Home / All / Patalsikin si Ms. Dayo! / Ikalawang Kabanata

Share

Ikalawang Kabanata

Author: magayonloves
last update Last Updated: 2021-05-10 22:26:37

Umupo ako sa upuang nasa hapag-kainan at ipinahinga ang sarili matapos hugasan ang aming pinagkainan. Katatapos lang kanina ng aming huling review para sa kumpetisyon bukas. Nakisuyo kami sa iba naming kaklase nitong mga nakaraang araw upang tulungan kami. Sila ang gumagawa ng tanong na siyang kasama sa tatalakayin sa bawat kategorya at sila rin ang nagtatanong sa amin, una-unahan naman kaming sumasagot. Kung sa solving naman ay gumagamit kami ng papel at unahan pa rin sa pagsagot. Sa paraang iyon ay natutulungan na namin ang sarili na pabilisin ang memorya at pati na rin ang pagsulat. Sa nagdaang buong araw naman ay mga professor ang sumubok sa mga inaral namin at lahat ng kategorya ay sinagot namin.

May apat na kategorya ang Quiz Bee at magbubunutan  bukas ang bawat grupo kung saan-saan malalagay na kategorya ang bawat isa, dahilan kung bakit mas magiging mahirap ang kumpetisyon. Kailangang aralin ang lahat ng subject na kasama sa kategorya.

Nagbuntong hininga ako at sumandal sa inuupuan, nakatingala. Ngayong gabi ko naramdaman ang pagod. Pumikit ako at nadama ang mabilis na tibok ng puso. Alam ko sa sarili na hindi ako kinakabahan para sa kumpetisyon. Ang naiisip ko lang ay kung gaano ako kairita sa pagbalik namin sa paaralang iyon.

"Paano ako aakto kung makita ko bukas ang matapobreng babae?" naisip ko. "Sa laki ng unibersidad nila ay malayo naman sigurong magkita pa kaming muli, ano?" sinubukan kong kumbinsihin ang sarili upang mapanatag.

"Oh, Kuya, magre-review ka pa? Maaga pa tayo bukas, 'di ba?" tanong ni Jane, ang kapatid ko.

Kasama ang junior high at senior high bukas dahil sila ang magiging audience na makakasama namin bukas sa CMU.

"Hindi na. Matulog na tayo. Aagahan ko na lang ang gising bukas para magbasa ulit."

"Wala ba sa'yo ang cellphone mo? Tumatawag daw sa'yo si Mama kanina," aniya kaya kinapa ko ang aking bulsa at wala nga roon ang cellphone. Nasa kwarto ko siguro. "Naghuhugas ka pa ng pinagkainan natin nang tumawag siya sa'yo kaya sa akin na lang siya tumawag. Ipinasabi na lang niya na goodluck daw at alam niyang kayang kaya mong manalo. Saglit lang kasi siya nakatawag dahil nanananghali sila nang nakahanap siya ng chance tumawag sa atin," dagdag pa niya.

Napabuntong hininga ako. Inabala pa ni Mama ang sarili niya. Libu-libong milya na nga ang layo ay inalala pa ako kaysa gugulin ang saglit na oras para sa kaniyang pagkain at pahinga.

"Mag-se-send na lang ako ng message sa kaniya. Matulog ka na rin."

"Sige, Kuya." Lumapit siya sa akin at iniyakap ang braso niya sa aking braso. "Libre mo ako kapag naging gold medalist ka ah!"

Bahagya akong napangisi. Ginulo ko ang buhok niya.

"Oo na, tulog na," aya ko at marahan siyang hinila paakyat sa aming mga kwarto. 

Ginulo ko pa ulit ang buhok niya bago ako humiwalay at buksan ang pinto ng kwarto ko.

"Good night, Kuya!" Tiningnan ko lang siya at ngumisi.

Pumasok na ako sa kwarto.

"Nararamdaman ko na ang parating na libre!" pagpaparinig pa niya bago isara ang pinto.

Kinabukasan ay pinanood ko ang pagsikat ng araw habang umiinom ng kape sa terrace. Maya-maya, lumabas din si Jane na humihigop sa malaking tasa na panigurado ay kape rin. Umupo siya sa pasimano malapit sa'kin at itinaas ang mga binti habang ako ay nakatayo pa rin at nakasandal doon. Tahimik siya tuwing kagigising, 'di tulad kapag nasa tamang kondisyon na akala mo ay laging may kuwento at pabigla-bigla kung gumalaw na tila laging nagugulat o biglang may naaalalang gawin. Sa ugali niyang iyon, nagkakasundo sila nina Andeng at Nat sa kadaldalan.

"Kumusta ka nga pala sa school?" panimula ko.

Hindi ko siya madalas matanong kung ano'ng lagay niya sa klase nitong mga nakaraang araw dahil abala kami sa nagkasabay na research at paghahanda sa kumpetisyon.

"Mabuti naman. Medyo hirap lang sa mga math subjects namin," sagot nito bago humigop ng kape. "May assignment pa nga ako na ipapasa dapat mamaya pero buti na lang kasama kami sa inyo kaya sa Monday na lang daw."

"Bawi ako sa'yo bukas," tugon ko bago muling humigop ng kape.

Ako ang tumutulong sa kaniya pagdating sa mga math subjects dahil hirap siyang makuha ang mga tinatalakay nila roon. Naisip ko ngayon na hindi nga siya lumapit sa'kin nitong mga nagdaang araw para magpatulong sa mga ipinapasa niya sa klase. 

Nilingon ko ang aking kapatid. Ginulo ko ang buhok niya, dahilan kung bakit natigil siya sa pagkakatulala. Lumayo lang ito at sumibangot. Hindi man niya sabihin ay na-appreciate ko ang ginawa niyang hindi pag-abala sa'kin sa aking mga ginagawa. Alam niyang nanghihingi ng matinding oras at atensyon ang aking mga pinagkakaabalahan. 

Nang matapos kaming maghanda ay naglakad kami papasok dahil malapit lang mula rito ang unibersidad. Junior high si Jane kaya naman palaging alas siyete ng umaga ang pasok niya. Paminsan-minsan ay gumagamit ako ng bisikleta kung mahuhuli na kami sa pang-ala siyeteng klase kapag may klase rin ako sa ganoong oras.

"Magkita na lang tayo roon, Kuya," ani Jane. "Goodluck! H'wag kang kakabahan para iwas mental block!" paalam niya habang naglalakad patalikod at kumakaway papunta sa mga estudyanteng nakahanda na sa pagsakay sa school bus.

"James!" Napalingon ako sa kadarating lang na si Jef at Andeng. Tinapik ako ni Jef sa balikat nang makarating sa pwesto ko.

"Tae, kinakabahan ako!" si Andeng. "Si Nat nasa CR, jumejebs pa dahil sa sobrang kaba, jusme! Aga-aga!"

May kinuha ako sa back pack ko.

"Bigay mo 'to," sabi ko at ibinigay ang gamot. "Inumin niya kamo kapag umulit pa siya sa loob ng isang oras."

"Naks, boy scout!" ani Andeng. "Teka lang, pupuntahan ko siya sa CR. Kayo na muna ang pumunta sa Dean's office. Susunod na lang kami."

"Tara, James," aya ni Jef.

May pinirmahan kaming mga papeles na hindi ko na pinagkaabalahang basahin pa. Dalawang professor ang aming kasama patungo sa van. Maya-maya pa'y natanaw na namin sina Andeng at Nat kasama ang Dean namin na hinintay silang dalawa sa office para sa kanilang pipirmahan.

Lumipas ang mga oras na hindi ko namalayan ang mga pangyayari. Muli kaming nakabalik sa Centro Marcello University at sabay-sabay naming binuksan ang mga papel na binunot para sa magiging kategorya ng bawat isa. Mathematics ang nabunot ni Andeng samantalang history naman ang akin. Unti-unti itong tumingin sa'kin habang nanlalaki ang mga mata.

"Kaya mo 'yan." Hinawakan ko siya sa balikat at bahagya itong diniinan, hindi sigurado kung napalakas ko ba ang kaniyang loob.

"Kaya niyo 'yan," sabi naman ni Jef sa aming dalawa ni Andeng.

Pinaka-ayaw ni Andeng ang Math. Iyon naman ang kumportable akong sinasagutan at siya nama'y ganoon din kapag history.

"Nagkabaliktad pa kayo. Dapat ikaw ang sa math, James, e. Sa history ka dapat, Andeng," napapailing niyang sambit. "Kaya niyo 'yan! Nag-aral naman tayo. Sa Kaniya na nakasalalay 'yan." Tumingin siya sa taas upang tukuyin ang Nasa langit.

"Basta galingan na lang natin," ani Jef at inakbayan kami.

"Let's go, Bonifacio!" ani Nat.

Humugot ng malalim na hininga si Andeng.

"Let's do this!" aniya.

+×+×+×+×+×+×+×

I don't have any idea why I am the only one who is not busy here in auditorium while the event is on-going. Like hell, literal na nakaupo lang ako rito sa backstage malapit sa sound system at pinapanood ang mga abalang members ng council. I've tried asking Sheena what can I help pero pinahawakan niya lang sa akin ang mga medals and that's it. Hindi naman ako inuutusan ni Chustine at ng dalawang vice namin.

I hid behind the stage's curtain when I saw a group of students came down from the stage. I just saw their uniform that is very familiar to me, the reason I get panicked. It's like a desperate move to hide from something–no, from someone that I don't even know... But then, I saw the man! That man! Oh! This is why I panicked when I saw that uniform. It's his uniform! Why is he here again?! Particularly, here in the backstage? Kasali ba siya sa Quiz Bee? Oh, no no. No way. 

"Saan ba isasauli itong white board?" I heard him say. 

Damn, he is! Guilt striked me when my brain processed that he really is! He's a participant and I messed with him, damn it! Hindi naman siguro niya gagawing big deal iyon di ba?

I remember Dad's angry face. Pinagalitan niya ako the moment na nakarating sa kaniya ang ginawa kong eskandalo. Lagot ako sa OSA or sa mga nakatataas kapag nagkataon, or worst makarating sa school nila! I can't afford to be scolded again and I'm afraid na baka masira ko ang image ng CMU.

Should I learn how to pray now? Geez. I'm just pissed that time, gosh! Kailangan kong humabol sa mga klase dahil naging busy sa council at naroon ako sa pesteng Dean's office na 'yon kasama si Chustine. I was being productive in my class when Mr. President pulled me out. He said walang pasok ang ibang members sa umagang 'yon kaya ako lang ang maaasahan niya roon. Kailangan kasi ng mag-e-entertain sa office sa mga possible na mag-i-inquire or what. Pakialam ko naman ba kasi sa office ng Dean namin kung wala siya roon! Nasaan ang assistant ni Dean, by the way? Gosh! Wala sa schedule ko ang magbantay ng office that time! Nag-init talaga ang ulo ko no'n. Then moments later, nagpaalam si Chustine na he'll get his things sa council office to continue his work there sa Dean's office and when he got back ay may dala siyang frappe, pampalubag-loob daw. Then shit happened when I tried to sneak out to go back in my class when I got the chance. Sumabog na talaga ako that time.

Gosh. Reminiscing something really wakes up the emotion you've felt that time.

"Ah, Miss, nasaan ang CR rito?" I got back to my senses when I heard someone from behind.

"Huh?" I didn't get what she said so I turned around, but I immediately turned my back to her when I saw her uniform.

It's from that public school! Good thing she's not looking at me! Even if I just saw her face in a glimpse, she looks like she's in a rush, like finding something.

"Ah, 'yong CR?" she repeated. Oh.

I pointed the left direction, still not facing her. I pretended to be busy, clasping and counting the medals I'm holding.

"Go straight, turn right. There's a wooden door there. It's the comfort room."

"Thanks!" she said and I saw her run like Flash when I finally looked her way.

Someone is constipated I think. Well, that's what you get from going back here, mannerless people. Tss!

I gave the medals to Chustine and said that if they need help in terms of papers or what, just things that doesn't need to be inside that auditorium, I'm willing to do it. So, I went to the student council office. I wasn't afraid to face those student from that public school. Ang inaalala ko lang ay maybe hindi ko sila urungan kung ibi-bring up nila ang nangyari and that will cause trouble inside if that happens.

"This feels good," I murmured to myself when I layed myself on the sofa and crossed my legs.

This is not my first time na humiga o matulog dito sa council office. When I or even the other members get tired in our duties, Mr. President lets us sleep here.

"Finish your work first or at least the half of it and you can lock the door if you want to rest. You can sleep!" I remember him saying that every now and then whenever we're busy. We have duplicate keys of this room so we can lock it without worrying for the others.

+×+×+×+×+×+

Maaaring malaki ang campus nila, pero maliit ang parking lot ng paaralan nila para sa aming dalawa.

"Iyan 'yong babaeng nakatapon sa'yo ng frappe di ba?" tanong sa akin ni Jef sa mahinang boses. Siguro'y nakita ang aking tinitingnan sa malayo habang naglalakad kami.

Bahagya akong tumango.

"H'wag mo na lang sabihin sa dalawa," pagtutukoy ko kay Nat at Andeng na nasa kabila ni Jef. 

Naging dragon ang dalawa nang makabawi at maalala ang gulong nangyari noong nakaraan. Kaya naman ayaw ko na sanang makita pa nilang muli ang babaeng matapobre.

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

Natapos nang maayos ang kumpetisyon kanina. Mukhang tama nga ang kapatid ko sa naramdaman niyang panlilibre mula pa kagabi. Medyo nahirapan lang sa ilang tanong, pero tama ang lahat ng isinagot ko. Sa katunayan, kaming apat ay gold medalist. Medyo nahirapang makasabay sa bilis ng mga kalaban si Andeng ngunit kada tunog ng bell, hudyat ng pagtigil sa pagsulat, ay nakakaabot naman siya. May kabagalan man ay tama naman din ang lahat ng kaniyang isinagot.

"Where are you, Kuya Lando? I'm already here in your usual parking space. 'Di ba I texted you earlier na maaga ang tapos ko ngayon?" rinig ko habang papalapit kami nang palapit sa kaniya, sa babaeng matapobre. May kausap siya sa cellphone. 

Dalawang paradahan pa ang lalagpasan mula sa kinatatayuan niya bago ang school van namin. Sinulyapan ko ang dalawang babaeng kasama na abala sa kanilang cellphone, nagpapasahan pa rin ng larawan na kinuhanan kanina at hindi nakikita ang matapobreng babae. Wala kami sa teritoryo namin kaya mabuting hindi na magpang-abot ang mga ito rito. 

"Oh, gosh! Traffic–," napatigil siya sa pagsasalita nang mapatingin sa akin. Napatitig at napakunot ang noo, ngunit unti-unting nabakas ang gulat sa kaniyang mukha.

Nang makalagpas kami ay bahagya akong nagulat sa biglaang ekspresyon ni Jef.

"Lagkit!" aniya, dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "Ang lagkit-lagkit!" Nakatingin din si Nat at Andeng, nagtataka sa sinasabi ni Jef.

"Ha? Ano 'yon?" si Nat.

"Wala. Ang sabi ko 'yong putong hawak ni Kuya Mar, ang lagkit! Ayun oh," turo niya sa driver ng aming school van habang nakangisi at patingin-tingin sa'kin.

Naroon nga si Kuya Mar na mukhang lumabas pa sa van nang matanaw kami. May dala siyang isang bilaong puto, mainit-init pa dahil umaamoy ito kahit hindi pa kami nakakalapit masyado sa kinaroroonan niya. Siguro'y dadalhin sa kinaroroonan ng Dean namin at mga professors kasama ang mga nakatataas dito.

Ganiyan sa unibersidad namin, laging may handang puto kapag may okasyon o di kaya'y pabaon sa mga importanteng tao.

"Saan ba ang Dean niyo?" tanong ni Kuya Mar sa amin nang makalapit kami.

"Ay, samahan na kita, Kuya Mar. Baka maligaw ka sa luwang nitong university na 'to!" ani Andeng.

Bahagya akong naalarma dahil posible niyang makita ang ayaw kong makita niyang babae pabalik doon.

"Oh sige sige! Parang nakakahiya rin magtanong-tanong dito, e! Mukhang mayayaman ang tao rito," aniya, napahawak pa sa batok na tila nahihiya sa ideyang kakausap siya ng tao rito.

"Ako na, Andeng. Tara, Kuya Mar," aya ko agad at tumalikod, hindi na hinayaan pang makapagsalita si Andeng at para sumunod na rin si Kuya Mar.

Nag-umpisa kaming maglakad at natanaw agad ang hinanap ng aking mga mata. Naroon na iyong lalaking kasama niya noong nakaraan, ang presidente ng student council ayon sa pakilala sa kaniya kanina sa auditorium. Kailan pa ito nakarating dito?

"Okay. I'll text Kuya Lando," napatingin siya sa akin matapos niya iyong sabihin sa kasama. "Let's go."

Paalis na sila nang mapalingon sa amin 'yong lalaki.

"Kuya Marlon?" Napahinto kaming lahat nang tawagin ng lalaki si Kuya Mar. Napa-angat ang kilay ng kasama niya.

"Chustine, hijo?" ani Kuya Mar. "Aba. Ikaw nga!" Nagkamayan sila at bahagyang nagyakapan nang matapos.

"Ako nga po," anang lalaki, ngumiti ito. "Kumusta na po?"

"Maayos naman, hijo, at heto isa ng school driver. Kayo? Ang mga Ongpauco, kumusta ang lagay?"

"Maayos naman po. Gano'n pa rin si Papa. May sariling business na si Mama. Ah," sagot nito at lumingon sa kasamang babae na tila nakalimutan pa na kasama niya ito. "Si Meriah po, natatandaan niyo pa?" Binigyan niya ito ng daan upang makalapit at marahan itong hinawakan sa likod.

Tipid namang ngumiti 'yong Meriah kay Kuya Mar. Meriah pala ang pangalan nitong matapobreng babae.

"Uhm, hello." Bahagyang tumango ang babae.

"Siya na ba ito? Aba, malaki ang pinagbago mo ah. Mukhang hindi ka na makulit," natawang sambit ni Kuya Mar. Hilaw na ngumiti iyong Meriah. "Ah, ito pala si James," pakilala sa'kin ni Kuya Mar. "Estudyante sa Andres Bonifacio University kung saan ako nagtatrabaho."

Tinanguan ko lang 'yong Chustine at sinulyapan ko naman 'yong Meriah na nag-iwas naman ng tingin sa akin. 

"Saan po ba ang punta niyo?" iyong Chustine. 

"Ah! Oo nga pala! Kailangan na itong puto roon!" nagulat pang sambit ni Kuya Mar.

"Samahan ko na po kayo," ani Chustine. "Tara, Meriah, ihatid na muna natin sila Kuya Mar."

Mabilis naming tinahak ang daan habang nagkukwentuhan sila. Medyo nagpahuli ako sa paglalakad at pinanood ang kanilang pagkukwentuhan.

"You're quiet," ani Chustine sa kasamang babae. "Hindi mo ba natatandaan si Kuya Marlon?"

"U-uh," nahihiya itong umiling bilang tugon.

"That's why," tangka nitong pipisilin ang ilong ni Meriah ngunit nakaiwas ito. "Kuya Marlon, hindi ka pala natatandaan ni Meriah," baling nito sa aking katabi, may panunuya sa ngiti.

"Nako, kaya pala hindi mo ako kinikibo." Napangisi si Kuya Mar sa sinabi. "Ako 'yong dating driver ng pamilya nila. Ako 'yong naghahatid madalas kay Chustine sa eskwela at pati na rin kapag pupunta siya sa inyo."

"Ah!" ani Meriah na tila naliwanagan. Bigla naman itong napatingin sa akin pero agad ding umiwas, mukhang nahiya sa kaniyang napalakas na reaksyon. "Kuya Mar!" Nag-ingat na ito sa kaniyang galaw at pinakalma ang naramdamang pagkagalak. "Ikaw pala 'yan! I'm sorry, hindi kita nakilala agad!" Hilaw ang ngiti na kaniyang pinakita.

"Buti ay sanay ka nang magsalita ng tagalog! Pinahihirapan mo ako dati noong bata ka pa kapag dinadaldal mo ako!" natawa niyang pahayag.

"Hindi naman ako madaldal, Kuya Mar!" napanguso niyang tugon.

Napasulyap ito san akin kaya natigil siya sa pagnguso at naiba ang ekspresyon. Napadiretso naman ang aking tingin sa harap nang saglit na nag-abot ang aming tingin. 

"Oo na, hindi ka na madaldal," ani Kuya Mar. "Matanong lang," magkasabay na sabi nila ni Chustine at nagtawanan.

Wala sa sariling napanguso muli si Meriah. Bakas sa mukha na gustong umapela ngunit hindi ginawa. Ayaw? Nahihiya? Kanino naman? Samantalang kayang kaya naman niyang sabihin ang lahat lalo na ang maaanghang na salita kung gugustuhin niya. Pero hindi na siya muling nagsalita pa. Nakinig na lang din siya pag-uusap ng dalawa hanggang sa makarating kami sa opisina ng AVP.

Nang maihatid kami sa opisina ay nagpaalam na sina Chustine. Nagulat pa ako nang tapikin ako nito sa balikat. Naghintay lang ako sa labas ng opisina at pinagmasdan sila palayo hanggang mawala sila sa aking paningin.

"Hindi man lang nagpaalam," naisip ko at sumandal sa pader. Ngunit huli na nang mapagtanto ang naisip. 

Bakit nga naman siya magpapaalam sa'kin? Hindi nga siya nanghingi sa'kin ng pasensya tungkol doon sa nangyari, magpaalam pa kaya sa akin? At mukhang malabo nang mangyari iyon dahil ito na siguro ang huling beses na mapupunta ako sa lugar na ito.

Related chapters

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ikatlong Kabanata

    "Kuya!" Dinungaw ko ang aking kapatid mula rito sa terrace habang pababa siya ng hagdan. "Tapos na akong mag-ayos, tara na!" Dalawampung minuto na lang ay mag-uumpisa na ang misa, iyon siguro ang inaalala niya dahil kulang iyon kung gagamitin namin ang bisikleta papunta roon. Nang makarating ito sa kinaroroonan ko ay tinaasan ako nito ng isang kilay. Marahil ay nagtataka dahil sa hindi ko pagmamadali. Nakasuot siya ng bestida at sandals para sa paa habang ako naman ay nakasuot ng polo shirt, kupas na pantalon at sneakers na sapatos na nabili pa noong nakaraang dalawang taon. "Sasakay tayo ng tricycle," sabi ko at tumayo sa pagkakaupo sa pasimano. "Oh? Sasakay pala tayo ng tricycle, hindi mo sinabi agad!" "Kung sinabi ko, hindi ka magmamadali. Lagi tayong nauubusan ng mauupuan," tugon ko nang may mapaglarong ngisi sa labi habang naglalakad kami palabas sa munti naming ta

    Last Updated : 2021-05-20
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-apat na Kabanata

    "Ayaw mo na ba talagang sumali ulit?" tanong ni Jef. "Kinukulit ako ni Dean tungkol sa'yo, e. Magpakita ka roon sa office para manahimik na," dagdag niya. Narito kami sa aming room, maaga sa nakatakdang oras ng susunod na subject. Punuan kasi sa dalawang canteen at mainit kaya nang matapos kumain ay nilisan na namin agad ang lugar. Sa room ay malamig naman kahit palitin na ang aircon. Nakaupo si Jef sa mesa ng professor. Ako naman ay prenteng nakaupo sa unang upuan sa ikalawang hanay nito, nakasandal at naka-unat ang mga binti habang magka-ekis ito. "Pokus muna ako sa mga major natin," pagpapahayag ko na tigil muna ako sa pagsali sa Quiz Bee. Umpisa pa lamang ng unang sem. Third year na kami at dumami pa ang mga major subjects namin kaya naman nagpagpasyahan kong h'wag na munang sumali sa mga kumpetisyon. Wala na akong balak sumali sa ganoon ngunit mapilit ang aming Dean sapagkat walang pumapasa sa kaniyang i

    Last Updated : 2021-06-18
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-limang Kabanata

    Pinatayo ng professor ang bagong estudyante. Marahan itong gumalaw at hindi nawala ang pagka-elegante kahit na nakasuot lamang ito ng uniporme na tama ang hapit sa kaniyang katawan. Inalis ko sa isipan ang ganda ng pigura nito at inalala ang kagaspangan ng kaniyang ugali nang magpakilala ito sa harapan. "For those who didn't know me yet, I am Meriah Buenavidez. 19 years old, turning 20 on November 15," taas-noo nitong pakilala. Hindi maipagkakaila na galing siya sa isang marangyang pamilya dahil sa kutis na tila hindi man lang naranasang mabilad sa araw at masugatan noong kabataan. "What else do you want to know about me?" Tuwid pa rin ang pagkakatayo nito at pinasadahan ng tingin ang tahimik na klase. Halatang sinadya ang hindi nito pagtingin sa akin. "Yabang," bulong ni Nat. "What elso do you want to know about me?" panggagaya niyang may halong panunuya. "Akala naman niya, lahat dito ay gustong malaman kung sino

    Last Updated : 2021-06-23
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-anim na Kabanata

    Inubos ko ang panghuling stick ng isaw na aking kinakain habang tinatanaw ang mga estudyanteng naglalakad sa kalayuan. Ala una y medya pa lamang ay tapos na ang aming una't huling klase. Mag-a-alas tres na at kanina pa ako nagpapalipas ng oras kasama ang mga barkadang nag-re-review dito sa madalas naming tambayan.Kapag ganitong Lunes ay isa lang klase namin. Wala namang masyadong gagawin at mamaya pa ang uwi ni Jane kaya may oras pa ako para sumama sa aking mga kaibigan. Ito ang madalas ko noong hindi magawa dahil laging puno ang aking schedule. Ang mga libreng oras ay napupunta sa review para sa mga quiz bee. Ngayong tinalikuran ko ang pagsali sa mga kumpetisyon ay nagkaroon ako ng panahon para sa aking sarili, iyong wala akong iniintindi.Mayroon dapat kaming meeting para sa foundation week bago sila mag-review ngunit may klase pala ang halos kalahati sa miyembro. Kaya naman diretso review na lamang ang nangyari.

    Last Updated : 2021-06-27
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-pitong Kabanata

    Role play ang ginawa namin para sa aming presentation ngayong Miyerkules. Kahit hindi kumportable, ginawa ko ang aking role. Ako ang nagmarket ng produkto ng aming kumpanya-kuno ni Nat. Papalit-palit ang role ng bawat miyembro sa grupo namin sa limang marketing strategy na aming ginawa.Natapos ang ibang grupo at ang grupo naman nina Meriah ang sumunod. Reporting ang ginawa nila pero tuwing pagkatapos ng kanilang paliwanag ay inaakto nila ang bawat marketing strategy sa ihinayag nilang halimbawa. Si Meriah ang nagpapaliwanag at ang ibang miyembro ang umaakto pagkatapos. Simple ang paraan nila ngunit tuwing nagsasalita si Meriah ay para kaming nakikinig sa isang guest speaker. Malinaw siyang magsalita, tama lang ang accent at lakas ng boses, at may koneksyon siya sa bawat kaklaseng nanonood. Nakamamanghang kabisado niya ang kaniyang mga sinasabi. Iniisip ko nga kung nagkabisado ba siya ng script o inintindi niya lamang ang bawat strategy at ipinaliwanag ito sa sa

    Last Updated : 2021-06-29
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-walong Kabanata

    Huling tingin ko kanina sa orasan ay mag-a-alas kwatro pa lamang, oras nang magmeryenda kami. Oras din nang tumambay ang kaibigan ni Meriah sa sala. Hindi ko alam na sa kwarto pala siya ni Meriah naglagi kanina. Hindi ko rin alam na ayos lang iyon para sa isang tulad ni Meriah. "Gano'n sila kalapit sa isa't isa?" Pinilit kong tanggalin ang nasa isipan. Ang kaalamang iyon ay binagabag ako sa kalagitnaan ng aming ginagawang research. Hindi ko nga alam kung nakatutok pa ba ako ginagawa ko. Nagpapatuloy lang ako kahit nawawala ang aking pokus. Pasado alas sais na nang gabi nang halos matapos namin ang mga kailangan i-research. Hindi namin namalayan ang oras pero ayos na rin iyon dahil nakarami kami ng nagawa. I-e-edit na lamang namin ang aming nagawa kapag natapos nang i-check iyon ng professor bago ito dagdagan. "Manang, salamat po," sabi ko kay Manang Tasing at tiningnan ko ang katabi nit

    Last Updated : 2021-07-07
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-siyam na Kabanata

    Maghapong nagtatalo ang aking isipan kung may dapat akong kampihan sa nangyari o kung dapat ko ring alalahanin si Meriah. Kaya naman nang gabing iyon ay pinadalhan ko ng online message si Meriah at tinanong kung ano ang plano niya. Hindi dahil sa hindi ako makatiis na malaman kung ano'ng iniisip o lagay niya ngayon, ngunit hindi ko rin sigurado sa sarili kung ano ang tunay na dahilan. Kami ang pangunahing kasangkot sa pangyayari noon sa CMU na nagdala sa kaniya ngayon sa kapahamakan. Tingin ko'y may karapatan akong makialam sa kinakaharap niya ngayon. Pero bakit pa nga ba? Alam ko ang ugali niya kaya ano ba itong mga naiisip ko? Hindi ngunit may naging maayos na kaming pag-uusap ay dapat ko nang kalimutan ang nagkukubling ugali sa likod ng naapi niyang itsura kanina. Kaya bakit pa nga ba ako makikialam? Para ano? "Dahil gusto mo siyang iligtas!" Napalingon ako kay Jane na nasa harap ng salamin. Mula rit

    Last Updated : 2021-07-16
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-sampung Kabanata

    Minabuti kong tapusin agad ang seatwork upang abalahin naman ang sarili sa pang-organisasyong gawain."Nat," pagtawag ko. "Nakita mo si Jef?""Alam mo…" umpisa nito. Mukhang alam ko na kung saan na naman patungo ito. "Naturingan kang part ng organization at vice president pa, ha, tapos hindi mo alam kung nasaan president niyo?" Kita mo na. Sabi ko na nga ba. "Nandoon sa office niyo! Explore-explore din kasi! Palitan kita r'yan, e!""Sige lang, sabihin ko kay Jef," tugon ko.Alam naman nilang ayaw kong nasasali sa organisasyon o kung anu-ano pang kinakailangan na may posisyon. Mabuti nga't ginagampanan ko ang tungkulin kahit hindi buo ang aking loob sa pagkakasali sa organisasyong ito."Joke lang! Ayaw ko na ng dagdag pang intindihin sa buhay!"Nagtungo ako sa opisina namin at doon ay nakita ang hinahanap na si Jef. Ipinasa ko ang kabuuan ng output na t

    Last Updated : 2021-07-17

Latest chapter

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Espesyal na Kabanata

    "Aw!" nasambit ng batang si Meriah nang mamatay bigla ang gamit nitong phone.Naroon siyang mag-isa sa loob ng kanilang sasakyan dahil ayaw niyang bumaba at sumama sa kaniyang mga magulang. Mula sa pagkakaupo ay lumuhod ito sa upuan at lumingon sa likuran ng sasakyan upang tanawin ang mga magulang na nakikipag-usap sa kung sinong hindi niya kilala roon sa bukid.Ito ang kauna-unahang pagpunta ni Meriah sa probinsya. Ang alam niya lamang ay may bukid sila rito at taniman ng gulay at prutas. At sa mga oras na iyon, sinisisi niya ang mga iyon kung bakit sila naroon ngayon.Nag-uumpisa nang makaramdam ng pagkainis ang batang babae dahil hindi niya akalaing sa ganitong klase pala ng lugar pupunta ang kaniyang mga magulang. Nang magpaiwan naman upang maglaro gamit ang sariling phone, naubusan naman ito ng karga. Ngayon ay wala siyang magawa sa loob ng sasakyan. Sana ay hindi na lamang pala siya nagpumilit na sumama.&nb

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Huling bahagi)

    The day has come. She is now on the bus with James going back to province. It's time to face it. It's time to face them. That's the reality. Her reality.James held her hand tightly. She looked at him."Unang beses," ani James bago niya itinaas ang magkahawak nilang mga kamay at tumingin sa dalaga.Malamig man sa loob ng bus dulot ng aircon, parehas namang dinaanan ng init ang kanilang mga pisngi. Tama, unang beses nilang maghawak ng kamay sa isang ordinaryong sitwasyon. At ang makita pa ang tipid na ngiti ng dalaga habang nakatingin sa kaniya ay sapat na.Meriah felt so safe just by feeling the warmth of his hand. But she felt the butterflies in her tummy when James intertwined their hands. How can she feel safe and giddy at the same time?! Gosh, this man is really driving her crazy!But thanks to him. That way, she forgot how anxious she was."Ate Meriah!"

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-pitong bahagi)

    "If you ever hurt her or try doing something inappropiate to her, keep in mind that I won't let you see her again. At kung susubukan mo pang lumapit sa kaniya matapos mo siyang pabayaan o tarantaduhin, I'm telling you... I can be merciless. Am I getting myself clear?""Hindi ba masyadong maaga para sabihin 'yan?" saad ni Mrs. Buenavidez sa asawa at masuyong iniangkla ang kaniyang braso sa braso ng asawa. "Liligawan pa lang naman ni James ang anak natin. Alam nila 'yan... Right, James?"Matindi ang kalabog ng dibdib ni James hanggang sa pagsapit ng hapon bago niya lisanin ang lugar. Naintindihan naman ni James ang ama ng dalaga. Normal lamang ang ganoong pag-aalala lalo na't nag-iisang babae lamang ang kanilang anak. Ngunit ipinapangako niya sa kaniyang sarili na kung kailangang paghirapan niya ang lahat para kay Meriah, gagawin niya upang mapanatag ang ama nito. Gagawin niya upang mapatunayan ang pagmamahal niya sa anak nito.

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-anim na bahagi)

    "Nice..." Meriah said in astonishment as she checked all of the papers of James one morning. She's getting his mobile number secretly.It's crazy, yes! And it feels illegal as to how embarrassed is she right now. Pero gusto niya lamang magkaroon ng komunikasyon sa binata kapag natapos na ang OJT nila... sana.At ganoon nga ang nangyari.To: James+63920*******HiMeriah waited for almost an hour but she didn't get a reply. What the..."Ano? Tara na!" aya ni Nat kay James isang hapon sa kanilang eskwelahan.Tinigilan ni James ang pagtitig sa nabasang mensahe sa cellphone mula sa 'di kilalang numero. Binura niya iyon at ipinamulsa ang cellphone. Sa tingin naman niya ay hindi iyon mahalaga dahil hindi na nasundan ng tanong o ng kung ano pa ang simpleng "Hi" na natanggap niya.Sumunod na ang binata sa mga kaibigan nito na magpap

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-limang bahagi)

    At that moment, Meriah couldn't believe that her heart could still beat faster and harder than what she's feeling the whole time. He confessed... He just confessed! Her knees are getting weak. She heard it all right, didn't she? Somebody save her! Hihimatayin yata siya!"Hep, hep! Ang tagal mo nang kasayaw si Meriah. I think it's my time..." Talk about timing. It was Klei. Maybe somebody out there heard her. Tss.But does she really want to be saved at that state? They are having the moment!"Oo, magiging oras mo na talaga kung hindi mo kami hahayaan," hindi napigilan ni James na maging sarkastiko sa binatang sumulpot.Halos matawa si Meriah sa sinambit ng kasayaw. She is still not over with his confession and yet she is admiring the obviously pissed off James.This is crazy!Naramdaman naman ni James ang dahan-dahang pagkalaglag ng mga braso ng dalaga mula s

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-apat na bahagi)

    "Oh, James..." wala sa sariling nasabi ng dalaga dahil sa pagkamangha nito. She's looking at him intently when reality hits her. "Wait– you... You! What are you doing– how did you..."Naguguluhan siya. Naguguluhan din ang lahat ng nanonood sa kanila pero hindi alintana nina James at Meriah ang presensya nilang lahat. And once again, James amuses her! The way he chuckled as he slightly looked down, caressed his nape and shook his head a bit to her words... it's so endearing to witness! Why is he so adorable right now?Lingid sa kaalaman ng dalaga na ang dahilan ng bahagyang pagtawa ni James ay dahil ngayon lamang siya nakitang ganoon nito; mulat na mulat ang mga mata, nakataas ang kilay, nakaawang ang labi at akmang hahawak pa sa kaniya dahil sa pagkabigla. Namamangha sa kaniya ang binata 'di lamang dahil sa namumukod tangi niyang ganda sa lugar na iyon ngayon, kung 'di dahil din sa kaniyang naging reaksyon.S

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ikatlong bahagi)

    Samantala, sa bahay ng pamilya Buenavidez... "You're so beautiful, darling." Meriah gazed at her mother through the mirror. She smiled. Her father made a face and said, "Maganda naman talaga ang anak natin lagi." That made her smile grow wider. "Yes, I know. What I'm trying to say is, she will definitely stand out among the crowd tonight." That is what Meriah thinks as she looks at herself in the mirror. Ngayon siya nakaramdam ng hiya dahil ngayon niya na-realize na agaw-pansin ang suot niyang gown. Shining, shimmering, splendid! And the lower part of her gown falls widely around her, wide enough to not accept anybody's hand to dance with her. Perfect! But honestly, she loves how her long hair was curled while the upper half of it was braided loosely. Flower hair accessories that was stuck in her braided hair completed the princess look. Her earrings look like droplets

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ikalawang bahagi)

    "Time really flies so fast," Meriah uttered that afternoon as she started to hear the students talking about the most awaited Valentine ball on her way to the parking lot. She's finally going home after a long day in school. "Ano kaya ang happenings sa ABU kapag February?" she thought as she gazed out of the window of their car, seeing the students having their usual day going out of the university. Talaga bang hindi na niya pinagbabawalan ang sarili niyang isipin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa ABU? It feels brand-new... Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam niya. "Wow..." she said as she stopped from walking in their house. She came home and her huge gown in their living room welcomed her. Tila ba gusto na niya iyong suotin ngayon. "It's silky and shiny and perfectly fits you, hija!" Her Tita Herl said as she turned around and the gown bubbled even more.

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Unang bahagi)

    "Sa nag-iisang dayo na nagbigay-kulay sa ordinaryo kong buhay sa loob ng maikling panahon... Meriah Buenavidez, maligayang kaarawan sa'yo.Kumusta ka? Sana nasa maayos ang kalagayan mo palagi. Masaya ka ba? Sana masaya ka sa araw na ito. Sana araw-araw kang nakangiti. Dahil hindi mo alam kung sinu-sino ang nagkakaroon ng inspirasyong magpatuloy sa araw-araw kapag nasisilayan ang iyong mga ngiti. Kung tatanungin mo kung isa ba ako roon, ang sagot ko ay hindi... Sapat na sa'kin na maging inspirasyon ang malaman na nasa iisang lugar lang tayong dalawa at nagkakasamang muli. At sobra-sobra na sa akin kung ipagkakaloob mo na masilayan kong muli ang iyong mga ngiti.Ang kaligayahan sa puso mo ang pinaka-importante para sa akin. Alam kong nasaktan ka. Mayroong galit sa puso mo... Hayaan mo sanang pasiyahin ka ng mga tao sa paligid mo, oras ang magpapagaling sa nararamdaman mo.Bago matapos ang liham na ito, gusto kong malaman m

DMCA.com Protection Status