expedition sa Lunes.” Seryoso lang ang mukha ng Head Mistress habang nagsasalita sa harapan. Nandirito siya ngayon sa classroom namin. Gusto raw ng Head Master na si Head Mistress ang mag-aanunsyo ng rankings sa bawat classroom. Sunod sunuran sa asawa, eh? “I’ll start on sixth spot... Alexa Humpridge.” Tumayo at pumunta sa harapan ang isang babae na may maikling buhok at nakasalamin. Kung hindi ako nagkakamali ay siya iyong President ng klase namin. “On the fifth spot, Lerwick Fault.” Eto naman ang Vice President ng klase. “Fourth spot goes to Warren Liryson.” Tumayo naman ang lalaking pinakatahimik sa klase namin. “Third spot goes to Persia Solace.” “Second spot goes to, hmm.” Nanliit ang mga mata ng Head Mistress at lumingon sa pwesto ko. Kinabahan naman ako sa
PERSIA’S POINT OF VIEW,Pagkaalis nila Historia ay hinarap ko si Ashley na nakangisi na ngayon.“Hoy impokrita! Halatang halata ang pagiging inggitera mo. Gusto mo tayo na lang ang magsabunutan dito,” pag-aaya ko sa kaniya.“Look Howard pinagtutulungan talaga nila ako,” naiiyak na saad ni Ashley. Wow ha! Bilis magbago ng expression, best actress si impokrita.“Manahimik ka na Ms. Viadar. Halika na Persia,” hinila ako ni Kuya Howard paalis sa classroom at iniwan doon ang tatlong impokrita kasama sina Kuya Shiloah at Kuya Lian.“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko kay Kuya Howard at nagpatianod lang sa kaniya.“Sabay na lang tayo mag-lunch since tinangay ni Levi si Historia,” kalmado niyang sagot sa akin at huminto sa tapat ng Cafeteria. Hindi ako sumagot sa kaniya, ang swerte ni Historia dahil nakuha niya ang loob ni Kuya Howard.Kahit naman hindi aminin
HISTORIA’S POINT OF VIEW, “We only have two rules, play and survive. Lahat kayo ay pinapayagan na gumamit ng strategy na gusto ninyong gamitin. Kung kinakailangan ninyong pumatay ng kapwa ninyo estudyante ay gawin ninyo.” Napasinghap ako at ang mga kapwa ko freshmen dahil sa anunsyo ng Head Mistress. Ang sophomore, junior at senior ay hindi man lang nagulat sa sinabi ng Head Mistress. Anong klaseng rules iyan? tanong ko sa isipan ko. Naghalo ang ingay ng mga kasama naming estudyante, may mga nagpoprotesta at nagbabalak na bumalik na lang ngunit hinaharang sila ng mga nakapalibot na security. Naging balisa na rin ang mga kasama ko maliban kay Persia na tahimik lang. Hindi kaya ay may alam siya tungkol dito? Napailing ako sa iniisip ko, bakit naman niya malalaman ang tungkol dito kung kagaya rin namin siyang baguhan? Napakuyom ang kamao ko, magsasalita na sana ako ng muling magsalita ang Head Mistress. “
HISTORIA'S POINT OF VIEW,Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang mga malalakas na yabag patungo sa direksyon namin. Agad akong lumapit kina Persia na nakatakip na rin sa kaniyang tenga.“Trigger, wake up!” Yugyog ko kay Tigger na wala pa ring malay.“Oh ghad! Malapit na sila! C’mon Trigger wake up!” Niyuyugyog ko pa rin ito dahil sa mga yabag na palit na nang palapit, pero hindi pa rin nagkamamalay si Trigger kaya wala na akong ibang choice pa.“Damn!” sigaw niya at biglang napabangon ng bigyan ko siya nang malakas na sampal.“Wala na tayong oras, may paparating na halimaw!” sigaw ko sa harapan nito kaya agad siyang napabalikwas at tinawag ang espada niya. Tinawag na rin namin ni Persia ang mga sarili naming espada.Nanlaki ang mga mata ko ng may bumulusok na matabang sanga ng puno sa direksyon namin, agad akong umiwas upang hindi ako mahagip ng sanga.“Shit! That
XYLEM’S POINT OF VIEW,Wala na akong inaksayang oras at agad kong tinawag ang espada ko habang tumatakbo pataas sa katawan ng Giant Zemina. Nang dadapo na ang mga kamay niya sa pwesto ko ay agad akong tumalon at nagkaroon ako ng pagkakataon na maputol ang isa niya pang kamay. Sa lakas ng pwersa ng espada ko ay agad akong nahulog, mabuti na lang at nasalo ako ng isa sa mga kasamako na hawak hawak ako sa kamay.Buong pwersa niya akong hinigit at buong lakas na hinagis hanggang sa maabot ko ulunan niya.Sa wakas!Nang marating ko ang taas ng ulo niya ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Agad akong bulong, tinaas at tinutok sa ulap ang espada ko.“I’m summoning the Goddess of Wind and Rain— Anitun Tabu, lend me your strenght. Wind proper spheare, release!” May lumabas na liwanag sa espada ko.Gaya ng inaasahan ko ay agad itong tumama sa ulap at agad bumuhos ang malakas na ulan. Biglang sumigaw ng
HISTORIA’S POINT OF VIEW,Nagising ako na medyo makirot pa ang ulo. Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid at napagtanto na nasa loob ako ng isang tent. Anong ginagawa ko rito? Ang huling naalala ko lang ay nakikipaglaban kami sa mga Vixen Simba.Kahit anong pilit ko na alalahanin ay lalo lang kumikirot ang ulo ko.“Ano bang nangyari?” bulong kong tanong at saka dahan-dahang bumangon. Sapo sapo ko pa ang ulo ko habang nakapikit.Nagmulat ako ng mata at muling nilibot ng tingin ang buong tent. Malaki naman ito at kasya ang limang tao.“Don’t force yourself to remember.”“Ay puting kabayo!” Halos atakihin ako sa puso dahil may biglang nagsalita sa tabi ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.“You should drink this,” saad niya sabay abot ng dala-dala nitang tasa.Hindi ko pinansin ang inaabot niya, anong ginagawa niya rito? Sinuri
HISTORIA'S POINT OF VIEW, "What's wrong with you?" tanong niya sa akin habng sinusundan ako. "No, what's wrong with all of you?" tanong ko pabalik sa kaniya at saka siya hinarap. Kitang kita ko ang pagsusumamo sa mga mata niya pero wala na akong ibang nararamdaman kung hindi galit at sobra na akong naguguluhan sa mga nangyayari."You should listen to me, you need to listen to me. Not everyone here is your friend, you need to teach yourself not to trust someone. Lalong lao na yung transferee na yon!" frustrated niyang sagot sa akin. Napasinghap ako at sarcastic na tumawa. "Wow! Just wow! Coming from you! Coming from someone like you!" sagot ko at sinabayan pa ng pagpalakpak na tila ba natutuwa ako sa sinabi niya. Nagulat siya sa naging sagot ko at halata ang pagkalito sa hitsura niya."Historia I'm sorry I-""Stop! Shut up Levi! Hindi ko kailangan ng sorry mo or kahit na sino sa inyo. Ang gusto ko ay malaman ang nangyari sa kuya ko sa eskwelahan na ito. Anong mayroon sa inyong tatl
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Habang naglalakad kami patungo sa Cafeteria ay napapansin ko ang tingin ng mga kapwa namin estudyante sa kasama kong lalaki. Minsan pa ay nagbubulungan sila pero dinig na rinig ko naman ang mga sinasabi nila. “Bakit kasama ni Historia ang transferee na iyan? Baka may masamang binabalak iyan sa eskwelahan natin,” dinig kong bulong nang naraanan naming babae kasama ang kaibigan niya. Napaisip naman ako dahil sa narinig, kaya pala hindi familiar ang mukha niya dahil transferee lang siya. Kung ganoon, saang eskwelahan siya galing? Kaya ba pinag-uusapan siya ng mga kapwa naming estudyante? Napalingon ako sa kaniya at bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin din siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin at bahagyang namula, kanina pa siya ganiyan kung makatingin sa akin. Napamaang ako nang tumabi siya sa akin, kaya sabay na ang lakad naming dalawa. “Nagdududa ka rin ba sa akin?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya. “Hindi naman, pero nga
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa ni Levi kanina hindi na kami nakapag-usap pa nang maayos dahil tunog ang bell hudyat na simula na ang klase. Dumiretso ako sa classroom ko at gaya ng inaasahan ay mailap ang mga kaklase ko sa akin. Minsan ay nahuhuli ko ang mga tingin sa akin ni Persia pero pinagsawalang bahala ko lang iyon. Hindi pa ako handa na kausapin siya o pakinggan ang paliwanag nila. Pagkatapos ng klase namin nang umaga ay agad akong bumalik sa office ng Head Mistress, kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong malaman ang lahat dahil ayaw ko nang maging tanga. Ayaw ko na pinagmumukha akong tanga. Pagkarating ko sa harap ng pintuan ng office ng Head Mistress ay agad akong kumatok, pero nakakailang katok na ako ay wala pa ring sumasagot. Pinihit ko ang doorknob at nagtaka ako nang bumukas ito palatandaan na hindi naka-lock sa loob. Nagkibit-balikat lang ako at pumasok na sa loob kahit na alam kong wala a
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Napalingon ako sa likuran ko at kitang kita ko si Levi na hingal na hingal habang nakahawak sa mga tuhod niya. Tagaktak ang pawis niya at halatang galing siya sa pagtakbo. Pinunasan ko ang luha ko at nagtatakang nakatingin sa kaniya. Anong ginagawa niya rito? “Levi? Ano namang problema mo, Ijo?” tanong sa kaniya ni Head Mistress na animo’y may pinahihiwatig. “Please accept my apologies for disturbing your conversation, but can I take Historia with me?” seryosong tanong ni Levi na naging dahilan ng paglaki ng mga mata ko. Really?! Ang kapal naman ng pagmumukha niya para hingiin ako, I mean isama ako. Napalingon ako kay Head Mistress at napansin kong tila nakahinga siya ng maluwag pero mabilis din iyong napalitan ng takot nang may marinig kami na kung anong bagay ang nahulog mula sa kwarto na nasa loob lang ng office ng Head Mistress. “Of course, you can. Sa tingin ko ay may mga daga na rito sa office ko, mukhang kailangan ko nang ipalinis ang buong offic
LEVI’S POINT OF VIEW,Napatigil ako at napatitig sa mukha niya, tila bumagal ang buong paligid. Nakatitig lang ako sa kaniya habang nililipad ng hangin ang mahaba niyang buhok na paminsan-minsan pa ay humaharang ang ilang hibla ng buhok niya sa kaniyang mukha.She's gorgeous as fuck!Tumingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang lumipad siya patungo sa direksyon ko. Naging alerto ako at hinanda ang espada ko pero nang aamba ko na ang espada ko ay bigla siyang naglaho sa harapan ko. Napangisi ako, kahit na hindi ko siya nakikita ay nararamdaman ko kung na saan siya.Nagpalinga-linga ako sa paligid, nagkukunwari na hinahanap siya ng mga mata ko. Nang maramdaman ko na ang presensya niya na papalapit sa akin ay mabilis akong lumipad.“I’m summoning the God of Seasons— Mapulon, lend me your strength! Leaves proper sphere, release!” sigaw ko at nag
HISTORIA’S POINT OF VIEW,Napatitig ako sa mga mata niya. Ito ba ang gusto mo, Levi? Ang nakikita akong nasasaktan? Puwes ipakikita ko sa iyo kung paano ako masaktan!“Ahh!” sigaw ko at mabilis na siyang tinulak palayo sa akin at saka humarap sa Fear Black na umatake sa akin sa likuran ko.Sunod-sunod ang pagwasiwas ko sa espada ko habang sunod-sunod silang nahahati dahil sa pagtama ng espada ko sa tagiliran nila. Galit na galit ako, gusto kong ilabas ang lahat ng galit ko.Nawalan ako ng balanse dahil sa biglaang pagtalsik ko nang tamaan ako ng black magic sa balikat.“Historia!” rinig kong sigaw ni Trigger. Lumapit silang dalawa ni Warren sa akin at tinulungan akong tumayo. Hingal na hingal ako habang nakayuko at pilit na pinapatatag ang mga binti ko.Nagpupuyos ako sa galit, hindi ko na makontrol pa ang sarili ko.
HISTORIA’S POINT OF VIEW, Nakatitig lang ako sa professor na nagsasalita sa harapan pero ang isipan ko ay umiikot sa ibang bagay. Nagkukunwari lamang akong nakikinig pero nasa ibang lugar ang isipan ko. Next week na ang simula ng War of Cities, nabalitaan ko na bago magsimula ang patimpalak ay makababalik na ang Head Mistress dito sa eskwelahan. Hindi na ako makapaghintay na malaman ang tinatago nilang sekreto sa akin. Siguro oras na rin para siya ang tanungin ko tungkol sa nangyari sa Kuya Angelo ko. Natigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng mga sigawan sa labas na nakapagpatigil din sa professor namin sa pagtuturo. Kahit ang mga kaklase ko ay nagtataka at napupuno na ng bulungan ang buong classroom. Napatingin ako sa pintuan at napansin na dumidilim ang buong paligid. “Uulan ba?” mahina kong tanong sa sarili ko. “Saglit lang class, titignan ko ang n
HISTORIA’S POINT OF VIEW,Simula nang araw na ginamit ko ang training ground ng walang paalam ay hindi ko na muling pinansin pa ang magkakaibigan na iyon. Simula rin nang araw na iyon ay ginugol ko na lang ang sarili ko sa pag-eensayo para sa nararating na War of Cities. Alam ko naman na kagrupo ko sila at hindi ko sila maiiwasan lagi pero habang training month pa lang ay nilalayo ko muna ang sarili ko sa kanila.Balita ko ay malapit na ring umuwi ang Head Mistress, marami pa siyang dapat ipaliwanag sa akin. Iniisip ko rin ang Kuya Angelo ko, hindi ko pa nalalaman ang tunay na nangyari sa kaniya. Patong patong na ang problema ko, pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin pa. Pero hindi ako susuko dahil nararamdaman kong malapit na ako sa katotoohanan.Biglang pumasok sa isipan ko ang narinig ko noong araw na dinala ako ni Levi sa clinic. Isa pa iyong gumugulo sa isipan ko pero ang taas ng pride ko, ayaw kong lumapit s
SHILOAH’S POINT OF VIEW,“Dapa!” sigaw ko at saka agad nagtago sa ilalim ng lamesa ng mga computer. Napatakip ako ng tainga at mahigpit na pinikit ang mga mata ko.Nakarinig kami ng malakas na pagsabog at nakaramdam ng malakas na pagyanig ng lupa na nanggaling sa loob ng training ground.Napamulat ako ng mga mata at natagpuang maayos pa rin ang buong system room. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid, nakadapa rin ang mga kasama namin dito sa loob kagaya ko. Nagpapasalamat ako na wala akong nakitang basag na salamin sa sahig, ibig sabihin ay hindi nawasak ni Historia ang buong training ground.Tumigil ang malakas na pagsabog at ang pagyanig ng lupa. Nang masigurado kong tumigil na ang pagyanig ng lupa ay tumayo na ako upang siguruhin ang nangyayari sa loob ng training ground.“A-Anong nangyari?” tanong ni Haria na nasa tabi ko na pala. Dumiret