Home / YA/TEEN / Patalsikin si Ms. Dayo! / Ika-siyam na Kabanata

Share

Ika-siyam na Kabanata

Author: magayonloves
last update Last Updated: 2021-07-16 01:36:06

Maghapong nagtatalo ang aking isipan kung may dapat akong kampihan sa nangyari o kung dapat ko ring alalahanin si Meriah. Kaya naman nang gabing iyon ay pinadalhan ko ng online message si Meriah at tinanong kung ano ang plano niya. Hindi dahil sa hindi ako makatiis na malaman kung ano'ng iniisip o lagay niya ngayon, ngunit hindi ko rin sigurado sa sarili kung ano ang tunay na dahilan. Kami ang pangunahing kasangkot sa pangyayari noon sa CMU na nagdala sa kaniya ngayon sa kapahamakan. Tingin ko'y may karapatan akong makialam sa kinakaharap niya ngayon. Pero bakit pa nga ba? 

Alam ko ang ugali niya kaya ano ba itong mga naiisip ko? Hindi ngunit may naging maayos na kaming pag-uusap ay dapat ko nang kalimutan ang nagkukubling ugali sa likod ng naapi niyang itsura kanina. Kaya bakit pa nga ba ako makikialam? Para ano? 

"Dahil gusto mo siyang iligtas!" Napalingon ako kay Jane na nasa harap ng salamin.

Mula rit

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-sampung Kabanata

    Minabuti kong tapusin agad ang seatwork upang abalahin naman ang sarili sa pang-organisasyong gawain."Nat," pagtawag ko. "Nakita mo si Jef?""Alam mo…" umpisa nito. Mukhang alam ko na kung saan na naman patungo ito. "Naturingan kang part ng organization at vice president pa, ha, tapos hindi mo alam kung nasaan president niyo?" Kita mo na. Sabi ko na nga ba. "Nandoon sa office niyo! Explore-explore din kasi! Palitan kita r'yan, e!""Sige lang, sabihin ko kay Jef," tugon ko.Alam naman nilang ayaw kong nasasali sa organisasyon o kung anu-ano pang kinakailangan na may posisyon. Mabuti nga't ginagampanan ko ang tungkulin kahit hindi buo ang aking loob sa pagkakasali sa organisasyong ito."Joke lang! Ayaw ko na ng dagdag pang intindihin sa buhay!"Nagtungo ako sa opisina namin at doon ay nakita ang hinahanap na si Jef. Ipinasa ko ang kabuuan ng output na t

    Last Updated : 2021-07-17
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-labing isang Kabanata

    Habang nakatayo sa harapan ng kaibigan ni Meriah at pinagmamasdang mabuti ang ekspresyon nito sa paghihintay, minabuti kong kalmahin ang sarili mula sa iritasyon na nararamdaman. Kung hindi lang sana ako nautusan para ipasa sa Dean ang attendance ng buong third year BA students, hindi sana ako mahuhuli para rito."Hindi sinasagot ni Meriah ang phone niya, e," ani Leslie nang maka-isang missed call sa cellphone ng kaibigan."Sige, salamat. Ako na'ng bahala," sabi ko na lang at nagmadaling lumabas para sundan siya.Naabutan ko siyang nakatingin kanina sa tatlong council student at nang umalis ang mga iyon ay umalis din siya. Marahil ay para sundan, pero bakit? Noong oras na iyon ay hindi ko alam ang sinabi niya kay Leslie kaya naman nagtaka ako at umabot pa nga sa puntong ito, na hinahanap ko siya ngayon. Pero sino naman ang tutulungan niya?Kanina base sa mga tingin niya, mukha siyang atentibo s

    Last Updated : 2021-07-18
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-labing dalawang Kabanata

    "May iba sa'yo!" puna ni Andeng nang magkita-kita kami pagkatapos silang gawaran ng award. Nilingon naman ako ng dalawa at ininspeksyon ako. "Kung anu-ano na namang pinapansin mo," pabirong singhal ko at sinabayan sila sa paglalakad palabas ng auditorium. "Oo nga, parang ang gaan ng mood mo today! Hindi nakalinya 'yang kilay mo tulad ng lagi mong ekspresyon na seryoso!" segunda ni Nat. "May nakitang chiks 'yan kaya gan'yan," naka-angkla na ang braso ni Andeng kay Nat at binibigyang konklusyon ang kung anong napansin sa akin. Patuloy nila akong sinulyap-sulyapang dalawa. Napa-buntong hininga ako at mabagal silang inilingan, nagkukunwaring nadismaya sa iniisip nila. Minsan din talaga para silang si Jane kung mag-isip. "Lagi namang gan'yan ang sinasabi niyo kapag maliwanag ang mukha nitong si James, e. Pero may napatunayan ba kayong may chiks nga?" N

    Last Updated : 2021-07-19
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-labing tatlong Kabanata

    Ito na yata ang pinakamaayos na takbo ng aking araw mula nang dumating si Meriah dito sa ABU. Maganda ang naging paggising, maagang nakapasok, sigurado ang naging mga sagot sa quiz at inaprubahan ng professor ang aming gawa sa research paper. Ngayon naman ay magagandang bagay ang naririnig ko. "Totoo? Tinulungan ni Meriah ang mga council?" "Oo, 'yon ang sabi ni Levy. Mas maganda pa nga raw ang kalidad ng trophy at medals kaysa sa lagi nilang pinagpapagawaan." "Okay naman pala si Meriah, e." Pinagpatuloy ko ang pagkain. Narito kami sa canteen para sa tanghalian. Gutom ang dalawa kaya tahimik ang naging pagkain namin, dahilan upang marinig ko ang usap-usapan sa gawing likuran. Ngunit kahit gaano pa rin kapayapa ang daloy ng oras, mayroon pa ring kung sinong puro negatibo ang hatid ng presensya. "Naku, pakitang tao lang 'yan. Malamang n'yan napilitan

    Last Updated : 2021-07-20
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-labing apat na Kabanata

    "Suggestion nga iyon ni Chustine. Alam mo na, laking syudad kaya maraming alam na gano'ng lugar. Pero pinag-iisipan pa naman," paliwanag ni Levy.Tutal ay nag-aaya naman daw ng hang out si Chustine, mabuting isabay na ang selebrasyon para sa tagumpay ng event."Titingnan ko pa kung may makakasama ang kapatid ko sa bahay sa gabing 'yon.""Sige, isasali na kita sa group chat mamaya para alam mo 'yong mga napag-uusapan."Palabas na kami ng unibersidad nina Jef, Nat at Andeng para umuwi nang makasalubong ko si Levy malapit sa gate. Agad niyang binuksan ang usapan tungkol sa selebrasyon kaya naman pinauna ko na ang tatlo dahil tatawid pa sila sa kabila ng kalsada upang mag-pa-print ng survey forms nila.Tinapik ako ni Levy sa balikat nang matapos ang pag-uusap. Nang makalabas, sinipat ko ang tatlo mula sa pagitan ng mga nagdadaanang sasakyan at nakitang naroon pa sila. Maraming estudy

    Last Updated : 2021-07-22
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-labing limang Kabanata

    "Salamat po," pasasalamat ko sa librarian nang matapos ako sa pagsasagawa ng survey sa library.Apat na oras akong naglagi sa library sa pagpapasagot ng survey forms sa mga estudyanteng nagdadatingan. Ang payo ni Meriah ay kahit ibang kurso, basta pumapasok sa klase ng business management, maaari kong pasagutan. Naisip kong tama naman siya kaya ginawa ko. Mabuti ay natapos ko iyon sa isang hapon nang maaga kaming natapos sa klase.Nang sumunod na araw ay napagpasyahan namin ni Meriah na roon gawin sa aming tambayan ang pag-ta-tally ng resulta sa isinagawang survey."Hindi ko nakikita si Leslie," pagbubukas ko ng kaswal na usapan."Business trip," tipid niyang sagot nang hindi tumitingin sa akin.Marahan ang tipid kong pagtango nang sulyapan ko siya dahil akala ko ay hindi na niya dudugtungan pa ang kaniyang sinabi. "Her mother introduced her to the world of business," tulad

    Last Updated : 2021-07-23
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-labing anim na Kabanata

    "Fine." Lilingunin ko sana ang nagsalitang si Meriah ngunit nilagpasan na ako nito.Napatitig na lamang ako sa palayo niyang likod, hindi buo sa loob kung ano ang dapat gawin."Oh–," hindi naituloy ni Jef ang anumang sasabihin nang lagpasan din sila ni Meriah. "Ano'ng nangyari?" baling nito sa'kin, ilang hakbang pa upang marating ko ang distansya sa pagitan namin."Lumalabas na ang totoong ugali," sa halip ay si Andeng ang sumagot na siya kong nilingon.Nag-iwas ito ng tingin nang makitang wala ako sa kondisyon para sa mga ganoong linya nila.Sa klase ay patuloy na naging okupado ang aking isipan. Hindi ako mapakali dahil sa nangyaring hindi pagkakaintindihan."Siya? Walang kwenta? Iyon ba ang naging dating sa kaniya ng aking ginawa?" paulit-ulit kong tanong sa isipan.Nang dahil sa namumuong pakiramdam ko para sa kaniya, kaakibat n

    Last Updated : 2021-07-26
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-labing pitong Kabanata

    Nag-alok kami ng tulong kay Manang Tasing sa kaniyang pagluluto ngunit tinanggihan niya kami. Sabi niya ay mas mapapadali kung siya na ang gagawa lahat. Kaya heto kami ngayon sa sala, dinadaldal ni Jane si Meriah."Ngayon lang talaga kita nakita, Ate Meriah."Nakaupo ako sa dulong bahagi ng sofa habang ang kapatid ay sa kabilang dulong bahagi nito, malapit kay Meriah na nakaupo sa pang-isahang upuan na sofa."I was enrolled on the third week of June," tugon ni Meriah. "I'm just a new student."Inabot ko ang basong may lamang juice sa lamesita upang inumin habang nakikinig sa kanila."Oh, kaya pala," tumatangong sabi ni Jane bago iniba ang usapan. "Parang hindi naman pang-public school ang beauty mo, Ate."Muntik na akong masamid dahil sa sinabi ng kapatid."Really?" May multo na ng ngiti sa labi ni Meriah nang sulyapan ko ito. "Well, I wa

    Last Updated : 2021-07-29

Latest chapter

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Espesyal na Kabanata

    "Aw!" nasambit ng batang si Meriah nang mamatay bigla ang gamit nitong phone.Naroon siyang mag-isa sa loob ng kanilang sasakyan dahil ayaw niyang bumaba at sumama sa kaniyang mga magulang. Mula sa pagkakaupo ay lumuhod ito sa upuan at lumingon sa likuran ng sasakyan upang tanawin ang mga magulang na nakikipag-usap sa kung sinong hindi niya kilala roon sa bukid.Ito ang kauna-unahang pagpunta ni Meriah sa probinsya. Ang alam niya lamang ay may bukid sila rito at taniman ng gulay at prutas. At sa mga oras na iyon, sinisisi niya ang mga iyon kung bakit sila naroon ngayon.Nag-uumpisa nang makaramdam ng pagkainis ang batang babae dahil hindi niya akalaing sa ganitong klase pala ng lugar pupunta ang kaniyang mga magulang. Nang magpaiwan naman upang maglaro gamit ang sariling phone, naubusan naman ito ng karga. Ngayon ay wala siyang magawa sa loob ng sasakyan. Sana ay hindi na lamang pala siya nagpumilit na sumama.&nb

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Huling bahagi)

    The day has come. She is now on the bus with James going back to province. It's time to face it. It's time to face them. That's the reality. Her reality.James held her hand tightly. She looked at him."Unang beses," ani James bago niya itinaas ang magkahawak nilang mga kamay at tumingin sa dalaga.Malamig man sa loob ng bus dulot ng aircon, parehas namang dinaanan ng init ang kanilang mga pisngi. Tama, unang beses nilang maghawak ng kamay sa isang ordinaryong sitwasyon. At ang makita pa ang tipid na ngiti ng dalaga habang nakatingin sa kaniya ay sapat na.Meriah felt so safe just by feeling the warmth of his hand. But she felt the butterflies in her tummy when James intertwined their hands. How can she feel safe and giddy at the same time?! Gosh, this man is really driving her crazy!But thanks to him. That way, she forgot how anxious she was."Ate Meriah!"

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-pitong bahagi)

    "If you ever hurt her or try doing something inappropiate to her, keep in mind that I won't let you see her again. At kung susubukan mo pang lumapit sa kaniya matapos mo siyang pabayaan o tarantaduhin, I'm telling you... I can be merciless. Am I getting myself clear?""Hindi ba masyadong maaga para sabihin 'yan?" saad ni Mrs. Buenavidez sa asawa at masuyong iniangkla ang kaniyang braso sa braso ng asawa. "Liligawan pa lang naman ni James ang anak natin. Alam nila 'yan... Right, James?"Matindi ang kalabog ng dibdib ni James hanggang sa pagsapit ng hapon bago niya lisanin ang lugar. Naintindihan naman ni James ang ama ng dalaga. Normal lamang ang ganoong pag-aalala lalo na't nag-iisang babae lamang ang kanilang anak. Ngunit ipinapangako niya sa kaniyang sarili na kung kailangang paghirapan niya ang lahat para kay Meriah, gagawin niya upang mapanatag ang ama nito. Gagawin niya upang mapatunayan ang pagmamahal niya sa anak nito.

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-anim na bahagi)

    "Nice..." Meriah said in astonishment as she checked all of the papers of James one morning. She's getting his mobile number secretly.It's crazy, yes! And it feels illegal as to how embarrassed is she right now. Pero gusto niya lamang magkaroon ng komunikasyon sa binata kapag natapos na ang OJT nila... sana.At ganoon nga ang nangyari.To: James+63920*******HiMeriah waited for almost an hour but she didn't get a reply. What the..."Ano? Tara na!" aya ni Nat kay James isang hapon sa kanilang eskwelahan.Tinigilan ni James ang pagtitig sa nabasang mensahe sa cellphone mula sa 'di kilalang numero. Binura niya iyon at ipinamulsa ang cellphone. Sa tingin naman niya ay hindi iyon mahalaga dahil hindi na nasundan ng tanong o ng kung ano pa ang simpleng "Hi" na natanggap niya.Sumunod na ang binata sa mga kaibigan nito na magpap

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-limang bahagi)

    At that moment, Meriah couldn't believe that her heart could still beat faster and harder than what she's feeling the whole time. He confessed... He just confessed! Her knees are getting weak. She heard it all right, didn't she? Somebody save her! Hihimatayin yata siya!"Hep, hep! Ang tagal mo nang kasayaw si Meriah. I think it's my time..." Talk about timing. It was Klei. Maybe somebody out there heard her. Tss.But does she really want to be saved at that state? They are having the moment!"Oo, magiging oras mo na talaga kung hindi mo kami hahayaan," hindi napigilan ni James na maging sarkastiko sa binatang sumulpot.Halos matawa si Meriah sa sinambit ng kasayaw. She is still not over with his confession and yet she is admiring the obviously pissed off James.This is crazy!Naramdaman naman ni James ang dahan-dahang pagkalaglag ng mga braso ng dalaga mula s

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-apat na bahagi)

    "Oh, James..." wala sa sariling nasabi ng dalaga dahil sa pagkamangha nito. She's looking at him intently when reality hits her. "Wait– you... You! What are you doing– how did you..."Naguguluhan siya. Naguguluhan din ang lahat ng nanonood sa kanila pero hindi alintana nina James at Meriah ang presensya nilang lahat. And once again, James amuses her! The way he chuckled as he slightly looked down, caressed his nape and shook his head a bit to her words... it's so endearing to witness! Why is he so adorable right now?Lingid sa kaalaman ng dalaga na ang dahilan ng bahagyang pagtawa ni James ay dahil ngayon lamang siya nakitang ganoon nito; mulat na mulat ang mga mata, nakataas ang kilay, nakaawang ang labi at akmang hahawak pa sa kaniya dahil sa pagkabigla. Namamangha sa kaniya ang binata 'di lamang dahil sa namumukod tangi niyang ganda sa lugar na iyon ngayon, kung 'di dahil din sa kaniyang naging reaksyon.S

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ikatlong bahagi)

    Samantala, sa bahay ng pamilya Buenavidez... "You're so beautiful, darling." Meriah gazed at her mother through the mirror. She smiled. Her father made a face and said, "Maganda naman talaga ang anak natin lagi." That made her smile grow wider. "Yes, I know. What I'm trying to say is, she will definitely stand out among the crowd tonight." That is what Meriah thinks as she looks at herself in the mirror. Ngayon siya nakaramdam ng hiya dahil ngayon niya na-realize na agaw-pansin ang suot niyang gown. Shining, shimmering, splendid! And the lower part of her gown falls widely around her, wide enough to not accept anybody's hand to dance with her. Perfect! But honestly, she loves how her long hair was curled while the upper half of it was braided loosely. Flower hair accessories that was stuck in her braided hair completed the princess look. Her earrings look like droplets

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ikalawang bahagi)

    "Time really flies so fast," Meriah uttered that afternoon as she started to hear the students talking about the most awaited Valentine ball on her way to the parking lot. She's finally going home after a long day in school. "Ano kaya ang happenings sa ABU kapag February?" she thought as she gazed out of the window of their car, seeing the students having their usual day going out of the university. Talaga bang hindi na niya pinagbabawalan ang sarili niyang isipin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa ABU? It feels brand-new... Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam niya. "Wow..." she said as she stopped from walking in their house. She came home and her huge gown in their living room welcomed her. Tila ba gusto na niya iyong suotin ngayon. "It's silky and shiny and perfectly fits you, hija!" Her Tita Herl said as she turned around and the gown bubbled even more.

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Unang bahagi)

    "Sa nag-iisang dayo na nagbigay-kulay sa ordinaryo kong buhay sa loob ng maikling panahon... Meriah Buenavidez, maligayang kaarawan sa'yo.Kumusta ka? Sana nasa maayos ang kalagayan mo palagi. Masaya ka ba? Sana masaya ka sa araw na ito. Sana araw-araw kang nakangiti. Dahil hindi mo alam kung sinu-sino ang nagkakaroon ng inspirasyong magpatuloy sa araw-araw kapag nasisilayan ang iyong mga ngiti. Kung tatanungin mo kung isa ba ako roon, ang sagot ko ay hindi... Sapat na sa'kin na maging inspirasyon ang malaman na nasa iisang lugar lang tayong dalawa at nagkakasamang muli. At sobra-sobra na sa akin kung ipagkakaloob mo na masilayan kong muli ang iyong mga ngiti.Ang kaligayahan sa puso mo ang pinaka-importante para sa akin. Alam kong nasaktan ka. Mayroong galit sa puso mo... Hayaan mo sanang pasiyahin ka ng mga tao sa paligid mo, oras ang magpapagaling sa nararamdaman mo.Bago matapos ang liham na ito, gusto kong malaman m

DMCA.com Protection Status