Habang nagsasalita si Yolden, hindi niya mapigilang malungkot, “Minsan, ganito talaga ang mundo ng matatanda. Sa kabila ng magandang relasyon sa isa’t isa, mahirap pa ring magkita dahil sa malaking distansya at kanya-kanyang buhay. Kahit nga siguro tatlo o limang taon pa, hindi madali para sa amin nila Ashley na makita ang isa’t isa”Sumunod, naging seryoso ang ekspresyon ni Yolden sa kanyang mukha, “Kahit bibihira lang namin makita ng asawa ko ang mama mo, malapit pa rin kami sa kanya at tila ba walang nagbago sa namin. Noong buhay pa ang mama mo, tinuturing namin siyang isang matalik na kaibigan. Nakapanghihinayang nga lang dahil maaga siyang pumanaw. Napakagaling niya pa naman…”Hindi mapigilan ni Charlie na makaramdam ng matinding lungkot sa loob ng kanyang puso nang marinig niya ito.Mula sa mga sinasabi ng mga taong nasa paligid, mataas ang kanilang pagtingin sa mga magulang niya, subalit, sa kasamaang palad, walang masyadong alam si Charlie sa kanila.Sa totoo lang, masyado
Read more