Home / All / Patalsikin si Ms. Dayo! / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Patalsikin si Ms. Dayo!: Chapter 11 - Chapter 20

40 Chapters

Ika-sampung Kabanata

Minabuti kong tapusin agad ang seatwork upang abalahin naman ang sarili sa pang-organisasyong gawain. "Nat," pagtawag ko. "Nakita mo si Jef?" "Alam mo…" umpisa nito. Mukhang alam ko na kung saan na naman patungo ito. "Naturingan kang part ng organization at vice president pa, ha, tapos hindi mo alam kung nasaan president niyo?" Kita mo na. Sabi ko na nga ba. "Nandoon sa office niyo! Explore-explore din kasi! Palitan kita r'yan, e!" "Sige lang, sabihin ko kay Jef," tugon ko. Alam naman nilang ayaw kong nasasali sa organisasyon o kung anu-ano pang kinakailangan na may posisyon. Mabuti nga't ginagampanan ko ang tungkulin kahit hindi buo ang aking loob sa pagkakasali sa organisasyong ito. "Joke lang! Ayaw ko na ng dagdag pang intindihin sa buhay!" Nagtungo ako sa opisina namin at doon ay nakita ang hinahanap na si Jef. Ipinasa ko ang kabuuan ng output na t
last updateLast Updated : 2021-07-17
Read more

Ika-labing isang Kabanata

Habang nakatayo sa harapan ng kaibigan ni Meriah at pinagmamasdang mabuti ang ekspresyon nito sa paghihintay, minabuti kong kalmahin ang sarili mula sa iritasyon na nararamdaman. Kung hindi lang sana ako nautusan para ipasa sa Dean ang attendance ng buong third year BA students, hindi sana ako mahuhuli para rito. "Hindi sinasagot ni Meriah ang phone niya, e," ani Leslie nang maka-isang missed call sa cellphone ng kaibigan. "Sige, salamat. Ako na'ng bahala," sabi ko na lang at nagmadaling lumabas para sundan siya. Naabutan ko siyang nakatingin kanina sa tatlong council student at nang umalis ang mga iyon ay umalis din siya. Marahil ay para sundan, pero bakit? Noong oras na iyon ay hindi ko alam ang sinabi niya kay Leslie kaya naman nagtaka ako at umabot pa nga sa puntong ito, na hinahanap ko siya ngayon. Pero sino naman ang tutulungan niya?  Kanina base sa mga tingin niya, mukha siyang atentibo s
last updateLast Updated : 2021-07-18
Read more

Ika-labing dalawang Kabanata

"May iba sa'yo!" puna ni Andeng nang magkita-kita kami pagkatapos silang gawaran ng award.   Nilingon naman ako ng dalawa at ininspeksyon ako.   "Kung anu-ano na namang pinapansin mo," pabirong singhal ko at sinabayan sila sa paglalakad palabas ng auditorium.   "Oo nga, parang ang gaan ng mood mo today! Hindi nakalinya 'yang kilay mo tulad ng lagi mong ekspresyon na seryoso!" segunda ni Nat.   "May nakitang chiks 'yan kaya gan'yan," naka-angkla na ang braso ni Andeng kay Nat at binibigyang konklusyon ang kung anong napansin sa akin. Patuloy nila akong sinulyap-sulyapang dalawa.   Napa-buntong hininga ako at mabagal silang inilingan, nagkukunwaring nadismaya sa iniisip nila. Minsan din talaga para silang si Jane kung mag-isip.   "Lagi namang gan'yan ang sinasabi niyo kapag maliwanag ang mukha nitong si James, e. Pero may napatunayan ba kayong may chiks nga?" N
last updateLast Updated : 2021-07-19
Read more

Ika-labing tatlong Kabanata

Ito na yata ang pinakamaayos na takbo ng aking araw mula nang dumating si Meriah dito sa ABU. Maganda ang naging paggising, maagang nakapasok, sigurado ang naging mga sagot sa quiz at inaprubahan ng professor ang aming gawa sa research paper. Ngayon naman ay magagandang bagay ang naririnig ko.   "Totoo? Tinulungan ni Meriah ang mga council?"   "Oo, 'yon ang sabi ni Levy. Mas maganda pa nga raw ang kalidad ng trophy at medals kaysa sa lagi nilang pinagpapagawaan."   "Okay naman pala si Meriah, e."   Pinagpatuloy ko ang pagkain. Narito kami sa canteen para sa tanghalian. Gutom ang dalawa kaya tahimik ang naging pagkain namin, dahilan upang marinig ko ang usap-usapan sa gawing likuran.   Ngunit kahit gaano pa rin kapayapa ang daloy ng oras, mayroon pa ring kung sinong puro negatibo ang hatid ng presensya.   "Naku, pakitang tao lang 'yan. Malamang n'yan napilitan
last updateLast Updated : 2021-07-20
Read more

Ika-labing apat na Kabanata

"Suggestion nga iyon ni Chustine. Alam mo na, laking syudad kaya maraming alam na gano'ng lugar. Pero pinag-iisipan pa naman," paliwanag ni Levy. Tutal ay nag-aaya naman daw ng hang out si Chustine, mabuting isabay na ang selebrasyon para sa tagumpay ng event. "Titingnan ko pa kung may makakasama ang kapatid ko sa bahay sa gabing 'yon." "Sige, isasali na kita sa group chat mamaya para alam mo 'yong mga napag-uusapan." Palabas na kami ng unibersidad nina Jef, Nat at Andeng para umuwi nang makasalubong ko si Levy malapit sa gate. Agad niyang binuksan ang usapan tungkol sa selebrasyon kaya naman pinauna ko na ang tatlo dahil tatawid pa sila sa kabila ng kalsada upang mag-pa-print ng survey forms nila. Tinapik ako ni Levy sa balikat nang matapos ang pag-uusap. Nang makalabas, sinipat ko ang tatlo mula sa pagitan ng mga nagdadaanang sasakyan at nakitang naroon pa sila. Maraming estudy
last updateLast Updated : 2021-07-22
Read more

Ika-labing limang Kabanata

"Salamat po," pasasalamat ko sa librarian nang matapos ako sa pagsasagawa ng survey sa library. Apat na oras akong naglagi sa library sa pagpapasagot ng survey forms sa mga estudyanteng nagdadatingan. Ang payo ni Meriah ay kahit ibang kurso, basta pumapasok sa klase ng business management, maaari kong pasagutan. Naisip kong tama naman siya kaya ginawa ko. Mabuti ay natapos ko iyon sa isang hapon nang maaga kaming natapos sa klase.  Nang sumunod na araw ay napagpasyahan namin ni Meriah na roon gawin sa aming tambayan ang pag-ta-tally ng resulta sa isinagawang survey. "Hindi ko nakikita si Leslie," pagbubukas ko ng kaswal na usapan. "Business trip," tipid niyang sagot nang hindi tumitingin sa akin. Marahan ang tipid kong pagtango nang sulyapan ko siya dahil akala ko ay hindi na niya dudugtungan pa ang kaniyang sinabi. "Her mother introduced her to the world of business," tulad
last updateLast Updated : 2021-07-23
Read more

Ika-labing anim na Kabanata

"Fine." Lilingunin ko sana ang nagsalitang si Meriah ngunit nilagpasan na ako nito. Napatitig na lamang ako sa palayo niyang likod, hindi buo sa loob kung ano ang dapat gawin. "Oh–," hindi naituloy ni Jef ang anumang sasabihin nang lagpasan din sila ni Meriah. "Ano'ng nangyari?" baling nito sa'kin, ilang hakbang pa upang marating ko ang distansya sa pagitan namin. "Lumalabas na ang totoong ugali," sa halip ay si Andeng ang sumagot na siya kong nilingon. Nag-iwas ito ng tingin nang makitang wala ako sa kondisyon para sa mga ganoong linya nila. Sa klase ay patuloy na naging okupado ang aking isipan. Hindi ako mapakali dahil sa nangyaring hindi pagkakaintindihan. "Siya? Walang kwenta? Iyon ba ang naging dating sa kaniya ng aking ginawa?" paulit-ulit kong tanong sa isipan. Nang dahil sa namumuong pakiramdam ko para sa kaniya, kaakibat n
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more

Ika-labing pitong Kabanata

Nag-alok kami ng tulong kay Manang Tasing sa kaniyang pagluluto ngunit tinanggihan niya kami. Sabi niya ay mas mapapadali kung siya na ang gagawa lahat. Kaya heto kami ngayon sa sala, dinadaldal ni Jane si Meriah. "Ngayon lang talaga kita nakita, Ate Meriah." Nakaupo ako sa dulong bahagi ng sofa habang ang kapatid ay sa kabilang dulong bahagi nito, malapit kay Meriah na nakaupo sa pang-isahang upuan na sofa. "I was enrolled on the third week of June," tugon ni Meriah. "I'm just a new student." Inabot ko ang basong may lamang juice sa lamesita upang inumin habang nakikinig sa kanila. "Oh, kaya pala," tumatangong sabi ni Jane bago iniba ang usapan. "Parang hindi naman pang-public school ang beauty mo, Ate." Muntik na akong masamid dahil sa sinabi ng kapatid. "Really?" May multo na ng ngiti sa labi ni Meriah nang sulyapan ko ito. "Well, I wa
last updateLast Updated : 2021-07-29
Read more

Ika-labing walong Kabanata

"Ang sarap sa pakiramdam!" ani Leslie sa katabing si Meriah. Marahil ay tinutukoy ang huling pagsusulit para sa midterm. Pare-pareho kaming naglalakad pababa sa gusali at nagkataong nasa harapan namin sila at nauunang maglakad. Kung titingnan ay mukha kaming magkakasabay na tila isang grupo. "It's been a tough week," walang ganang tugon ng kaniyang katabi at pinasadahan ng mga daliri ang taas na bahagi ng buhok, dahilan upang maiba ang ayos nito at umalon ang nakaladlad na buhok sa likod. "Excited na ako sa celebration mamaya! Ano ba'ng isusuot mo?" pag-iiba ng usapan ni Leslie. Kasama na pala siya roon. "Hindi ko alam," sagot ni Meriah. "Bahala na mamaya." Nang madaan sa parking lot ay lumiko na papunta roon ang dalawa. Samantala, ngayon pa lang kumibo ang aking mga kasama nang mawala ang dalawang nasa harapan. "Ano kayang celebration 'y
last updateLast Updated : 2021-07-31
Read more

Ika-labing siyam na Kabanata

Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling uminom. Ang natatandaan ko lang ay nagsuka ako sa huling beses na uminom ako at naging dahilan iyon ng pagiging huli sa klase ni Jane noong sumunod na araw kaya simula noon ay iniwasan ko nang uminom. Sa ngayon, sinisigurado kong kontrolado ko ang aking sarili at pati na rin ang mga babaeng kasama sa mga oras na ito. "It's been a long time since we last drink, right?" narinig kong kinausap ni Chustine si Meriah. "Yeah, it was our Christmas party," sagot naman ni Meriah. Nakatayo ang iba naming kasama habang nagkakantahan, marahil ay malalakas na ang loob dahil bahagya nang tinamaan mula sa iniinom. Kami lang ang natirang nakaupo nina Jef, Andeng, Chustine at Meriah. 'Di tulad ni Leslie at Nat, si Andeng at Meriah ay beer na rin ang iniinom. Nagpaubaya na sila sa dalawang babae na hindi sanay uminom ng beer at itinira na sa kanila ang kaunting cocktail na nasa tower.&nb
last updateLast Updated : 2021-08-01
Read more
PREV
1234
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status