Share

Unang Kabanata

Author: magayonloves
last update Last Updated: 2021-05-10 22:10:22

"Excited na akong pumunta sa CMU! Siguro'y gwapo't magaganda talaga ang mga naroon!" ani Andeng.

"Ano pa ba'ng gwapo't maganda ang gusto mo? Lingon-lingon din kasi sa paligid! Heto lang kami ni James oh!" kunwari'y paghihisterya ni Nat na padarag pang binagsak ang magkabilang palad sa sementong mesa na nasa harap.

"Wow, ha, Tasha! Nasaan ang maganda sa pagmumukhang 'yan?" ani Andeng sabay hinawakan nang marahas ang panga ni Nat gamit ang isang kamay, patawa-tawa. 

"Walang Tasha rito! Nat, please!" ani Nat at tinanggal ang kamay ni Andeng. "And yes, here oh, look closely and you'll see the beauty in me!" tapos nito sa sinasabi bago tumayo at nagligpit ng gamit. 

"Baka naman?" Inirapan na lang siya ni Nat. "Ang tahimik mo ah?" Napausod naman ako sa gilid nang sundutin ni Andeng ang tagiliran ko. "Anong iniisip mo r'yan?"

"Naku, hindi pa rin kasi sang-ayon 'yang si James sa pagsu-survey natin sa CMU!" sagot ni Nat, alam na alam ang pagtutol ko sa ideyang iyon.

"Ayaw ko lang talaga roon," sabi ko.

"Bakit ba kasi?" nagkasabay na pagtatanong ng dalawa.

"Wala naman sigurong masama dahil pinaunlakan naman tayong bumisita roon bago ang laban natin sa Quiz Bee. Isa pa, for educational purposes naman 'yon, hindi na siguro kailangan pa ng approval letter! Bisita tayo roon. Bisita!" dagdag pa ni Andeng.

"Para sa registration ang pagpunta natin doon," walang ganang sagot ko.

"Kahit na ba! Pupwede naman daw tayong maglibot-libot any time of that day!"

"Magaganda't gwapo naman tayo! Makakasabay ang pag-iitsura natin sa mga estudyante roon! Hindi sila mai-intimidate sa atin!" bulyaw pa ni Nat, bahagyang natatawa.

Puro itsura na lang ba ang tinitingnan ng isang 'to? At intimidate? Talaga lang, ah? Baka sila ang ma-intimidate kapag naroon na sila.

"Oh, ano na naman ang dahilan ng pagbubunganga ng Natashang 'yan?" bungad ng kadarating na si Jef sabay tapik sa balikat ko bago umupo sa batong upuan na bakante katabi ng akin.

"H'wag ka nga, Jefferson! Ito kasing si James, ang arte-arte! Ayaw pa sa CMU magsurvey! Magandang population nga iyon para sa research natin, e! May sense ang isasagot ng mga iyon dahil sikat na paaralan ang pinangangalagaan nila!"

"Ang estudyante kamo roon ang maaarte kaya ayaw namin ni James doon," ani Jef. "Pero magsu-survey pa rin naman tayo doon kahit ayaw namin. Ano pa ba'ng magagawa namin? E, gusto niyo roon," dagdag pa ni Jef. 

"Iyon!" ani Andeng. "Iyon naman ang gusto ko sa inyo, e!" Inakbayan niya kaming dalawa ni Jef. "Sa katunayan nga sa gandang lalaki niyo bagay kayo sa CMU mag-aral," dagdag pa niya habang tumatango.

"Tigilan mo nga ako, Andeng," sabi ko habang tinatanggal ang isang brasong nakaakbay sa'kin.

"Andrea nga sabi!" bulalas niya, itinama ang pangalan habang lumilinga sa paligid. Ayaw na marinig ng iba ang kinamumuhiang palayaw. 

"Matagal na nang huli akong nakapaglaro ng basketball pero alam ko pa rin ang pakiramdam ng nambobola at binobola," si Jef at tinanggal din ang pagkakaakbay ni Andeng.

"Totoo 'yon!" natatawang pilit ni Andeng bago isinukbit ang bag habang may hawak na handout sa kabilang kamay.  "Una na nga ako! Send ko na lang sa group chat ang part ko sa research. Adios!" Walang anu-ano’y naglakad na siya paalis.

"Daya mo, Andeng! Manlilibre raw si James sa tapat!" hiyaw ni Nat.

"Next time na lang ako!" hiyaw din ni Andeng kahit nakatalikod at naglalakad palayo.

"At nagdeklara na naman siya nang hindi nararapat," napapailing kong sabi at sumulyap kay Nat. Tumayo na rin ako at pinagpantay-pantay ang photocopies mula sa librong hiniram sa library para sa research.

"Ito naman, parang kwek-kwek lang, e."

"Kwek-kwek ka r'yan, oh, heto ang libre ko sa'yo," sabi ko at inabot sa kaniya ang photocopy para sa part niya sa research. Inabot ko na rin ang para kay Jef.

"Kuripot mo naman. Ikaw na lang, Jef, dali!" baling nito kay Jef at hinila-hila sa braso nito.

Napangisi na lang ako.

"Goodluck, ‘tol.” Ngumisi ako kay Jef. “Isasauli ko na 'tong libro," sabay angat ko ng libro bilang paalam. 

Nag-umpisa nang maglakad patungong library. Narinig ko pa ang pagpoprotesta ni Jef sa pagpapalibre ni Nat.

+×+×+×+×+×+×+ 

"1,740 pesos for the decorations, 2, 480 pesos for the breakfast that will be ordered from Chef's Kiss cuisine, 965 pesos for the snacks, 1,530 pesos for the HRM students that will cook lunch, and 1, 190 pesos for the certificates, medals, and glass trophies." I inhaled after that.

I placed the notebook above the table where I listed the needed things and how much it will all cost. Pinadulas ko ito sa table hanggang umabot sa student council president na nasa dulo ng long table kung saan siya nakapwesto. It slightly bumped to the file of papers beside his hand, causing it to fall on the floor.

"Oopsy," I said, not really bothered nor worried.

"You did a good job, Ms. Treasurer," he said sarcastically, getting the papers that were scattered around.

"I know, Mr. President," I rolled my eyes as I sat on the chair, feeling exhausted.

"Do you want, at least, to arrange this?" 

"Ugh! I'm so tired!" I cried out, letting my head and arms rest on the table.

Nangangalay ang mga braso ko!

It tires the hell out of me doing that canvass thing alone in the mall. I also dealt with the HRM students for snacks and lunch and went to a family friend's restaurant para pumili ng breakfast meals. I want every course of meal to impress the participants, professors and speakers who will eat on that event so I really exerted effort on that thing. I was excused in my classes to do it. The other members of the council are also doing their tasks. And the auditor that was supposed to be with me is nowhere to be found for Pete's sake! 

Umayos ako ng upo at pinasadahan ng kamay ang mahabang buhok upang suklayin.

"Where's Sheena, anyway? I can just call her to do that for not helping me out the whole day," I said, getting my phone. I started scanning my call log for her name.

"Don't dare. She's absent," he said, loosing his patience. "She's always with you yet you didn't know she's sick? Ano? Nand'yan ka lang kapag may kailangan at magpapatulong ka?"

"Don't get me started, Chustine. Laging magkasama sa gawain ang treasurer and auditor, duh!"

"But you always make her do the difficult tasks that was assigned to you and you alone," napapailing niyang sinabi.

"Kaya nga ako ang treasurer, ako na ang bahalang magdagdag financially kung nakabibigat sa school," I reminded him the famous expectation from the treasurers, making it a reliable fact in my situation. Though, hindi naman talaga nakabibigat sa school ‘yon, sadyang kinukulang lang dahil sa ways ko.

Well, money is also a big help and I can give it. I can really help just by that. I just don't want to be this tired again. 

"School fund is enough, Meriah. Doon tayo sa makatitipid pero maayos na event, kahit na paghirapan natin ang pag-aasikaso. Kaysa magarbo pero gagastos pa talaga gamit ang sariling pera. Hindi ko nga lang alam sa'yo kung bakit kinukulang ang budget natin kapag ikaw lang mag-isa ang umaaksyon, e."

"At least, maganda ang kalalabasan ng event," I said nonchalantly.

"Humanap ka ng resources na aayon sa budget natin, Meriah," he said, reading some papers and checking something in the documents on the computer.

"What do you mean? Don't tell me uulitin ko na naman ang mga ginawa ko?!" I said, almost hysterical. 

He heaved out a sigh.

"No. Just next time don't waste your money." And that made me calm. "I'll just call the vice to help me here. You can go. Thanks," tuluy-tuloy niyang sabi, busy pa rin sa papers.

"'Kay." I stood up, holding my handbag already. 

I just sat on the bench beside the university fountain. Wala masyadong students. I'm tired and I don't want to attend my last class. It's already half time at makakatulog lang ako roon, I'm sure of that. 

I groaned when I felt my stomach. It made a noise that's loud enough for me to hear. Gosh, I'm hungry!

I'm about to call Chustine to buy some food but then I remember that he's busy. Busy na lang siya palagi. I missed him! He's my close friend, actually. His father is my father's secretary. We grew up together. He was always with me when we were in grade school up to high school. He often visits me in our home just to play, eat, and watch cartoons with me. He's also helping me on my assignments back then.

Nang magcollege kami and he became part of the student council, naging busy na siya. We're both taking up Business Administration and he was the auditor in the council back when we were first year. And now he became the president, I also tried to be part of the council because I missed my friend! I'm loosing him that's why I ran for the position of treasurer to be near him. He's my only friend. I don't really have girl friends to hang out with because some are just social climbers or intimidated by me, and only make friends with me because of our name. I don't like that.

In this school, our family has the brightest name when it comes to business. Well, it is because we have the largest farm in our province. We are the biggest supplier of rice here in the country! Yes! The Buenavidez rice is ours! We also have farms in provinces in all parts of the country but the largest farm is the most priority of my parents. We are also one of the best supplier of fruits like mango, pineapple, watermelon and banana here in Philippines. And yes, di mawawala ang vegetables and rootcrops! Both fruits and vegetables, naglalabas din kami sa ibang bansa. That's how huge our business is! Though, I heard marami rin ditong other companies ang may names na namamayagpag dahil dito nag-aaral ang mga heir and heiress of those companies I'm familiar with.

On the other hand, mayroon din kaming taniman ng kape kaya naman may coffee shop kami. Actually, tatlo ang coffee shop namin–one in front of our school, CMU, the other is placed in a mall here in the city and the other is in the province, doon sa bayan. Kauumpisa pa lang ng aming flower plantation last month sa huling biniling lupa nila Mommy at Daddy and soon, the opening of Buenavidez flowershop will surely make its noise sa masa.

+×+×+×+×+×+×+×+

"Centro Marcello University," may diing pagbasa ni Andeng sa taas ng magarang gate ng CMU na tila ba enggrande ang pagpasok namin doon. 

Nasa loob pa kami ng school van habang hinihintay ang mag-a-assist sa amin sa unibersidad na ito para sa aming registration. Tanaw mula rito sa parking lot ang malawak nilang field, hamak na mas malaki kaysa amin. Maayos na nakapalibot ang mga bench sa paligid ng malaking fountain. Sa likod ng fountain nito ay may malapad na gusali at mayroon itong pitong palapag. Siguro ay ito ang main building ng paaralang ito. Kulay abo rin ang dalawang building na tig-apat ang palapag paglingon sa kaliwa't kanan. Napansin ko, mukhang sinadya na 'di pinturahan ang mga building upang mapreserba ang istilo nito at magmukhang katulad ng mga imprastraktura sa Roma. Ano pa kayang mga nakamamangha ang aming makikita sa likod ng mga iyan? 

Ibang iba ang pakiramdam dito. 

"Good morning, students!" bahagya pa akong nagulat doon sa nagsalita sa gawing pinto ng van. 

"Good morning, Sir!" bati naman ng mga kasama ko. 

Napaayos ako ng aking upo. Hindi ko nagawang sumabay sa kanilang pagbati dahil di ko maikakaila na wala ako sa tamang kondisyon.

"I'm Professor Eric Hidalgo and welcome to Centro Marcello University," may ngiting sabi nito. 

"Thank you, Sir! It's our pleasure to be here po," ani Nat, malawak ang ngiti. Medyo napakunot ang aking noo dahil sa sinabi niya.

"Let's go! The organizers are waiting for you."

"Ah, Sir? Can I ask a question?" ani Jef. 

Napatingin kami nina Andeng at Nat sa kaniya.

"Yes, sure! What is it?"

"Is it okay if we'll conduct survey here for our research after the registration?" Napansin kong may dala pala siyang long envelope, marahil ay ang pinaglalagyan ng mga questionnaire.

"Let me check your topic first later so we can see if I will let you proceed with your survey, alright?"

"Sure, Sir. Thank you po."

Tumitingin-tingin ako sa paligid. Kaunti lang ang mga nagkalat na estudyante, may klase na siguro ang karamihan. Napansin ko, may pagkakapareho ang bawat estudyanteng nakikita ko rito - mayayaman. Bawat galaw ng ibang estudyante ay alam mong disente, ang iba ay maangas, at ang iba naman ay tipid gumalaw na tila ba may parusa kapag lumaki ang galaw nila o nagkamali sila sa pagkilos.

Habang naglalakad kami ay napag-alaman namin kay Sir Eric na sa bawat araw na nakalipas ay nagpunta na rin dito ang iba pang participants mula sa iba't ibang unibersidad. Bukas na ang huling araw at huling unibersidad na pupunta rito para sa registration. Isang araw pa ang makakalipas at iyon na ang araw ng Quiz Bee.

Tinahak namin ang daan sa gitna ng main building nila. Napapatingin sa amin ang mga estudyante sa hallway. Tumingin ako sa mga kaibigan ko. Ayos naman ang aming mga uniporme - malinis at plantsado. Malinis at makinang ang mga suot na itim na sapatos na tila pinaghandaan ng mga kasama ang pagpunta rito. Maayos at malinis ang mga buhok. Mula sa Andres Bonifacio University 'to kung 'yan ang tanong sa isip niyo. Akala mo alien kami kung makatingin ang mga estudyante rito… Ibig kumulo ng dugo ko. Palibhasa'y ang paaralan namin ang nag-iisang public school na makakasama sa Regional Quiz Bee. 

Matapos naming magregister ay pinaupo kami sa sofa na nakalagay sa stage. Mukhang iniayos talaga ito para sa amin. May kaunting disenyo pa ito sa paligid at may magagandang bulaklak na nasa paso sa gilid ng sofa. May camera sa harap namin at malaking microphone sa taas, mga tipong ginagamit sa paggawa ng live interview. 

Hindi man nakahanda ay nakasagot pa rin kami nang maayos sa interview habang kinukuhanan. Tinanong lamang kami kung paano kaming nabuo para irepresenta ang aming unibersidad sa nalalapit na Quiz Bee, kung paano ang naging preparasyon namin para rito at mangilan-ngilang personal na tanong sa bawat isa. 

Nang matapos ang interview ay naging guide namin si Sir Eric sa pasikot-sikot sa auditorium na ito. Pinuntahan namin ang backstage kung saan kami unang lalabas habang tinatawag ang paaralan namin. Kung paano ang mga pagkakasunud-sunod ng mga mangyayari at pupuntahan para hindi na kami masyadong bigyan ng instruction sa gitna ng event.

"Your research topic is great! You can proceed with your survey now. Thank you, students, and goodluck!" ani Sir Eric at iniwan na kami rito sa harap ng main building kung saan nakapwesto ang fountain.

Matapos ituro sa amin ang university food court at cafeteria ay ipinakita na agad ni Jef ang survey questions namin kay Sir habang ipinapaliwanag ang goal ng research para matapos na agad at makapaglibot daw sabi ng dalawa. Ipinamigay na rin ni Jef ang survey forms sa dalawa.

"Oh, ito ang sa'yo." Iniabot ni Jef ang parte ko sa survey pero hindi ko ito tinanggap. "Ayaw mo?"

"Ayaw ko sana makisalamuha sa tao rito, Jef. Pasensya na," pag-amin ko.

"Sige, ayos lang. Ang dami mo namang ambag sa research natin e," aniya at tinapik ako sa balikat. "Andeng! Nat!" baling niya sa dalawa na medyo malayo sa amin at ‘di ko alam kung ano ang tinatanaw sa gawi roon.

"Ssshh!" suway ni Andeng, nanlilisik ang mata habang pabalik sa amin. "Parang awa mo na, Jef! Andrea naman ang itawag mo sa akin kahit dito lang sa lugar na 'to!" hindi mawari kung nanggigigil o nagmamakaawang sambit ni Andeng.

"Oo na, oo na! Paghatian niyo na lang ni Nat itong kay James."

"Hindi ka magpapa-survey? Daya mo talaga ah," ani Nat. Hindi ko ito pinansin at ibinalik ang mata sa pagmamasid sa lugar.

"H'wag mo nang anuhin!" Inakbayan ni Jef ang dalawa. "Mukhang kaunting kalabit na lang ay mapipigtas na ang pisi n'yan!" ani Jef sa mahinang boses ngunit hindi pa rin nakatakas sa aking pandinig.

"Dito ka lang ba, James? Magpapa-survey na kami," paalam ni Nat. 

"Magkita-kita na lang tayo malapit sa food court. Text na lang kayo," sabi ko.

"Sige."

Nagtungo ako sa kaliwang building. Kung tama ang pagkakasabi ng kapatid ko ay BSBA department itong unang palapag. Kung paano niya nalaman, dahil tambay daw siya sa website ng paaralan na ito. Sa Centro Marcello University daw niya gustong magkolehiyo sa kursong Business Administration. 

Nang saktong pagtapat ko sa pinto ng Dean's office para sana mag-inquire ay biglang may lumabas na babaeng may dalang kape... Malamig. Ramdam ko sa tiyan at braso ko. Buti ay wala akong dalang survey forms.

"Watch where you're going, Mister! Ugh! My frappe!" sigaw niya sabay pinagpag ang tumapong frappe sa damit niya. Paniguradong kape ang flavor dahil sa amoy. 

Inilabas ko ang panyo at inilahad sa kaniya pero hindi niya tinanggap kaya naman braso ko na lamang ang aking pinunasan. May isa pang lalaki ang lumabas mula sa office, naalarma siguro sa sigaw nitong babae. Naka-uniporme rin ito na terno ng sa babae, siguro'y kaklase.

"What's going on here?" may pag-aalala nitong tanong.

"This guy here… He’s not looking where he's going! Look at my uniform!" anang babae at ibinabalandra ang natapunang uniporme.

"Pasensya, Miss, 'di ko naman sinadya pero sana tumingin ka rin sa dinadaanan mo," paumanhin ko at bahagyang tiningnan ang uniporme kong natapunan din ng kape. Napatingin din sila.

"H-ha! Don't put the blame on me! It's so early and you ruined my uniform! I still have my classes, damn it!" paghihisterya niya.

Hinawakan naman siya ng lalaki sa magkabila niyang balikat. Itinuon ng babae ang kaniyang pansin sa uniporme.

"Tama na 'yan. Just wear your spare uniform in your locker," anang lalaki. 

Gusto ko na lang sana umalis para matapos na ito habang nakapagtitimpi pa ako. Isa pa, wala namang kuwenta ang mga lumalabas sa bibig ng babaeng ito.

"Wala na! I already used it. PE uniform na lang ang naroon and I don't have time to change!" Wala naman siyang ibang pagpipilian kung hindi ang magpalit… O gusto niyang manatiling ganiyan? "Kadiri, ang lagkit! I'm late and I'm not excused! Damn, damn!" bulong-bulong pa nito.

"Pasensya ulit. Aalis na ako."

"Wow, huh? Wow! Ganiyan na lang?" namamangha niyang sabi ngunit ito ay dahil sa pagkairita. 

"Let it pass, Meriah. He's not at fault." Napalingon naman sa kaniya ang babae, tila 'di makapaniwala sa kaniyang narinig. 

Bahagya siya nitong hinihila papasok ng office. Wala bang ibang tao roon?

"Bakit, Miss? Sa korte mo pa ba gustong humantong para sa uniporme mo?" kalmado kong sabi ngunit ‘di na napigilan ang sariling huwag maging sarkastiko.

"What?! This is absurd!" pagtataas niya ng boses at nanlalaki pa ang singkit na mata. Parang batang nagmamaktol. Pisilin ko kaya ang pisngi nito?

"Maniwala ka, Miss, kailangan mo na magpalit kung may klase ka pa."

"Wow!" aniya na tila di makapaniwala sa aking sinabi. "You're so rude! Wait, what are you?" Tiningnan ako mula ulo hanggang paa at sumunod na tiningnan ang logo sa uniporme ko. "Ha! I knew it. You're from public school. And why are you here by the way? You like it here? You're dreaming of studying here? Well, get lost! ‘Di ka bagay dito kaya h'wag kang presko. Take note of this: Stay on your school, don't ever comeback and never spread that school's virus again!" Nahila na papasok ng lalaki ang nanggagalaiting babae na kanina pa pala niya pinipigilan at ipinapasok sa loob.

"I apologize for what happened," habol ng lalaki bago isarado ang pinto ng office.

Masyadong nakatuon ang aking atensyon sa babae at sa bawat salitang binitawan niya. Hindi ko namalayan na medyo marami na pala ang estudyante sa paligid. Narito rin sina Jef, Andeng, at Nat na base sa mga ekspresyon ay mukhang narinig ang mga sinabi ng babae.

Hindi ko napigilan ang pagngangalit ng aking bagang nang maproseso ng utak ang bawat salitang narinig. Mahigpit na rin ang aking pagkakahawak sa panyo dulot ng pagkapahiya sa harap ng mga tao.

"May araw ka rin," napangisi na lamang ako sa naisip. "Mabilis pa naman ang karma." 

Related chapters

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ikalawang Kabanata

    Umupo ako sa upuang nasa hapag-kainan at ipinahinga ang sarili matapos hugasan ang aming pinagkainan. Katatapos lang kanina ng aming huling review para sa kumpetisyon bukas. Nakisuyo kami sa iba naming kaklase nitong mga nakaraang araw upang tulungan kami. Sila ang gumagawa ng tanong na siyang kasama sa tatalakayin sa bawat kategorya at sila rin ang nagtatanong sa amin, una-unahan naman kaming sumasagot. Kung sa solving naman ay gumagamit kami ng papel at unahan pa rin sa pagsagot. Sa paraang iyon ay natutulungan na namin ang sarili na pabilisin ang memorya at pati na rin ang pagsulat. Sa nagdaang buong araw naman ay mga professor ang sumubok sa mga inaral namin at lahat ng kategorya ay sinagot namin. May apat na kategorya ang Quiz Bee at magbubunutan bukas ang bawat grupo kung saan-saan malalagay na kategorya ang bawat isa, dahilan kung bakit mas magiging mahirap ang kumpetisyon. Kailangang aralin ang lahat ng subject na kasama sa kategorya. &nb

    Last Updated : 2021-05-10
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ikatlong Kabanata

    "Kuya!" Dinungaw ko ang aking kapatid mula rito sa terrace habang pababa siya ng hagdan. "Tapos na akong mag-ayos, tara na!" Dalawampung minuto na lang ay mag-uumpisa na ang misa, iyon siguro ang inaalala niya dahil kulang iyon kung gagamitin namin ang bisikleta papunta roon. Nang makarating ito sa kinaroroonan ko ay tinaasan ako nito ng isang kilay. Marahil ay nagtataka dahil sa hindi ko pagmamadali. Nakasuot siya ng bestida at sandals para sa paa habang ako naman ay nakasuot ng polo shirt, kupas na pantalon at sneakers na sapatos na nabili pa noong nakaraang dalawang taon. "Sasakay tayo ng tricycle," sabi ko at tumayo sa pagkakaupo sa pasimano. "Oh? Sasakay pala tayo ng tricycle, hindi mo sinabi agad!" "Kung sinabi ko, hindi ka magmamadali. Lagi tayong nauubusan ng mauupuan," tugon ko nang may mapaglarong ngisi sa labi habang naglalakad kami palabas sa munti naming ta

    Last Updated : 2021-05-20
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-apat na Kabanata

    "Ayaw mo na ba talagang sumali ulit?" tanong ni Jef. "Kinukulit ako ni Dean tungkol sa'yo, e. Magpakita ka roon sa office para manahimik na," dagdag niya. Narito kami sa aming room, maaga sa nakatakdang oras ng susunod na subject. Punuan kasi sa dalawang canteen at mainit kaya nang matapos kumain ay nilisan na namin agad ang lugar. Sa room ay malamig naman kahit palitin na ang aircon. Nakaupo si Jef sa mesa ng professor. Ako naman ay prenteng nakaupo sa unang upuan sa ikalawang hanay nito, nakasandal at naka-unat ang mga binti habang magka-ekis ito. "Pokus muna ako sa mga major natin," pagpapahayag ko na tigil muna ako sa pagsali sa Quiz Bee. Umpisa pa lamang ng unang sem. Third year na kami at dumami pa ang mga major subjects namin kaya naman nagpagpasyahan kong h'wag na munang sumali sa mga kumpetisyon. Wala na akong balak sumali sa ganoon ngunit mapilit ang aming Dean sapagkat walang pumapasa sa kaniyang i

    Last Updated : 2021-06-18
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-limang Kabanata

    Pinatayo ng professor ang bagong estudyante. Marahan itong gumalaw at hindi nawala ang pagka-elegante kahit na nakasuot lamang ito ng uniporme na tama ang hapit sa kaniyang katawan. Inalis ko sa isipan ang ganda ng pigura nito at inalala ang kagaspangan ng kaniyang ugali nang magpakilala ito sa harapan. "For those who didn't know me yet, I am Meriah Buenavidez. 19 years old, turning 20 on November 15," taas-noo nitong pakilala. Hindi maipagkakaila na galing siya sa isang marangyang pamilya dahil sa kutis na tila hindi man lang naranasang mabilad sa araw at masugatan noong kabataan. "What else do you want to know about me?" Tuwid pa rin ang pagkakatayo nito at pinasadahan ng tingin ang tahimik na klase. Halatang sinadya ang hindi nito pagtingin sa akin. "Yabang," bulong ni Nat. "What elso do you want to know about me?" panggagaya niyang may halong panunuya. "Akala naman niya, lahat dito ay gustong malaman kung sino

    Last Updated : 2021-06-23
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-anim na Kabanata

    Inubos ko ang panghuling stick ng isaw na aking kinakain habang tinatanaw ang mga estudyanteng naglalakad sa kalayuan. Ala una y medya pa lamang ay tapos na ang aming una't huling klase. Mag-a-alas tres na at kanina pa ako nagpapalipas ng oras kasama ang mga barkadang nag-re-review dito sa madalas naming tambayan.Kapag ganitong Lunes ay isa lang klase namin. Wala namang masyadong gagawin at mamaya pa ang uwi ni Jane kaya may oras pa ako para sumama sa aking mga kaibigan. Ito ang madalas ko noong hindi magawa dahil laging puno ang aking schedule. Ang mga libreng oras ay napupunta sa review para sa mga quiz bee. Ngayong tinalikuran ko ang pagsali sa mga kumpetisyon ay nagkaroon ako ng panahon para sa aking sarili, iyong wala akong iniintindi.Mayroon dapat kaming meeting para sa foundation week bago sila mag-review ngunit may klase pala ang halos kalahati sa miyembro. Kaya naman diretso review na lamang ang nangyari.

    Last Updated : 2021-06-27
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-pitong Kabanata

    Role play ang ginawa namin para sa aming presentation ngayong Miyerkules. Kahit hindi kumportable, ginawa ko ang aking role. Ako ang nagmarket ng produkto ng aming kumpanya-kuno ni Nat. Papalit-palit ang role ng bawat miyembro sa grupo namin sa limang marketing strategy na aming ginawa.Natapos ang ibang grupo at ang grupo naman nina Meriah ang sumunod. Reporting ang ginawa nila pero tuwing pagkatapos ng kanilang paliwanag ay inaakto nila ang bawat marketing strategy sa ihinayag nilang halimbawa. Si Meriah ang nagpapaliwanag at ang ibang miyembro ang umaakto pagkatapos. Simple ang paraan nila ngunit tuwing nagsasalita si Meriah ay para kaming nakikinig sa isang guest speaker. Malinaw siyang magsalita, tama lang ang accent at lakas ng boses, at may koneksyon siya sa bawat kaklaseng nanonood. Nakamamanghang kabisado niya ang kaniyang mga sinasabi. Iniisip ko nga kung nagkabisado ba siya ng script o inintindi niya lamang ang bawat strategy at ipinaliwanag ito sa sa

    Last Updated : 2021-06-29
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-walong Kabanata

    Huling tingin ko kanina sa orasan ay mag-a-alas kwatro pa lamang, oras nang magmeryenda kami. Oras din nang tumambay ang kaibigan ni Meriah sa sala. Hindi ko alam na sa kwarto pala siya ni Meriah naglagi kanina. Hindi ko rin alam na ayos lang iyon para sa isang tulad ni Meriah. "Gano'n sila kalapit sa isa't isa?" Pinilit kong tanggalin ang nasa isipan. Ang kaalamang iyon ay binagabag ako sa kalagitnaan ng aming ginagawang research. Hindi ko nga alam kung nakatutok pa ba ako ginagawa ko. Nagpapatuloy lang ako kahit nawawala ang aking pokus. Pasado alas sais na nang gabi nang halos matapos namin ang mga kailangan i-research. Hindi namin namalayan ang oras pero ayos na rin iyon dahil nakarami kami ng nagawa. I-e-edit na lamang namin ang aming nagawa kapag natapos nang i-check iyon ng professor bago ito dagdagan. "Manang, salamat po," sabi ko kay Manang Tasing at tiningnan ko ang katabi nit

    Last Updated : 2021-07-07
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-siyam na Kabanata

    Maghapong nagtatalo ang aking isipan kung may dapat akong kampihan sa nangyari o kung dapat ko ring alalahanin si Meriah. Kaya naman nang gabing iyon ay pinadalhan ko ng online message si Meriah at tinanong kung ano ang plano niya. Hindi dahil sa hindi ako makatiis na malaman kung ano'ng iniisip o lagay niya ngayon, ngunit hindi ko rin sigurado sa sarili kung ano ang tunay na dahilan. Kami ang pangunahing kasangkot sa pangyayari noon sa CMU na nagdala sa kaniya ngayon sa kapahamakan. Tingin ko'y may karapatan akong makialam sa kinakaharap niya ngayon. Pero bakit pa nga ba? Alam ko ang ugali niya kaya ano ba itong mga naiisip ko? Hindi ngunit may naging maayos na kaming pag-uusap ay dapat ko nang kalimutan ang nagkukubling ugali sa likod ng naapi niyang itsura kanina. Kaya bakit pa nga ba ako makikialam? Para ano? "Dahil gusto mo siyang iligtas!" Napalingon ako kay Jane na nasa harap ng salamin. Mula rit

    Last Updated : 2021-07-16

Latest chapter

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Espesyal na Kabanata

    "Aw!" nasambit ng batang si Meriah nang mamatay bigla ang gamit nitong phone.Naroon siyang mag-isa sa loob ng kanilang sasakyan dahil ayaw niyang bumaba at sumama sa kaniyang mga magulang. Mula sa pagkakaupo ay lumuhod ito sa upuan at lumingon sa likuran ng sasakyan upang tanawin ang mga magulang na nakikipag-usap sa kung sinong hindi niya kilala roon sa bukid.Ito ang kauna-unahang pagpunta ni Meriah sa probinsya. Ang alam niya lamang ay may bukid sila rito at taniman ng gulay at prutas. At sa mga oras na iyon, sinisisi niya ang mga iyon kung bakit sila naroon ngayon.Nag-uumpisa nang makaramdam ng pagkainis ang batang babae dahil hindi niya akalaing sa ganitong klase pala ng lugar pupunta ang kaniyang mga magulang. Nang magpaiwan naman upang maglaro gamit ang sariling phone, naubusan naman ito ng karga. Ngayon ay wala siyang magawa sa loob ng sasakyan. Sana ay hindi na lamang pala siya nagpumilit na sumama.&nb

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Huling bahagi)

    The day has come. She is now on the bus with James going back to province. It's time to face it. It's time to face them. That's the reality. Her reality.James held her hand tightly. She looked at him."Unang beses," ani James bago niya itinaas ang magkahawak nilang mga kamay at tumingin sa dalaga.Malamig man sa loob ng bus dulot ng aircon, parehas namang dinaanan ng init ang kanilang mga pisngi. Tama, unang beses nilang maghawak ng kamay sa isang ordinaryong sitwasyon. At ang makita pa ang tipid na ngiti ng dalaga habang nakatingin sa kaniya ay sapat na.Meriah felt so safe just by feeling the warmth of his hand. But she felt the butterflies in her tummy when James intertwined their hands. How can she feel safe and giddy at the same time?! Gosh, this man is really driving her crazy!But thanks to him. That way, she forgot how anxious she was."Ate Meriah!"

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-pitong bahagi)

    "If you ever hurt her or try doing something inappropiate to her, keep in mind that I won't let you see her again. At kung susubukan mo pang lumapit sa kaniya matapos mo siyang pabayaan o tarantaduhin, I'm telling you... I can be merciless. Am I getting myself clear?""Hindi ba masyadong maaga para sabihin 'yan?" saad ni Mrs. Buenavidez sa asawa at masuyong iniangkla ang kaniyang braso sa braso ng asawa. "Liligawan pa lang naman ni James ang anak natin. Alam nila 'yan... Right, James?"Matindi ang kalabog ng dibdib ni James hanggang sa pagsapit ng hapon bago niya lisanin ang lugar. Naintindihan naman ni James ang ama ng dalaga. Normal lamang ang ganoong pag-aalala lalo na't nag-iisang babae lamang ang kanilang anak. Ngunit ipinapangako niya sa kaniyang sarili na kung kailangang paghirapan niya ang lahat para kay Meriah, gagawin niya upang mapanatag ang ama nito. Gagawin niya upang mapatunayan ang pagmamahal niya sa anak nito.

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-anim na bahagi)

    "Nice..." Meriah said in astonishment as she checked all of the papers of James one morning. She's getting his mobile number secretly.It's crazy, yes! And it feels illegal as to how embarrassed is she right now. Pero gusto niya lamang magkaroon ng komunikasyon sa binata kapag natapos na ang OJT nila... sana.At ganoon nga ang nangyari.To: James+63920*******HiMeriah waited for almost an hour but she didn't get a reply. What the..."Ano? Tara na!" aya ni Nat kay James isang hapon sa kanilang eskwelahan.Tinigilan ni James ang pagtitig sa nabasang mensahe sa cellphone mula sa 'di kilalang numero. Binura niya iyon at ipinamulsa ang cellphone. Sa tingin naman niya ay hindi iyon mahalaga dahil hindi na nasundan ng tanong o ng kung ano pa ang simpleng "Hi" na natanggap niya.Sumunod na ang binata sa mga kaibigan nito na magpap

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-limang bahagi)

    At that moment, Meriah couldn't believe that her heart could still beat faster and harder than what she's feeling the whole time. He confessed... He just confessed! Her knees are getting weak. She heard it all right, didn't she? Somebody save her! Hihimatayin yata siya!"Hep, hep! Ang tagal mo nang kasayaw si Meriah. I think it's my time..." Talk about timing. It was Klei. Maybe somebody out there heard her. Tss.But does she really want to be saved at that state? They are having the moment!"Oo, magiging oras mo na talaga kung hindi mo kami hahayaan," hindi napigilan ni James na maging sarkastiko sa binatang sumulpot.Halos matawa si Meriah sa sinambit ng kasayaw. She is still not over with his confession and yet she is admiring the obviously pissed off James.This is crazy!Naramdaman naman ni James ang dahan-dahang pagkalaglag ng mga braso ng dalaga mula s

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-apat na bahagi)

    "Oh, James..." wala sa sariling nasabi ng dalaga dahil sa pagkamangha nito. She's looking at him intently when reality hits her. "Wait– you... You! What are you doing– how did you..."Naguguluhan siya. Naguguluhan din ang lahat ng nanonood sa kanila pero hindi alintana nina James at Meriah ang presensya nilang lahat. And once again, James amuses her! The way he chuckled as he slightly looked down, caressed his nape and shook his head a bit to her words... it's so endearing to witness! Why is he so adorable right now?Lingid sa kaalaman ng dalaga na ang dahilan ng bahagyang pagtawa ni James ay dahil ngayon lamang siya nakitang ganoon nito; mulat na mulat ang mga mata, nakataas ang kilay, nakaawang ang labi at akmang hahawak pa sa kaniya dahil sa pagkabigla. Namamangha sa kaniya ang binata 'di lamang dahil sa namumukod tangi niyang ganda sa lugar na iyon ngayon, kung 'di dahil din sa kaniyang naging reaksyon.S

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ikatlong bahagi)

    Samantala, sa bahay ng pamilya Buenavidez... "You're so beautiful, darling." Meriah gazed at her mother through the mirror. She smiled. Her father made a face and said, "Maganda naman talaga ang anak natin lagi." That made her smile grow wider. "Yes, I know. What I'm trying to say is, she will definitely stand out among the crowd tonight." That is what Meriah thinks as she looks at herself in the mirror. Ngayon siya nakaramdam ng hiya dahil ngayon niya na-realize na agaw-pansin ang suot niyang gown. Shining, shimmering, splendid! And the lower part of her gown falls widely around her, wide enough to not accept anybody's hand to dance with her. Perfect! But honestly, she loves how her long hair was curled while the upper half of it was braided loosely. Flower hair accessories that was stuck in her braided hair completed the princess look. Her earrings look like droplets

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ikalawang bahagi)

    "Time really flies so fast," Meriah uttered that afternoon as she started to hear the students talking about the most awaited Valentine ball on her way to the parking lot. She's finally going home after a long day in school. "Ano kaya ang happenings sa ABU kapag February?" she thought as she gazed out of the window of their car, seeing the students having their usual day going out of the university. Talaga bang hindi na niya pinagbabawalan ang sarili niyang isipin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa ABU? It feels brand-new... Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam niya. "Wow..." she said as she stopped from walking in their house. She came home and her huge gown in their living room welcomed her. Tila ba gusto na niya iyong suotin ngayon. "It's silky and shiny and perfectly fits you, hija!" Her Tita Herl said as she turned around and the gown bubbled even more.

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Unang bahagi)

    "Sa nag-iisang dayo na nagbigay-kulay sa ordinaryo kong buhay sa loob ng maikling panahon... Meriah Buenavidez, maligayang kaarawan sa'yo.Kumusta ka? Sana nasa maayos ang kalagayan mo palagi. Masaya ka ba? Sana masaya ka sa araw na ito. Sana araw-araw kang nakangiti. Dahil hindi mo alam kung sinu-sino ang nagkakaroon ng inspirasyong magpatuloy sa araw-araw kapag nasisilayan ang iyong mga ngiti. Kung tatanungin mo kung isa ba ako roon, ang sagot ko ay hindi... Sapat na sa'kin na maging inspirasyon ang malaman na nasa iisang lugar lang tayong dalawa at nagkakasamang muli. At sobra-sobra na sa akin kung ipagkakaloob mo na masilayan kong muli ang iyong mga ngiti.Ang kaligayahan sa puso mo ang pinaka-importante para sa akin. Alam kong nasaktan ka. Mayroong galit sa puso mo... Hayaan mo sanang pasiyahin ka ng mga tao sa paligid mo, oras ang magpapagaling sa nararamdaman mo.Bago matapos ang liham na ito, gusto kong malaman m

DMCA.com Protection Status