Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2641 - Chapter 2650

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2641 - Chapter 2650

5681 Chapters

Kabanata 2641

Sa mga mata ni Jeremiah, isang perpektong lalaki si Charlie na mataas ang demand.Maliban sa makapangyarihan at nakamamanghang lakas ni Charlie, inaabangan na ni Jeremiah ang opisyal na pagbabalik ni Charlie sa pamilya Wade dahil sa marriage contract nila ni Quinn, kasama na rin ang pirming posisyon ng pamilya Golding na sundin ang marriage contract na ginawa nila dati kasama ang mga magulang ni Charlie.Ang perang makukuha ni Jeremiah mula sa trade and business nila ay kailangan niyang buuin nang dahan-dahan sa loob ng ilang taon. Pero, ang perang magagawa ni Charlie para sa pamilya Wade para sa simpleng pagpapakasal sa isang babae ay katumbas ng sampu o ilang daang bilyong dolyar ng property at assets na makukuha nila sa iisang gabi lang.Nag-iisa lang ang anak ni Yule at si Quinn iyon. Sa madaling salita, alam ng lahat na mapupunta ang lahat ng yaman ng pamilya Golding sa taong papakasalan ni Quinn.Matagal nang gustong lagpasan ni Jeremiah ang pamilya Schulz. Kaya, sa kanyang o
Read more

Kabanata 2642

Naantig ang puso ni Charlie at banayad siyang nagsalita, “Mahal ko, sa totoo lang, ayaw ko talagang umalis ngayon. Pero regular customer ko ang kliyente ngayon at hindi ko talaga siya matanggihan.”Nang mabanggit ito, napahinto si Charlie sa loob ng ilang sandali, “Mahal, bakit hindi na lang ganito ang gawin natin? Hindi muna ako tatanggap ng kahit anong request sa susunod na buwan pagkatapos ng trabahong ito!”Ipinangako ni Charlie na hindi siya tatanggap ng kahit anong trabaho sa susunod na buwan dahil Tomb Sweeping Festival. Kailangan niya ring pumunta ng Eastcliff para sumali sa ancestor worship ceremony. Sa pagkakataong iyon, gagamitin niya ulit ang Feng Shui bilang palusot para ipaliwanag ang ilang mga bagay kay Claire.Nang marinig ni Claire na hindi tatanggap ng kahit anong trabaho si Charlie sa loob ng isang buwan, lumuwag nang kaunti ang kanyang ekspresyon. Naging malambing rin nang kaunti ang kanyang tono, “Huwag mong kalimutan ang pangako mo ha! Kung maglalakas loob kang
Read more

Kabanata 2643

Nang banggitin ni Charlie na gusto niya nang pumunta ng airport ngayon, napatanong si Isaac nang hindi niya namamalayan, “Young Master, gusto mo nang pumunta ngayon?”Napabulalas si Charlie, “Ano pa ba ang dapat kong hintayin kung hindi ako aalis ngayon? Sa tantsa ko, nakaalis na ang aircraft ni lolo sa Eastcliff. Darating ito sa Aurous Airport pagkatapos ng 20 minuto. Kapag mabagal ang takbo ng helicopter natin, baka mauna pang dumating ang Concorde kaysa sa atin.”Sa pagkakataong ito, nakabalik na rin si Isaac sa kanyang sarili at napangiti siya na para bang nahihiya, “Tama, tama, oo nga. Nakalimutan kong masyadong mabilis pala ang Concorde. Teka lang. Maghahanda na ako ng helicopter.”Pagkatapos magsalita, dinampot ni Isaac ang walkie-talkie niya sa mesa saka siya napabulalas, “Pakisabihan ang helicopter crew na maghanda agad. Aalis tayo papunta ng Aurous Airport sa loob ng limang minuto!”Hindi nagtagal, narinig ni Charlie ang tunog ng makina ng helicopter mula sa bubong.Agad
Read more

Kabanata 2644

Ilang minuto ang makalipas, dumating na ang helicopter ni Charlie sa Aurous Airport.Sa kasalukuyan, nakaparada na ang Concorde sa dulo ng airport runway.Nagsalita ang piloto sa puntong iyon, “Young Master, Chairman Cameron, sinabihan kami ng mga tao sa airport na nakahanda nang umalis ang Concorde. Pwede na tayong direktang lumapag sa Concorde para makasakay kayo agad doon!”“Sige!” Tumango si Charlie. Lalo pa naging sigurado si Charlie kung ano ang dahilan ng tagumpay ng marami sa mga malalaki at maiimpluwensyang pamilya. Malaking bahagi nito ang suporta at kasiguruhan na mayroon sila sa pamamagitan ng kanilang mga koneksyon.Kung ordinaryong tao ang pupunta sa Syria gaya ng napag-usapan nilang ruta ni Isaac, aaabutan sila ng 24 oras.Subalit, kung may kumpletong support system ang isang tao, aabot lang ng anim na oras ang kakailanganin niya para makarating ng Syria.Hindi malaki ang 18 na oras na diperensya sa ordinaryong pagkakataon. Para bang pinagkaiba lang ito ng isang pl
Read more

Kabanata 2645

Hindi inakala ni Yolden na handa na palang pumunta ng Syria si Charlie!Tinawagan niya si Charlie hindi naman para humingi ng tulong. Pakiramdam niya wala namang pwedeng magawa si Charlie para tulungan siya. Matapos ang lahat, anim hanggang pitong libong kilometro ang layo nila sa Syria ngayon. Nasa kamay rin ng oposisyon ang kanyang anak at armado silang lahat.Sa ganitong klase ng sitwasyon, kahit ang mismong hukbo ng gobyerno ng Syria wala ring masyadong magagawa. Kaya, hindi inaakala ni Yolden na handa si Charlie na tulungan siya.Ang dahilan kung bakit niya tinawagan si Charlie ay para balitaan lamang ito.Kaya, nang marinig niyang papunta na si Charlie sa Syria, nagulantang siya at hindi niya alam ang sasabihin niya.Pagkatapos ng ilang sandali, hindi niya namalayang nagtanong siya, “Charlie, ikaw… paano ka pupunta ng Syria? Walang civil aviation doon ngayon…”Sa pagkakataong ito, nakababa na si Charlie ng helicopter at pasakay na siya sa payat na Concorde sa harap niya.H
Read more

Kabanata 2646

Hindi alam ni Yolden ang plano ni Charlie.Nang marinig niya na balak gumamit ng pera ni Charlie para lutasin ang problema, gumaan nang kaunti ang pakiramdam niya.Sa una ay umaasa siya na handang bayaran ng United States Embassy ang ransom. Pero, mukhang sobrang matatag at disidido ang United States Embassy, at hindi sila magbibigay ng lugar sa kalaban para sa kahit anong negosasyon.Ngayong handa si Charlie na bayaran ang ransom para sa kanila, naramdaman ni Yolden na hangga’t makukuha ng kabila ang gusto nila, tutuparin nila ang pangako nila.Kaya, sobrang nagpapasalamat siya kay Charlie at sinabi niya, “Charlie, iiwan ko na ang lahat sayo!”Bahagyang ngumiti si Charlie habang sinabi, “Tito Hart, huwag kang mag-alala. Aalis na ang eroplano, kaya hindi na kita makakausap.”Mabilis na sumagot si Yolden, “Okay, okay. Hihintayin ko ang ligtas na pagbabalik mo!”Pagkatapos ibaba ang tawag, nakaupo na si Charlie sa Concorde. Sinuot na nina Charlie at Isaac ang kanilang seat belt pa
Read more

Kabanata 2647

“Paano ko sila ililigtas at ilalabas nang ligtas?”Nang marinig ni Charlie ang tanong ni Isaac, ngumiti nang mapait si Charlie bago sumagot nang prangka, “Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung paano ko sila ililigtas o kung paano ko sila mailalabas nang ligtas.”Tinanong ni Isaac nang kinakabahan, “Kung gano’n, gaano kalaki ang kumpiyansa mo ngayon?”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Hindi pa ako nakakapunta sa Syria, at wala akong alam sa lakas at depensa ng kalaban ng Syria. Pero, ayon sa sitwasyon na sinabi mo, mukhang pinapatunayan ng impormasyon na sobrang lakas at makapangyarihan ng kabila. Kahit na medyo magaling ako, imposible para sa akin na labanan ang libo-libong sundalo na may mga armas. Kaya, maghahanap na lang ako ng paraan na pumasok nang tahimik.”Habang nagsasalita siya, bumuntong hininga si Charlie at sinabi, “Kung swerte ako, marahil ay makapasok ako nang tahimik, pero kung malas, marahil ay hindi man lang ako makapasok.”Nag-aalala nang sobra si Isaac habang sin
Read more

Kabanata 2648

Tumango si Charlie. “Okay. Sabihan mo sila na maghanda ng isang skydiving instructor na sasakay sa eroplano kasama ko para maturuan ako kung paano ilabas ang parachute at kontrolin ang direksyon nito!”***Pagkatapos lumipad ng mahigit apat na oras, sa wakas ay bumaba na ang Concorde ni Charlie sa Beirut Airport, sa kapital ng Lebanon.Hapon na sa Beirute, at ang temperatura ay nasa 30 degrees Celsius na.Medyo makulimlim ang langit, at mamasa-masa ang hangin. Mukhang hindi pa bumababa ang isang malakas na ulan kahit na matagal na itong naiipon.Pagkatapos bumaba ng eroplano ni Charlie, direktang pumasok ang eroplano sa isang malaking hangar. Sa sandaling ito, ay isa ring transport plane na may apat na propeller engines na nakaparada sa hangar. Isang grupo ng crew member ang nakapalibot sa eroplano para mangasiwa ng isang detalyadong inspeksyon.Pagkatapos tumigil ng eroplano, ibinaba na ang hagdan. Binuksan ng crew ang pinto, at lumabas nang magkasama sina Charlie at Isaac sa ca
Read more

Kabanata 2649

Pagkatapos sumakay ni Charlie sa eroplano, tinuro ni Gary ang isang foreigner na sinusuri ang parachute bag at sinabi, “Young Master, siya si Vladislav mula sa Russia. Isa siyang paratrooper instructor, at may dalawampung taon na propesyonal na karanasan siya sa skydiving sa mataas na altitude. Sobrang mayaman siya sa karanasan.”Ang Russian na tinatawag na Vladislav ay tumayo bago siya sumaludo kay Charlie habang sinabi sa hindi matatas na Oskian dialect, “Hello, Mr. Wade! Pansamantala akong magiging skydiving instructor mo. Kung hindi ka kumpiyansa, pwede akong tumalon kasama mo, pagdating ng oras.”Tumango si Charlie bago tinanong, “Kung tatalon ako nang mag-isa, ano ang dapat kong bigyan ng atensyon?”Ipinaliwanag ni Vladislav, “Kapag papalapit na tayo sa destinasyon, pipiliin ko ang pinaka angkop na lokasyon para sa skydiving ayon sa altitude, daloy ng hangin, at bilis ng hangin sa paligid ng destinasyon. Kung magpasya ka na mag-skydive nang mag-isa, kailangan mong maging disid
Read more

Kabanata 2650

“Ito…” Nagmamadaling tumingin si Gary kay Vladislav.Nalagay sa mahirap na sitwasyon si Vladislav, at sumagot siya nang nahihiya, “Mr. Wade, kung masyadong malapit ang landing spot mo sa kanila, natatakot ako na malaki ang posibilidad na makita ka nila bago ka pa makababa. Kaya, para rin ito sa sarili mong kaligtasan.”Sumagot nang walang pakialam si Charlie, “Ayos lang iyon. May paraan ako para hindi nila ako madiskubre.”Sa sandaling ito, walang magawa si Gray, at nilabas niya ang isang engineering plastic box mula sa ilalim ng kanyang upuan. Pagkatapos itong buksan, makikita ang dalawang itim na pistol, mga bala, at isang stainless steel na tactical dagger, at ilang granada. Pagkatapos, sinabi niya kay Charlie, “Young Master, dapat mong dalhin ang lahat ng armas at gamit na ito kung sakaling kailanganin mo ito.”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ako marunong gumamit ng pistol.”Napabulalas si Gary, “Hindi ka marunong gumamit ng pistol?! Kung gano’n… paano mo maipagtatanggol
Read more
PREV
1
...
263264265266267
...
569
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status