Home / All / Patalsikin si Ms. Dayo! / Ikatlong Kabanata

Share

Ikatlong Kabanata

Author: magayonloves
last update Last Updated: 2021-05-20 00:20:06

"Kuya!" Dinungaw ko ang aking kapatid mula rito sa terrace habang pababa siya ng hagdan. "Tapos na akong mag-ayos, tara na!"

Dalawampung minuto na lang ay mag-uumpisa na ang misa, iyon siguro ang inaalala niya dahil kulang iyon kung gagamitin namin ang bisikleta papunta roon. Nang makarating ito sa kinaroroonan ko ay tinaasan ako nito ng isang kilay. Marahil ay nagtataka dahil sa hindi ko pagmamadali.

Nakasuot siya ng bestida at sandals para sa paa habang ako naman ay nakasuot ng polo shirt, kupas na pantalon at sneakers na sapatos na nabili pa noong nakaraang dalawang taon.

"Sasakay tayo ng tricycle," sabi ko at tumayo sa pagkakaupo sa pasimano.

"Oh? Sasakay pala tayo ng tricycle, hindi mo sinabi agad!"

"Kung sinabi ko, hindi ka magmamadali. Lagi tayong nauubusan ng mauupuan," tugon ko nang may mapaglarong ngisi sa labi habang naglalakad kami palabas sa munti naming tarangkahan.

Natawa lang ito.

"Saan mo nga pala gusto? Kakain tayo sa labas pagkatapos ng simba," sabi ko, naalala si Mama na sana ay kasama namin ngunit nasa ibang bansa.

"Hmm, teka," aniya at nag-isip.

Sana narito rin si Mama at hindi lang ang perang ipinadala niya ang kasama namin. 

Nagpadala ng sampung libo si Mama kahapon nang malaman kay Jane na isa ako sa nanalo sa kumpetisyon. May dagdag kumpara sa palagi niyang padala sa amin. Nag-abala pa si Mama. Sana ay isinama na lang niya sa kaniyang ipon ang idinagdag niya sa pinadalang pera sa amin. May natitira pa naman kaming panggastos sa bahay at mayroon pa kaming allowance ni Jane. May ipon din ako na pupwede ko namang bawasan upang ipangkain namin ni Jane sa labas bilang panlilibre ko sa kaniya. Hindi naman ganoon kalaki ang kumpanyang pinagtatrabahuhan niya roon at sa factory pa siya mismo nagtatrabaho kaya hindi ganoon kalaki ang pasahod. Sapat na para bumuhay sa maliit na pamilya at mapag-aral kami sa pampublikong paaralan.

Maayos naman ang sistema ng edukasyon at pamamalakad sa aming unibersidad kaya makakaasa si Mama na maayos ang pagtatapusan namin ni Jane kahit na ito ay public school.

Pumara ako ng tricycle nang makita itong paparating. Pinauna kong papasukin si Jane sa loob at sumunod naman ako.

"Hindi ko pa rin alam, Kuya, kung saan mismo kakain pero mamili na lang tayo mamaya doon sa bayan. Hile-hilera naman ang kainan doon," sagot niya.

"Sa Simbahan ho," sabi ko sa driver bago bumaling sa kapatid. "Akala ko ay lalayo pa tayo kaya ka natagalan sa pag-iisip."

Nais niyang makakaing muli sa siyudad, 'yan ang bukambibig niya palagi dahil ilang taon na ang nakalipas nang huli kaming kumain doon. Kasama pa namin si Mama at si Papa.

Tatlo na lang kami ngayon sa aming pamilya dahil patay na si Papa kaya si Mama na lang ang bumubuhay sa amin. Mabuti ay tinawagan siya sa pinag-apply-an niya online na siyang pinagtatrabahuhan niya ngayon, ilang buwan lang ang nakalipas matapos mamatay ni Papa. Sa paraan na 'yon ay nabaling ni Mama ang labis na kalungkutan sa paghahanap-buhay. Kumikita pa siya nang maayos.

"Sa susunod na lang, Kuya, kapag nandito na si Mama. Noong nakaraan naman ay nakakain ako sa food court ng CMU. Sa siyudad din naman iyon kaya ayos na rin sa akin. Pakiramdam ko ay high class na estudyante ako noong mga panahon na 'yon!" nangingiti niyang sambit.

Pangarap niyang mag-aral doon ng kolehiyo. Ayaw ko sana ngunit totoong mas maganda ang edukasyon doon kumpara sa Andres Bonifacio University. Kapag doon siya nagtapos ay siguradong mas matayog pa ang maaabot niya kaysa sa akin. Kaya naman pagsusumikapan ko talagang magtrabaho at umpisahang mag-ipon para sa pagkokolehiyo niya. Higit limampung-libong piso ang tuition fee sa unang antas ng kolehiyo roon sabi nina Andeng at Nat, tataas pa iyon kada taon. Sa ikatlo at ika-apat na taon ay umaabot daw ng daang-libo ang tuition fee dahil sa mga seminar na ginaganap kadalasan sa mga hotel at malalaking convention hall at sa OJT. Kakayanin naman siguro namin ni Mama ang tuition fee kapag pinagsama ang aming kita at ipon.

Ang hindi ko lang sigurado ay ang mga taong makakasalamuha niya roon. Hindi ko gusto ang karakas ng mga estudyante sa lugar na iyon. Maaaring magkaroon agad ng kaibigan si Jane dahil natural na palakaibigan ito at walang pinipiling tao, ngunit madali itong maaya at maimpluwensiyahan. Iyon ang hindi maganda sa ugali niya kung sa maling tao mapapalapit. Bulgar pa naman ang karamihan sa mga tao roon. Ang naobserbahan ko pa noong naroon kami sa unibersidad na iyon ay mukhang nagpapamahalan sa mga gamit ang karamihan sa estudyante. At baka dahil sa ganoong uri ng kapaligiran ay matuto ang kapatid kong mag-asam ng mamahaling gamit. Ibang iba sa kinasanayan namin. Kaya hindi pa rin talaga ako palagay sa ideyang doon niya gustong mag-aral. 

"Salamat ho," sabi ko matapos iabot sa driver ang bente pesos.

Marami ng tao nang makapasok kami sa Simbahan. Sa gitna kami nakahanap ng pwesto. Ikinalma ko ang aking utak pag-upo namin. Ipagpapasa-Diyos ko na lamang ang aking mga naiisip at hahayaan ang gusto Niyang mangyari.

+×+×+×+×+×+×+

"What happened?!" I burst out when I saw my father lying on the floor with his head shaking a little. Nang malapitan ko pa ay nakita kong tumitirik ang mga mata nito.

Lots of people are around him. Mayroong nakahawak sa mga braso niya at sa ulo niya. I can hear their voices, panicking about the situation. I ran and shoved them off, trying to do something about the condition of my father.

"Dad! Dad!" I'm tapping his cheek. "Oh, God! What's happening?!" 

I don't know what to do! I'm just watching them carry my father as I cry. I'm finally hearing an ambulance outside and I feel so helpless while following them. 

I was happy a while ago, thinking that I will finally get my allowance this week from Dad. I am here in our building in the province, one hour and a half away from the city and I was waiting for him at the lobby because he's on his meeting. I don't want to stay in his boring office. Mababaliw lang ako roon mag-isa. Then it happened. Someone from their meeting went down while shouting my father's name, saying that he collapsed.

I was about to go inside the ambulance when Mom crossed my mind. She needs to know about this! That's when I realized that I don't have my bag with me. Oh, hell! I left it in the lobby, damn it!

I gently pulled Dad's secretary, which happens to be Chustine's father, towards the ambulance.

"Just go to the hospital now and stay with him. I'll call my Mom first. Send me the directions to the hospital." Can't believe I managed to stay calm when I said that to him.

I headed towards the entrance of our building to get my bag but then the receptionist is already walking towards me, holding my bag. I reached for it and find my phone in it while walking to the parking lot.

Now I'm waiting for Mom to answer my call. I wiped my wet cheeks caused by the tears. I'm not crying anymore, but the nervousness I'm feeling didn't lessen. 

"Mom... Mom! Why aren't you answering my damn call..." I murmured impatiently. I tried to call her again.

Damn! Where's Kuya Lando?! I'm here beside our car and he's nowhere to be found!

I marched angrily to God-knows-where to find that son-of-a-gun driver while I still hold the phone to my ear! I can hear my stilletos tapping on the ground and it's annoying me! I can't fucking run wearing this footwear! Ugh!

"Ouch! Damn! Watch where you're going!" I exclaimed when someone bumped at me.

"Ikaw ang tumingin sa dinadaanan mo, ha! Hindi ngunit mayaman ka, e, aastahan mo na ako nang gan'yan!"

"Ugh!" I just groaned and didn't argue much with that old woman. "Wala bang taxi rito?!" I burst out, tearing up already and not minding those people watching me.

I stopped calling Mom and called Kuya Lando instead. He's making me furious!

"Ano ba'ng problema mo?" Someone showed up in front of me. Furrowed brows and gritting teeth of a man welcomed my sight.

What?! 

"Leave me alone!" Nilagpasan ko siya. Bakit ba 'to nandito?! "Where the fuck are you?! We have to go!" I exclaimed the moment Kuya Lando answered my call.

I turned around and was about to go back to the parking lot when I bumped to this man's chest.

"What the hell? I almost drop my phone! Why is he following me?!" Even in my mind I'm still screaming. I need a little peace right now for Pete's sake!

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo lagi." He caught my full attention because of his low but authoritative voice. I'm looking at his eyes and I saw rage in it. It's drowning my energy.

"What now? Are you going to scold me?!"

He is staring at me intently but his expressions softens a little, probably saw that I'm not up for his litanies.

But proceeded anyway. "Wala ka man lang galang sa matanda at hindi pa nanghingi ng pasensya, samantalang ikaw itong may kasalanan. Sa akin ayos pa, pero iyon? Matanda 'yon, Meriah. Gan'yan ka ba talaga?" What he said echoes in my head.

What...

I looked around. I don't know what to say. I'm starting to feel that today, the world is against me.

"I–," I closed my eyes for a second and calmed myself. "I don't have time for this, please..." I just said and walked out, feeling drained and defeated. My focus is on what's happening to my father and I don't need someone lecturing me aside from my father.

I need my Dad...

I received a message from my father's assistant. I opened it while on my way back to the parking lot.

"Thank God!" I almost shouted when I saw Kuya Lando in the parking lot going to our car. 

I handed my phone to Kuya Lando when I went inside our car, letting him read the directions.

"Ma'am, may tawag po," he handed back my phone to me and saw that Mom's calling.

"Mom–," I started but she interrupted me and said that she already knew and that she's now on her way to the hospital. She's not crying and she's calm. But you can sense that she's worrying and I don't know why but a new batch of tears is now on the verge of falling from my eyes. "I'm on my way din," I choked. She said that everything is going to be alright and I shouldn't worry that much because Dad is a fighter. I nodded as if she's looking at me. "Right, take care," I said, almost a whisper.

That's the time I felt how drained I am. I'm tired.

Now I am thinking... My mother is so strong. I wish I could be like her. She can remain calm in this kind of situation while my heart is still raising because of Dad's condition. My hands are still trembling. Kulang na lang ay magwala ako kanina. Kung may haharang sa daraanan ko ay wala akong pakialam kung ano ang masasabi ko sa kanila. I'm worried as hell and I won't entertain or tolerate those kind of hindrance on my way. Bakit kapag may hindi magandang nangyayari ay ginagalit pa ako ng mga tao sa paligid ko?

I leaned my head back and tried to focus on my breathing. I need to calm down. But I closed my eyes when I felt my tears coming up again. I'm angry. I'm nervous. I'm afraid. I can't calm down! The hell with this situation! 

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo lagi. Wala ka man lang galang sa matanda at hindi pa nanghingi ng pasensya, samantalang ikaw itong may kasalanan. Sa akin ayos pa, pero iyon? Matanda 'yon, Meriah. Gan'yan ka ba talaga?" Naalala ko na naman ang sinabi niya. I unintentionally memorized every single word he said earlier. His words were sharp and I wasn't ready for it. It slapped me.

I felt warm liquid falling down to my cheeks. Hindi pa rin nagpapigil kahit nakapikit ako, bwisit! I feel so weak. Bakit ba sabay-sabay itong mga hindi magandang pangyayari sa buhay ko?! 

"Are you punishing me? Huh?" I asked God in my mind. 

I wiped my tears once again.

+×+×+×+×+×+

"Tagal mo ah, napanis na ako rito," si Jane.

"Oo, ang baho mo," pagsakay ko sa sinabi niya habang umuupo sa katapat niyang upuan.

Nasa isang restaurant kami ngayon. Hindi ito gaanong magarbo ngunit may maganda itong ambiance dahil parang vintage ang tema ng lugar. Matagal ko nang nakikita ang restaurant na ito at minsang nasilip ang kabuuan ng loob dahil madalas akong magawi rito sa bayan. Noong nakaraang taon ito itinayo at talaga namang mabilis na sumikat. Hindi lamang agad namin nasubukang kumain dito.

"Baka naman," aniya. "Bakit ka natagalan? Tumae ka, 'no?"

"Sira, hindi. May makarinig sa'yo d'yan... May nakasalubong lang akong kakilala," tugon ko. May pila sa banyo kaya sa banyo sa gasolinahan ako nagpunta. 

At hindi ko inasahang makikita ko siya rito sa probinsya...

Muli kong tinanaw ang building ng mga Buenavidez sa hindi kalayuan at inalala ang nangyari kanina. Sino ba siya? Bakit naroon siya?

Nilabas ko ang cellphone mula sa bulsa at nagsearch sa g****e.

Daughter of  the Buenavidez 

Nakumpirma ko ang nasa isip nang makita ang buong pangalan at larawan ni Meriah H. Buenavidez. Siya pala ang nag-iisang anak ng mga Buenavidez. Tagapagmana ba siya?

Siya naman pala ang nagmamay-ari ng pinakamalaki at kilalang kilala na building dito sa bayan. Sa pagkakaalam ko marami pa silang pagmamay-ari na ganoong katatayog na building. Kaya naman pala ganoon makaasta, hayop sa yaman ang pamilya.

At kahit sa muli naming pagkikita ay ganoong ugali pa rin ang makikita ko sa kaniya. Wala na talagang pag-asa ang isang iyon.

Wala sa sarili akong napailing at itinagong muli ang cellphone. Naalala ko ang namumula niyang ilong at namumulang mata kanina. May nangyari ba?

"Ano ba'ng sa'yo, Kuya? Hindi ka pa ba gutom at may time ka pang tumulala d'yan sa labas? Tutulungan mo pa kaya ako sa assignment ko pag-uwi natin," aniya. Tiningnan ko naman ang menu sa mesa ko at napaubo. "Wala akong oras sa trip mong 'yan, Kuya," natatawa pa niyang dagdag.

"I don't have time for this," umalingawngaw ang boses ni Meriah sa isipan ko nang mapagtantong may pagkakapareho iyon sa huling sinabi ni Jane.

"Huy, Kuya! Ano na? Tulala ka na naman! Sinabi na ngang wala akong time sa trip mong pagtulala na 'yan!" Napahilamos ako sa mukha at ibinalik ang sarili sa pagpili ng kakainin.

"Ito na lang," sabi ko at itinuro ang nakitang pagkain na isa sa mga mura, hindi na nag-abalang basahin pa ang pangalan. Hindi naman ako maselan sa pagkain at restaurant naman ito, tiyak na masarap iyon. "Ikaw na ang bahala sa drinks."

May pagdududa ang tingin sa akin ni Jane.

"May nangyari ba?" 

"Wala. H'wag mo akong intindihin," sabi ko at sumenyas sa serbidor upang lumapit.

Napatingin ako sa aking kapatid at nakita pa rin ang pagdududa sa mata niya.

"Bakit ka ba gan'yan?" muli pa niyang tanong ngunit nakalapit na ang serbidor at hiningi ang order namin.

Tumingin na lang ako sa labas at huli na nang rumehistro sa utak ang tanong ng kapatid.

"Gan'yan ka ba talaga?" narinig ko naman ang sarili kong boses sa isipan wala pang kalahating oras ang nakalipas, inaalala ang ekspresyon sa mukha ni Meriah.

Para bang pinaglalaruan ako at pinapaalala sa akin ang nangyari kanina.

"Binabagabag ba ako dahil sa panghihimasok ko sa kaniya kanina? Bakit ganoon ang itsura niya? Ano ba talaga ang nangyari at bakit ganoon ang nakita ko sa mga mata niya? Natakot ko ba siya?" Ayaw tumahimik ng aking isipan.

Ngunit hindi siya ang tipo ng babaeng magpapasindak sa isang katulad ko lang. Napatunayan ko na iyon. Ano kaya ang nangyari?

Nang makauwi sa bahay, agad namang ihinanda ni Jane ang mga homework niya sa sala. Habang hinihintay siya sa mga parte na kailangan niya ng tulong, naupo lamang ako at nag-browse sa aking cellphone. Maya-maya, isang headline ng article ang nakakuha ng atensyon ko...

"Kuya, heto– kuya? Napa'no ka d'yan?"

Isinugod sa ospital ang tatay ni Meriah? Kaya ba ganoon siya kanina?

"Mali ba ako ng ginawa kanina?" Halos mabagabag ako sa tanong na iyan sa aking isip sa buong oras ng pagtulong ko kay Jane sa kaniyang homework. 

"Asar..." Hindi ko na napigilang isatinig ang aking nararamdaman dahil hatinggabi na, hindi pa rin maalis sa utak ko ang mga nangyari kanina sa bayan.

Antok na antok na ako pero tuwing pipikit ako, biglang nagpapakita sa aking isip ang mukha ni Meriah. Ang mukha niya na kung ngayon ko aalalahanin ay hindi lang galit ang makikita, may takot din at pangamba. Bakit hindi ko iyon pinansin kanina?

Asar na asar na ako. Bakit ba ako apektado? Hindi ko naman alam na ganoon ang nangyari. Bakit ba kasi namakialam pa ako? 'Tang-ina, ngayon lang ako napaisip nang ganito.

"Uy, puyat ka yata," ani Andeng nang magkasabay kaming maglakad papasok sa aming unibersidad kinabukasan.

"Medyo lang." Napatakip ako ng aking bibig nang bigla akong mapahikab.

"Ang lala ng eyebags mo. Tara, uminom muna tayo ng kape sa canteen," aya niya.

Tumingin ako sa aking relo at nagsalita. "May pinapagawa sa'kin si Jef sa office ngayon, medyo mahuhuli raw siya ng pasok."

Naabutan ko pa siyang gising bandang alas dos nang madaling araw at nakisuyo sa akin na ihanda ang mga bagay na ginamit namin noong nakaraang taon sa mga events. Nalalapit na naman ang eleksyon ng bawat department at kailangang linisin ang opisina.

"Saglit lang naman. Ako'ng bahala kay Jef. Libre ko na, dali." Kumapit pa siya sa braso ko at inumpisahan akong hilahin papunta sa direksyon ng canteen.

"Pa'no pa nga? Hinihila mo na 'ko."

"Gusto mo lang ng libre, e."

Napangisi ako. Uminom na ako ng kape kanina nang magising ako, sadyang hindi lang siguro mawala-wala ang antok ko. At mukhang gusto lang din talaga ni Andeng bumili sa canteen. Wala ako sa wisyo para magpapilit kaya hinayaan ko na siya.

"Ako na," pangunguna kong magbayad ng kape namin nang aktong kukuha ng pera si Andeng sa kaniyang pitaka.

"Naks! Salamat."

Pupunta na sana kami sa isa sa mga upuan sa loob ng canteen dala ang aming aming kape at iba pang biniling pagkain ni Andeng ngunit pagtalikod namin ay muntik na akong mabangga ng isang estudyante.

"Ay, sorry po!"

"Muntik ka pang matapunan," puna ni Andeng bago tingnan ang babaeng nakapila pala sa likuran namin. "Ingat sa susunod, Ate girl."

Nag-uumpisa pa lang ang araw ko pero pabagsak na ang talukap ng mata ko. Pero halos mawala bigla ang aking antok nang mapagtanto ang nangyaring insidente pagkaupo namin ni Andeng.

May naalala akong bigla...

"Watch where you're going, Mister! Ugh! My frappe!" sigaw niya sabay pinagpag ang tumapong frappe sa damit niya. Paniguradong kape ang flavor dahil sa amoy. 

Meriah...

Related chapters

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-apat na Kabanata

    "Ayaw mo na ba talagang sumali ulit?" tanong ni Jef. "Kinukulit ako ni Dean tungkol sa'yo, e. Magpakita ka roon sa office para manahimik na," dagdag niya. Narito kami sa aming room, maaga sa nakatakdang oras ng susunod na subject. Punuan kasi sa dalawang canteen at mainit kaya nang matapos kumain ay nilisan na namin agad ang lugar. Sa room ay malamig naman kahit palitin na ang aircon. Nakaupo si Jef sa mesa ng professor. Ako naman ay prenteng nakaupo sa unang upuan sa ikalawang hanay nito, nakasandal at naka-unat ang mga binti habang magka-ekis ito. "Pokus muna ako sa mga major natin," pagpapahayag ko na tigil muna ako sa pagsali sa Quiz Bee. Umpisa pa lamang ng unang sem. Third year na kami at dumami pa ang mga major subjects namin kaya naman nagpagpasyahan kong h'wag na munang sumali sa mga kumpetisyon. Wala na akong balak sumali sa ganoon ngunit mapilit ang aming Dean sapagkat walang pumapasa sa kaniyang i

    Last Updated : 2021-06-18
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-limang Kabanata

    Pinatayo ng professor ang bagong estudyante. Marahan itong gumalaw at hindi nawala ang pagka-elegante kahit na nakasuot lamang ito ng uniporme na tama ang hapit sa kaniyang katawan. Inalis ko sa isipan ang ganda ng pigura nito at inalala ang kagaspangan ng kaniyang ugali nang magpakilala ito sa harapan. "For those who didn't know me yet, I am Meriah Buenavidez. 19 years old, turning 20 on November 15," taas-noo nitong pakilala. Hindi maipagkakaila na galing siya sa isang marangyang pamilya dahil sa kutis na tila hindi man lang naranasang mabilad sa araw at masugatan noong kabataan. "What else do you want to know about me?" Tuwid pa rin ang pagkakatayo nito at pinasadahan ng tingin ang tahimik na klase. Halatang sinadya ang hindi nito pagtingin sa akin. "Yabang," bulong ni Nat. "What elso do you want to know about me?" panggagaya niyang may halong panunuya. "Akala naman niya, lahat dito ay gustong malaman kung sino

    Last Updated : 2021-06-23
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-anim na Kabanata

    Inubos ko ang panghuling stick ng isaw na aking kinakain habang tinatanaw ang mga estudyanteng naglalakad sa kalayuan. Ala una y medya pa lamang ay tapos na ang aming una't huling klase. Mag-a-alas tres na at kanina pa ako nagpapalipas ng oras kasama ang mga barkadang nag-re-review dito sa madalas naming tambayan.Kapag ganitong Lunes ay isa lang klase namin. Wala namang masyadong gagawin at mamaya pa ang uwi ni Jane kaya may oras pa ako para sumama sa aking mga kaibigan. Ito ang madalas ko noong hindi magawa dahil laging puno ang aking schedule. Ang mga libreng oras ay napupunta sa review para sa mga quiz bee. Ngayong tinalikuran ko ang pagsali sa mga kumpetisyon ay nagkaroon ako ng panahon para sa aking sarili, iyong wala akong iniintindi.Mayroon dapat kaming meeting para sa foundation week bago sila mag-review ngunit may klase pala ang halos kalahati sa miyembro. Kaya naman diretso review na lamang ang nangyari.

    Last Updated : 2021-06-27
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-pitong Kabanata

    Role play ang ginawa namin para sa aming presentation ngayong Miyerkules. Kahit hindi kumportable, ginawa ko ang aking role. Ako ang nagmarket ng produkto ng aming kumpanya-kuno ni Nat. Papalit-palit ang role ng bawat miyembro sa grupo namin sa limang marketing strategy na aming ginawa.Natapos ang ibang grupo at ang grupo naman nina Meriah ang sumunod. Reporting ang ginawa nila pero tuwing pagkatapos ng kanilang paliwanag ay inaakto nila ang bawat marketing strategy sa ihinayag nilang halimbawa. Si Meriah ang nagpapaliwanag at ang ibang miyembro ang umaakto pagkatapos. Simple ang paraan nila ngunit tuwing nagsasalita si Meriah ay para kaming nakikinig sa isang guest speaker. Malinaw siyang magsalita, tama lang ang accent at lakas ng boses, at may koneksyon siya sa bawat kaklaseng nanonood. Nakamamanghang kabisado niya ang kaniyang mga sinasabi. Iniisip ko nga kung nagkabisado ba siya ng script o inintindi niya lamang ang bawat strategy at ipinaliwanag ito sa sa

    Last Updated : 2021-06-29
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-walong Kabanata

    Huling tingin ko kanina sa orasan ay mag-a-alas kwatro pa lamang, oras nang magmeryenda kami. Oras din nang tumambay ang kaibigan ni Meriah sa sala. Hindi ko alam na sa kwarto pala siya ni Meriah naglagi kanina. Hindi ko rin alam na ayos lang iyon para sa isang tulad ni Meriah. "Gano'n sila kalapit sa isa't isa?" Pinilit kong tanggalin ang nasa isipan. Ang kaalamang iyon ay binagabag ako sa kalagitnaan ng aming ginagawang research. Hindi ko nga alam kung nakatutok pa ba ako ginagawa ko. Nagpapatuloy lang ako kahit nawawala ang aking pokus. Pasado alas sais na nang gabi nang halos matapos namin ang mga kailangan i-research. Hindi namin namalayan ang oras pero ayos na rin iyon dahil nakarami kami ng nagawa. I-e-edit na lamang namin ang aming nagawa kapag natapos nang i-check iyon ng professor bago ito dagdagan. "Manang, salamat po," sabi ko kay Manang Tasing at tiningnan ko ang katabi nit

    Last Updated : 2021-07-07
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-siyam na Kabanata

    Maghapong nagtatalo ang aking isipan kung may dapat akong kampihan sa nangyari o kung dapat ko ring alalahanin si Meriah. Kaya naman nang gabing iyon ay pinadalhan ko ng online message si Meriah at tinanong kung ano ang plano niya. Hindi dahil sa hindi ako makatiis na malaman kung ano'ng iniisip o lagay niya ngayon, ngunit hindi ko rin sigurado sa sarili kung ano ang tunay na dahilan. Kami ang pangunahing kasangkot sa pangyayari noon sa CMU na nagdala sa kaniya ngayon sa kapahamakan. Tingin ko'y may karapatan akong makialam sa kinakaharap niya ngayon. Pero bakit pa nga ba? Alam ko ang ugali niya kaya ano ba itong mga naiisip ko? Hindi ngunit may naging maayos na kaming pag-uusap ay dapat ko nang kalimutan ang nagkukubling ugali sa likod ng naapi niyang itsura kanina. Kaya bakit pa nga ba ako makikialam? Para ano? "Dahil gusto mo siyang iligtas!" Napalingon ako kay Jane na nasa harap ng salamin. Mula rit

    Last Updated : 2021-07-16
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-sampung Kabanata

    Minabuti kong tapusin agad ang seatwork upang abalahin naman ang sarili sa pang-organisasyong gawain."Nat," pagtawag ko. "Nakita mo si Jef?""Alam mo…" umpisa nito. Mukhang alam ko na kung saan na naman patungo ito. "Naturingan kang part ng organization at vice president pa, ha, tapos hindi mo alam kung nasaan president niyo?" Kita mo na. Sabi ko na nga ba. "Nandoon sa office niyo! Explore-explore din kasi! Palitan kita r'yan, e!""Sige lang, sabihin ko kay Jef," tugon ko.Alam naman nilang ayaw kong nasasali sa organisasyon o kung anu-ano pang kinakailangan na may posisyon. Mabuti nga't ginagampanan ko ang tungkulin kahit hindi buo ang aking loob sa pagkakasali sa organisasyong ito."Joke lang! Ayaw ko na ng dagdag pang intindihin sa buhay!"Nagtungo ako sa opisina namin at doon ay nakita ang hinahanap na si Jef. Ipinasa ko ang kabuuan ng output na t

    Last Updated : 2021-07-17
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-labing isang Kabanata

    Habang nakatayo sa harapan ng kaibigan ni Meriah at pinagmamasdang mabuti ang ekspresyon nito sa paghihintay, minabuti kong kalmahin ang sarili mula sa iritasyon na nararamdaman. Kung hindi lang sana ako nautusan para ipasa sa Dean ang attendance ng buong third year BA students, hindi sana ako mahuhuli para rito."Hindi sinasagot ni Meriah ang phone niya, e," ani Leslie nang maka-isang missed call sa cellphone ng kaibigan."Sige, salamat. Ako na'ng bahala," sabi ko na lang at nagmadaling lumabas para sundan siya.Naabutan ko siyang nakatingin kanina sa tatlong council student at nang umalis ang mga iyon ay umalis din siya. Marahil ay para sundan, pero bakit? Noong oras na iyon ay hindi ko alam ang sinabi niya kay Leslie kaya naman nagtaka ako at umabot pa nga sa puntong ito, na hinahanap ko siya ngayon. Pero sino naman ang tutulungan niya?Kanina base sa mga tingin niya, mukha siyang atentibo s

    Last Updated : 2021-07-18

Latest chapter

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Espesyal na Kabanata

    "Aw!" nasambit ng batang si Meriah nang mamatay bigla ang gamit nitong phone.Naroon siyang mag-isa sa loob ng kanilang sasakyan dahil ayaw niyang bumaba at sumama sa kaniyang mga magulang. Mula sa pagkakaupo ay lumuhod ito sa upuan at lumingon sa likuran ng sasakyan upang tanawin ang mga magulang na nakikipag-usap sa kung sinong hindi niya kilala roon sa bukid.Ito ang kauna-unahang pagpunta ni Meriah sa probinsya. Ang alam niya lamang ay may bukid sila rito at taniman ng gulay at prutas. At sa mga oras na iyon, sinisisi niya ang mga iyon kung bakit sila naroon ngayon.Nag-uumpisa nang makaramdam ng pagkainis ang batang babae dahil hindi niya akalaing sa ganitong klase pala ng lugar pupunta ang kaniyang mga magulang. Nang magpaiwan naman upang maglaro gamit ang sariling phone, naubusan naman ito ng karga. Ngayon ay wala siyang magawa sa loob ng sasakyan. Sana ay hindi na lamang pala siya nagpumilit na sumama.&nb

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Huling bahagi)

    The day has come. She is now on the bus with James going back to province. It's time to face it. It's time to face them. That's the reality. Her reality.James held her hand tightly. She looked at him."Unang beses," ani James bago niya itinaas ang magkahawak nilang mga kamay at tumingin sa dalaga.Malamig man sa loob ng bus dulot ng aircon, parehas namang dinaanan ng init ang kanilang mga pisngi. Tama, unang beses nilang maghawak ng kamay sa isang ordinaryong sitwasyon. At ang makita pa ang tipid na ngiti ng dalaga habang nakatingin sa kaniya ay sapat na.Meriah felt so safe just by feeling the warmth of his hand. But she felt the butterflies in her tummy when James intertwined their hands. How can she feel safe and giddy at the same time?! Gosh, this man is really driving her crazy!But thanks to him. That way, she forgot how anxious she was."Ate Meriah!"

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-pitong bahagi)

    "If you ever hurt her or try doing something inappropiate to her, keep in mind that I won't let you see her again. At kung susubukan mo pang lumapit sa kaniya matapos mo siyang pabayaan o tarantaduhin, I'm telling you... I can be merciless. Am I getting myself clear?""Hindi ba masyadong maaga para sabihin 'yan?" saad ni Mrs. Buenavidez sa asawa at masuyong iniangkla ang kaniyang braso sa braso ng asawa. "Liligawan pa lang naman ni James ang anak natin. Alam nila 'yan... Right, James?"Matindi ang kalabog ng dibdib ni James hanggang sa pagsapit ng hapon bago niya lisanin ang lugar. Naintindihan naman ni James ang ama ng dalaga. Normal lamang ang ganoong pag-aalala lalo na't nag-iisang babae lamang ang kanilang anak. Ngunit ipinapangako niya sa kaniyang sarili na kung kailangang paghirapan niya ang lahat para kay Meriah, gagawin niya upang mapanatag ang ama nito. Gagawin niya upang mapatunayan ang pagmamahal niya sa anak nito.

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-anim na bahagi)

    "Nice..." Meriah said in astonishment as she checked all of the papers of James one morning. She's getting his mobile number secretly.It's crazy, yes! And it feels illegal as to how embarrassed is she right now. Pero gusto niya lamang magkaroon ng komunikasyon sa binata kapag natapos na ang OJT nila... sana.At ganoon nga ang nangyari.To: James+63920*******HiMeriah waited for almost an hour but she didn't get a reply. What the..."Ano? Tara na!" aya ni Nat kay James isang hapon sa kanilang eskwelahan.Tinigilan ni James ang pagtitig sa nabasang mensahe sa cellphone mula sa 'di kilalang numero. Binura niya iyon at ipinamulsa ang cellphone. Sa tingin naman niya ay hindi iyon mahalaga dahil hindi na nasundan ng tanong o ng kung ano pa ang simpleng "Hi" na natanggap niya.Sumunod na ang binata sa mga kaibigan nito na magpap

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-limang bahagi)

    At that moment, Meriah couldn't believe that her heart could still beat faster and harder than what she's feeling the whole time. He confessed... He just confessed! Her knees are getting weak. She heard it all right, didn't she? Somebody save her! Hihimatayin yata siya!"Hep, hep! Ang tagal mo nang kasayaw si Meriah. I think it's my time..." Talk about timing. It was Klei. Maybe somebody out there heard her. Tss.But does she really want to be saved at that state? They are having the moment!"Oo, magiging oras mo na talaga kung hindi mo kami hahayaan," hindi napigilan ni James na maging sarkastiko sa binatang sumulpot.Halos matawa si Meriah sa sinambit ng kasayaw. She is still not over with his confession and yet she is admiring the obviously pissed off James.This is crazy!Naramdaman naman ni James ang dahan-dahang pagkalaglag ng mga braso ng dalaga mula s

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-apat na bahagi)

    "Oh, James..." wala sa sariling nasabi ng dalaga dahil sa pagkamangha nito. She's looking at him intently when reality hits her. "Wait– you... You! What are you doing– how did you..."Naguguluhan siya. Naguguluhan din ang lahat ng nanonood sa kanila pero hindi alintana nina James at Meriah ang presensya nilang lahat. And once again, James amuses her! The way he chuckled as he slightly looked down, caressed his nape and shook his head a bit to her words... it's so endearing to witness! Why is he so adorable right now?Lingid sa kaalaman ng dalaga na ang dahilan ng bahagyang pagtawa ni James ay dahil ngayon lamang siya nakitang ganoon nito; mulat na mulat ang mga mata, nakataas ang kilay, nakaawang ang labi at akmang hahawak pa sa kaniya dahil sa pagkabigla. Namamangha sa kaniya ang binata 'di lamang dahil sa namumukod tangi niyang ganda sa lugar na iyon ngayon, kung 'di dahil din sa kaniyang naging reaksyon.S

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ikatlong bahagi)

    Samantala, sa bahay ng pamilya Buenavidez... "You're so beautiful, darling." Meriah gazed at her mother through the mirror. She smiled. Her father made a face and said, "Maganda naman talaga ang anak natin lagi." That made her smile grow wider. "Yes, I know. What I'm trying to say is, she will definitely stand out among the crowd tonight." That is what Meriah thinks as she looks at herself in the mirror. Ngayon siya nakaramdam ng hiya dahil ngayon niya na-realize na agaw-pansin ang suot niyang gown. Shining, shimmering, splendid! And the lower part of her gown falls widely around her, wide enough to not accept anybody's hand to dance with her. Perfect! But honestly, she loves how her long hair was curled while the upper half of it was braided loosely. Flower hair accessories that was stuck in her braided hair completed the princess look. Her earrings look like droplets

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ikalawang bahagi)

    "Time really flies so fast," Meriah uttered that afternoon as she started to hear the students talking about the most awaited Valentine ball on her way to the parking lot. She's finally going home after a long day in school. "Ano kaya ang happenings sa ABU kapag February?" she thought as she gazed out of the window of their car, seeing the students having their usual day going out of the university. Talaga bang hindi na niya pinagbabawalan ang sarili niyang isipin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa ABU? It feels brand-new... Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam niya. "Wow..." she said as she stopped from walking in their house. She came home and her huge gown in their living room welcomed her. Tila ba gusto na niya iyong suotin ngayon. "It's silky and shiny and perfectly fits you, hija!" Her Tita Herl said as she turned around and the gown bubbled even more.

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Unang bahagi)

    "Sa nag-iisang dayo na nagbigay-kulay sa ordinaryo kong buhay sa loob ng maikling panahon... Meriah Buenavidez, maligayang kaarawan sa'yo.Kumusta ka? Sana nasa maayos ang kalagayan mo palagi. Masaya ka ba? Sana masaya ka sa araw na ito. Sana araw-araw kang nakangiti. Dahil hindi mo alam kung sinu-sino ang nagkakaroon ng inspirasyong magpatuloy sa araw-araw kapag nasisilayan ang iyong mga ngiti. Kung tatanungin mo kung isa ba ako roon, ang sagot ko ay hindi... Sapat na sa'kin na maging inspirasyon ang malaman na nasa iisang lugar lang tayong dalawa at nagkakasamang muli. At sobra-sobra na sa akin kung ipagkakaloob mo na masilayan kong muli ang iyong mga ngiti.Ang kaligayahan sa puso mo ang pinaka-importante para sa akin. Alam kong nasaktan ka. Mayroong galit sa puso mo... Hayaan mo sanang pasiyahin ka ng mga tao sa paligid mo, oras ang magpapagaling sa nararamdaman mo.Bago matapos ang liham na ito, gusto kong malaman m

DMCA.com Protection Status