All Chapters of SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog): Chapter 41 - Chapter 50

63 Chapters

CHAPTER 41: POVs

XYLEM’S POINT OF VIEW,“Sit down, everyone!” saad ni Head Mistress habang nakatayo sa Harapan.Agad tumalima ang mga tao rito sa loob ng Head Quarter sa utos ng Head Mistress.“Malinaw na, na si Historia at Crestria ay iisa. Sigurado ako na malalaman at malalaman ito ng mga Hoffman. Nagdadalawang isip ako kung ipaaalam natin sa kaniya ang tungkol sa tunay niyang katauhan o ililihim muna ang katotohanan sa kaniya. Kailangan ko munang makausap ang mga magulang niya at alamin ang katotohanan kung paano napunta sa kanila si Historia,” seryosong saad ng Head Mistress.Kitang kita ko ang pagsang-ayon sa mga mukha ng mga taong naririto ngayon sa Head Quarter. Marahil ay nakukuha nila ang punto ng Head Mistress. Nakapagtataka nga naman kung paano nangyari ang ganitong bagay.Kahit ako ay nagtataka sa totoong katauhan ni Historia, malayong malayo siya sa Historia na nakilala ko noong bata pa ako. Pakiramdam ko ay may nagbago sa
Read more

CHAPTER 42: KINO

HEAD MISTRESS IRIS’S POINT OF VIEW,“Malinaw na, na si Historia at Crestria ay iisa. Sigurado ako na malalaman at malalaman ito ng mga Hoffman. Nagdadalawang isip ako kung ipaaalam natin sa kaniya ang tungkol sa tunay niyang katauhan o ililihim muna ang katotohanan sa kaniya. Kailangan ko munang makausap ang mga magulang niya at alamin ang katotohanan kung paano napunta sa kanila si Historia,” seryoso kong saad sa harapan nila.Tumango ang mga kasama naming administrator dito sa loob ng Head Quarter.“Masyado na tayong malapit sa katotohanan at hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita sa amin ang Head Master. Paano tayo uusad sa lahat ng ito kung hindi namin makakausap ang Head Master?” tanong ng isa sa mga administrator na si Damien. Natutop ang bibig ko at halos hindi ako makasagot sa tanong niya. Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto at lahat sila ay nakatingin sa akin na kapwa naghihintay sa magiging sagot ko.
Read more

CHAPTER 43: KEITH

SOMEONE'S POIN OF VIEW,“Hindi tayo puwedeng tumunganga rito at hintayin ang ibabalita ng anak natin sa atin. Bakit ba ayaw mong gumawa nang plano para makuha na nating ang Historia na iyon?” inis kong tanong sa asawa ko.Sobrang atat na akong maging Diyosa ang anak ko. Walang ibang Diyosa kung hindi ang anak ko lang. Siya ang dapat na sinasamba ng buong Parallel Dimension.Hindi ko siya tinago sa mga tao at tinuruan ng maayos upang maging isang talunan lamang. Kailangan niyang patunayan sa lahat ang nararapat na sa kaniya.“May plano ako, huwag kang magmadali Mathilde. Hindi pa ito ang tamang oras para angkinin ang kapangyarin ng baaeng iyon. Akalain mo nga naman, nasa malapit lang pala ang taong kailangan natin.” Nakangisi siya habang nakasandal sa kaniyang trono. “Hindi ako naging hari para lang sa wala, Mathilde. Mautak ako at tuso, hindi ko na kailangan pang manghanda ng pamain para lang mahuli ang target ko
Read more

CHAPTER 44: RYUJIN

RYUJIN’S POINT OF VIEW,Nandirito ako ngayon sa kwartong kinalalagyan ni Historia dahil inutusan ako ng President namin na tignan ang kalagayan ni Historia.Habang sinusuklay ko ang buhok ni Historia gamit ang mga darili ko ay hindi ko mapigilang mapatitig sa maganda at maamo niyang mukha.Kahit na nakararamdam ako ng galit sa kaniya ay hindi ko pa rin maikakaila na minahal ko siya— na mahal ko pa rin pala siya.Akala ko noong mga panahon na nawala siya ay naglaho na ang nararamdaman ko para sa kaniya, mali pala ako. Nagkamali ako dahil nang bumalik si Historia ay bumalik ang lahat ng nararamdaman ko.Halo-halo ang emosyon na naramdaman ko, galit dahil iniwan niya ako nang walang paalam, saya dahil nakita ko na siyang muli at pagtataka dahil sa pakikitungo niya sa akin. Pakiramdam ko ay nagkukunwari lang siya na hindi niya ako kilala.Pakiramdam ko ay umaakto lang siya na walang naaalala para hindi ko na siya guluhin pa o para iw
Read more

CHAPTER 45: FEELINGS

HISTORIA’S POINT OF VIEW,Napabangon ako at napahawak sa dibdib ko, hingal na hingal ako na para bang malapit nang maputulan ng hininga.“Historia? Gising ka na! Saglit huwag ka munang bumangon,” nag-aalalang boses ang sumalubong sa akin.“Persia? Anong nangyari?” nagtataka kong tanong habang inaalalayan niya ako pahiga ulit. “Nagugutom ka ba? Anong gusto mong kainin?” paglihis niya sa tanong ko. Halatang ayaw niyang sagutin ang tanong ko.Muli akong bumangon at umupo na kinagulat niya.“Historia!” suway niya sa akin.“Persia!” mariin kong saad habang seryosong nakatingin sa mga mata niya.Nanlaki ang mga mata niya ngunit agad rin siyang nakabawi at saka nagbuntong hininga na nagpapahiwatig ng pagsuko.“Fine, gusto mo ba talagang pag-usapan ngayon? Ayaw mo bang kumain muna?” sunod-sunod niyang tanong sa akin.Dahil sa tanong niya s
Read more

CHAPTER 46: FRIENDS

HISTORIA’S POINT OF VIEW,“Sana nga Historia, sana nga. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko kapag may nalaman ka na ikasasama ng loob mo sa akin,” saad niya at binigyan ako ng malungkot na ngiti.Sasagot pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto.“My ghad Historia! Gising ka na!” sigaw ni Haria na kapapasok lang sa pintuan kasama si Xylem.Napatakip ako ng tainga dahil sa sigaw niya.“Ano ba Haria? Ang sakit kaya sa tainga ng boses mo. Akala ko si Persia lang ang may ganiyang boses, Ikaw rin pala.” Singhal sa kaniya ni Xylem at saka siya inirapan. Napasimangot naman si Haria sa sinabi ni Xylem.Bahagya akong natawa sa kanilang dalawa kaya nabaling ang tingin nila sa akin.“You’re laughing again, urgh!” saad ni Haria at saka lumapit sa akin. Napakunot ang noo ko at nagtataka siyang tinignan. Anong ibig niyang sabihin?Umupo siya sa gilid ng kama ko sa tabi ko.&ld
Read more

CHAPTER 47: DRAGONS

HISTORIA’S POINT OF VIEW,Ilang araw na ang nakalilipas simula nang makalabas ako ng Laboratory. Simula nang makabalik ako sa klase ay naging ilap na sa akin ang mga kaklase ko, pati na rin ang mga estudyanteng madaraanan ko. Ang iba pa ay nakikitaan ko ng takot sa mga mata.Napansin ko rin na ilang araw nang wala si Ashley sa klase. Wala akong mapagtanungan dahil sa tuwing lalapit ako sa mga kaklase ko ay umiiwas sila sa akin. Sina Alexa, Persia at iyong tatlong lalaki lang ang kumakausap sa akin pero ayaw naman nilang magsalita tungkol kay Ashley.Kahit ang mga alipores niya ay takot na takot sa akin, may kinalaman ba ako sa pagkawala ni Ashley sa klase? Ni wala akong naririnig na usapan tungkol sa kaniya, ang dating maingay na section namin ay naging tahimik na.Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari, hindi ko pa nalalaman kung bakit ako napunta sa laboratory. Gusto nila na hintayin ko ang Head Mistress upang siya ang magpaliwanag ng lahat sa a
Read more

CHAPTER 48: CONFUSED

PERSIA’S POINT OF VIEW,“Anong nangyari sa dalawang iyon?” tanong ni Haria nang makaalis sina Historia at Kuya Levi.Nagkibit ako ng balikat sa tanong niya. Nagkaroon ng kaunting pag-asa ang puso ko dahil sa nasaksihan. Seeing Howard hurting is making me happy, hindi dahil sa gustong gusto ko talaga siyang masaktan dahil sa nasasaktan ako. Masaya lang ako dahil alam kong kaibigan niya si Kuya Levi at alam niya na si Historia ay kailanman ay hindi magiging sa kaniya.“May something talaga sa dalawang iyon. Alam naman nating simula pagkabata ay baliw na baliw na iyang si Levi kay Historia. In love nga talaga siya kay Historia. Sigurado akong magkakatuluyan ang dalawang iyon,” naiiling na saad ni Kuya Shiloah na lalong nakapagpangiti sa akin. Napansin ko ang pananahimik ni Howard habang nakakuyom ang kamao. Pansin ko rin ang pananahimik ni Kuya Lian at Xylem.“Bagay naman silang dalawa. Mas gusto ko pa si Hist
Read more

CHAPTER 49: DREAM

HISTORIA’S POINT OF VIEW,Umuwi ako sa dorm room ko at nagkulong. Hindi maproseso ng utak ko ang mga narinig ko kanina. Paano nagawa ni Kuya Angelo ang bagay na iyon? Paano niya nagawang mang-agaw ng babaeng may boyfriend na? Napasabunot ako sa aking buhok at sinubsob ang mukha ko sa unan. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin, ang dapat kong paniwalaan at kung ano nga ba ang tama.Ang daming bagay ang gumugulo sa utak ko at iyong iba ay hindi pa rin nareresolba. Sa sobrang pagmumuni ay hindi ko na namalayan na nilamon na ako ng antok.Nagising ako at bumangon sa higaan, tinignan ko ang orasan na nakakabit sa dingding at alas diyes na pala ng gabi. Kinusot ko ang mga mata ko habang kinakapa ng mga paa ko ang tsinelas ko sa sahig.Himala at hindi ako nakararamdam ng gutom kahit na nalipasan ako nang pagkain. Tumayo ako sa kama at nagtungo sa kusino upang kumuha ng tubig dahil nakararamdam ako ng pagk
Read more

CHAPTER 50: EMBRACE

HISTORIA’S POINT OF VIEW, “Tama na!” sigaw ko at mabilis na bumangon sa higaan ko habang hinahabol ang hininga ko. Hingal na hingal ako habang sapo-sapo ko ang dibdib ko. “I-Isang panaginip,” bulalas ko. Napabuga ako nang malakas na hangin at pilit kinakalma ang sarili ko. “Panaginip lang, Historia. Panaginip lang,” pagpapakalma ko sa sarili ko. Binaksak ko ang sarili ko pahiga sa kama at napatitig sa kisame. Anong klaseng panaginip iyon? Ano ang ipinapahiwatig ng panaginip ko na iyon? “Historia, aking tagapag lingkod.” “Si Historia at si Crestria ay hindi iisa. Si Crestria ay ako at si Historia ay ikaw, kailan man ay hindi magiging isa.” Napapikit ako ng mga mata nang maalala ang mga linyang iyon. Ano ang ipinapahiwatig ng mga kataga na iyon?&n
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status