NANGAKO siya na babawi siya sa mga pagkukulang niya kahit na kalahati sa pagkatao ko ang nagsasabing wala naman siyang pagkukulang sa akin.
Kung kailan ko ipinapaliwanag sa kanya na hindi ko kailangan lahat ng pagbawi na sinasabi niya ay siya namang ikinakatigas ng ulo niya. Ang ibig ko lang namang sabihin ay sa halip na humanap siya ng ibang mapagkaka-abalahan ay sa akin natutuon ang atensyon niya.
Nararamdaman ko iyon dahil hindi lang naman ako ang tao sa bahay. Hindi lang naman ako ang nakakaramdam ng bagay na iyon dahil alam kong maski si Mama ay nararamdaman na ang pagbawi na paulit-ulit na ipinapangako sa akin ni Tita Hyacinth.
Yes, Tita Hyacinth. Magmula nang sinabi niyang babawi siya at magmula nang napapadalas ang pagtungo niya sa bahay upang kamustahin ako ay nasanay na ako sa presensya niya at pagtawag sa pangalan niya. Naging close kami, oo at nararamdaman ko iyon. Lahat ng bagay na mayroon siya ay mayroon din ako. Magmula sa mga sapatos at damit ay magkapareho kaming dalawa. Aaminin kong nag-e-enjoy ako sa set up na ganito pero kalaunan ay nagbago rin ang pananaw ko nang makita ko ang mga lungkot sa mga mata ni Mama habang nakatanaw sa 'ming dalawa ni Tita Hyacinth.
"Where are you going, Kimberly?" Tanong ni Tita Hyacinth.
Napabalikwas pa siya sa pagkakahiga sa sun lounger dahil sa biglaan kong pagtayo at pag-alis sa tabi niya. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng pananakit sa puso dahil sa tuwing makikita ko ang malungkot na mga mata ni Mama ay para bang nararamdaman ko ang ka-traydur-an na nanunuot sa pagkatao ko sa tuwing makakasama ko si Tita Hyacinth.
"Kay Mama po," sagot ko bago tumakbo patungo sa loob ng bahay.
Oo, makukuha ko lahat ng bagay na gugustuhin ko pero alam kong hindi ko makukuha ang tiwala at pagmamahal ng isang tao kung mangyaring masira ko ito. Dahil ang tiwala ng isang tao ay maihahalintulad ko sa isang basag na salamin. Hindi mo na magagawang maayos ang salamin kung mangyaring mabasag mo man ito kahit sabihin mo pa man na hindi mo sinadyang mabasag. Oo, magagawa mo pa siyang maikabit gamit ang pandikit pero hinding hindi mo na mabubura ang lamat na ibinigay mo rito.
Ramdam ko ang pagta-tiyaga ni Tita Hyacinth sa 'kin sa mga araw at linggong nagdaan. Panay siya sa pagbisita sa bahay kahit na hindi ko naman hinihiling ang presensya niya.
Oo, simula nang makita ko ang lungkot sa mga mata ni Mama ay para bang nawala na rin ang kagustuhan kong mapalapit kay Tita Hyacinth kahit na gustuhin ko man siyang makasama.
Mahigpit si Mama at hindi naman gano'n si Tita Hyacinth sa 'kin pagdating sa pakikipagkaibigan sa ibang bata, pero hindi ito ang sapat na dahilan upang pillin ko si Tita Hyacinth kumpara kay Mama.
Paulit-ulit kong pipiliin si Mama kahit na taliwas ang kagustuhan niya sa maraming bagay para sa akin. Siya ang paulit ulit kong pipiliin kahit na mahigpit siya sa mga bagay na ginugusto ko. Alam kong para rin naman sa akin ang ginagawa niyang paghihigpit kaya naman naiintindihan ko siya sa mga kilos niya. Sadyang hinahayaan lang naman akong lumakad sa sarili kong mga paa ni Tita Hyacinth bilang pagtuturo sa akin na hindi dumipende sa desisyon ng iba gaya ng ginagawa ko ngayon.
Nasa mindset na rin siguro ng isang tao ang manatili sa tabi ng mga taong kinalakihan nila. Halimbawa, lumaki ka sa tatay mo kaya naman hanggang sa pagtanda ay kayong dalawa ang magkasama hindi katulad sa nanay mo. Gano'n rin ang magiging paliwanag ko sa nanay kapag ang nanay naman ang tinanong mo.
Wala namang problema sa 'kin kung gusto niyang bumawi o ano. Ni hindi ko nga alam kung anong babawiin niya sa 'kin. Sa katunayan nga ay hindi ko alam kung ano ang sinasabi niyang pagkukulang.
Pagkukulang saan?
Ni wala nga akong kaalam-alam sa pagkukulang na sinasabi niya.
Hindi naman sa kinaaayawan ko si Tita Hyacinth pero ang akin lang, sana naman ay malaman niya kung saan siya lulugar. May asawa si Daddy at kasal sila ni Mama. Kahit na hindi nila aminin sa akin na may problema silang dalawa ni Mama ay malalaman ko agad sa paraan pa lang ng normal at klaro nilang tinginan sa isa't isa. Normal naman siguro siyang babae at mukha namang mataas ang propesyong pinanghahawakan niya kaya naman bakit kailangan niya pang lumapit sa isang taong alam naman niyang pamilyado na?
Nasa tamang edad na rin naman si Tita Hyacinth upang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya. Sa katunayan nga ay nagugustuhan ko siya hindi dahil sa pananamit niya kundi dahil sa paraan ng kilos at sa ugali niya. Kung hindi lang sila ganitong ka-close ni Daddy ay baka naging magkaibigan pa kaming dalawa.
Hindi naman ako mahirap na makisama at alam ng mga magulang ko iyan, depende na lang siguro sa mga ikinikilos at ipinapakita mo sa akin dahil hindi ako gano'n kadaling utuin kung alam ko sa sarili kong ikaw ang may problema sa ating dalawa at hindi ako.
Aware naman ako sa mga issues ko sa katawan kaya naman kapag alam kong may mali ako, gagawa agad ako ng paraan upang linisin ang sarili ko at nang sa gano'n ay malinis ko rin ang pangalan ko kung may nagawa man akong mali at labag sa loob mo.
Gaya nga ng sinasabi ko ay panay siya sa pagbisita sa bahay bitbit ang napakaraming regalo para sa akin. Tila ba binubusog ako sa mga materyal na bagay na alam niyang magugustuhan ko sa oras na lumapat ang titig ko sa mga ito.
Lahat ng mga regalong ibinibigay o yung mga gamit na hindi ko naman hinihiling at mas lalong hindi ko naman kailangan ay walang humpay niyang ibinibigay kahit na ilang ulit ko pang tanggihan sa harap mismo nila Daddy. Naaawa rin naman ako sa tuwing makikita ko ang walang buhay at mas lalong walang kulay na mukha ni Mama kaya naman sa halip na tanggapin ko lahat ng ibinibigay niya ay wala akong ibang ginagawa kundi tanggihan ito kahit na sa loob-loob ko ay alam kong kinakailangan ito ng mga whims ko sa katawan.
Minsan din ay nagagawa kong maawa sa mga effort niyang pamimili at pamimigay kaya naman sa halip na tanggihan ay makapal ang mukha ko itong inaabot at maliit ang boses na nagpapasalamat sa kanya.
"No need to thank me, Kimberly. Lahat ng 'yan ay para sa'yo," pang-uuto niya dahilan upang abutin ko lahat ng paperbag na naglalaman ng kung ano-ano. "Good girl," ngiti niya kasabay ng paghaplos sa buhok ko.
Ramdam ko ang pagbaba ni Mama sa gilid ko kasabay ng pagluhod at paghawak sa magkabila kong balikat upang magkaharap kaming dalawa.
Tila ba may gusto siyang sabihin sa akin na kailangan kong sundin o 'di naman kaya ay may gustong iparating sa akin. Mukha namang tama ako sa hinala ko dahil nakita ko ang mga mata nitong lumalim at tila ba naging maamong leon na nasa harapan ko.
Kita ko ang lihim na pag irap ni Tita Hyacinth sa gilid niya kasabay ng pagbaling ng nagtatanong na tingin kay Daddy na ngayon ay nakangiti na sa 'kin.
Bakit kung maka-asta silang lahat ngayon ay para bang may hindi sila sinasabi sa akin. May itinatago nga ba sila?
Ano namang itatago nilang tatlo na hindi ko kailangang malaman? Sama ba ng loob ang itinatago nila sa akin ngayon?
May mali sa mga ngiti ni Daddy at mukhang hindi ako kumbinsido sa paraan niya ng pagngiti sa akin ngayon.
Para bang sa paraan ng pagkislap ng mga mata niya ay may lungkot na nakakubli nang sandaling makita niya kaming magkaharap ni Mama sa harap nilang dalawa ni Tita Hyacinth.
"Pumunta ka muna sa kwarto mo, Kim," bilin niya na mabilis na kinontra ni Tita Hyacinth.
"It's Renee Hershey Aldomovar Quesada, Amanda. Naiirita ako sa tuwing maririnig ko ang pangalan ng namatay mong—"
"Hyacinth, pwede bang hayaan mo muna silang mag usap? Nag-usap na rin naman tayong dalawa, hindi ba?" Singhal naman ni Daddy.
Panay sila sa pagbardagulan nang palihim sa likod ni Mama habang si Mama naman ay napapanguso na lang at tila ba malungkot sa nangyayaring ito.
"May problema po ba, Mama?" Tanong ko dahilan upang muli siyang mag angat ng tingin sa 'kin at di kalaunan ay umiling kahit na naroroon pa rin ang lungkot sa mga mata at lalong lalo na sa awra niya ngayong araw.
Kagat labi niya akong pinagmasdan magmula ulo hanggang paa bago ngumiti. Pero katulad nga ng palagi kong sinasabi ay tila ba may lungkot na kahalo ang mga mata nitong nakatitig sa mga mata ko. Para rin bang pinagmamasdan nito ang bawat anggulo ng mukha ko dahil sa pagpasada ng thumb niya sa cheeckbone ko.
"Kamukhang-kamukha mo siya, Kimberly," aniya.
'Yan ang salitang madalas ko nang marinig mula kay Mama simula nang dumating si Tita Hyacinth.
Ni hindi ko nga rin alam kung bakit siya paulit-ulit sa paghahalintulad sa akin kung kani-kanino. Nakakapagtaka lang na kahit na paulit ulit siya sa pagsasabi ng mga ganitong bagay ay ni minsan hindi ko narinig ang pangalan ng kung sino mang tao ang inihahalintulad niya sa akin.
Nagsimula lang naman siyang maging plaka no'ng dumating rin si Tita Hyacinth sa bahay. Palagi na rin siyang bumibisita sa bahay para ibigay ang mga luho ko na kailan man ay hindi ko hiningi sa kanya at hindi ko alam kung bumibisita ba talaga siya para sa 'kin— para sa 'kin nga ba?
Kasi pagkatapos ng mga nararamdaman ko ay para bang may naaamoy akong kakaiba sa kanilang dalawa ni Daddy. Hindi ito yung tipo ng amoy sa katawan na aalingasaw sa sandaling makalimutan mong maghilamos o magbanlaw gamit ang malinis na tubig.
Ang tinutukoy ko ay yung kakaibang amoy na maaamoy mo lang kapag may iba ka nang nararamdaman sa pagsasama ng dalawang tao sa iisang bahay.
Pagkatapos niya kasing makipaglaro sa akin at bigyan ako ng magagarang damit at laruan nang bumisita siya. Pagkatapos lamang ng ilang oras ay magpapaalam na siyang umalis at ang pinaka nakakatanga sa lahat ay, bakit kinakailangan pa siyang samahan ni Daddy sa tuwing aalis siya?
Sa gano'ng uri niya ng pagrampa at sa istilo ng kanyang pananamit— wala ba siyang kotse? Wala ba siyang sariling sasakyan na magagamit?
Wala ba siyang sapat na pera para makabili ng sariling kotse at nang sa gano'n ay hindi niya na maagaw ang atensyon ni Daddy para sa aming dalawa ni Mama na kung tutuusin naman talaga ay kaming dalawa ang prayoridad niya sa mundong ito.
Yung mga bagay na ginagawa ng isang asawa at hindi nararapat gawin ng isang babaeng nakikitira lang sa bahay niyo ay malakas ang loob nilang ginagawa.
Ngunit ang mas lalong ikinakaputok ng ugat ko sa ulo ay yung katotohanan na nagagawa kaming iwanan ni Daddy para lamang sa kanya?
Sa isang katulad niyang ngayon lang ipinanganak sa mundo at ignorante pa sa maraming bagay.
Oh well. Bata pa lang kasi ako that time kaya ang mga ganoong uri ng kilos ay nagagawa ko na lang na hayaan. Sige, tutal at mukha naman kayong close at pinsan ka naman ni Mama, sige.. palalampasin ko ang bagay na iyon. Pero sa susunod na mas lalo kang didikit sa kanya— hindi na ako magdadalawang isip na balatan ka nang buhay at pakuluan ang karne mo sa isang kawa na punong-puno ng kumukulong mantika.
Sige, walang personalan at walang malisya 'yan, ha. Pero siguraduhin at tiyakin mo lang ang lahat ng 'yan dahil sa oras na mapatunayan kong may namamagitan sa inyong dalawa ay hindi na ako magdadalawang-isip na isumpa kayong dalawa.
Pero sa tuwing iko-comfort ko ang sarili ko sa mga ganoong klase ng bagay, hindi ko maiwasang mangamba.
Nangangamba ako hindi para sa sarili kong kapakanan kundi ay sa kapakanan at mararamdaman din ni Mama.
Madalas nang umuwi ng hatinggabi ngayon si Daddy. Hindi na rin siya gaanong naglalaan ng oras para sa 'ming dalawa ni Mama. Madalas silang magkasama ni Tita Hyacinth sa buong oras na magiging bakante ang araw niya sa trabaho.
Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kakaiba.
Lumaki ako or tama bang sabihin na pinalaki akong hindi pakialamera ng mga magulang ko.
Lumaki akong, "Hanapan mo ng solusyon ang problema mo at wag mong problemahin ang problema ng iba," kaya naman sa halip na hagilapin silang dalawa kung may ginagawa nga ba silang kababalaghan ay hindi ko na sila pinapakialaman.
Labas naman siguro ako d'yan, 'di ba? Pwera na lamang kung masasaktan nila si Mama nang hindi sinasadya.
Mukha namang walang pakialam si Mama sa mga lakad nila Daddy at Tita Hyacinth, at sa halip na pakialaman silang dalawa sa mga lakad at pangyayari sa buhay nila ay naiisipan na lang ni Mama na makipaglaro sa 'kin at basahan ako ng maraming libro.
Aware ako na simula nang magkaroon ako ng malay at natutunan ko ang maraming bagay, madalas kong makita na hindi okay ang pagsasama nila Daddy at Mama. Para bang magkaibigan lang silang dalawa at hindi mag-asawa.
Normal ang kilos nilang dalawa, walang nakakakilig, wala lahat ng bagay na madalas kong makita sa tuwing makakakita ako ng mag-asawa sa daan. Hindi sila naglalampungan gaya ng palaging ginagawa ng dalawang normal na mag-asawa. Walang malisya sa bawat galaw nilang dalawa. Walang kahit na anong nakakasabik at nakakakilig na eksena sa pagitan nilang dalawa.
Walang sweetness, walang kilig. I mean.. kuha niyo ba ako?
Walang kahit na anong pagmamahal ang namumutawi sa kanilang dalawa.
Oo, naroon ang pag-aalala kahit na papaano pero yung mga ganoong klase ng pakiramdam, sweetness, kilig? Lahat ng iyon ay wala sa pagsasama nilang dalawa.
Minsan nga ay naisip ko, mag asawa ba talaga silang dalawa? Kasi may kakaiba eh, may kakaiba talaga.
Magkaiba sila ng kwartong tinutuluyan. Hindi rin si Mama ang nag-aayos ng mga damit pang opisina ni Daddy. Ni minsan nga ay hindi ko man lang sila nakitang magyakapan o magkilitian man lang.
Para bang may magagalit sa oras na magdikit silang dalawa.
Para bang lahat ng kilos nilang dalawa sa loob ng bahay, may makakakita at magrereport sa kung sino mang may magbabalak na mag spy sa kanilang dalawa.
Alam kong hindi sila nagsasama sa isang kwarto dahil sa tuwing binabangungot ako ay sa kwarto ako ni Mama dumidiretsyo at nagpapaalam na matulog.
"Mama, bakit hindi kayo magkasama ni Daddy sa iisang kwarto?" Tanong ko habang nakayakap sa kanya.
Madilim na sa paligid at tanging ang dim lights na lamang ng lamp shade niya ang nakabukas. Ramdam ko ang paghahabol niya sa hininga bago ngumiti ng maaliwalas sa 'kin at hinaplos ang pisngi ko. Wala naman akong nagawa kundi mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa kanya na ikinatawa niya.
"May mga bagay na hindi natin alam ay may limitasyon. At hindi ko rin obligasyon na alagaan ang Daddy mo dahil ikaw lang ang naka obliga sa 'kin," paliwanag niya na hindi ko nakuha. "Para nang kapatid ang turing ko sa Daddy mo."
Kapatid?
Paanong naging kapatid, 'di ba't mag-asawa silang dalawa at kasal na sila?
Normal lang ba na kapatid ang turing mo sa asawa mo? Normal lang ba na kapatid ang ituring mo sa lalaking nagharap sa 'yo sa simbahan kasama niya? Tama bang ituring na kapatid ang taong kasama mo sa lahat ng mga pangakong binitiwan mo sa harap mismo ng Diyos na kung saan ay naging saksi sa sumpaan niyong dalawa? Normal lang ba na kapatid ang turing mo sa lalaking kasama mo sa iisang bahay at may anak na kayong dalawa? Kapatid ang turing niya kay Daddy, pero mag-asawa silang dalawa. Ang gulo, hindi ba? Dahil nga sa medyo bata pa sa mga ganitong klase ng usapan ay sa halip na pagtuunan pa iyon ng pansin ay malaya na lamang akong napapikit at dinama ang mga mahihinang tapik ni Mama sa hita ko. Sa isang madilim na mundo, si Mama lang ang nagiging kakampi ko sa lahat ng bagay. Siya lang rin ang kaisa-isang taong sumusuporta at walang sawang nakikinig sa akin sa tuwing makaka-encounter ako ng mga problema. 'Yung tipong kahit na wala naman siya
SI Mama ang naghatid sa akin sa klase gamit ang kotse niya. Kahit na anong pilit ko kay Daddy na kahit pumasok man lang pansamantala sa loob ng klase ay hindi niya magawa.Depensa niya ay nakatambak daw ang paper works niya at medyo late na rin siya para sa unang araw niya ng trabaho para sa buwang ito.Subukin mang magboluntaryo ni Tita Hyacinth upang kahit na papaano ay mapagaan man lang ang loob ko, pero sa halip na natuwa ako sa gusto niyang mangyari ay nauwi lang ito sa pagkairita ko.Isang instant rejection ang ginawa ko sa kanya kaya naman nakatanggap pa ako ng lectures kay Daddy sa kung paano ko raw ba matututunang rumespeto sa nakakatanda.Hindi ko alam na nakakabastos na pala ang rejection ngayon. Totoo ba?Ang rejection ay para rin naman sa kabutihan mo, 'di ba?Para saan nga ba ang rejections?Oo, alam ko na hindi nakakatuwa ang rejections sa buhay pero rejection rin naman ang nagiging daan upang matuto tayo sa mga m
May bago ba?Hindi na rin naman ito ang unang pagkakataon na sinigawan ako ni Tita Hyacinth nang dahil sa pangungulit ko tungkol kay Mama.Yes, we are in good terms pero tama ba ang sigawan at ipahiya ako sa harap ng maraming tao? Mas lalo lamang umalburoto ang inis ko sa kanya nang dahil sa ginawa niyang paninigaw at pamamahiya sa 'kin sa harap ng maraming tao.Ni wala nga siyang karapatang taasan ako ng boses kasi nung una pa lang, wala na talaga siyang karapatan sa akin. Si Daddy lang naman ang pilit na isinisiksik sa akin ang babaeng hindi ko naman gaanong kilala o mas tama bang sabihin na ang babaeng magiging dahilan kung bakit masisira ang pamilyang pinapangarap ko ngayon.Masaya ang pamilya ko. Masaya ang pagsasama ni Mama at ni Daddy. Masaya ako sa tuwing nagkakatuwaan kaming tatlo at mas lalong sumasaya ako sa tuwing makikita ko silang dalawa na nagkakatuwaan. Masaya ako hindi dahil sa scripted lang ang mga tawa at hagikgik na ipinaparinig
NAGING maingay sa biyahe si Tita Hyacinth. Kung gaano kadalang ang pagsasalita ko ay siya namang ikinasigla niya sa pagkukwento.Marami siyang ikinukwento sa aming dalawa ni Daddy, pero dahil nga sa nangyaring sagutan namin kanina sa parking lot ay hindi ako naging updated sa kung ano man ang ikinatatalak niya.Panay siya sa pagkwento sa mga bagay na hindi ako interesado. Panay siya sa pagtawa sa mga biro na alam niyang hindi ko man lang naiintindihan. Minsan nga ay naiisip ko kung sinasadya niya nga ba talaga ang pagkwento at pagsasalita sa mga bagay na alam niyang hindi ko maiintindihan o sadyang wala lang talaga siyang alam na hindi ako interesado sa mga ikinukwento niya?Bahala siya. Silang dalawa na lang ni Daddy ang magkwentuhan sa mga bagay na wala akong kaalam-alam. Tutal ay magkasing-edad naman silang dalawa, mas mabuti pa nga kung sila na lang ang magkaintindihan dahil mukhang magka-ugali pa silang dalawa.Goal niya rin naman yata ang mapa
Naging mabilis ang pagtakbo ng panahon sa mga nagdaang araw sa buhay ko.Pagkatapos ng pribadong pag-uusap sa isang kwarto ng mga magulang ko at ni Tita Hyacinth ay naging maayos naman ang lahat lalo na nang matapos sila sa kung ano mang pinagkasunduan nila. Hindi ko rin naman nagawang makinig sa usapan nila dahil si Mama na rin mismo ang nag-utos na lumayo ako pansamantala sa kung nasaan man sila at humingi ng permiso sa akin na hayaan silang mag-usap nang silang tatlo lang.Hindi naman masyadong halata na ayaw nila akong isali sa kung anumang usapan nila kaya naman sa halip na mamilit ay hinayaan ko na lang din sila.Importante rin naman ang privacy ng isang tao at naiintindihan ko naman na wala pa akong karapatang sumabat sa usapan ng matatanda lalo na kung sa usapan ng ibang taong hindi ko naman gaanong kakilala.Pagkatapos ng usapan nilang iyon ay hindi na muling nagpakita si Tita Hyacinth sa bahay. Hindi ko rin naman nagawang kumustahin ang kalagaya
Pabiro ko siyang kinawayan sa harap ng mukha niya na bahagya niya ring ikinapikit nang bahagya pang sumagi ang daliri ko sa mahaba niyang mga pilik-mata.“Tigilan mo nga ang kakangiti d'yan,” reklamo ko kahit na sumisilay na rin ang ngiti sa labi ko.Tunay ngang nakakahawa ang mga ngiti sa labi ni Klaude dahil maging ako ay bahagya na ring nangingiti sa paraan ng ngiti niya.Sino ba namang hindi mahahawa sa isang ngiti na alam mo sa sarili mo na may epekto sa nararamdaman mo?Hindi na bago sa akin ang ganitong nararamdaman dahil alam kong expose ako sa pagbabasa ng mga nobela sa pocket books. Hindi na bago sa akin ang pagbabasa ng mga istorya na alam kong may kinalaman sa pagmamahal. Hindi na rin naman ako bata para maging inosente sa ganitong klase ng mga nararamdaman. Madalas nga ay ganito ang mga teleseryeng napapanood naming dalawa ni Mama sa cable sa tuwing may bakante kaming oras na manood ng mga movies na binibili niya sa internet gamit
Hindi ko alam kung may problema ba si Tita Hyacinth. Ngayon ko na lang din ulit siya nakita pagkatapos ng mahabang linggo. Ni hindi ko na rin siya nakikitang bumibisita sa bahay at kinakausap si Mama kaya naman nang makita ko siyang sumundo sa akin sa klase kanina ay hindi ko naiwasang makaramdam ng pananaba sa puso.Pananaba ng puso dahil sa presensya niya o nagulat lang ako dahil naging malaki ang epekto ng presensya niya sa mood ko magmula pa kanina.Pinagmasdan ko siyang iniliko ang sasakyan palabas ng bakuran gaya nga ng paalam niya kanina na nagmamadali siya. Ni hindi niya na nga nagawang mag-angat ng tingin sa 'kin mula sa hagdan kaya naman hindi ko naiwasang magtampo sa ginawa niya.Nang sandaling batiin niya ako ay hindi ko naiwasang makaramdam ng labis na tuwa kahit na hindi ko man lang naramdamang nagtagal ito sa reaksyon ng mukha ko. Minsan ay natutuwa ako sa isang bagay ngunit hindi ko ito nagagawang maipakita sa panlabas kong anyo, kaya naman hindi
Maliwanag ang pagkinang ng mga bituin sa langit. Tila ba nakikisama rin ito sa kung ano nga bang nararamdaman ko sa ngayon. Sa bawat pagkinang ng mga maliliwanag na bituin ay siya rin namang unti-unting paglakas ng kabog ng dibdib ko.Sa unti-unting paglakas ng dibdib ko ay siya namang paghina ng mga binti ko. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa usapan nilang may kinalaman sa pagsasama ni Daddy at ni Mama. Para bang pabor sila sa isang bagay na alam nilang ikasasakit ko. Tila ba pabor sila sa desisyon ng isa— kahit na alam nilang magagawa ako nitong saktan.Akala ko mabait sila. Akala ko mabuti sila. Akala ko ba kakampi ko sila?Panay sila sa kakangiti sa akin sa t'wing magkakasalubong kami sa bahay. Panay sila sa pagkamusta sa akin sa tuwing dadalaw sila sa bahay. Panay sila sa pagkwento sa akin sa tuwing may bakante silang oras o di kaya naman ay hinihintay pa nila ang pagdating ng mga magulang ko.Base sa mukha nila ay alam kong mabait sila. Bas
Pinanood kong lumapit si Daddy sa himlayan kung saan nakahiga si Mama kasama ni Tita Amanda. Bakas ang panlalambot sa paglalakad ni Daddy habang si Chloe naman ay tila ba inosenteng sumusunod at tumatalon-talon lang sa paglalakad kasama ni Daddy.Wala akong nagawa kundi ang malungkot na mangiti sa sarili ko habang pinagmamasdan silang dalawa sa pagtutulos ng kandila at paglalagay ng bulaklak na pasalubong pa nila galing sa States.Dalawang buwan pagkatapos mawala ni Mama, nagdesisyon si Daddy na umalis at magpalamig muna sa States kasama ni Chloe. Sinubukan niya akong imbitahang sumama sa kanila ngunit nagdesisyon lang akong manatili rito sa Pilipinas upang abalahin ang sarili ko sa pagtatrabaho, at nang sa gano'n ay malihis ko ang pangungulila ko sa ibang bagay sa halip na maisip ko ang pagkawala ni Mama.“Mukhang okay na sila ngayon,” pabulong na ani ni Klaude sa gilid ko na katulad ko ay pinagmamasdan din si Daddy at si Chloe na ngayon ay ta
Ramdam ko ang panginginig ng mga kalamanan ko nang dahil sa ipinadalang mensahe ni Daddy. Ilang sandali lang ay agad nang nagsibagsakan ang mga luha sa gilid ng mata ko, lalo na sa tuwing maaalala ko ang mga dugong nagkalat sa skyway kanina.Posible bang sa kanila ang mga dugo na 'yon?“Bilisan mo ang pagmamaneho, Klaude!” sigaw ko sa kanya.Ilang minuto na kasi ang nakalipas simula nang makarating kami sa The Coastal pero magpahanggang ngayon ay naririto pa rin kami sa skyway at tila ba naghihintay na naman ng pag-usad ng mabagal na trapiko na dulot ng aksidente kanina.Panay na ang busina ni Klaude sa harapan na tila ba sinasabi nito sa mga sasakyang nasa harapan na bigyan kami ng sapat na daan upang makaalis sa napakabagal na usad ng trapiko— na hindi man lang pinapansin ng mga sasakyang nasa unahan namin.“Ano ba Klaude, dalian mo—”“Can you please calm down—”“How can I
Isang napakahigpit na yakap ang iginawad niya sa 'kin nang sandaling makita niya akong nakatayo sa gilid ng pool at abala sa pagtulong kay Manang sa pagtatanggal ng mga dahon na nagkalat sa tubig nito.Kung hindi lang naging matatag ang pagkakatayo ko ay may posibilidad na bumagsak kami sa tubig nang dahil sa ginawa niyang pagtalon sa likod ko. Sa halip na magalit at mairita sa ginawa niya ay bahagya na lang akong natawa sa panggugulat ni Mama.“Breakfast is ready, Baby,” ani niya bago humalik sa pisngi ko na bahagya ko pang kinatawa.“May kailangan ka ba, Ma?”Bahagya siyang napanguso sa biro ko bago natatawang umiling na tinawanan ko rin 'di kalaunan. “Porque ba naglambing ako nang ganito, may kailangan na kaagad?”Pagkatapos nang pag-uusap namin no'ng nakaraang linggo ay tila ba nagkaroon siya ng pag-asang lumaban sa trangkasong dumapo sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero natitiyak ko na ang ginaw
Kahit na ubusin ko ang oras sa kakadikit kay Mama, kahit na ubusin ko ang natitira kong oras sa pakikipaglaro kay Chloe, kahit na ilang beses ko pang tulungan si Daddy sa duty niya— kulang ang lahat ng iyon upang mabawi ko ang mga oras na nasayang ko sa nagdaang panahon na hindi ko sila nagawang makasama.Ilang beses ko mang ulitin sa sarili ko na mapapantayan ko ang pagkukulang ko bilang anak sa mga magulang ko, hindi ko rin maipagkakaila na kulang ang lahat ng iyon upang makabawi ako sa mga naging kasalanan ko sa kanila.Minsan ay nakakaramdam ako ng pagkabalisa sa sarili ko nang dahil sa mga bagay na nagpapabagabag sa isip ko sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Isa itong kumpol ng mga tanong na hindi ko naman magawang masagot sa isang simpleng salita lang. May pagkakataon naman akong magtanong kay Mama pero...Mas pipiliin ko pa bang linawin ang lahat ng hindi ko maintindihan, sa halip na gugulin ko na lang ang oras ko sa pagbawi sa mga kakulangan ko
Inubos namin ang natitira naming sandali sa paghahabol sa mga oras na sinayang ko. Kung alam ko lang na sa ganito pala hahantong ang lahat, sana pala ay no'ng una pa lang ay nagdesisyon na akong pumanhik sa kwarto nila Daddy at nang sa gano'n ay magawa ko nang maghalungkat ng mga gamit nila upang magawa ko nang malaman ang totoo.Kung bakit ba kasi ay hindi ako nag-iisip?Nang dahil sa kawalan ko ng tiwala sa mga taong nakakasama ko sa iisang bahay ay marami akong nasayang na panahon. Kung bibigyan man ako ng kahilingan ng Diyos sa kaarawan ko, baka sakaling hilingin ko na sana ay muli akong ibalik sa kabataan ko at nang sa gano'n ay mabawi ko ang lahat ng oras ko para sa kanya na nagawa kong sayangin sa ibang tao.Maituturing ko nga bang sayang ang lahat ng paghihirap sa pagpapalaki sa 'kin ni Tita Amanda, kung naging mabuti naman ako sa mga kamay niya? Ayoko rin namang matawag na walang utang na loob kung ipagsisigawan ko man ang bagay na iyon sa harap ng iban
Kunot-noo kong pinagmasdan ang mga litratong tumambad sa paningin ko. Halos lahat ng mga litratong natagpuan ko sa berdeng envelope ay puro litrato ko no'ng maliit ko.Muli kong pinasadahan ng tingin ang pangalang nakasulat sa likod ng envelope at tila ba nalukot ang mukha ko nang muli ko na namang mabasa ang pangalan na madalas nilang itawag sa 'kin.“Bakit Renee Hershey ang nakalagay rito?” reklamo kong bulong sa sarili habang pinagmamasdan ang sulat na iyon.Sa ibaba ng pangalan ko ay may nakalakip ding address ng siyudad sa Dubai— at hindi ko lubos na maintindihan kung bakit may ganito pa gayong wala naman akong kakilala at kamag-anak na maaari nilang pagdalhan ng mga larawan ko no'ng maliit pa ako sa lugar na 'yon.Sa halip na pagtuunan ito ng pansin ay naisipan ko na lang na ibaling ang atensyon ko sa mga larawang nakakubli sa loob. Prente ko itong inilabas sa envelope at kagat-labing pinagmasdan.Medyo luma na ang mga litra
Lumipas ang maraming linggo at naging maayos naman ang lahat. Matiwasay ko ring naibalita sa mga kaibigan ko na ang dating lalaking inaaway-away ko lang no'ng umpisa ay boyfriend at minamahal ko na ngayon.Gaya ng inaasahan ay kabi-kabila na naman ang pang-aasar sa 'ming dalawa ni Yohan na ngayon ay paulit-ulit na 'kong inaapi at iniinsulto. Hindi ko na rin siya nagawang pigilan nang nadulas niyang sabihin kay Klaude kung paano akong kapursigidong naghihintay sa labas ng campus, no'ng junior highschool student pa lang kami, kay Klaude sa tuwing sasapit ang umaga.Wala tuloy akong nagawa kundi ang mag-iwas ng tingin sa tuwing makikita kong bumaling sa gawi ko si Klaude nang nakanguso at bakas sa mukha niya ang pang-aasar na nagpapapula sa kabuuan ng mukha ko.“Maagang pumapasok 'yan sa campus. Palagi ngang idinadahilan 'yung payong—”“Tumigil ka na nga sa mga pag-iimbento mo, Yohan,” reklamo ko na animong nahihiya na tinawanan
Ramdam ko ang paglapat sa ibabaw ng poster na nasa ulo ko ang brasong pamilyar sa paningin ko. Tila ba tinakpan nito ang kaisa-isang litrato na nagpapatunay na siya nga ang lalaking hinahanap ko nang napakatagal na panahon.Sa halip na makaramdam ng saya ay pait ang naramdamam ko, lalo na nang marinig ko ang boses nitong nakasanayan ko na sa bago niyang katauhan.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Tila ba nakaramdam ako ng pait sa sarili ko nang mapag-alaman kong iisa lang sila.All this time, niloko ako at binilog ng lalaking pinagkatiwalaan ko rin ng ilang taon. Pagkatapos niyang ituro ang address ng inuupuahan kong apartment kay Tita Hyacinth ay naririto na siya ngayon sa likuran ko at tila ba proud pa sa sarili niyang nakatayo na ngayon sa likuran ko.Proud ka sa sarili mo dahil sa napakatagal na panahon ay naririto ka na sa tabi ko, o proud ka dahil nagawa mo na namang mapaikot ang kaisa-isang babaeng nagtiwala sa 'yo.Umasa ako na hindi ko n
Naging maayos namang kasama si Tita Hyacinth sa iisang bahay. Madalas niyang ibigay sa 'kin ang mga bagay na never ko namang hiniling sa kanya. Kusa niyang ibinibigay sa 'kin ang mga pangangailangan kong tanggihan ko man sa kanya ay pilit niya pa ring isisiksik sa 'kin kahit na ayoko.“Minsan lang ako kung magbigay sa 'yo, Hershey,” nakamangol niyang ani na lihim kong inirapan.“Hindi ko kailangan n'yan dahil marami ako n'yan,” angil ko sa kanya bago muling itinulak sa kanya ang karton ng gatas na kabibili niya lang kanina sa supermarket.Yes, kahon ng gatas.Hindi ko alam kung anong problema niya. Hindi ko rin naman magawang matanong sa kanya kung bakit na lang siya ganito kung kumilos sa harapan ko. Ni minsan ay hindi ko naman ipinakita sa kanyang tinatanggap ko na siya.Oo, tinanggap ko na ang kapatid ko sa ama, pero hindi naman ibig sabihin no'n na madali ko na silang mapapatawad ni Daddy. Hanggang ngayon ay naririto pa