Unang araw ng klase, sarcastic agad.Unang kita ko pa lang sa kanya, alam kong may problema na siya sa mundo.Sa paraan ng pagkakatitig niya sa 'kin ay para bang malalim ang galit nito. Wala naman akong ibang matandaang may nakagalit ako. Ni hindi ko nga siya kilala, pero kung makalukot siya ng mukha sa tuwing magkakatinginan kaming dalawa, para bang naiirita na siya. Wala naman akong ginagawa sa kanya, ni hindi ko nga siya pinapansin sa tuwing magkakasalubong kaming dalawa sa iisang daan.“Ang laki yata ng problema ng kaibigan niyo sa 'kin,” bulong ko kay Sofia nang matanawan ko sa malayo si Biguel na abala sa paglalaro kasama ng mga kaibigan niya.Kasama sa try-out si Bryan at kasalukuyan siya ngayong nasa bench upang magpahinga. Tila ba nalibang naman ako sa panonood kay Biguel na ngayon ay seryosong naglalaro.Nakalabi ko siyang pinagmamasdan. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang magulo at maitim nitong buhok na nakakapagpadagdag
Read more