Nang marinig ito, hindi na pinilit ni Isaac si Charlie na huwag pumunta. Sa halip, agad niyang inilabas ang kanyang cellphone para tawagan ang ilang tao.Pagkatapos ng ilang tawag, binalikan ni Isaac si Charlie, “Young Master, nakausap ko na ang ilang mga kaibigan ko at nagtanong na ako ng mga overseas channels na pwedeng maging ruta mo. Kung gusto mong pumunta ng Syria ngayon, ang pwede mong gawin ngayon ay lumipad muna ng Turkey o Iran saka ka papasok ng Syria.”Habang nagsasalita, nagdagdag si Isaac, “Pero may problema nga lang ng kaunti. Nasa south ang Turkey at nasa east naman ng Syria ang Iraq, pero nasa southwest ang capital ng Syria na Damascus. Ibig sabihin kahit saan ka man manggaling, mula sa Iraq o Turkey, kailangan mo pa ring bumiyahe ng ilang daang kilometro bago ka makakarating sa mismong Damascus.”“Bukod pa roon, komplikado ang mga daan sa Middle East at walang maayos na transportasyon. Sa biyahe mo pa lang, aabutin ka na ng 20 oras.”Napasimangot si Charlie at hin
Magbasa pa