Ramdam ko ang paninitig ni Tita Hyacinth sa mga iginuguhit kong bahay sa sketchpad. Hindi ko tuloy alam kung titigil ba ako o magpapatuloy sa ginagawa ko dahil ang bawat paninitig niya sa kilos ko ay tila ba naghahatid ng asiwa para sa 'kin. Bawat guhit ko, alam kong nananonood siya. Nang magkaroon ako ng pagkakataong huminto at balingan siya ng tingin ay isang malungkot na ngiti ang iginawad niya sa 'kin na ikinakunot ng noo ko.“Naaasiwa ako sa titig mo, Tita,” puna ko na tinawanan niya 'di kalaunan. “Natutuwa lang ako sa 'yo,” aniya na hindi ko na pinansin at nagpatuloy na lang sa pagsusukat. “Hindi ko alam na marunong ka pa lang mag-drawing, Hershey,” she added.Nang sandaling balingan ko siya ng seryosong tingin ay nanatili lang ang titig nito sa iginuguhit ko. Bakas sa mga mata niya ang matinding paghanga na natitiyak kong ngayon ko lang nakita.Sa halos labing apat na taon kong pagkakakilala sa kanya, ngayo
Last Updated : 2021-07-08 Read more