Share

Chapter 11

Author: cuttie.psyche
last update Last Updated: 2021-06-26 04:31:35

Pabiro ko siyang kinawayan sa harap ng mukha niya na bahagya niya ring ikinapikit nang bahagya pang sumagi ang daliri ko sa mahaba niyang mga pilik-mata.

“Tigilan mo nga ang kakangiti d'yan,” reklamo ko kahit na sumisilay na rin ang ngiti sa labi ko.

Tunay ngang nakakahawa ang mga ngiti sa labi ni Klaude dahil maging ako ay bahagya na ring nangingiti sa paraan ng ngiti niya.

Sino ba namang hindi mahahawa sa isang ngiti na alam mo sa sarili mo na may epekto sa nararamdaman mo?

Hindi na bago sa akin ang ganitong nararamdaman dahil alam kong expose ako sa pagbabasa ng mga nobela sa pocket books. Hindi na bago sa akin ang pagbabasa ng mga istorya na alam kong may kinalaman sa pagmamahal. Hindi na rin naman ako bata para maging inosente sa ganitong klase ng mga nararamdaman. Madalas nga ay ganito ang mga teleseryeng napapanood naming dalawa ni Mama sa cable sa tuwing may bakante kaming oras na manood ng mga movies na binibili niya sa internet gamit ang E-Wallet. Hindi na rin naman ako inosente para makapanood ng—

Anyway, mabalik tayo sa orihinal na topic.

Sa edad kong walong taong gulang, alam ko na ang tama sa mali. Tama lang ang nararamdaman ko pero mali ito dahil medyo bata pa kaming dalawa. Alam kong mali dahil natitiyak kong kapag may mali akong nasabi, pwedeng bawiin ang lahat at muli na naman akong mag-umpisa sa simula na kung saan ay wala akong kaibigan ni isa.

Sa panahon ngayon ay importante na ang pagkakaroon ng kaibigan. Wala kang taong malalapitan kung wala kang kaibigan. Wala kang mapagsasabihan ng problema kung walang taong may malapit ang loob sa 'yo. Wala kang mauutangan kung wala kang kaplastikan. Wala kang makakasama sa hirap at ginhawa kung wala kang kaibigan na malalapitan.

Lahat halos ng gawain natin sa buhay ay may kinalaman sa pakikipag-socialize sa ibang tao. Hindi ka makakapasa sa isang semester kung hindi ka pasado sa thesis, at ang thesis ay umiikot sa group and teamworks. Hindi ka magkakaroon ng legal na trabaho kung wala kang sponsorship na pumapasok sa kompanyang ina-apply-an mo, at ang sponsor na sinasabi ko ay ang kaplastikang kaibigan kung tawagin ng karamihan sa panahon ngayon. Hindi ka makakangat kung walang tumutulong sa 'yong umangat at mas lalong hindi ka makakalasap ng sarap kung may kaibigan kang nagpapabigat sa takbo ng buhay mo.

Hindi ba't masarap naman talagang magkaroon ng kaibigan? May kasama ka sa lahat ng bagay. May makakasama ka sa lahat ng problema at mas lalong may kaisa-isang tao na handang dumikit sa 'yo masabi lang na nariyan siya sa tabi mo sa tuwing kakailanganin mo ang presensya niya.

Hindi ko sinasabing sa lahat ng oras ay nararapat lang na nakadepende ka sa bisig ng isang kaibigan. Oo, at importante naman talaga ang pagkakaroon ng kaibigan pero sa kalahating milyong bilang ng mga taong may kaibigan ay may mas lamang pa rin doon ang pinipili na maging independent o mag-isa.

What do I mean sa pagiging independent in terms of friendship?

Ang ibig kong sabihin ay sa tuwing wala ang presensya nila sa tabi mo ay magagawa mo pa ring kumilos nang mag-isa. Nagagawa mong gawin ang mga bagay nang hindi ka nakadepende sa kanila. Hindi mo kailangang dumipende sa kanila dahil in the first place ay kaya mo naman ang lahat. Oo, pwede kang manghingi ng guidance mula sa kanila kung alam mong medyo mahina ang loob mo sa pakikipagsapalaran pero sana ay alam mo sa sarili mo ang limitasyon mo sa paghingi ng tulong mula sa ibang tao.

Hindi rin naman magandang magkaroon ng utang na loob sa kapwa mo dahil pwede kayong magkaroon ng iringan kapag naabot niyo na ang sukdulan ng limitasyon niyo sa isa't isa. Maaari rin na isumbat niya sa 'yo lahat ng utang na loob mo sa kanya, gaya rin ng ginawa mong panunumbat sa kanya. I mean, likas na sa isang tao ang halungkatin kung gaano na karami ang mga bagay na naitulong mo sa kanila.

Hindi natin makokontrol ang pag-iisip ng isang tao. Kung gugustuhin man nilang isumbat sa 'yo lahat ng mga bagay na naitulong nila nung mga panahong nangangailangan ka— wala kang magagawa. Kung gugustuhin man nilang ipabayad sa 'yo lahat ng utang na loob mo sa kanila— wala kang magagawa kundi magbayad ng danyos sa kanila.

Nagagawa nilang ipaalala sa 'yo lahat ng utang na loob mo sa kanila pero hindi man lang nila magawang maaalala lahat ng kabutihang isinukli mo sa kanila. Nagagawa nilang isumbat ang mga bagay na hiningi mo sa kanila pero hindi man lang nila magawang isipin lahat ng mga bagay na ipinakita mo sa kanila.

Nakakainis lang ang ganitong klase ng mindset ng mga tao para sa 'kin. Hindi nila magawang maalala ang kabutihan mo dahil para sa kanila ay mas importante pa ring magbalik-tanaw sa mga kasamaang nagawa mo sa kanila.

Sila ang nagpapatunay na kahit na marami kang nagawang kabutihan para sa kanila ay wala silang ibang nakikita kundi ang kasamaan mo. Balewala na para sa opinyon nila ang kabutihang ipinamalas mo at dahil lang iyon sa isang pagkakamali.

Burado ng isang pagkakamali ang isandaang kabutihan na ipinakita mo sa kanila at iyon ang ugaling nauuso sa mundo ngayon.

“Hindi ko mapigilang mangiti kapag nakikita kita, Kimmie,” ngiti niya na lihim kong ikinanguso.

Isang simpleng salita lang iyon na lumabas mula sa bibig niya pero sobra na ang naihahatid nito sa pagkatao ko. Idagdag mo pa yung unti-unting pagkinang ng mga mata niya habang payapang nakatitig sa 'kin.

Nahihiya akong nag-iwas ng tingin sa kanya na bahagya niya pang ikinatawa. Hindi ko tuloy alam kung maaasar ba ako sa hagikgik niyang iyon o baka naman ay samahan ko na lang siya sa pagtawa.

Mula sa malayo ay narinig namin ang banta ng librarian ukol sa paggawa ng ingay sa hagikgik ni Klaude kaya naman sa huli ay lihim kaming nagtawanan mula sa kinauupuan.

Nang magdesisyon akong magpatuloy sa pagbabasa ay hindi ko na siya muling inintindi pa dahil para sa 'kin ay importante na ngayon ang pag-aaral sa halip na bawalan siya sa mga kilos niya.

Hinayaan ko lang siyang tumitig sa akin habang nakapangalumbaba sa mesa gaya na lamang ng p'westo niya kanina. Hindi rin naman ako nakatiis dahil habang tumatagal ang oras ay mas lalo ko lang nararamdaman na lumalalim ang titig niya kaya naman iritable akong nag-angat ng tingin sa kanya.

“E kung magbasa ka kaya?” patanong kong angil na ikinangiti niya.

Mayroon sa ngiti niya ang alam kong kakaiba dahil sa tuwing makikita ko itong sumilay mula sa labi niya ay hindi ko magawang mag-iwas ng tingin.

“Kanina pa ako tapos, Kimmie,” sagot niya na inirapan ko.

“E 'di ulitin mo—”

“Katatapos ko lang din umulit, Kimmie,” dagdag niya.

Hindi ko alam pero naaamoy ko ang pang-aasar sa tono ng pananalita niya kaya naman nang sandaling magsalubong ang mga mata naming dalawa ay hindi niya napigilang mapangiti.

“Kanina ka pa ah?” Sinubukan kong hablutin ang kwelyo niya pero sadyang mabilis itong kumilos dahil nang lumapit ako ay naka-atras na ito mula sa pagkakaupo sa tabi ko. “Kung tapos ka na sa mga assignments mo, baka pwedeng patapusin mo rin ako?” angil ko.

Bahagya siyang umayos sa pagkakaupo nang maramdaman niya na ang galit ko kaya naman nang sandaling bumalik ako sa pagbabasa ay hindi na siya muling nangulit at nang-istorbo sa pag-aaral ko.

Minsan ay hindi natin mapipigilan ang panandaliang paglaho ng mga ideya sa utak natin sa tuwing mahaharap tayo sa kumpulan ng mga gawain. Bahagya kong natampal ang noo ko nang dahil sa kawalan ng focus sa pagbabasa kaya naman nang sandaling mapayuko ako sa mesa ay muli ko na namang narinig ang matunog na ngiti ni Klaude.

Daglian akong nag-angat ng tingin sa kanya at gaya nga ng inaasahan ay ang nanloloko na naman nitong mga ngiti ang bumungad sa mga mata ko.

“Magsagot ka,” banta ko habang nakataas ang kilay ngunit nanatili lamang ang ngiti sa labi niya habang nakapangalumbaba sa harap ng mesa kung saan kami nagbabasa kanina.

Isang irap ang pinakawalan ko nang makita ko ang ngiti sa labi niya, ngunit hindi rin nagtagal ang pagtataray sa mukha ko nang makita ko siyang humugot ng kung ano mula sa bulsa.

Inilahad niya sa harap ko ang palad niya na naglalaman ng isang silver necklace. Kulay lila ang d'yamante na nasa gitna ng maliit na bulaklak na nagsisilbing pendant ng kwintas.

Hindi ko maiwasang mapatulala sa inilahad niya kaya naman nang sandaling tumikhim siya ay sandali pa akong napabalikwas sa pagkakaupo. 

“It's your eighth birthday today, Kimmie. Happy Birthday!” bati niya.

Hindi ko naiwasang pangiliran ng luha kaya naman nang mapansin niya ang munti kong reaksyon na iyon ay mabilis siyang dumampot ng tissue mula sa mesa at dagliang ipinunas sa mukha ko. Hindi ko tuloy alam kung maluluha ba ako sa surpresa niya o matatawa na lang sa reaksyong ipinapakita niya sa akin ngayon.

“May regalo ka na nga— umiiyak ka pa,” pabiro niyang singhal na natatawa kong inilingan.

Saya ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Mas lalo lamang lumambot ang puso ko nang siya na ang nagpresinta na isuot sa akin ang munti niyang regalo.

“First gift ko sa 'yo 'to, Kimmie. Hinding-hindi kita mapapatawad kapag nakita kitang ibinenta mo 'yan sa pawnshop—”

“Baliw ka ba?” natatawa kong reklamo na magkasabay naming tinawanan.

Sa totoo lang ay hindi ko na naalala na ngayong araw pala ang pang-walong taon kong pagkabuhay dito sa mundo. Hindi rin naman importante sa akin ang pag-celebrate ng birthday dahil hindi naman ako sanay sa mga ganitong klase ng selebrasyon.

Para sa akin ay hindi naman importante ang paghahanda sa kaarawan, hindi importante ang mga materyal na bagay at mas lalong hindi importante para sa akin ang presensya ng maraming tao.

Oo at aaminin kong uhaw ako sa kaibigan pero hindi naman ako 'yung tipo ng bata na sumasaya sa isang pitik lang ng araw.

Hindi ako sanay sa materyal na bagay at wala akong time na makipagplastikan sa mismong araw ng selebrasyon ko. Okay na sa 'kin ang simpleng pagbati mula sa mga taong alam kong nagmamahal sa akin at hindi ko rin naman kailangan ng mga regalong ipinagmamalaki nila.

Presensya ng mga taong nagmamahal sa akin ang nagpapasaya sa ganitong pagkakataon kaya naman nang makasama ko si Klaude at nang sandaling binati niya ako ay hindi ko naiwasang matunaw sa pinaghalong tuwa at pagpapasalamat.

Gaya ng request niya kanina ay magkasabay kaming kumain sa labas ng campus habang naghintay sa sundo naming dalawa. Medyo napaaga ang pagtapos sa klase namin nang dahil sa biglaang meeting ng faculty kaya naman dagsaan na rin ang mga bata sa field.

May ilang naglalaro sa gitna habang ang iba naman ay abala na sa paglalakad sa labas ng campus kung nasaan kaming dalawa ni Klaude. Naiintindihan ko naman na may importante pa silang mga bagay na tinatapos sa kanya-kanyang bahay kaya naman hindi ko na sila masisisi kung maaga nilang naisipang umuwi.

Kung hindi ko nga lang birthday ngayon ay baka mas nauna pa kaming umuwi ni Klaude sa kanila.

Aaminin kong medyo malayo ang bahay namin sa campus kaya naman araw-araw akong inihahatid ni Mama magmula bahay hanggang sa school. Pero kung ako ang tatanungin ay masasabi kong maaari naman itong lakarin kung gugustuhin naming dalawa ni Klaude.

Medyo choosy din naman itong kasama ko kaya naman natitiyak ko rin na hindi siya papayag kapag inaya ko siyang maglakad na lang para sa araw na ito. Kung tutuusin nga ay mas tamad pa siya kumpara sa 'kin na babae pagdating sa paglalakad kaya naman kapag sinabi kong maglakad kaming dalawa ay natitiyak ko na rin na aayaw siya sa plano ko.

Hindi na rin naman ako naglalakas ng loob na mag-aya dahil alam ko na ang isasagot niya.

“Ayoko,” sagot niya sa tanong ko.

See? Pinilit ko lang na 'wag nang hintayin ang mga sundo namin at ayain na lang siyang maglakad pero sa halip na pumayag upang pagbigyan ako ay hindi niya man lang magawa.

“Hindi porque birthday mo ngayon ay mapapapayag mo na 'ko,” dagdag niya dahilan upang suntukin ko siya sa balikat na bahagya niyang ikinatawa.

Hanggang sa dumating na nga ang oras at dumating na rin ang sundo naming dalawa. Pinanood ko siyang maglakad palayo kasama ng mama niya habang ako naman ay prenteng hinintay ang pagtigil ng sasakyan sa harapan ko kung nasaan si Mama.

Nang sandaling bumaba ang bintana ng front seat ay agad na nalusaw ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko kung sino ang nasa driver seat at ang in-charge sa pagsundo sa akin ngayon.

“What's up, birthday girl?” ngiti ni Tita Hyacinth.

Isang pekeng ngiti ang iginawad ko sa kanya bago binuksan ang pinto sa backseat na alam kong ikinagulat niya.

Kapag si Mama ang sumusundo at naghahatid sa 'kin sa school ay sa front seat ko naiisipang sumakay. Ewan ko ba pero hindi ko feel na sumakay at tumabi sa upuan kung nasaan siya.

“Thank you po, Ninang,” ani ko.

Sinuklian niya ng isang payapang ngiti ang sagot ko bago siya nagdesisyong tumikhim at umalis na sa lugar na iyon.

“Where do you want to go, darling? Gusto mo bang dumaan tayo ng Shakey's para kumain?” tanong niya kasabay ng sulyap sa 'kin sa salamin. “Hindi kasi ako kumain kanina ng lunch that's why, nakakaramdam ako ng gutom ngayon.”

Hindi ko alam kung anong meron sa rason niya. Wala rin naman akong pakialam sa sinasabi niya. Ano bang malay ko kung bakit hindi siya kumain? Mukha ba akong interesado sa paggalaw ng mga bituka niya sa loob ng sikmura?

“I'm full, Tita. Pero pwede naman po tayong dumaan ng drive thru if you want po,” sagot ko bago muling ibinalik ang tingin sa pocket book na binabasa.

Hindi na siya muling nagbukas ng pag-uusapan nung mga oras na iyon. Bahagya rin akong nagulat nang nagtuloy-tuloy ang biyahe nang hindi ko nararamdaman at halos mapamaang ang labi nang malingunan ko sa bintana na nasa garden na kami.

“I thought—”

“Happy Birthday, Anak,” ngiti niya bago inabot sa akin ang isang paperbag.

Dahan-dahan ko itong inabot sa kanya ngunit hindi doon napukol ang titig ko. Mula sa salamin ay kitang-kita ko ang panunubig sa mga mata ni Tita Hyacinth. Hindi ko rin naiwasang kaawaan siya lalo na nang makita ko itong mabilis na pinahiran ng daliri ang luhang dumaloy sa mga pisngi niya.

Hindi ko na pinansin ang tawag niya sa akin dahil nasanay na rin naman ako sa tawag niyang iyon. Naging abala na rin ang mata ko sa paninitig sa kanyang tila ba nagpipigil ng luha sa pagbuhos nito habang naka-iwas ng tingin sa backseat kung nasaan man ako.

“Naghihintay na sa loob ang Daddy mo, Kimberly. I have to go,” dagdag niya.

Expected ko na sasabay siya sa akin sa pagpasok sa loob ngunit hindi iyon ang ginawa niya, bagkus ay lumabas siya at siya na rin ang kusang nagbukas ng pinto sa kaliwang bahagi ko upang palabasin ako.

“Happy Birthday again.”

Tulala akong pumasok sa loob at halos mapatalon nang marinig ko ang pagbuga ng isang party poppers na nasa kamay ni Daddy.

Related chapters

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 12

    Hindi ko alam kung may problema ba si Tita Hyacinth. Ngayon ko na lang din ulit siya nakita pagkatapos ng mahabang linggo. Ni hindi ko na rin siya nakikitang bumibisita sa bahay at kinakausap si Mama kaya naman nang makita ko siyang sumundo sa akin sa klase kanina ay hindi ko naiwasang makaramdam ng pananaba sa puso.Pananaba ng puso dahil sa presensya niya o nagulat lang ako dahil naging malaki ang epekto ng presensya niya sa mood ko magmula pa kanina.Pinagmasdan ko siyang iniliko ang sasakyan palabas ng bakuran gaya nga ng paalam niya kanina na nagmamadali siya. Ni hindi niya na nga nagawang mag-angat ng tingin sa 'kin mula sa hagdan kaya naman hindi ko naiwasang magtampo sa ginawa niya.Nang sandaling batiin niya ako ay hindi ko naiwasang makaramdam ng labis na tuwa kahit na hindi ko man lang naramdamang nagtagal ito sa reaksyon ng mukha ko. Minsan ay natutuwa ako sa isang bagay ngunit hindi ko ito nagagawang maipakita sa panlabas kong anyo, kaya naman hindi

    Last Updated : 2021-06-26
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 13

    Maliwanag ang pagkinang ng mga bituin sa langit. Tila ba nakikisama rin ito sa kung ano nga bang nararamdaman ko sa ngayon. Sa bawat pagkinang ng mga maliliwanag na bituin ay siya rin namang unti-unting paglakas ng kabog ng dibdib ko.Sa unti-unting paglakas ng dibdib ko ay siya namang paghina ng mga binti ko. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa usapan nilang may kinalaman sa pagsasama ni Daddy at ni Mama. Para bang pabor sila sa isang bagay na alam nilang ikasasakit ko. Tila ba pabor sila sa desisyon ng isa— kahit na alam nilang magagawa ako nitong saktan.Akala ko mabait sila. Akala ko mabuti sila. Akala ko ba kakampi ko sila?Panay sila sa kakangiti sa akin sa t'wing magkakasalubong kami sa bahay. Panay sila sa pagkamusta sa akin sa tuwing dadalaw sila sa bahay. Panay sila sa pagkwento sa akin sa tuwing may bakante silang oras o di kaya naman ay hinihintay pa nila ang pagdating ng mga magulang ko.Base sa mukha nila ay alam kong mabait sila. Bas

    Last Updated : 2021-06-26
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 14

    Nagising ako sa isang haplos na paulit-ulit at pabalik-balik na humahaplos magmula sa ulo hanggang sa pisngi na napapadaan hanggang sa mga braso ko.Nang sandaling imulat ko ang mga nanlalabong mga mata ay halos mangunot ang mga noo ko nang makita ko si Tita Hyacinth na nakaupo sa gilid ko. Nang makita niya ang sandaling pagmulat ng mga mata ko ay bahagya pa siyang natigilan sa paghaplos sa balat ko at di kalaunan ay napangiti nang mapagmasdan niya ang katanungang bumabalot sa mga mata ko.“Nagising ba kita, Kimberly?” Nagpatuloy siya sa paghaplos sa buhok ko na maging ang pagkakagulo ng buhok ko ay nagawa niyang i-ayos.Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang sandaling kumportable sa presensya niya rito sa tabi ko. Para bang sa isang iglap din ay nawala ang sandaling pagka-inis ko sa kanya kagabi dahil siya rin ang itinuturo ng isip ko na isa sa mga dahilan kung bakit nawala sa party ko si Daddy.Alam ko namang wala siyang alam at isa pa ay si

    Last Updated : 2021-06-27
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 15

    Hindi niya alam kung nararapat pa ba siyang magpaalam kay Mama na isasama niya si Daddy sa kung anong lakad nila bukas?Para bang sa tono ng pananalitang ginamit niya ay para bang takang-taka siya na kailangan niya pang magpaalam kay Mama para sa presensya ni Daddy bukas na nanakawin niya sa aming dalawa ni Mama.Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya sa 'kin.Normal lang na magpaalam siya dahil hindi niya naman asawa 'yung hihiramin niya!Asawa ng pinsan niya ang hihiramin niya!Dahil nga sa hindi pa pamilyar sa 'kin ang mga ganitong klase ng kaganapan sa buhay ay sa halip na magalit ako sa kanya ay ipinakita ko na lang na handa akong intindihin ang sinabi niya.Tutal ay hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya o baka naman nalito lang siya kung pagmamay-ari niya ba talaga si Daddy dahil mukha siyang may sapi sa ngayon.“Magagalit po si Mama kapag nalaman niyang aalis kayong dalawa ni Daddy nang hind

    Last Updated : 2021-06-27
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 16

    Maalinsangan ang panahon sa labas. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago muling hinawakan ng mariin ang mga manibelang nasa harapan ko.“Matanda ka na, pero hindi ka pa rin marunong sumakay sa bisikleta?” natatawang reklamo ni Klaude dahilan upang balingan ko siya ng isang matalim na titig.Isang mahinang tikhim ang ginawa ko sa sarili bago tinanggal sa bakal na nasa harapan ko ang kanang paa at mabilis na inilagay iyon sa pedal ng sinasakyan ko.“Hindi ako lumaki sa kalye gaya mo, Klaude,” reklamo ko kahit na alam kong pagtatawanan niya lang ako sa rason ko.Muntik pa nga akong malaglag sa kinauupuan ko nang sandaling i-angat ko ang sarili mula sa pagkakaupo. Mabuti na lamang at mabilis na nahawakan ni Klaude ang likuran ko.Halos umusok rin ang butas ng ilong ko nang marinig ko ang munti nitong tawa. Saan nga ba siya natatawa? Sa sinabi kong pang-aasar sa kanya, o baka naman natutuwa siya dahil mun

    Last Updated : 2021-06-27
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 17

    Hindi naman nag-iba ang trato namin ni Klaude sa isa't isa. Pakiramdam ko nga ay mas lalo lamang tumibay ang relasyon at pagkakaibigan naming dalawa nang dahil sa katanungang lumabas sa bibig ko.Nang dahil sa tanong na iyon ay hindi ko na muling naramdaman ang blank space na kalimitan kong nararamdaman sa tuwing nasa tabi ko si Klaude. Hindi ko rin naman magagawang itanggi sa sarili ko na nakakaramdam rin ako ng selos sa tuwing may makakaharap siyang ibang tao maliban sa 'kin— lalo na kung babae ito at kasing-edad lang naming dalawa.Oo, aaminin kong na-offend ako sa sinabi nitong magpaganda muna ako bago ako magkaroon ng lakas ng loob na magtanong kung sino ang pipiliin niya sa aming dalawa. Sa tuwing maririnig ko ang salitang pagpapaganda ay hindi ko rin maiwasang ikumpara ang sarili ko sa ibang babae.Gano'n ba ako kapangit para maranasan ang rejection sa mismong bibig ni Klaude na hindi naman gano'n kagwapuhan at tanging ang mga berde lang nitong mata

    Last Updated : 2021-06-28
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 18

    Hindi naman sa umaasa ako sa sinabi niya— pero parang gano'n na nga.Sa totoo lang ay wala naman talaga akong gusto kay Klaude. Hindi naman siya 'yung tipo ng lalaki na magugustuhan ng lahat. Ako nga lang yata ang nagkakaroon ng interes sa kanya kahit na hindi naman siya gano'n ka-passable sa panlasa ko.Hindi ko rin naman ipagkakait sa inyo ang lahat ng pagbabagong napapansin ko sa kanya. Habang tumatagal ang panahon, maraming nag-iiba sa physical features niya.Nakilala ko siya sa simbahan at nang sandaling magtama ang paningin naming dalawa ay alam ko na magkakaroon kami ng connections sa isa't isa. Hindi siya gano'n kataba at mas lalong hindi naman siya gano'n kapayat. Masasabi kong mukha siyang anghel sa umpisa pero habang tumatagal ang panahon mas lalo siyang nagmumukhang anghel sa paningin ko. Hindi na rin ako magtataka kung umabot man siya sa legal na edad, baka mas malala pa ang abutin ng itsura niya.Minsan ay nagagawa kong tanungin ang sa

    Last Updated : 2021-06-28
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 19

    Isang marahang tapik ang gumising sa diwa ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at isang ngiti ang sumilay sa labi ko nang makita ko ang nakangiting mukha ni Mama.Natutuwa ako sa tuwing gigising ako sa umaga na mukha ni Mama ang unang sisilay sa mga mata ko. Lihim kong kinagigiliwan ang mga mata at labi niyang hindi ko maipagkakailang maraming nahuhumaling sa mga ito. Ito na rin siguro ang isa sa mga bagay na hindi ko man lang nagawang makuha sa kanya.Minsan ay hindi ko maipagkakailang naiinggit ako sa ibang mga bata na nagiging kamukha nila ang mga magulang nila sa tuwing lilipas ang panahon. Magmula sa kilay, sa labi, sa mata, sa ilong— halos lahat ng mga bagay at katangian ay nagagawa nilang makuha.Ako lang yata ang pinagkaitan ng bagay na nanggaling kay Mama. Minsan nga ay hindi ko rin mapigilan ang sarili kong maniwala na lang sa sinasabi ng iba na hindi ako ang tunay na anak ni Mama, na may iba pa siyang pamilya na sinusuportahan maliban s

    Last Updated : 2021-06-29

Latest chapter

  • It's My Day, Happy Birthday!   Final Chapter

    Pinanood kong lumapit si Daddy sa himlayan kung saan nakahiga si Mama kasama ni Tita Amanda. Bakas ang panlalambot sa paglalakad ni Daddy habang si Chloe naman ay tila ba inosenteng sumusunod at tumatalon-talon lang sa paglalakad kasama ni Daddy.Wala akong nagawa kundi ang malungkot na mangiti sa sarili ko habang pinagmamasdan silang dalawa sa pagtutulos ng kandila at paglalagay ng bulaklak na pasalubong pa nila galing sa States.Dalawang buwan pagkatapos mawala ni Mama, nagdesisyon si Daddy na umalis at magpalamig muna sa States kasama ni Chloe. Sinubukan niya akong imbitahang sumama sa kanila ngunit nagdesisyon lang akong manatili rito sa Pilipinas upang abalahin ang sarili ko sa pagtatrabaho, at nang sa gano'n ay malihis ko ang pangungulila ko sa ibang bagay sa halip na maisip ko ang pagkawala ni Mama.“Mukhang okay na sila ngayon,” pabulong na ani ni Klaude sa gilid ko na katulad ko ay pinagmamasdan din si Daddy at si Chloe na ngayon ay ta

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 56

    Ramdam ko ang panginginig ng mga kalamanan ko nang dahil sa ipinadalang mensahe ni Daddy. Ilang sandali lang ay agad nang nagsibagsakan ang mga luha sa gilid ng mata ko, lalo na sa tuwing maaalala ko ang mga dugong nagkalat sa skyway kanina.Posible bang sa kanila ang mga dugo na 'yon?“Bilisan mo ang pagmamaneho, Klaude!” sigaw ko sa kanya.Ilang minuto na kasi ang nakalipas simula nang makarating kami sa The Coastal pero magpahanggang ngayon ay naririto pa rin kami sa skyway at tila ba naghihintay na naman ng pag-usad ng mabagal na trapiko na dulot ng aksidente kanina.Panay na ang busina ni Klaude sa harapan na tila ba sinasabi nito sa mga sasakyang nasa harapan na bigyan kami ng sapat na daan upang makaalis sa napakabagal na usad ng trapiko— na hindi man lang pinapansin ng mga sasakyang nasa unahan namin.“Ano ba Klaude, dalian mo—”“Can you please calm down—”“How can I

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 55

    Isang napakahigpit na yakap ang iginawad niya sa 'kin nang sandaling makita niya akong nakatayo sa gilid ng pool at abala sa pagtulong kay Manang sa pagtatanggal ng mga dahon na nagkalat sa tubig nito.Kung hindi lang naging matatag ang pagkakatayo ko ay may posibilidad na bumagsak kami sa tubig nang dahil sa ginawa niyang pagtalon sa likod ko. Sa halip na magalit at mairita sa ginawa niya ay bahagya na lang akong natawa sa panggugulat ni Mama.“Breakfast is ready, Baby,” ani niya bago humalik sa pisngi ko na bahagya ko pang kinatawa.“May kailangan ka ba, Ma?”Bahagya siyang napanguso sa biro ko bago natatawang umiling na tinawanan ko rin 'di kalaunan. “Porque ba naglambing ako nang ganito, may kailangan na kaagad?”Pagkatapos nang pag-uusap namin no'ng nakaraang linggo ay tila ba nagkaroon siya ng pag-asang lumaban sa trangkasong dumapo sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero natitiyak ko na ang ginaw

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 54

    Kahit na ubusin ko ang oras sa kakadikit kay Mama, kahit na ubusin ko ang natitira kong oras sa pakikipaglaro kay Chloe, kahit na ilang beses ko pang tulungan si Daddy sa duty niya— kulang ang lahat ng iyon upang mabawi ko ang mga oras na nasayang ko sa nagdaang panahon na hindi ko sila nagawang makasama.Ilang beses ko mang ulitin sa sarili ko na mapapantayan ko ang pagkukulang ko bilang anak sa mga magulang ko, hindi ko rin maipagkakaila na kulang ang lahat ng iyon upang makabawi ako sa mga naging kasalanan ko sa kanila.Minsan ay nakakaramdam ako ng pagkabalisa sa sarili ko nang dahil sa mga bagay na nagpapabagabag sa isip ko sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Isa itong kumpol ng mga tanong na hindi ko naman magawang masagot sa isang simpleng salita lang. May pagkakataon naman akong magtanong kay Mama pero...Mas pipiliin ko pa bang linawin ang lahat ng hindi ko maintindihan, sa halip na gugulin ko na lang ang oras ko sa pagbawi sa mga kakulangan ko

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 53

    Inubos namin ang natitira naming sandali sa paghahabol sa mga oras na sinayang ko. Kung alam ko lang na sa ganito pala hahantong ang lahat, sana pala ay no'ng una pa lang ay nagdesisyon na akong pumanhik sa kwarto nila Daddy at nang sa gano'n ay magawa ko nang maghalungkat ng mga gamit nila upang magawa ko nang malaman ang totoo.Kung bakit ba kasi ay hindi ako nag-iisip?Nang dahil sa kawalan ko ng tiwala sa mga taong nakakasama ko sa iisang bahay ay marami akong nasayang na panahon. Kung bibigyan man ako ng kahilingan ng Diyos sa kaarawan ko, baka sakaling hilingin ko na sana ay muli akong ibalik sa kabataan ko at nang sa gano'n ay mabawi ko ang lahat ng oras ko para sa kanya na nagawa kong sayangin sa ibang tao.Maituturing ko nga bang sayang ang lahat ng paghihirap sa pagpapalaki sa 'kin ni Tita Amanda, kung naging mabuti naman ako sa mga kamay niya? Ayoko rin namang matawag na walang utang na loob kung ipagsisigawan ko man ang bagay na iyon sa harap ng iban

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 52

    Kunot-noo kong pinagmasdan ang mga litratong tumambad sa paningin ko. Halos lahat ng mga litratong natagpuan ko sa berdeng envelope ay puro litrato ko no'ng maliit ko.Muli kong pinasadahan ng tingin ang pangalang nakasulat sa likod ng envelope at tila ba nalukot ang mukha ko nang muli ko na namang mabasa ang pangalan na madalas nilang itawag sa 'kin.“Bakit Renee Hershey ang nakalagay rito?” reklamo kong bulong sa sarili habang pinagmamasdan ang sulat na iyon.Sa ibaba ng pangalan ko ay may nakalakip ding address ng siyudad sa Dubai— at hindi ko lubos na maintindihan kung bakit may ganito pa gayong wala naman akong kakilala at kamag-anak na maaari nilang pagdalhan ng mga larawan ko no'ng maliit pa ako sa lugar na 'yon.Sa halip na pagtuunan ito ng pansin ay naisipan ko na lang na ibaling ang atensyon ko sa mga larawang nakakubli sa loob. Prente ko itong inilabas sa envelope at kagat-labing pinagmasdan.Medyo luma na ang mga litra

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 51

    Lumipas ang maraming linggo at naging maayos naman ang lahat. Matiwasay ko ring naibalita sa mga kaibigan ko na ang dating lalaking inaaway-away ko lang no'ng umpisa ay boyfriend at minamahal ko na ngayon.Gaya ng inaasahan ay kabi-kabila na naman ang pang-aasar sa 'ming dalawa ni Yohan na ngayon ay paulit-ulit na 'kong inaapi at iniinsulto. Hindi ko na rin siya nagawang pigilan nang nadulas niyang sabihin kay Klaude kung paano akong kapursigidong naghihintay sa labas ng campus, no'ng junior highschool student pa lang kami, kay Klaude sa tuwing sasapit ang umaga.Wala tuloy akong nagawa kundi ang mag-iwas ng tingin sa tuwing makikita kong bumaling sa gawi ko si Klaude nang nakanguso at bakas sa mukha niya ang pang-aasar na nagpapapula sa kabuuan ng mukha ko.“Maagang pumapasok 'yan sa campus. Palagi ngang idinadahilan 'yung payong—”“Tumigil ka na nga sa mga pag-iimbento mo, Yohan,” reklamo ko na animong nahihiya na tinawanan

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 50

    Ramdam ko ang paglapat sa ibabaw ng poster na nasa ulo ko ang brasong pamilyar sa paningin ko. Tila ba tinakpan nito ang kaisa-isang litrato na nagpapatunay na siya nga ang lalaking hinahanap ko nang napakatagal na panahon.Sa halip na makaramdam ng saya ay pait ang naramdamam ko, lalo na nang marinig ko ang boses nitong nakasanayan ko na sa bago niyang katauhan.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Tila ba nakaramdam ako ng pait sa sarili ko nang mapag-alaman kong iisa lang sila.All this time, niloko ako at binilog ng lalaking pinagkatiwalaan ko rin ng ilang taon. Pagkatapos niyang ituro ang address ng inuupuahan kong apartment kay Tita Hyacinth ay naririto na siya ngayon sa likuran ko at tila ba proud pa sa sarili niyang nakatayo na ngayon sa likuran ko.Proud ka sa sarili mo dahil sa napakatagal na panahon ay naririto ka na sa tabi ko, o proud ka dahil nagawa mo na namang mapaikot ang kaisa-isang babaeng nagtiwala sa 'yo.Umasa ako na hindi ko n

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 49

    Naging maayos namang kasama si Tita Hyacinth sa iisang bahay. Madalas niyang ibigay sa 'kin ang mga bagay na never ko namang hiniling sa kanya. Kusa niyang ibinibigay sa 'kin ang mga pangangailangan kong tanggihan ko man sa kanya ay pilit niya pa ring isisiksik sa 'kin kahit na ayoko.“Minsan lang ako kung magbigay sa 'yo, Hershey,” nakamangol niyang ani na lihim kong inirapan.“Hindi ko kailangan n'yan dahil marami ako n'yan,” angil ko sa kanya bago muling itinulak sa kanya ang karton ng gatas na kabibili niya lang kanina sa supermarket.Yes, kahon ng gatas.Hindi ko alam kung anong problema niya. Hindi ko rin naman magawang matanong sa kanya kung bakit na lang siya ganito kung kumilos sa harapan ko. Ni minsan ay hindi ko naman ipinakita sa kanyang tinatanggap ko na siya.Oo, tinanggap ko na ang kapatid ko sa ama, pero hindi naman ibig sabihin no'n na madali ko na silang mapapatawad ni Daddy. Hanggang ngayon ay naririto pa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status