Share

CHAPTER 4: GARDEN OF NYMPH

Author: Plumarie02
last update Last Updated: 2021-07-08 11:46:09

HISTORIA'S POINT OF VIEW,

Manghang-mangha ako sa buong garden. Noon pa man ay hindi ako mahilig sa mga halaman ngunit nang makita ko ang lugar na 'to, pakiramdam ko ay gusto ko na rin magtayo ng sarili kong garden sa bahay namin.

Masyado yata akong naaaliw sa paglilibot, hindi ko na naalala kung bakit ako nandirito. Kaso naaaliw pa ako, wala naman sigurong masama kung itutuloy ko ang paglilibot ko. Susulitin ko muna.

Sa paglilibot, napadpad ako sa isang wishing fountain. Maraming barya sa tubig na nangahuhulugan na nagagamit ang fountain na 'to.

Napaurong ako at nawala ang pansin ko sa pagsuri sa fountain nang may kaluskos akong narinig.

'Ano 'yon?' tanong ko sa isipan ko.

Nilukob ako ng kaba nang marinig ko na naman ang kaluskos na iyon.

"S-Sino 'yan? H-Huwag mo akong tinatakot. Lumabas ka!" utal kong saad. Nakaririnig ako ng maliliit na hagikgik mula sa likod ng fountain.

Dahan-dahan akong naglakad papuntang likuran ng fountain pero napakunot ang noo ko nang wala akong naabutan na tao o hayop man lang.

Napabuntong-hininga ako, siguro nag-ha-hallucinate lang ako. Bumalik ang kaba ko nang marinig ko na naman ang maliliit na hagikgik na iyon.

"A-Ano ba! Huwag mo akong tinatakot, k-kung sino ka man. Magpakita ka!" sigaw ko.

Palapit nang palapit ang mga maliliit na hagikgik na lalong nagpakaba sa 'kin.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may maliit na nilalang ang sumulpot sa harapan ko.

"Ahh!" tili ko dahil sa takot. Nasa harapan ko ang isang maliit na nilalang na may mahahabang tenga, ilong, kuko at ngipin, malaki ang mga mata at nakatatakot ang kamay at paa. Biglang umamo ang mukha nito at tila naiiyak.

"H-Hala!" biglaang usal ko.

"Gab gusto laro, Gab ayaw takot tao. Gab hindi sadya, Gab hingi tawad." Humihikbi ito habang nilalaro ang mga daliri.

Dahan-dahan akong lumapit dito at tinangkang hawakan kahit nanginginig ang kamay ko. Dahan-dahan kong dinampi ang mga daliri ko sa bumbunan niya hanggang sa tuluyan ko nang mahawakan ang ulo n'ya. Hinamplos ko ito upang pakalmahin s'ya.

"Ikaw hindi galit Gab?" maamo nitong tanong.

Tumikhim ako bago nagsalita. "Hindi ako galit, natakot lang ako," paliwanag ko.

"Ako Gab, ikaw sino?" pakilala nito sa sarili n'ya. Nawala ang takot ko kaya binigyan ko ito ng matamis na ngiti.

"Historia," sagot ko.

Ngumiti ito at inaabot ang kaniyang hintuturo na nagpapahiwatig na idikit ko roon ang hintuturo ko. Dinikit ko ang hintuturo ko sa kaniya na mas kinatuwa n'ya.

"Gab sayo na, ikaw susundin Gab. Gab puso mo na, Gab hindi wala." Nanlaki ang mga mata ko nang lumiwanag ang daliri naming dalawa. Palaki nang palaki ang liwanag hanggang sa lamunin kami nito. Nakasisilaw kung kaya't nilagay ko ang braso ko sa tapat ng mukha ko.

Unti-unting humupa ang liwanag hanggang sa naging maayos na ang paningin ko.

Nagtataka ako nang biglang maglaho si Gab, ang nakikita ko na lang ay ang isang kwintas na may hugis luha na kulay abo na pendant na nakalutang at kumikinang sa aking harapan.

Napaatras ako nang lumapit ang kwintas at kusang sumabit sa aking leeg. Dahan-dahan itong lumapat sa aking balat hanggang sa mawala ang kinang nito.

Hinawakan ko ang palawit nito. "Necklace?" mahina kong tanong.

"Miss?"

"Ay palakang gwapo!" Hinarap ko ang taong may ari ng boses na iyon.

"Bakit ka ba nanggugulat?!" inis kong tanong. Muntik na akong atakihin sa puso. Letse!

Tumawa ito na animo'y clown ang nasa kaniyang harapan. Kumunot ang noo ko.

"Anong nakatatawa?" Nagpameywang ako sa kan'yang harapan.

Tumikhim ito at niluwagan ang kaniyang polo sa bandang leeg.

"Are you lost?" seryoso nitong tanong.

"I guess, yes? Hindi ko mahanap ang mga pinsan ko. Hindi ko rin alam kung saan ang daan patungo sa office ng Head Mistress." Kibit-balikat ko.

Sabi ni daddy sa 'kin, ang Head Mistress daw ang una naming puntahan pagkarating namin dito. Kaso Ganito ang nangyari. Nawalay ako sa mga pinsan ko tapos naligaw pa ako, malas!

"I can lead you the way but, may I know your name? By the way, I'm Howard-- Howard Smith, the Student Supreme Government secretary." Pakilala nito sa sarili n'ya.

"Uhm! I'm Historia Snape. Nice meeting you," sagot ko sabay lahad ng kamay ko.

"Nice meeting you too, ms. Historia." Yumuko pa ito sa harapan ko bago inabot ang kamay ko for shake hand.

"Halika na, ihahatid kita sa headquarter." Marunong naman pa lang magtagalog 'tong loko na 'to eh.

Nagsimula na itong maglakad palayo rito sa fountain kung kaya't sumunod na lang ako.

Hindi naman siguro mali ang magtiwala? Handa naman ako kung sakaling may gagawin na hindi maganda 'tong lalaki na 'to.

"Ngayon ko lang naisip itanong 'to. Newbie?" pagbasag niya sa katahimikan.

Nagbuntong-hininga ako. "Uhm! Oo, my dad sent me here together with my cousins. Kaso nawala sila pagpasok namin sa White Gate. Baka naliligaw rin sila gaya ko," turan ko.

Tumango ito na tila naiintindihan ang sitwasyon ko.

"Napakalaki ng Academia na 'to, may posibilidad talaga na maligaw kayo lalo na't baguhan pa lang. Pasalamat ka at dito ka dinala ng Colossal Gate sa Garden of Nymph. Maswerte ka dahil hindi ka napadpad sa Garden of Fraud," seryoso niyang saad.

"Garden of Nymph and Fraud?" nagtataka kong tanong.

"Ang Garden of Nymph ay itong hardin na nilalakaran natin ngayon. Ang hardin na ito na sa pangangalaga ng mga nymph o diwata. Maayos at maganda ang lugar na ito, lahat ng nilalang dito ay mababait at naaalagaan ng maayos. Samantala sa kabilang dako ay ang Garden of Fraud- garden kung saan ang lahat ng bagay ay mapanlinlang kahit mismo ang mga nilalang doon. Nakalalabas pa ang mga napapadpad doon pero nag-iwan ng takot ang karanasan nila sa loob ng garden na 'yon," paliwanag n'ya.

"May tanong ako tungkol dito sa kwitas na suot ko," saad ko.

Tumigil ito sa paglalakad kung kaya'y napatigil din ako. Humarap ito sa 'kin at nanlaki ang kaniyang mga mata nang mapadako ang kaniyang tingin sa kwintas na suot ko.

"B-Bakit?" tanong ko.

"Puso ng isang... goblin," usal n'ya.

"P-Puso?!" gulat kong tanong.

Tumango ito at tumitig sa mga mata ko.

"Marahil ay may kakaiba sa 'yo kung kaya't nabigyan ka ng isang mailap na goblin. It's weird and rare at the same time." Tumango ito sa kaniyang sinabi.

"Kakaiba?" nagtataka kong tanong.

"Nevermind. Alagaan mo ang kwintas na 'yan. Bihira lang sa mga baguhan dito ang mabigyan agad ng isang gift from Garden of Nymph. Ingatan mo si Gab," seryoso niyang saad. Tumalikod na ito at nagsimula na ulit na maglakad.

Hindi na ako nagsalita pang muli at sumunod na lang sa kan'ya.

SSG secretary s'ya, marahil ay marami talaga s'yang nalalaman tungkol sa eskwelahan na ito. Siguro ay kailangan ko pa s'yang makilala ng lubos para makalap ko ang mga impormasyon na kailangan kong makuha.

"Paumanhin kung sa akin na mismo manggagaling ito, pero wala na rito ang mga pinsan mo," putol n'ya sa katahimikan. Nilukob ng kaba ang pagkatao ko at nagsisimula nang magbuo ng konklusyon ang utak ko.

"What do you mean by 'wala na'? Tsaka kilala mo ang mga pinsan ko?" naguguluhan kong tanong.

"They planned all of this. Simula sa Tree of Portals hanggang sa Colossal Gate. Hindi ka nila planong sinamahan bagkos hinayaan ka nila na hanapin ang gate nang mag-isa. Nasa headquarter na sila habang nasa tulay ka, mag-isang naglalakad. Nanguna sila sa pagpasok sa mga portals para mahuli ka at maiwan ka nilang mag-isa. Sa ngayon wala na sila rito, nakabalik na sila sa mundo ng mga tao. I don't know their own reasons pero binilin ka nila kay Head Mistress. Binilin din ni Head Mistress na sabihin ko sa 'yo ito nang hindi mo na hanapin pa ang mga pinsan mo. Alam kong marami kang katanungan pero hindi ko na masasagot pa 'yan. Pinsan mo lang ang makasasagot n'yan," mahabang paliwanag n'ya.

Natahimik ako at hindi na nakapagsalita pa dahil hindi pa rin ma-absorb ng utak ko ang mga nalaman ko. Bakit? Bakit nila 'to nagawa sa 'kin? Bakit nila ako iniwan? Ang dami kong katanungan sa utak ko pero hindi ko pa makukuha ang sagot.

"Nandirito na tayo," seryoso nitong saad. Kumatok ito ng tatlong beses.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid ko, sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na napansin pa ang tinahak namin na daan. Isa itong mahabang pasilyo at nasa dulong parte kami ngayon. Heto na siguro ang office ng Head Mistress.

Nagulat ako nang biglang bumukas ng mag-isa ang pinto. Naunang pumasok si Howard kaya sumunod na lang ako.

"Head Mistress." Huminto ito sa tapat ng isang babae na hindi naman katandaan ang hitsura at nagbigay galang. Yumuko ito na ginawa ko rin.

Tumango ang tinawag n'yang Head Mistress at tumayo.

"S'ya na ba si Historia?" tanong ng ginang habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa.

"Opo, naabutan ko s'ya sa wishing fountain," seryosong sagot ni Howard. Nakatahimik lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Napakaswerteng dalaga at sa Garden of Nymph napadpad. Makaaalis ka na Howard." Tumango ang ginang at tinuro ang pintuan.

Yumuko naman si Howard kay Head Mistress bago yumuko sa 'kin na nagpapahiwatig ng salitang 'paalam'.

Tumango ako sa kan'ya at sinundan s'ya ng tingin hanggang sa maglaho s'ya sa aking paningin.

Naagaw ng pansin ko ang pagtikhim ng ginang. Dumako ang tingin ko rito. Maganda s'ya, nagmumukha s'yang dalaga sa aking paningin.

"Quit staring, young lady. I'm Iris Peltinton- the Head Mistress of Schwert Academia. You are Historia Snape from noble family, right?" nakangiti nitong turan na lalong nakapagpaganda sa kaniya.

"Opo," tanging sagot ko.

"Nice meeting you ms. Snape and welcome to Schwert Academia!"

Related chapters

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 5: NECKLACE

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Dala-dala ko ang uniform at ang iba pang mga gamit na kailangan ko sa eskwelahan na ito. Kasama ko na naman si Howard, patungo kami ngayon sa dormitory ng eskwelahan. Ihahatid n’ya ako patungo sa magiging bago kong tahanan dito. “Ang kwarto na mapupunta sa ’yo ay pang isang tao lang. Wala kang kasama pero tabi-tabi ang bawat kwarto kaya wala kang dapat ipag-alala. Aware ka naman siguro na hiwalay ang dorm ng lalaki sa babae.” Humarap ito sa ’kin at tinitigan ako ng seryoso. “Huwag kang basta magtitiwala sa mga estudyante na makasasalamuha mo, hindi lahat nang sa tingin mo ay mapagkatitiwalaan ay hindi ka lolokohin at lilinlangin. Tandaan mo, hindi ordinaryo ang mga tao rito. Mag-ingat ka.” Lumapit s’ya sa ’kin at nilagay sa palad ko ang isang susi. “Hanggang dito lang ako sa labas ng dormitoryo n’yo. Bawal pumasok ang mga lalaki sa dormitoryo ng babae, ganoon din kayo. Bawal kayong pumasok sa dormitoryo namin dahil iniiwasan ng eskwelahan ang mga pangyayar

    Last Updated : 2021-07-10
  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 6: CRESTRIA LIGHT'S SWORD

    HISTORIA'S POINT OF VIEW, Kinabukasan, maaga akong ginising ng isang katok sa aking pintuan. Kahit na antok na antok pa ako ay pinilit kong tumayo. Tinali ko muna ang buhok ko bago ako nagtungo sa pinto at saka ito binuksan. “Goodmorning Ms. Historia, ito po ang iba n’yo pang gamit. Galing po ang mga ’yan kay Ms. Felicia.” Bungad agad sa akin ng isang babae na parang kaedaran ko lang. Nakayuko ito sa akin at sa tingin ko ay hindi ito estudyante base na rin sa kaniyang suot. “Nanggaling ba rito ang pinsan ko?” pagkaklaro ko sa kaniya. “Paumanhin po ngunit pinadala lang po ang kahon na ito at ayon sa sulat ay ibigay raw po namin ito sa ’yo,” paliwabag n’ya. Napabuntong-hininga ako, “maraming salamat.” Kinuha ko ang kahon sa kan’ya. “Pinasasabi rin po ni Mr. Howard na pupunta s’ya rito upang samahan ka sa bayan,” saad n’ya. Tumango ako sa kan’ya. “Uhm! Maraming salamat,” sagot ko ulit sa kaniya, tumango ito at umalis na. Sinara ko ang pinto at tumungo sa kama at saka nilapag ang k

    Last Updated : 2021-07-12
  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 7: CRESTRIA’S KNIGHT

    HOWARD SMITH'S POIN OF VIEW, "Historia!" sigaw ko nang biglang humangin ng malakas kasabay ng malaking liwanag na nanggagaling sa espada. Nakasisilaw ang liwanag ngunit sandali lamang iyon at humupa rin ang liwanag at ang hangin. Hindi nasira ang tinadahan dahil tinayo ang tinadahan na ito na matibay dahil na rin sa kapangyarihan ng mga espada. Hindi rin ramdam ang kapangyarihan sa labas dahil protektado ang tindahan na ito. 'Pag mulat ko ng mga mata ko ay hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. "Hindi maaari. . ." usal ni Mang Pio na halata ang pagkagulat sa kaniyang boses. Isang dalagang nakapikit habang nakalutang ang bumungad sa aming harapan. Nakabaluti na pabestidang puti ito na may pakpak ng anghel sa likod. Mahaba ang buhok hanggang ilalim ng tuhod at may suot na puting sapatos. May nakadikit sa noo nito na tila isang kwintas. Nagliliwanag ang dalaga at nakapatong ang kaniyang mga kamay sa dulong hawakan ng espada. "H-Historia?" hindi ko makapaniwalang tanong. "C-Cres

    Last Updated : 2021-07-18
  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 8: MOONSTONE

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Kinabukasan, maaga akong gumising. Nakararamdam ako ng excitement dahil first day ko ngayon. Nandirito ako ngayon sa harap ng salamin at sinusuklayan ang buhok ko. Hinayaan ko lang ito na nakalugay at inipit ang mga hibla ng buhok ko sa tenga ko. Nagpulbo lang ako ng mukha at lip gloss sa labi. Suot-suot ko ang kwintas na binigay ni lola sa aking leeg habang ang kwintas na puso ni Gab ay ginawa kong bracelet. Suot ko na rin ang uniform ko na hanggang tuhod ang palda. Sakto lang ang haba at hindi mainit sa katawan ang tela. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay sinuot ko na ang bag ko. Nagawi pa ang tingin ko sa espada, tila tinatawag ako nito pero winaksi ko ang iniisip ko at tuluyan ng nilisan ang dorm. Nagtataka ako kung paano ko nahanap ang espada na para sa akin, wala talaga akong maalala nang araw na iyon. Naglalakad ako sa pasilyo ng Building A. Galing ako sa office ng Head Mistress, kinuha ko ang stub na may nakasulat na 'Section C-1, Bb. Laura Or

    Last Updated : 2021-07-25
  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 9: HALLUCINATING

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Maaga akong umalis ng dorm at pumasok. Nagpasalamat ako na hindi ko nakasalubong ‘yong weird na babae kahapon, pero kasabay ko naman si Howard sa paglalakad dahil sabay kaming lumabas ng dorm. Kapag inaalat ka nga naman. Hinatid n’ya pa ako sa classroom ko, buti na lang kami lang estudyante. Ayaw kong ma-issue sa kan’ya. Mag-isa pa lang ako rito sa classroom, nakasalong-baba at nakatunganga sa labas ng bintana. Nanliit ang mga mata ko nang may mahagip na bulto ng isang tao sa tapat na puno. Bukas ang bintana kaya malinaw na tao ang nakikita ko. Hindi na ako nagulat nang lumingon ito sa akin. Dama ko agad ang aura n’ya, gano’n din s’ya sa ‘kin. Ngumisi ito sa akin at sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakaramdam na lang ako ng malakas na hangin. Dumaan ito nang mabilis sa gilid ng kanang pisnge ko at nakaramdam ng hapdi roon. Tumalon ito galing sa puno patungo sa harapan ko. May apakan kasi sa labas ng bintana, para sa naglilinis ng bintana. Seryoso ko ito

    Last Updated : 2021-07-30
  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 10: SWORD MONSTERS

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Napunta ako sa grupo nila Levi, nagpapasalamat ako at kasama ko si Persia. Umiingay na ang paligid, mayroong nag-co-complain sa napuntahan nilang grupo at mayroon din namang excited. Excited na lumapit sa akin si Persia at nagtitili. Sobrang ingay ng babaeng ‘to. “Ahh! Magkagrupo tayo Historia! Tutulongan mo naman ako sa training ‘di ba? Hmm?” natutuwa n’yang tanong sa akin. Tumango na lang ako para hindi na humaba pa ang usapan namin about sa training. “Great!” saad n’ya at may pagpalakpak pa. “Listen!” Kinalampag ni sir ang lamesa para agawin ang attention namin. Tumahimik ang paligid, umupo naman si Persia sa tabi ko. “Pakihanda ng mga coat n’yo, lalabas kayo ng Academia upang bumili ng espada. Mayroon lang kayong 30 minutes para lumabas ng Academia.” Binalingan naman ni sir ang mga trainer namin. “Kayo ang in charge, inaasahan ko na walang magiging problema. Mauna na ako.” Tumango lang sila kay sir. Umalis na si sir kaya nagpuntahan na kami sa grup

    Last Updated : 2021-08-02
  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 11: ANGELO

    XYLEM SHUN’S POINT OF VIEW, Lumikha ng malakas na pwersa ang kapangyarihan na pinalabas ni Historia. Hindi na ako magtataka kung bakit malakas s’ya. No doubt, magkapatid nga sila ni Angelo. Humupa na ang usok at nanlaki ang mga mata ko nang makita s’yang nakasandal sa pader at duguan ang ulo. Hahakbang na sana ako patungo sa kaniya ng biglang may sumigaw. “Historia!” Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at bumungad sa akin ang humahangos na si Howard. ‘Si Howard? Anong ginagawa n’ya rito?’ tanong ko sa sarili ko. Lumapit ito kay Historia at inangat ang mukha nito. Tinapik-tapik n’ya ang pisnge nito na tila ginigising. Hindi namin magagawa ang healing spell dahil limitado ang kapangyarihan na pwede naming palabasin. Sa lagay n’ya ay medyo malaki ang pinsalang natamo n’ya. Lumapit na ako pero naunang lumakad si Levi patungo sa kanila. “Don’t,” pigil ni Levi kay Howard nang makita na bubuhatin ni Howard si Historia. “Kami ang may responsibilidad sa kan’ya kaya kami na ang bahala

    Last Updated : 2021-08-06
  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 12: ACQUITTANCE PARTY

    HISTORIA’S POINT OF VIEW,Tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase at lunch break na. Pakiramdam ko ay para lamang akong nag-aaral sa ordinaryong paaralan. Pantay ang trato nila sa dalawang mundo. Kahit gaano ka-warm ang pakiramdam ko rito sa eskwelahan na ito ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko na may nagtatagong kalaban dito.“Earth to Historia!” Napamaang ako nang biglang may sumulpot na kamay sa harap ng mukha ko.“E-Eh?” gulat kong tanong.“You’re spacing out, ang sabi ko tara na. Lunch na gurl, nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan.” Sabay haplos ni Persia sa tiyan niya.“Oh, yeah right. Tara na.” Kinuha ko na ang bag ko at sinukbit.Habang patungo kami sa Cafeteria ay nagtitinginan sa amin ang bawat estudyante na madaraanan namin. Hindi ako makapag-react dahil hindi ko alam kung ako ba o si Persia ang pinagtitinginan at pinag-uusapan nila.Siguro ay sobrang popular ni Persia rito, since kilalang kilala ang mga magulang at angkan nila na mga magagaling sa paggamit ng

    Last Updated : 2021-08-15

Latest chapter

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 63: REVEALATION

    HISTORIA'S POINT OF VIEW, "What's wrong with you?" tanong niya sa akin habng sinusundan ako. "No, what's wrong with all of you?" tanong ko pabalik sa kaniya at saka siya hinarap. Kitang kita ko ang pagsusumamo sa mga mata niya pero wala na akong ibang nararamdaman kung hindi galit at sobra na akong naguguluhan sa mga nangyayari."You should listen to me, you need to listen to me. Not everyone here is your friend, you need to teach yourself not to trust someone. Lalong lao na yung transferee na yon!" frustrated niyang sagot sa akin. Napasinghap ako at sarcastic na tumawa. "Wow! Just wow! Coming from you! Coming from someone like you!" sagot ko at sinabayan pa ng pagpalakpak na tila ba natutuwa ako sa sinabi niya. Nagulat siya sa naging sagot ko at halata ang pagkalito sa hitsura niya."Historia I'm sorry I-""Stop! Shut up Levi! Hindi ko kailangan ng sorry mo or kahit na sino sa inyo. Ang gusto ko ay malaman ang nangyari sa kuya ko sa eskwelahan na ito. Anong mayroon sa inyong tatl

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 62: TRANSFEREE

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Habang naglalakad kami patungo sa Cafeteria ay napapansin ko ang tingin ng mga kapwa namin estudyante sa kasama kong lalaki. Minsan pa ay nagbubulungan sila pero dinig na rinig ko naman ang mga sinasabi nila. “Bakit kasama ni Historia ang transferee na iyan? Baka may masamang binabalak iyan sa eskwelahan natin,” dinig kong bulong nang naraanan naming babae kasama ang kaibigan niya. Napaisip naman ako dahil sa narinig, kaya pala hindi familiar ang mukha niya dahil transferee lang siya. Kung ganoon, saang eskwelahan siya galing? Kaya ba pinag-uusapan siya ng mga kapwa naming estudyante? Napalingon ako sa kaniya at bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin din siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin at bahagyang namula, kanina pa siya ganiyan kung makatingin sa akin. Napamaang ako nang tumabi siya sa akin, kaya sabay na ang lakad naming dalawa. “Nagdududa ka rin ba sa akin?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya. “Hindi naman, pero nga

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 61: DISCOVER

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa ni Levi kanina hindi na kami nakapag-usap pa nang maayos dahil tunog ang bell hudyat na simula na ang klase. Dumiretso ako sa classroom ko at gaya ng inaasahan ay mailap ang mga kaklase ko sa akin. Minsan ay nahuhuli ko ang mga tingin sa akin ni Persia pero pinagsawalang bahala ko lang iyon. Hindi pa ako handa na kausapin siya o pakinggan ang paliwanag nila. Pagkatapos ng klase namin nang umaga ay agad akong bumalik sa office ng Head Mistress, kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong malaman ang lahat dahil ayaw ko nang maging tanga. Ayaw ko na pinagmumukha akong tanga. Pagkarating ko sa harap ng pintuan ng office ng Head Mistress ay agad akong kumatok, pero nakakailang katok na ako ay wala pa ring sumasagot. Pinihit ko ang doorknob at nagtaka ako nang bumukas ito palatandaan na hindi naka-lock sa loob. Nagkibit-balikat lang ako at pumasok na sa loob kahit na alam kong wala a

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 60: MOMENT

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Napalingon ako sa likuran ko at kitang kita ko si Levi na hingal na hingal habang nakahawak sa mga tuhod niya. Tagaktak ang pawis niya at halatang galing siya sa pagtakbo. Pinunasan ko ang luha ko at nagtatakang nakatingin sa kaniya. Anong ginagawa niya rito? “Levi? Ano namang problema mo, Ijo?” tanong sa kaniya ni Head Mistress na animo’y may pinahihiwatig. “Please accept my apologies for disturbing your conversation, but can I take Historia with me?” seryosong tanong ni Levi na naging dahilan ng paglaki ng mga mata ko. Really?! Ang kapal naman ng pagmumukha niya para hingiin ako, I mean isama ako. Napalingon ako kay Head Mistress at napansin kong tila nakahinga siya ng maluwag pero mabilis din iyong napalitan ng takot nang may marinig kami na kung anong bagay ang nahulog mula sa kwarto na nasa loob lang ng office ng Head Mistress. “Of course, you can. Sa tingin ko ay may mga daga na rito sa office ko, mukhang kailangan ko nang ipalinis ang buong offic

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 59: SHE'S DEAD

    LEVI’S POINT OF VIEW,Napatigil ako at napatitig sa mukha niya, tila bumagal ang buong paligid. Nakatitig lang ako sa kaniya habang nililipad ng hangin ang mahaba niyang buhok na paminsan-minsan pa ay humaharang ang ilang hibla ng buhok niya sa kaniyang mukha.She's gorgeous as fuck!Tumingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang lumipad siya patungo sa direksyon ko. Naging alerto ako at hinanda ang espada ko pero nang aamba ko na ang espada ko ay bigla siyang naglaho sa harapan ko. Napangisi ako, kahit na hindi ko siya nakikita ay nararamdaman ko kung na saan siya.Nagpalinga-linga ako sa paligid, nagkukunwari na hinahanap siya ng mga mata ko. Nang maramdaman ko na ang presensya niya na papalapit sa akin ay mabilis akong lumipad.“I’m summoning the God of Seasons— Mapulon, lend me your strength! Leaves proper sphere, release!” sigaw ko at nag

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 58: REVEALED

    HISTORIA’S POINT OF VIEW,Napatitig ako sa mga mata niya. Ito ba ang gusto mo, Levi? Ang nakikita akong nasasaktan? Puwes ipakikita ko sa iyo kung paano ako masaktan!“Ahh!” sigaw ko at mabilis na siyang tinulak palayo sa akin at saka humarap sa Fear Black na umatake sa akin sa likuran ko.Sunod-sunod ang pagwasiwas ko sa espada ko habang sunod-sunod silang nahahati dahil sa pagtama ng espada ko sa tagiliran nila. Galit na galit ako, gusto kong ilabas ang lahat ng galit ko.Nawalan ako ng balanse dahil sa biglaang pagtalsik ko nang tamaan ako ng black magic sa balikat.“Historia!” rinig kong sigaw ni Trigger. Lumapit silang dalawa ni Warren sa akin at tinulungan akong tumayo. Hingal na hingal ako habang nakayuko at pilit na pinapatatag ang mga binti ko.Nagpupuyos ako sa galit, hindi ko na makontrol pa ang sarili ko.

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 57: FEAR BLACK

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Nakatitig lang ako sa professor na nagsasalita sa harapan pero ang isipan ko ay umiikot sa ibang bagay. Nagkukunwari lamang akong nakikinig pero nasa ibang lugar ang isipan ko. Next week na ang simula ng War of Cities, nabalitaan ko na bago magsimula ang patimpalak ay makababalik na ang Head Mistress dito sa eskwelahan. Hindi na ako makapaghintay na malaman ang tinatago nilang sekreto sa akin. Siguro oras na rin para siya ang tanungin ko tungkol sa nangyari sa Kuya Angelo ko. Natigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng mga sigawan sa labas na nakapagpatigil din sa professor namin sa pagtuturo. Kahit ang mga kaklase ko ay nagtataka at napupuno na ng bulungan ang buong classroom. Napatingin ako sa pintuan at napansin na dumidilim ang buong paligid. “Uulan ba?” mahina kong tanong sa sarili ko. “Saglit lang class, titignan ko ang n

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 56: THEM

    HISTORIA’S POINT OF VIEW,Simula nang araw na ginamit ko ang training ground ng walang paalam ay hindi ko na muling pinansin pa ang magkakaibigan na iyon. Simula rin nang araw na iyon ay ginugol ko na lang ang sarili ko sa pag-eensayo para sa nararating na War of Cities. Alam ko naman na kagrupo ko sila at hindi ko sila maiiwasan lagi pero habang training month pa lang ay nilalayo ko muna ang sarili ko sa kanila.Balita ko ay malapit na ring umuwi ang Head Mistress, marami pa siyang dapat ipaliwanag sa akin. Iniisip ko rin ang Kuya Angelo ko, hindi ko pa nalalaman ang tunay na nangyari sa kaniya. Patong patong na ang problema ko, pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin pa. Pero hindi ako susuko dahil nararamdaman kong malapit na ako sa katotoohanan.Biglang pumasok sa isipan ko ang narinig ko noong araw na dinala ako ni Levi sa clinic. Isa pa iyong gumugulo sa isipan ko pero ang taas ng pride ko, ayaw kong lumapit s

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 55: CHANGES

    SHILOAH’S POINT OF VIEW,“Dapa!” sigaw ko at saka agad nagtago sa ilalim ng lamesa ng mga computer. Napatakip ako ng tainga at mahigpit na pinikit ang mga mata ko.Nakarinig kami ng malakas na pagsabog at nakaramdam ng malakas na pagyanig ng lupa na nanggaling sa loob ng training ground.Napamulat ako ng mga mata at natagpuang maayos pa rin ang buong system room. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid, nakadapa rin ang mga kasama namin dito sa loob kagaya ko. Nagpapasalamat ako na wala akong nakitang basag na salamin sa sahig, ibig sabihin ay hindi nawasak ni Historia ang buong training ground.Tumigil ang malakas na pagsabog at ang pagyanig ng lupa. Nang masigurado kong tumigil na ang pagyanig ng lupa ay tumayo na ako upang siguruhin ang nangyayari sa loob ng training ground.“A-Anong nangyari?” tanong ni Haria na nasa tabi ko na pala. Dumiret

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status