Home / All / Patalsikin si Ms. Dayo! / Ika-labing walong Kabanata

Share

Ika-labing walong Kabanata

Author: magayonloves
last update Last Updated: 2021-07-31 01:29:21

"Ang sarap sa pakiramdam!" ani Leslie sa katabing si Meriah. Marahil ay tinutukoy ang huling pagsusulit para sa midterm.

Pare-pareho kaming naglalakad pababa sa gusali at nagkataong nasa harapan namin sila at nauunang maglakad. Kung titingnan ay mukha kaming magkakasabay na tila isang grupo.

"It's been a tough week," walang ganang tugon ng kaniyang katabi at pinasadahan ng mga daliri ang taas na bahagi ng buhok, dahilan upang maiba ang ayos nito at umalon ang nakaladlad na buhok sa likod.

"Excited na ako sa celebration mamaya! Ano ba'ng isusuot mo?" pag-iiba ng usapan ni Leslie.

Kasama na pala siya roon.

"Hindi ko alam," sagot ni Meriah. "Bahala na mamaya."

Nang madaan sa parking lot ay lumiko na papunta roon ang dalawa. Samantala, ngayon pa lang kumibo ang aking mga kasama nang mawala ang dalawang nasa harapan.

"Ano kayang celebration 'y

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-labing siyam na Kabanata

    Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling uminom. Ang natatandaan ko lang ay nagsuka ako sa huling beses na uminom ako at naging dahilan iyon ng pagiging huli sa klase ni Jane noong sumunod na araw kaya simula noon ay iniwasan ko nang uminom. Sa ngayon, sinisigurado kong kontrolado ko ang aking sarili at pati na rin ang mga babaeng kasama sa mga oras na ito."It's been a long time since we last drink, right?" narinig kong kinausap ni Chustine si Meriah."Yeah, it was our Christmas party," sagot naman ni Meriah.Nakatayo ang iba naming kasama habang nagkakantahan, marahil ay malalakas na ang loob dahil bahagya nang tinamaan mula sa iniinom. Kami lang ang natirang nakaupo nina Jef, Andeng, Chustine at Meriah. 'Di tulad ni Leslie at Nat, si Andeng at Meriah ay beer na rin ang iniinom. Nagpaubaya na sila sa dalawang babae na hindi sanay uminom ng beer at itinira na sa kanila ang kaunting cocktail na nasa tower.&nb

    Last Updated : 2021-08-01
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-dalawampung Kabanata

    "'Yong sa partner game, ayos na. Kayong dalawa na ang bahalang mag-facilitate doon," pagtutukoy ni Jef sa dalawang miyembro ng aming organisasyon. "'Yong sa seminar, ayos na. Kasya ang budget para sa pambayad sa mga guest speaker at pati na rin sa photobooth," ani Jef, hindi inaalis ang tingin sa hawak niyang notebook kung saan nakasulat ang lahat ng plano para sa mga event na aming gagawin. James, 'yong catering ayos na?"Nang sulyapan niya ako ay nagtaas lamang ako ng hinlalaki upang sabihin na maayos na ang lahat sa parteng iyon. Kinausap ko na ang dati kong pinagtrabahuhan dahil kailangan namin ng catering services para sa aming inoorganisang seminar. Sa totoo lang, kapos ang aming budget para roon kaya naman ginawan ko ng paraan. Pinabawasan ko ng isang serbidor ang serbisyo nila sa amin upang mabawasan din ang bayad sa kanila. Naisipan kong ako na lamang ang papalit bilang isang serbidor. Hindi ko pa iyon naipapaalam kay Jef pero sa tingin ko naman ay wala

    Last Updated : 2021-08-02
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-dalawampu't isang Kabanata

    Nilingon ko si Meriah nang mapansing hindi siya gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Ipinangtatakip pa rin niya ang kaniyang bag sa kaniyang likuran dahil namantsahan ang suot niya dahil sa buwanang dalaw.Napabuntong-hininga ako. Ito lamang ang aking naisip dahil walang susundo sa kaniya pauwi sa kanila."But..." nagdadalawang isip siyang sumakay sa upuan sa likuran ng aking bisikleta."Ayos lang, kaya ko," pangungumbinsi ko."No," aniya sa matigas na boses. "It's too far from here and the sun's gonna burn us alive!" may pag-eeksaherada niyang sinabi."Sige, hindi na kita ihahatid sa inyo. Sumakay ka na, may iba tayong pupuntahan.""To where?""Sakay na," sa halip ay sinabi ko.Dahan-dahan, naglakad siya papunta sa aking likuran at mabilis na umupo sa bakal na upuan sa aking likuran."Uhm... saan

    Last Updated : 2021-08-03
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-dalawampu't dalawang Kabanata

    Ano ba itong pinasok ko? Pilit ko ngang tinanggihan ang marriage booth nang mahila ako ng tiga-ibang department, napasali naman ako rito sa partner game na mismong inorganisa pa namin. Hindi ko mapigilang hindi mapaismik. Ano ba itong kalokohang ito?Nag-aalala tuloy ako kung ano'ng iniisip ngayon ni Jef, lalo na ni Meriah. Bakit ko ba kasi tinanong kung kasali si Meriah? Dapat sinigurado ko muna. At paano nga kung kasali pala si Meriah?"Nakakunot ang noo mo. Ayos ka lang?" tanong ni... nakalimutan ko ang pangalan ng babaeng katapat ko! Kanina pa niya pinagmamasdan ang bawat kilos ko at napansin ko iyon.Tumango ako bilang pagkumbinsi sa kaniya na ayos lang ako. Sinulyapan ko naman ang nanonood na si Meriah. Nakatingin siya sa papel na sinusulatan ni Leslie at pinipigilan ang pagngisi sa kung ano'ng sinusulat ng kaibigan. Sa oras na ito ay pinapasulat sa amin ang pangalan at katangiang aming nagustuhan sa natitipuhan na

    Last Updated : 2021-08-06
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-dalawampu't tatlong Kabanata

    "Ah... shit." Hindi ko nagugustuhan itong pakiramdam na ito. Kanina pa ako hindi mapakali at para bang may gusto akong gawin na hindi ko magawa-gawa.Paulit-ulit na bumabalik sa aking alaala ang pagngiti ni Meriah kasama ang lalaking minsan siyang kinulit at tinanong kung pupwedeng ligawan. Hindi ko maitanggi ang aking nararamdaman. Kumakabog ang aking dibdib at para bang sa loob nito ay may nagpupuyos sa galit."Huy, Kuya? Ayos ka lang?" Nag-angat ako ng tingin kay Jane. Siguro ay wala sa aking loob ang iginawad na tingin kung kaya ay nagsalita pa siya. "Nagsasalubong 'yang kilay mo. Nakakatakot."Sa sandaling iyon ay naramdaman ko nga ang matagal na pagkakakunot ng aking noo nang kusang tumaas ang aking kilay sa sinabi ng kapatid. Sumandal ako sa upuan at tumingala, pumikit at tinakpan ng braso ang mga mata.Nang matapos maghapunan kanina ay pinilit kong magbasa-basa para sa nalalapit na defe

    Last Updated : 2021-08-07
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-dalawampu't apat na Kabanata

    "Magandang gabi po," bati ko habang tinitimbang kung dapat ba akong magmano sa mga magulang ni Meriah o hindi.Batid man ang panlalamig ng kamay dahil sa kaba, nauna ko nang inabot ang kamay ng ama ni Meriah nang makita ang pagtanggap sa mga ngiti nila. May tungkod man, kita pa rin ang kakisigan nito at kagandahang lalaki. Ganoon din sa ina ni Meriah–maganda at mukhang nasa trenta pa lamang kahit alam kong nasa singkwenta mahigit na ang kaniyang edad dahil sa pagkakabalita ng enggrande nitong kaarawan dati sa telebisyon.Unang tingin pa lamang sa kanila ay alam mong mayroon silang marangyang pamumuhay. Bigla akong tinamaan ng hiya dahil sa suot ko. Hindi ko naman inakalang kasama ni Meriah ang kaniyang mga magulang."Ang presentable mo, James! Ang galing-galing mo..." pinigilan kong mapailing sa lihim na kasarkastikuhan sa sarili."Magandang gabi rin," halos mabigla ako sa bating pabalik ni Mr.

    Last Updated : 2021-08-12
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-dalawampu't limang Kabanata

    "Yes... pumipito, ano'ng mayro'n?""Bakit? Masamang pumito?" tanong ko pabalik kay Jane habang hinuhugasan ang aming pinagkainan."Hindi naman. Mukha ka lang good mood." Tama naman...Pinagpatuloy ko na lang ang naiisip na himig sa aking utak habang binabanlawan na ang mga kasangkapan."Mukha kang in love.""Oh–!" Muli kong pinulot ang nalaglag na baso sa lababo. Sinipat ko ang baso. "Manahimik ka nga, Jane." Buti hindi nagkaroon ng lamat."Huli ka pero 'di ka kulong," natatawang pahayag ni Jane habang naririnig ko ang kaniyang yapak palayo.Napailing na lang ako."Do you want to be my intern next semester?" Hindi ko lang talaga siguro makalimutan ang alok ni Mr. Buenavidez kaya maganda ang kondisyon ko ngayon. "Sabay na kayong magtraining ng anak ko sa kumpanya."Tatanggihan ko sana dahil m

    Last Updated : 2021-08-15
  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Ika-dalawampu't anim na Kabanata

    Sa tambayan namin naisip mamalagi ni Meriah nang matapos kaming i-defend ang research paper namin. Maganda ang naging presentasyon namin, ang ngiti at satisfied na mukha ng mga panel ang nagpatunay doon. Ngayon, hinihintay kong matapos sina Jef habang si Meriah naman ay hinihintay si Kuya Lando."Whoo!" Si Meriah 'yan nang pabagsak siyang naupo.Pinigilan kong mapangiti. Nagiging kumportable siya, ah?Ayos lang naman. Naiintindihan ko naman kung bakit ganoon na lang ang kaniyang naging ekpresyon. Aniya, natapos na raw kasi ang paghihirap namin.Naghirap ba talaga kami? Parang hindi naman...Bukod doon, napansin kong maganda talaga ang kundisyon niya kumpara noong mga nakaraang araw. Mabuti naman... Sana magtuluy-tuloy na.Tinatanggal ni Meriah ang suot niyang pangcorporate blazer nang magsalita ako."Dalawang exam na lang ang iintindihin

    Last Updated : 2021-08-16

Latest chapter

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Espesyal na Kabanata

    "Aw!" nasambit ng batang si Meriah nang mamatay bigla ang gamit nitong phone.Naroon siyang mag-isa sa loob ng kanilang sasakyan dahil ayaw niyang bumaba at sumama sa kaniyang mga magulang. Mula sa pagkakaupo ay lumuhod ito sa upuan at lumingon sa likuran ng sasakyan upang tanawin ang mga magulang na nakikipag-usap sa kung sinong hindi niya kilala roon sa bukid.Ito ang kauna-unahang pagpunta ni Meriah sa probinsya. Ang alam niya lamang ay may bukid sila rito at taniman ng gulay at prutas. At sa mga oras na iyon, sinisisi niya ang mga iyon kung bakit sila naroon ngayon.Nag-uumpisa nang makaramdam ng pagkainis ang batang babae dahil hindi niya akalaing sa ganitong klase pala ng lugar pupunta ang kaniyang mga magulang. Nang magpaiwan naman upang maglaro gamit ang sariling phone, naubusan naman ito ng karga. Ngayon ay wala siyang magawa sa loob ng sasakyan. Sana ay hindi na lamang pala siya nagpumilit na sumama.&nb

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Huling bahagi)

    The day has come. She is now on the bus with James going back to province. It's time to face it. It's time to face them. That's the reality. Her reality.James held her hand tightly. She looked at him."Unang beses," ani James bago niya itinaas ang magkahawak nilang mga kamay at tumingin sa dalaga.Malamig man sa loob ng bus dulot ng aircon, parehas namang dinaanan ng init ang kanilang mga pisngi. Tama, unang beses nilang maghawak ng kamay sa isang ordinaryong sitwasyon. At ang makita pa ang tipid na ngiti ng dalaga habang nakatingin sa kaniya ay sapat na.Meriah felt so safe just by feeling the warmth of his hand. But she felt the butterflies in her tummy when James intertwined their hands. How can she feel safe and giddy at the same time?! Gosh, this man is really driving her crazy!But thanks to him. That way, she forgot how anxious she was."Ate Meriah!"

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-pitong bahagi)

    "If you ever hurt her or try doing something inappropiate to her, keep in mind that I won't let you see her again. At kung susubukan mo pang lumapit sa kaniya matapos mo siyang pabayaan o tarantaduhin, I'm telling you... I can be merciless. Am I getting myself clear?""Hindi ba masyadong maaga para sabihin 'yan?" saad ni Mrs. Buenavidez sa asawa at masuyong iniangkla ang kaniyang braso sa braso ng asawa. "Liligawan pa lang naman ni James ang anak natin. Alam nila 'yan... Right, James?"Matindi ang kalabog ng dibdib ni James hanggang sa pagsapit ng hapon bago niya lisanin ang lugar. Naintindihan naman ni James ang ama ng dalaga. Normal lamang ang ganoong pag-aalala lalo na't nag-iisang babae lamang ang kanilang anak. Ngunit ipinapangako niya sa kaniyang sarili na kung kailangang paghirapan niya ang lahat para kay Meriah, gagawin niya upang mapanatag ang ama nito. Gagawin niya upang mapatunayan ang pagmamahal niya sa anak nito.

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-anim na bahagi)

    "Nice..." Meriah said in astonishment as she checked all of the papers of James one morning. She's getting his mobile number secretly.It's crazy, yes! And it feels illegal as to how embarrassed is she right now. Pero gusto niya lamang magkaroon ng komunikasyon sa binata kapag natapos na ang OJT nila... sana.At ganoon nga ang nangyari.To: James+63920*******HiMeriah waited for almost an hour but she didn't get a reply. What the..."Ano? Tara na!" aya ni Nat kay James isang hapon sa kanilang eskwelahan.Tinigilan ni James ang pagtitig sa nabasang mensahe sa cellphone mula sa 'di kilalang numero. Binura niya iyon at ipinamulsa ang cellphone. Sa tingin naman niya ay hindi iyon mahalaga dahil hindi na nasundan ng tanong o ng kung ano pa ang simpleng "Hi" na natanggap niya.Sumunod na ang binata sa mga kaibigan nito na magpap

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-limang bahagi)

    At that moment, Meriah couldn't believe that her heart could still beat faster and harder than what she's feeling the whole time. He confessed... He just confessed! Her knees are getting weak. She heard it all right, didn't she? Somebody save her! Hihimatayin yata siya!"Hep, hep! Ang tagal mo nang kasayaw si Meriah. I think it's my time..." Talk about timing. It was Klei. Maybe somebody out there heard her. Tss.But does she really want to be saved at that state? They are having the moment!"Oo, magiging oras mo na talaga kung hindi mo kami hahayaan," hindi napigilan ni James na maging sarkastiko sa binatang sumulpot.Halos matawa si Meriah sa sinambit ng kasayaw. She is still not over with his confession and yet she is admiring the obviously pissed off James.This is crazy!Naramdaman naman ni James ang dahan-dahang pagkalaglag ng mga braso ng dalaga mula s

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ika-apat na bahagi)

    "Oh, James..." wala sa sariling nasabi ng dalaga dahil sa pagkamangha nito. She's looking at him intently when reality hits her. "Wait– you... You! What are you doing– how did you..."Naguguluhan siya. Naguguluhan din ang lahat ng nanonood sa kanila pero hindi alintana nina James at Meriah ang presensya nilang lahat. And once again, James amuses her! The way he chuckled as he slightly looked down, caressed his nape and shook his head a bit to her words... it's so endearing to witness! Why is he so adorable right now?Lingid sa kaalaman ng dalaga na ang dahilan ng bahagyang pagtawa ni James ay dahil ngayon lamang siya nakitang ganoon nito; mulat na mulat ang mga mata, nakataas ang kilay, nakaawang ang labi at akmang hahawak pa sa kaniya dahil sa pagkabigla. Namamangha sa kaniya ang binata 'di lamang dahil sa namumukod tangi niyang ganda sa lugar na iyon ngayon, kung 'di dahil din sa kaniyang naging reaksyon.S

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ikatlong bahagi)

    Samantala, sa bahay ng pamilya Buenavidez... "You're so beautiful, darling." Meriah gazed at her mother through the mirror. She smiled. Her father made a face and said, "Maganda naman talaga ang anak natin lagi." That made her smile grow wider. "Yes, I know. What I'm trying to say is, she will definitely stand out among the crowd tonight." That is what Meriah thinks as she looks at herself in the mirror. Ngayon siya nakaramdam ng hiya dahil ngayon niya na-realize na agaw-pansin ang suot niyang gown. Shining, shimmering, splendid! And the lower part of her gown falls widely around her, wide enough to not accept anybody's hand to dance with her. Perfect! But honestly, she loves how her long hair was curled while the upper half of it was braided loosely. Flower hair accessories that was stuck in her braided hair completed the princess look. Her earrings look like droplets

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Ikalawang bahagi)

    "Time really flies so fast," Meriah uttered that afternoon as she started to hear the students talking about the most awaited Valentine ball on her way to the parking lot. She's finally going home after a long day in school. "Ano kaya ang happenings sa ABU kapag February?" she thought as she gazed out of the window of their car, seeing the students having their usual day going out of the university. Talaga bang hindi na niya pinagbabawalan ang sarili niyang isipin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa ABU? It feels brand-new... Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam niya. "Wow..." she said as she stopped from walking in their house. She came home and her huge gown in their living room welcomed her. Tila ba gusto na niya iyong suotin ngayon. "It's silky and shiny and perfectly fits you, hija!" Her Tita Herl said as she turned around and the gown bubbled even more.

  • Patalsikin si Ms. Dayo!   Wakas (Unang bahagi)

    "Sa nag-iisang dayo na nagbigay-kulay sa ordinaryo kong buhay sa loob ng maikling panahon... Meriah Buenavidez, maligayang kaarawan sa'yo.Kumusta ka? Sana nasa maayos ang kalagayan mo palagi. Masaya ka ba? Sana masaya ka sa araw na ito. Sana araw-araw kang nakangiti. Dahil hindi mo alam kung sinu-sino ang nagkakaroon ng inspirasyong magpatuloy sa araw-araw kapag nasisilayan ang iyong mga ngiti. Kung tatanungin mo kung isa ba ako roon, ang sagot ko ay hindi... Sapat na sa'kin na maging inspirasyon ang malaman na nasa iisang lugar lang tayong dalawa at nagkakasamang muli. At sobra-sobra na sa akin kung ipagkakaloob mo na masilayan kong muli ang iyong mga ngiti.Ang kaligayahan sa puso mo ang pinaka-importante para sa akin. Alam kong nasaktan ka. Mayroong galit sa puso mo... Hayaan mo sanang pasiyahin ka ng mga tao sa paligid mo, oras ang magpapagaling sa nararamdaman mo.Bago matapos ang liham na ito, gusto kong malaman m

DMCA.com Protection Status