Celebrating your birthday means you acknowledge your existence as a human here on earth. But what if your special day in life turns into nightmare that haunts you forever? What would you do? Kimberly Jade Quesada loves to celebrate her birthday every year eversince she was a child. Lahat halos ng gusto niyang regalo ay nakukuha niya magmula sa mga damit, gadgets at kahit na ang presensya ng kanyang mga magulang na abala sa trabaho ay nagagawa siyang paglaanan ng oras sa kanyang kaarawan. Ito ang petsa na palagi niyang inaabangan kada taon kung saan nakukuha niya ang lahat at nararamdaman niya ang pagmamahal ng mga taong nakapalibot sa kanya. Pero paano kung ang mismong petsa na minamahal-mahal niya ay unti-unting maglaho at mapalitan ng pagkamuhi at pagkasuklam? Anong gagawin niya? "No matter how many times we argue, I still think that you are the best and will always be the greatest mom here on earth," saad ko kasabay ng pagdausdos ng luha sa gilid ng mga mata ko. "Open your eyes for me, Hyacinth. Mama, hayaan mo naman akong makabawi sayo," pakiusap ko pa habang nakayapos sa malamig at nababahiran ng dugo niyang katawan. She loves to celebrate birthdays not until binawi ng langit ang dalawang regalong ibinigay sa kanya.
View MorePinanood kong lumapit si Daddy sa himlayan kung saan nakahiga si Mama kasama ni Tita Amanda. Bakas ang panlalambot sa paglalakad ni Daddy habang si Chloe naman ay tila ba inosenteng sumusunod at tumatalon-talon lang sa paglalakad kasama ni Daddy.Wala akong nagawa kundi ang malungkot na mangiti sa sarili ko habang pinagmamasdan silang dalawa sa pagtutulos ng kandila at paglalagay ng bulaklak na pasalubong pa nila galing sa States.Dalawang buwan pagkatapos mawala ni Mama, nagdesisyon si Daddy na umalis at magpalamig muna sa States kasama ni Chloe. Sinubukan niya akong imbitahang sumama sa kanila ngunit nagdesisyon lang akong manatili rito sa Pilipinas upang abalahin ang sarili ko sa pagtatrabaho, at nang sa gano'n ay malihis ko ang pangungulila ko sa ibang bagay sa halip na maisip ko ang pagkawala ni Mama.“Mukhang okay na sila ngayon,” pabulong na ani ni Klaude sa gilid ko na katulad ko ay pinagmamasdan din si Daddy at si Chloe na ngayon ay ta
Ramdam ko ang panginginig ng mga kalamanan ko nang dahil sa ipinadalang mensahe ni Daddy. Ilang sandali lang ay agad nang nagsibagsakan ang mga luha sa gilid ng mata ko, lalo na sa tuwing maaalala ko ang mga dugong nagkalat sa skyway kanina.Posible bang sa kanila ang mga dugo na 'yon?“Bilisan mo ang pagmamaneho, Klaude!” sigaw ko sa kanya.Ilang minuto na kasi ang nakalipas simula nang makarating kami sa The Coastal pero magpahanggang ngayon ay naririto pa rin kami sa skyway at tila ba naghihintay na naman ng pag-usad ng mabagal na trapiko na dulot ng aksidente kanina.Panay na ang busina ni Klaude sa harapan na tila ba sinasabi nito sa mga sasakyang nasa harapan na bigyan kami ng sapat na daan upang makaalis sa napakabagal na usad ng trapiko— na hindi man lang pinapansin ng mga sasakyang nasa unahan namin.“Ano ba Klaude, dalian mo—”“Can you please calm down—”“How can I
Isang napakahigpit na yakap ang iginawad niya sa 'kin nang sandaling makita niya akong nakatayo sa gilid ng pool at abala sa pagtulong kay Manang sa pagtatanggal ng mga dahon na nagkalat sa tubig nito.Kung hindi lang naging matatag ang pagkakatayo ko ay may posibilidad na bumagsak kami sa tubig nang dahil sa ginawa niyang pagtalon sa likod ko. Sa halip na magalit at mairita sa ginawa niya ay bahagya na lang akong natawa sa panggugulat ni Mama.“Breakfast is ready, Baby,” ani niya bago humalik sa pisngi ko na bahagya ko pang kinatawa.“May kailangan ka ba, Ma?”Bahagya siyang napanguso sa biro ko bago natatawang umiling na tinawanan ko rin 'di kalaunan. “Porque ba naglambing ako nang ganito, may kailangan na kaagad?”Pagkatapos nang pag-uusap namin no'ng nakaraang linggo ay tila ba nagkaroon siya ng pag-asang lumaban sa trangkasong dumapo sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero natitiyak ko na ang ginaw
Kahit na ubusin ko ang oras sa kakadikit kay Mama, kahit na ubusin ko ang natitira kong oras sa pakikipaglaro kay Chloe, kahit na ilang beses ko pang tulungan si Daddy sa duty niya— kulang ang lahat ng iyon upang mabawi ko ang mga oras na nasayang ko sa nagdaang panahon na hindi ko sila nagawang makasama.Ilang beses ko mang ulitin sa sarili ko na mapapantayan ko ang pagkukulang ko bilang anak sa mga magulang ko, hindi ko rin maipagkakaila na kulang ang lahat ng iyon upang makabawi ako sa mga naging kasalanan ko sa kanila.Minsan ay nakakaramdam ako ng pagkabalisa sa sarili ko nang dahil sa mga bagay na nagpapabagabag sa isip ko sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Isa itong kumpol ng mga tanong na hindi ko naman magawang masagot sa isang simpleng salita lang. May pagkakataon naman akong magtanong kay Mama pero...Mas pipiliin ko pa bang linawin ang lahat ng hindi ko maintindihan, sa halip na gugulin ko na lang ang oras ko sa pagbawi sa mga kakulangan ko
Inubos namin ang natitira naming sandali sa paghahabol sa mga oras na sinayang ko. Kung alam ko lang na sa ganito pala hahantong ang lahat, sana pala ay no'ng una pa lang ay nagdesisyon na akong pumanhik sa kwarto nila Daddy at nang sa gano'n ay magawa ko nang maghalungkat ng mga gamit nila upang magawa ko nang malaman ang totoo.Kung bakit ba kasi ay hindi ako nag-iisip?Nang dahil sa kawalan ko ng tiwala sa mga taong nakakasama ko sa iisang bahay ay marami akong nasayang na panahon. Kung bibigyan man ako ng kahilingan ng Diyos sa kaarawan ko, baka sakaling hilingin ko na sana ay muli akong ibalik sa kabataan ko at nang sa gano'n ay mabawi ko ang lahat ng oras ko para sa kanya na nagawa kong sayangin sa ibang tao.Maituturing ko nga bang sayang ang lahat ng paghihirap sa pagpapalaki sa 'kin ni Tita Amanda, kung naging mabuti naman ako sa mga kamay niya? Ayoko rin namang matawag na walang utang na loob kung ipagsisigawan ko man ang bagay na iyon sa harap ng iban
Kunot-noo kong pinagmasdan ang mga litratong tumambad sa paningin ko. Halos lahat ng mga litratong natagpuan ko sa berdeng envelope ay puro litrato ko no'ng maliit ko.Muli kong pinasadahan ng tingin ang pangalang nakasulat sa likod ng envelope at tila ba nalukot ang mukha ko nang muli ko na namang mabasa ang pangalan na madalas nilang itawag sa 'kin.“Bakit Renee Hershey ang nakalagay rito?” reklamo kong bulong sa sarili habang pinagmamasdan ang sulat na iyon.Sa ibaba ng pangalan ko ay may nakalakip ding address ng siyudad sa Dubai— at hindi ko lubos na maintindihan kung bakit may ganito pa gayong wala naman akong kakilala at kamag-anak na maaari nilang pagdalhan ng mga larawan ko no'ng maliit pa ako sa lugar na 'yon.Sa halip na pagtuunan ito ng pansin ay naisipan ko na lang na ibaling ang atensyon ko sa mga larawang nakakubli sa loob. Prente ko itong inilabas sa envelope at kagat-labing pinagmasdan.Medyo luma na ang mga litra
Lumipas ang maraming linggo at naging maayos naman ang lahat. Matiwasay ko ring naibalita sa mga kaibigan ko na ang dating lalaking inaaway-away ko lang no'ng umpisa ay boyfriend at minamahal ko na ngayon.Gaya ng inaasahan ay kabi-kabila na naman ang pang-aasar sa 'ming dalawa ni Yohan na ngayon ay paulit-ulit na 'kong inaapi at iniinsulto. Hindi ko na rin siya nagawang pigilan nang nadulas niyang sabihin kay Klaude kung paano akong kapursigidong naghihintay sa labas ng campus, no'ng junior highschool student pa lang kami, kay Klaude sa tuwing sasapit ang umaga.Wala tuloy akong nagawa kundi ang mag-iwas ng tingin sa tuwing makikita kong bumaling sa gawi ko si Klaude nang nakanguso at bakas sa mukha niya ang pang-aasar na nagpapapula sa kabuuan ng mukha ko.“Maagang pumapasok 'yan sa campus. Palagi ngang idinadahilan 'yung payong—”“Tumigil ka na nga sa mga pag-iimbento mo, Yohan,” reklamo ko na animong nahihiya na tinawanan
Ramdam ko ang paglapat sa ibabaw ng poster na nasa ulo ko ang brasong pamilyar sa paningin ko. Tila ba tinakpan nito ang kaisa-isang litrato na nagpapatunay na siya nga ang lalaking hinahanap ko nang napakatagal na panahon.Sa halip na makaramdam ng saya ay pait ang naramdamam ko, lalo na nang marinig ko ang boses nitong nakasanayan ko na sa bago niyang katauhan.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Tila ba nakaramdam ako ng pait sa sarili ko nang mapag-alaman kong iisa lang sila.All this time, niloko ako at binilog ng lalaking pinagkatiwalaan ko rin ng ilang taon. Pagkatapos niyang ituro ang address ng inuupuahan kong apartment kay Tita Hyacinth ay naririto na siya ngayon sa likuran ko at tila ba proud pa sa sarili niyang nakatayo na ngayon sa likuran ko.Proud ka sa sarili mo dahil sa napakatagal na panahon ay naririto ka na sa tabi ko, o proud ka dahil nagawa mo na namang mapaikot ang kaisa-isang babaeng nagtiwala sa 'yo.Umasa ako na hindi ko n
Naging maayos namang kasama si Tita Hyacinth sa iisang bahay. Madalas niyang ibigay sa 'kin ang mga bagay na never ko namang hiniling sa kanya. Kusa niyang ibinibigay sa 'kin ang mga pangangailangan kong tanggihan ko man sa kanya ay pilit niya pa ring isisiksik sa 'kin kahit na ayoko.“Minsan lang ako kung magbigay sa 'yo, Hershey,” nakamangol niyang ani na lihim kong inirapan.“Hindi ko kailangan n'yan dahil marami ako n'yan,” angil ko sa kanya bago muling itinulak sa kanya ang karton ng gatas na kabibili niya lang kanina sa supermarket.Yes, kahon ng gatas.Hindi ko alam kung anong problema niya. Hindi ko rin naman magawang matanong sa kanya kung bakit na lang siya ganito kung kumilos sa harapan ko. Ni minsan ay hindi ko naman ipinakita sa kanyang tinatanggap ko na siya.Oo, tinanggap ko na ang kapatid ko sa ama, pero hindi naman ibig sabihin no'n na madali ko na silang mapapatawad ni Daddy. Hanggang ngayon ay naririto pa
NAKATIRIK ang araw sa labas ngunit hindi ito ang naging dahilan upang pigilan ang mga batang kasing-edad ko na naglalaro sa labas kasama ng mga kapwa nila bata.Hindi ko alam pero naiinggit ako sa ginagawa nila. Sa bawat paghahabulan nila ay para bang kating-kati ang mga paa ko na sumali at makiisa sa paglalaro nilang lahat. Bakas sa mukha nila ang saya habang abala sa paghahabulan at tawanan— bagay na ni minsan ay hindi ko man lang naranasan sa tanan ng buhay ko.Sa edad kong anim na taong gulang ay hindi ko man lang nagawang maranasan ang bagay na pinapangarap din ng mga bata sa ganitong edad na gaya ko— ang makipaglaro at magkaroon ng simpleng araw katulad ng isang normal na bata.Wala na sigurong mas sasaya pa sa paglalaro. Wala kang ibang gagawin kung hindi ang maglaro maghapon at uuwi lang upang kumain at matulog. Wala kang ibang gagawin kung hindi ang sisihin ang mga kalaro mo kung bakit kayo natalo sa pustahan. Wala kayong ibang po-problemahin kung hindi an...
Comments