Share

Chapter 12

Author: cuttie.psyche
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Hindi ko alam kung may problema ba si Tita Hyacinth. Ngayon ko na lang din ulit siya nakita pagkatapos ng mahabang linggo. Ni hindi ko na rin siya nakikitang bumibisita sa bahay at kinakausap si Mama kaya naman nang makita ko siyang sumundo sa akin sa klase kanina ay hindi ko naiwasang makaramdam ng pananaba sa puso.

Pananaba ng puso dahil sa presensya niya o nagulat lang ako dahil naging malaki ang epekto ng presensya niya sa mood ko magmula pa kanina.

Pinagmasdan ko siyang iniliko ang sasakyan palabas ng bakuran gaya nga ng paalam niya kanina na nagmamadali siya. Ni hindi niya na nga nagawang mag-angat ng tingin sa 'kin mula sa hagdan kaya naman hindi ko naiwasang magtampo sa ginawa niya.

Nang sandaling batiin niya ako ay hindi ko naiwasang makaramdam ng labis na tuwa kahit na hindi ko man lang naramdamang nagtagal ito sa reaksyon ng mukha ko. Minsan ay natutuwa ako sa isang bagay ngunit hindi ko ito nagagawang maipakita sa panlabas kong anyo, kaya naman hindi ko rin namang maiwasang makatanggap ng critisism mula sa iba dahil sa uri ng reaksyong ipinapakita ko. Malayong-malayo ang nagiging reaksyon ko sa nararamdaman ko mula sa loob kaya naman hindi ko rin sila magawang masisi sa tuwing pupunain nila ang reaksyon ko sa mga regalong ibinibigay nila.

Natutuwa ako sa loob pero galit ang ipinapakita ng mukha ko mula sa labas. Ang unfair, 'di ba?

Hindi siya balanse.

Kirot ang bumalot sa puso ko nang makita kong malayo na ang narating ng kotse ni Tita Hyacinth mula nang naihatid niya ako sa hagdan paakyat sa bulwagan ng malawak na bahay ni Daddy. Hindi ko mapigilang malungkot sa bagay na hindi ko man lang alam kung ano ang tunay na dahilan.

Nalulungkot ako sa hindi ko maipaliwanag na sanhi. Hindi ko rin namang mapigilan ang sarili kong si Tita Hyacinth ang maituro kong dahilan dahil para bang nakakahawa ang reaksyon niya kanina.

May problema kaya sila ni Daddy?

Baka naman sumama ang loob niya kay Mama dahil pinagsabihan siya nitong layuan ang daddy ko? 

Dahan-dahan kong inangat ang paperbag na inabot ni Tita Hyacinth kanina sa kotse at mabilis ko itong pinasadahan ng kuryosong tingin.

Paano niya nalamang birthday ko?

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na binati niya ako sa mismong araw ng birthday ko. Dalawang taon ko na siyang kilala pero ngayon lamang sumakto sa mismong kaarawan ang pagbati niya hindi tulad no'ng nakaraang taon na late siya ng tatlong linggo kung bumati sa 'kin.

Hindi na ako nagsayang ng sandali at agad nang binuksan ang paperbag na naglalaman ng isang maliit na kahon.

Isang kibit-balikat na lamang ang ginawa ko bago muling isiniksik sa paperbag ang maliit na kahon na iyon at nagdesisyon na lamang na mamaya na lang buksan kasabay ng iba pa.

Gaya nga ng sinabi ko ay hindi naman ako sanay sa mga ganitong klase ng regalo. Ang kwintas na regalo lang naman ni Klaude ang nagsilbing espesyal para sa 'kin sa araw na ito kaya naman nang matanggap ko ang regalo niya kanina ay nagmistulang bula na lamang ang lahat ng excitement kong magbukas ng iba pang regalo na maaari kong matanggap mamaya.

Ramdam ko ang paghihina ng mga binti ko sa hindi maipaliwanag na dahilan habang naglalakad ako papasok ng bulwagan. Maging ang paperbag na bitbit ko mula pa kanina ay hindi ko magawang mabuhat ng maayos dahil sa labis na panghihina sa hindi maipaliwanag na dahilan. 

Nang sandaling buksan ko ang  nakasaradong pinto sa salas ay halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang pagputok ng party poppers mula sa kung saan. 

“Happy Birthday!” sigaw ng lahat.

Kasabay ng pagputok nito ay ang pagbukas rin ilaw na naging sanhi kung bakit bahagya pa akong napatakip sa mga mata ko.

Nakakasilaw ang maliwanag nitong sinag. Inabot pa ng ilang segundo nang masanay ang mga mata ko sa liwanag nito bago ako naglakas ng loob na mag-angat ng tingin sa kung sino man ang nagpaputok.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kumpulan ng mga kamag-anak namin na nakatayo at nakangiti sa salas. Lahat sila ay may hawak na regalo at nakangiting nakatitig sa kung nasaan man ako.

Nasa gitna nila si Daddy na may hawak ng party poppers at natitiyak ko na siya rin ang may pakana ng sorpresang ito. Pinanood ko siyang ngumiti sa akin nang malaki bago lumagpas sa akin ang titig niya at tumungo sa likod ko.

Pinanood ko lamang ang pag-ikot ng mga mata niya na tila ba may hinahanap pang presensya ng iba na tila ba wala rito sa loob kung nasaan man kaming lahat.

“Nasaan ang Tita Hyacinth mo?” 'Yan ang kauna-unahang lumabas sa bibig niya na ikinawala ng malaking pagkakangiti ko.

Ramdam ko ang unti-unting paglusaw ng mga ngiti sa labi ko nang marinig ko ang sinabi niya at nang ma-intindihan ko kung kaninong presensya ang hinahanap niya.

Bakit gano'n?

Nasa harap mo na ako pero bakit siya pa rin ang unang hinanap ng mga mata mo?

Bakit sa halip na batiin mo ako sa mismong kaarawan ko ay ang presensya ng taong wala rito ang hinahanap mo?

“Nasaan ang Tita Hyacinth mo, Anak?” baling niya sa 'kin nang hindi ko siya sinagot sa nauna niyang tanong. “Siya ang nagpresintang sunduin ka sa huling klase mo. Nasaan na siya?”

“Happy Birthday sa 'kin, Daddy?” patanong kong bati na ikinataas ng mga kilay niya. “Salamat po.”

Alam niyang wala siyang mapapala sa 'kin kaya naman nang matapos ang sinabi ko ay siya na ang nagkusang lagpasan ako at dumiretsyo sa labas.

Kabi-kabila ang naging pagbati ng mga kamag-anak ko. Panay sila sa pakikipagpalitan ng ngiti sa akin ngunit hindi ko man lang nagawang suklian ng ngiti ang mga naggagandahan nilang ngiti na ipinupukol sa akin ngayon. Tila ba wala ako sa sarili habang naka-upo sa sofa at pinapanood ang lahat na magkwentuhan at magbatian.

Para bang may sariling silang buhay at abala sa pakikipag-usap sa isa't isa habang ako naman ay nagmistulang patatas at tuod sa pagiging ilap sa mga kwentuhan nila. 

Magmula nang lumabas si Daddy kanina ay hindi pa rin siya bumabalik magpahanggang ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang mangamba at magtampo sa inakto niya sa harap ko kanina.

Hindi ko maiwasang lihim na maiyak sa sarili sa tuwing maaalala ko kung paano akong binalewala ni Daddy kanina at tila ba inuna ang presensya ng taong wala sa tabi ko sa halip na batiin ako sa pinaka-espesyal na araw ng kaisa-isang anak niya.

“Happy Birthday, Anak,” bati ni Mama.

Ni hindi ko na nga rin naramdaman ang dahan-dahan nitong pag-upo sa tabi ko at malambing akong hinawakan sa hita na ikinangiti ko.

Gawain na ni Mama ang pagyapos sa binti ko sa tuwing magkakasama kaming dalawa. Maging sa kwentuhan ay ganito ang pauna niyang kilos kaya naman nasanay na rin ako di kalaunan.

Isang malungkot na ngiti ang iginawad ko sa kanya na alam kong nakuha niya. Nang mapansin niya ang panlalata ko ng baling sa kanya ay hindi ko rin naiwasang titigan ang titig niyang animong nagtatanong sa ngiting iginawad ko sa kanya.

“May problema ba, Anak?”

Nang dahil sa tanong niya ay hindi ko naiwasang pangiliran ng luha. Daglian ko iyong pinunasan kaya naman mas lalong nangibabaw ang pag-aalala sa boses niya ngayon.

“Si Daddy po, Mama.”

Sa tono ng boses ko ay para ba akong isang musmos na nagsusumbong sa magulang dahil inagawan ng kendi ng mga kalaro niya. Hindi ko naiwasang ma-down sa mga naisip ko kaya naman mas lalo kong naramdaman ang paninikit ng dibdib ko.

“Anong ginawa niya sa 'yo, Anak?”

Pinanood ko siyang lumapit sa akin at ang mahigpit na yakap niya ang bumungad sa mukha ko. Amoy na amoy ko ang alcohol mula sa wine na ininom niya kanina ngunit hindi ko man lang maramdaman ang kalasingan sa boses niya nang makita niyang lihim akong nagpunas ng luhang nangilid kanina.

“Mas importante po ba si Tita Hyacinth kaysa sa 'kin para kay Daddy?” tanong ko bago ko pinakawalan ang isang mahina ngunit maingat na paghikbi.

Kailangan kong pigilan ang pagbuhos ng emosyon ko dahil kapag nalaman ng iba na umiiyak ako sa mismong kaarawan ko ay may posibilidad na maapektuhan nito si Daddy. Ayoko rin namang idawit si Tita Hyacinth sa kadramahan ko sa buhay kahit na alam ko namang malaki ang puntos ng pagkakadawit niya dito.

Naririto pa naman ang mga Tita ko at ayoko rin namang magkagulo sa mismong araw ng kaarawan ko, 'no.

“Hindi, Anak. Bakit mo naman naisip 'yan?” bakas ang pag-iingat sa tono ng pagtatanong ni Mama kaya naman hindi ko maiwasang mangamba. “Ano bang problema, Kimberly? Magsasabi ka sa 'kin kung anong problema mo, Anak.”

Gaya ng inaasahan ay napuno ang yakapan namin ng tanungan. Hindi ako nagdalawang-isip na aminin sa kanya ang ikinilos ni Daddy kaya naman hindi na rin ako nagtataka kung para saan ang lihim na pagkuyom ng mga kamay niya mula sa pagkakayakap kanina.

Palalim na rin ang gabi at unti-unti na ring nagpapaalam ang mga bisita na dumalo sa bahay ko. Gaya ng inaasahan ay marami akong natanggap na regalo mula sa mga pinsan ko na agaran ko na ring pinasalamatan.

Ako na ang nagdesisyon na hindi muna buksan ang mga regalong iyon kasama ng regalo rin ni Tita Hyacinth kanina. Gaya nga ng sinabi ko ay hindi naman ako interesado sa mga materyal na bagay.

Aanhin mo pa ba ang bagay na hindi mo naman kailangan kung nasa sa 'yo na rin naman lahat ng mga bagay na kailangan mo at alam mo na rin namang sapat para sa 'yo, 'di ba?

Oo, naa-appreciate ko ang mga ganitong simpleng bagay at alam ko namang regalo ito para sa 'kin kaya naman sa halip na tanggihan ang mga ito ay malugod ko itong tinanggap.

“Happy Birthday ulit, Hershey,” bati ng isa sa mga pinsan ni Mama.

Agad na nangunot ang noo ko sa pangalang binanggit niya at alam kong alam niya rin ang salitang lumabas sa bibig niya dahil pabiro niya ring tinutop ang sariling bibig at nag-peace sign sa 'kin.

“Kimberly nga pala ang pangalan mo. I almost forgot. I'm sorry,” hagikgik niya bago ako iniwang nakakunot pa rin ang noo at naguguluhan sa inakto niya.

Alam ko naman na hindi kami gaanong nagkikita at nagkakausap pero hindi naman siguro siya tanga para sa edad niya na hindi ako makilala gayong ang lapit lang ng bahay nila sa bahay namin.

She's almost twenty seven at hindi niya man lang alam ang pangalan ko. She's rude— okay. Alam ko naman na medyo bastos siya sa edad niya pero— wala ba siyang respeto?

Nagagawa miyang um-attend sa birthday party ko taon-taon pero ang simpleng pagbati lang at pagtawag sa pangalan ko ay hindi niya man lang magawang maitama?

Pinanood ko silang magtawanang magpipinsan habang naglalakad papalayo at naghahampasan.

Hindi nagkakalayo ang edad nila at ng edad ni Tita Hyacinth kaya naman nasisigurado ko na close silang dalawa at natitiyak ko rin na nasasabi ni Tita Hyacinth sa kanya ang mga bagay na kami-kami lang ang nakakaalam sa pamilya— maliban kay Tita Hyacinth na kadugo lang at wala namang ambag sa pamilya ko.

“Nakita niyo ba yung reaksyon niya? Gulat na gulat,” rinig kong tawanan nila habang naglalakad papalayo.

Wala akong nagawa kundi mapanguso at lihim na sinikmuraan si Tita Hyacinth sa isip ko.

Naiwan ang matatanda sa garden at natitiyak kong nandoon din si Mama kasama nila Lolo. Hindi ko na rin alam kung nasaan si Daddy dahil maging ang anino nito ay hindi ko na nagawang matanaw pa magmula no'ng umalis siya kanina.

Hindi ko man lang lubos na maisip na nagawa niyang hanapin si Tita Hyacinth sa halip na yakapin ako kanina o maski batiin man lang ako sa mismong kaarawan ko.

Unti-unti kong nararamdaman ang pananakip ng dibdib ko kaya naman bago pa man may makakita sa pagdadalamhati ko ay nagmamadali na akong tumakbo paakyat at patungo sa kwarto ko.

Doon ko binuhos lahat ng luha ko na halos makatulugan ko na rin sa sobrang pagod. Hindi ko alam na sa bawat tuwang nararamdaman ko ay may mga bagay palang kapalit ito.

Aaminin kong tuwang-tuwa ako sa regalo sa akin ni Klaude, maging ang pagbati sa 'kin ni Tita Hyacinth ay ikinatuwa ko, idagdag mo pa 'yung surpresa ng mga kamag-anak ko. Kung ang presensya rin pala ni Daddy ang kapalit ng magagandang bagay na natanggap ko ngayon— pwede bang ibalik ko na lang ang lahat?

Gaya nga ng paulit-ulit kong tinatalakay magmula kanina— kailanman ay hindi ko naging kailangan o maski kailanman ay hindi ko inasam na magkaroon ng mga materyal na bagay lalo na kung kapalit lang naman ito ng presensya ng isang taong mas importante pa sa presensya ng iba.

Isang simpleng pagbati lang naman ang inasam ko pero bakit hindi niya man lang ibinigay sa akin 'yon? Nagawa niyang hanapin si Tita Hyacinth pero ako, na anak niya, ay hindi man lang nagawang batiin sa mismong araw na importante rin sa akin.

Kung sinubukan ko bang isama si Tita Hyacinth at imbitahan sa selebrasyon ko, may pag-asa ba na hindi na muling umalis si Daddy at magawa niya pa kaya akong batiin?

Wala sa sarili akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama ko. Hindi naman sa pagiging maarte pero sa bawat minutong lumilipas ay nararamdaman ko ang unti-unting pagbigat ng dibdib ko kaya naman nagdesisyon ako na pansamantala munang bumaba at magtungo sa garden upang doon magpalipas ng sandali.

Natitiyak ko na hindi pa naman pumapatak ang alas-dose sa orasan kaya naman sigurado ako na may mga bisita pa sa baba— at tama nga ang hinala ko.

Naabutan ko na nakaupo sa mga mesa sa garden sila Mama kasama ang mga magulang ni Daddy. May ilang mga matatanda rin ang nasaksihan ko at natitiyak kong madalas kong nakikita sa bahay.

Sila yung mga matanda na madalas bumisita kay Daddy na sa tuwing may pagkakataon ay lihim nilang pinagsasabihan at sinesermunan. Minsan ay nagagawa naman nila akong kamustahin at bigyan ng simpleng regalo pero hanggang sa ngayon ay wala pa rin akong clue sa kung ano nga ba ang tunay nilang pagkatao at ano nga bang role nila sa buhay ko.

Nakangiti akong naglakad patungo sa kanila. Nakayapak lamang ang mga paa ko kaya naman alam kong hindi nila maririnig ang paglapit ko.

Gawain ko na ang dumikit kay Mama sa tuwing hindi ako makakatulog at siya rin ang in-charge na kantahan ako upang madali lang akong dapuan ng antok sa gabi.

Hindi naman sa gusto kong makatulog ngayon pero ngayong alam naman ni Mama ang problema ko, natitiyak ko naman na magagawa niya akong payagang dumikit sa kanya lalo na at wala naman si Daddy sa bahay.

Ito na rin siguro ang chance upang magawa ko nang makilala ang mga matandang pamilyar sa mga mata ko ngunit wala akong ideya sa kung ano man ang katauhan nila.

Nakatalikod sa gawi ko si Mama, wala rin naman sa gawi ko ang atensyon ng iba kaya naman kampante ako na hindi nila magagawang maramdaman ang paglapit ko.

Bahagya akong sumiksik sa malalaking dahon ng halaman sa garden upng doon sana dumaan dahil mas malapit ito sa gawi kung nasaan sila.

Habang papalapit ako nang papalapit sa gawi nila ay siya namang pagbagal ng paglalakad ko dahil sa unti-unting paglinaw ng usapan nila.

Related chapters

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 13

    Maliwanag ang pagkinang ng mga bituin sa langit. Tila ba nakikisama rin ito sa kung ano nga bang nararamdaman ko sa ngayon. Sa bawat pagkinang ng mga maliliwanag na bituin ay siya rin namang unti-unting paglakas ng kabog ng dibdib ko.Sa unti-unting paglakas ng dibdib ko ay siya namang paghina ng mga binti ko. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa usapan nilang may kinalaman sa pagsasama ni Daddy at ni Mama. Para bang pabor sila sa isang bagay na alam nilang ikasasakit ko. Tila ba pabor sila sa desisyon ng isa— kahit na alam nilang magagawa ako nitong saktan.Akala ko mabait sila. Akala ko mabuti sila. Akala ko ba kakampi ko sila?Panay sila sa kakangiti sa akin sa t'wing magkakasalubong kami sa bahay. Panay sila sa pagkamusta sa akin sa tuwing dadalaw sila sa bahay. Panay sila sa pagkwento sa akin sa tuwing may bakante silang oras o di kaya naman ay hinihintay pa nila ang pagdating ng mga magulang ko.Base sa mukha nila ay alam kong mabait sila. Bas

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 14

    Nagising ako sa isang haplos na paulit-ulit at pabalik-balik na humahaplos magmula sa ulo hanggang sa pisngi na napapadaan hanggang sa mga braso ko.Nang sandaling imulat ko ang mga nanlalabong mga mata ay halos mangunot ang mga noo ko nang makita ko si Tita Hyacinth na nakaupo sa gilid ko. Nang makita niya ang sandaling pagmulat ng mga mata ko ay bahagya pa siyang natigilan sa paghaplos sa balat ko at di kalaunan ay napangiti nang mapagmasdan niya ang katanungang bumabalot sa mga mata ko.“Nagising ba kita, Kimberly?” Nagpatuloy siya sa paghaplos sa buhok ko na maging ang pagkakagulo ng buhok ko ay nagawa niyang i-ayos.Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang sandaling kumportable sa presensya niya rito sa tabi ko. Para bang sa isang iglap din ay nawala ang sandaling pagka-inis ko sa kanya kagabi dahil siya rin ang itinuturo ng isip ko na isa sa mga dahilan kung bakit nawala sa party ko si Daddy.Alam ko namang wala siyang alam at isa pa ay si

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 15

    Hindi niya alam kung nararapat pa ba siyang magpaalam kay Mama na isasama niya si Daddy sa kung anong lakad nila bukas?Para bang sa tono ng pananalitang ginamit niya ay para bang takang-taka siya na kailangan niya pang magpaalam kay Mama para sa presensya ni Daddy bukas na nanakawin niya sa aming dalawa ni Mama.Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya sa 'kin.Normal lang na magpaalam siya dahil hindi niya naman asawa 'yung hihiramin niya!Asawa ng pinsan niya ang hihiramin niya!Dahil nga sa hindi pa pamilyar sa 'kin ang mga ganitong klase ng kaganapan sa buhay ay sa halip na magalit ako sa kanya ay ipinakita ko na lang na handa akong intindihin ang sinabi niya.Tutal ay hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya o baka naman nalito lang siya kung pagmamay-ari niya ba talaga si Daddy dahil mukha siyang may sapi sa ngayon.“Magagalit po si Mama kapag nalaman niyang aalis kayong dalawa ni Daddy nang hind

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 16

    Maalinsangan ang panahon sa labas. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago muling hinawakan ng mariin ang mga manibelang nasa harapan ko.“Matanda ka na, pero hindi ka pa rin marunong sumakay sa bisikleta?” natatawang reklamo ni Klaude dahilan upang balingan ko siya ng isang matalim na titig.Isang mahinang tikhim ang ginawa ko sa sarili bago tinanggal sa bakal na nasa harapan ko ang kanang paa at mabilis na inilagay iyon sa pedal ng sinasakyan ko.“Hindi ako lumaki sa kalye gaya mo, Klaude,” reklamo ko kahit na alam kong pagtatawanan niya lang ako sa rason ko.Muntik pa nga akong malaglag sa kinauupuan ko nang sandaling i-angat ko ang sarili mula sa pagkakaupo. Mabuti na lamang at mabilis na nahawakan ni Klaude ang likuran ko.Halos umusok rin ang butas ng ilong ko nang marinig ko ang munti nitong tawa. Saan nga ba siya natatawa? Sa sinabi kong pang-aasar sa kanya, o baka naman natutuwa siya dahil mun

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 17

    Hindi naman nag-iba ang trato namin ni Klaude sa isa't isa. Pakiramdam ko nga ay mas lalo lamang tumibay ang relasyon at pagkakaibigan naming dalawa nang dahil sa katanungang lumabas sa bibig ko.Nang dahil sa tanong na iyon ay hindi ko na muling naramdaman ang blank space na kalimitan kong nararamdaman sa tuwing nasa tabi ko si Klaude. Hindi ko rin naman magagawang itanggi sa sarili ko na nakakaramdam rin ako ng selos sa tuwing may makakaharap siyang ibang tao maliban sa 'kin— lalo na kung babae ito at kasing-edad lang naming dalawa.Oo, aaminin kong na-offend ako sa sinabi nitong magpaganda muna ako bago ako magkaroon ng lakas ng loob na magtanong kung sino ang pipiliin niya sa aming dalawa. Sa tuwing maririnig ko ang salitang pagpapaganda ay hindi ko rin maiwasang ikumpara ang sarili ko sa ibang babae.Gano'n ba ako kapangit para maranasan ang rejection sa mismong bibig ni Klaude na hindi naman gano'n kagwapuhan at tanging ang mga berde lang nitong mata

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 18

    Hindi naman sa umaasa ako sa sinabi niya— pero parang gano'n na nga.Sa totoo lang ay wala naman talaga akong gusto kay Klaude. Hindi naman siya 'yung tipo ng lalaki na magugustuhan ng lahat. Ako nga lang yata ang nagkakaroon ng interes sa kanya kahit na hindi naman siya gano'n ka-passable sa panlasa ko.Hindi ko rin naman ipagkakait sa inyo ang lahat ng pagbabagong napapansin ko sa kanya. Habang tumatagal ang panahon, maraming nag-iiba sa physical features niya.Nakilala ko siya sa simbahan at nang sandaling magtama ang paningin naming dalawa ay alam ko na magkakaroon kami ng connections sa isa't isa. Hindi siya gano'n kataba at mas lalong hindi naman siya gano'n kapayat. Masasabi kong mukha siyang anghel sa umpisa pero habang tumatagal ang panahon mas lalo siyang nagmumukhang anghel sa paningin ko. Hindi na rin ako magtataka kung umabot man siya sa legal na edad, baka mas malala pa ang abutin ng itsura niya.Minsan ay nagagawa kong tanungin ang sa

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 19

    Isang marahang tapik ang gumising sa diwa ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at isang ngiti ang sumilay sa labi ko nang makita ko ang nakangiting mukha ni Mama.Natutuwa ako sa tuwing gigising ako sa umaga na mukha ni Mama ang unang sisilay sa mga mata ko. Lihim kong kinagigiliwan ang mga mata at labi niyang hindi ko maipagkakailang maraming nahuhumaling sa mga ito. Ito na rin siguro ang isa sa mga bagay na hindi ko man lang nagawang makuha sa kanya.Minsan ay hindi ko maipagkakailang naiinggit ako sa ibang mga bata na nagiging kamukha nila ang mga magulang nila sa tuwing lilipas ang panahon. Magmula sa kilay, sa labi, sa mata, sa ilong— halos lahat ng mga bagay at katangian ay nagagawa nilang makuha.Ako lang yata ang pinagkaitan ng bagay na nanggaling kay Mama. Minsan nga ay hindi ko rin mapigilan ang sarili kong maniwala na lang sa sinasabi ng iba na hindi ako ang tunay na anak ni Mama, na may iba pa siyang pamilya na sinusuportahan maliban s

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 20

    Sinadya kong alisin ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Mama. Alam kong napansin niya na nahihirapan ako sa bahagya nitong pagkakahawak sa kamay ko kaya naman nang sandaling luwagan niya ang pagkakahawak dito ay ito na rin ang ginamit kong pagkakataon upang makawala sa pagkakahawak niya.Mabilis kong tinapunan ng tingin ang kamay kong namula nang dahil sa pagkakahawak niya at halos mapaiyak nang makita ko ang hindi matawaran nitong pamumula. Namumula ito marahil siguro sa higpit ng pagkakahawak niya kanina.Hindi ko alam kung may iringan ba si Mama at ang matandang lalaki na nangharang sa daan namin kaya naman ganito na lang kung makakilos si Mama.Mukha namang wala lang sa reaksyon ng matanda ang pagkailang at kung ako naman ang tatanungin ay mukhang inosente lang ang itsura niya ngayon habang si Mama naman ay animong leon na mangangain ng tao. Kitang-kita ko ang pamumula ng mga pisngi ni Mama habang matalim na nakatitig sa matandang walang kamalay-malay

Latest chapter

  • It's My Day, Happy Birthday!   Final Chapter

    Pinanood kong lumapit si Daddy sa himlayan kung saan nakahiga si Mama kasama ni Tita Amanda. Bakas ang panlalambot sa paglalakad ni Daddy habang si Chloe naman ay tila ba inosenteng sumusunod at tumatalon-talon lang sa paglalakad kasama ni Daddy.Wala akong nagawa kundi ang malungkot na mangiti sa sarili ko habang pinagmamasdan silang dalawa sa pagtutulos ng kandila at paglalagay ng bulaklak na pasalubong pa nila galing sa States.Dalawang buwan pagkatapos mawala ni Mama, nagdesisyon si Daddy na umalis at magpalamig muna sa States kasama ni Chloe. Sinubukan niya akong imbitahang sumama sa kanila ngunit nagdesisyon lang akong manatili rito sa Pilipinas upang abalahin ang sarili ko sa pagtatrabaho, at nang sa gano'n ay malihis ko ang pangungulila ko sa ibang bagay sa halip na maisip ko ang pagkawala ni Mama.“Mukhang okay na sila ngayon,” pabulong na ani ni Klaude sa gilid ko na katulad ko ay pinagmamasdan din si Daddy at si Chloe na ngayon ay ta

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 56

    Ramdam ko ang panginginig ng mga kalamanan ko nang dahil sa ipinadalang mensahe ni Daddy. Ilang sandali lang ay agad nang nagsibagsakan ang mga luha sa gilid ng mata ko, lalo na sa tuwing maaalala ko ang mga dugong nagkalat sa skyway kanina.Posible bang sa kanila ang mga dugo na 'yon?“Bilisan mo ang pagmamaneho, Klaude!” sigaw ko sa kanya.Ilang minuto na kasi ang nakalipas simula nang makarating kami sa The Coastal pero magpahanggang ngayon ay naririto pa rin kami sa skyway at tila ba naghihintay na naman ng pag-usad ng mabagal na trapiko na dulot ng aksidente kanina.Panay na ang busina ni Klaude sa harapan na tila ba sinasabi nito sa mga sasakyang nasa harapan na bigyan kami ng sapat na daan upang makaalis sa napakabagal na usad ng trapiko— na hindi man lang pinapansin ng mga sasakyang nasa unahan namin.“Ano ba Klaude, dalian mo—”“Can you please calm down—”“How can I

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 55

    Isang napakahigpit na yakap ang iginawad niya sa 'kin nang sandaling makita niya akong nakatayo sa gilid ng pool at abala sa pagtulong kay Manang sa pagtatanggal ng mga dahon na nagkalat sa tubig nito.Kung hindi lang naging matatag ang pagkakatayo ko ay may posibilidad na bumagsak kami sa tubig nang dahil sa ginawa niyang pagtalon sa likod ko. Sa halip na magalit at mairita sa ginawa niya ay bahagya na lang akong natawa sa panggugulat ni Mama.“Breakfast is ready, Baby,” ani niya bago humalik sa pisngi ko na bahagya ko pang kinatawa.“May kailangan ka ba, Ma?”Bahagya siyang napanguso sa biro ko bago natatawang umiling na tinawanan ko rin 'di kalaunan. “Porque ba naglambing ako nang ganito, may kailangan na kaagad?”Pagkatapos nang pag-uusap namin no'ng nakaraang linggo ay tila ba nagkaroon siya ng pag-asang lumaban sa trangkasong dumapo sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero natitiyak ko na ang ginaw

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 54

    Kahit na ubusin ko ang oras sa kakadikit kay Mama, kahit na ubusin ko ang natitira kong oras sa pakikipaglaro kay Chloe, kahit na ilang beses ko pang tulungan si Daddy sa duty niya— kulang ang lahat ng iyon upang mabawi ko ang mga oras na nasayang ko sa nagdaang panahon na hindi ko sila nagawang makasama.Ilang beses ko mang ulitin sa sarili ko na mapapantayan ko ang pagkukulang ko bilang anak sa mga magulang ko, hindi ko rin maipagkakaila na kulang ang lahat ng iyon upang makabawi ako sa mga naging kasalanan ko sa kanila.Minsan ay nakakaramdam ako ng pagkabalisa sa sarili ko nang dahil sa mga bagay na nagpapabagabag sa isip ko sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Isa itong kumpol ng mga tanong na hindi ko naman magawang masagot sa isang simpleng salita lang. May pagkakataon naman akong magtanong kay Mama pero...Mas pipiliin ko pa bang linawin ang lahat ng hindi ko maintindihan, sa halip na gugulin ko na lang ang oras ko sa pagbawi sa mga kakulangan ko

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 53

    Inubos namin ang natitira naming sandali sa paghahabol sa mga oras na sinayang ko. Kung alam ko lang na sa ganito pala hahantong ang lahat, sana pala ay no'ng una pa lang ay nagdesisyon na akong pumanhik sa kwarto nila Daddy at nang sa gano'n ay magawa ko nang maghalungkat ng mga gamit nila upang magawa ko nang malaman ang totoo.Kung bakit ba kasi ay hindi ako nag-iisip?Nang dahil sa kawalan ko ng tiwala sa mga taong nakakasama ko sa iisang bahay ay marami akong nasayang na panahon. Kung bibigyan man ako ng kahilingan ng Diyos sa kaarawan ko, baka sakaling hilingin ko na sana ay muli akong ibalik sa kabataan ko at nang sa gano'n ay mabawi ko ang lahat ng oras ko para sa kanya na nagawa kong sayangin sa ibang tao.Maituturing ko nga bang sayang ang lahat ng paghihirap sa pagpapalaki sa 'kin ni Tita Amanda, kung naging mabuti naman ako sa mga kamay niya? Ayoko rin namang matawag na walang utang na loob kung ipagsisigawan ko man ang bagay na iyon sa harap ng iban

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 52

    Kunot-noo kong pinagmasdan ang mga litratong tumambad sa paningin ko. Halos lahat ng mga litratong natagpuan ko sa berdeng envelope ay puro litrato ko no'ng maliit ko.Muli kong pinasadahan ng tingin ang pangalang nakasulat sa likod ng envelope at tila ba nalukot ang mukha ko nang muli ko na namang mabasa ang pangalan na madalas nilang itawag sa 'kin.“Bakit Renee Hershey ang nakalagay rito?” reklamo kong bulong sa sarili habang pinagmamasdan ang sulat na iyon.Sa ibaba ng pangalan ko ay may nakalakip ding address ng siyudad sa Dubai— at hindi ko lubos na maintindihan kung bakit may ganito pa gayong wala naman akong kakilala at kamag-anak na maaari nilang pagdalhan ng mga larawan ko no'ng maliit pa ako sa lugar na 'yon.Sa halip na pagtuunan ito ng pansin ay naisipan ko na lang na ibaling ang atensyon ko sa mga larawang nakakubli sa loob. Prente ko itong inilabas sa envelope at kagat-labing pinagmasdan.Medyo luma na ang mga litra

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 51

    Lumipas ang maraming linggo at naging maayos naman ang lahat. Matiwasay ko ring naibalita sa mga kaibigan ko na ang dating lalaking inaaway-away ko lang no'ng umpisa ay boyfriend at minamahal ko na ngayon.Gaya ng inaasahan ay kabi-kabila na naman ang pang-aasar sa 'ming dalawa ni Yohan na ngayon ay paulit-ulit na 'kong inaapi at iniinsulto. Hindi ko na rin siya nagawang pigilan nang nadulas niyang sabihin kay Klaude kung paano akong kapursigidong naghihintay sa labas ng campus, no'ng junior highschool student pa lang kami, kay Klaude sa tuwing sasapit ang umaga.Wala tuloy akong nagawa kundi ang mag-iwas ng tingin sa tuwing makikita kong bumaling sa gawi ko si Klaude nang nakanguso at bakas sa mukha niya ang pang-aasar na nagpapapula sa kabuuan ng mukha ko.“Maagang pumapasok 'yan sa campus. Palagi ngang idinadahilan 'yung payong—”“Tumigil ka na nga sa mga pag-iimbento mo, Yohan,” reklamo ko na animong nahihiya na tinawanan

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 50

    Ramdam ko ang paglapat sa ibabaw ng poster na nasa ulo ko ang brasong pamilyar sa paningin ko. Tila ba tinakpan nito ang kaisa-isang litrato na nagpapatunay na siya nga ang lalaking hinahanap ko nang napakatagal na panahon.Sa halip na makaramdam ng saya ay pait ang naramdamam ko, lalo na nang marinig ko ang boses nitong nakasanayan ko na sa bago niyang katauhan.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Tila ba nakaramdam ako ng pait sa sarili ko nang mapag-alaman kong iisa lang sila.All this time, niloko ako at binilog ng lalaking pinagkatiwalaan ko rin ng ilang taon. Pagkatapos niyang ituro ang address ng inuupuahan kong apartment kay Tita Hyacinth ay naririto na siya ngayon sa likuran ko at tila ba proud pa sa sarili niyang nakatayo na ngayon sa likuran ko.Proud ka sa sarili mo dahil sa napakatagal na panahon ay naririto ka na sa tabi ko, o proud ka dahil nagawa mo na namang mapaikot ang kaisa-isang babaeng nagtiwala sa 'yo.Umasa ako na hindi ko n

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 49

    Naging maayos namang kasama si Tita Hyacinth sa iisang bahay. Madalas niyang ibigay sa 'kin ang mga bagay na never ko namang hiniling sa kanya. Kusa niyang ibinibigay sa 'kin ang mga pangangailangan kong tanggihan ko man sa kanya ay pilit niya pa ring isisiksik sa 'kin kahit na ayoko.“Minsan lang ako kung magbigay sa 'yo, Hershey,” nakamangol niyang ani na lihim kong inirapan.“Hindi ko kailangan n'yan dahil marami ako n'yan,” angil ko sa kanya bago muling itinulak sa kanya ang karton ng gatas na kabibili niya lang kanina sa supermarket.Yes, kahon ng gatas.Hindi ko alam kung anong problema niya. Hindi ko rin naman magawang matanong sa kanya kung bakit na lang siya ganito kung kumilos sa harapan ko. Ni minsan ay hindi ko naman ipinakita sa kanyang tinatanggap ko na siya.Oo, tinanggap ko na ang kapatid ko sa ama, pero hindi naman ibig sabihin no'n na madali ko na silang mapapatawad ni Daddy. Hanggang ngayon ay naririto pa

DMCA.com Protection Status