Maalinsangan ang panahon sa labas. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago muling hinawakan ng mariin ang mga manibelang nasa harapan ko.
“Matanda ka na, pero hindi ka pa rin marunong sumakay sa bisikleta?” natatawang reklamo ni Klaude dahilan upang balingan ko siya ng isang matalim na titig.
Isang mahinang tikhim ang ginawa ko sa sarili bago tinanggal sa bakal na nasa harapan ko ang kanang paa at mabilis na inilagay iyon sa pedal ng sinasakyan ko.
“Hindi ako lumaki sa kalye gaya mo, Klaude,” reklamo ko kahit na alam kong pagtatawanan niya lang ako sa rason ko.
Muntik pa nga akong malaglag sa kinauupuan ko nang sandaling i-angat ko ang sarili mula sa pagkakaupo. Mabuti na lamang at mabilis na nahawakan ni Klaude ang likuran ko.
Halos umusok rin ang butas ng ilong ko nang marinig ko ang munti nitong tawa. Saan nga ba siya natatawa? Sa sinabi kong pang-aasar sa kanya, o baka naman natutuwa siya dahil mun
Hindi naman nag-iba ang trato namin ni Klaude sa isa't isa. Pakiramdam ko nga ay mas lalo lamang tumibay ang relasyon at pagkakaibigan naming dalawa nang dahil sa katanungang lumabas sa bibig ko.Nang dahil sa tanong na iyon ay hindi ko na muling naramdaman ang blank space na kalimitan kong nararamdaman sa tuwing nasa tabi ko si Klaude. Hindi ko rin naman magagawang itanggi sa sarili ko na nakakaramdam rin ako ng selos sa tuwing may makakaharap siyang ibang tao maliban sa 'kin— lalo na kung babae ito at kasing-edad lang naming dalawa.Oo, aaminin kong na-offend ako sa sinabi nitong magpaganda muna ako bago ako magkaroon ng lakas ng loob na magtanong kung sino ang pipiliin niya sa aming dalawa. Sa tuwing maririnig ko ang salitang pagpapaganda ay hindi ko rin maiwasang ikumpara ang sarili ko sa ibang babae.Gano'n ba ako kapangit para maranasan ang rejection sa mismong bibig ni Klaude na hindi naman gano'n kagwapuhan at tanging ang mga berde lang nitong mata
Hindi naman sa umaasa ako sa sinabi niya— pero parang gano'n na nga.Sa totoo lang ay wala naman talaga akong gusto kay Klaude. Hindi naman siya 'yung tipo ng lalaki na magugustuhan ng lahat. Ako nga lang yata ang nagkakaroon ng interes sa kanya kahit na hindi naman siya gano'n ka-passable sa panlasa ko.Hindi ko rin naman ipagkakait sa inyo ang lahat ng pagbabagong napapansin ko sa kanya. Habang tumatagal ang panahon, maraming nag-iiba sa physical features niya.Nakilala ko siya sa simbahan at nang sandaling magtama ang paningin naming dalawa ay alam ko na magkakaroon kami ng connections sa isa't isa. Hindi siya gano'n kataba at mas lalong hindi naman siya gano'n kapayat. Masasabi kong mukha siyang anghel sa umpisa pero habang tumatagal ang panahon mas lalo siyang nagmumukhang anghel sa paningin ko. Hindi na rin ako magtataka kung umabot man siya sa legal na edad, baka mas malala pa ang abutin ng itsura niya.Minsan ay nagagawa kong tanungin ang sa
Isang marahang tapik ang gumising sa diwa ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at isang ngiti ang sumilay sa labi ko nang makita ko ang nakangiting mukha ni Mama.Natutuwa ako sa tuwing gigising ako sa umaga na mukha ni Mama ang unang sisilay sa mga mata ko. Lihim kong kinagigiliwan ang mga mata at labi niyang hindi ko maipagkakailang maraming nahuhumaling sa mga ito. Ito na rin siguro ang isa sa mga bagay na hindi ko man lang nagawang makuha sa kanya.Minsan ay hindi ko maipagkakailang naiinggit ako sa ibang mga bata na nagiging kamukha nila ang mga magulang nila sa tuwing lilipas ang panahon. Magmula sa kilay, sa labi, sa mata, sa ilong— halos lahat ng mga bagay at katangian ay nagagawa nilang makuha.Ako lang yata ang pinagkaitan ng bagay na nanggaling kay Mama. Minsan nga ay hindi ko rin mapigilan ang sarili kong maniwala na lang sa sinasabi ng iba na hindi ako ang tunay na anak ni Mama, na may iba pa siyang pamilya na sinusuportahan maliban s
Sinadya kong alisin ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Mama. Alam kong napansin niya na nahihirapan ako sa bahagya nitong pagkakahawak sa kamay ko kaya naman nang sandaling luwagan niya ang pagkakahawak dito ay ito na rin ang ginamit kong pagkakataon upang makawala sa pagkakahawak niya.Mabilis kong tinapunan ng tingin ang kamay kong namula nang dahil sa pagkakahawak niya at halos mapaiyak nang makita ko ang hindi matawaran nitong pamumula. Namumula ito marahil siguro sa higpit ng pagkakahawak niya kanina.Hindi ko alam kung may iringan ba si Mama at ang matandang lalaki na nangharang sa daan namin kaya naman ganito na lang kung makakilos si Mama.Mukha namang wala lang sa reaksyon ng matanda ang pagkailang at kung ako naman ang tatanungin ay mukhang inosente lang ang itsura niya ngayon habang si Mama naman ay animong leon na mangangain ng tao. Kitang-kita ko ang pamumula ng mga pisngi ni Mama habang matalim na nakatitig sa matandang walang kamalay-malay
Ramdam ko ang marahang buntong-hininga ni Tita Hyacinth habang nakatitig sa 'kin. Hindi ko na rin pinansin ang mga titig nito na tila ba awang-awa sa itsura ko ngayon.Sino nga bang hindi maaawa sa itsura ko ngayon na kung ikaw man ang nasa sitwasyon niya ay natitiyak ko na maaawa ka rin. Para bang isa akong basang-sisiw na pinagkaitan ng masisilungan sa gitna ng ulanan. Para bang isa akong asong pinagkaitan ng makakain sa gitna ng gutom.Awang-awa ako sa sarili ko. Hindi ko rin naman maiwasang makaramdam ng inis at pagtatampo kay Klaude dahil nagawa niya akong paasahin na makakadalo siya. Actually kasalanan niya ito— kasalanan nga ba niya?Ako ang pumilit sa kanya na dumalo. Sinubukan ko siyang pikutin sa isang pangakong alam ko namang hindi niya magagawang sundin.Utak mo Kimberly may ubo!Tingin mo ba gano'n lang kadaling bumiyahe magmula probinsya hanggang sa siyudad? Tingin mo ba gano'n kadaling bumiyahe sa isang lugar na alam mong
Hindi kami gano'n kadikit ni Tita Hyacinth sa isa't isa kaya naman nang magkaroon ako ng lakas ng loob na magtanong sa kanya ay inaasahan ko na magugulat siya sa mga salitang sinabi ko.Hindi ako kumportable sa presensya niya, ngunit hindi ko maipagkakailang unti-unti akong nabibihag sa mga paghagod nito sa likurang bahagi ng balikat ko. Malaking bagay na sa 'kin ang pagsama at pagtabi niya rito kaya naman alam kong babaunin ko ang sandaling ito hanggang sa mga susunod na taon.Kumportable naman ako sa presensya niya dati hanggang ngayon. Siguro nga ay talagang binulag lang ako ng labis na pag-aalala at pagmamahal kay Mama kaya naman naisipang kong lumayo sa kanya kahit na alam ko sa sarili kong nasanay na ako sa presensya nito sa tabi ko. Aaminin kong malaking bagay para sa 'kin ang pag-uusap namin ni Tita Hyacinth kaya naman hindi ko maikakailang lihim ko na siyang pinasasalamatan sa isip ko.Kumportable ako sa ayos namin, maging sa pag-uusap namin
Magkasabay kaming napatayo ni Tita Hyacinth mula sa pagkakaupo at agad na pinanood si Mama na lumapit sa gawi namin.Ramdam ko ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko ang tila nagagalit na mga mata ni Mama at para bang handang sumugod sa gawi namin ni Tita Hyacinth. Bakas ang panggigigil sa mga yapak nito at na hindi ko magawang mahinuha ang ekspresyon na ipinapakita nito sa aming dalawa ngayon.Saglit kong ninakawan ng tingin si Tita Hyacinth nang marinig ko itong bumuntong-hininga habang pinapanood sa paglalakad patungo sa gawi namin si Mama.“She's the reason, Kimberly,” ani nito.Kunot-noo akong lumingon sa kanya at tila ba handa nang magtanong sa kung ano nga ba ang sinabi nito. Wala rin naman akong lakas ng loob na magtanong dahil pakiramdam ko ay labas ako sa kung ano man ang problema niya.Hindi naman sa sinasabi kong wala akong pakialam kung may pinagdaraanan nga ba siyang problema, pero bakit gano'n?Gusto ko
Patayin? Sinong papatayin ni Mama?Nang dahil sa sinabi niyang iyon ay hindi ko na naramdamang panawan ng antok. Para bang sa tuwing maaalala ko kung gaano niyang binanggit nang may diin ang katagang iyon ay mas lalo lamang gumugulo ang isip ko.Natatakot ako sa totoo lang. Para bang sa isang maling galaw ko ay may posibilidad na mawalan ako ng buhay.Para bang sa isang maling galaw ko sa harap ni Mama ay may posibilidad na masaktan niya ako.Para bang natatakot ako na may magawa siyang labag sa batas at kapalit no'n ay ang buhay ko. Hindi ko alam pero naninikip ang dibdib ko. Para bang nahihirapan ako sa paghinga sa tuwing maalala ko kung gaanong kapait ang boses niya.Magagawa niyang pumatay ng buhay ng isang inosenteng bata para lang sa buhay ng isang batang wala na sa tabi niya? Magagawa niyang manakit upang maghiganti? Magagawa niyang makapatay para lang sa buhay ng kanyang anak?At ano ang sinasabi niyang pinatay ni Tita Hyacinth ang a
Pinanood kong lumapit si Daddy sa himlayan kung saan nakahiga si Mama kasama ni Tita Amanda. Bakas ang panlalambot sa paglalakad ni Daddy habang si Chloe naman ay tila ba inosenteng sumusunod at tumatalon-talon lang sa paglalakad kasama ni Daddy.Wala akong nagawa kundi ang malungkot na mangiti sa sarili ko habang pinagmamasdan silang dalawa sa pagtutulos ng kandila at paglalagay ng bulaklak na pasalubong pa nila galing sa States.Dalawang buwan pagkatapos mawala ni Mama, nagdesisyon si Daddy na umalis at magpalamig muna sa States kasama ni Chloe. Sinubukan niya akong imbitahang sumama sa kanila ngunit nagdesisyon lang akong manatili rito sa Pilipinas upang abalahin ang sarili ko sa pagtatrabaho, at nang sa gano'n ay malihis ko ang pangungulila ko sa ibang bagay sa halip na maisip ko ang pagkawala ni Mama.“Mukhang okay na sila ngayon,” pabulong na ani ni Klaude sa gilid ko na katulad ko ay pinagmamasdan din si Daddy at si Chloe na ngayon ay ta
Ramdam ko ang panginginig ng mga kalamanan ko nang dahil sa ipinadalang mensahe ni Daddy. Ilang sandali lang ay agad nang nagsibagsakan ang mga luha sa gilid ng mata ko, lalo na sa tuwing maaalala ko ang mga dugong nagkalat sa skyway kanina.Posible bang sa kanila ang mga dugo na 'yon?“Bilisan mo ang pagmamaneho, Klaude!” sigaw ko sa kanya.Ilang minuto na kasi ang nakalipas simula nang makarating kami sa The Coastal pero magpahanggang ngayon ay naririto pa rin kami sa skyway at tila ba naghihintay na naman ng pag-usad ng mabagal na trapiko na dulot ng aksidente kanina.Panay na ang busina ni Klaude sa harapan na tila ba sinasabi nito sa mga sasakyang nasa harapan na bigyan kami ng sapat na daan upang makaalis sa napakabagal na usad ng trapiko— na hindi man lang pinapansin ng mga sasakyang nasa unahan namin.“Ano ba Klaude, dalian mo—”“Can you please calm down—”“How can I
Isang napakahigpit na yakap ang iginawad niya sa 'kin nang sandaling makita niya akong nakatayo sa gilid ng pool at abala sa pagtulong kay Manang sa pagtatanggal ng mga dahon na nagkalat sa tubig nito.Kung hindi lang naging matatag ang pagkakatayo ko ay may posibilidad na bumagsak kami sa tubig nang dahil sa ginawa niyang pagtalon sa likod ko. Sa halip na magalit at mairita sa ginawa niya ay bahagya na lang akong natawa sa panggugulat ni Mama.“Breakfast is ready, Baby,” ani niya bago humalik sa pisngi ko na bahagya ko pang kinatawa.“May kailangan ka ba, Ma?”Bahagya siyang napanguso sa biro ko bago natatawang umiling na tinawanan ko rin 'di kalaunan. “Porque ba naglambing ako nang ganito, may kailangan na kaagad?”Pagkatapos nang pag-uusap namin no'ng nakaraang linggo ay tila ba nagkaroon siya ng pag-asang lumaban sa trangkasong dumapo sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero natitiyak ko na ang ginaw
Kahit na ubusin ko ang oras sa kakadikit kay Mama, kahit na ubusin ko ang natitira kong oras sa pakikipaglaro kay Chloe, kahit na ilang beses ko pang tulungan si Daddy sa duty niya— kulang ang lahat ng iyon upang mabawi ko ang mga oras na nasayang ko sa nagdaang panahon na hindi ko sila nagawang makasama.Ilang beses ko mang ulitin sa sarili ko na mapapantayan ko ang pagkukulang ko bilang anak sa mga magulang ko, hindi ko rin maipagkakaila na kulang ang lahat ng iyon upang makabawi ako sa mga naging kasalanan ko sa kanila.Minsan ay nakakaramdam ako ng pagkabalisa sa sarili ko nang dahil sa mga bagay na nagpapabagabag sa isip ko sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Isa itong kumpol ng mga tanong na hindi ko naman magawang masagot sa isang simpleng salita lang. May pagkakataon naman akong magtanong kay Mama pero...Mas pipiliin ko pa bang linawin ang lahat ng hindi ko maintindihan, sa halip na gugulin ko na lang ang oras ko sa pagbawi sa mga kakulangan ko
Inubos namin ang natitira naming sandali sa paghahabol sa mga oras na sinayang ko. Kung alam ko lang na sa ganito pala hahantong ang lahat, sana pala ay no'ng una pa lang ay nagdesisyon na akong pumanhik sa kwarto nila Daddy at nang sa gano'n ay magawa ko nang maghalungkat ng mga gamit nila upang magawa ko nang malaman ang totoo.Kung bakit ba kasi ay hindi ako nag-iisip?Nang dahil sa kawalan ko ng tiwala sa mga taong nakakasama ko sa iisang bahay ay marami akong nasayang na panahon. Kung bibigyan man ako ng kahilingan ng Diyos sa kaarawan ko, baka sakaling hilingin ko na sana ay muli akong ibalik sa kabataan ko at nang sa gano'n ay mabawi ko ang lahat ng oras ko para sa kanya na nagawa kong sayangin sa ibang tao.Maituturing ko nga bang sayang ang lahat ng paghihirap sa pagpapalaki sa 'kin ni Tita Amanda, kung naging mabuti naman ako sa mga kamay niya? Ayoko rin namang matawag na walang utang na loob kung ipagsisigawan ko man ang bagay na iyon sa harap ng iban
Kunot-noo kong pinagmasdan ang mga litratong tumambad sa paningin ko. Halos lahat ng mga litratong natagpuan ko sa berdeng envelope ay puro litrato ko no'ng maliit ko.Muli kong pinasadahan ng tingin ang pangalang nakasulat sa likod ng envelope at tila ba nalukot ang mukha ko nang muli ko na namang mabasa ang pangalan na madalas nilang itawag sa 'kin.“Bakit Renee Hershey ang nakalagay rito?” reklamo kong bulong sa sarili habang pinagmamasdan ang sulat na iyon.Sa ibaba ng pangalan ko ay may nakalakip ding address ng siyudad sa Dubai— at hindi ko lubos na maintindihan kung bakit may ganito pa gayong wala naman akong kakilala at kamag-anak na maaari nilang pagdalhan ng mga larawan ko no'ng maliit pa ako sa lugar na 'yon.Sa halip na pagtuunan ito ng pansin ay naisipan ko na lang na ibaling ang atensyon ko sa mga larawang nakakubli sa loob. Prente ko itong inilabas sa envelope at kagat-labing pinagmasdan.Medyo luma na ang mga litra
Lumipas ang maraming linggo at naging maayos naman ang lahat. Matiwasay ko ring naibalita sa mga kaibigan ko na ang dating lalaking inaaway-away ko lang no'ng umpisa ay boyfriend at minamahal ko na ngayon.Gaya ng inaasahan ay kabi-kabila na naman ang pang-aasar sa 'ming dalawa ni Yohan na ngayon ay paulit-ulit na 'kong inaapi at iniinsulto. Hindi ko na rin siya nagawang pigilan nang nadulas niyang sabihin kay Klaude kung paano akong kapursigidong naghihintay sa labas ng campus, no'ng junior highschool student pa lang kami, kay Klaude sa tuwing sasapit ang umaga.Wala tuloy akong nagawa kundi ang mag-iwas ng tingin sa tuwing makikita kong bumaling sa gawi ko si Klaude nang nakanguso at bakas sa mukha niya ang pang-aasar na nagpapapula sa kabuuan ng mukha ko.“Maagang pumapasok 'yan sa campus. Palagi ngang idinadahilan 'yung payong—”“Tumigil ka na nga sa mga pag-iimbento mo, Yohan,” reklamo ko na animong nahihiya na tinawanan
Ramdam ko ang paglapat sa ibabaw ng poster na nasa ulo ko ang brasong pamilyar sa paningin ko. Tila ba tinakpan nito ang kaisa-isang litrato na nagpapatunay na siya nga ang lalaking hinahanap ko nang napakatagal na panahon.Sa halip na makaramdam ng saya ay pait ang naramdamam ko, lalo na nang marinig ko ang boses nitong nakasanayan ko na sa bago niyang katauhan.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Tila ba nakaramdam ako ng pait sa sarili ko nang mapag-alaman kong iisa lang sila.All this time, niloko ako at binilog ng lalaking pinagkatiwalaan ko rin ng ilang taon. Pagkatapos niyang ituro ang address ng inuupuahan kong apartment kay Tita Hyacinth ay naririto na siya ngayon sa likuran ko at tila ba proud pa sa sarili niyang nakatayo na ngayon sa likuran ko.Proud ka sa sarili mo dahil sa napakatagal na panahon ay naririto ka na sa tabi ko, o proud ka dahil nagawa mo na namang mapaikot ang kaisa-isang babaeng nagtiwala sa 'yo.Umasa ako na hindi ko n
Naging maayos namang kasama si Tita Hyacinth sa iisang bahay. Madalas niyang ibigay sa 'kin ang mga bagay na never ko namang hiniling sa kanya. Kusa niyang ibinibigay sa 'kin ang mga pangangailangan kong tanggihan ko man sa kanya ay pilit niya pa ring isisiksik sa 'kin kahit na ayoko.“Minsan lang ako kung magbigay sa 'yo, Hershey,” nakamangol niyang ani na lihim kong inirapan.“Hindi ko kailangan n'yan dahil marami ako n'yan,” angil ko sa kanya bago muling itinulak sa kanya ang karton ng gatas na kabibili niya lang kanina sa supermarket.Yes, kahon ng gatas.Hindi ko alam kung anong problema niya. Hindi ko rin naman magawang matanong sa kanya kung bakit na lang siya ganito kung kumilos sa harapan ko. Ni minsan ay hindi ko naman ipinakita sa kanyang tinatanggap ko na siya.Oo, tinanggap ko na ang kapatid ko sa ama, pero hindi naman ibig sabihin no'n na madali ko na silang mapapatawad ni Daddy. Hanggang ngayon ay naririto pa