Share

Chapter 8

Author: cuttie.psyche
last update Last Updated: 2021-06-23 20:08:34

May bago ba?

Hindi na rin naman ito ang unang pagkakataon na sinigawan ako ni Tita Hyacinth nang dahil sa pangungulit ko tungkol kay Mama. 

Yes, we are in good terms pero tama ba ang sigawan at ipahiya ako sa harap ng maraming tao? Mas lalo lamang umalburoto ang inis ko sa kanya nang dahil sa ginawa niyang paninigaw at pamamahiya sa 'kin sa harap ng maraming tao.

Ni wala nga siyang karapatang taasan ako ng boses kasi nung una pa lang, wala na talaga siyang karapatan sa akin. Si Daddy lang naman ang pilit na isinisiksik sa akin ang babaeng hindi ko naman gaanong kilala o mas tama bang sabihin na ang babaeng magiging dahilan kung bakit masisira ang pamilyang pinapangarap ko ngayon.

Masaya ang pamilya ko. Masaya ang pagsasama ni Mama at ni Daddy. Masaya ako sa tuwing nagkakatuwaan kaming tatlo at mas lalong sumasaya ako sa tuwing makikita ko silang dalawa na nagkakatuwaan. Masaya ako hindi dahil sa scripted lang ang mga tawa at hagikgik na ipinaparinig nila sa akin. Masaya ako dahil magkasama silang dalawa at alam ko sa sarili ko na magiging masaya lang ako kung magiging kumpleto ang pamilyang binuo nila at ako ang naging bunga ng pagmamahalan nila.

Lalo lamang nagningas ang apoy ng galit ko kay Tita Hyacinth dahil sa linyang binubuo nito sa pagitan naming dalawa ni Mama. Hindi ko nagugutuhan ang pangingialam nito sa mga desisyon ko sa buhay.

Ang ibig kong sabihin ay anong karapatan niyang makialam sa kung ano man ang hanapin ko?

Hindi ko alam pero may parte sa puso ko ang nagsasabing palipasin na lang ang sinabi niya dahil mukha namang wala siya sa reyalidad at natatabunan lang ng sama ng loob kay Mama ang galit niya, habang ang kalahati naman ng utak ko ang nagsasabing tama lang ang galit na namumuo sa akin at deserve niya naman ang bagay na iyon kung tutuusin.

Hindi ko alam kung sinong susundin ko, ang puso ko ba na nagsasabing hayaan na lang siya sa gusto niyang desisyon o 'yung utak ko na nagsasabing magalit sa kanya kahit na sa simpleng rason lang.

Sa totoo lang ay natatakot ako, may kakaiba akong nararamdaman sa kanya na iba sa paniniwala ko. Ito yung pakiramdam na para bang malaki ang magiging impact niya sa buhay ko kung magagawa ko siyang tanggapin sa buhay ko. Hindi ko alam pero ito ang nararamdaman ko sa ngayon.

Para bang sa isang simpleng salita niya lang ay mapapasunod niya na ako sa kung ano mang gugustuhin niyang ipagawa sa akin. May parte sa pagkatao ko ang nais na sumunod sa kanya pero mas lamang pa rin doon ang kamuhian siya. 

Labis ang naging hinanakit ko sa kanya nung mga panahong iyon kaya naman hindi ko naiwasang mapaluha sa sinabi niya.

Kung sakaling hindi ko man siya nanay gaya ng sinasabi ni Tita Hyacinth— ano namang pakialam ko?

Kahit na totoo man ang sinasabi ng babaeng kaharap ko, hindi pa rin naman iyon ang magiging dahilan upang kamuhian ko si Mama dahil unang-una sa lahat, siya ang tumayong ina ko rito sa mundo.

Anong karapatan kong magalit sa babaeng wala namang ibang ginawa kundi mapabuti at alagaan ako?

Wala akong pakialam kahit na makarinig ako ng diskriminasyon mula sa kung sino man ang gustong mang-alipusta kung sakali mang hindi ako nagmula sa sinapupunan ng kinikilala kong nanay. Sa panahon ba naman ngayon ay kinakailangan pa ba ng ebidensya? Hindi pa ba sapat na pinalaki kang maayos ng taong kumupkop sayo dahil hindi ka niya nagawang pabayaan?

Mahal ko si Mama kahit na alam kong nagsisinungaling siya. Mahal ko siya dahil nagawa niya akong alagaan kahit na hindi ako nanggaling sa kanya. Hindi naman siguro importante ang lukso ng dugo na sinasabi ng iba, 'di ba? Porque ba hindi kayo magkamag-anak ay wala ka nang karapatang kumupkop at tumulong sa isang ulilang bata?

Malaki nga ang bilib ko kay Mama, itinuring niya akong anak kahit na kalahati sa pagkatao ko mula sa dugo ni Daddy ay hindi nanggaling sa kanya. Bumibilib ako sa kanya dahil sa pagiging matured at bukas ng isip niya sa mga ganitong klase ng usapan. Nagagawa niyang kupkupin ang isang taong wala namang katiyakan kung sa kanya nga ba nagmula.

Ang buong akala ko ay sa hayop lang siya nagiging mabuti, pati rin pala sa tao. 

Kung anong ikinaganda ng mukha niya, siya rin namang ikinabuti ng ugali niya mula sa kalooban. 

Wala pa namang katiyakan pero ito na lang siguro ang natitirang paraan upang unti-unti kong matanggap ang resultang wala pa mang katiyakan ay unti-unti na rin namang nagpapagulo sa buhay ko at nagpapaguho sa mundo ko. 

Marahas kong pinunasan ang luha ko. Panay pa rin ako sa paghikbi kahit na paulit-ulit na akong inaalo ni Daddy. Kabi-kabila na rin ang mga taong napapatingin sa gawin namin at tila ba may namumuo ng kuwestiyon sa mga isip nila kung ano nga bang pinag-aawayan namin ng babaeng nakatayo pa rin sa harapan ko.

Bakas sa mukha ni Tita Hyacinth ang iritasyon na maski kailan ay hindi ko inaasahang maipaparamdam niya sa 'kin. Ngayon ko pa lang yata nakita ang nagpupuyamos sa galit nitong reaksyon nang dahil sa paulit-ulit kong sinabi kanina. 

Alam kong iritable siya dahil magmula nang makita ko silang dalawa na naghihintay sa akin ay sa halip na sagutin ang mga tanong nila ay ang presensya ni Mama sa araw na ito ang tinatanong ko. 

Aaminin kong sobrang sama ng loob ko at hindi ko man lang magawang patilain ang dismayado kong awra kahit na bahagya na rin namang humupa ang paghikbi at pag-iyak ko buhat kanina.

Laking pasasalamat ko kay Daddy dahil narito ang presensya niya at nandito siya upang aluin ako sa pag-iyak sa pamamagitan ng paghagod sa likod ko habang ako naman ay abala pa rin sa impit na paghikbi. 

Madalas kong iniiwas ang tingin ko kay Tita Hyacinth ngunit alam ko sa sarili kong namumula na rin ang mga mata nito.

Hindi ko alam kung para saan ang pamumula ng mga mata niyang mababakas mo ang pagod sa tuwing kukurap at tititig sa gawi ko. Ito ba ay resulta ng galit niya sa akin magmula pa kanina, o baka naman dahil sa dismaya niya sa sarili dahil nagawa niya akong sigawan nang nasa harap si Daddy.

Alam ko rin naman na papagalitan siya ni Daddy sa oras na makauwi kami at isa ito sa mga inaasahan ko dahil— she deserves that.

Saksi ako sa kung paano paulit-ulit na bumuntong hininga si Tita Hyacinth habang nakayuko sa lupa at tuwid na nakapamewang. Kahit na nababakas sa kanya ang pinaghalo-halong galit, inis at pagkadismaya sa mga oras na ito ay nagmumukha pa rin siyang elegante at may class sa itsura ng pagkakatayo niya. 

Lihim akong napapamura sa sarili ko sa tuwing makikita ko ang postura niyang iyon. Para bang sinasabi na elegante pa rin akong tingnan kahit na nagagalit at wala ako sa sarili habang nakaharap sa inyo. Hindi ko rin maiwasang mainggit dahil alam kong wala akong maibubuga sa kanya. 

Kung tutuusin ay maaari siyang ipanglaban sa Miss World dahil sa ayos at klase ng postura niya. Maging sa pamimili ng mga damit ay may skills siya kaya naman hindi ko maiwasang mapamura. Normal lang naman sigurong matuwa sa babaeng gaya niya, hindi ba?

Kung hindi lang talaga nasisira ang pamilya ko nang dahil sa kanya, baka sakaling talikuran ko na lang ang mundo at magsilbing isa na lang sa dying hard fan niya. 

Ang kaso ay wala kami sa wisyong dalawa upang magmahalan sa gitna ng pag-aaway.

Oo, maganda siya pero aaminin ko rin sa sarili ko na mas maganda pa rin ang mama ko at sa kanya ako nagmana ng tikas sa katawan.

Okay, Kimberly. Lokohin mo na lang nang lokohin ang sarili mo dahil halos lahat ng tao sa mundo ay napapaniwala sa mga ganitong klase ng feedbacks. I mean, kaya may mga magkaibigan na nauuwi sa prangkahan dahil hindi sila nagkakasundo sa mga desisyon nila sa buhay kaya ang ending— friendship over na.

Buong sandali akong natulala kay Tita Hyacinth at nang sa wakas ay nag-angat siya ng tingin sa gawi ko at nagsalubong ang tingin namin sa isa't isa, hindi ko maiwasang mag-iwas ng tingin at lihim na napasinghal sa sarili.

Hindi ko alam pero may parte ng puso ang kumikirot sa tuwing makikita ko siyang nasasaktan nang dahil sa mga sinasabi ko. 

Oo, pareho lang naman kaming nasasaktan sa ganitong klase ng set-up, pero ang akin lang kasi ay bakit kailangan pang magsakitan kaming dalawa, 'di ba?

Pwede ko namang hanapin sa sarili ko si Mama o di kaya ay hintayin at abangan ko na lang siya sa bahay sa oras na makauwi kami. Pwede rin namang tumahimik na lang siya at kimkimin na lang sa sarili niya kung gaano niya akong kinaayawan at sa halip na maging vocal na lang sa pagsigaw sa nararamdaman niya, bakit hindi niya na lang lunukin ang katotohanan at hayaan na lang akong mabuhay sa reyalidad nang hindi siya kasama o di kaya naman ay wala siya sa paningin ko?

Hindi ko naman ginustong magkaroon ng isang kumpletong pamilya ngunit naroon ang sakit. Gusto ko ng isang kumpletong pamilya na kahit na nakakaramdam kami ng kagipitan sa pera ay nagagawa pa ring maging masaya.

Minsan ay naiinggit ako sa mga batang nadadaanan ko sa kalye, 'yung tipong may mga magulang sila na naghahanap lang ng kalakal sa mga basurahan upang ma-afford lang nila ang makabili ng kape. Yung tipong umaasa lang sila sa mga pagkaing pag-pag na tira sa mga fastfood chain kahit na maaari silang makakuha ng sakit galing doon upang may maipantawid lang sa gutom.

Hindi naman sa sinasabi kong gusto kong maranasan ang mga bagay na iyon pero kung iyon lang ba ang paraan upang mamuhay kaming masaya at kumpleto nila Mama at Daddy— why not, hindi ba?

Sa panahon ngayon ay hindi naman importante ang pera. Hindi rin naman importante ang hygiene na kung sakaling sa kalye lang kayo nakatira ay ayos lang. Hindi rin naman importante ang matitirahan. As long as magkakasama kayong lahat ng pamilya niyo at wala kayong sakit, okay na ang lahat.

Sa panahon ngayon ay kailangan mong piliin ang mga bagay na alam mo sa sarili mong makakatulong sayo at 'wag mong pipiliin ang mga bagay na maaari mong ikasakit. Hindi importante ang materyal na bagay at masasabi kong ang pamilya ang pinaka importante sa lahat, at kasama na rin si Lord sa mga importanteng tao at bagay na sinasabi ko. 

Agad na nanlaki ang mga nanunubig kong mata nang makita ko ang iiling-iling nitong mukha bago nagdesisyong bumuntong-hininga na rinig mula sa gawi namin ni Daddy.

Dahan-dahan siyang yumukod sa harapan ko dahilan upang umatras si Daddy at panoorin kaming dalawa ng babaeng ito na mag-usap sa harapan niya.

Hindi ko inaasahan ang pagkulong nito sa magkabilaan kong pisngi sa mga kamay niya. Kung makahawak siya ng mariin sa mukha ko ay para bang isa itong babasaging gamit na hindi pwedeng mabasag sa isang haplos lang. Marahan ang pagguhit ng mga daliri niya sa pisngi ko na bahagya ko pang ikinailang

Ramdam niya ang gulat sa balat ko kaya naman malungkot siyang nangiti.

Hindi ko inaasahan ang bahagya nitong pagkakangiti at ang pinaghalong lungkot at pait sa mukha nito kaya naman hindi ko naiwasang mapatanong sa sarili kaugnay sa reaksyon niya.

“I'm sorry kung nasigawan kita, Anak,” saad niya kasabay nang mariing pagpikit dahilan upang mag-angat ako ng naluluhang tingin sa kanya.

“I'm not your daughter. Si Mama lang ang Mommy ko,” inosente kong sagot sa kanya.

Ngayon ay nararamdaman ko ang sakit na lumabas sa mga mata niya pagkatapos niyang marinig ang sinabi ko. Kailan ba naging big deal sa kanya ang lahat? Pati ba naman dito, aartehan niya ako?

“I'm sorry Kimberly sa mga nasabi ko sayo kanina. Aware ako na it's not appropriate para sayo pero sana magawa mo akong intindihin,” pag-ayos niya ng upo bago huminga ng malalim. “Gusto ko lang namang maglaan ng oras para sa 'ting tatlo ng Daddy mo. . .”

“He's not your husband naman, Tita. Pero bakit ikaw ang nandito?” hikbi ko na ikinatigil niya at bahagyang napayuko sa sarili.

Wala na akong pakialam sa mararamdaman niya ngayon. Gusto ko lang namang mailabas lahat ng hinanakit ko sa kanya kaugnay sa sinabi at ipinamukha niya sa 'kin kanina!

“I want my Mom here. Not you!” sigaw ko sa mismong mukha niya bago pumanhik sa loob ng kotse at padabog na sinara ang pinto nito.

Doon ko binuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Sobrang sakit ng salitang binato niya sa 'kin kanina. At anong sinasabi niyang maglaan ng oras? Para saan?

Hindi ko alam na allowed siyang pumasok sa pamilya namin. Alam niya ba ang pinagkaiba ng guest at pakaing-baboy?

Ang guest ay oras lang ang itinatagal sa bahay ng kaibigan nila habang ang ang pakaing-baboy ay 'yung mga bisita na inaabot ng linggo kung makitira sa bahay ng iba. Maging sa pagkain ay damay mo sila. Ganito ang nakakawalang-ganang makasama sa iisang bahay, 'di ba?

Nang matagumpay kong napatigil ang pag-iyak ay marahan akong bumaling sa bintana at hihikbi-hikbi silang pinagmasdan.

Nakatalikod sa gawi ng bintana kung nasaan ako si Tita Hyacinth. 

Hindi ko alam pero tila ba humupa ang hikbi ko sa sarili nang makita ko itong nakatalikod sa gawi kung nasaan ako at ilang sandali lang ay nakita ko na ang marahang pag-alog ng mga balikat nito marahil siguro sa  labis na pag-iyak.

Mukha itong lantang bulaklak na hindi nadiligan sa ayos niya. Hindi ko naman inaasahan ang biglaang paglapit sa kanya ni Daddy at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang niyakap si Tita Hyacinth.

Saksi ako sa kung paano niyang ibinaon ang mukha ni Tita Hyacinth sa dibdib niya at ang marahan nitong paghaplos sa likod na tila ba gaya ko kanina ay pinapatahan siya sa pag-iyak.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa dibdib— hindi para sa 'kin, kundi para kay Mama.

Ano na lang kaya ang mararamdaman ni Mama sa sandaling makita niya ang ayos ng dalawa? Ano kayang mararamdaman niya kung sakaling malaman niya ang relasyon ng dalawa?

Nakakatawa lang na sa anim na anyos nila ipinapakita ang ganyang mga kilos. Paano na lang kung ma-adopt ko 'yan, 'di ba?

Hindi ba sila nag-iisip?

Tumigil ako sa pag-iyak at paghikbi nang sandaling pumasok sa front seat si Tita Hyacinth at halos masuka ako nang makita ko si Daddy na pinagbuksan at inalalayan pa ito sa pag-upo. Isang tikhim ang pinakawalan niya bago namin magkasabay na pinagmasdan si Daddy na umikot sa kotse upang makaalis na rin kami sa lugar na ito.

Grabe, sirang-sira na ang unang araw ko sa klase.

“Where do you want to go, Kimberly?” tanong niya na para bang walang nangyaring sagutan sa pagitan naming dalawa kanina.

“I want to go home,” sagot ko.

Hindi na rin naman nagawang dugtungan ang sasabihin dahil sa tono ng pananalita ko ay para bang pinuputol ko na ang karapatan niyang magsalita.

Ganyan, tama 'yan. Tumahimik ka at tigilan mo ang pagpapel sa buhay ko.

Related chapters

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 9

    NAGING maingay sa biyahe si Tita Hyacinth. Kung gaano kadalang ang pagsasalita ko ay siya namang ikinasigla niya sa pagkukwento.Marami siyang ikinukwento sa aming dalawa ni Daddy, pero dahil nga sa nangyaring sagutan namin kanina sa parking lot ay hindi ako naging updated sa kung ano man ang ikinatatalak niya.Panay siya sa pagkwento sa mga bagay na hindi ako interesado. Panay siya sa pagtawa sa mga biro na alam niyang hindi ko man lang naiintindihan. Minsan nga ay naiisip ko kung sinasadya niya nga ba talaga ang pagkwento at pagsasalita sa mga bagay na alam niyang hindi ko maiintindihan o sadyang wala lang talaga siyang alam na hindi ako interesado sa mga ikinukwento niya?Bahala siya. Silang dalawa na lang ni Daddy ang magkwentuhan sa mga bagay na wala akong kaalam-alam. Tutal ay magkasing-edad naman silang dalawa, mas mabuti pa nga kung sila na lang ang magkaintindihan dahil mukhang magka-ugali pa silang dalawa.Goal niya rin naman yata ang mapa

    Last Updated : 2021-06-24
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 10

    Naging mabilis ang pagtakbo ng panahon sa mga nagdaang araw sa buhay ko.Pagkatapos ng pribadong pag-uusap sa isang kwarto ng mga magulang ko at ni Tita Hyacinth ay naging maayos naman ang lahat lalo na nang matapos sila sa kung ano mang pinagkasunduan nila. Hindi ko rin naman nagawang makinig sa usapan nila dahil si Mama na rin mismo ang nag-utos na lumayo ako pansamantala sa kung nasaan man sila at humingi ng permiso sa akin na hayaan silang mag-usap nang silang tatlo lang.Hindi naman masyadong halata na ayaw nila akong isali sa kung anumang usapan nila kaya naman sa halip na mamilit ay hinayaan ko na lang din sila.Importante rin naman ang privacy ng isang tao at naiintindihan ko naman na wala pa akong karapatang sumabat sa usapan ng matatanda lalo na kung sa usapan ng ibang taong hindi ko naman gaanong kakilala.Pagkatapos ng usapan nilang iyon ay hindi na muling nagpakita si Tita Hyacinth sa bahay. Hindi ko rin naman nagawang kumustahin ang kalagaya

    Last Updated : 2021-06-25
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 11

    Pabiro ko siyang kinawayan sa harap ng mukha niya na bahagya niya ring ikinapikit nang bahagya pang sumagi ang daliri ko sa mahaba niyang mga pilik-mata.“Tigilan mo nga ang kakangiti d'yan,” reklamo ko kahit na sumisilay na rin ang ngiti sa labi ko.Tunay ngang nakakahawa ang mga ngiti sa labi ni Klaude dahil maging ako ay bahagya na ring nangingiti sa paraan ng ngiti niya.Sino ba namang hindi mahahawa sa isang ngiti na alam mo sa sarili mo na may epekto sa nararamdaman mo?Hindi na bago sa akin ang ganitong nararamdaman dahil alam kong expose ako sa pagbabasa ng mga nobela sa pocket books. Hindi na bago sa akin ang pagbabasa ng mga istorya na alam kong may kinalaman sa pagmamahal. Hindi na rin naman ako bata para maging inosente sa ganitong klase ng mga nararamdaman. Madalas nga ay ganito ang mga teleseryeng napapanood naming dalawa ni Mama sa cable sa tuwing may bakante kaming oras na manood ng mga movies na binibili niya sa internet gamit

    Last Updated : 2021-06-26
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 12

    Hindi ko alam kung may problema ba si Tita Hyacinth. Ngayon ko na lang din ulit siya nakita pagkatapos ng mahabang linggo. Ni hindi ko na rin siya nakikitang bumibisita sa bahay at kinakausap si Mama kaya naman nang makita ko siyang sumundo sa akin sa klase kanina ay hindi ko naiwasang makaramdam ng pananaba sa puso.Pananaba ng puso dahil sa presensya niya o nagulat lang ako dahil naging malaki ang epekto ng presensya niya sa mood ko magmula pa kanina.Pinagmasdan ko siyang iniliko ang sasakyan palabas ng bakuran gaya nga ng paalam niya kanina na nagmamadali siya. Ni hindi niya na nga nagawang mag-angat ng tingin sa 'kin mula sa hagdan kaya naman hindi ko naiwasang magtampo sa ginawa niya.Nang sandaling batiin niya ako ay hindi ko naiwasang makaramdam ng labis na tuwa kahit na hindi ko man lang naramdamang nagtagal ito sa reaksyon ng mukha ko. Minsan ay natutuwa ako sa isang bagay ngunit hindi ko ito nagagawang maipakita sa panlabas kong anyo, kaya naman hindi

    Last Updated : 2021-06-26
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 13

    Maliwanag ang pagkinang ng mga bituin sa langit. Tila ba nakikisama rin ito sa kung ano nga bang nararamdaman ko sa ngayon. Sa bawat pagkinang ng mga maliliwanag na bituin ay siya rin namang unti-unting paglakas ng kabog ng dibdib ko.Sa unti-unting paglakas ng dibdib ko ay siya namang paghina ng mga binti ko. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa usapan nilang may kinalaman sa pagsasama ni Daddy at ni Mama. Para bang pabor sila sa isang bagay na alam nilang ikasasakit ko. Tila ba pabor sila sa desisyon ng isa— kahit na alam nilang magagawa ako nitong saktan.Akala ko mabait sila. Akala ko mabuti sila. Akala ko ba kakampi ko sila?Panay sila sa kakangiti sa akin sa t'wing magkakasalubong kami sa bahay. Panay sila sa pagkamusta sa akin sa tuwing dadalaw sila sa bahay. Panay sila sa pagkwento sa akin sa tuwing may bakante silang oras o di kaya naman ay hinihintay pa nila ang pagdating ng mga magulang ko.Base sa mukha nila ay alam kong mabait sila. Bas

    Last Updated : 2021-06-26
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 14

    Nagising ako sa isang haplos na paulit-ulit at pabalik-balik na humahaplos magmula sa ulo hanggang sa pisngi na napapadaan hanggang sa mga braso ko.Nang sandaling imulat ko ang mga nanlalabong mga mata ay halos mangunot ang mga noo ko nang makita ko si Tita Hyacinth na nakaupo sa gilid ko. Nang makita niya ang sandaling pagmulat ng mga mata ko ay bahagya pa siyang natigilan sa paghaplos sa balat ko at di kalaunan ay napangiti nang mapagmasdan niya ang katanungang bumabalot sa mga mata ko.“Nagising ba kita, Kimberly?” Nagpatuloy siya sa paghaplos sa buhok ko na maging ang pagkakagulo ng buhok ko ay nagawa niyang i-ayos.Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang sandaling kumportable sa presensya niya rito sa tabi ko. Para bang sa isang iglap din ay nawala ang sandaling pagka-inis ko sa kanya kagabi dahil siya rin ang itinuturo ng isip ko na isa sa mga dahilan kung bakit nawala sa party ko si Daddy.Alam ko namang wala siyang alam at isa pa ay si

    Last Updated : 2021-06-27
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 15

    Hindi niya alam kung nararapat pa ba siyang magpaalam kay Mama na isasama niya si Daddy sa kung anong lakad nila bukas?Para bang sa tono ng pananalitang ginamit niya ay para bang takang-taka siya na kailangan niya pang magpaalam kay Mama para sa presensya ni Daddy bukas na nanakawin niya sa aming dalawa ni Mama.Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya sa 'kin.Normal lang na magpaalam siya dahil hindi niya naman asawa 'yung hihiramin niya!Asawa ng pinsan niya ang hihiramin niya!Dahil nga sa hindi pa pamilyar sa 'kin ang mga ganitong klase ng kaganapan sa buhay ay sa halip na magalit ako sa kanya ay ipinakita ko na lang na handa akong intindihin ang sinabi niya.Tutal ay hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya o baka naman nalito lang siya kung pagmamay-ari niya ba talaga si Daddy dahil mukha siyang may sapi sa ngayon.“Magagalit po si Mama kapag nalaman niyang aalis kayong dalawa ni Daddy nang hind

    Last Updated : 2021-06-27
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 16

    Maalinsangan ang panahon sa labas. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago muling hinawakan ng mariin ang mga manibelang nasa harapan ko.“Matanda ka na, pero hindi ka pa rin marunong sumakay sa bisikleta?” natatawang reklamo ni Klaude dahilan upang balingan ko siya ng isang matalim na titig.Isang mahinang tikhim ang ginawa ko sa sarili bago tinanggal sa bakal na nasa harapan ko ang kanang paa at mabilis na inilagay iyon sa pedal ng sinasakyan ko.“Hindi ako lumaki sa kalye gaya mo, Klaude,” reklamo ko kahit na alam kong pagtatawanan niya lang ako sa rason ko.Muntik pa nga akong malaglag sa kinauupuan ko nang sandaling i-angat ko ang sarili mula sa pagkakaupo. Mabuti na lamang at mabilis na nahawakan ni Klaude ang likuran ko.Halos umusok rin ang butas ng ilong ko nang marinig ko ang munti nitong tawa. Saan nga ba siya natatawa? Sa sinabi kong pang-aasar sa kanya, o baka naman natutuwa siya dahil mun

    Last Updated : 2021-06-27

Latest chapter

  • It's My Day, Happy Birthday!   Final Chapter

    Pinanood kong lumapit si Daddy sa himlayan kung saan nakahiga si Mama kasama ni Tita Amanda. Bakas ang panlalambot sa paglalakad ni Daddy habang si Chloe naman ay tila ba inosenteng sumusunod at tumatalon-talon lang sa paglalakad kasama ni Daddy.Wala akong nagawa kundi ang malungkot na mangiti sa sarili ko habang pinagmamasdan silang dalawa sa pagtutulos ng kandila at paglalagay ng bulaklak na pasalubong pa nila galing sa States.Dalawang buwan pagkatapos mawala ni Mama, nagdesisyon si Daddy na umalis at magpalamig muna sa States kasama ni Chloe. Sinubukan niya akong imbitahang sumama sa kanila ngunit nagdesisyon lang akong manatili rito sa Pilipinas upang abalahin ang sarili ko sa pagtatrabaho, at nang sa gano'n ay malihis ko ang pangungulila ko sa ibang bagay sa halip na maisip ko ang pagkawala ni Mama.“Mukhang okay na sila ngayon,” pabulong na ani ni Klaude sa gilid ko na katulad ko ay pinagmamasdan din si Daddy at si Chloe na ngayon ay ta

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 56

    Ramdam ko ang panginginig ng mga kalamanan ko nang dahil sa ipinadalang mensahe ni Daddy. Ilang sandali lang ay agad nang nagsibagsakan ang mga luha sa gilid ng mata ko, lalo na sa tuwing maaalala ko ang mga dugong nagkalat sa skyway kanina.Posible bang sa kanila ang mga dugo na 'yon?“Bilisan mo ang pagmamaneho, Klaude!” sigaw ko sa kanya.Ilang minuto na kasi ang nakalipas simula nang makarating kami sa The Coastal pero magpahanggang ngayon ay naririto pa rin kami sa skyway at tila ba naghihintay na naman ng pag-usad ng mabagal na trapiko na dulot ng aksidente kanina.Panay na ang busina ni Klaude sa harapan na tila ba sinasabi nito sa mga sasakyang nasa harapan na bigyan kami ng sapat na daan upang makaalis sa napakabagal na usad ng trapiko— na hindi man lang pinapansin ng mga sasakyang nasa unahan namin.“Ano ba Klaude, dalian mo—”“Can you please calm down—”“How can I

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 55

    Isang napakahigpit na yakap ang iginawad niya sa 'kin nang sandaling makita niya akong nakatayo sa gilid ng pool at abala sa pagtulong kay Manang sa pagtatanggal ng mga dahon na nagkalat sa tubig nito.Kung hindi lang naging matatag ang pagkakatayo ko ay may posibilidad na bumagsak kami sa tubig nang dahil sa ginawa niyang pagtalon sa likod ko. Sa halip na magalit at mairita sa ginawa niya ay bahagya na lang akong natawa sa panggugulat ni Mama.“Breakfast is ready, Baby,” ani niya bago humalik sa pisngi ko na bahagya ko pang kinatawa.“May kailangan ka ba, Ma?”Bahagya siyang napanguso sa biro ko bago natatawang umiling na tinawanan ko rin 'di kalaunan. “Porque ba naglambing ako nang ganito, may kailangan na kaagad?”Pagkatapos nang pag-uusap namin no'ng nakaraang linggo ay tila ba nagkaroon siya ng pag-asang lumaban sa trangkasong dumapo sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero natitiyak ko na ang ginaw

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 54

    Kahit na ubusin ko ang oras sa kakadikit kay Mama, kahit na ubusin ko ang natitira kong oras sa pakikipaglaro kay Chloe, kahit na ilang beses ko pang tulungan si Daddy sa duty niya— kulang ang lahat ng iyon upang mabawi ko ang mga oras na nasayang ko sa nagdaang panahon na hindi ko sila nagawang makasama.Ilang beses ko mang ulitin sa sarili ko na mapapantayan ko ang pagkukulang ko bilang anak sa mga magulang ko, hindi ko rin maipagkakaila na kulang ang lahat ng iyon upang makabawi ako sa mga naging kasalanan ko sa kanila.Minsan ay nakakaramdam ako ng pagkabalisa sa sarili ko nang dahil sa mga bagay na nagpapabagabag sa isip ko sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Isa itong kumpol ng mga tanong na hindi ko naman magawang masagot sa isang simpleng salita lang. May pagkakataon naman akong magtanong kay Mama pero...Mas pipiliin ko pa bang linawin ang lahat ng hindi ko maintindihan, sa halip na gugulin ko na lang ang oras ko sa pagbawi sa mga kakulangan ko

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 53

    Inubos namin ang natitira naming sandali sa paghahabol sa mga oras na sinayang ko. Kung alam ko lang na sa ganito pala hahantong ang lahat, sana pala ay no'ng una pa lang ay nagdesisyon na akong pumanhik sa kwarto nila Daddy at nang sa gano'n ay magawa ko nang maghalungkat ng mga gamit nila upang magawa ko nang malaman ang totoo.Kung bakit ba kasi ay hindi ako nag-iisip?Nang dahil sa kawalan ko ng tiwala sa mga taong nakakasama ko sa iisang bahay ay marami akong nasayang na panahon. Kung bibigyan man ako ng kahilingan ng Diyos sa kaarawan ko, baka sakaling hilingin ko na sana ay muli akong ibalik sa kabataan ko at nang sa gano'n ay mabawi ko ang lahat ng oras ko para sa kanya na nagawa kong sayangin sa ibang tao.Maituturing ko nga bang sayang ang lahat ng paghihirap sa pagpapalaki sa 'kin ni Tita Amanda, kung naging mabuti naman ako sa mga kamay niya? Ayoko rin namang matawag na walang utang na loob kung ipagsisigawan ko man ang bagay na iyon sa harap ng iban

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 52

    Kunot-noo kong pinagmasdan ang mga litratong tumambad sa paningin ko. Halos lahat ng mga litratong natagpuan ko sa berdeng envelope ay puro litrato ko no'ng maliit ko.Muli kong pinasadahan ng tingin ang pangalang nakasulat sa likod ng envelope at tila ba nalukot ang mukha ko nang muli ko na namang mabasa ang pangalan na madalas nilang itawag sa 'kin.“Bakit Renee Hershey ang nakalagay rito?” reklamo kong bulong sa sarili habang pinagmamasdan ang sulat na iyon.Sa ibaba ng pangalan ko ay may nakalakip ding address ng siyudad sa Dubai— at hindi ko lubos na maintindihan kung bakit may ganito pa gayong wala naman akong kakilala at kamag-anak na maaari nilang pagdalhan ng mga larawan ko no'ng maliit pa ako sa lugar na 'yon.Sa halip na pagtuunan ito ng pansin ay naisipan ko na lang na ibaling ang atensyon ko sa mga larawang nakakubli sa loob. Prente ko itong inilabas sa envelope at kagat-labing pinagmasdan.Medyo luma na ang mga litra

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 51

    Lumipas ang maraming linggo at naging maayos naman ang lahat. Matiwasay ko ring naibalita sa mga kaibigan ko na ang dating lalaking inaaway-away ko lang no'ng umpisa ay boyfriend at minamahal ko na ngayon.Gaya ng inaasahan ay kabi-kabila na naman ang pang-aasar sa 'ming dalawa ni Yohan na ngayon ay paulit-ulit na 'kong inaapi at iniinsulto. Hindi ko na rin siya nagawang pigilan nang nadulas niyang sabihin kay Klaude kung paano akong kapursigidong naghihintay sa labas ng campus, no'ng junior highschool student pa lang kami, kay Klaude sa tuwing sasapit ang umaga.Wala tuloy akong nagawa kundi ang mag-iwas ng tingin sa tuwing makikita kong bumaling sa gawi ko si Klaude nang nakanguso at bakas sa mukha niya ang pang-aasar na nagpapapula sa kabuuan ng mukha ko.“Maagang pumapasok 'yan sa campus. Palagi ngang idinadahilan 'yung payong—”“Tumigil ka na nga sa mga pag-iimbento mo, Yohan,” reklamo ko na animong nahihiya na tinawanan

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 50

    Ramdam ko ang paglapat sa ibabaw ng poster na nasa ulo ko ang brasong pamilyar sa paningin ko. Tila ba tinakpan nito ang kaisa-isang litrato na nagpapatunay na siya nga ang lalaking hinahanap ko nang napakatagal na panahon.Sa halip na makaramdam ng saya ay pait ang naramdamam ko, lalo na nang marinig ko ang boses nitong nakasanayan ko na sa bago niyang katauhan.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Tila ba nakaramdam ako ng pait sa sarili ko nang mapag-alaman kong iisa lang sila.All this time, niloko ako at binilog ng lalaking pinagkatiwalaan ko rin ng ilang taon. Pagkatapos niyang ituro ang address ng inuupuahan kong apartment kay Tita Hyacinth ay naririto na siya ngayon sa likuran ko at tila ba proud pa sa sarili niyang nakatayo na ngayon sa likuran ko.Proud ka sa sarili mo dahil sa napakatagal na panahon ay naririto ka na sa tabi ko, o proud ka dahil nagawa mo na namang mapaikot ang kaisa-isang babaeng nagtiwala sa 'yo.Umasa ako na hindi ko n

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 49

    Naging maayos namang kasama si Tita Hyacinth sa iisang bahay. Madalas niyang ibigay sa 'kin ang mga bagay na never ko namang hiniling sa kanya. Kusa niyang ibinibigay sa 'kin ang mga pangangailangan kong tanggihan ko man sa kanya ay pilit niya pa ring isisiksik sa 'kin kahit na ayoko.“Minsan lang ako kung magbigay sa 'yo, Hershey,” nakamangol niyang ani na lihim kong inirapan.“Hindi ko kailangan n'yan dahil marami ako n'yan,” angil ko sa kanya bago muling itinulak sa kanya ang karton ng gatas na kabibili niya lang kanina sa supermarket.Yes, kahon ng gatas.Hindi ko alam kung anong problema niya. Hindi ko rin naman magawang matanong sa kanya kung bakit na lang siya ganito kung kumilos sa harapan ko. Ni minsan ay hindi ko naman ipinakita sa kanyang tinatanggap ko na siya.Oo, tinanggap ko na ang kapatid ko sa ama, pero hindi naman ibig sabihin no'n na madali ko na silang mapapatawad ni Daddy. Hanggang ngayon ay naririto pa

DMCA.com Protection Status