Home / All / It's My Day, Happy Birthday! / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of It's My Day, Happy Birthday!: Chapter 41 - Chapter 50

57 Chapters

Chapter 41

Kulang pa ang isang kabanata kung mabibigyan man ako ng pagkakataong isalaysay ang lahat ng nangyari sa buhay ko.Mabilis na lumipas ang panahon. Simula nang mangyari ang gulong iyon ay nagkaroon kami ng pagkakataong magkaayos at linawin ang lahat sa pagitan naming tatlo nila Bryan. Nung una ay hindi niya pa kadaling napatawad si Bryan kaya naman inabot pa si Bryan ng ilang linggo para lang muling makipag-ayos sa kanya. Pagkatapos ng ilang linggong iyon ay binigyan niya rin ng pagkakataon si Bryan na manligaw sa kanya na lihim naming ipinagpasalamat.Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nang matapos ang school year na ito. Finally, graduated na rin ako sa pagiging senior high student at may chance na rin ako kahit papaano na tahakin ang landas na gugustuhin ko.Hindi naging madali para sa 'kin ang dalawag taong pangungulila kila Yohan, Samuel, Bryan, Giselle at kay Sofia na ngayon ay college students na. Hindi ko rin naman maiwasang lihim na mainggit sa kani
last updateLast Updated : 2021-07-13
Read more

Chapter 42

Nakatingala kong pinagmasdan ang mga dahon na unti-unting bumabagsak sa lupa. Ngayon ang ika-walo ng Agosto, at ngayon din mismo ang kaarawan ko.Maraming dumalo, at gaya nga ng inaasahan ay puro na naman matatanda at kasamahan sa trabaho nila Daddy ang bisita sa garden. Hindi na rin naman ako nag-abalang imbitahan ang mga kaibigan ko sa simpleng pagdiriwang na ito dahil ayokong makita nila ang kasamaan na dumadaloy sa dugo ko.Oo, may plano ako para sa kanya at ayoko namang ipakita sa mga kaibigan ko ang plano kong iyon. Ayokong makita nila ang tunay kong ugali dahil natatakot akong mahusgahan ng mga taong nasa paligid ko. Natatakot akong maiwanan, natatakot akong masaktan nang walang makakapitan.Simple lang ang selebrasyong hiningi ko kay Daddy na inaprubahan niya rin naman 'di kalaunan. Si Tita Hyacinth ay naging mapilit kahit na papaano. Wala rin naman siyang nagawa kapag ipinilit ko sa sarili kong ayoko sa mga plano niya.“Ta-te?” ani ng
last updateLast Updated : 2021-07-13
Read more

Chapter 43

Bakas ang pamumugto ng mga mata ko nang maisipang makipagkita sa 'kin ni Biguel. Nang sandaling magsalubong ang titigan naming dalawa ay mabilis na siyang nagtungo sa direksyon ko at ginawaran ako ng isang mahigpit na yakap na ikinapikit ko.Sawang-sawa na akong lumuha. Sawang-sawa na 'ko sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.Kung pwede lang magpakamatay nang mabawasan ang mga problema ko... baka ginawa ko na.Pasado alas kwatro na ng madaling araw nang umalis ako sa bahay kasama ng mga gamit ko. Mabuti na lang at si Biguel na rin ang nagkusang-loob na pansamantala akong samahan sa park habang naghihintay kami kay Bryan na nag-alok ng matutuluyan pansamantala sa 'kin.“What happened?” tanong niya nang humupa ang iyak ko.Tahimik ko siyang binalingan ng tingin habang patuloy pa rin sa pamumugto ang mga mata kong wala yatang planong humupa sa pamamaga.Bakas sa mga mata niya ang pinaghalong takot at pakikisimpatya na bahagya
last updateLast Updated : 2021-07-13
Read more

Chapter 44

Nakangiti siyang naglahad ng kamay na hindi ko na ikinagulat pa. Gaya ko ay pinagmasdan din nang mariin ni Biguel ang kamay na inilahad sa 'kin bago bumaling ng tingin sa babaeng nasa gilid niya.Maayos naman ang itsura niya. Hindi naman siya mukhang aligaga kagaya na lamang ng unang kita ko sa kanya.Isang ngiti ang iginawad ko sa kanya bago tinanggap ang nakalahad niyang kamay.“I'm Arestt Penelope Ramirez, but you can call me Penny,” pakilala niya na tinanguan ko.“I'm Kimberly Jade Quesada—”Natigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Biguel na nakatalikod sa gawi ko habang nakahawak sa ulo. Ramdam ko ang pagtaas ng mga kilay ko nang nagmamadali niyang binuksan ang nakasaradong pintuan at tumakbo palayo. Mukhang hindi lang naman ako ang nakakita sa tinuran niya dahil maging si Bryan ay nagtaka sa ikinilos niya.“Anong meron do'n?” tanong ni Bryan ngunit ni isa sa 'min ay walang sumagot.M
last updateLast Updated : 2021-07-17
Read more

Chapter 45

Hindi na kami gano'n kadalang na magkita ni Biguel simula nang huli kaming mag-usap sa kakahuyan.And yes, umamin siya.Umamin sa 'kin si Biguel na nagseselos siya kay Bryan. Nagseselos daw siya dahil parati kaming magkasama ni Bryan, lalo na ngayong nasa iisa kaming building at madalas kaming magkasama.Nang inamin niya sa 'kin ang bagay na iyon ay hindi ko naman naiwasang pamulahanan ng pisngi sa tuwing maiisip ko ang bagay na iyon.Kung sinabi niya sa 'king nagseselos siya ay may pag-asa rin na maisip kong may gusto siya sa 'kin.May gusto nga ba sa 'kin si Biguel, o ako lang itong nag-iilusyon na may gusto siya sa 'kin?Sa dalas naming magkasama ay hindi ko na rin napapansin ang sarili kong unti-unti na ring nahuhulog sa kanya. Palagi kaming magkasama sa lahat ng bagay. I mean, marami siyang oras para sa 'kin. Sa tuwing magkakaroon ako ng pagkakataong tawagan siya at hingiin ang presensya niya ay pupunta kaagad siya. Wala siyang pakialam
last updateLast Updated : 2021-07-17
Read more

Chapter 46

Alam kong natutuwa siyang makita ako ngayon, at alam ko ring natutuwa siyang makita ngayon ang nagugulat kong reaksyon.Hindi ko mapigilang isipin kung ano nga bang ginagawa niya dito? May anak siya, 'di ba? Anong silbi ni Daddy kung hindi niya magawang buhayin ang kanyang mag-ina, at bakit ba kinakailangang magtrabaho ni Tita Hyacinth bilang professor sa school na pinapasukan ko?Hindi ba't abogada siya? Anong ginagawa ng isang abogado sa isang eskwelahan? Hindi ba't dapat ay nasa law firm siya? Anong ginagawa niya sa isang pribadong eskwelahan?Lahat ng katanungan ko sa isip ay tuluyang naglaho nang magsalubong ang tinginan naming dalawa. Isang matalim na titig ang iginawad ko sa kanya na mas lalong ikinalawak ng ngisi nito.Alam niyo ba 'yung itsura ng mga kontrabidang napapanood niyo sa mga teleserye? 'Yung tipong may binabalak siyang masama sa bida nang palihim. 'Yung tipong may ideya na siya kung paanong pahihirapan ang bida. Ganito ang nakikita ko
last updateLast Updated : 2021-07-17
Read more

Chapter 47

Para sa 'kin ay hindi kailanman naging patas ang mundo. Maraming naging pagkukulang sa 'kin. Nawalan ako ng mga magulang. Nawalan ako nang masasandalan. Nawalan ako ng kakampi at mas lalong nawalan ako ng pamilya.Oo, hindi niyo naman ako masisisi. Kasalanan ko naman talaga kung bakit ako nawalan.Kung maaga ko lang nalamang aalis at hindi na muling babalik pa sa mga kamay ko si Klaude ay baka naisipan ko na lang na sumama sa pamilya niya at nang sa gano'n ay hindi na kami muli pang magkahiwalay.Kung maaga ko lang nalamang may sakit si Mama ay baka ako na ang kusang lumapit sa kanya upang gawaran siya ng pagmamalasakit at pag-aalaga na deserve niya. Kung maaga ko lang nalaman ang sakit niya ay baka nagkaroon pa ako ng pagkakataong makasama siya at nang sa gano'n ay mapahaba ko pa ang buhay niya.Kung iningatan ko lang sila at kung naisipan ko lang silang kausapin ay baka sakaling nagkaroon pa ako ng pagkakataong mapahaba ang pagsasama-sama namin. Baka sa
last updateLast Updated : 2021-07-17
Read more

Chapter 48

Nauulinigan ko ang dalawang taong hindi man gano'n kalayo sa pwesto kung saan man ako nakahiga, ngunit rinig na rinig ko kung ano man ang pinag-uusapan nilang dalawa.“This is a form of kidnapping, Iya,” rinig kong singhal ni Daddy na nakapikit kong ikinanguso. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Paano kung magising ang anak mo at ikaw ang itinurong dumakip sa kanya? Paano kung magsumbong siya sa mga awtoridad? Nag-iisip ka pa ba?”Halata sa boses ni Daddy ang pinaghalong pangamba at takot para sa babaeng sinesermonan niya. Hindi ko tuloy alam kung matatakot ba ako o kung matatawa sa uri ng pag-aaway nilang dalawa.Dinaig pa nila ang mga bata sa ayos nila.“Don't worry, Jonas. I can handle it.”“You can handle it? Sa pamamagitan nito, Hyacinth? Really?” galit na tugon ni Daddy na animong sinasabon na ngayon si Tita Hyacinth mula sa pag-uusap nilang dalawa.“Yes, I love you,” sagot ni
last updateLast Updated : 2021-07-17
Read more

Chapter 49

Naging maayos namang kasama si Tita Hyacinth sa iisang bahay. Madalas niyang ibigay sa 'kin ang mga bagay na never ko namang hiniling sa kanya. Kusa niyang ibinibigay sa 'kin ang mga pangangailangan kong tanggihan ko man sa kanya ay pilit niya pa ring isisiksik sa 'kin kahit na ayoko.“Minsan lang ako kung magbigay sa 'yo, Hershey,” nakamangol niyang ani na lihim kong inirapan.“Hindi ko kailangan n'yan dahil marami ako n'yan,” angil ko sa kanya bago muling itinulak sa kanya ang karton ng gatas na kabibili niya lang kanina sa supermarket.Yes, kahon ng gatas.Hindi ko alam kung anong problema niya. Hindi ko rin naman magawang matanong sa kanya kung bakit na lang siya ganito kung kumilos sa harapan ko. Ni minsan ay hindi ko naman ipinakita sa kanyang tinatanggap ko na siya.Oo, tinanggap ko na ang kapatid ko sa ama, pero hindi naman ibig sabihin no'n na madali ko na silang mapapatawad ni Daddy. Hanggang ngayon ay naririto pa
last updateLast Updated : 2021-07-17
Read more

Chapter 50

Ramdam ko ang paglapat sa ibabaw ng poster na nasa ulo ko ang brasong pamilyar sa paningin ko. Tila ba tinakpan nito ang kaisa-isang litrato na nagpapatunay na siya nga ang lalaking hinahanap ko nang napakatagal na panahon.Sa halip na makaramdam ng saya ay pait ang naramdamam ko, lalo na nang marinig ko ang boses nitong nakasanayan ko na sa bago niyang katauhan.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Tila ba nakaramdam ako ng pait sa sarili ko nang mapag-alaman kong iisa lang sila.All this time, niloko ako at binilog ng lalaking pinagkatiwalaan ko rin ng ilang taon. Pagkatapos niyang ituro ang address ng inuupuahan kong apartment kay Tita Hyacinth ay naririto na siya ngayon sa likuran ko at tila ba proud pa sa sarili niyang nakatayo na ngayon sa likuran ko.Proud ka sa sarili mo dahil sa napakatagal na panahon ay naririto ka na sa tabi ko, o proud ka dahil nagawa mo na namang mapaikot ang kaisa-isang babaeng nagtiwala sa 'yo.Umasa ako na hindi ko n
last updateLast Updated : 2021-07-17
Read more
PREV
123456
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status