SI Mama ang naghatid sa akin sa klase gamit ang kotse niya. Kahit na anong pilit ko kay Daddy na kahit pumasok man lang pansamantala sa loob ng klase ay hindi niya magawa.
Depensa niya ay nakatambak daw ang paper works niya at medyo late na rin siya para sa unang araw niya ng trabaho para sa buwang ito.
Subukin mang magboluntaryo ni Tita Hyacinth upang kahit na papaano ay mapagaan man lang ang loob ko, pero sa halip na natuwa ako sa gusto niyang mangyari ay nauwi lang ito sa pagkairita ko.
Isang instant rejection ang ginawa ko sa kanya kaya naman nakatanggap pa ako ng lectures kay Daddy sa kung paano ko raw ba matututunang rumespeto sa nakakatanda.
Hindi ko alam na nakakabastos na pala ang rejection ngayon. Totoo ba?
Ang rejection ay para rin naman sa kabutihan mo, 'di ba?
Para saan nga ba ang rejections?
Oo, alam ko na hindi nakakatuwa ang rejections sa buhay pero rejection rin naman ang nagiging daan upang matuto tayo sa mga mali natin, 'di ba?
Hindi ka matututo sa isang bagay kung hindi ka dumaan sa isang rejection. Hindi mo malalaman ang mga pagkakamali mo kung hindi ka marunong tumanggap ng rejections at mas lalong madidiin ka lang sa isang bagay kung balewala sayo ang isang rejection.
Minsan nakakasakit yung ma-reject ka ng isang tao, pero hindi ba't ito rin ang nagiging dahilan upang tumibay ang loob natin?
Maraming nagsasabi na marami raw ang nawawalan ng pag-asa pagkatapos makatanggap ng isang instant rejection sa mga nasa mataas na position. Kung sakaling nawalan ka ng pag-asa at tuluyan kang humina nang dahil sa sinabi nila, bakit hindi ka gumawa ng paraan upang mas lumakas pa at tumibay ang loob mo?
Ang ibig kong sabihin ay kung sakaling makatanggap ka ng rejections, pwede kang magpahinga. Pwede ka namang magpahinga kung gugustuhin mo. Kahit na abutin pa nga ng ilang buwan ang pagpapahinga mo ay wala namang problema do'n, basta't ang mahalaga lang ay sisiguraduhin mo na babalik ka. Babalik ka upang patunayan sa kanila na kakayanin mo at deserve mo ang bagay na pilit mong inaabot sa ngayon.
Wala nang mas sasaya pa sa maabot mo ang pangarap mo gamit ang sariling sikap at hindi ka nagpapadaig sa hina ng loob. Mas masarap pakinggan yung salitang, “Nagawa niya ang bagay na 'yan dahil nagsikap siyang maabot 'yan,” hindi ba?
Mas masarap ding isipin na nagawa mong makaabot sa tuktok kahit na kabi-kabila ang rejections na natanggap mo sa kanila. Masakit ang salitang rejections lalo na kung pilit pang ipinamukha sayo, pero masarap at maganda ang magiging bunga n'yan kapag alam mo sa sarili mong nagpursigi kang maging marunong.
Talo ng marunong ang magaling sa lahat ng bagay. Isipin mo na lang na challenges lang ang lahat na maaari mo rin namang matapos sa isang subok lang kung marunong ka sa lahat ng bagay. Aanhin mo ang kagalingan kung hindi ka marunong dumiskarte sa buhay, 'di ba?
Naging masaya naman ang unang umaga ng klase ko. Marami rin akong nakilala at maraming nakipagkaibigan sa akin nang sandaling magsimula ang klase. Kabi-kabilang kantahan para sa unang subject at laro naman sa pangalawa.
Nang sandaling matapos naman ang breaktime namin para sa sandaling iyon ay daglian na rin kaming pumasok sa loob upang magpatuloy sa pangatlong subject.
Mabilis kong inabala ang atensyon sa mga pens na nakakalat sa mesa ko. Nakakahiya naman sa mga katabi ko sa upuan dahil malinis ang gawi nila habang ang harap naman ng mesa ko ay puno ng mga kalat.
Ni hindi ko nga rin alam kung bakit nakakalat ang lahat ng ito gayong hindi ko naman sila nagamit sa una at pangalawang subject. Posible bang gumulong lang ito dahil sa hangin na nagmumula sa bintana sa gilid ng kinauupuan ko?
Hindi ko na inisip pa kung paano nga ba itong nagulo sa ayos kanina at sa halip na mag isip pa ng kung ano-ano ay tahimik ko na lamang itong sinikop sa pencil case ko.
Habang abala sa pag aayos ng mga gamit ay patuloy lang sa pagsasalita ang guro sa harap na wari'y may ipinapakilala sa mga kaklase. Hindi pa naman gano'n ka-focus ang tenga ko sa mga sinasabi niya kaya naman sa halip na pagtuunan iyon ng pansin ay nanatili na lang ang tingin ko sa pag-aayos.
“Ako po si Klaude Biguel delos Martinez. Natutuwa po akong makilala kayong lahat,” pakilala ng isang boses sa harapan.
Hindi ko alam pero tila ba nakaramdam ako ng confusement sa sarili. Para bang sa isang iglap lang ay gusto kong malaman kung sino nga ba ang nasa harapan at nagmamay-ari ng boses na iyon.
Boses niya pa lang ay natitiyak kong lalaki siya kaya naman nang dahil sa curiosity ay kunot-noo kong iniangat ang ulo ko upang matunghayan kung sino nga ba ang nasa harapan kasama ng guro namin para sa araw na iyon.
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino nga ba ang pamilyar na taong nakatayo ngayon sa harapan naming lahat.
Sa harapan ay nakatayo ang isang batang lalaki na matangkad lang ng kalahating pulgada sa taas ko kung ikukumpara ko sa sarili ko. Medyo maitim ang buhok nitong tumatabon pa sa mga singkit niyang mata. Matangos ang ilong at hindi ko rin inaasahan na may iilang kumpol ng maliliit na nunal sa pisngi niya na nakapagpa-dagdag sa porma ng mala-anghel nitong mukha. Hindi ko inaasahan na ganito pala kaamo ang mukha niya nang malapitan, 'di tulad noong una ko siyang nakita sa loob ng simbahan.
Ramdam ko ang pag-awang ng bibig ko habang nakatitig sa kanya. Isang mabilis na pagpasada ang iginawad niya sa buong klase at nang sandaling magtama ang dalawa naming mata sa isa't isa ay hindi niya na inalis ang titig sa akin.
Nakaramdam ako ng hiya sa paraan ng pagtitig nito sa akin. Para bang sa isang pitik lang at pagtitig sa gawi ko ay naalala niya na ang una at huling sandali kung saan kami unang nagkatinginan.
Hindi kami magkakilala, pero curious ako sa pagkatao niya. Alam kong nawiwindang na rin ang mga kaklase namin sa presensya niya ngayon sa klase. Tila ba isang anghel ang lumapag sa mundo at dito napiling mag-aral kasama namin. Misteryoso ang presensya niya at nasisiguro kong kakaiba siya. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga berde nitong mga mata kaya pakiramdam ko ay naging espesyal siya, o baka naman may iba pang dahilan na hindi ko magawang mahinuha?
Natapos ang klase namin para sa araw na iyon nang tuliro ang utak ko sa kakaisip sa kanya. Wala pa man ay tinatamaan na ako sa presensya niya ngayon lalo na at magiging magkaklase kami sa mga susunod pang buwan at taon.
Ramdam ko rin ang dagliang pag-init ng mukha ko sa tuwing maaalala ko na nagkatitigan kaming dalawa sa klase kanina.
Walang emosyong mababakas sa mukha niya at tanging pagkamisteryoso lang ang nararamdaman ko sa pagkatao niya. Natitiyak ko rin namang may parte sa pagkatao niya ang nagiging dahilan kaya naman nakakaramdam ako ng ganitong klase ng emosyon sa tuwing maaalala ko ang titigan naming dalawa.
Sandali akong napatigil sa paglalakad at napaisip sa sarili.
Interesado ako sa kanya at mukhang gano'n rin naman siya sa 'kin. Posible kayang may interes kami sa isa't isa at kaming dalawa lang ang tila ba naghihintayan sa kung sino ang mauunang lumapit sa aming dalawa upang makipagkilala?
Bumagal ang paglalakad ko sa hallway dahil sa labis na pag-iisip. Tapos na ang klase at kasalukuyan na akong naglalakad patungo sana sa parking lot kung saan maghihintay si Mama.
Speaking of Mama, sana kasama niya si Daddy ngayon dahil ilang beses kong ipinaalala kay Daddy na gusto kong isa siya sa susundo sa 'kin ngayon. Oo, pumayag siya at alam kong napilitan lang siya kanina dahil bumuhos ang mga luha ko nang dahil sa pagtatampo sa ginawa niyang pagtanggi sa alok ko. Pero kahit na alam kong napilitan lang siya— naniniwala pa rin ako na pupunta siya rito gaya ng ipinangako niya kanina sa harapan pa mismo ni Tita Hyacinth at ni Mama.
Ramdam ko ang pagbagal ng paglalakad ko dahil eksaktong eksakto sa paglalakad ko ang paglabas ng mga nasa higher grades. Hindi ko rin naman inaasahan na mabubunggo ako kaya naman ang mga gamit na hawak ko lang kanina ay nalaglag sa sahig at walang sawang naapakan ng mga inosenteng bata.
Sinadya kong umupo sa sahig upang pulutin iyon pero dahil nga sa maraming mga bata ang nakikipagsabayan sa pagmamadali sa paglalakad ay hindi ko naiwasang muling mabangga at mapaupo sa sahig kasama ng mga libro at gamit ko.
Ramdam ko ang kirot ng tuhod ko nang dahil sa pagbagsak ko, at tiyak ko ring magkakaroon iyon ng gasgas kung sakaling madapuan man ng hangin. Isang mariing pikit ang nagawa ko nang makita ko ang ilang binti na unti-unting papalapit sa mukha ko. Nang dahil sa gulat ay napapikit na lang ako at hindi ko na rin nagawang protektahan ang ulo at mukha ko kaya naman aware na ako sa consequences na maaari kong kaharapin sa ngayon.
Ilang sandali pa ang nakalipas ay hindi ako nakaramdam ng sakit sa mukha kaya naman dahan-dahan akong nagmulat at agad na nanlaki ang mga mata sa nakita ko.
Nakaluhod sa harap ko ang batang lalaki habang nasa kamay niya ang mga libro na natapon kanina sa sahig.
Wala na ring gaanong estudyante sa gawi namin kaya naman matiwasay at kalmante kong nakikita at nasasaksihan ang mga berde nitong mata.
“Ayos ka lang?” tanong niya na magkakasunod kong tinanguan.
Hindi ko alam kung paanong magre-react sa biglaan niyang pagsulpot sa harap ko at sa pagtulong sa akin. Hindi ko rin magawang magpasalamat sa biglaan niyang pagtulong dahil sa pagkawala ng boses ko na natitiyak kong epekto ng gulat ko sa presensya niya. Hindi ko alam kung paano akong haharap sa kanya nang dahil sa kahihiyan. Ewan ko ba pero nagsisimula na akong maawa sa sarili ko ngayon!
Bakit sa dinami dami ng pwedeng makakita at tumulong sa 'kin, bakit siya pa? Hindi siya ang expected kong numero uno'ng tutulong sa akin. Ni hindi ko man lang nga inaasahan na sasadyain niya pang pumunta sa pwesto ko upang panoorin akong pumikit at magparaya na lang sa nakaambang sakit na maaari ko sanang matanggap ngayon kung hindi lang siya nagpakita.
Ako ang naunang tumayo upang magpagpag ng maikling skirt. Para bang sa ilang segundong pagkrus ng landas naming dalawa ay para bang na-self concious ako sa sarili ko. Sobrang ikli ng skirt ko at nang sandaling matabig ako kanina ay natitiyak kong malaki ang chance na nakitaan ako ng panloob kanina!
Ramdam ko ang biglaang pag-init ng pisngi ko lalo na at panay pa rin siya sa pagtitig sa 'kin ngayon.
Sumunod siya sa pagtayo nang umayos ako sa harapan niya. Hindi ko rin inaasahan ang paglahad nito sa harap ko ng mga aklat at nakaiwas ang tingin sa akin. Hindi ko alam pero nahihiya talaga ako sa nangyaring ito!
Kung pwede lang na tumakbo ngayon ay baka tumakbo na lang ako. Hindi ko rin naman inaasahan na siya ang lalapit sa akin upang tumulong at ang mas pinakamalala pa sa lahat ay siya ang taong nakakita sa katangahan ko kanina.
“S-Salamat,” pasasalamat ko bago hinablot sa kanya ang mga aklat at nagmamadaling tumakbo palayo sa kung nasaan man siya.
May kung anong tumitibok sa parte ng puso ko, hindi ko alam kung resulta ba ito ng takot at nerbiyos o isang pakiramdam na hindi ko man lang magawang pangalanan sa ngayon.
Hindi naman gano'n kahaba ang pathway at tila ba sinadya lang talaga para sa mga bata. Para bang pinahaba lang dahil sa maliliit na hakbang ng mga paa namin at kung susumahin mo ang hakbang, tiyak ko namang hindi aabot sa labindalawang hakbang ng matatanda ang pathway na tinutukoy ko. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sa pagtakbo ko ngayon ay para bang mas lalo lang itong humahaba.
Nanginginig ang mga binti ko nang matunton ko ang parking lot at halos matuwa nang makita ko ang kotse ni Daddy na nakaparada rito.
Sa labas ay nakatalikod ang isang babae at nahihinuha ko na kung sino nga ba ang nakatayo sa gilid ng passenger seat sa labas.
Nakangiti akong tinanaw ni Daddy mula sa malayo at agad na pinatay ang katawagan niya sa cellphone bago lumapit sa akin at ginawaran ako ng isang napakahigpit na yakap.
“How's your school, Kimberly?” tanong niya na ikinangiti ko.
Ngayong nagtanong si Daddy ng tungkol sa araw ko, tila ba tinabunan no'n ang panginginig na naramdaman ko nang makaharap ko si Klaude kanina.
“Maayos naman po, Daddy,” nakangiti kong sagot na nakangiti niyang tinanguan bago kami magkasabay na bumaling kay Tita Hyacinth na papalapit na sa gawi kung nasaan kaming dalawa ni Daddy.
“Kumusta ang unang araw mo, Honey?” pagluhod niya gaya ng pwesto ni Daddy. “I hope you're okay here?”
“Maayos naman po, Tita,” sagot ko na nakangiti niyang tinanguan.
Excited akong nagtatakbo patungo sa loob ng kotse dahil alam kong naroon si Mama at naghihintay sa balita ko. Siya ang isa at pinaka-una sa lahat ng taong excited sa unang araw ng klase ko, kaya naman hindi ko naiwasang mapatili habang tumatakbo patungo roon.
Isang marahas na pagbukas sa pinto ng backseat ang ginawa ko at halos bumagsak ang mga balikat ko sa bakanteng upuan na naroon sa loob.
Wala si Mama at mas lalong wala ang presensya niya.
“Nasa bahay ang Mommy mo, Kimberly,” paliwanag ni Tita Hyacinth nang makita niya ang reaksyon ko.
Nadismaya ako sa narinig na salita mula sa kanya.
Bakit nasa bahay si Mama, bakit siya ang nandito? Si Mama ang inaasahan kong susundo sa akin kasama ni Daddy— o kahit wag mo nang isama si Daddy, kahit si Mama na lang.
Bakit siya ang naririto kung alam naman niya sa sarili niyang hindi siya ang kailangan ko rito?
“Nasaan po si Mama? Si Mama po nasaan?” paulit-ulit kong tanong.
Kung kayo siguro ang nasa kalagayan ni Tita Hyacinth, alam kong maiirita kayo ngayon sa paraan ng paulit-ulit kong pagsasalita. Kaya naman nang sandaling mamula na ang buong mukha niya sa pagka-irita ay nakaramdam ako ng hindi ko inaasahang pagkatuwa sa loob-loob ko.
“Wala ka na bang ibang bukambibig kundi 'yang Mama mo, Hershey? Nandito naman ako ah?” angil niya dahilan upang sumibi ako mula sa pagkakarinig sa mga salitang binitiwan niya. “Nandito na ako sa harapan mo. Handang-handa na akong bumawi sa mga pagkukulang ko sa 'yo. Nandito na ako. Bakit naghahanap ka pa ng iba?” pag-aalburoto niya bago nagpakawala ng isang marahas na pagbuntong hininga.
“Hindi kita mommy,” sagot ko bago umiyak.
Dagliang lumapit si Daddy sa 'kin upang punasan ang mga luha sa pisngi ko nang dahil sa sinabi ni Tita.
“Stop na, Baby,” pang-aalo ni Daddy ngunit nanatili lang ako sa paghikbi.
Tila ba hindi nakikisama ang mga luha ko dahil nagpatuloy lang ito sa pagbuhos kaya naman wala na akong ibang nagawa kundi punasan na lang ito gamit ang likod ng palad ko.
“Gusto ko si Mama, Daddy,” pakiusap ko kasabay ng paghikbi na tinanguan niya kasabay ng paghagod sa likod ko habang nananatili lamang akong nakayakap sa kanya. “Ayoko kay Tita.”
“She's not your fucking Mom!”
May bago ba?Hindi na rin naman ito ang unang pagkakataon na sinigawan ako ni Tita Hyacinth nang dahil sa pangungulit ko tungkol kay Mama.Yes, we are in good terms pero tama ba ang sigawan at ipahiya ako sa harap ng maraming tao? Mas lalo lamang umalburoto ang inis ko sa kanya nang dahil sa ginawa niyang paninigaw at pamamahiya sa 'kin sa harap ng maraming tao.Ni wala nga siyang karapatang taasan ako ng boses kasi nung una pa lang, wala na talaga siyang karapatan sa akin. Si Daddy lang naman ang pilit na isinisiksik sa akin ang babaeng hindi ko naman gaanong kilala o mas tama bang sabihin na ang babaeng magiging dahilan kung bakit masisira ang pamilyang pinapangarap ko ngayon.Masaya ang pamilya ko. Masaya ang pagsasama ni Mama at ni Daddy. Masaya ako sa tuwing nagkakatuwaan kaming tatlo at mas lalong sumasaya ako sa tuwing makikita ko silang dalawa na nagkakatuwaan. Masaya ako hindi dahil sa scripted lang ang mga tawa at hagikgik na ipinaparinig
NAGING maingay sa biyahe si Tita Hyacinth. Kung gaano kadalang ang pagsasalita ko ay siya namang ikinasigla niya sa pagkukwento.Marami siyang ikinukwento sa aming dalawa ni Daddy, pero dahil nga sa nangyaring sagutan namin kanina sa parking lot ay hindi ako naging updated sa kung ano man ang ikinatatalak niya.Panay siya sa pagkwento sa mga bagay na hindi ako interesado. Panay siya sa pagtawa sa mga biro na alam niyang hindi ko man lang naiintindihan. Minsan nga ay naiisip ko kung sinasadya niya nga ba talaga ang pagkwento at pagsasalita sa mga bagay na alam niyang hindi ko maiintindihan o sadyang wala lang talaga siyang alam na hindi ako interesado sa mga ikinukwento niya?Bahala siya. Silang dalawa na lang ni Daddy ang magkwentuhan sa mga bagay na wala akong kaalam-alam. Tutal ay magkasing-edad naman silang dalawa, mas mabuti pa nga kung sila na lang ang magkaintindihan dahil mukhang magka-ugali pa silang dalawa.Goal niya rin naman yata ang mapa
Naging mabilis ang pagtakbo ng panahon sa mga nagdaang araw sa buhay ko.Pagkatapos ng pribadong pag-uusap sa isang kwarto ng mga magulang ko at ni Tita Hyacinth ay naging maayos naman ang lahat lalo na nang matapos sila sa kung ano mang pinagkasunduan nila. Hindi ko rin naman nagawang makinig sa usapan nila dahil si Mama na rin mismo ang nag-utos na lumayo ako pansamantala sa kung nasaan man sila at humingi ng permiso sa akin na hayaan silang mag-usap nang silang tatlo lang.Hindi naman masyadong halata na ayaw nila akong isali sa kung anumang usapan nila kaya naman sa halip na mamilit ay hinayaan ko na lang din sila.Importante rin naman ang privacy ng isang tao at naiintindihan ko naman na wala pa akong karapatang sumabat sa usapan ng matatanda lalo na kung sa usapan ng ibang taong hindi ko naman gaanong kakilala.Pagkatapos ng usapan nilang iyon ay hindi na muling nagpakita si Tita Hyacinth sa bahay. Hindi ko rin naman nagawang kumustahin ang kalagaya
Pabiro ko siyang kinawayan sa harap ng mukha niya na bahagya niya ring ikinapikit nang bahagya pang sumagi ang daliri ko sa mahaba niyang mga pilik-mata.“Tigilan mo nga ang kakangiti d'yan,” reklamo ko kahit na sumisilay na rin ang ngiti sa labi ko.Tunay ngang nakakahawa ang mga ngiti sa labi ni Klaude dahil maging ako ay bahagya na ring nangingiti sa paraan ng ngiti niya.Sino ba namang hindi mahahawa sa isang ngiti na alam mo sa sarili mo na may epekto sa nararamdaman mo?Hindi na bago sa akin ang ganitong nararamdaman dahil alam kong expose ako sa pagbabasa ng mga nobela sa pocket books. Hindi na bago sa akin ang pagbabasa ng mga istorya na alam kong may kinalaman sa pagmamahal. Hindi na rin naman ako bata para maging inosente sa ganitong klase ng mga nararamdaman. Madalas nga ay ganito ang mga teleseryeng napapanood naming dalawa ni Mama sa cable sa tuwing may bakante kaming oras na manood ng mga movies na binibili niya sa internet gamit
Hindi ko alam kung may problema ba si Tita Hyacinth. Ngayon ko na lang din ulit siya nakita pagkatapos ng mahabang linggo. Ni hindi ko na rin siya nakikitang bumibisita sa bahay at kinakausap si Mama kaya naman nang makita ko siyang sumundo sa akin sa klase kanina ay hindi ko naiwasang makaramdam ng pananaba sa puso.Pananaba ng puso dahil sa presensya niya o nagulat lang ako dahil naging malaki ang epekto ng presensya niya sa mood ko magmula pa kanina.Pinagmasdan ko siyang iniliko ang sasakyan palabas ng bakuran gaya nga ng paalam niya kanina na nagmamadali siya. Ni hindi niya na nga nagawang mag-angat ng tingin sa 'kin mula sa hagdan kaya naman hindi ko naiwasang magtampo sa ginawa niya.Nang sandaling batiin niya ako ay hindi ko naiwasang makaramdam ng labis na tuwa kahit na hindi ko man lang naramdamang nagtagal ito sa reaksyon ng mukha ko. Minsan ay natutuwa ako sa isang bagay ngunit hindi ko ito nagagawang maipakita sa panlabas kong anyo, kaya naman hindi
Maliwanag ang pagkinang ng mga bituin sa langit. Tila ba nakikisama rin ito sa kung ano nga bang nararamdaman ko sa ngayon. Sa bawat pagkinang ng mga maliliwanag na bituin ay siya rin namang unti-unting paglakas ng kabog ng dibdib ko.Sa unti-unting paglakas ng dibdib ko ay siya namang paghina ng mga binti ko. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa usapan nilang may kinalaman sa pagsasama ni Daddy at ni Mama. Para bang pabor sila sa isang bagay na alam nilang ikasasakit ko. Tila ba pabor sila sa desisyon ng isa— kahit na alam nilang magagawa ako nitong saktan.Akala ko mabait sila. Akala ko mabuti sila. Akala ko ba kakampi ko sila?Panay sila sa kakangiti sa akin sa t'wing magkakasalubong kami sa bahay. Panay sila sa pagkamusta sa akin sa tuwing dadalaw sila sa bahay. Panay sila sa pagkwento sa akin sa tuwing may bakante silang oras o di kaya naman ay hinihintay pa nila ang pagdating ng mga magulang ko.Base sa mukha nila ay alam kong mabait sila. Bas
Nagising ako sa isang haplos na paulit-ulit at pabalik-balik na humahaplos magmula sa ulo hanggang sa pisngi na napapadaan hanggang sa mga braso ko.Nang sandaling imulat ko ang mga nanlalabong mga mata ay halos mangunot ang mga noo ko nang makita ko si Tita Hyacinth na nakaupo sa gilid ko. Nang makita niya ang sandaling pagmulat ng mga mata ko ay bahagya pa siyang natigilan sa paghaplos sa balat ko at di kalaunan ay napangiti nang mapagmasdan niya ang katanungang bumabalot sa mga mata ko.“Nagising ba kita, Kimberly?” Nagpatuloy siya sa paghaplos sa buhok ko na maging ang pagkakagulo ng buhok ko ay nagawa niyang i-ayos.Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang sandaling kumportable sa presensya niya rito sa tabi ko. Para bang sa isang iglap din ay nawala ang sandaling pagka-inis ko sa kanya kagabi dahil siya rin ang itinuturo ng isip ko na isa sa mga dahilan kung bakit nawala sa party ko si Daddy.Alam ko namang wala siyang alam at isa pa ay si
Hindi niya alam kung nararapat pa ba siyang magpaalam kay Mama na isasama niya si Daddy sa kung anong lakad nila bukas?Para bang sa tono ng pananalitang ginamit niya ay para bang takang-taka siya na kailangan niya pang magpaalam kay Mama para sa presensya ni Daddy bukas na nanakawin niya sa aming dalawa ni Mama.Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya sa 'kin.Normal lang na magpaalam siya dahil hindi niya naman asawa 'yung hihiramin niya!Asawa ng pinsan niya ang hihiramin niya!Dahil nga sa hindi pa pamilyar sa 'kin ang mga ganitong klase ng kaganapan sa buhay ay sa halip na magalit ako sa kanya ay ipinakita ko na lang na handa akong intindihin ang sinabi niya.Tutal ay hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya o baka naman nalito lang siya kung pagmamay-ari niya ba talaga si Daddy dahil mukha siyang may sapi sa ngayon.“Magagalit po si Mama kapag nalaman niyang aalis kayong dalawa ni Daddy nang hind
Pinanood kong lumapit si Daddy sa himlayan kung saan nakahiga si Mama kasama ni Tita Amanda. Bakas ang panlalambot sa paglalakad ni Daddy habang si Chloe naman ay tila ba inosenteng sumusunod at tumatalon-talon lang sa paglalakad kasama ni Daddy.Wala akong nagawa kundi ang malungkot na mangiti sa sarili ko habang pinagmamasdan silang dalawa sa pagtutulos ng kandila at paglalagay ng bulaklak na pasalubong pa nila galing sa States.Dalawang buwan pagkatapos mawala ni Mama, nagdesisyon si Daddy na umalis at magpalamig muna sa States kasama ni Chloe. Sinubukan niya akong imbitahang sumama sa kanila ngunit nagdesisyon lang akong manatili rito sa Pilipinas upang abalahin ang sarili ko sa pagtatrabaho, at nang sa gano'n ay malihis ko ang pangungulila ko sa ibang bagay sa halip na maisip ko ang pagkawala ni Mama.“Mukhang okay na sila ngayon,” pabulong na ani ni Klaude sa gilid ko na katulad ko ay pinagmamasdan din si Daddy at si Chloe na ngayon ay ta
Ramdam ko ang panginginig ng mga kalamanan ko nang dahil sa ipinadalang mensahe ni Daddy. Ilang sandali lang ay agad nang nagsibagsakan ang mga luha sa gilid ng mata ko, lalo na sa tuwing maaalala ko ang mga dugong nagkalat sa skyway kanina.Posible bang sa kanila ang mga dugo na 'yon?“Bilisan mo ang pagmamaneho, Klaude!” sigaw ko sa kanya.Ilang minuto na kasi ang nakalipas simula nang makarating kami sa The Coastal pero magpahanggang ngayon ay naririto pa rin kami sa skyway at tila ba naghihintay na naman ng pag-usad ng mabagal na trapiko na dulot ng aksidente kanina.Panay na ang busina ni Klaude sa harapan na tila ba sinasabi nito sa mga sasakyang nasa harapan na bigyan kami ng sapat na daan upang makaalis sa napakabagal na usad ng trapiko— na hindi man lang pinapansin ng mga sasakyang nasa unahan namin.“Ano ba Klaude, dalian mo—”“Can you please calm down—”“How can I
Isang napakahigpit na yakap ang iginawad niya sa 'kin nang sandaling makita niya akong nakatayo sa gilid ng pool at abala sa pagtulong kay Manang sa pagtatanggal ng mga dahon na nagkalat sa tubig nito.Kung hindi lang naging matatag ang pagkakatayo ko ay may posibilidad na bumagsak kami sa tubig nang dahil sa ginawa niyang pagtalon sa likod ko. Sa halip na magalit at mairita sa ginawa niya ay bahagya na lang akong natawa sa panggugulat ni Mama.“Breakfast is ready, Baby,” ani niya bago humalik sa pisngi ko na bahagya ko pang kinatawa.“May kailangan ka ba, Ma?”Bahagya siyang napanguso sa biro ko bago natatawang umiling na tinawanan ko rin 'di kalaunan. “Porque ba naglambing ako nang ganito, may kailangan na kaagad?”Pagkatapos nang pag-uusap namin no'ng nakaraang linggo ay tila ba nagkaroon siya ng pag-asang lumaban sa trangkasong dumapo sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero natitiyak ko na ang ginaw
Kahit na ubusin ko ang oras sa kakadikit kay Mama, kahit na ubusin ko ang natitira kong oras sa pakikipaglaro kay Chloe, kahit na ilang beses ko pang tulungan si Daddy sa duty niya— kulang ang lahat ng iyon upang mabawi ko ang mga oras na nasayang ko sa nagdaang panahon na hindi ko sila nagawang makasama.Ilang beses ko mang ulitin sa sarili ko na mapapantayan ko ang pagkukulang ko bilang anak sa mga magulang ko, hindi ko rin maipagkakaila na kulang ang lahat ng iyon upang makabawi ako sa mga naging kasalanan ko sa kanila.Minsan ay nakakaramdam ako ng pagkabalisa sa sarili ko nang dahil sa mga bagay na nagpapabagabag sa isip ko sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Isa itong kumpol ng mga tanong na hindi ko naman magawang masagot sa isang simpleng salita lang. May pagkakataon naman akong magtanong kay Mama pero...Mas pipiliin ko pa bang linawin ang lahat ng hindi ko maintindihan, sa halip na gugulin ko na lang ang oras ko sa pagbawi sa mga kakulangan ko
Inubos namin ang natitira naming sandali sa paghahabol sa mga oras na sinayang ko. Kung alam ko lang na sa ganito pala hahantong ang lahat, sana pala ay no'ng una pa lang ay nagdesisyon na akong pumanhik sa kwarto nila Daddy at nang sa gano'n ay magawa ko nang maghalungkat ng mga gamit nila upang magawa ko nang malaman ang totoo.Kung bakit ba kasi ay hindi ako nag-iisip?Nang dahil sa kawalan ko ng tiwala sa mga taong nakakasama ko sa iisang bahay ay marami akong nasayang na panahon. Kung bibigyan man ako ng kahilingan ng Diyos sa kaarawan ko, baka sakaling hilingin ko na sana ay muli akong ibalik sa kabataan ko at nang sa gano'n ay mabawi ko ang lahat ng oras ko para sa kanya na nagawa kong sayangin sa ibang tao.Maituturing ko nga bang sayang ang lahat ng paghihirap sa pagpapalaki sa 'kin ni Tita Amanda, kung naging mabuti naman ako sa mga kamay niya? Ayoko rin namang matawag na walang utang na loob kung ipagsisigawan ko man ang bagay na iyon sa harap ng iban
Kunot-noo kong pinagmasdan ang mga litratong tumambad sa paningin ko. Halos lahat ng mga litratong natagpuan ko sa berdeng envelope ay puro litrato ko no'ng maliit ko.Muli kong pinasadahan ng tingin ang pangalang nakasulat sa likod ng envelope at tila ba nalukot ang mukha ko nang muli ko na namang mabasa ang pangalan na madalas nilang itawag sa 'kin.“Bakit Renee Hershey ang nakalagay rito?” reklamo kong bulong sa sarili habang pinagmamasdan ang sulat na iyon.Sa ibaba ng pangalan ko ay may nakalakip ding address ng siyudad sa Dubai— at hindi ko lubos na maintindihan kung bakit may ganito pa gayong wala naman akong kakilala at kamag-anak na maaari nilang pagdalhan ng mga larawan ko no'ng maliit pa ako sa lugar na 'yon.Sa halip na pagtuunan ito ng pansin ay naisipan ko na lang na ibaling ang atensyon ko sa mga larawang nakakubli sa loob. Prente ko itong inilabas sa envelope at kagat-labing pinagmasdan.Medyo luma na ang mga litra
Lumipas ang maraming linggo at naging maayos naman ang lahat. Matiwasay ko ring naibalita sa mga kaibigan ko na ang dating lalaking inaaway-away ko lang no'ng umpisa ay boyfriend at minamahal ko na ngayon.Gaya ng inaasahan ay kabi-kabila na naman ang pang-aasar sa 'ming dalawa ni Yohan na ngayon ay paulit-ulit na 'kong inaapi at iniinsulto. Hindi ko na rin siya nagawang pigilan nang nadulas niyang sabihin kay Klaude kung paano akong kapursigidong naghihintay sa labas ng campus, no'ng junior highschool student pa lang kami, kay Klaude sa tuwing sasapit ang umaga.Wala tuloy akong nagawa kundi ang mag-iwas ng tingin sa tuwing makikita kong bumaling sa gawi ko si Klaude nang nakanguso at bakas sa mukha niya ang pang-aasar na nagpapapula sa kabuuan ng mukha ko.“Maagang pumapasok 'yan sa campus. Palagi ngang idinadahilan 'yung payong—”“Tumigil ka na nga sa mga pag-iimbento mo, Yohan,” reklamo ko na animong nahihiya na tinawanan
Ramdam ko ang paglapat sa ibabaw ng poster na nasa ulo ko ang brasong pamilyar sa paningin ko. Tila ba tinakpan nito ang kaisa-isang litrato na nagpapatunay na siya nga ang lalaking hinahanap ko nang napakatagal na panahon.Sa halip na makaramdam ng saya ay pait ang naramdamam ko, lalo na nang marinig ko ang boses nitong nakasanayan ko na sa bago niyang katauhan.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Tila ba nakaramdam ako ng pait sa sarili ko nang mapag-alaman kong iisa lang sila.All this time, niloko ako at binilog ng lalaking pinagkatiwalaan ko rin ng ilang taon. Pagkatapos niyang ituro ang address ng inuupuahan kong apartment kay Tita Hyacinth ay naririto na siya ngayon sa likuran ko at tila ba proud pa sa sarili niyang nakatayo na ngayon sa likuran ko.Proud ka sa sarili mo dahil sa napakatagal na panahon ay naririto ka na sa tabi ko, o proud ka dahil nagawa mo na namang mapaikot ang kaisa-isang babaeng nagtiwala sa 'yo.Umasa ako na hindi ko n
Naging maayos namang kasama si Tita Hyacinth sa iisang bahay. Madalas niyang ibigay sa 'kin ang mga bagay na never ko namang hiniling sa kanya. Kusa niyang ibinibigay sa 'kin ang mga pangangailangan kong tanggihan ko man sa kanya ay pilit niya pa ring isisiksik sa 'kin kahit na ayoko.“Minsan lang ako kung magbigay sa 'yo, Hershey,” nakamangol niyang ani na lihim kong inirapan.“Hindi ko kailangan n'yan dahil marami ako n'yan,” angil ko sa kanya bago muling itinulak sa kanya ang karton ng gatas na kabibili niya lang kanina sa supermarket.Yes, kahon ng gatas.Hindi ko alam kung anong problema niya. Hindi ko rin naman magawang matanong sa kanya kung bakit na lang siya ganito kung kumilos sa harapan ko. Ni minsan ay hindi ko naman ipinakita sa kanyang tinatanggap ko na siya.Oo, tinanggap ko na ang kapatid ko sa ama, pero hindi naman ibig sabihin no'n na madali ko na silang mapapatawad ni Daddy. Hanggang ngayon ay naririto pa