Share

CHAPTER 2: GUILDESTERN

Author: Plumarie02
last update Last Updated: 2021-05-12 14:39:30

HISTORIA'S POINT OF VIEW,

Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakahandusay sa damuhan. Hindi ako makatayo dahil sa hilong nararamdaman. Agad rin akong napabalikwas nang may maramdaman akong basa sa mukha ko.

"Ahh!" sigaw ko at dali-daling tumakbo papalayo sa bagay na pinanggalin ng basa sa mukha ko.

"Aray!" Napaupo ako sa lakas ng impact nang pagkabunggo ko sa isang bagay. Nakapikit ako habang hinihilot ang noo ko na mas napuruhan.

"Ayos ka lang Historia? Bakit ka sumisigaw?" nag-aalalang tanong ng isang boses- boses ni Kinaro.

Minulat ko ang aking mga mata at inaninag kung si Kinaro nga ang nasa harapan ko. Nang mapagtanto, agad akong tumayo at dinamba ito ng yakap.

"Buti dumating ka," naiiyak kong saad. Natawa ito na nakapagpakunot sa noo ko.

"Kanina pa kami nandirito. Kanina ka pa namin hinihintay." Napakalas ako ng yakap sa kaniya at napalingon sa mga pinsan namin na na sa likod niya pala kanina pa.

Napataas ang kilay ko dahil sa itsura ni Havoc, tila natatae ang mukha dahil sa pagpipigil ng tawa.

"Anong nakatatawa?" Pagtataray ko.

"Kung nakita mo 'yong itsura mo kanina? Priceless!" Humalakhak ito na parang wala ng bukas. 'Masamid ka sana.'

Ako naman ang napatawa ng malakas nang masamid siya. "Ang bilis ng karma," saad ko. Sinamaan lang ako nito ng tingin.

Napatigil ako nang mapagtanto na wala sa amin ni Havoc ang atensyon ng mga pinsan namin. Tagos ang tingin nila sa akin, nakatingin sila sa kung anong bagay sa likuran ko. Dala ng kuryusidad, tumalikod ako sa kanila tinanaw ang tinitignan nila.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na ang tinitignan nila ay ang nilalang na nagbasa ng mukha ko.

"I-Isang dragon?!" bulalas ko. Napaurong ako dahil sa titig na ibinibigay nito sa akin. Nakadirekta ang titig niya sa aking mga mata. Lalo akong napaatras nang magsimula na itong lumapit sa amin.

"A-Anong balak niya?" halata ang kaba sa tono ng pananalita ni Aliyana.

"N-Nasaan ba tayo?" kinakabahan kong tanong. Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar, isa itong malawak na lugar na puro damo lamang ang makikita. Walang puno at kung ano pa man. Kahit mga hayop wala, maliban na lang sa nilalang sa harapan namin.

Palapit ito nang palapit sa amin ngunit sa akin lamang ito nakatitig. Hindi ako makagalaw sa paraan ng pagtitig niya. Kahit gustuhin ng mga paa ko ay hindi ko sila mapasunod.

"H-Historia! Umalis ka na d'yan!" sigaw ni Ate Felicia.

"Hindi ako makagalaw!" sigaw ko pabalik. Binalak nila akong lapitan ngunit parang may bumubulong sa akin na pigilan sila.

"Huwag kayong lumapit. Baka pare-pareho tayong mapahamak!" muli kong sigaw. Kitang-kita ko ang pagkabahala sa kanilang mga mata.

Nanlaki ang mga mata ko nang paglingon ko sa aking harapan ay ilang metro na lang ang layo ng dragon sa akin.

"What is your name, my lady?" Lalong nanlaki ang mga mata ko. 'Nakakapagsalitang dragon?!' tanong ko sa sarili ko. Kinalma ko ang sarili ko kahit gulong gulo na ako.

"H-Historia," utal kong sagot.

Naisalag ko ang aking mga braso sa tapat ng aking mukha dahil nakakasilaw ang biglang pagliwanag ng dragon sa harapan ko.

Nang makabawi sa liwanag, nanlaki na naman ang mga mata ko sa aking nakita. Isang napakagwapong binata na nakasuot ng puting balabal ang ngayo'y na sa aking harapan. Unti-unti ko na ring naigalaw ang aking mga paa.

"Historia! Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Ate Felicia. Tumango naman ako. Hindi ko napansin na nakalapit na pala sila.

"Sino ka?" tanong ni Havoc sa binata.

"I'm Guildestern- the guardian of White Gate. Kanina ko pa kayo hinihintay. My pleasure to finally meet you, Historia." Nagulat ako nang halikan nito ang likod ng palad ko.

Ang White Gate ay ang portal patungong Avanguard City, ayon kay daddy.

"O-Oy! Tsansing ka sa pinsan ko," saad ni Havoc. Napairap na lang ako sa hangin.

"By the way, bantay ka ng White Gate? Then, why are you here?" tanong ni Herecie.

Kumunot ang noo ng binata na tila naguguluhan sa tanong ni Herecie. "Dahil nandirito ang White Gate," inosente nitong sagot.

Ako naman ang kumunot ang noo. "Niloloko mo ba kami?" irita kong tanong.

"Nakahithit ka ba? Walang gate rito, see? Napakalawak! Puro damo, wala namang puno o mga bato." Lumalabas ang kasungitan ni Ate Felicia.

Napabuntong-hininga ang binatang nagngangalang Guildestern.

"Na sa'kin ang portal ng White Gate." May kinuha itong bagay sa bulsa ng kaniyang balabal- isang square na kulay puti.

"White crystal- heart of the Schwert," saad ni Kinaro.

Napalingon ako sa kaniya ngunit nakapagtataka na hindi man lang nagulat ang mga pinsan namin sa sinabi ni Kinaro.

"Quit staring Historia, hindi mo ba binasa ang librong binigay ni tito?" hindi ako nakasagot sa tanong ni Kinaro. Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya.

'Bakit ba kasi hindi ko binasa? Grr.' sumbat ko sa sarili ko.

"Bubuksan ko na," saad ni Guildestern. Nagkumpas ito ng hugis bilog at lumabas ang portal.

"Maaari na kayong pumasok." Gumilid siya upang bigyan kami ng daan. Walang alinlangan na pumasok ang mga pinsan ko kaya sumunod na rin ako. Bago pa man ako makapasok ay huminto ako sa harapan ni Guildestern.

"Salamat!" sinsero kong saad. Nagulat ako nang hawakan nito ang kamay ko at may kung anong inilagay sa palad ko.

"A dragon without a master will remain free while he has not found his master. But when he finds his guardian, their hearts will be one. Accept my heart and whisper my name to summon me." Sinara nito ang palad ko at iginayak ako patungo sa portal.

Hindi na ako nakasagot pa dahil nilamon na ako ng portal. Nagpaikot-ikot ako na animo'y tinatangay ng buhawi. Pinipilit ko mang labanan ang hilo ngunit dahan-dahan na akong nilamon ng dilim.

"Aray!" sigaw ko nang bigla na lang akong nahulog sa lupa. Tumayo ako at hinilot ang pwetan ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin sa harapan ko.

Ang haba ng tulay! Para akong hihimatayin sa nakikita ko. Nakapapagod lakarin ang tulay na ito.

Nilibot ko ang aking tingin sa paligid ko, ngunit hindi ko makita ang mga pinsan ko.

Napabuntong-hininga ako.

"Mukhang kailangan kong lakarin ito ng mag-isa," saad ko sa sarili ko. Hinablot ko ang maleta ko sa gilid ko at nagsimula nang maglakad.

'Bakit ba hindi ko binasa ang libro na binigay ni Daddy? Nagmumukha tuloy akong timang.'

Related chapters

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 3: COLOSSAL GATE

    HISTORIA'S POINT OF VIEW, Pagkalipas ng ilang oras ay sa wakas, nakarating din ako sa dulo ng tulay. Nakahawak pa ako sa tuhod ko dahil sa sobrang pagod. Grabe! Hindi nakuwento ni Daddy na ganito pala ang mararanasan ko bago makarating ng Schwert. Huminga ako nang malalim at tumayo nang tuwid. Isang malaking gate ang bumungad sa akin. Sa tingin ko ay dalawang poste ang taas nito. "Nakalulula at nakasusuka," saad ko sabay hilot sa sintido ko dahil sa hilo na nararamdaman ko nang tumingala ako. Hindi ko na napigilan pa ang pagbaliktad ng sikmura ko, napasuka ako sa damuhan- sa gilid ng gate. "Hija, ayos ka lang ba?" Nakaramdam ako ng haplos sa aking likuran, tila pinapakalma ako. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ang bibig ko bago hinarap ang may-ari ng boses. "Uhm! Ayos lang po ako. Maraming salamat po..." nakalimutan ko na hindi ko pa alam ang pangalan ng ginang na nasa aking harapan. "Selya, tawagin mo akong Manang Selya. Heto tubig, uminom ka," nakangiting sagot

    Last Updated : 2021-07-06
  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 4: GARDEN OF NYMPH

    HISTORIA'S POINT OF VIEW, Manghang-mangha ako sa buong garden. Noon pa man ay hindi ako mahilig sa mga halaman ngunit nang makita ko ang lugar na 'to, pakiramdam ko ay gusto ko na rin magtayo ng sarili kong garden sa bahay namin. Masyado yata akong naaaliw sa paglilibot, hindi ko na naalala kung bakit ako nandirito. Kaso naaaliw pa ako, wala naman sigurong masama kung itutuloy ko ang paglilibot ko. Susulitin ko muna. Sa paglilibot, napadpad ako sa isang wishing fountain. Maraming barya sa tubig na nangahuhulugan na nagagamit ang fountain na 'to. Napaurong ako at nawala ang pansin ko sa pagsuri sa fountain nang may kaluskos akong narinig. 'Ano 'yon?' tanong ko sa isipan ko. Nilukob ako ng kaba nang marinig ko na naman ang kaluskos na iyon. "S-Sino 'yan? H-Huwag mo akong tinatakot. Lumabas ka!" utal kong saad. Nakaririnig ako ng maliliit na hagikgik mula sa likod ng fountain. Dahan-dahan akong naglakad papuntang likuran ng fountain pero napakunot ang noo ko nang wala akong naabut

    Last Updated : 2021-07-08
  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 5: NECKLACE

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Dala-dala ko ang uniform at ang iba pang mga gamit na kailangan ko sa eskwelahan na ito. Kasama ko na naman si Howard, patungo kami ngayon sa dormitory ng eskwelahan. Ihahatid n’ya ako patungo sa magiging bago kong tahanan dito. “Ang kwarto na mapupunta sa ’yo ay pang isang tao lang. Wala kang kasama pero tabi-tabi ang bawat kwarto kaya wala kang dapat ipag-alala. Aware ka naman siguro na hiwalay ang dorm ng lalaki sa babae.” Humarap ito sa ’kin at tinitigan ako ng seryoso. “Huwag kang basta magtitiwala sa mga estudyante na makasasalamuha mo, hindi lahat nang sa tingin mo ay mapagkatitiwalaan ay hindi ka lolokohin at lilinlangin. Tandaan mo, hindi ordinaryo ang mga tao rito. Mag-ingat ka.” Lumapit s’ya sa ’kin at nilagay sa palad ko ang isang susi. “Hanggang dito lang ako sa labas ng dormitoryo n’yo. Bawal pumasok ang mga lalaki sa dormitoryo ng babae, ganoon din kayo. Bawal kayong pumasok sa dormitoryo namin dahil iniiwasan ng eskwelahan ang mga pangyayar

    Last Updated : 2021-07-10
  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 6: CRESTRIA LIGHT'S SWORD

    HISTORIA'S POINT OF VIEW, Kinabukasan, maaga akong ginising ng isang katok sa aking pintuan. Kahit na antok na antok pa ako ay pinilit kong tumayo. Tinali ko muna ang buhok ko bago ako nagtungo sa pinto at saka ito binuksan. “Goodmorning Ms. Historia, ito po ang iba n’yo pang gamit. Galing po ang mga ’yan kay Ms. Felicia.” Bungad agad sa akin ng isang babae na parang kaedaran ko lang. Nakayuko ito sa akin at sa tingin ko ay hindi ito estudyante base na rin sa kaniyang suot. “Nanggaling ba rito ang pinsan ko?” pagkaklaro ko sa kaniya. “Paumanhin po ngunit pinadala lang po ang kahon na ito at ayon sa sulat ay ibigay raw po namin ito sa ’yo,” paliwabag n’ya. Napabuntong-hininga ako, “maraming salamat.” Kinuha ko ang kahon sa kan’ya. “Pinasasabi rin po ni Mr. Howard na pupunta s’ya rito upang samahan ka sa bayan,” saad n’ya. Tumango ako sa kan’ya. “Uhm! Maraming salamat,” sagot ko ulit sa kaniya, tumango ito at umalis na. Sinara ko ang pinto at tumungo sa kama at saka nilapag ang k

    Last Updated : 2021-07-12
  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 7: CRESTRIA’S KNIGHT

    HOWARD SMITH'S POIN OF VIEW, "Historia!" sigaw ko nang biglang humangin ng malakas kasabay ng malaking liwanag na nanggagaling sa espada. Nakasisilaw ang liwanag ngunit sandali lamang iyon at humupa rin ang liwanag at ang hangin. Hindi nasira ang tinadahan dahil tinayo ang tinadahan na ito na matibay dahil na rin sa kapangyarihan ng mga espada. Hindi rin ramdam ang kapangyarihan sa labas dahil protektado ang tindahan na ito. 'Pag mulat ko ng mga mata ko ay hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. "Hindi maaari. . ." usal ni Mang Pio na halata ang pagkagulat sa kaniyang boses. Isang dalagang nakapikit habang nakalutang ang bumungad sa aming harapan. Nakabaluti na pabestidang puti ito na may pakpak ng anghel sa likod. Mahaba ang buhok hanggang ilalim ng tuhod at may suot na puting sapatos. May nakadikit sa noo nito na tila isang kwintas. Nagliliwanag ang dalaga at nakapatong ang kaniyang mga kamay sa dulong hawakan ng espada. "H-Historia?" hindi ko makapaniwalang tanong. "C-Cres

    Last Updated : 2021-07-18
  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 8: MOONSTONE

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Kinabukasan, maaga akong gumising. Nakararamdam ako ng excitement dahil first day ko ngayon. Nandirito ako ngayon sa harap ng salamin at sinusuklayan ang buhok ko. Hinayaan ko lang ito na nakalugay at inipit ang mga hibla ng buhok ko sa tenga ko. Nagpulbo lang ako ng mukha at lip gloss sa labi. Suot-suot ko ang kwintas na binigay ni lola sa aking leeg habang ang kwintas na puso ni Gab ay ginawa kong bracelet. Suot ko na rin ang uniform ko na hanggang tuhod ang palda. Sakto lang ang haba at hindi mainit sa katawan ang tela. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay sinuot ko na ang bag ko. Nagawi pa ang tingin ko sa espada, tila tinatawag ako nito pero winaksi ko ang iniisip ko at tuluyan ng nilisan ang dorm. Nagtataka ako kung paano ko nahanap ang espada na para sa akin, wala talaga akong maalala nang araw na iyon. Naglalakad ako sa pasilyo ng Building A. Galing ako sa office ng Head Mistress, kinuha ko ang stub na may nakasulat na 'Section C-1, Bb. Laura Or

    Last Updated : 2021-07-25
  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 9: HALLUCINATING

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Maaga akong umalis ng dorm at pumasok. Nagpasalamat ako na hindi ko nakasalubong ‘yong weird na babae kahapon, pero kasabay ko naman si Howard sa paglalakad dahil sabay kaming lumabas ng dorm. Kapag inaalat ka nga naman. Hinatid n’ya pa ako sa classroom ko, buti na lang kami lang estudyante. Ayaw kong ma-issue sa kan’ya. Mag-isa pa lang ako rito sa classroom, nakasalong-baba at nakatunganga sa labas ng bintana. Nanliit ang mga mata ko nang may mahagip na bulto ng isang tao sa tapat na puno. Bukas ang bintana kaya malinaw na tao ang nakikita ko. Hindi na ako nagulat nang lumingon ito sa akin. Dama ko agad ang aura n’ya, gano’n din s’ya sa ‘kin. Ngumisi ito sa akin at sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakaramdam na lang ako ng malakas na hangin. Dumaan ito nang mabilis sa gilid ng kanang pisnge ko at nakaramdam ng hapdi roon. Tumalon ito galing sa puno patungo sa harapan ko. May apakan kasi sa labas ng bintana, para sa naglilinis ng bintana. Seryoso ko ito

    Last Updated : 2021-07-30
  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 10: SWORD MONSTERS

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Napunta ako sa grupo nila Levi, nagpapasalamat ako at kasama ko si Persia. Umiingay na ang paligid, mayroong nag-co-complain sa napuntahan nilang grupo at mayroon din namang excited. Excited na lumapit sa akin si Persia at nagtitili. Sobrang ingay ng babaeng ‘to. “Ahh! Magkagrupo tayo Historia! Tutulongan mo naman ako sa training ‘di ba? Hmm?” natutuwa n’yang tanong sa akin. Tumango na lang ako para hindi na humaba pa ang usapan namin about sa training. “Great!” saad n’ya at may pagpalakpak pa. “Listen!” Kinalampag ni sir ang lamesa para agawin ang attention namin. Tumahimik ang paligid, umupo naman si Persia sa tabi ko. “Pakihanda ng mga coat n’yo, lalabas kayo ng Academia upang bumili ng espada. Mayroon lang kayong 30 minutes para lumabas ng Academia.” Binalingan naman ni sir ang mga trainer namin. “Kayo ang in charge, inaasahan ko na walang magiging problema. Mauna na ako.” Tumango lang sila kay sir. Umalis na si sir kaya nagpuntahan na kami sa grup

    Last Updated : 2021-08-02

Latest chapter

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 63: REVEALATION

    HISTORIA'S POINT OF VIEW, "What's wrong with you?" tanong niya sa akin habng sinusundan ako. "No, what's wrong with all of you?" tanong ko pabalik sa kaniya at saka siya hinarap. Kitang kita ko ang pagsusumamo sa mga mata niya pero wala na akong ibang nararamdaman kung hindi galit at sobra na akong naguguluhan sa mga nangyayari."You should listen to me, you need to listen to me. Not everyone here is your friend, you need to teach yourself not to trust someone. Lalong lao na yung transferee na yon!" frustrated niyang sagot sa akin. Napasinghap ako at sarcastic na tumawa. "Wow! Just wow! Coming from you! Coming from someone like you!" sagot ko at sinabayan pa ng pagpalakpak na tila ba natutuwa ako sa sinabi niya. Nagulat siya sa naging sagot ko at halata ang pagkalito sa hitsura niya."Historia I'm sorry I-""Stop! Shut up Levi! Hindi ko kailangan ng sorry mo or kahit na sino sa inyo. Ang gusto ko ay malaman ang nangyari sa kuya ko sa eskwelahan na ito. Anong mayroon sa inyong tatl

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 62: TRANSFEREE

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Habang naglalakad kami patungo sa Cafeteria ay napapansin ko ang tingin ng mga kapwa namin estudyante sa kasama kong lalaki. Minsan pa ay nagbubulungan sila pero dinig na rinig ko naman ang mga sinasabi nila. “Bakit kasama ni Historia ang transferee na iyan? Baka may masamang binabalak iyan sa eskwelahan natin,” dinig kong bulong nang naraanan naming babae kasama ang kaibigan niya. Napaisip naman ako dahil sa narinig, kaya pala hindi familiar ang mukha niya dahil transferee lang siya. Kung ganoon, saang eskwelahan siya galing? Kaya ba pinag-uusapan siya ng mga kapwa naming estudyante? Napalingon ako sa kaniya at bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin din siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin at bahagyang namula, kanina pa siya ganiyan kung makatingin sa akin. Napamaang ako nang tumabi siya sa akin, kaya sabay na ang lakad naming dalawa. “Nagdududa ka rin ba sa akin?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya. “Hindi naman, pero nga

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 61: DISCOVER

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa ni Levi kanina hindi na kami nakapag-usap pa nang maayos dahil tunog ang bell hudyat na simula na ang klase. Dumiretso ako sa classroom ko at gaya ng inaasahan ay mailap ang mga kaklase ko sa akin. Minsan ay nahuhuli ko ang mga tingin sa akin ni Persia pero pinagsawalang bahala ko lang iyon. Hindi pa ako handa na kausapin siya o pakinggan ang paliwanag nila. Pagkatapos ng klase namin nang umaga ay agad akong bumalik sa office ng Head Mistress, kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong malaman ang lahat dahil ayaw ko nang maging tanga. Ayaw ko na pinagmumukha akong tanga. Pagkarating ko sa harap ng pintuan ng office ng Head Mistress ay agad akong kumatok, pero nakakailang katok na ako ay wala pa ring sumasagot. Pinihit ko ang doorknob at nagtaka ako nang bumukas ito palatandaan na hindi naka-lock sa loob. Nagkibit-balikat lang ako at pumasok na sa loob kahit na alam kong wala a

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 60: MOMENT

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Napalingon ako sa likuran ko at kitang kita ko si Levi na hingal na hingal habang nakahawak sa mga tuhod niya. Tagaktak ang pawis niya at halatang galing siya sa pagtakbo. Pinunasan ko ang luha ko at nagtatakang nakatingin sa kaniya. Anong ginagawa niya rito? “Levi? Ano namang problema mo, Ijo?” tanong sa kaniya ni Head Mistress na animo’y may pinahihiwatig. “Please accept my apologies for disturbing your conversation, but can I take Historia with me?” seryosong tanong ni Levi na naging dahilan ng paglaki ng mga mata ko. Really?! Ang kapal naman ng pagmumukha niya para hingiin ako, I mean isama ako. Napalingon ako kay Head Mistress at napansin kong tila nakahinga siya ng maluwag pero mabilis din iyong napalitan ng takot nang may marinig kami na kung anong bagay ang nahulog mula sa kwarto na nasa loob lang ng office ng Head Mistress. “Of course, you can. Sa tingin ko ay may mga daga na rito sa office ko, mukhang kailangan ko nang ipalinis ang buong offic

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 59: SHE'S DEAD

    LEVI’S POINT OF VIEW,Napatigil ako at napatitig sa mukha niya, tila bumagal ang buong paligid. Nakatitig lang ako sa kaniya habang nililipad ng hangin ang mahaba niyang buhok na paminsan-minsan pa ay humaharang ang ilang hibla ng buhok niya sa kaniyang mukha.She's gorgeous as fuck!Tumingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang lumipad siya patungo sa direksyon ko. Naging alerto ako at hinanda ang espada ko pero nang aamba ko na ang espada ko ay bigla siyang naglaho sa harapan ko. Napangisi ako, kahit na hindi ko siya nakikita ay nararamdaman ko kung na saan siya.Nagpalinga-linga ako sa paligid, nagkukunwari na hinahanap siya ng mga mata ko. Nang maramdaman ko na ang presensya niya na papalapit sa akin ay mabilis akong lumipad.“I’m summoning the God of Seasons— Mapulon, lend me your strength! Leaves proper sphere, release!” sigaw ko at nag

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 58: REVEALED

    HISTORIA’S POINT OF VIEW,Napatitig ako sa mga mata niya. Ito ba ang gusto mo, Levi? Ang nakikita akong nasasaktan? Puwes ipakikita ko sa iyo kung paano ako masaktan!“Ahh!” sigaw ko at mabilis na siyang tinulak palayo sa akin at saka humarap sa Fear Black na umatake sa akin sa likuran ko.Sunod-sunod ang pagwasiwas ko sa espada ko habang sunod-sunod silang nahahati dahil sa pagtama ng espada ko sa tagiliran nila. Galit na galit ako, gusto kong ilabas ang lahat ng galit ko.Nawalan ako ng balanse dahil sa biglaang pagtalsik ko nang tamaan ako ng black magic sa balikat.“Historia!” rinig kong sigaw ni Trigger. Lumapit silang dalawa ni Warren sa akin at tinulungan akong tumayo. Hingal na hingal ako habang nakayuko at pilit na pinapatatag ang mga binti ko.Nagpupuyos ako sa galit, hindi ko na makontrol pa ang sarili ko.

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 57: FEAR BLACK

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Nakatitig lang ako sa professor na nagsasalita sa harapan pero ang isipan ko ay umiikot sa ibang bagay. Nagkukunwari lamang akong nakikinig pero nasa ibang lugar ang isipan ko. Next week na ang simula ng War of Cities, nabalitaan ko na bago magsimula ang patimpalak ay makababalik na ang Head Mistress dito sa eskwelahan. Hindi na ako makapaghintay na malaman ang tinatago nilang sekreto sa akin. Siguro oras na rin para siya ang tanungin ko tungkol sa nangyari sa Kuya Angelo ko. Natigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng mga sigawan sa labas na nakapagpatigil din sa professor namin sa pagtuturo. Kahit ang mga kaklase ko ay nagtataka at napupuno na ng bulungan ang buong classroom. Napatingin ako sa pintuan at napansin na dumidilim ang buong paligid. “Uulan ba?” mahina kong tanong sa sarili ko. “Saglit lang class, titignan ko ang n

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 56: THEM

    HISTORIA’S POINT OF VIEW,Simula nang araw na ginamit ko ang training ground ng walang paalam ay hindi ko na muling pinansin pa ang magkakaibigan na iyon. Simula rin nang araw na iyon ay ginugol ko na lang ang sarili ko sa pag-eensayo para sa nararating na War of Cities. Alam ko naman na kagrupo ko sila at hindi ko sila maiiwasan lagi pero habang training month pa lang ay nilalayo ko muna ang sarili ko sa kanila.Balita ko ay malapit na ring umuwi ang Head Mistress, marami pa siyang dapat ipaliwanag sa akin. Iniisip ko rin ang Kuya Angelo ko, hindi ko pa nalalaman ang tunay na nangyari sa kaniya. Patong patong na ang problema ko, pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin pa. Pero hindi ako susuko dahil nararamdaman kong malapit na ako sa katotoohanan.Biglang pumasok sa isipan ko ang narinig ko noong araw na dinala ako ni Levi sa clinic. Isa pa iyong gumugulo sa isipan ko pero ang taas ng pride ko, ayaw kong lumapit s

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 55: CHANGES

    SHILOAH’S POINT OF VIEW,“Dapa!” sigaw ko at saka agad nagtago sa ilalim ng lamesa ng mga computer. Napatakip ako ng tainga at mahigpit na pinikit ang mga mata ko.Nakarinig kami ng malakas na pagsabog at nakaramdam ng malakas na pagyanig ng lupa na nanggaling sa loob ng training ground.Napamulat ako ng mga mata at natagpuang maayos pa rin ang buong system room. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid, nakadapa rin ang mga kasama namin dito sa loob kagaya ko. Nagpapasalamat ako na wala akong nakitang basag na salamin sa sahig, ibig sabihin ay hindi nawasak ni Historia ang buong training ground.Tumigil ang malakas na pagsabog at ang pagyanig ng lupa. Nang masigurado kong tumigil na ang pagyanig ng lupa ay tumayo na ako upang siguruhin ang nangyayari sa loob ng training ground.“A-Anong nangyari?” tanong ni Haria na nasa tabi ko na pala. Dumiret

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status