Home / All / Patalsikin si Ms. Dayo! / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Patalsikin si Ms. Dayo!: Chapter 21 - Chapter 30

40 Chapters

Ika-dalawampung Kabanata

"'Yong sa partner game, ayos na. Kayong dalawa na ang bahalang mag-facilitate doon," pagtutukoy ni Jef sa dalawang miyembro ng aming organisasyon. "'Yong sa seminar, ayos na. Kasya ang budget para sa pambayad sa mga guest speaker at pati na rin sa photobooth," ani Jef, hindi inaalis ang tingin sa hawak niyang notebook kung saan nakasulat ang lahat ng plano para sa mga event na aming gagawin. James, 'yong catering ayos na?" Nang sulyapan niya ako ay nagtaas lamang ako ng hinlalaki upang sabihin na maayos na ang lahat sa parteng iyon. Kinausap ko na ang dati kong pinagtrabahuhan dahil kailangan namin ng catering services para sa aming inoorganisang seminar. Sa totoo lang, kapos ang aming budget para roon kaya naman ginawan ko ng paraan. Pinabawasan ko ng isang serbidor ang serbisyo nila sa amin upang mabawasan din ang bayad sa kanila. Naisipan kong ako na lamang ang papalit bilang isang serbidor. Hindi ko pa iyon naipapaalam kay Jef pero sa tingin ko naman ay wala
last updateLast Updated : 2021-08-02
Read more

Ika-dalawampu't isang Kabanata

Nilingon ko si Meriah nang mapansing hindi siya gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Ipinangtatakip pa rin niya ang kaniyang bag sa kaniyang likuran dahil namantsahan ang suot niya dahil sa buwanang dalaw. Napabuntong-hininga ako. Ito lamang ang aking naisip dahil walang susundo sa kaniya pauwi sa kanila. "But..." nagdadalawang isip siyang sumakay sa upuan sa likuran ng aking bisikleta. "Ayos lang, kaya ko," pangungumbinsi ko. "No," aniya sa matigas na boses. "It's too far from here and the sun's gonna burn us alive!" may pag-eeksaherada niyang sinabi. "Sige, hindi na kita ihahatid sa inyo. Sumakay ka na, may iba tayong pupuntahan." "To where?" "Sakay na," sa halip ay sinabi ko. Dahan-dahan, naglakad siya papunta sa aking likuran at mabilis na umupo sa bakal na upuan sa aking likuran. "Uhm... saan
last updateLast Updated : 2021-08-03
Read more

Ika-dalawampu't dalawang Kabanata

Ano ba itong pinasok ko? Pilit ko ngang tinanggihan ang marriage booth nang mahila ako ng tiga-ibang department, napasali naman ako rito sa partner game na mismong inorganisa pa namin. Hindi ko mapigilang hindi mapaismik. Ano ba itong kalokohang ito? Nag-aalala tuloy ako kung ano'ng iniisip ngayon ni Jef, lalo na ni Meriah. Bakit ko ba kasi tinanong kung kasali si Meriah? Dapat sinigurado ko muna. At paano nga kung kasali pala si Meriah? "Nakakunot ang noo mo. Ayos ka lang?" tanong ni... nakalimutan ko ang pangalan ng babaeng katapat ko! Kanina pa niya pinagmamasdan ang bawat kilos ko at napansin ko iyon. Tumango ako bilang pagkumbinsi sa kaniya na ayos lang ako. Sinulyapan ko naman ang nanonood na si Meriah. Nakatingin siya sa papel na sinusulatan ni Leslie at pinipigilan ang pagngisi sa kung ano'ng sinusulat ng kaibigan. Sa oras na ito ay pinapasulat sa amin ang pangalan at katangiang aming nagustuhan sa natitipuhan na
last updateLast Updated : 2021-08-06
Read more

Ika-dalawampu't tatlong Kabanata

"Ah... shit." Hindi ko nagugustuhan itong pakiramdam na ito. Kanina pa ako hindi mapakali at para bang may gusto akong gawin na hindi ko magawa-gawa. Paulit-ulit na bumabalik sa aking alaala ang pagngiti ni Meriah kasama ang lalaking minsan siyang kinulit at tinanong kung pupwedeng ligawan. Hindi ko maitanggi ang aking nararamdaman. Kumakabog ang aking dibdib at para bang sa loob nito ay may nagpupuyos sa galit.  "Huy, Kuya? Ayos ka lang?" Nag-angat ako ng tingin kay Jane. Siguro ay wala sa aking loob ang iginawad na tingin kung kaya ay nagsalita pa siya. "Nagsasalubong 'yang kilay mo. Nakakatakot." Sa sandaling iyon ay naramdaman ko nga ang matagal na pagkakakunot ng aking noo nang kusang tumaas ang aking kilay sa sinabi ng kapatid. Sumandal ako sa upuan at tumingala, pumikit at tinakpan ng braso ang mga mata. Nang matapos maghapunan kanina ay pinilit kong magbasa-basa para sa nalalapit na defe
last updateLast Updated : 2021-08-07
Read more

Ika-dalawampu't apat na Kabanata

"Magandang gabi po," bati ko habang tinitimbang kung dapat ba akong magmano sa mga magulang ni Meriah o hindi. Batid man ang panlalamig ng kamay dahil sa kaba, nauna ko nang inabot ang kamay ng ama ni Meriah nang makita ang pagtanggap sa mga ngiti nila. May tungkod man, kita pa rin ang kakisigan nito at kagandahang lalaki. Ganoon din sa ina ni Meriah–maganda at mukhang nasa trenta pa lamang kahit alam kong nasa singkwenta mahigit na ang kaniyang edad dahil sa pagkakabalita ng enggrande nitong kaarawan dati sa telebisyon. Unang tingin pa lamang sa kanila ay alam mong mayroon silang marangyang pamumuhay. Bigla akong tinamaan ng hiya dahil sa suot ko. Hindi ko naman inakalang kasama ni Meriah ang kaniyang mga magulang. "Ang presentable mo, James! Ang galing-galing mo..." pinigilan kong mapailing sa lihim na kasarkastikuhan sa sarili. "Magandang gabi rin," halos mabigla ako sa bating pabalik ni Mr.
last updateLast Updated : 2021-08-12
Read more

Ika-dalawampu't limang Kabanata

"Yes... pumipito, ano'ng mayro'n?" "Bakit? Masamang pumito?" tanong ko pabalik kay Jane habang hinuhugasan ang aming pinagkainan. "Hindi naman. Mukha ka lang good mood." Tama naman... Pinagpatuloy ko na lang ang naiisip na himig sa aking utak habang binabanlawan na ang mga kasangkapan. "Mukha kang in love." "Oh–!" Muli kong pinulot ang nalaglag na baso sa lababo. Sinipat ko ang baso. "Manahimik ka nga, Jane." Buti hindi nagkaroon ng lamat. "Huli ka pero 'di ka kulong," natatawang pahayag ni Jane habang naririnig ko ang kaniyang yapak palayo. Napailing na lang ako. "Do you want to be my intern next semester?" Hindi ko lang talaga siguro makalimutan ang alok ni Mr. Buenavidez kaya maganda ang kondisyon ko ngayon. "Sabay na kayong magtraining ng anak ko sa kumpanya." Tatanggihan ko sana dahil m
last updateLast Updated : 2021-08-15
Read more

Ika-dalawampu't anim na Kabanata

Sa tambayan namin naisip mamalagi ni Meriah nang matapos kaming i-defend ang research paper namin. Maganda ang naging presentasyon namin, ang ngiti at satisfied na mukha ng mga panel ang nagpatunay doon. Ngayon, hinihintay kong matapos sina Jef habang si Meriah naman ay hinihintay si Kuya Lando. "Whoo!" Si Meriah 'yan nang pabagsak siyang naupo. Pinigilan kong mapangiti. Nagiging kumportable siya, ah? Ayos lang naman. Naiintindihan ko naman kung bakit ganoon na lang ang kaniyang naging ekpresyon. Aniya, natapos na raw kasi ang paghihirap namin. Naghirap ba talaga kami? Parang hindi naman... Bukod doon, napansin kong maganda talaga ang kundisyon niya kumpara noong mga nakaraang araw. Mabuti naman... Sana magtuluy-tuloy na. Tinatanggal ni Meriah ang suot niyang pangcorporate blazer nang magsalita ako. "Dalawang exam na lang ang iintindihin
last updateLast Updated : 2021-08-16
Read more

Ika-dalawampu't pitong Kabanata

"Halos palitan mo na 'yong araw dahil sa liwanag ng mukha mo, Kuya," puna ni Jane habang nakatitig sa akin. "Ang aliwalas, e. Ano'ng mayro'n?" "Tigilan mo 'yang pagtingin-tingin mo sa'kin. Matalisod ka r'yan, ako na naman ang sisisihin mo." Maaga kami ngayon kaya napagpasyahan naming maglakad papasok sa ABU. Maghahating-gabi man nang pumikit, naging maganda at mahimbing pa rin ang naging pagtulog ko. Maaga pa ngang nagising. Pakiramdam ko lang ay gusto ko nang pumasok at sulitin ang mga huling araw bago mag-semestral break. "Bakit nga, Kuya? 'To naman, 'di na nga kita nakakakwentuhan, e." "Wala nga. Siguro dahil lang patapos na ang sem at wala na masyadong ginagawa." "Akala ko dahil sa reply ni Ate Meriah, e..." Kunot-noo kong binalingan si Jane. "Sure, I'd like to... with a smiley pa!" "Anong... Pa'no mo– pinapakialaman mo ba ang cellphone ko?" 'Di ko
last updateLast Updated : 2021-08-20
Read more

Ika-dalawampu't walong Kabanata

Malamig ang gabi, kasinglamig ng mga mata ng babaeng hanggang ngayon ay nasa aking isip. Sa apat na sulok ng aking kwartong tahimik ako napapatitig, hindi alintana na paghinga ko lamang ang aking naririnig. Kumatok ang aking kapatid. "Kuya?" "Mauna ka na kumain. Mamaya na 'ko." Mula sa pagkakahiga ay dumapa ako, nakaharap sa saradong pintuan at pinakikiramdaman ang kapatid sa labas. "Ayos ka lang ba?" "Sige na, Jane... Mauna ka na." Tinakpan ko ng unan ang aking ulo. Hindi ako mapalagay. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Ano ba itong nangyari? Ayaw kong maniwala sa nangyari... "Tell Kelsey and her friends that they succeeded... You succeeded. I hope you're happy now..." Noong una ay hindi ko maintindihan... Namumutla si Andeng nang harapin ko kanina. Talaga bang nangyari iyon? "Sorry, James... S
last updateLast Updated : 2021-08-24
Read more

Ika-dalawampu't siyam na Kabanata

Tila hangganan ng kahel na langit ang naglalakihang gusali at iba pang imprastraktura kung saan naroon ang aking titig. Ang kulay ng kalangitan na nag-aagaw-dilim ay tila mo ba nakikisimpatya sa akin. Ang hatid nitong pakiramdam ay hindi nakakatulong sa nararamdaman ko ngayon. Umayos ako sa aking kinauupuan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napabuntong-hininga. Hindi ko mapigilan... Ngayon ko naramdaman ang pagod ngayong nasa biyahe na ako pabalik sa probinsya. Kanina'y tiniyak ko nang aabutin ako ng dilim sa daan dahil alas singko na nang mapagpasyahang kong umalis sa harap ng CMU. Sinubukan ko lang naman... Nakapanghihinayang pero sapat na sa akin na makita siyang maayos. Bago ako sumuko sa paghihintay na matapos ang klase niya, hiniling kong kahit saglit, sana ay napunasan ko ang pawis sa kaniyang noo o naisilong man lang siya sa dala kong payong. Nagtataka man kung bakit siya lumaba
last updateLast Updated : 2021-08-31
Read more
PREV
1234
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status