HISTORIA’S POINT OF VIEW, Habang naglalakad kami patungo sa Cafeteria ay napapansin ko ang tingin ng mga kapwa namin estudyante sa kasama kong lalaki. Minsan pa ay nagbubulungan sila pero dinig na rinig ko naman ang mga sinasabi nila. “Bakit kasama ni Historia ang transferee na iyan? Baka may masamang binabalak iyan sa eskwelahan natin,” dinig kong bulong nang naraanan naming babae kasama ang kaibigan niya. Napaisip naman ako dahil sa narinig, kaya pala hindi familiar ang mukha niya dahil transferee lang siya. Kung ganoon, saang eskwelahan siya galing? Kaya ba pinag-uusapan siya ng mga kapwa naming estudyante? Napalingon ako sa kaniya at bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin din siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin at bahagyang namula, kanina pa siya ganiyan kung makatingin sa akin. Napamaang ako nang tumabi siya sa akin, kaya sabay na ang lakad naming dalawa. “Nagdududa ka rin ba sa akin?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya. “Hindi naman, pero nga
Read more