Share

Chapter 38

Author: cuttie.psyche
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Gaya ng inaasahan ng mga taong nasa paligid ko at gaya na rin nang nakagawian ng mga taong dumanas ng hinanakit ko ngayon, nagpatuloy ako sa buhay.

Bryan requested it, gano'n din si Samuel. Kahit na palagi akong binibiro ni Yohan na sumuko na lang at sumunod kay Mama ay umaasa rin siya na magpapatuloy lang ako sa buhay ko. Kasama na rin sa mga taong nabanggit ko sa taas si Biguel.

Sa katunayan nga ay si Biguel at si Bryan lang ang palaging sumusubaybay sa lahat ng kilos ko. Si Samuel ang laging nagpapalakas ng loob ko at nagsisilbing inspirasyon ko, habang si Yohan naman ang nagpapasaya sa 'kin sa tuwing makakaramdam ako ng lungkot sa sarili ko.

Alam mo ba 'yung pakiramdam na makakaramdam ka ng habag sa sarili mo? Pakiramdam mo ay nakakaawa ka sa mga mata ng iba. Naaawa ako para sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay ako na lang ang mag-isang lumalaban sa buhay.

Wala na akong katuwang katulad ng dati. 

Wala na akong kasama katulad ng dati.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 39

    Tahimik lang akong nagta-type ng reports sa laptop nang bigla ko na lang maramdaman ang presensya ng isang taong dumungaw sa ginagawa ko mula sa likuran ng kinauupuan ko.Hindi ko alam kung para saan nga ba ang weekends kung maraming pinapadalang works sa bahay niyo. Family day? Baka araw ng paggagalugad sa mga pending activities ang weekends.“Reports?” tanong ni Tita Hyacinth na inirapan ko at hindi ko na sinagot. “Is it about law? I can help you, Hershey.”“Leave me alone. Hindi kita kailangan,” bugaw ko sa kanya na alam kong ikinatigil niya.“i want to help you, Anak—”Nang dahil sa iritasyon ay matalim ko na siyang binalingan ng tingin na ikinangiti niya.Kung makakilos siya ngayon sa harapan ko ay para bang wala siyang kasalanan sa 'kin. Hindi porque kasal na sila sa papel ni Daddy ay may karapatan na siyang makialam sa buhay ko. Ni wala nga siyang karapatang tumapak sa proper

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 40

    Nakaugalian ko na ang tumambay sa garden, lalo na at ako lang naman ang mag-isang lumalaban sa buhay. Marami naman akong nagiging kaibigan sa klase, pero masasabi kong sila Yohan, Samuel, Bryan at si Biguel lang ang tinuturing kong totoo. Sila lang ang mga taong handang makinig sa 'kin sa tuwing may kailangan at may problema ako. Sila lang din ang kaisa-isang tanong nakaintindi sa ugali ko kaya naman hindi ko mapigilang magpasalamat sa Diyos dahil sila ang grupo ng lalaking ibinigay niya sa 'kin.Pasado alas otso ng umaga nang maisipan kong tumambay sa school garden upang doon tapusin ang mga requirements na kailangan kong ipasa mamayang ala una ng tanghali.Tahimik lang akong nakaupo sa upuan na gawa sa bato nang hindi ko inaasahang dumilim ang paningin ko habang nagsusulat sa libro. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa taong nakatayo na ngayon sa harapam ko at tila ba hinaharangan ang liwanag na nagmumula sa sinag ng araw na ginagamit ko upang makita ang sinusula

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 41

    Kulang pa ang isang kabanata kung mabibigyan man ako ng pagkakataong isalaysay ang lahat ng nangyari sa buhay ko.Mabilis na lumipas ang panahon. Simula nang mangyari ang gulong iyon ay nagkaroon kami ng pagkakataong magkaayos at linawin ang lahat sa pagitan naming tatlo nila Bryan. Nung una ay hindi niya pa kadaling napatawad si Bryan kaya naman inabot pa si Bryan ng ilang linggo para lang muling makipag-ayos sa kanya. Pagkatapos ng ilang linggong iyon ay binigyan niya rin ng pagkakataon si Bryan na manligaw sa kanya na lihim naming ipinagpasalamat.Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nang matapos ang school year na ito. Finally, graduated na rin ako sa pagiging senior high student at may chance na rin ako kahit papaano na tahakin ang landas na gugustuhin ko.Hindi naging madali para sa 'kin ang dalawag taong pangungulila kila Yohan, Samuel, Bryan, Giselle at kay Sofia na ngayon ay college students na. Hindi ko rin naman maiwasang lihim na mainggit sa kani

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 42

    Nakatingala kong pinagmasdan ang mga dahon na unti-unting bumabagsak sa lupa. Ngayon ang ika-walo ng Agosto, at ngayon din mismo ang kaarawan ko.Maraming dumalo, at gaya nga ng inaasahan ay puro na naman matatanda at kasamahan sa trabaho nila Daddy ang bisita sa garden. Hindi na rin naman ako nag-abalang imbitahan ang mga kaibigan ko sa simpleng pagdiriwang na ito dahil ayokong makita nila ang kasamaan na dumadaloy sa dugo ko.Oo, may plano ako para sa kanya at ayoko namang ipakita sa mga kaibigan ko ang plano kong iyon. Ayokong makita nila ang tunay kong ugali dahil natatakot akong mahusgahan ng mga taong nasa paligid ko. Natatakot akong maiwanan, natatakot akong masaktan nang walang makakapitan.Simple lang ang selebrasyong hiningi ko kay Daddy na inaprubahan niya rin naman 'di kalaunan. Si Tita Hyacinth ay naging mapilit kahit na papaano. Wala rin naman siyang nagawa kapag ipinilit ko sa sarili kong ayoko sa mga plano niya.“Ta-te?” ani ng

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 43

    Bakas ang pamumugto ng mga mata ko nang maisipang makipagkita sa 'kin ni Biguel. Nang sandaling magsalubong ang titigan naming dalawa ay mabilis na siyang nagtungo sa direksyon ko at ginawaran ako ng isang mahigpit na yakap na ikinapikit ko.Sawang-sawa na akong lumuha. Sawang-sawa na 'ko sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.Kung pwede lang magpakamatay nang mabawasan ang mga problema ko... baka ginawa ko na.Pasado alas kwatro na ng madaling araw nang umalis ako sa bahay kasama ng mga gamit ko. Mabuti na lang at si Biguel na rin ang nagkusang-loob na pansamantala akong samahan sa park habang naghihintay kami kay Bryan na nag-alok ng matutuluyan pansamantala sa 'kin.“What happened?” tanong niya nang humupa ang iyak ko.Tahimik ko siyang binalingan ng tingin habang patuloy pa rin sa pamumugto ang mga mata kong wala yatang planong humupa sa pamamaga.Bakas sa mga mata niya ang pinaghalong takot at pakikisimpatya na bahagya

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 44

    Nakangiti siyang naglahad ng kamay na hindi ko na ikinagulat pa. Gaya ko ay pinagmasdan din nang mariin ni Biguel ang kamay na inilahad sa 'kin bago bumaling ng tingin sa babaeng nasa gilid niya.Maayos naman ang itsura niya. Hindi naman siya mukhang aligaga kagaya na lamang ng unang kita ko sa kanya.Isang ngiti ang iginawad ko sa kanya bago tinanggap ang nakalahad niyang kamay.“I'm Arestt Penelope Ramirez, but you can call me Penny,” pakilala niya na tinanguan ko.“I'm Kimberly Jade Quesada—”Natigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Biguel na nakatalikod sa gawi ko habang nakahawak sa ulo. Ramdam ko ang pagtaas ng mga kilay ko nang nagmamadali niyang binuksan ang nakasaradong pintuan at tumakbo palayo. Mukhang hindi lang naman ako ang nakakita sa tinuran niya dahil maging si Bryan ay nagtaka sa ikinilos niya.“Anong meron do'n?” tanong ni Bryan ngunit ni isa sa 'min ay walang sumagot.M

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 45

    Hindi na kami gano'n kadalang na magkita ni Biguel simula nang huli kaming mag-usap sa kakahuyan.And yes, umamin siya.Umamin sa 'kin si Biguel na nagseselos siya kay Bryan. Nagseselos daw siya dahil parati kaming magkasama ni Bryan, lalo na ngayong nasa iisa kaming building at madalas kaming magkasama.Nang inamin niya sa 'kin ang bagay na iyon ay hindi ko naman naiwasang pamulahanan ng pisngi sa tuwing maiisip ko ang bagay na iyon.Kung sinabi niya sa 'king nagseselos siya ay may pag-asa rin na maisip kong may gusto siya sa 'kin.May gusto nga ba sa 'kin si Biguel, o ako lang itong nag-iilusyon na may gusto siya sa 'kin?Sa dalas naming magkasama ay hindi ko na rin napapansin ang sarili kong unti-unti na ring nahuhulog sa kanya. Palagi kaming magkasama sa lahat ng bagay. I mean, marami siyang oras para sa 'kin. Sa tuwing magkakaroon ako ng pagkakataong tawagan siya at hingiin ang presensya niya ay pupunta kaagad siya. Wala siyang pakialam

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 46

    Alam kong natutuwa siyang makita ako ngayon, at alam ko ring natutuwa siyang makita ngayon ang nagugulat kong reaksyon.Hindi ko mapigilang isipin kung ano nga bang ginagawa niya dito? May anak siya, 'di ba? Anong silbi ni Daddy kung hindi niya magawang buhayin ang kanyang mag-ina, at bakit ba kinakailangang magtrabaho ni Tita Hyacinth bilang professor sa school na pinapasukan ko?Hindi ba't abogada siya? Anong ginagawa ng isang abogado sa isang eskwelahan? Hindi ba't dapat ay nasa law firm siya? Anong ginagawa niya sa isang pribadong eskwelahan?Lahat ng katanungan ko sa isip ay tuluyang naglaho nang magsalubong ang tinginan naming dalawa. Isang matalim na titig ang iginawad ko sa kanya na mas lalong ikinalawak ng ngisi nito.Alam niyo ba 'yung itsura ng mga kontrabidang napapanood niyo sa mga teleserye? 'Yung tipong may binabalak siyang masama sa bida nang palihim. 'Yung tipong may ideya na siya kung paanong pahihirapan ang bida. Ganito ang nakikita ko

Latest chapter

  • It's My Day, Happy Birthday!   Final Chapter

    Pinanood kong lumapit si Daddy sa himlayan kung saan nakahiga si Mama kasama ni Tita Amanda. Bakas ang panlalambot sa paglalakad ni Daddy habang si Chloe naman ay tila ba inosenteng sumusunod at tumatalon-talon lang sa paglalakad kasama ni Daddy.Wala akong nagawa kundi ang malungkot na mangiti sa sarili ko habang pinagmamasdan silang dalawa sa pagtutulos ng kandila at paglalagay ng bulaklak na pasalubong pa nila galing sa States.Dalawang buwan pagkatapos mawala ni Mama, nagdesisyon si Daddy na umalis at magpalamig muna sa States kasama ni Chloe. Sinubukan niya akong imbitahang sumama sa kanila ngunit nagdesisyon lang akong manatili rito sa Pilipinas upang abalahin ang sarili ko sa pagtatrabaho, at nang sa gano'n ay malihis ko ang pangungulila ko sa ibang bagay sa halip na maisip ko ang pagkawala ni Mama.“Mukhang okay na sila ngayon,” pabulong na ani ni Klaude sa gilid ko na katulad ko ay pinagmamasdan din si Daddy at si Chloe na ngayon ay ta

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 56

    Ramdam ko ang panginginig ng mga kalamanan ko nang dahil sa ipinadalang mensahe ni Daddy. Ilang sandali lang ay agad nang nagsibagsakan ang mga luha sa gilid ng mata ko, lalo na sa tuwing maaalala ko ang mga dugong nagkalat sa skyway kanina.Posible bang sa kanila ang mga dugo na 'yon?“Bilisan mo ang pagmamaneho, Klaude!” sigaw ko sa kanya.Ilang minuto na kasi ang nakalipas simula nang makarating kami sa The Coastal pero magpahanggang ngayon ay naririto pa rin kami sa skyway at tila ba naghihintay na naman ng pag-usad ng mabagal na trapiko na dulot ng aksidente kanina.Panay na ang busina ni Klaude sa harapan na tila ba sinasabi nito sa mga sasakyang nasa harapan na bigyan kami ng sapat na daan upang makaalis sa napakabagal na usad ng trapiko— na hindi man lang pinapansin ng mga sasakyang nasa unahan namin.“Ano ba Klaude, dalian mo—”“Can you please calm down—”“How can I

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 55

    Isang napakahigpit na yakap ang iginawad niya sa 'kin nang sandaling makita niya akong nakatayo sa gilid ng pool at abala sa pagtulong kay Manang sa pagtatanggal ng mga dahon na nagkalat sa tubig nito.Kung hindi lang naging matatag ang pagkakatayo ko ay may posibilidad na bumagsak kami sa tubig nang dahil sa ginawa niyang pagtalon sa likod ko. Sa halip na magalit at mairita sa ginawa niya ay bahagya na lang akong natawa sa panggugulat ni Mama.“Breakfast is ready, Baby,” ani niya bago humalik sa pisngi ko na bahagya ko pang kinatawa.“May kailangan ka ba, Ma?”Bahagya siyang napanguso sa biro ko bago natatawang umiling na tinawanan ko rin 'di kalaunan. “Porque ba naglambing ako nang ganito, may kailangan na kaagad?”Pagkatapos nang pag-uusap namin no'ng nakaraang linggo ay tila ba nagkaroon siya ng pag-asang lumaban sa trangkasong dumapo sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero natitiyak ko na ang ginaw

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 54

    Kahit na ubusin ko ang oras sa kakadikit kay Mama, kahit na ubusin ko ang natitira kong oras sa pakikipaglaro kay Chloe, kahit na ilang beses ko pang tulungan si Daddy sa duty niya— kulang ang lahat ng iyon upang mabawi ko ang mga oras na nasayang ko sa nagdaang panahon na hindi ko sila nagawang makasama.Ilang beses ko mang ulitin sa sarili ko na mapapantayan ko ang pagkukulang ko bilang anak sa mga magulang ko, hindi ko rin maipagkakaila na kulang ang lahat ng iyon upang makabawi ako sa mga naging kasalanan ko sa kanila.Minsan ay nakakaramdam ako ng pagkabalisa sa sarili ko nang dahil sa mga bagay na nagpapabagabag sa isip ko sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Isa itong kumpol ng mga tanong na hindi ko naman magawang masagot sa isang simpleng salita lang. May pagkakataon naman akong magtanong kay Mama pero...Mas pipiliin ko pa bang linawin ang lahat ng hindi ko maintindihan, sa halip na gugulin ko na lang ang oras ko sa pagbawi sa mga kakulangan ko

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 53

    Inubos namin ang natitira naming sandali sa paghahabol sa mga oras na sinayang ko. Kung alam ko lang na sa ganito pala hahantong ang lahat, sana pala ay no'ng una pa lang ay nagdesisyon na akong pumanhik sa kwarto nila Daddy at nang sa gano'n ay magawa ko nang maghalungkat ng mga gamit nila upang magawa ko nang malaman ang totoo.Kung bakit ba kasi ay hindi ako nag-iisip?Nang dahil sa kawalan ko ng tiwala sa mga taong nakakasama ko sa iisang bahay ay marami akong nasayang na panahon. Kung bibigyan man ako ng kahilingan ng Diyos sa kaarawan ko, baka sakaling hilingin ko na sana ay muli akong ibalik sa kabataan ko at nang sa gano'n ay mabawi ko ang lahat ng oras ko para sa kanya na nagawa kong sayangin sa ibang tao.Maituturing ko nga bang sayang ang lahat ng paghihirap sa pagpapalaki sa 'kin ni Tita Amanda, kung naging mabuti naman ako sa mga kamay niya? Ayoko rin namang matawag na walang utang na loob kung ipagsisigawan ko man ang bagay na iyon sa harap ng iban

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 52

    Kunot-noo kong pinagmasdan ang mga litratong tumambad sa paningin ko. Halos lahat ng mga litratong natagpuan ko sa berdeng envelope ay puro litrato ko no'ng maliit ko.Muli kong pinasadahan ng tingin ang pangalang nakasulat sa likod ng envelope at tila ba nalukot ang mukha ko nang muli ko na namang mabasa ang pangalan na madalas nilang itawag sa 'kin.“Bakit Renee Hershey ang nakalagay rito?” reklamo kong bulong sa sarili habang pinagmamasdan ang sulat na iyon.Sa ibaba ng pangalan ko ay may nakalakip ding address ng siyudad sa Dubai— at hindi ko lubos na maintindihan kung bakit may ganito pa gayong wala naman akong kakilala at kamag-anak na maaari nilang pagdalhan ng mga larawan ko no'ng maliit pa ako sa lugar na 'yon.Sa halip na pagtuunan ito ng pansin ay naisipan ko na lang na ibaling ang atensyon ko sa mga larawang nakakubli sa loob. Prente ko itong inilabas sa envelope at kagat-labing pinagmasdan.Medyo luma na ang mga litra

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 51

    Lumipas ang maraming linggo at naging maayos naman ang lahat. Matiwasay ko ring naibalita sa mga kaibigan ko na ang dating lalaking inaaway-away ko lang no'ng umpisa ay boyfriend at minamahal ko na ngayon.Gaya ng inaasahan ay kabi-kabila na naman ang pang-aasar sa 'ming dalawa ni Yohan na ngayon ay paulit-ulit na 'kong inaapi at iniinsulto. Hindi ko na rin siya nagawang pigilan nang nadulas niyang sabihin kay Klaude kung paano akong kapursigidong naghihintay sa labas ng campus, no'ng junior highschool student pa lang kami, kay Klaude sa tuwing sasapit ang umaga.Wala tuloy akong nagawa kundi ang mag-iwas ng tingin sa tuwing makikita kong bumaling sa gawi ko si Klaude nang nakanguso at bakas sa mukha niya ang pang-aasar na nagpapapula sa kabuuan ng mukha ko.“Maagang pumapasok 'yan sa campus. Palagi ngang idinadahilan 'yung payong—”“Tumigil ka na nga sa mga pag-iimbento mo, Yohan,” reklamo ko na animong nahihiya na tinawanan

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 50

    Ramdam ko ang paglapat sa ibabaw ng poster na nasa ulo ko ang brasong pamilyar sa paningin ko. Tila ba tinakpan nito ang kaisa-isang litrato na nagpapatunay na siya nga ang lalaking hinahanap ko nang napakatagal na panahon.Sa halip na makaramdam ng saya ay pait ang naramdamam ko, lalo na nang marinig ko ang boses nitong nakasanayan ko na sa bago niyang katauhan.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Tila ba nakaramdam ako ng pait sa sarili ko nang mapag-alaman kong iisa lang sila.All this time, niloko ako at binilog ng lalaking pinagkatiwalaan ko rin ng ilang taon. Pagkatapos niyang ituro ang address ng inuupuahan kong apartment kay Tita Hyacinth ay naririto na siya ngayon sa likuran ko at tila ba proud pa sa sarili niyang nakatayo na ngayon sa likuran ko.Proud ka sa sarili mo dahil sa napakatagal na panahon ay naririto ka na sa tabi ko, o proud ka dahil nagawa mo na namang mapaikot ang kaisa-isang babaeng nagtiwala sa 'yo.Umasa ako na hindi ko n

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 49

    Naging maayos namang kasama si Tita Hyacinth sa iisang bahay. Madalas niyang ibigay sa 'kin ang mga bagay na never ko namang hiniling sa kanya. Kusa niyang ibinibigay sa 'kin ang mga pangangailangan kong tanggihan ko man sa kanya ay pilit niya pa ring isisiksik sa 'kin kahit na ayoko.“Minsan lang ako kung magbigay sa 'yo, Hershey,” nakamangol niyang ani na lihim kong inirapan.“Hindi ko kailangan n'yan dahil marami ako n'yan,” angil ko sa kanya bago muling itinulak sa kanya ang karton ng gatas na kabibili niya lang kanina sa supermarket.Yes, kahon ng gatas.Hindi ko alam kung anong problema niya. Hindi ko rin naman magawang matanong sa kanya kung bakit na lang siya ganito kung kumilos sa harapan ko. Ni minsan ay hindi ko naman ipinakita sa kanyang tinatanggap ko na siya.Oo, tinanggap ko na ang kapatid ko sa ama, pero hindi naman ibig sabihin no'n na madali ko na silang mapapatawad ni Daddy. Hanggang ngayon ay naririto pa

DMCA.com Protection Status