Home / All / Patalsikin si Ms. Dayo! / Ika-apat na Kabanata

Share

Ika-apat na Kabanata

Author: magayonloves
last update Last Updated: 2021-06-18 00:16:17

"Ayaw mo na ba talagang sumali ulit?" tanong ni Jef. "Kinukulit ako ni Dean tungkol sa'yo, e. Magpakita ka roon sa office para manahimik na," dagdag niya.

Narito kami sa aming room, maaga sa nakatakdang oras ng susunod na subject. Punuan kasi sa dalawang canteen at mainit kaya nang matapos kumain ay nilisan na namin agad ang lugar. Sa room ay malamig naman kahit palitin na ang aircon. Nakaupo si Jef sa mesa ng professor. Ako naman ay prenteng nakaupo sa unang upuan sa ikalawang hanay nito, nakasandal at naka-unat ang mga binti habang magka-ekis ito.

"Pokus muna ako sa mga major natin," pagpapahayag ko na tigil muna ako sa pagsali sa Quiz Bee. 

Umpisa pa lamang ng unang sem. Third year na kami at dumami pa ang mga major subjects namin kaya naman nagpagpasyahan kong h'wag na munang sumali sa mga kumpetisyon. Wala na akong balak sumali sa ganoon ngunit mapilit ang aming Dean sapagkat walang pumapasa sa kaniyang ibang estudyante sa larangan ng mga kumpetisyon. Sa aming apat nina Jef, Andeng at Nat, ako lang ang tumigil sa pagsali sa kumpetisyon. Hanga ang aming Dean sa grupo namin dahil sa aming teamwork pagdating sa pagre-review at pati mismo sa mga panggrupong kumpetisyon kaya naman nahihirapan siyang humanap ng ipapalit sa akin. 

"Sige, 'tol. Ikaw na lang ang bahala sa mga hindi namin mapapasukang subjects kapag matindi ang review namin," nakangising tugon ni Jef, tila gustong gusto ang naisip. Akala niya ay masisindak ako sa itinalagang responsibilidad sa akin.

Napangisi rin ako at sumagot.

"Sige, 'tol. I-se-send ko sa group chat ang mga notes ko kapag abala kayo sa review."

"Tss!" Napailing ito. "Nasaan ba sina Nat at Andeng? Baka mapilit ka ng dalawang iyon. Iiwan mo pa ako sa dalawa, lalo nang hindi matatahimik ang buhay ko dahil sa lakas ng boses ng mga 'yon." Bahagya akong natawa. 

Mapilit ang dalawa kapag hindi kami sumasang-ayon sa gusto nilang mangyari ngunit hindi ko pa pinapaalam sa kanila ang aking desisyon.

"Kaya ba ayaw mong sumali ay dahil sa CMU gaganapin ulit ang Regional Quiz Bee?" muli niyang tanong at napatingin ako sa kaniya. Naramdaman ko ang pagkunot ng aking noo.

Isang taon na ang nakalipas nang pumunta kami roon. Naging laman sa university newspapers noong panahon na iyon na sa taong ito ay doon magaganap muli ang Regional Quiz Bee dahil naging mas maganda ang presentasyon at daloy ng event kumpara sa mga nakaraan. Kahit ang mga pagkain, na hindi naman kadalasang binabanggit pa sa inilalabas na dyaryo ng unibersidad, ay naroon din at todo ang papuri dahil sa sarap ng mga ito. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung doon gaganaping muli ang kumpetisyon.

"Hindi," sagot ko. "Walang kinalaman 'yon." 

Nakalimutan ko na iyon ngunit siguro'y ayaw ko lamang talaga ang ideya sa pagpunta roon. Hindi ko pa rin gusto ang dating ng mga estudyante sa lugar na iyon.

"Yo, guys!" Dumating na sina Andeng at Nat.

"Saan ba kayo nagpunta? Ang tagal niyo," reklamo ni Jef.

"Matagal ka r'yan!" Umikot pa ang mata nitong si Nat, hindi pinansin ang tanong ni Jef. "Ang aga nga natin dito sa room, e!" Umupo sila sa kahanay kong upuan.

"Tiningnan lang namin 'yong late enrollee. Hindi niyo ba narinig kanina? Usap-usapan 'yon sa canteen kanina dahil gwapo raw," ani Andeng, kulang na lang ay maghugis puso ang mga mata.

"Hindi kami chismoso, e," tugon ni Jef.

"Sus, insecure ka na naman!" ani Nat.

"Baka naman?" singhal ni Jef.

"Ang gwapo-gwapo talaga no'n. Grabe, hanep ang balat! Mas maputi pa sa'kin," sabi pa ni Nat.

"Pamilyar nga siya, e," ani Andeng.

Naramdaman ko ang vibrate ng aking cellphone na nasa loob ng aking backpack at nakapatong sa aking desk. Kinuha ko ito at binasa ang mensahe ng kapatid.

From: Jane

Kuya, natagusan ako!!!! Mag-isa ako rito sa CR, sunduin mo akooo. Hatid mo ako sa bahay, magpapalit ako ng palda. ASAP!

Napailing ako sa nabasa. Nilagay ko sa bulsa ang aking cellphone. Kinapa ko naman ang panyo sa likurang bulsa ng aking slacks at tumayo na. 

"Pabantayan nitong bag ko. Sasaglit lang ako sa bahay," sabi ko.

"Bakit?" tanong ni Nat.

Napaangat naman din ang kilay ng dalawa, nagtatanong ang tingin sa mga mata.

"Si Jane nasa CR, susunduin ko. Nagpapahatid sa bahay dahil namantsahan ang palda. Sasaglitin ko lang," paliwanag ko at mabilis na naglakad patungo sa CR ng mga junior high. May kalayuan dahil college department pa ang pinanggalingan ko.

"Jane," medyo malakas ang boses ko nang tumawag mula sa nakabukas na pinto, sinisipat ang sahig sa bawat cubicle.

"Kuya!" Lumabas ito sa gitnang cubicle. Inilabas ko naman ang panyo kong malaki at iniyakap iyon sa gawing likuran ng palda niya. Iniipit naman niya iyon sa baywang ng kaniyang palda upang hindi mahulog.

"Nakapagpalit ka na ba? May sumasakit ba sa iyo?" tanong ko nang mag-umpisa kaming maglakad.

Sanay na ako sa mga ganiyang pinagdadaanan ng mga babae. Wala ng kaso sa'kin iyon kapag napag-uusapan namin ni Jane o kaya ay nina Andeng at Nat. Sa ganiyang pagkakataon ay nakaalalay ako sa aking kapatid dahil kami lang ang magkasama sa bahay. At hindi ito ang unang beses na mangyari sa kaniya iyan. Kung gumalaw kasi ay parang hindi babae. Ang sarap kutusan kung minsan.

"Tapos na, Kuya. Hmm, hindi naman sumasakit ang puson ko pero may nakahanda na akong gamot."

"Tara na, may klase pa ako," sabi ko at nag-umpisa na maglakad.

"Ako rin kaya, Kuya! Nakakainis!"

Tinungo namin ang parking lot kung saan nakaparada ang aking bike. Tinanggal ko ang pagkakakadena sa pinagpaparadahan nito. Sumakay kami ni Jane at nang paalis na kami, napansin ko ang hindi pamilyar na kotse sa likuran namin kung saan nakahilera ang mga nakaparadang sasakyan. Nakabukas ang bintana nito sa back seat at nagkatinginan kami ng nakasakay doon.

Napakunot ang aking noo nang makalabas kami sa gate.

"Meriah? Siya ba iyon?" tanong ko sa isipan.

Malabo...

+×+×+×+×+×+×+

"What the hell?" I whispered when that man disappeared from my sight.

I lost count on how many times I asked hell on what is it doing with my life. The moment I saw the logo of this school made me sick. I can't believe this. Dito nag-aral si Mommy noon at dito rin ako pag-aaralin ngayon! I'm getting annoyed. Real hell.

If it wasn't because of that fucking mild stroke hindi sana mapapabayaan ni Daddy ang mga business namin last year. Sumabay pa ang mabagal na increase ng sales that time at ang leave ng ilan sa magagaling na empleyado at trabahador ni Dad. And that all caused me para mag-aral dito habang nag-re-recover pa si Dad at ang mga business namin. Ang coffee shops lang ang naasikaso ni Mommy dahil inaasikaso niya rin si Daddy at the same time. Nagtutulong si Mommy at ang secretary ni Dad ngayon while Dad is resting. Kumokonsulta pa rin naman sila kay Dad at dinadala sa bahay ang mga kailangan i-review at pirmahan.

"I'm done! Whoo!" Chustine came back with an envelope that is now empty and a brochure that he's handing me now. 

"What is this?" I asked while taking it. I opened it and look for my new uniform, tss. "Damn!" I exclaimed when I saw my uniform. 

"Bakit?" Nagtataka siya. Suddenly, he opened the door and sat beside me.

I pointed to what I'm looking at. I can't imagine the horror plastered on my face right now. 

"The uniform! It means we have the same course!" I said, more on to myself. I really can't believe this! 

"Sino ba? You knew someone from here?"

"Ugh! Never mind!" I closed my eyes and rest my head. "Tell me this isn't happening," I murmured.

"Well, whatever it is, this is really happening. This way you can help your parents," he proudly said. "I should suggest Tito to just give you 1, 000 for your one week allowance."

I opened my eyes and glared at him.

"What? No! You can't do that! What the actual fuck, Chust? You will not do that!"

"The look!" He laughed. I put my palm on his face and push it. He's making fun of me!

"Tigilan mo ako," I said. I'm problematic here, can't he see?

"Hindi mo pa nga mauubos ang isang libo sa isang linggo kung dito ka mag-aaral," he started. "This is a public school and I'm sure the food here only costs around 30 to 70 pesos. Makakapag-ipon ka pa. Unless you want to eat outside."

I don't know. It depends. I still want to get my whole allowance every month and that is 10, 000.

"Whatever," I just said and rolled my eyes. "Let's go."

I don't want to stay here any longer. Not now. Not ever. This is hell. Hindi ako nababagay dito. That's why pinasama ni Mom sa'kin si Chustine para samahan akong mag-enroll. But ayaw ko talagang bumaba rito sa sasakyan kaya siya na ang nag-enroll sa akin. Hindi talaga pwede 'yon sa university na 'to, kailangan ay ang magiging estudyante ang mag-e-enroll dahil may mga papipirmahan but according to Chustine, when they heard my last name they made an exception. Tss! I knew it. May kinikilingan sila. I could be a bratty brat here if I want and school personnels would still be on my side.

The first semester is already starting and according to my schedule, I have two classes tomorrow afternoon. It's from 2:30 pm to 5:30 pm and 5:30 pm to 8:30 pm. Tss! Boring.

As soon as I got home, kinuha ni Mommy sa akin ang copy ng uniform ko and immediately send it to the office of the dressmaker of our family. I already have the measurements there dahil doon din tinatahi ang mga uniforms ko dati. I'm maintaining my body fitness kaya hindi na kailangang sukatan pa. Sabi raw kay Mommy ay kayang tapusin ang one set of my uniform until tomorrow before lunch so I can wear it on my first day. Geez, I still can't believe that I won't go to CMU anymore.

I think I have to go early tomorrow sa school para hanapin ang magiging classrooms ko dahil hindi ko nilibot ang college department and see where my classrooms are. We have a small house there sa province para may matutuluyan si Mommy at Daddy kapag ginagabi sila roon dahil sa pag-check ng farm at plantations. They both decided na this weekend we will arrange my things there because it's near to the university. It's okay for me to live there for a while, but me being a student in that public school is not okay.

I woke up early today because even in my dream, I am seeing that school. I think that's a nightmare, gosh! And that nightmare will come true this afternoon. 

I did my usual routine in the morning. I wore my uniform immediately when it was delivered to our house by 11:00 am.

"Well, this is the only good in the morning," I murmured while looking in the mirror. 

Seeing myself wearing this uniform made me smile a bit. My blouse and pencil cut skirt that reaches my knees hugs my body a little. One more look in the mirror and I finally went to the dining room.

Mom and Dad are waiting for our maids preparing our lunch when I get there. May tungkod si Daddy dahil hindi maigalaw nang maayos ang kaliwang bahagi ng katawan niya and medyo bulol siya magsalita. It's all because of mild fucking stroke.

I kissed Mom and Dad's cheeks before I sit down. Hindi kasi ako sumabay sa kanilang kumain ng breakfast kanina kaya ngayon ko lang sila nakita. I just ate cereals here in my room.

"Are you ready for your first day?" Mom asked after drinking water.

"Don't ask or I'm gonna ruin our lunch," I just plainly said and eat some more.

"You will enjoy there. You will have a simple life of a college girl." Mom's smiling. "Mababait ang tao roon so mag-behave ka," she added and I didn't say something.

"Baka noong panahon mo pa, Mom?" I wanted to say but I chose to be quiet instead.

I'm aware that I have a bitchy attitude. Well, that's what I became for being the only daughter of this family. Tahimik naman ako. Nagsasalita kapag kailangan. But the toothpick is longer than my patience. That's what I don't like about myself. I seldom buy things for myself but when I really like some stuff, I'll buy it. Name the price.

After we ate, I went up to my room and sprayed my favorite perfume on my neck. I brushed my teeth and put some tint on my lips. Since I'm not in a good mood, I didn't put some effort to do my make up. A decent make up for a student. Deny it or not, it is needed because it's also a practice for our future's career. But today is an exception. Or baka sa mga susunod na araw din.

Public school naman iyon, nothing special. Tss.

After I wear my shoes with 2 inches heels, I decided to go to the living room and say my goodbye's to my parents.

"Okay, take care. Behave and goodluck!"

I kissed their both cheeks before I went inside our car. It's an hour and a half drive kaya naman 12:30 pm ako umalis dito sa amin. Then it hits me! Shit. It's too late pag-uwi ko rito later after class! Damn it.

+×+×+×+×+×+×+

"Ladies and gentlemen," pauna ni Jef. Ang aming presidente sa organisasyon ng Business Administration. "Kailangan na nating mag-umpisang mag-isip ng mga activities para sa foundation week. Halos apat na buwan pa naman bago ang foundation week pero isa na iyon sa inaasikaso ng council kaya kailangan na nating magpasa ng output tungkol sa plano natin."

Nagkaroon na kami ng eleksyon para sa organisasyon ng aming kurso at si Jef muli ang naging presidente at ako naman ay ipinasok niya ngayong taon bilang bise-presidente, na sa kasamaang palad ay nanalo. Ang ibang miyembro ay ang iba pa naming mga kaklase. 

"Kailan ba iyan kailangan?" nagkasabay na tanong ni Andeng at ng isa pang miyembro.

Narito sa meeting namin sina Andeng at Nat. Hindi sila parte ng organisasyon ngunit ayos lamang iyon dahil paminsan-minsa'y tumutulong sila. Ayaw lang daw nila ng pine-pressure sila kaya tinakot nila ang mga estudyante noong eleksyon na h'wag silang iboto nang maging nominado sila dahil sa kagagawan ni Jef. Dating bully ang dalawa kaya naman natakot talaga ang mga estudyante sa aming kurso noong botohan. Nang mapalapit sila sa amin nang husto ni Jef noong nakaraang dalawang taon ay tumigil na sila dahil sa pagsaway namin sa kanila.

"Ang huling pasahan ng output ay sa unang linggong dadaan sa susunod na buwan. Mayroon na lang tayong halos tatlong linggo para gawin 'yan at kailangan natin ng apat na activities. Pwedeng academic or non-academic tulad ng booths or shows," sagot naman ni Jef.

"Bigyan mo sila ng oras, Jef," ani Nat at bumaling sa amin. "Mamaya send niyo na lang sa group chat niyo ang suggestions niyo with descriptions. Meeting adjourned!" deklara ni Nat at muntik na akong matawa.

Nag-angatan naman ang mga kilay ng ibang miyembro habang nakatingin kay Jef, hinihintay ang kaniyang kumpirmasyon sa sinabi ni Nat.

"Ano pa nga ba?" si Jef. "Ang ganda ng pasok mo, e. Ang ganda pa ng pag-dismiss mo," sarkastiko niyang sabi kay Nat. "Sige, sige na! Mamaya na lang sa group chat. H'wag niyong kalimutan," baling niya sa amin.

Nag-alisan naman agad sa pwesto ang iba pang miyembro at kami na lang ang natirang apat dito sa maliit na opisina para organisasyon ng BA.

"Tara, kain pa ulit tayo!" aya ni Nat. "Aga nating kumain ng lunch at kaunti lang ang nakain ko dahil sa pa-meeting niyo."

"Ayun. 'Yon naman pala ang nais kaya malinis ang pag-dismiss!" 

"Nadali mo, Andeng!" At nag-apir pa ang  nagkasundong Nat at Andeng.

"Tara. Ang haba pa ng vacant natin," ako.

Nagtayuan naman kami at kinandado ni Jef ang opisina.

"Sa labas na tayo, nakakaumay na ang pagkain sa canteen."

"Oh, saan naman tayo kakain niyan?" tanong ni Jef nang maghintuan kami sa labas ng gate, hindi alam kung saan pupunta.

"Tara na lang kina James, tutal malapit lang naman at ano'ng oras pa lang ba?" Tumingin si Andeng sa relo nito. "Mag-a-alas dose pa lang pala."

"Bumili na lang tayo ng mga tusok-tusok at doon natin kainin," ani Jef.

"Sige, tara."

Nakarating kami sa amin at nang matapos magsikain sa aming hapag-kainan ay humanap sila ng kaniya-kaniyang pwesto sa sala. Inaantok daw sila. Nag-set na lang ako ng alarm at inilagay sa lamesita sa gitna ang aking cellphone para magising ang lahat kapag ito ay tumunog na. Sa terrace ako pumwesto at sumampa sa pasimano. Humiga ako at ginawang unan ang magkabilang braso.

Pumikit lamang ako at dinama ang simoy ng hangin. Umisip lang ako ng mga activities na pupwedeng isama para sa foundation week hanggang sa bago kami pumasok.

"Nandiyan na raw 'yong bago!"

"Tara, dali, tingnan natin!"

"BA daw 'yon di ba?"

Usap-usapan sa college department ang bagong estudyante pagdating namin doon. Palibhasa'y galing sa pribado at magandang unibersidad kaya interesado ang karamihan. Bakit nga naman lilipat sa hindi sikat at pampublikong paaralan ang isang estudyante kung gayong maayos at pribado ang dati nitong pinapasukan? 

"Akala ko ba ay lalaki ang bago?" tanong ni Andeng.

"Oo nga, e. Babae raw ang nakita nila."

Nang malapit na kami ay nabigla ako sa babaeng pumasok sa aming room. Naramdaman ko ang bahagyang pagkunot ng aking noo. Kahit hindi ito nakatingin o nakaharap sa amin ay sigurado ako sa aking nakita. 

Siya iyon.

"Si Meriah? Siya ang bagong estudyante? At kailan pa ito nag-enroll dito?" tanong sa isipan.

Bigla namang rumehistro sa aking utak ang pagkakakita ko sa kaniya kahapon.

Medyo marami ring tao ang nasa corridor sa labas ng aming room, talagang sinubaybayan ang pagpunta ng bagong estudyante sa room nito.

"Bakit ba ang daming tao rito? Tabi nga!" si Nat. 

Nang makapasok kami sa room mula sa pinto sa likuran ay wala pa ang aming professor. Kaunti pa lang din ang nasa loob ng room dahil medyo maaga pa. Agad namang bumaba ang aking paningin sa babaeng nakasuot ng earphones na nakaupo sa palagi kong pinupwestuhan. Umiba ako ng direksyon at umupo sa kabilang hanay, gawing likuran. Umupo rin ang dalawa maliban kay Andeng. Napansin niya ang pagpapalit namin ng pwesto at nagtatakang tumayo lang sa gilid ko. Magkakatabi kami palagi sa hanay na kinauupuan ni Meriah at kapag ganoon ay pinauupo nila sa ibang pwesto ang sinumang umuupo roon. Karamihan sa kaklase namin ay alam na iyon kaya naman hindi na sila nagtatangka pang umupo sa pwesto namin. Nagkataon lang na may bago sa aming klase simula ngayon.

"Bakit diyan? Di ba lagi tayong sa kanan para tapat sa aircon?" si Andeng. "Tara roon, ako'ng bahala." Napaangat ako ng tingin kay Andeng.

"Ah, ano–," simula niya sa nakatalikod na si Meriah, tila hindi nakita ang nakasuot na earphones sa tenga nito. Mukhang hindi rin inasahan ni Andeng na hindi pala niya ito kilala kaya pumunta pa siya sa gilid nito. "Excuse– ikaw?!" gulat niyang hiyaw.

"Huh?" Napatanggal ng suot niyang earphones si Meriah at napatingin kay Andeng. Nagulat din ang iilan pang kasama namin dito sa loob sa biglaang paghiyaw ni Andeng.

"Siya?!" segunda pa ni Nat kay Andeng nang makita rin nito ang kabuuan ng mukha ni Meriah.

Related chapters

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-limang Kabanata

    Pinatayo ng professor ang bagong estudyante. Marahan itong gumalaw at hindi nawala ang pagka-elegante kahit na nakasuot lamang ito ng uniporme na tama ang hapit sa kaniyang katawan. Inalis ko sa isipan ang ganda ng pigura nito at inalala ang kagaspangan ng kaniyang ugali nang magpakilala ito sa harapan. "For those who didn't know me yet, I am Meriah Buenavidez. 19 years old, turning 20 on November 15," taas-noo nitong pakilala. Hindi maipagkakaila na galing siya sa isang marangyang pamilya dahil sa kutis na tila hindi man lang naranasang mabilad sa araw at masugatan noong kabataan. "What else do you want to know about me?" Tuwid pa rin ang pagkakatayo nito at pinasadahan ng tingin ang tahimik na klase. Halatang sinadya ang hindi nito pagtingin sa akin. "Yabang," bulong ni Nat. "What elso do you want to know about me?" panggagaya niyang may halong panunuya. "Akala naman niya, lahat dito ay gustong malaman kung sino

    Last Updated : 2021-06-23
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-anim na Kabanata

    Inubos ko ang panghuling stick ng isaw na aking kinakain habang tinatanaw ang mga estudyanteng naglalakad sa kalayuan. Ala una y medya pa lamang ay tapos na ang aming una't huling klase. Mag-a-alas tres na at kanina pa ako nagpapalipas ng oras kasama ang mga barkadang nag-re-review dito sa madalas naming tambayan.Kapag ganitong Lunes ay isa lang klase namin. Wala namang masyadong gagawin at mamaya pa ang uwi ni Jane kaya may oras pa ako para sumama sa aking mga kaibigan. Ito ang madalas ko noong hindi magawa dahil laging puno ang aking schedule. Ang mga libreng oras ay napupunta sa review para sa mga quiz bee. Ngayong tinalikuran ko ang pagsali sa mga kumpetisyon ay nagkaroon ako ng panahon para sa aking sarili, iyong wala akong iniintindi.Mayroon dapat kaming meeting para sa foundation week bago sila mag-review ngunit may klase pala ang halos kalahati sa miyembro. Kaya naman diretso review na lamang ang nangyari.

    Last Updated : 2021-06-27
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-pitong Kabanata

    Role play ang ginawa namin para sa aming presentation ngayong Miyerkules. Kahit hindi kumportable, ginawa ko ang aking role. Ako ang nagmarket ng produkto ng aming kumpanya-kuno ni Nat. Papalit-palit ang role ng bawat miyembro sa grupo namin sa limang marketing strategy na aming ginawa.Natapos ang ibang grupo at ang grupo naman nina Meriah ang sumunod. Reporting ang ginawa nila pero tuwing pagkatapos ng kanilang paliwanag ay inaakto nila ang bawat marketing strategy sa ihinayag nilang halimbawa. Si Meriah ang nagpapaliwanag at ang ibang miyembro ang umaakto pagkatapos. Simple ang paraan nila ngunit tuwing nagsasalita si Meriah ay para kaming nakikinig sa isang guest speaker. Malinaw siyang magsalita, tama lang ang accent at lakas ng boses, at may koneksyon siya sa bawat kaklaseng nanonood. Nakamamanghang kabisado niya ang kaniyang mga sinasabi. Iniisip ko nga kung nagkabisado ba siya ng script o inintindi niya lamang ang bawat strategy at ipinaliwanag ito sa sa

    Last Updated : 2021-06-29
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-walong Kabanata

    Huling tingin ko kanina sa orasan ay mag-a-alas kwatro pa lamang, oras nang magmeryenda kami. Oras din nang tumambay ang kaibigan ni Meriah sa sala. Hindi ko alam na sa kwarto pala siya ni Meriah naglagi kanina. Hindi ko rin alam na ayos lang iyon para sa isang tulad ni Meriah. "Gano'n sila kalapit sa isa't isa?" Pinilit kong tanggalin ang nasa isipan. Ang kaalamang iyon ay binagabag ako sa kalagitnaan ng aming ginagawang research. Hindi ko nga alam kung nakatutok pa ba ako ginagawa ko. Nagpapatuloy lang ako kahit nawawala ang aking pokus. Pasado alas sais na nang gabi nang halos matapos namin ang mga kailangan i-research. Hindi namin namalayan ang oras pero ayos na rin iyon dahil nakarami kami ng nagawa. I-e-edit na lamang namin ang aming nagawa kapag natapos nang i-check iyon ng professor bago ito dagdagan. "Manang, salamat po," sabi ko kay Manang Tasing at tiningnan ko ang katabi nit

    Last Updated : 2021-07-07
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-siyam na Kabanata

    Maghapong nagtatalo ang aking isipan kung may dapat akong kampihan sa nangyari o kung dapat ko ring alalahanin si Meriah. Kaya naman nang gabing iyon ay pinadalhan ko ng online message si Meriah at tinanong kung ano ang plano niya. Hindi dahil sa hindi ako makatiis na malaman kung ano'ng iniisip o lagay niya ngayon, ngunit hindi ko rin sigurado sa sarili kung ano ang tunay na dahilan. Kami ang pangunahing kasangkot sa pangyayari noon sa CMU na nagdala sa kaniya ngayon sa kapahamakan. Tingin ko'y may karapatan akong makialam sa kinakaharap niya ngayon. Pero bakit pa nga ba? Alam ko ang ugali niya kaya ano ba itong mga naiisip ko? Hindi ngunit may naging maayos na kaming pag-uusap ay dapat ko nang kalimutan ang nagkukubling ugali sa likod ng naapi niyang itsura kanina. Kaya bakit pa nga ba ako makikialam? Para ano? "Dahil gusto mo siyang iligtas!" Napalingon ako kay Jane na nasa harap ng salamin. Mula rit

    Last Updated : 2021-07-16
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-sampung Kabanata

    Minabuti kong tapusin agad ang seatwork upang abalahin naman ang sarili sa pang-organisasyong gawain."Nat," pagtawag ko. "Nakita mo si Jef?""Alam mo…" umpisa nito. Mukhang alam ko na kung saan na naman patungo ito. "Naturingan kang part ng organization at vice president pa, ha, tapos hindi mo alam kung nasaan president niyo?" Kita mo na. Sabi ko na nga ba. "Nandoon sa office niyo! Explore-explore din kasi! Palitan kita r'yan, e!""Sige lang, sabihin ko kay Jef," tugon ko.Alam naman nilang ayaw kong nasasali sa organisasyon o kung anu-ano pang kinakailangan na may posisyon. Mabuti nga't ginagampanan ko ang tungkulin kahit hindi buo ang aking loob sa pagkakasali sa organisasyong ito."Joke lang! Ayaw ko na ng dagdag pang intindihin sa buhay!"Nagtungo ako sa opisina namin at doon ay nakita ang hinahanap na si Jef. Ipinasa ko ang kabuuan ng output na t

    Last Updated : 2021-07-17
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-labing isang Kabanata

    Habang nakatayo sa harapan ng kaibigan ni Meriah at pinagmamasdang mabuti ang ekspresyon nito sa paghihintay, minabuti kong kalmahin ang sarili mula sa iritasyon na nararamdaman. Kung hindi lang sana ako nautusan para ipasa sa Dean ang attendance ng buong third year BA students, hindi sana ako mahuhuli para rito."Hindi sinasagot ni Meriah ang phone niya, e," ani Leslie nang maka-isang missed call sa cellphone ng kaibigan."Sige, salamat. Ako na'ng bahala," sabi ko na lang at nagmadaling lumabas para sundan siya.Naabutan ko siyang nakatingin kanina sa tatlong council student at nang umalis ang mga iyon ay umalis din siya. Marahil ay para sundan, pero bakit? Noong oras na iyon ay hindi ko alam ang sinabi niya kay Leslie kaya naman nagtaka ako at umabot pa nga sa puntong ito, na hinahanap ko siya ngayon. Pero sino naman ang tutulungan niya?Kanina base sa mga tingin niya, mukha siyang atentibo s

    Last Updated : 2021-07-18
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-labing dalawang Kabanata

    "May iba sa'yo!" puna ni Andeng nang magkita-kita kami pagkatapos silang gawaran ng award. Nilingon naman ako ng dalawa at ininspeksyon ako. "Kung anu-ano na namang pinapansin mo," pabirong singhal ko at sinabayan sila sa paglalakad palabas ng auditorium. "Oo nga, parang ang gaan ng mood mo today! Hindi nakalinya 'yang kilay mo tulad ng lagi mong ekspresyon na seryoso!" segunda ni Nat. "May nakitang chiks 'yan kaya gan'yan," naka-angkla na ang braso ni Andeng kay Nat at binibigyang konklusyon ang kung anong napansin sa akin. Patuloy nila akong sinulyap-sulyapang dalawa. Napa-buntong hininga ako at mabagal silang inilingan, nagkukunwaring nadismaya sa iniisip nila. Minsan din talaga para silang si Jane kung mag-isip. "Lagi namang gan'yan ang sinasabi niyo kapag maliwanag ang mukha nitong si James, e. Pero may napatunayan ba kayong may chiks nga?" N

    Last Updated : 2021-07-19

Latest chapter

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Espesyal na Kabanata

    "Aw!" nasambit ng batang si Meriah nang mamatay bigla ang gamit nitong phone.Naroon siyang mag-isa sa loob ng kanilang sasakyan dahil ayaw niyang bumaba at sumama sa kaniyang mga magulang. Mula sa pagkakaupo ay lumuhod ito sa upuan at lumingon sa likuran ng sasakyan upang tanawin ang mga magulang na nakikipag-usap sa kung sinong hindi niya kilala roon sa bukid.Ito ang kauna-unahang pagpunta ni Meriah sa probinsya. Ang alam niya lamang ay may bukid sila rito at taniman ng gulay at prutas. At sa mga oras na iyon, sinisisi niya ang mga iyon kung bakit sila naroon ngayon.Nag-uumpisa nang makaramdam ng pagkainis ang batang babae dahil hindi niya akalaing sa ganitong klase pala ng lugar pupunta ang kaniyang mga magulang. Nang magpaiwan naman upang maglaro gamit ang sariling phone, naubusan naman ito ng karga. Ngayon ay wala siyang magawa sa loob ng sasakyan. Sana ay hindi na lamang pala siya nagpumilit na sumama.&nb

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Huling bahagi)

    The day has come. She is now on the bus with James going back to province. It's time to face it. It's time to face them. That's the reality. Her reality.James held her hand tightly. She looked at him."Unang beses," ani James bago niya itinaas ang magkahawak nilang mga kamay at tumingin sa dalaga.Malamig man sa loob ng bus dulot ng aircon, parehas namang dinaanan ng init ang kanilang mga pisngi. Tama, unang beses nilang maghawak ng kamay sa isang ordinaryong sitwasyon. At ang makita pa ang tipid na ngiti ng dalaga habang nakatingin sa kaniya ay sapat na.Meriah felt so safe just by feeling the warmth of his hand. But she felt the butterflies in her tummy when James intertwined their hands. How can she feel safe and giddy at the same time?! Gosh, this man is really driving her crazy!But thanks to him. That way, she forgot how anxious she was."Ate Meriah!"

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-pitong bahagi)

    "If you ever hurt her or try doing something inappropiate to her, keep in mind that I won't let you see her again. At kung susubukan mo pang lumapit sa kaniya matapos mo siyang pabayaan o tarantaduhin, I'm telling you... I can be merciless. Am I getting myself clear?""Hindi ba masyadong maaga para sabihin 'yan?" saad ni Mrs. Buenavidez sa asawa at masuyong iniangkla ang kaniyang braso sa braso ng asawa. "Liligawan pa lang naman ni James ang anak natin. Alam nila 'yan... Right, James?"Matindi ang kalabog ng dibdib ni James hanggang sa pagsapit ng hapon bago niya lisanin ang lugar. Naintindihan naman ni James ang ama ng dalaga. Normal lamang ang ganoong pag-aalala lalo na't nag-iisang babae lamang ang kanilang anak. Ngunit ipinapangako niya sa kaniyang sarili na kung kailangang paghirapan niya ang lahat para kay Meriah, gagawin niya upang mapanatag ang ama nito. Gagawin niya upang mapatunayan ang pagmamahal niya sa anak nito.

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-anim na bahagi)

    "Nice..." Meriah said in astonishment as she checked all of the papers of James one morning. She's getting his mobile number secretly.It's crazy, yes! And it feels illegal as to how embarrassed is she right now. Pero gusto niya lamang magkaroon ng komunikasyon sa binata kapag natapos na ang OJT nila... sana.At ganoon nga ang nangyari.To: James+63920*******HiMeriah waited for almost an hour but she didn't get a reply. What the..."Ano? Tara na!" aya ni Nat kay James isang hapon sa kanilang eskwelahan.Tinigilan ni James ang pagtitig sa nabasang mensahe sa cellphone mula sa 'di kilalang numero. Binura niya iyon at ipinamulsa ang cellphone. Sa tingin naman niya ay hindi iyon mahalaga dahil hindi na nasundan ng tanong o ng kung ano pa ang simpleng "Hi" na natanggap niya.Sumunod na ang binata sa mga kaibigan nito na magpap

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-limang bahagi)

    At that moment, Meriah couldn't believe that her heart could still beat faster and harder than what she's feeling the whole time. He confessed... He just confessed! Her knees are getting weak. She heard it all right, didn't she? Somebody save her! Hihimatayin yata siya!"Hep, hep! Ang tagal mo nang kasayaw si Meriah. I think it's my time..." Talk about timing. It was Klei. Maybe somebody out there heard her. Tss.But does she really want to be saved at that state? They are having the moment!"Oo, magiging oras mo na talaga kung hindi mo kami hahayaan," hindi napigilan ni James na maging sarkastiko sa binatang sumulpot.Halos matawa si Meriah sa sinambit ng kasayaw. She is still not over with his confession and yet she is admiring the obviously pissed off James.This is crazy!Naramdaman naman ni James ang dahan-dahang pagkalaglag ng mga braso ng dalaga mula s

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-apat na bahagi)

    "Oh, James..." wala sa sariling nasabi ng dalaga dahil sa pagkamangha nito. She's looking at him intently when reality hits her. "Wait– you... You! What are you doing– how did you..."Naguguluhan siya. Naguguluhan din ang lahat ng nanonood sa kanila pero hindi alintana nina James at Meriah ang presensya nilang lahat. And once again, James amuses her! The way he chuckled as he slightly looked down, caressed his nape and shook his head a bit to her words... it's so endearing to witness! Why is he so adorable right now?Lingid sa kaalaman ng dalaga na ang dahilan ng bahagyang pagtawa ni James ay dahil ngayon lamang siya nakitang ganoon nito; mulat na mulat ang mga mata, nakataas ang kilay, nakaawang ang labi at akmang hahawak pa sa kaniya dahil sa pagkabigla. Namamangha sa kaniya ang binata 'di lamang dahil sa namumukod tangi niyang ganda sa lugar na iyon ngayon, kung 'di dahil din sa kaniyang naging reaksyon.S

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ikatlong bahagi)

    Samantala, sa bahay ng pamilya Buenavidez... "You're so beautiful, darling." Meriah gazed at her mother through the mirror. She smiled. Her father made a face and said, "Maganda naman talaga ang anak natin lagi." That made her smile grow wider. "Yes, I know. What I'm trying to say is, she will definitely stand out among the crowd tonight." That is what Meriah thinks as she looks at herself in the mirror. Ngayon siya nakaramdam ng hiya dahil ngayon niya na-realize na agaw-pansin ang suot niyang gown. Shining, shimmering, splendid! And the lower part of her gown falls widely around her, wide enough to not accept anybody's hand to dance with her. Perfect! But honestly, she loves how her long hair was curled while the upper half of it was braided loosely. Flower hair accessories that was stuck in her braided hair completed the princess look. Her earrings look like droplets

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ikalawang bahagi)

    "Time really flies so fast," Meriah uttered that afternoon as she started to hear the students talking about the most awaited Valentine ball on her way to the parking lot. She's finally going home after a long day in school. "Ano kaya ang happenings sa ABU kapag February?" she thought as she gazed out of the window of their car, seeing the students having their usual day going out of the university. Talaga bang hindi na niya pinagbabawalan ang sarili niyang isipin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa ABU? It feels brand-new... Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam niya. "Wow..." she said as she stopped from walking in their house. She came home and her huge gown in their living room welcomed her. Tila ba gusto na niya iyong suotin ngayon. "It's silky and shiny and perfectly fits you, hija!" Her Tita Herl said as she turned around and the gown bubbled even more.

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Unang bahagi)

    "Sa nag-iisang dayo na nagbigay-kulay sa ordinaryo kong buhay sa loob ng maikling panahon... Meriah Buenavidez, maligayang kaarawan sa'yo.Kumusta ka? Sana nasa maayos ang kalagayan mo palagi. Masaya ka ba? Sana masaya ka sa araw na ito. Sana araw-araw kang nakangiti. Dahil hindi mo alam kung sinu-sino ang nagkakaroon ng inspirasyong magpatuloy sa araw-araw kapag nasisilayan ang iyong mga ngiti. Kung tatanungin mo kung isa ba ako roon, ang sagot ko ay hindi... Sapat na sa'kin na maging inspirasyon ang malaman na nasa iisang lugar lang tayong dalawa at nagkakasamang muli. At sobra-sobra na sa akin kung ipagkakaloob mo na masilayan kong muli ang iyong mga ngiti.Ang kaligayahan sa puso mo ang pinaka-importante para sa akin. Alam kong nasaktan ka. Mayroong galit sa puso mo... Hayaan mo sanang pasiyahin ka ng mga tao sa paligid mo, oras ang magpapagaling sa nararamdaman mo.Bago matapos ang liham na ito, gusto kong malaman m

DMCA.com Protection Status