Isang marahang tapik ang gumising sa diwa ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at isang ngiti ang sumilay sa labi ko nang makita ko ang nakangiting mukha ni Mama.Natutuwa ako sa tuwing gigising ako sa umaga na mukha ni Mama ang unang sisilay sa mga mata ko. Lihim kong kinagigiliwan ang mga mata at labi niyang hindi ko maipagkakailang maraming nahuhumaling sa mga ito. Ito na rin siguro ang isa sa mga bagay na hindi ko man lang nagawang makuha sa kanya.Minsan ay hindi ko maipagkakailang naiinggit ako sa ibang mga bata na nagiging kamukha nila ang mga magulang nila sa tuwing lilipas ang panahon. Magmula sa kilay, sa labi, sa mata, sa ilong— halos lahat ng mga bagay at katangian ay nagagawa nilang makuha.Ako lang yata ang pinagkaitan ng bagay na nanggaling kay Mama. Minsan nga ay hindi ko rin mapigilan ang sarili kong maniwala na lang sa sinasabi ng iba na hindi ako ang tunay na anak ni Mama, na may iba pa siyang pamilya na sinusuportahan maliban s
Read more