"Excited na akong pumunta sa CMU! Siguro'y gwapo't magaganda talaga ang mga naroon!" ani Andeng."Ano pa ba'ng gwapo't maganda ang gusto mo? Lingon-lingon din kasi sa paligid! Heto lang kami ni James oh!" kunwari'y paghihisterya ni Nat na padarag pang binagsak ang magkabilang palad sa sementong mesa na nasa harap."Wow, ha, Tasha! Nasaan ang maganda sa pagmumukhang 'yan?" ani Andeng sabay hinawakan nang marahas ang panga ni Nat gamit ang isang kamay, patawa-tawa. "Walang Tasha rito! Nat, please!" ani Nat at tinanggal ang kamay ni Andeng. "And yes, here oh, look closely and you'll see the beauty in me!" tapos nito sa sinasabi bago tumayo at nagligpit ng gamit. "Baka naman?" Inirapan na lang siya ni Nat. "Ang tahimik mo ah?" Napausod naman ako sa gilid nang sundutin ni Andeng ang tagiliran ko. "Anong iniisip mo r'yan?""Naku, hindi pa rin kasi sang-ayon 'yang si James sa pagsu-survey natin
Last Updated : 2021-05-10 Read more