Share

Chapter 9

Author: cuttie.psyche
last update Last Updated: 2021-06-24 08:00:00

NAGING maingay sa biyahe si Tita Hyacinth. Kung gaano kadalang ang pagsasalita ko ay siya namang ikinasigla niya sa pagkukwento.

Marami siyang ikinukwento sa aming dalawa ni Daddy, pero dahil nga sa nangyaring sagutan namin kanina sa parking lot ay hindi ako naging updated sa kung ano man ang ikinatatalak niya.

Panay siya sa pagkwento sa mga bagay na hindi ako interesado. Panay siya sa pagtawa sa mga biro na alam niyang hindi ko man lang naiintindihan. Minsan nga ay naiisip ko kung sinasadya niya nga ba talaga ang pagkwento at pagsasalita sa mga bagay na alam niyang hindi ko maiintindihan o sadyang wala lang talaga siyang alam na hindi ako interesado sa mga ikinukwento niya?

Bahala siya. Silang dalawa na lang ni Daddy ang magkwentuhan sa mga bagay na wala akong kaalam-alam. Tutal ay magkasing-edad naman silang dalawa, mas mabuti pa nga  kung sila na lang ang magkaintindihan dahil mukhang magka-ugali pa silang dalawa.

Goal niya rin naman yata ang mapalapit kay Daddy, e'di ito na ang chance niya. Hangga't wala si Mama sa harapan nila— magkwentuhan sila nang magkwentuhan. Pero kapag nakaharap kaming dalawa ni Mama, hindi pwede 'yang ganyan.

Natigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang tinawag ni Tita Hyacinth ang pangalan ko, at kung makaasta siya ngayon sa harapan naming dalawa ni Daddy ay para bang walang nangyaring iringan sa pagitan naming dalawa kanina. Para bang ang bilis niyang makalimot sa pagsigaw niya sa akin sa harap mismo ni Daddy.

Hindi ko rin naman maiwasang sumama ang loob dahil tila ba hinayaan lang ni Daddy na sigaw-sigawan ako ng pinsan mismo ni Mama. I mean, hindi ba nahihiya si Tita Hyacinth na halos silang dalawa na lang ang palaging magkasama sa halip na si Mama at si Daddy?

Hindi ko alam pero natatawa na lang ako sa sarili ko sa t'wing maaalala ko kung paanong mabilis na namula ang paligid ng mga mata niya nang dahil sa sobrang pagpipigil ng galit sa akin kanina. Wala namang masama sa sinabi ko, 'di ba? Totoo naman na hindi siya ang Mommy ko kaya naman wala siyang karapatang pangunahan ako sa mga desisyon na bubuuin ko sa buhay.

Pakikisamahan ko ang gusto kong pakisamahan at rerespetuhin ko ang kung sino mang gugustuhin kong respetuhin. Wala siyang magagawa kung ayaw ko at mas lalong wala siyang magagawa upang baguhin ko ang respetong gusto kong iparamdam sa kanya.

Dahil nga sa medyo bata pa ako nung mga oras na iyon, wala akong choice kung hindi ang magpilit ng ngiti kahit na alam kong peke ang ngiting iginawad ko sa kanya.

Nakita ni Daddy ang repleksyon ng pagngiti ko sa rearview mirror kaya naman alam kong maging siya ay nadala sa ganda ng pagkakangiti ko sa katabi niya.

Well, for my show. Gagawin ko ang lahat upang mapatunayan ko kay Daddy na hindi siya nagpalaki ng isang walang modo at pariwarang bata. Hindi ko rin naman gugustuhing sirain ang imahe ko sa mismong harap ni Daddy para sa babaeng ito, 'no.

“Kimberly, do you want me to tell you some stories?” ngiti niyang tanong na ikinangiti ko.

Well, I love stories. Fairy tales, novels o kahit ano pang genre 'yan. It depends na lang siguro sa magkukwento. Base naman sa ekspresyon ng pagmumukha niya ngayon habang nakalingon sa akin, mukha namang nasa wisyo siya upang magkwento.

It's not that bad.

Kung si Tita Hyacinth din naman siguro ang magkukwento, alam ko naman na mas magaling si Mama sa kanya sa kahit na anong larangan. Magaling siya sa pagluluto pero masasabi ko na mas magaling si Mama sa kanya. Magaling siya sa pagdidisenyo pero natitiyak kong mas marunong si Mama sa kanya. Matalino siya pero alam kong mas may maibubuga si Mama.

Walang makakapantay kay Mama sa paningin ko at alam ng mga tao kung gaano ko siyang iniidolo magmula noon hanggang ngayon.

Isang ngiti at tango ang pinakawalan ko bago umayos sa pagkakaupo at tila ba nag-aabang sa pagbuka ng bibig niya. Para bang kanina lang ay iritado pa ako sa kung paano siyang kumuda nang walang kabuluhan, ngayon naman ay para bang naging interesado ang utak at pandinig ko sa kung ano man ang sasabihin niya sa mga oras na 'to.

“This is all about a girl that lives in Sutherland,” ngiti nito.

Hindi ko alam kung tataas ba ang kilay ko sa salitang binanggit niya o mas pipiliin ko na lang na manahimik kahit na alam ko na rin naman paano at kung saan tutungo ang usapang ito.

“Una kong nakita ang daddy mo sa isang resort na malapit sa Tagaytay,” panimula niya na pasimple kong inirapan nang hindi niya nakikita.

Sana ay maisip din niya na hindi ako interesado sa kwento nilang dalawa, hindi ba? Nakatikom ang bibig ko habang patuloy siya sa pagkwento sa kung paano silang nagsimulang magkakilala ni Daddy. Sa kung paano ba sila naging malapit sa isa't isa at kung paano nga ba siyang nahulog sa asawa ng nanay ko.

Ang kapal ng mukha, 'di ba?

Hindi ko na siya pinansin sa mga kwento niya dahil mukhang sila lang dalawa ni Daddy ang nagkaka-intindihan at mas lalong silang dalawa lang ang natutuwa sa mga kwento nilang dalawa.

Panay sila sa asaran habang ako naman ay nanatili lang sa pagiging tahimik at walang kibo. Mukhang nagkaka-igihan silang dalawa sa kwentuhan— bakit hindi ko kaya sirain ang mood nilang dalawa?

“Sa Tagaytay ko siya unang nakita at sa campus naman kami nagsimulang magkakilala,” patuloy niya sa pagkwento na ipinagsasawalang-kibo ko na lang. “Doon din nag-umpisa ang kwento naming dalawa—”

“Eh yung kwento po nilang dalawa ni Mama?” ngiti kong baling na ngayon lang sumabat.

Tutal ay patuloy ka lang sa pagkuda sa kung paano kayong nagkakilala ng lalaking kasama mo ngayon, bakit hindi mo naman ikwento kung paano silang nagkakilala ng orihinal niyang asawa sa papel. Mas matutuwa ako kung ang kwento ng dalawang taong nagmamahal ang ikukwento niya at hindi ang kwento nilang dalawa ng lalaking harapan niyang nilalandi ngayon sa harap ko.

Silang dalawa lang din naman ang nasa relasyon. Silang dalawa lang din naman ang nagpakasal. Silang dalawa ang nagsumpaan sa harap ng altar at ang pangalan nilang dalawa ang nakasulat sa marriage contract na pinirmahan ng pareho nilang mga magulang.

Inosente pa ang pag-iisip ko nung mga panahong iyan at balewala pa sa 'kin ang nararamdaman ng ibang tao. Balewala pa sa 'kin ang konsensya ng iba at mas lalong hindi ko pa pinapahalagahan ang komento ng mga taong nakapaligid sa 'kin. Hindi ko rin masyadong napag-iisipan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko na maging ang pagsagot ko sa mga taong nakaharap sa akin ay balewala rin sa opinyon ko. Wala akong ideya sa kung anong nararamdaman nila sa mga sinasabi ko at mas lalong wala akong pakialam kung makakasakit ba sa nararamdaman nila ang sinasabi ko.

“Hindi sila nagkaroon—”

“'Wag mong sasabihin sa kanya ang bagay na 'yan, Iya,” giit ni Daddy sabay baling ng nagbabantang tingin kay Tita Hyacinth. “Masyado pa siyang bata para intindihin ang mga bagay na 'yan.”

“Masyado pang bata?” bakas sa tono ni Tita Hyacinth ang sakit ng salitang sinabi ni Daddy kaya naman hindi ko naiwasang mapakunot ng noo sa reaksyon niya. 

Ni hindi ko nga rin magawang maintindihan kung bakit ganito ang naging reaksyon niya sa sinabi ni Daddy. 

At ano nga ba ang pinagtatalunan nilang dalawa ngayon?

“Hindi na siya bata sa edad niya, Jonas!” singhal niya pa.

Wala namang ibang ginawa si Daddy kundi tumikhim at mag-iwas na lang ng tingin dahil sa biglaang pag-aalburoto ni Tita Hyacinth sa kanya.

“She's old enough to understand this kind of set-up, Jonas!” Patuloy niya sa pag-aalburoto.

“Ano pong pinag-uusapan niyo—”

“Wala akong sinasabing hindi niya makukuha ang puntong sinasabi mo. Ang akin lang—”

Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Daddy ay muli na naman siyang pinutol ni Tita Hyacinth. “Hindi mo sinasabi pero 'yon ang pinapamukha mo sa 'kin, Jonas,” putol ni Tita Hyacinth.

Hindi ko rin naman magawang makapagsalita o maski sumabat man lang sa usapan nila dahil unang-una sa lahat ay hindi man lang nila ako binibigyan ng pagkakataong makapagtanong man lang tungkol sa pinagtatalunan nilang dalawa. Pangalawa sa mga dahilang tinutukoy ko ay natitiyak kong hindi rin angkop ang pakikisabat sa usapan ng mga matatanda gaya nga ng sinabi ko sa mga naunang kabanata.

Tinuruan akong rumespeto ni Mama sa mga nakakatanda, at kabilang na nga sa respetong iyon ay ang respeto sa usapan ng iba. Hindi mo mababayaran ang respeto sa pamamagitan ng pera dahil ang respeto, pinaghihirapan 'yan sa pamamagitan ng paggalang sa opinyon ng bawat isa.

“I'm just trying to remind you na hindi lahat ng bata sa edad niya ay magagawang intindihin lahat ng problema sa mundo. Oo, magagawa ka niyang pakinggan but, are you still aware sa mga consequences na maaari niyang danasin sa isang maling pagbukas ng bibig mo?” depensa ni Daddy. 

Wala akong nagawa kundi inosenteng magpalitan ng tingin sa kanilang dalawa habang abala sila sa hindi ko maipaliwanag na argumento sa isa't isa.

Kung makapag-away kasi silang dalawa ngayon sa harap ko ay dinaig pa nila ang mag-asawa na nag-aaway sa harap ng korte nang dahil sa kustodiya ng anak nilang pareho. Hindi ko alam.

“Hindi lahat ng bata sa mundo ay magagawang intindihin ang sitwasyon nating tatlo ngayon, Hyacinth,” iling niya pang saad dahilan upang mag-iwas ng tingin si Tita Hyacinth sa kanya. “Isipin mo na lang ang mararamdaman ng anak—”

“Ni minsan ba, naisip mo rin ba 'ko?”

May bakas ng hinanakit sa boses ni Tita Hyacinth nang muli niyang pinutol sa pagsasalita si Daddy. Gaya ng madalas kong gawain ay nagpatuloy ako sa pagsasalitan ng tingin sa kanilang dalawa. Ni hindi ko na nga rin namalayan na naririto na pala kami sa harap ng bahay dahil naging abala ako sa pagbaling ng lingon sa kanila habang patuloy sila sa argumento sa isa't isa.

Nang dahil sa hinanakit ni Tita Hyacinth ay hindi nagawang magsalita ni Daddy at sa halip na sagutin siya ay nag-iwas lamang ito ng tingin.

“Nagpaka-hirap ako sa Singapore upang makapagtapos ng pag-aaral sa para sa inyong dalawa, para sa ikabubuti niyong dalawa ng anak mo. Hindi ko alam na ganito lang pala ang magiging bunga ng paghihirap ko sa loob ng limang taon,” natatawa niyang dagdag kasabay ng panunubig ng mga mata nito.

Hindi ko alam kung anong pinag-aawayan nilang dalawa pero nakakaramdam ako ng simpatya para sa nararamdaman ni Tita Hyacinth sa ngayon. Ramdam ko yung pait sa boses niya habang sarkastikong nakabaling kay Daddy. 

“H-Hindi naman sa sinasabi kong—”

“Fool,” pigil ni Tita Hyacinth sa kanya bago binuksan ang pintuan sa gilid niya. “Gusto kong mag-usap tayo ng masinsinan ni Amanda mamaya, Jonas. Hindi ako pabor sa ganitong klase ng set-up,” singhal niya bago tuluyang lumabas ng kotse.

Isang malalim na buntong-hininga ang iginawad ni Daddy bago ngumiti sa akin sa salamin habang nananatili pa rin ang postura sa pagkaka-upo.

“Ano pong problema niya, Daddy?” tanong ko.

Isang nguso ang iginawad ni Daddy bago nag-iwas ng tingin at muli na namang ngumiti nang matiwasay gaya ng ipinakita niya sa 'kin kanina.

“Mood swings. Ugali na ng Tita mo 'yan. Don't worry,” malungkot niyang ngiti bago nagpatiuna sa paglabas sa sasakyan.

Naiwan akong nakanguso at magpahanggang ngayon ay abala pa rin sa paghihimay ng kung ano-anong dahilan na maaari nilang pag-awayan kanina.

Kanina ay nabanggit ni Daddy ang salitang 'anak', posible ba na may asawa at anak na rin si Tita Hyacinth?

Sa ilang linggo niyang pananatili rito sa puder ng mga magulang ko ay never ko pang narinig at nalaman mula sa parents ko na may asawa at anak pala si Tita Hyacinth. Is it okay sa family niya na nandito siya at abala sa panghihimasok sa buhay namin? 

Okay lang ba sa buong pamilya niya na nandito siya at abala sa panggugulo sa pagsasama ng mga magulang ko? 

Anong klaseng pamilya ba ang hahayaang magliwaliw sa ibang pamilya ang ilaw ng tahanan nila? 

Anong klase ba ng lalaki ang pinakasalan ni Tita Hyacinth at bakit hinahayaan lang siya nitong manirahan sa bahay ng iba?

Isang napakahigpit na yakap ang iginawad ko sa mga binti ni Mama nang sandaling maabutan ko itong nakatalikod sa gawi at abala sa paghuhugas ng mga kaldero sa kitchen sink. 

Alam kong nagulat siya sa daglian kong pagyapos sa mga binti niya kaya naman bahagya pa siyang napatalon mula sa pagkakatayo na tinawanan ko.

“You're here, baby,” ngiti niya bago humarap at lumuhod upang hawakan ako sa magkabilang balikat. “How's your school, Kimberly?”

Sa tuwing makikita ko ang panatag at maaliwalas na mukha ni Mama, pakiramdam ko ay nagiging maayos ang lahat. Nawawala ang problema ko sa buhay nang dahil sa mga ngiti niya, nababawasan ang mga intindihin ko at ang isa sa pinakapaborito kong epekto nito sa pagkatao ko ay wala akong ibang nararamdaman pa kundi tuwa at saya lang.

Malayong malayo siya sa pagkatao ni Tita Hyacinth na makita ko lang nang panandalian ay para bang sirang-sira na ang buong araw ko. Hindi siya katulad ni Tita na kapag nakausap ko ay mararamdaman ko na agad ang pagkamuhi na never ko pang naramdaman sa ibang tao— bukod sa kanya.

“Masaya po, Mama. Marami po akong naging kaibigan,” kwento ko sa kanya na ikinatuwa niya.

Alam kong natutuwa siya sa sinabi ko dahil ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong makisalamuha sa ibang tao, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong maging malaya mula sa mga kamay nila.

Alam kong siya yung tipo ng magulang na sobrang protective sa mga anak nila, hindi ko rin naman siya magawang masisi dahil iba na nga naman ang panahon ngayon. Maraming krimen sa Pilipinas at natitiyak ko na hindi ako magiging ligtas kung hindi magiging pabaya ang mga magulang ko.

Sa likod namin ay naramdaman ko ang paglapit ng dalawang pares ng paa. Alam kong naramdaman din ito ni Mama kaya naman sabay pa kaming napatingala sa dalawang nakatayo na ngayon sa harapan naming dalawa.

“Anong pakiramdam ng may anak, Amanda?” tanong niya dahilan upang upang agarang tumayo si Mama at hinarap si Tita Hyacinth na ngayon ay nakahalukipkip at taas-kilay nang nakatitig kay Mama. “Sobrang sarap ba?”

Hindi ko alam kung may problema ba silang dalawa pero natitiyak ko ngayon na may dati silang iringan na magpahanggang sa ngayon ay tila ba niluluto pa rin.

Sa likod ni Tita Hyacinth ay walang emosyong nakapamulsa si Daddy habang nakatingin sa dalawang babaeng matalim nang nagtititigan sa harapan naming dalawa. Wala lang bang ibang gagawin si Daddy kundi tumayo at tumitig na lang? 

“H-Hyacinth, h'wag mong iparinig sa bata ang tungkol dito. Nakikiusap ako sa 'yo,” bakas nga ang pakikiusap sa tono ni Mama dahilan upang mag-angat ako ng tingin sa kanya.

Tila ba kung tumitig lang sa gawi ko si Tita Hyacinth ay para bang lumingon lang siya sa isang walang kwentang bagay na nasa harapan niya. Pagkatapos niya akong pagmasdan mula ulo hanggang paa ay taas-kilay siyang lumingon kay Mama at ngumisi nang sarkastiko.

“Nandito na ako sa harapan mo. Tama na ang pagkukunwari mo sa harap ng anak ko,” banta ni Tita Hyacinth na hindi ko nakuha.

Related chapters

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 10

    Naging mabilis ang pagtakbo ng panahon sa mga nagdaang araw sa buhay ko.Pagkatapos ng pribadong pag-uusap sa isang kwarto ng mga magulang ko at ni Tita Hyacinth ay naging maayos naman ang lahat lalo na nang matapos sila sa kung ano mang pinagkasunduan nila. Hindi ko rin naman nagawang makinig sa usapan nila dahil si Mama na rin mismo ang nag-utos na lumayo ako pansamantala sa kung nasaan man sila at humingi ng permiso sa akin na hayaan silang mag-usap nang silang tatlo lang.Hindi naman masyadong halata na ayaw nila akong isali sa kung anumang usapan nila kaya naman sa halip na mamilit ay hinayaan ko na lang din sila.Importante rin naman ang privacy ng isang tao at naiintindihan ko naman na wala pa akong karapatang sumabat sa usapan ng matatanda lalo na kung sa usapan ng ibang taong hindi ko naman gaanong kakilala.Pagkatapos ng usapan nilang iyon ay hindi na muling nagpakita si Tita Hyacinth sa bahay. Hindi ko rin naman nagawang kumustahin ang kalagaya

    Last Updated : 2021-06-25
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 11

    Pabiro ko siyang kinawayan sa harap ng mukha niya na bahagya niya ring ikinapikit nang bahagya pang sumagi ang daliri ko sa mahaba niyang mga pilik-mata.“Tigilan mo nga ang kakangiti d'yan,” reklamo ko kahit na sumisilay na rin ang ngiti sa labi ko.Tunay ngang nakakahawa ang mga ngiti sa labi ni Klaude dahil maging ako ay bahagya na ring nangingiti sa paraan ng ngiti niya.Sino ba namang hindi mahahawa sa isang ngiti na alam mo sa sarili mo na may epekto sa nararamdaman mo?Hindi na bago sa akin ang ganitong nararamdaman dahil alam kong expose ako sa pagbabasa ng mga nobela sa pocket books. Hindi na bago sa akin ang pagbabasa ng mga istorya na alam kong may kinalaman sa pagmamahal. Hindi na rin naman ako bata para maging inosente sa ganitong klase ng mga nararamdaman. Madalas nga ay ganito ang mga teleseryeng napapanood naming dalawa ni Mama sa cable sa tuwing may bakante kaming oras na manood ng mga movies na binibili niya sa internet gamit

    Last Updated : 2021-06-26
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 12

    Hindi ko alam kung may problema ba si Tita Hyacinth. Ngayon ko na lang din ulit siya nakita pagkatapos ng mahabang linggo. Ni hindi ko na rin siya nakikitang bumibisita sa bahay at kinakausap si Mama kaya naman nang makita ko siyang sumundo sa akin sa klase kanina ay hindi ko naiwasang makaramdam ng pananaba sa puso.Pananaba ng puso dahil sa presensya niya o nagulat lang ako dahil naging malaki ang epekto ng presensya niya sa mood ko magmula pa kanina.Pinagmasdan ko siyang iniliko ang sasakyan palabas ng bakuran gaya nga ng paalam niya kanina na nagmamadali siya. Ni hindi niya na nga nagawang mag-angat ng tingin sa 'kin mula sa hagdan kaya naman hindi ko naiwasang magtampo sa ginawa niya.Nang sandaling batiin niya ako ay hindi ko naiwasang makaramdam ng labis na tuwa kahit na hindi ko man lang naramdamang nagtagal ito sa reaksyon ng mukha ko. Minsan ay natutuwa ako sa isang bagay ngunit hindi ko ito nagagawang maipakita sa panlabas kong anyo, kaya naman hindi

    Last Updated : 2021-06-26
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 13

    Maliwanag ang pagkinang ng mga bituin sa langit. Tila ba nakikisama rin ito sa kung ano nga bang nararamdaman ko sa ngayon. Sa bawat pagkinang ng mga maliliwanag na bituin ay siya rin namang unti-unting paglakas ng kabog ng dibdib ko.Sa unti-unting paglakas ng dibdib ko ay siya namang paghina ng mga binti ko. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa usapan nilang may kinalaman sa pagsasama ni Daddy at ni Mama. Para bang pabor sila sa isang bagay na alam nilang ikasasakit ko. Tila ba pabor sila sa desisyon ng isa— kahit na alam nilang magagawa ako nitong saktan.Akala ko mabait sila. Akala ko mabuti sila. Akala ko ba kakampi ko sila?Panay sila sa kakangiti sa akin sa t'wing magkakasalubong kami sa bahay. Panay sila sa pagkamusta sa akin sa tuwing dadalaw sila sa bahay. Panay sila sa pagkwento sa akin sa tuwing may bakante silang oras o di kaya naman ay hinihintay pa nila ang pagdating ng mga magulang ko.Base sa mukha nila ay alam kong mabait sila. Bas

    Last Updated : 2021-06-26
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 14

    Nagising ako sa isang haplos na paulit-ulit at pabalik-balik na humahaplos magmula sa ulo hanggang sa pisngi na napapadaan hanggang sa mga braso ko.Nang sandaling imulat ko ang mga nanlalabong mga mata ay halos mangunot ang mga noo ko nang makita ko si Tita Hyacinth na nakaupo sa gilid ko. Nang makita niya ang sandaling pagmulat ng mga mata ko ay bahagya pa siyang natigilan sa paghaplos sa balat ko at di kalaunan ay napangiti nang mapagmasdan niya ang katanungang bumabalot sa mga mata ko.“Nagising ba kita, Kimberly?” Nagpatuloy siya sa paghaplos sa buhok ko na maging ang pagkakagulo ng buhok ko ay nagawa niyang i-ayos.Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang sandaling kumportable sa presensya niya rito sa tabi ko. Para bang sa isang iglap din ay nawala ang sandaling pagka-inis ko sa kanya kagabi dahil siya rin ang itinuturo ng isip ko na isa sa mga dahilan kung bakit nawala sa party ko si Daddy.Alam ko namang wala siyang alam at isa pa ay si

    Last Updated : 2021-06-27
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 15

    Hindi niya alam kung nararapat pa ba siyang magpaalam kay Mama na isasama niya si Daddy sa kung anong lakad nila bukas?Para bang sa tono ng pananalitang ginamit niya ay para bang takang-taka siya na kailangan niya pang magpaalam kay Mama para sa presensya ni Daddy bukas na nanakawin niya sa aming dalawa ni Mama.Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya sa 'kin.Normal lang na magpaalam siya dahil hindi niya naman asawa 'yung hihiramin niya!Asawa ng pinsan niya ang hihiramin niya!Dahil nga sa hindi pa pamilyar sa 'kin ang mga ganitong klase ng kaganapan sa buhay ay sa halip na magalit ako sa kanya ay ipinakita ko na lang na handa akong intindihin ang sinabi niya.Tutal ay hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya o baka naman nalito lang siya kung pagmamay-ari niya ba talaga si Daddy dahil mukha siyang may sapi sa ngayon.“Magagalit po si Mama kapag nalaman niyang aalis kayong dalawa ni Daddy nang hind

    Last Updated : 2021-06-27
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 16

    Maalinsangan ang panahon sa labas. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago muling hinawakan ng mariin ang mga manibelang nasa harapan ko.“Matanda ka na, pero hindi ka pa rin marunong sumakay sa bisikleta?” natatawang reklamo ni Klaude dahilan upang balingan ko siya ng isang matalim na titig.Isang mahinang tikhim ang ginawa ko sa sarili bago tinanggal sa bakal na nasa harapan ko ang kanang paa at mabilis na inilagay iyon sa pedal ng sinasakyan ko.“Hindi ako lumaki sa kalye gaya mo, Klaude,” reklamo ko kahit na alam kong pagtatawanan niya lang ako sa rason ko.Muntik pa nga akong malaglag sa kinauupuan ko nang sandaling i-angat ko ang sarili mula sa pagkakaupo. Mabuti na lamang at mabilis na nahawakan ni Klaude ang likuran ko.Halos umusok rin ang butas ng ilong ko nang marinig ko ang munti nitong tawa. Saan nga ba siya natatawa? Sa sinabi kong pang-aasar sa kanya, o baka naman natutuwa siya dahil mun

    Last Updated : 2021-06-27
  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 17

    Hindi naman nag-iba ang trato namin ni Klaude sa isa't isa. Pakiramdam ko nga ay mas lalo lamang tumibay ang relasyon at pagkakaibigan naming dalawa nang dahil sa katanungang lumabas sa bibig ko.Nang dahil sa tanong na iyon ay hindi ko na muling naramdaman ang blank space na kalimitan kong nararamdaman sa tuwing nasa tabi ko si Klaude. Hindi ko rin naman magagawang itanggi sa sarili ko na nakakaramdam rin ako ng selos sa tuwing may makakaharap siyang ibang tao maliban sa 'kin— lalo na kung babae ito at kasing-edad lang naming dalawa.Oo, aaminin kong na-offend ako sa sinabi nitong magpaganda muna ako bago ako magkaroon ng lakas ng loob na magtanong kung sino ang pipiliin niya sa aming dalawa. Sa tuwing maririnig ko ang salitang pagpapaganda ay hindi ko rin maiwasang ikumpara ang sarili ko sa ibang babae.Gano'n ba ako kapangit para maranasan ang rejection sa mismong bibig ni Klaude na hindi naman gano'n kagwapuhan at tanging ang mga berde lang nitong mata

    Last Updated : 2021-06-28

Latest chapter

  • It's My Day, Happy Birthday!   Final Chapter

    Pinanood kong lumapit si Daddy sa himlayan kung saan nakahiga si Mama kasama ni Tita Amanda. Bakas ang panlalambot sa paglalakad ni Daddy habang si Chloe naman ay tila ba inosenteng sumusunod at tumatalon-talon lang sa paglalakad kasama ni Daddy.Wala akong nagawa kundi ang malungkot na mangiti sa sarili ko habang pinagmamasdan silang dalawa sa pagtutulos ng kandila at paglalagay ng bulaklak na pasalubong pa nila galing sa States.Dalawang buwan pagkatapos mawala ni Mama, nagdesisyon si Daddy na umalis at magpalamig muna sa States kasama ni Chloe. Sinubukan niya akong imbitahang sumama sa kanila ngunit nagdesisyon lang akong manatili rito sa Pilipinas upang abalahin ang sarili ko sa pagtatrabaho, at nang sa gano'n ay malihis ko ang pangungulila ko sa ibang bagay sa halip na maisip ko ang pagkawala ni Mama.“Mukhang okay na sila ngayon,” pabulong na ani ni Klaude sa gilid ko na katulad ko ay pinagmamasdan din si Daddy at si Chloe na ngayon ay ta

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 56

    Ramdam ko ang panginginig ng mga kalamanan ko nang dahil sa ipinadalang mensahe ni Daddy. Ilang sandali lang ay agad nang nagsibagsakan ang mga luha sa gilid ng mata ko, lalo na sa tuwing maaalala ko ang mga dugong nagkalat sa skyway kanina.Posible bang sa kanila ang mga dugo na 'yon?“Bilisan mo ang pagmamaneho, Klaude!” sigaw ko sa kanya.Ilang minuto na kasi ang nakalipas simula nang makarating kami sa The Coastal pero magpahanggang ngayon ay naririto pa rin kami sa skyway at tila ba naghihintay na naman ng pag-usad ng mabagal na trapiko na dulot ng aksidente kanina.Panay na ang busina ni Klaude sa harapan na tila ba sinasabi nito sa mga sasakyang nasa harapan na bigyan kami ng sapat na daan upang makaalis sa napakabagal na usad ng trapiko— na hindi man lang pinapansin ng mga sasakyang nasa unahan namin.“Ano ba Klaude, dalian mo—”“Can you please calm down—”“How can I

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 55

    Isang napakahigpit na yakap ang iginawad niya sa 'kin nang sandaling makita niya akong nakatayo sa gilid ng pool at abala sa pagtulong kay Manang sa pagtatanggal ng mga dahon na nagkalat sa tubig nito.Kung hindi lang naging matatag ang pagkakatayo ko ay may posibilidad na bumagsak kami sa tubig nang dahil sa ginawa niyang pagtalon sa likod ko. Sa halip na magalit at mairita sa ginawa niya ay bahagya na lang akong natawa sa panggugulat ni Mama.“Breakfast is ready, Baby,” ani niya bago humalik sa pisngi ko na bahagya ko pang kinatawa.“May kailangan ka ba, Ma?”Bahagya siyang napanguso sa biro ko bago natatawang umiling na tinawanan ko rin 'di kalaunan. “Porque ba naglambing ako nang ganito, may kailangan na kaagad?”Pagkatapos nang pag-uusap namin no'ng nakaraang linggo ay tila ba nagkaroon siya ng pag-asang lumaban sa trangkasong dumapo sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero natitiyak ko na ang ginaw

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 54

    Kahit na ubusin ko ang oras sa kakadikit kay Mama, kahit na ubusin ko ang natitira kong oras sa pakikipaglaro kay Chloe, kahit na ilang beses ko pang tulungan si Daddy sa duty niya— kulang ang lahat ng iyon upang mabawi ko ang mga oras na nasayang ko sa nagdaang panahon na hindi ko sila nagawang makasama.Ilang beses ko mang ulitin sa sarili ko na mapapantayan ko ang pagkukulang ko bilang anak sa mga magulang ko, hindi ko rin maipagkakaila na kulang ang lahat ng iyon upang makabawi ako sa mga naging kasalanan ko sa kanila.Minsan ay nakakaramdam ako ng pagkabalisa sa sarili ko nang dahil sa mga bagay na nagpapabagabag sa isip ko sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Isa itong kumpol ng mga tanong na hindi ko naman magawang masagot sa isang simpleng salita lang. May pagkakataon naman akong magtanong kay Mama pero...Mas pipiliin ko pa bang linawin ang lahat ng hindi ko maintindihan, sa halip na gugulin ko na lang ang oras ko sa pagbawi sa mga kakulangan ko

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 53

    Inubos namin ang natitira naming sandali sa paghahabol sa mga oras na sinayang ko. Kung alam ko lang na sa ganito pala hahantong ang lahat, sana pala ay no'ng una pa lang ay nagdesisyon na akong pumanhik sa kwarto nila Daddy at nang sa gano'n ay magawa ko nang maghalungkat ng mga gamit nila upang magawa ko nang malaman ang totoo.Kung bakit ba kasi ay hindi ako nag-iisip?Nang dahil sa kawalan ko ng tiwala sa mga taong nakakasama ko sa iisang bahay ay marami akong nasayang na panahon. Kung bibigyan man ako ng kahilingan ng Diyos sa kaarawan ko, baka sakaling hilingin ko na sana ay muli akong ibalik sa kabataan ko at nang sa gano'n ay mabawi ko ang lahat ng oras ko para sa kanya na nagawa kong sayangin sa ibang tao.Maituturing ko nga bang sayang ang lahat ng paghihirap sa pagpapalaki sa 'kin ni Tita Amanda, kung naging mabuti naman ako sa mga kamay niya? Ayoko rin namang matawag na walang utang na loob kung ipagsisigawan ko man ang bagay na iyon sa harap ng iban

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 52

    Kunot-noo kong pinagmasdan ang mga litratong tumambad sa paningin ko. Halos lahat ng mga litratong natagpuan ko sa berdeng envelope ay puro litrato ko no'ng maliit ko.Muli kong pinasadahan ng tingin ang pangalang nakasulat sa likod ng envelope at tila ba nalukot ang mukha ko nang muli ko na namang mabasa ang pangalan na madalas nilang itawag sa 'kin.“Bakit Renee Hershey ang nakalagay rito?” reklamo kong bulong sa sarili habang pinagmamasdan ang sulat na iyon.Sa ibaba ng pangalan ko ay may nakalakip ding address ng siyudad sa Dubai— at hindi ko lubos na maintindihan kung bakit may ganito pa gayong wala naman akong kakilala at kamag-anak na maaari nilang pagdalhan ng mga larawan ko no'ng maliit pa ako sa lugar na 'yon.Sa halip na pagtuunan ito ng pansin ay naisipan ko na lang na ibaling ang atensyon ko sa mga larawang nakakubli sa loob. Prente ko itong inilabas sa envelope at kagat-labing pinagmasdan.Medyo luma na ang mga litra

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 51

    Lumipas ang maraming linggo at naging maayos naman ang lahat. Matiwasay ko ring naibalita sa mga kaibigan ko na ang dating lalaking inaaway-away ko lang no'ng umpisa ay boyfriend at minamahal ko na ngayon.Gaya ng inaasahan ay kabi-kabila na naman ang pang-aasar sa 'ming dalawa ni Yohan na ngayon ay paulit-ulit na 'kong inaapi at iniinsulto. Hindi ko na rin siya nagawang pigilan nang nadulas niyang sabihin kay Klaude kung paano akong kapursigidong naghihintay sa labas ng campus, no'ng junior highschool student pa lang kami, kay Klaude sa tuwing sasapit ang umaga.Wala tuloy akong nagawa kundi ang mag-iwas ng tingin sa tuwing makikita kong bumaling sa gawi ko si Klaude nang nakanguso at bakas sa mukha niya ang pang-aasar na nagpapapula sa kabuuan ng mukha ko.“Maagang pumapasok 'yan sa campus. Palagi ngang idinadahilan 'yung payong—”“Tumigil ka na nga sa mga pag-iimbento mo, Yohan,” reklamo ko na animong nahihiya na tinawanan

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 50

    Ramdam ko ang paglapat sa ibabaw ng poster na nasa ulo ko ang brasong pamilyar sa paningin ko. Tila ba tinakpan nito ang kaisa-isang litrato na nagpapatunay na siya nga ang lalaking hinahanap ko nang napakatagal na panahon.Sa halip na makaramdam ng saya ay pait ang naramdamam ko, lalo na nang marinig ko ang boses nitong nakasanayan ko na sa bago niyang katauhan.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Tila ba nakaramdam ako ng pait sa sarili ko nang mapag-alaman kong iisa lang sila.All this time, niloko ako at binilog ng lalaking pinagkatiwalaan ko rin ng ilang taon. Pagkatapos niyang ituro ang address ng inuupuahan kong apartment kay Tita Hyacinth ay naririto na siya ngayon sa likuran ko at tila ba proud pa sa sarili niyang nakatayo na ngayon sa likuran ko.Proud ka sa sarili mo dahil sa napakatagal na panahon ay naririto ka na sa tabi ko, o proud ka dahil nagawa mo na namang mapaikot ang kaisa-isang babaeng nagtiwala sa 'yo.Umasa ako na hindi ko n

  • It's My Day, Happy Birthday!   Chapter 49

    Naging maayos namang kasama si Tita Hyacinth sa iisang bahay. Madalas niyang ibigay sa 'kin ang mga bagay na never ko namang hiniling sa kanya. Kusa niyang ibinibigay sa 'kin ang mga pangangailangan kong tanggihan ko man sa kanya ay pilit niya pa ring isisiksik sa 'kin kahit na ayoko.“Minsan lang ako kung magbigay sa 'yo, Hershey,” nakamangol niyang ani na lihim kong inirapan.“Hindi ko kailangan n'yan dahil marami ako n'yan,” angil ko sa kanya bago muling itinulak sa kanya ang karton ng gatas na kabibili niya lang kanina sa supermarket.Yes, kahon ng gatas.Hindi ko alam kung anong problema niya. Hindi ko rin naman magawang matanong sa kanya kung bakit na lang siya ganito kung kumilos sa harapan ko. Ni minsan ay hindi ko naman ipinakita sa kanyang tinatanggap ko na siya.Oo, tinanggap ko na ang kapatid ko sa ama, pero hindi naman ibig sabihin no'n na madali ko na silang mapapatawad ni Daddy. Hanggang ngayon ay naririto pa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status